Cover Created by: Jojimar Lachica
Written by: Zildjian
Blogsite: ZildjianStories
Author's Note:
First things first. Hindi po ibig sabihin na porket gumawa na ako ng teaser nito ay hindi ko na tatapusin ang TDBM ko. Sadyang excited lang ako kaya kahit di ko pa tapos ang TDBM ay ginawan ko na ng teaser ang 3rd series kong ito.
Bakit nga ba ako excited? Iyan ang tanong ko sa sarili ko kanina pagkatapos gawin ni Joji ang cover nito. Well, siguro excited ako una kasi may dahilan na ako para sipaging tapusin ang TDBM ko. Pangalawa ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa pagsusulat ko ay ito lamang ang series na agad na natapos sa utak ko ang mga mangyayari.
Isa rin sa mga rason kung bakit medyo excited ako sa series na ito ay dahil balak kong mag-experiment. Iyong gumawa ng isang bagay na hindi ko pa nagagawa sa mga natapos ko ng kwento at syempre ang hanapan ng partner si Brian (Kaibigan ni Dave). LOL! kaya sana ay magustohan niyo ang mga magiging kwento nila at pati na rin ang teaser na ito. Ingat!
Emman Flint
Sa apat na meyembro ng skyband, si Emman ang naiiba, sapagkat, kahit pa man kabilang siya sa apat nameyembro ng sikat na bandang Skyband ay problema ni Emman ang makitungo sa mga tao. Wala sa kanyang bokabularyo ang salitang pakisama. Allergic siya sa mga taong gustong makipaglapit sa kanya. Siya ang sikat na mas pipiliin pang mapag-isa kesa ngumiti katabi ng fans habang nakaharap sa camera.
Suplado, masungit at mahirap-i-approach. Iyan ang mga description ng mga taong nakakatikim ng rejection sa kanya at kasupladohan niya. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, isang tao ang kanyang makikilala na siyang yayanig sa kanyang tahimik at madilim mundo. Isang klase ng tao na ni sa hinuha ay hindi niya pinangarap na makadaupang palad. Papaano babaguhin ng taong ito ang kanyang buhay? At papaano nito magagawang mahila siya mula sa masalimuot na nakaraan?
Markus Iñigo
Charming, oozing with sex appeal, at approachable. Ilan lang iyan sa maraming papuring natatanggap ng lead-guitarist ng bandang Skyband na si Markus. Bukod sa kanyang pinakamamahal na guitara ay isa rin sa hindi mabitiw-bitiwan ni Markus ay ang kanyang laptop. To the point na halos pati sa pagtulog ay katabi niya ito.
Nababaliw at nuknukan ng tanga naman ang tawag sa kanya ng mga ka-banda. Sapagkat sa dami ng nahuhumaling sa kanya, mas binibigyan pa niya ng pansin at oras ang ka-chat na kailan man ay hindi pa niya nakakadaupang palad. Ngunit baliwala ang kahit na ano mang mga pinagsasabi ng mga ito. Dahil para sa kanya, siya lamang ang tunay na nakaka-alam kung sino at ano ang gusto ng kanyang puso. Ngunit papaano kung sa pagdating ng kanyang pinakahihintay na araw ay ang pagbulaga sa kanya ng isang mapait na katotohanan? Makakaya ba niyang mapanindigan ang nararamdaman ng kanyang puso?
Lexin
Kung ang pagiging flirt ang pag-uusapan ay hindi pahuhuli ang base na si Lexin. Wala na yatang tatalo pa sa kanya pagdating sa larangan ng pagiging mahilig. Hindi umuso sa kanya ang salitang magpakatino. He treat each day like it was his last day na kailangan niyang sulitin para wala siyang pagsisihan sa buhay.
Saan nga ba siya dadalhin ng kanyang mga ginagawa? Hanggang saan niya kayang panindigan ang pagiging playboy para lamang maitago ang isang nakaraan na ayaw na niyang muling maalala pa? Papaano kung ang tadhana na mismo ang makipaglaro sa kanya? Makakaya ba niyang manalo, o siya ang luluhod dito?
Tommy
Sa lahat na yata ng mga bokalista sa mundo ay si Tommy ang pinaka-kakaiba. Bukod kasi sa kanyang di matanggal-tanggal na stage fright sa tuwing sasalang siya para kumanta ay sobra pang mahiyain ang bokalista ng Skyband. Iisang tao lamang ang may kakayahan para makumbinsi siyang kumanta at iyon ay walang iba kung hindi ang kanyang dakilang kaibigan. Ang taong siyang taga-boost ng kanyang unstable na confidence at ang kauna-unahang taong humanga sa galing ng kanyang boses.
Papaano babaguhin ng taong ito ang buhay niya? At papaano niya magagawang maisapuso ang talentong ibinigay sa kanya kung binabakuran niya ng husto ang kanyang puso para maiwasan na makapasok dito ang tunay niyang damdamin para sa kanyang kaibigan?
Abangan ang bawat k’wento nila sa pangatlong series na gagawin ko na pamamagantan kong “Skyband”. Sabay-sabay nating alamin ang pagkapare-pareho nila na magiging daan para lalo pa nilang makilala ang isa’t isa at mapatatag ang samahan na ni sa hinagap ay hindi nila akalaing mabubuo.
No comments:
Post a Comment