XI
Tragedy – ll
The night was soberly still and cold, ngunit sa kabila ng matiwasay
at matahimik na gabing iyon ay ramdam parin ang maalon na karagatan.
Kahit saang sulok ka man lumingon sa barko ay
masisilayan ang mga pasaherong kanya-kanyang pwesto ng matutulogan habang
pinapahanginan din ang mga sarili gamit ang pamaypay nilang gawa sa tinuping
karton. Ang iba naman ay nakahiga sa sahig o di ka’y tinitiis ang mamaluktot sa
mga benches na nagsisilbi nilang higaan. Maririnig rin sa loob ng passenger’s
cabin ang mga iyak ng mga sanggol dahil sa init at sobrang sikip sa loob. Hirap
ring makatulog rito sapagkat gugulantang sayo ang amoy na nagmumula sa mga
katawang pawisan ng mga pasahero roon.
Ang grupo nina Enrico ay
nakapuwesto sa dalawang double deck na higaan na sinadyang pina-reserved para
sa kanila ng crew dahil kasama ito sa
binayad ni Enrico sa kanya. Tama nga't ito ay NAKA-RESERVED PARA LANG kay Enrico at
sa mga kasamahan nito dahil ang mga bata ay nagtitiis lang sa sahig matulog.
Hindi kasama ng mga bata sina
Abrahim at Jolina.
“Ayos lang kaya ang mga bata
doon?” tanong ng matabang kasamahan ni Enrico.
“Wala akong pakialam.” Sagot
niyang walang bahid na pag-aalala.
“Baka naman napano na ‘yung
dal’wa? Mas lalo tayong malalagot niyan.” Dagdag niya.
“Kanina pa tayo lagot hindi pa
man tayo nakasakay sa barko..” ani niya. “Bwisit!” sambit niyang may gigil at
inis.
“grabe pare, biruin mo naisahan
ka ng dalawang bata..” Pabirong sambit ng isa pa nilang kasamahan na si Lucio, nakahiga
sa itaas at halatang pinipigilan ang sariling hindi matawa.
“Wag mo kong palalain Lucio..”
sumbat ni Enrico’ng naiinis na. “Papuntahin mo si Mauro sa baba para tingnan
ang mga bata ‘dun baka may gagawin na namang kalokohan ang dalawa..” matigas na
tugon ni Enrico.
Tumango lang ang matabang
kausap niya. Pano naman makakagawa ng
kalokohan ‘yun eh naka-kandado ang mga ‘to. Bulong nito.
Tumingin lang si Enrico sa
kanya.
Habang nakikinig sa kanila si
Joaquin na sa oras na ‘yon ay gising pa.
******************
“Masakit
parin ba?” tanong ni Jolina na ramdam ang pag-aalala sa kaibigan.
“S-sabi
ni Inang at Amang ko kailangan kong maging matapang kahit anong m-mangyari…” sagot
naman ni Abrahim na pinipilit ang sarili na hindi umiyak kahit pakiramdam niya
ay naninikip na ang kanyang dibdib at halata sa boses nito na aalon-alon. Marahan niyang hinimas ang pasang natamo sa
gilid ng bibig niya na likha ng sampal ni Enrico n’ong malaman niyang iniwan
niya ang sanggol. Sa tindi ng poot ni Enrico ay halos mapatay na niya ang bata sa
ginawa niyang paggulpi dito. Mabuti nalang
pinigilan siya ng kanyang mga kasamahan at pinaalahanan tungkol sa bilin sa
kanila ni Bossing. Kung kaya’t imbes na suntok ay kinuha niya ang lampin na
ginamit ng dalawa kanina at pinaghahampas niya ito sa dalawang bata. Nahabag
ang ibang mga pasahero sa ginawa niya sa bata at sinubukang pigilan siya pero
sinusumbatan niya lang ang mga ito na hindi makialam. Nang mapagod na ang
walang pusong si Enrico ay dinala niya ang dalawang bata sa lower deck at
ikinulong niya ang dalawa sa loob ng room na ang laman ay mga basahan, at
walis. Mabaho, mainit, marumi at madilim ang maliit na kwartong iyon na tanging
maliliit na butas sa pinto lamang ang nagbibigay ng mapanglaw na liwanag na
mula sa labas at kaunting hangin upang hindi sila malunod dun sa masangsang na amoy.
Hindi makalabas ang mga bata dahil kinandado ito ni Enrico.
Napagod
na ang dalawa sa pagsisigaw ng tulong dahil wala namang nakakarinig sa kanila roon
sapagkat wala naman sigurong pasahero na kakayaning magtambay ‘dun kahit na
gaano kasikip na ang ibang parte ng barko bukod sa mabaho at marumi dito ay
malapit rin dito nakalagay ang septic tank ng barko nakung saan dito napupunta ang rumi ng mga tao mula sa mga "heads"(toilets) ng barko..
At tinitiis
ito ng dalawang bata, bagkus ay nagkwentuhan na lamang ang mga ito.
“Ayos
lang kaya si master ngayon?” alalang wika ni Abrahim para sa sanggol.
“Siguro..
mukha namang mabait si Lola eh, aalagaan naman siguro niya kapatid mo..”
“H-hindi
ko siya kapatid Jolie..?”
“Ahmmm?,
eh ano mo pala?”
“Master
ko…” pagmamayabang sagot niya rito.
Napabuntong
hininga lang si Jolina at namayani ang katahimikan.
“Babalikan
ko si Master…” basag niya.
“Eh
pano yan? Hindi mo naman kilala si lola..”
“Hahanapin
ko ang sila…” mariing sagot ni Abrahim. “M-may palatandaan ako sa matandang
ale..”
“Yung
malaking nunal niya sa noo?” dugtong ng kaibigan.
Tumango lang si Abrahim, “..at malalaman ko din iyon
dahil may iniwan ako kay master para kung suot niya ito malalaman ko na siya si
Master..”
Hindi
na kumibo si Jolina.
“Iniwan
ko din sa bag ang libro…” dagdag ni Abrahim.
At
muling namayani ang katahimikan.
Nainagan
ni Jolina na marahang lumuhod si Abrahim sa basang sahig. “A-ano ginagawa
mo..?” basag niya.
Patuloy
paring nanahimik si Abrahim at pagkakuan ay “Magdadasal” wika niya.
“Ganun..?”.
“Oo..”
simple niyang sagot na sinabayan ng pagtango sa ulo.
“bakit?”
“Para
tulongan tayo ni Bathala..”
“Maririnig
ka kaya ni God?”
“Oo
naman, kasi isa akong anghel..”
Bahagyang
natawa si Jolina sa sinabi ni Abrahim. “Eh wala ka namang pakpak ahh?”
paninigurado niya.
“Eh
kasi sabi ni Amang nasa lupa ako…at pagdating ko dun sa langit tutubo ito..”
“
At bak-“
“Ssshh…”
putol niya kay Jolina sa sasabihin pa sana nito.
Natahimik
si Jolina, at wala na din itong magawa kundi sabayan si Abrahim sa pagdadasal.
Naputol
lang ang taimtim nilang pagdarasal ng biglang may sumipa sa pintuan.
“Hoy!
Kayong dalawa…humihinga pa ba kayo diyan!!?” bulalas nito. “Ayos din kayo noh,
at naisahan niyo si Enrico..uhm” sarkastikong sambit nito sa mga bata. Sumilip
ito sa isang butas upang tingnan ang mga bata sa loob at pagkatapos ay tusong
iwinagayway ang dalang susi na parang nagpapainggit.
“Sir!
palabasin niyo na po kami dito maawa na po kayo sa amin…”pakiusap ni Jolina.
“S-senor….h-hindi
po ba kayo nahahabag saamin…” wika naman ni Abrahim na napatingin naman sa
kanya si Jolina dahil sa kaiba itong magsalita na parang nasa sinaunang
panahon.
Tumawa
lang ang lalaki. “Bukas na kayo makakalabas dito…pahamak kasi kayo!”.
Pagkatapos ay lumayo na ito sa pintuan at pansamantalang tumayo sa unahan
walong metro mula sa kinaroroonan ng mga bata at dumungaw sa bilog na butas na
kasya lamang ang ulo upang tingnan ang labas. Madilim at tanging ingay lang ng
karagatan ang maririnig na humahampas sa barko.
********************
Halos
tulog na ang lahat ng mga pasahero sa barko at pati narin ang grupo nina
Enrico.
Mahigit isang oras na rin ang lumipas
mula nung pinuntahan ni Mauro ang mga bata.
Hindi
na namalayan ni Mauro na nakatulog pala siya, at nagising na lamang na
niyuyugyogng isang paa. “ Anak ng demonyo…. Mauro! Gising! Gising!” bulalas ng
lalaking gumigising sa kanya.
“Ah-
E-Enrico….” Tarantang sagot nito habang mabils na tumayo.
Kumawala
ang malalim na hininga ni Enrico, “kahit kelan wala ka talgang silbi…. Kung
hindi pa ako nagising baka may nangyari pa dito….Kumusta ang dalawa?”
“S-sinong
dalawa?” sagot ni Mauro na naalimpungatan.
“Bwisit!
Sino pa eh di ang mga bata! Bobo!” galit niyang sigaw sabay batok sa kanya.
“T-ta-tama…ang
mga bata… n-nandoon pa sila sa loob…” nagkukumahog na sagot niya sabay turo sa
silid kung saan nandoon ang mga bata.
Tinungo
nilang dalawa ang kuwarto, habang papalapit sila rito ay sumasalubong naman sa
kanila ang masangsang na amoy.
“Sa-saglit
lang …” kinapa niya ang kanyang bulsa upang hanapin ang susi.
“Punyeta!!!!!
Susi ba hinahanap mo?….ba’t nakabukas na ‘to!!!” biglang sigaw ni Enrico sabay
hawak sa kandadong nakabukas na namumula at nanglilisik ang mata at kulang
nalang ay bubugahan na siya nito ng apoy.
Natigilan
si Mauro ng makita niyang nakabukas na nga ito pagkatapos ay mabilis niya uli
kinapa-kapa ang mga bulsa niya subalit wala na ang susi.
“Pa-paano
nangyaring….”
“Anak
ng….”, susuntukin na sana niya si Mauro ng biglang may sumigaw sa kanilang
likuran.
“Enrico!
Nawawala si Joaquin!!!!”
Pakiramdam
niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo na parang sasabog ito at
nanigas ang panga niya sa narinig. Lumipat ang tingin niya kay Mauro at
itinulak na lang ito ng malakas.
“Hanapin
niyo!! Mga mangmang!!!” umalingawngaw ang galit niya sa silid.
******************
“Salamat
kaibigan..” nakangiting wika ni Abrahim.
“Oo
nga waki… salamat!” segundang tugon din ni Jolina.
Gumuhit
ang ngiti sa mga labi ni Joaquin na siya ring ikinatwa din ng dalawa niyang
kaibigan na muli nilang nasilayang ang ngiti nito.
“W-walang
ano man…” mahinang sambit ni Joaquin.
“Teka
lang…” biglang hawak ni Jolina sa braso ni Joaquin na siyang muling ikinagulat
nito at iniwaksi ang kamay ng batang babae.
“P-pa-pasensya-“
uutal-utal na wika ni Joaquin.
“Ayos
lang iyon wak, pa-paano mo pala nalaman na nakakulong kami dun..” ani ni Jolie.
“N-narinig
ko sila habang nag-uusap..n-nang makatulog sila ay hinanap ko kayo, at nakita
ko ang k-kasamahan ni…” paliwanag niya ngunit hindi mabigkas ang pangalan ni
Enrico.
Tumango
lang ang dalawa.
“Saan
ngayon tayo pupunta…?” wika ni Abrahim na natatakot na rin baka mahuli sila uli
ni Enrico.
“Magtatago
muna tayo,…” suhestyon ni Jolina. “At bukas pagdating natin sa Manila..tatakas
tayo..”
Muli
silang tumakbo at nagpalundag-lundag sa mga natutulog na mga pasahero sa sahig
at naghahanap ng matataguan.
Ano ba ‘yan! Tumingin kayo sa dinaanan
niyo mga bata! suway ng babae na
naapakan ang paa.
Narinig
ito ni Enrico at napalingon sa bahagi kung saan narinig niya ang umangal na
babae at binanggit ang salitang mga bata. Agad niya itong tinungo.
“Misis,
may nakita ba kayong napadaan na tatlong bata”
“Yung
tatlong disturbong bata….dun….dun..pumunta ang tatlo..kainis! diturbo
kayo!” Taray niyang turo gamit ang
maputlang nguso nito kung saan pumunta ang mga bata.
Hindi
na nakaantay si Enrico at dagli itong umalis. Lagot kayo sakin mga bwisit kayo! Sumpa niya sa sarili.
Nag-abot
si Mauro at Enrico. “Oh Ano?! Nakita niyo na ang mga bata?!...” dagliang bungad
niya.
Umiling
lang si Mauro.
“BWISIT!
BWISIT!” gigil niya. “Wag kayo titigil hanggat hindi nyo Makita ang tatlo! Mga
mangmang!”.
“hanapin niyo sa bawat sulok ng
barko…hindi yun makakalis sa barko!”
Mabilis
na umalis ang dalawa upang hanapin uli ang mga bata.
“Wala
na ba sila?” tanong ni Jolina.
“Naka-alis
na..” sagot naman ni Joaquin.
“A-anong
ginagawa niyo dito? Sino kayong mga bata kayo?” wika ng matandang mama na
nagising sabay buklat sa kumot niya kung saan sa ilalim ng kumot nito nakatago
ang mga bata.
“P-pasensya
po sa inyo señor…” pagpapaumanhin ni Abrahim at pagkatapos ay mabilis na tumayo
ang mga bata at tumakbo habang nakatulala lamang ang matanda.
Hanggang
sa di naglao’y napadpad sila sa dulo ng barko.
Tsk.tsk.tsk… “Checkmate….”
Napalingon
ang mga bata at bumulaga sa kanila ang dalawang lalaki na kasamahan ni Enrico
na sina Lucio at Mauro na may mala-demonyong ngiti.
Akmang
tatakas sana ang mga bata, ngunit mabilis silang hinarangan ng mga ito.
“Anong
gagawin natin?” takot na sambit ni Jolina na nanginginig ang boses.
“Hindi
ko alam….h-hindi ko a-alam…hindi..hindi!” nanginginig na sigaw ni Joaquin
habang mahigpit na tinatakpan ang mga tenga ng kanyang mga palad.
“Wag
kayo mag-alala…lalaban tayo?” matapang na wika ni Abrahim kahit nanginginig na
din ang tuhod nito.
“Shonga
ka ba eh..mga bata lang tayo, paano tayo lalaban?!” Sumbat ni Jolina.
“Basta..”
tipid na sagot niya.
Paano
nila matatakasan ang dalawang barumbado? Na sa katutanayan ay wala silang laban
sapagkat mga bata lamang sila- sa edad, sa sukat ng katawan at kahit sa isipan.
Malabong malalabanan nila sina Lucio at Mauro.
Sinugod
ng dalawa ang mga bata.
Nahuli
ni Mauro si Abrahim at binuhat niya ito sa balikat at habang mahigpit na
hinawakan niya sa braso si Joaquin. Habang si Jolina naman ay nakagapos sa
kamay ni Lucio.
“Bitiwan
mo ako! Bitiwan mo ako!” pagpupumiglas ni Jolina.
“Tumahimik
ka! Kung ayaw mong ipakain kita sa pating!” sumbat ni Lucio sa kanya. “Pahamak
kayo!”
Dahil
sa katigasan ni Jolina, sinipa niya ang pagkalalaki ni Lucio at dahil sa lakas
ng pagkasipa ay napmaluktot it sa sakit, sanhi upang mabitawan niya si Jolina.
“Takbo
Jolie..takbo!” sigaw ni Abrahim sa kaibigan na kumaripas rin ng takbo.
Subalit
hindi pa man ito nakakalayo, ay may biglang humampas sa kanya sa mukha at
humandusay sa sahig. Bahagyang nahilo ang bata at dumugo ang labi nito
“E-Ehn.rico..”
hirap na bigkas ni Lucio sa pangalan ng pinuno nila habang hawak-hawak ang
bahaging sinipa ni Jolina.
Tahimik
parin si Enrico, lumapit ito kay Jolina at dumura. Pagkatapos ay tahimik itong
tinanggal ang suot niyang sinturon. Nang tuloyan na nitong matanggal ang
sinturon ay hinagupit niya ng latigo ang bata gamit ito. Di masukat ang sakit
na nararamdaman ni Jolina dulot ng sinturon sa tuwing dumadampi ito sa manipis niyangbalat.
Di maimpit ang iyak ng batang babae hanggang sa ito ay manghina ng lubusan.
Maya-maya
pa ay tumingin siya kay Mauro. Nagpapahiwatig na ibaba ang dalawang bata mula
sa pagkakabuhat nito sa balikat. Marahan at tahimik itong lumapit sa dalawang
bata, nakikita niyang nangingnig ang mga ito imbes na maawa ay ngumiti ito sa kanila
at sa kaloob-looban ni Enrico ay naramdaman niyang tumigas ang kanyang
pag-aari, nakaramdam siya ng init sa katawan habang pinagmamasdan ang dalawang
batang lalaking mangiyak-ngiyak na sa takot.
Marahan
nitong inangat ang kamay niyang may hawak na sinturon upang simulan ang
paglatigo. Huminga ito ng malalim at inipon ang lakas sa kanang braso nito na
ang pinupuntirya ay si Abrahim. Akma na sana itong hahampas ng biglang yumanig ng
malakas ang barko at nagkaroon ng malaking pagsabog. Tumilapon ang dalawang
kasamahan ni Enrico sa sahig, habang siya ay humandusay sa dalawang bata.
Sumunod
nito ay umalingawngaw ang ingay ng mga pasaherong halos magkandarapa sa
pagtakbo. Marahang bumangon si Enrico at tumingin sa likuran niya. Nasilayan niya
na nagliliyab ang kabilang dulo ng barko habang nakadikit pa ang isang barkong
bumangga sa kanila na may kargang daan-daang tolenadang langis at gas.
“K-kaibi-gan….ba-bangon…”
gising ni Abrahim kay Joaquin.
“A-anong
nangyari…bakit may apoy? A-ang mga tao?” takot na wika ni Joaquin habang
pinagmamasdan ang paligid na nagkakagulo na sa oras na ‘yon.
“Hi-hindi
ko alam…”
Narinig
sila ni Enrico at lumapit sa kanila. Tila nawawala sa isip ito. Hinalbot niya
ang dalawang bata.
“Bitiwan
mo kami…bitiwan mo kami..!” iyak ni
Joaquin.
“Enrico…!”
tawag sa kanya ni Lucio at hindi siya pinakinggan.
“Enrico…iwan
mo na ang mga iyan…kailangan nating makaalis dito...nasusunog na ang barko!”
“Walang
aalis! tumabi ka diyan sa dinadaanan ko… kailangan nating madala ito sa manila!”
“Nababaliw
ka na ba?! Nasusunog na ang barko!”
“Umalis
ka!” pagmamatigas niya.
Hindi
na pinigilan ni Lucio si Enrico at dagli itong umalis, pupuntahan pa sana niya
si Mauro pero pansin niyang lumalala na ang nangyayaring sunog. Dahil sa
taranta at takot ay tumalon ito sa dagat, pero kumalat ang langis sa tubig at
nagliyab ito kasama siya.
Hawak-hawak
parin ni Enrico ang mga bata. “Hinding-hindi ko hahayaang makatakas kayo uli!
Mga anak kayo ng puta!” paninigurado niya sa mga bata na puno ang sarili ng
matinding poot.
Pilit
paring nagpupumiglas ang mga bata. Hanggang sa napasigaw na lang si Enrico ng
bigla nalang siyang kinagat sa braso ni Joaquin at dahil buhat niya sa balikat
si Abrahim ay kinagat din siya nito sa tenga. Sa tindi ng pagkakagat ni Abrahim
sa tenga bumaon ang mga ngipin nito at dumugo. Nabitawan niya si Joaquin at
itinapon si Abrahim sa sahig. Mabilis na nilapitan ni Joaquin ang kaibigan
habang naguumaray pa si Enrico sa sakit ng kagat ni Abrahim. Sanhi nito ay
tumindi ang kanyang galit, at nilapitan ang dalawa na puno ng dugo ang pisngi
at balikat nito. Hinila niya ang damit ng mga bata, pero maya pa’y biglang may
malakas na humampas sa kanyang mukha at napasigaw ito sa sakit.
Nakita ni Abrahim si Jolina na hawak
ang sinturon ni Enrico. Mabilis silang tumayo at agad tumakbo palayo sa halimaw,
subalit naabutan ang binti ni Jolina at mahigpit na hinila ito ni Enrico.
Nataranta ang mga bata, hinila din nila si Jolina mula sa pagkakahawak pero
mahigpit ang kamay ng tosong si Enrico.
Pinulot ni Joaquin ang sinturon at malakas na pinaghahampas ito sa kanyang
mukha. Sa oras na iyon ay ramdam ni Joaquin ang naguumapaw na poot at ang
pagnanais na gumanti, habang pinaghahampas niya ang taong pinagsamantalahan ang
kanyang kamusmosan ay puno ng luha naman ang kanyang mga mata. Binaliktad niya
ang sinturon ng sa gano’y ang parte nito na may bakal ang tatama sa mukha ni
Enrico. Nabitawan ni Enrico ang binti ni Jolina, pero patuloy parin si Joaquiin
sa kanyang paglalatigo kay Enrico.
Lumawak ang pagkadilat sa mata nina
Abrahim at Jolina ng napansin nilang umaapoy ang kamay ni Joaquin na siyang
ipinagtataka nila na parang hindi man lang nararamdaman ito na nagliliyab na
ang kanyang mga kamay.
“Tama na! T-tama na…” pangtitigil ni
Abrahi.
Nahinto si Joaquin sa kanyang ginagawa.
Na may tila ngiti sa mukha.
“A-ang mga kamay mo…” sambit ni
Jolina.
Sa oras na ‘yon parang wala sa sarili
si Joaquin, tulalang tinitingnan ang mga kamay niyang nagliliyab na parang
balewala sa kanya ito.
Pinagtutulangang patayin ng dalawang
bata ang apoy sa mga kamay ni Joaquin at nagawa naman nila ito. Subalit wala na
silang oras at kailangan na nilang umalis doon, iniwan nila ang katawan ni
Enrico na walang malay at duguan ang mukha.
Pero nakaramdam ng awa si Abrahim, at
sinulyap ang walang malay na si Enrico pero huli na ang lahat dahil dahan-dahan
ng kinakain ng apoy sa paligid ni Enrico.
Nagkaroon muli ng malakas na pagsabog
at niyanig ng malakas ang barko na unti-unti na ring lumulubog. Dahil nga sa
dami ng tao na nagpapanic na sa mga sandaling ‘yon at pilit tinatakasan ang
peril ng kamatayan dahil sa malakas na pagyanig ay tumilapon ang mga pasahero
at halos matabunan ang tatlong bata. Nabitiwan ni Abrahim si Jolina, at
tumilapon kasama ng iba na nahulog sa dagat.
“Jolie! Jolie!” sigaw ni Abrahim
habang nasa taas siya ng barko at hinahanap ang kaibigan sa dagat na nagliliyab
na parang impyerno. Bumaha ang luha sa kanyang mga mata, at namayani ang takot.
Pero pilit parin niyang pinapatatag ang sarili habang binabanggit ang katagang Amang….Inang…at pagdadasal kay Bathala
sa isipan. Lumingon siya sa kanyang likuran, pero wala na din dun si Joaquin,
wala na ang kanyang kaibigan.
Habang siya ay naiwang mag-isa sa
gitna ng nag-aapoy na barko.
*******************
Maaliwalas
ang pagsilang ng bagong umaga. Rinig ang huni ng mga ibon na parang binabati
ang bawa’t isa. Isa-isang tumitilaok ang manok, at nagsisimula ng mag-ingay ang
mga sasakyan.
At
sa isang maliit na bahay na yari sa pinagtatagpi-tagping kawayan at
kinakalawang na bubong, ay maririnig rin ang iyak ng isang sanggol habang
dinuduyan ng 64 years old na matandang babae na si Lola Paring.
“Kung
kelan pa ako tumanda dun pa ako binigyan ng bata..” wika niya sa kanyang sarili
habang dinuyan-duyan ang bata.
“Paano
ka naman kasi napunta sa bag ko..” wika niya na kinakausap ang sanggol. “Mamaya
pupunta tayo sa estasyon ng pulis para ipagbigay-alam natin kung saan ang magulang
mo..” sabay buhat sa sanggol.
Nasa
tabi na ng kalye ang matanda at nag-aantay ng tricycle na masasakyan papuntang
police station. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakasakay na ito.
“Saan
ang punta mo nay?” tanong ng tricycle driver.
“Sa
estasyon ng pulis tayo..”
“Ah
sige po..”
Hindi
pa man nalalayo ay tinanong siya ng driver.
“Apo
niyo po nay? Parang may ibang lahi po ata, ang gwapo ng sanggol..” puri niya.
Tumingin
si Lola Paring sa sanggol at ngumiti. Masarap sa kanyang pakiramdam ang marinig
ang tanong ng drayber.
“H-hindi
hijo…naiwan ito ng magulang niya.”
“Ahh,
ganun po ba nay? Napakairesponsable naman ng magulang ng sanggol na iyan..at
iniwan lang ang napakagwapong sanggol na ‘yan.” Bulalas nito. “S-saan mo pala
nakita ang sanggol nay?”
“Sa
pyer…kahapon nung paalis ako ng barko.”
“Ano
nay sa barko? Ang Dona Paz ba tinutukoy niyo?”
“Uu
doon, kaya nga kailangan kong pumunta sa istasyon ng pulis para ipag-alam, baka hinahanap na din ito kanyang mga magulang..”
“Hala,
di niyo po ba alam nay ang balita?”
“A-anong
balita?”
“Sumabog
ang barko na ito sanhi ng bumangga ito sa katagpong barko na puno ng langis...”
“Su-sumabog
ang barko? Yung papuntang Manila?”
“Opo…
may binili akong diyaryo jan nay, basahin niyo po jan..”
Mabilis
na kinuha ng matanda ang diyaryong inipit ng goma sa harap ng kinauupuan niya.
Totoo nga… mahinang bulong nito sa
sarili ng mabasa ang dyaryo.
Nakaramdam
ng takot at pagkahabag ang matanda sa sinapit ng mga pasahero dito dahil sa
mahigit apat na libung sakay nito ay lampas dalawampu lang ang pinalad na makaligtas.
Napatingin
si Lola Paring sa sanggol at nakaramdam ito ng pagka-awa dahil maaring kasama
ang magulang nito sa lumubog na barko.
Magiging
ulila ang bata.
“H-huminto
ka hijo…” mahinang tugon ng matanda.
“P-po?” pagtataka ng driver. "M-malayo pa po tayo sa istasyon ng pulis nay.."
Napatahimik
ang matanda, at muling sumulyap sa sanggol.
“Bumalik
tayo..” basag niya sa kanyang sandaling
pananahimik.
Once it reaches that point, the entire repair
ReplyDeleteprocess possibly can be more expensive and time-consuming.
Spray (recommended) some sort of thick layer gelcoat on an plug.
Feel free to surf to my web page ... prywatny detektyw warszawa
Split the sessions into dissimilar times of you see, the day.
ReplyDeleteIssues a team of professionals who need to learn industrial regular maintenance?
my page - pobierowo
The segment looks at entrepreneurship, happiness, and also the American Dream.
ReplyDeleteThe best way unique is option of speech internationally?
Feel free to visit my page pobierowo
It is in regard to the pursuit of goals and the ultimate satisfaction when they are achieved.
ReplyDeleteUpkeep careers depend inside the success of folks they manage.
Feel free to visit my website ... pobierowo