VIII
Market
Late November,1987;
Tacloban, Leyte
Mainit ang
panahon sa araw na ‘yon, maingay ang paligid, at mahigit daang tao ang abalang
naglalakad sa lansangan at dagdag pa nito ang nakahilerang iba’t ibang klaseng
sasakyan na wari nagpapalakasan ng kanilang mga busina.
“Hoy
bata! Ano ba magpapakamatay ka ba? Tumabi ka diyan!” iritableng sigaw ng mama
na nakadungaw sa bintana ng minamanehong niyang truck.
“Bata
tabi! Nag-unsa man ka dira?” (bata tabi! Ano ginagawa mo diyan?) sigaw ng isa
pang driver ng taxi.
“Putyak
naman oh! Malalate na ako! Umalis ka diyan ano bah!” dugtong ng isa pa na nasa
ikatlong pila.
“HOY!”
hirit pa ng pang-apat.
Sa
sobrang taranta ng bata ay hindi na nito alam kung ano ang gagawin sa mga oras
na ‘yon, kung saan patungo, o kung saang direksyon siya pupunta dahil sa nakakalitong
ingay ng mga nakapalibot sa kanya. Hanggang sa bumalabog ang matulis na huni ng
isang pito na nagmula sa di kalayuan. “Bata!” sigaw ng mama na papalapit sa
kanya.
Nakita
niyang nakasuot ito ng damit na kinulayan lahat ng lutong asul, may gintong medalyon sa dibdib na pinakinang
sa sinag ng araw, nakasuot ng sumbrero na kulay itim na may emblem na nakadikit
sa harapan nito, makapal ang suot niyang sinturon at may isang baril na
nakasuklob sa tagiliran.
Nang tuloyan na itong makalapit.
Agad
siyang yumuko sa harapan nito at tarantang bumati, “b-buenas d-dias senor! L-Lo
siento Espanioles..…” uutal-utal niyang sambit sa wikang Espanol.
Takang
napatingin siya sa bata. “Dong? Unsa na imong gipangyawyaw dira? Taga-asa man
ka? Asa imung mama ug papa?” (Bata, ano ba pinagsasabi mo diyan, saan ka
nakatira? Saan ang mga magulang mo?) wika niya gamit ang kanilang dayalekto.
Marahang
tumingala ang bata upang tingnan ang mukha nito. “S-Senor? ¿No eres un español??
I-invasor?” (Hindi kayo isang espaniol? O mananakop?) takang tanong niya.
Unsa maning bataa uy! Isip niya. “Do you
understand…m-me? W-where you…from…w-what country…” wika niya sa ingles na
madiing pinaiintindi sa bata ang mga salita.
“En
Las Filipinas Señor?”
“P-Pilinas
ba sabi mo?” biglaang tanong niya sabay pamewang.
“Opo.
Sa pilipinas po ako.. Anong bansa po ba ito Señor? Ito na ba yung Amerika”
“Anak
ng…eh kabalo man diay ka magtagalog, gipalisudan pako nimu…”
“Opo.
Marunong ako.” Sagot niya.
“T-teka!
Naiintindihan mo rin ‘yun….?”
Tumango
lang ang bata na puno ng pawis sa mukha at napatahimik, hanggang sa biglang
narinig ng pulis ang matulis na iyak ng sanggol.
“Sa-sanggol?!.”
Gulat na wika niya.
“Ano
ba yan! Aabutin pa ba yan ng pasko?!!” sigaw ng isang driver sa bandang likuran
niya. At hanggang sa umalingawngaw ang sunod-sunod na tunog ng mga busina.
Tumalikod siya at inawagayway ang dalawa niyang mga kamay tanda na okay na ang
lahat.
“Bata… sumama ka muna sa-“ putol
niyang wika nang Makita niyang wala na ang bata sa kanyang harapan. “Bata?
B-bata?” nagpalingun-lingon siya sa paligid
upang hanapin ito. Natigil lamang siya ng Makita niya ito na mabilis na
tumatakbo palayo.
“Bata! Sandali…!”.
Sa loob ng public market ng naturang lungsod, na
kung saan puno ng maraming tao, ang simento na laging basa, at sa pagpasok mo
ay sasalubong ang masangsang na amoy mula sa amoy na pinaghalong isda at karne
ng baboy. Maririnig rin ang mga boses na
kanya-kanyang panghihikayat sa mga kustumer sa kanilang mga panindang gulay,
isda, karne ng baboy at baka, at kung anu-ano pa. Makikita ang batang may
bitbit na sanggol na patuloy parin sa pag-iiyak.
“bata..alis! alis!.. disturbo ka sa kustumer!”
pagsusungit ng ale sa kanya.
Tumango na lamang ito, at marahang umalis.
Tanghaling tapat na sa oras na ‘yon.
Natagpuan na lamang ng bata ang sarili niya na
nakaupo sa gilid sa labas ng palengke na nagugutom habang aguy-agoy ang sanggol
na kanina pang umiiyak.
Nagpalingun-lingon siya sa kanyang paligid. Sa
harap ay may nakita siyang karenderia na may nakapaskil na pangalan Karenderia ni Esing. Marahan siyang
tumayo, at nagtungo dito.
“Hoy bata! Padaplin!” (Bata! Tabi diyan..) galit
na sigaw ng lalaki habang tulak-tulak ang kariton na puno ng kalabasa.
“P-patawad po…” mahinang sagot niya tapos ay
nagpatuloy. Nang makalapit na siya dito.
“Oh bata..sang panahon ka ba galing at ganyan ang
pustura mo. Daig mo pa ang batang Rizal ahh..” pabirong tukso ng isang mama na
nakasuot ng lumang t-shirt na may punit pa sa kili-kili at pansin ang marka ng pawis sa dibdib nito
at may isa pang damit na kulay puti na itinali sa kanyang ulo at toothpick na
nakausli sa kulay sunog nitong mga labi na pinaglalaruan ng kanyang dila.
Tumingin lang ang bata sa kanya.
“Oh ano kailangan mo kakain ka ba? Saan ang
magulang mo? Mukhang napapaos na iyang sanggol sa kakaiyak huh… ay naku! naku
naman tlaga! wala na talagang matinong magulang sa panahon ngayon, kahit
saan-saan nalang iniiwan ang mga bata… Oh ayan tingnan mo Lilah…kailangan
pag-aaral muna aatupagin mo, lumayo-layo ka sa mga lalaki..manloloko ang mga
lalaki ngayon pagkatapos kang anakan…hahanap na iyan ng iba! Kaya iyang si
Berto na anak ng kapit bahay natin…ayaw ko ng makikipagkita ka diyan…
blah…blah…blah…” Dadak ni Aleng Esing ang may-ari ng karenderia sa anak niyang
dalagita.
Ay naku…iniwan
lang ni papa tingin sa mga lalaki masasama na.
“Lilah! Nakikinig ka ba?”
“o-opo ma…” flat na sagot nito sa ina. Tiningan
niya ang bata at lumapit dito. “Bata…. Ano pangalan mo?” tanong niya.
Hindi ito sumagot.
“Kapatid mo ba iyan?” tanong niya uli.
Hindi parin ito sumagot.
“Ilang taon kana? Nakakarinig ka ba?” tanong niya uli
habang turo-turo ang tenga.
Tumango lamang ito sa kanya.
“kumain ka na ba?”
Hindi uli ito sumagot.
Nagpabuntong hininga ang dalaga.
“gusto mo kumain?”
Tumango ito sa kanya.
“o sige saglit lang huh upo ka lang diyan..”
“Ang bayad?” wika ni Aleng Ising.
“Ma! Kawawa naman oh…sagot ko nalang
ito, bawasan mo na lang allowance ko..”
Hindi na nagsalita si Aleng Ising
bagkus ay kumawala sa kanyang dibdib ang matigas na buntong hininga niya at
tumalikod.
“Oh heto bata… kumain ka na-“ putol na
salita niya ng bigla na lamang hinablot ng bata ang plato na may kanin at ulam
ng kaliwang kamay niya habang karga ang bata na bahagyang nakapatong sa maliit
na hita nito. Bigla itong napatigil at tumango pagkatapos ay muli ring
pinagpatuloy ang pagsiba.
Ngumiti na lang ang dalaga. “hindi
halata na gutom ka ano? Ilang taon kana?”
“Shhrraiss sernyorita…” sagot nito na
puno ang bigbig ng pagkain.
Kakatuwa ka naman sige kain ka muna
diyan. “Ahmm teka muna, kanina pa umiiyak ang bata kumain na ba iyan..nakainom na
ba iyan ng gatas?”
Napatigil sa pagnguya ang bata at
hingpitan ng hawak ang sanggol.
“Gusto mo bah ako muna magkarga sa
kapatid mo.. paiinumin ko ng gatas parang gutom na gutom na ata kapatid mo…”
alala ng dalaga.
Tahimik lang ang bata, at mas
hingpitan pa niya ng hawak ang sanggol at bahagyang inailayo ito.
“O sige, magtitimpla nalang ako ng
gatas huh para sa kapatid mo.” Marahang wika niya. “teka wala palang baby
bottle dito..” Napaisip si Lilah. Biglang may lumapit na baklang kustumer.
“Te, softdrinks nga..” .
“ahh..okay po..saglit lang huh. Bote
lang ba o lagay lang natin sa plastic..?
“Plastik lang ganda….” Sagot nito. “Ay
bongga… ang cute naman ng bata hybrid ba iyan ang puti... hi baby, aantayin
kita paglaki mo ahh..” pabiro nito.
“tse! Ikaw talaga bakla kahit bata
wala kang pinapatawad..” suway ni Aling Ising.
“Charing! Heto naman si madam higblood
agad…..”
“Oh heto na sofdrinks mo…”
“wag mo na lagyan ng straw..” wika
nito sabay tanggal sa straw at pagkatapos ay itanali niya ang bunganga ng
plastic at binutasan ang pwetan nito sa bandang giliran at sinipsip. “bayad
ganders!” abot niya sa bayad sabay talikod.
Tama ang
gatas. Bigla niyang naisipan.
Maya-maya pa ay natapos na ang dalaga
sa pagtimpla ng gatas para sa sanggol.
“oh heto
bata…ipainum mo sa kapatid mo..” marahang sambit niya sabay abot sa gatas na
nakalagay sa isang ice wrapper.
Tiningnan siya ng bata at ngumiti ito
sa kanya.
Ginantihan niya rin ito ng ngiti.
“saglit..”, binutasan niya ng toothpick ang pwetan nito at pinatayo upang hindi
tumagas. “ipasipsip mo sa kanya…” turo niya sa dulo. “Pasensya ka na wala kami
ditong tetilya..”
“G-gracias..” mahinang sagot nito sa
dalaga.
Napatitig ang dalagita sa kanya na
nakangiti.
Nagkaroon ng katahimikan.
At nabasag lang ito ng nagpakilala ang bata, “Pangalan ko
po ay Abrahim.”
Magtatakip silim narin sa araw na ‘yon
tanging si Abrahim lang kasama ang bitbit niyang sanggol ang tahimik na
naglalakad sa lansangan. Walang bahay na
mauuwian. Walang kamang mapaghingahan. Si Abrahim na anim na taong gulang pa
lamang, ang batang wala pang kamuwang-muwang sa bagong mundong nilalakaran.
Lumuluha. Humhikbi.
Umupo siya sa isang bench sa ilalim ng
puno.
Maya-maya pa’t bigla niyang naramdaman
na may tubig na tumutulo sa pwetan ng sanggol. Ihi.
“Ay nako.. Señorito inihian niyo ako…”
wika niya na may kunting ngiti sa mga labi.
Hindi alam kung anong gagawin.
Tumayo siya
at inilagay niya ito sa ibabaw ng bench. Nagsisimula na namang marinig niya ang
iyak nito.
“Shhhh..Ayyy saglit lang..saglit lang
senorito…” tarantang wika niya.
Marahan niyang binuksan ang lampin at
tinanggal ang makapal na telang nagsilbing diaper ng sanggol. “Nyay, tumae ka
pa señorito aahh..” tawang wika niya habang pisil ang ilong ng kanang kamay
niya. Marahan niya itong hinubad. “Opps.. elepante!” nakuha pa niyang magbiro,
at laking taka lamang niyang bigla ding tumawa ang sanggol ng nakakagigil
pakinggan. Pinunasan niya ito gamit ang nabasang lampin.
Nang matapos siya ay napagtanto ni Abrahim na wala
na pala siyang ibang telang pampalit dito. Kung kaya’t naisip niyang palitan na
lamang ito gamit ang suot niyang makalumang istilong damit pambata na kulay
abo, may mahabang manggas, at malapad na kwelyo na aabot sa gitna ng kanyang
likod, at mayroong mga malalaking butones sa harap. Idagdag pa dito ang shorts
niyang maiksi na hindi lalampas sa tuhod at nakatucked in naman na lampas sa pusod niya. Mas lalong
nagpaluma sa kanyang pustura ang medyas niyang abot hanggang tuhod na sinuotan
ng itim na leather shoes.
Isa-isa niyang tinanggal ang butones at naghubad.
Ngayon ay nakasleeveless na lang sya. Gamit ang damit niya ay ibinalot niya ito
sa sanggol. Kahit hindi man masyadong maayos, masasabing reasonable parin ito
sapagkat isang bata lamang ang gumawa nito. Kung tutuusin maituturing na higit
pa sa isang ordinaryong sais anyos na bata ang ginawa niya. A very brilliant
idea for a child like him.
Kinuha niya ang supot na dala niya kanina na
naglalaman ng pagkain at gatas na nakalagay sa cellophane pabaong bigay ng
dalaga sa kanya bago siya umalis. Inuna niyang painumin ang sanggol ng naka-ice
wrapped na gatas. Pagkatapos nito ay siya naman ang kumain.
Muling umiyak ang sanggol. Dinuyan-duyan niya ito
sa kanyang braso. Palamig na sa oras na iyon, nagsisimula naring nagsisiliparan
ang mga lamok upang maghanap ng kanila ring magiging hapunan.
Isa-isang na ring nag-ilaw ang mga poste.
Di naglaon tumahan rin sa pag-iyak ang sanggol.
Umupo siya muli sa bench. Napaisip, hanggang siya
na naman muli ang umiiyak, lumuluha dala ng pangungulila sa magulang. Sapagkat
hindi rin maipagkakailang isa parin siyang musmus na naghahangad na makasama
ang magulang niya sa oras na yaon. “Inang….Amang….” sambit niya habang umiiyak,
pero pinilit niyang hinaan ito dahil baka magising ang sanggol. “Kailan po nyo
kami susunduin dito…Amang!” patuloy parin sa pag-iyak. Pinikit niya ang kanyang
mga mata then he made the sign of cross, “In Nomine
Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen.” Pagkatapos ay maimtim itong nagdasal. Dahil nakasanayan na ito ng
kanilang pamilya ang magdasal tuwing alas sais na ng gabi.
At ng matapos ay pinagmasdan niya ang sanggol na
mahimbing na natutulog at hinele niya ito ng kantang kinakanta ng Inang niya
hanggang siya ay makatulog dati.
Maya pa ay may bigla siyang naalala. Kinapa niya
ang kanyang bulsa at hinugot ang bagay na binigay sa kanya ng kanya Amang, ang
golden watch, pinagmasdan niya ito at
pumasok sa isip niya ang mga huling alaala niya sa kanyang Inang at Amang. Nang
mahimasmasan ay ipinasok niya ito muli sa kanyang bulsa, subalit laking taka
niya ng may bigla siyang nakapa na isang pang bagay na matigas sa loob ng isa
pang bulsa niya.
Marahan niya itong dinukot.
Isang maliit na libro ang nakapaloob dito. Ang
libro na pagmamay-ari ng kanilang Great
Grand Supremo ng lahi.
Bubuksan na sana niya ito, napatigil lang siya ng may
biglang sumutsut sa kaniya.
“Pssstt..Bata..” mahinang tawag nito sa kanya
habang papalapit.
Hinigpitan niya ng hawak ang sanggol.
“P-po?” sagot niya na halatang natatakot.
“Andiyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!”
bungad ng mama na nakasuot ng itim na jacket at nakasumbrero.
“A-ano po? Ako po ba? S-sino po kayo..”
“Sino kasama mo dito?”
“K-kami lang po S-Señor..”
“Hinahanap kana ng magulang mo..nag-aantay na sila
doon sa bahay..”
“Sina Inang at Amang po?!” galak na wika niya.
“Oo.. kaya hali ka na sumunod ka na sa akin..”
“T-totoo po ba pinasusundo nila ako?”
“Oo, kaya sumama ka na sa akin..” pilit na wika ng
lalaki sa kanya sabay higpit na hawak sa kaliwang braso nito.
“O-opo.. Gracias! makikita ko na din sila Inang at
amang..” tuwang wika niya tapos ay mabilisan niyang ipinasok ang libro sa bulsa
niya at malugod na sumunod sa lalaki.
Sa unahan ay may nakaabang na sasakyan.
At isinakay ng lalaki ang mga bata.
“Saan po ngayon sila mama.” Tanong niya muli.
“Nasa bahay nga sabi ko..”
“Kanina pa po ba sila naghihintay?
“oo, kulit mo…”
“Wala na po ba yung mga umbranos?” dagdag niya. “Ligtas
na po ba kami?..... Si Maestro nandoon rin?...Si Amang kasama ba ni-”
“ Tahimik!!!” biglang sigaw ng lalaki. Nagulat ang
sanggol sa boses nito at umiyak. “Anak ng…Tumahimik ka diyan! Isara mo iyang
bibig mo…” galit na wika nito sa bata, “at iyang sanggol patahimikin mo!”
bulalas nito. Napatahimik na lamang si Abrahim sa kanyang kinauupuan habang
pilit na pinapatahan ang sanggol.
Di nagtagal ay huminto narin ang sasakyan.
Tumingin si Abrahim sa bintana. Sa labas ay nasilayan niya ang isang malaking
bahay na di mo rin makikita ang loob dahil natatakpan naman ito ng napakalaking
gate.
“Nandi-“
“Ssshhh!” iritang dugtong ng mama kay Abrahim na
bigla namang nahinto sa kanyang nais sanang itanong. Nagbusina ito ng tatlong
ulit, pagkatapos marahang binuksan ang gate ng dalawang armadong lalake. “Nandito
na tayo, umayos ka pag kaharap na natin si Bossing.”
“Huh..A-ano po?”
“Baba na..”
Nang tuloyan na silang makalabas mula sa sasakyan,
tinanong ng lalaki ang isang gwardya. “Nasaan si bossing?”
“Nasa loob may kausap…”
“sige, pupuntahan ko..” wika niya. “tara…” sambit
niya kay Abrahim na patulak.
Pagpasok nila sa sala ay natagpuan niya ang
matabang lalaki na hithit ang malaking cigar na umaalingawngaw ang malakas na
tawa sa loob ng napakalaking sala. Kaharap nito ang isang lalaking nakatoxido
at nakashades kahit sa ganoong oras.
“Magandang gabi bossing!” bati niya ditto.
“Enrico! Tamang tama ang ‘yung dating at may-“
putol na wika niya.
“Nakita ko sila sa plaza…walang kasama, at mukhang
mapagkikitaan ito..”
Ha-ha-hahahahahaha!!!
Muli na namang umalingawngaw ang
tawa nito na papalakas. “Magaling! Tamang tama….may client tayo dito galing manila”.
Lumapit ang matabang lalaki na tinatawag nilang
bossing kay Abrahim, “Ahhmmm..makinis..malinis…” usisa niya sa bata. “Ahhh…”
utos nito sabay nganga sa bibig. “Ahhhhh!” utos niya muli kay Abrahim ng hindi
ito sumunod sa unang utos nito. “Ahmmm..malinis din..kompleto..” hinila-hila
niya ang labi ng bata ng taas baba upang matingnan ng lubusan ang mga ngipin
nito at pagkatapos ay tinapik-tapik ang pisngi nito. “Pwede ka na sa bago
naming kliyente..”. Nakaramdam ng takot si Abrahim.
“N-nasaan na sina Inang at Amang?” mahinang tanong
niya at sinagot lamang siya ng malakas na tawa nito.
“Ulol! Hahaha!” sigaw niya dito at pagkatapos ay
biglang napako ang tingin niya sa bitbit nitong ballot ng damit at basang
lampin. “Ano iyan!” nagulat ang matabang lalaki ng makita niyang may dala pala
itong sanggol at muli na naman itong tumawa. “Magaling Enrico! Tamang-tama!”
“Salamat boss..”
“Ipasok muna iyan doon sa loob kasama ng iba pa!”
“P-po….S-saan na sila Inang? Senor! Senor! Babalik
nalang po ako dun…” pagmamakaawa ni Abrahim habang hila siya ng lalaki.
Napalingon ang bisita nilang nakashades.
“Punyeta…. Sumunod ka!” bulalas ni Enrico.
Umalingawngaw ang boses ng bata at ng iyak ng
sanggol sa loob.
Bumalik ang matabang lalaki sa kinauupuan at
muling ipinagpatuloy ang kanilang pinag-uusapan.
“So… let’s continue?”
“Yes, Mr. Ortiz.”
“ahemm..Bossing..” singit nito na nililinis ang tila
baradong lalamunan.
“Okay..The cash
will be given to you as soon you get there..” wika ng mistryosong lalaki.
“Kailan ba dadalhin ang mga bata?”
“By next month if possible…”
“Okay.. Approved.” Bulalas niya sabay higop sa
paupos niyang cigar.
“Sandali…tanong lang ano pangalan ng amo mo? Bakit napakainteresado
niya sa mga bata? Dagdag niya.
“That is not part of your business Mr. Ortiz..”
“Bossing…” Iritang dugtong niya.
“Whatever… I got to go now. Hope we’re all cleared
Mr-.. That the secrecy of this transaction must be observed.”
“Crystal Clear!”
Suffice to say the problem would expect to arise from any bank holder's back. CeMAP training offered to make sure you students would cover 3 parts related to exam.
ReplyDeleteMy page adwokat warszawa
God is the beautiful and omnipotent mp3 player and human beings are
ReplyDeleteHis instruments. People from around the world stop by to enjoy
particular divine show.
My blog ... organizacja wczasów
“The company expects to help you retail a beginning kit with only one solar panel for $799.
ReplyDeleteLook at my web site; organizacja wczasów