ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, January 27, 2013

Strange Love 10




Strange Love 10


May mga pangyayari talaga sa ating buhay na ni sa hinuha ay hindi mo man lang maiisip - those too good to be true moments. Kadalasan pa nga ay sa sobrang saya at sarap sa pakiramdam ng mga ito ay ayaw natin panghawakan o yakapin. Sapagkat natatakot tayo, na ito ay mawawala din agad, at higit na masakit kung pananatiliin natin ang ating sarili sa galak na hindi naman pala kailanman mananatili.


Ngunit iba ako... Pinili kong samyuin at yakapin ang bawat sandaling nakasama ko siya. At ngayon, nagdurusa ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang mga araw na iyon. Mga araw na sana ay maibalik kong muli.




"Ang sarap talaga pagmasdan ng langit 'no?"


Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa pinong buhangin, at nilingon ang taong ngayon ay nakangiting inaaabot sa akin ang dala niyang buko. Umupo ito sa aking tabi at hindi pa rin naalis ang kanyang mga ngiti.


"Sana palagi na lang tayong ganito Mikael, yung masaya, kalmado. Walang iniisip kundi yung kung ano ang kasalukuyan.", sabay inom nito mula sa buko na hawak niya at huminga ng malalim.


Sana huwag ka na rin maging mabait sakin, para mas madali sakin na kalimutan ang nararamdaman ko para sayo...



Dalawang araw na din ang lumipas simula ng dumating kami sa resort na ito. Hindi ganoon kadami ang tao kaya naman tamang-tama ito para sa mga taong gusto makapagpahinga. Sa mga araw na ito ay hindi rin pumalya ang pagiging maasikaso at malambing ni Jaime sa akin. Pinabayaan ko siyang gawin ng malaya ang lahat.


Kung noong una ay marami akong tanong para sa kanya, nawala lahat ng iyon, para kasing walang nang saysay para magtanong pa ako. Mas pinili kong maniwala na lang sa mga bagay na ipinapakita niya sa akin. At sapat na iyon para sa akin, sa ngayon.


Words are not enough for me to fully express what I am feeling for you,Jaime. I hope someday ay mapalaya ko na ang sarili ko at tanggapin na hanggang magkapatid na lang ang ating magiging samahan.


Nakatitig lang ako sa dagat at hindi na sumagot pa sa kanyang sinabi dahil alam naman niya na sumasang-ayon ako. Bukas nandito na sila Jun at ang mama niya pati na rin ang bestfriend kong si Coleen. And the day after tomorrow,babalik na kami sa amin at tulad ng plano uuwi na si Jaime sa kanila para ayusin ang gusot nilang pamilya.


"Mikael?"


"Hmmmm?


"Ah eh..gusto ko sana malaman mo na...",pagtigil niya, marahil ay iniisip kung itutuloy ang kanyang sasabihin.


"Na ano?", kalmado kong tanong.


"Na... masayang-masaya ako kapag kasama kita... At alam mo ba kung sakali mang mabubuhay ulit ako, gusto kong makilala kang muli at gagawin ulit natin itong ganito. You have changed me more than what you can think of, Mikael.", sabi niya habang ito ay nakatingin sa mga alon ng dagat.


"Kuya Jaime...masaya din ako.", ang tanging nasambit ko at mula doon ay muli kaming nanahimik. Gusto ko siyang yakapin ngunit ayoko din kumilos dahil baka konting galaw ko lang ay hindi ko na mapigilan at maiyak na naman ako sa kanyang sinabi. Ang hirap... Sobrang hirap na palagi akong nasa puntong bibigay na ako, susuko...


Can you at least stop it Jaime? Stop making me fall for you even more. Mas lalo lang ako nababaliw sayo.




-----Jaime


Tanghali na ng nagising ako at wala siya sa tabi ko, marahil naglalakad-lakad ito palibot sa resort. Lately, napansin kong malalim ang kanyang iniisip at madalas itong tahimik. Wala na rin tanong ang dumating, na parang naiintindihan na niya ang lahat o ayaw na lang din magtanong pa.


Mangilang beses ko na rin gustong aminin sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya, ngunit inuunahan ako ng takot.


Tok!tok!tok!


"Jaime!Pre, nandito na kami! Gising!"


Pinagbuksan ko ang ubod ng kulit kong kaibigan na si Jun. Tulad ng dati, masigla at happy-go-lucky person pa rin ito.


"Tanga kanina pa ko gising. Kailangan ba talaga sumigaw? Nakakahiya ka!, sabay batok ko kay Jun.Kahit kailan talaga ang ingay talaga nitong taong ito.


"Oh, teka wala siya?", tanong niya habang nililibot ang kwarto namin ni Mikael.


"Oo, di ko alam saan siya nagpunta. Pag-gising ko wala na siya sa tabi ko."


"May LQ kayo?",nakangisi nitong sabi.


"WALA! Doon ka na nga lang sa labas kung mang-aasar ka lang.", inis kong balik sa kanya.


"Easy lang pre, ito naman hindi na mabiro. Tara na nga at ng makapag-tanghalian na tayo."


"Lakas mo kasi mang-asar eh nag-aalala na nga yung tao. Hindi ko nga alam kung nasaan na siya,tapos nangaasar ka pa. Sinong hindi maiinis nun Jun?!"


"OK!OK!Hands up na ko. Baka nandyan lang din yun sa tabi-tabi, may kasama nang iba. Hahahaha!", at itinaas nga nito ang dalawa niyang kamay na nagpapakita ng pagsuko. Pang-asar talaga!




Nasa hapag-kainan na kami ng maalala ko na tawagan ko na lang siya pero naiwan ko pala yung phone ko.


"Jun, babalik ako sa kwarto, naiwan ko yung phone. Tatawagan ko lang si Mikael."


'Wag na, heto at ako na tatawag sa lokong yun.




"Hello Mikael. Nasan ka na pare? Kanina pa kami inuugat dito kakahintay sayo."


"Jun pasensya na ,naliligaw kasi ako pero pabalik na ko sa main road. Sorry talaga."


"Ano ba naman yan Mikael! Anlaki laki mo na pre naliligaw ka pa?Tang..."


"Bunso,saan ka ba banda? Puntahan kita.", pag-agaw ko sa phone ni Jun.


"Kuya Jaime ok lang po ako, kaya kong pumunta dyan sa resort, mali lang ako nang nilikuan kanina from the toll gate."


"Wag ngang matigas ang ulo mo Jan Mikael, nagugutom na kami kaya kung hinintayin pa namin matunton mo 'tong resort, baka abutin pa ng bukas bago pa kami makakain.", yamot kong sagot sa kanya.


"Hay naku Jaime! Ikaw lang naman 'tong nagsabi na wag tayo kumain hanggang wala iyang si Mikael eh. Hahahaha!", sabat pa ni Coleen.


"Ah, basta nasan kana?"




Napagpasyahan namin na maghintay na lang siya sa bayan na malapit sa resort at hintayin kami sa isang kainan doon.


Agad kaming pumunta ni Jun sa reception para makapagtanong kung may sasakyan kaming pwedeng gamitin.


Loko talaga yun, hindi man lang sinabi na lalabas siya ng resort. Kainis di man lang nag-isip na may mag-aalala sa kanya.


Kung hindi lang kita mahal eh, hahayaan kitang maghanap ng way mo pabalik dito. Kainis!





----Mikael


Kahit kailan talaga, hindi ako maalam sa mga direksyon. Kaya madali akong maligaw,haaay... Nakakahiya ka Mikael.


Habang naghihintay ay inilabas ko sa aking bulsa ang munting regalo ko para sa taong mahal ko. Kaninang umaga pagka-gising ko ay agad kong naisipan na bigyan siya ng isang bagay na magpapa-alala sa kanya sa akin. Simple lang naman itong nakuha ko at sana magustuhan niya.


Tinignan kong mabuti ito at binusisi ang bawat detalye nito. Isang handmade bracelet  ang kinuha ko para sa kanya, na may dalawang maliit na palawit sa dulo.


Kahit sana sa ganitong bagay ay maiparating ko kung gaano ako nagpapasalamat at masaya sa pagdating niya sa buhay ko. Hanggang sa napagnilaynilayan ko ang unang pagku-krus ng aming landas. Ang bilis ng panahon, ni hindi ko naisip na ilang buwan lang pala ang lumipas pero parang taon na kaming magkakilala.







Things seems to be perfect that day. Lahat kami ay masaya at hindi maalis ang mga ngiti sa aming mga labi. Ngunit lahat ay nagbago sa isang iglap lang...


The changes are unbearable. Kung dati ay hindi na ako loner,



NGAYON ...ganoon na ulit ako.


Hindi ko akalain na maiiba ang lahat sa pag-uwi ni Jaime sa kanilang bahay.  Ang masaklap pa noon ay hindi ko na nagawang ibigay ang bracelet na pinili ko para sa kanya.


 Ngayon heto ako at naghihintay sa kanya. Sa lugar kung saan kami ay nagsimula magkakilanlan.


Ang huling natatandaan kong sinabi niya sa akin bago siya umalis ng bahay ay ang mga katagang, mahalaga ka sakin Mikael.


Ngunit para saan na iyon ngayon. Pagdating sa school ay hindi man lang niya ko pinapansin at madalas ay iniiwasan niya ako o walang imik kapag kinakausap ko siya. Madalas na rin itong hindi pumapasok at ang nakakapagtaka pa nito ay parang walang naghahanap sa kanya maliban sa akin.


Sinubukan kong tanungin si Jun ngunit ang sabi nito ay wala siyang ideya kung ano nangyayari sa kanyang matalik na kaibigan, pero ramdam ko na may itinatago siya sa akin. Subalit anumang pilit ko kay Jun na sabihin sa akin kung ano ang problema ay hindi niya ito sinasagot.


Napaka-gulo ng lahat. Hindi ko akalain na maging ang bestfriend ko ay tatalikuran ako sa panahong ito.



"Whaaaat?! Anong ibig mong sabihin na mahal mo si Jaime??"


"Mahal ko siya Bes... Mahal ko si Jaime", nakayuko kong pag-amin sa aking kaibigan.


Hindi ito nagsalitang muli at nakatayo lang siyang nakatingin na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Akala ko maiintindihan niya pero mukhang isa pa ito sa po-problemahin ko.


"Sorry Mikael, I can't do this. I can't believe you are gay. Nakakadiri.", she walked out on me and did not even bother looking back, to see how hard I cried that night.


Helpless... Ganyan ang pakiramdam na naiwan ng mga kaibigan kung kelan kailangan mo sila. Ang meron ka na lang ay ang sarili mo para kapitan. Parang araw-araw gigising ka na lang for the sake of kailangan mong tapusin ang pag-aaral mo. Ngunit sa bawat gising na iyon ay maaalala mo na mag-isa ka, dahil nasanay ka na nasa tabi mo ang taong pinakama-mahal mo.


"Ano bang nangyari Jaime?", sambit ko habang nasa kama at kinakausap ang aking sarili. Tumulo ang aking luha sapagkat wala man lang akong makuhang sagot. Kung sana ay kausapin man lang niya ako ng maayos na kung ayaw na niya akong maging kaibigan. Na malaman ko man lang ang dahilan ng mga pagbabago niya  ay sisikapin kong doon magsimulang ayusin ang sarili ko.


Ngunit wala, ang meron lang ako ay mga hula lamang. At hindi sapat ang lahat ng iyon para masabi ko sa sarili ko na tama na. Higit akong nasasaktan dahil wala naman akong ginawang masama sa kanya... Sa kanilang lahat, para ganituhin nila ako.


"Mikael... Anak, narito ako oh. Pakikinggan kita anak... Kahit ano pa yan... Ramdam ko ang bigat ng dinadala mo anak. Kaya sana hayaan mo akong kunin ang mga ito para sayo. Nahihirapan akong nakikita kang ganyan.",lumuluhang sambit ni Inay ng makita niya akong umiiyak pagpasok niya ng kwarto.


Halos nakalimutan ko na may Ina pa pala akong pwedeng lapitan. Noong narinig ko ang kanyang tinig ay agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Doon ko na ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko na kinimkim ko mula nang makauwi ako.


"Bakit ganoon Inay??Bakit sa isang iglap iniwan na lang nila ako na wala man lang pasabi kung ano ang dahilan. Naging masama ba ako sa kanila??",humihikbi kong pagsusumbong sa kanya.


"Wala kang ginawang masama anak. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nangyayari dahil nakita ko naman kung gaano ka pahalagahan ni Jaime.Ang mabuti pa anak ay tawagan mo siya sa kanila at pag-usapan niyo na itong mabuti."


"Pero Inay, baka hindi niya rin sagutin ang tawag ko."


"Subukan mo muna anak, kung hindi niya sagutin eh tama na rin siguro iyon. Ginawa mo na ang parte mo para malaman kung bakit naging ganyan, kung ayaw ka niyang harapin ay kailangan na natin tanggapin yun at magpatuloy nalang ulit at kalimutan ang mga nangyari.
Pinalaki kitang mabuting tao anak, kaya alam ko na wala kang ginagawang mali sa kanila to deserve this. Minsan lang talaga anak, kung sino pa yung totoong tao sila pa yung nakakaranas ng ganitong pighati. Dahil na rin ang mga totoong tao lang ang may alam kung paano magpahalaga sa damdamin ng iba. Basta anak, narito ako, hinding hindi kita tatalikuran. Mahal na mahal kita...", sabay halik nito sa aking noo.


Niyakap ko siya ng mahigpit at tumango sa kanyang mga sinabi. Tama ang inay, kailangan ko nang tapusin ang mga tanong sa isipan ko. Sana nga lang ay harapin niya ako.


"Heto ang number nila sa bahay, nakuha ko yan kay Mr.Anthony. Nag-aalala na kasi talaga ako sayo at kakausapin ko na sana si Jaime. Mahal kita anak, magiging ok din ang lahat ha."


"Opo Inay. Mahal din kita, maraming salamat po at nariyan kayo sa panahon na akala ko wala na akong matatakbuhan. Sorry din po kasi halos nakalimutan kong may magulang pa ako na pwede kong hingahan, na pwede kong hingan ng tulong.", at mula doon ay bumuhos na naman ang aking mga luha.


Tumango lang si Inay noon at maluluha ding hinaplos ang aking buhok. Alam kong mas masakit para sa mga ina ang makitang nasasaktan ang kanilang anak. Dahil minsan na rin nagbigkis ang mga ito sa kanilang sinapupunan. Alam lang nila kung kailan masaya ang kanilang anak at kailan hindi. Mothers really knows how to give unconditional love to their children. Nagpapasalamat ako ng malaki sa Panginoon na ang relasyon namin ng aking ina ay maganda at nagagawa kong magsabi sa kanya ng kahit ano.




Jaime... Harapin mo sana ako kahit sa huling pagkakataon pero sana hindi. Sana maayos na natin ang lahat. Hindi ko kaya... Hindi ko kayang mawalay ka sakin. Akala ko dati kapag sinimulan mo akong layuan ay makakalimutan ko itong nararamdaman ko para sayo, ngunit hindi ko inasahan na ganito pa ang mangyayari. Nangungulila ako sayo... Gusto na kitang marinig tumawa. Gusto na kitang mayakap nang muli...





------Jaime

Mikael ko... Sana patawarin mo ako sa gagawin kong ito. Patawarin mo ako at kailangan kitang saktan. Patawarin mo ako mahal ko... Gagawin ko ito para sayo, balang araw maiintindihan mo din kung bakit ko ito nangyari.


Dahan-dahan akong pumanhik sa Tree House at tila iyon na ata ang pinaka-mahabang hagdan na aakyatin ko. Gusto kong tumalikod at kumaripas ng takbo dahil maisip ko pa lang na sasaktan ko ang taong pinakamamahal ko ay hindi na kinakaya ng aking dibdib at konsensya. Bakit kailangan ganito ang kahantungan ng lahat?! BAKIT!


Sa inis ko ay padabog kong inakyat ang mga huling baitang nito.


At naroon siya nakaupo at nakayuko. Hindi nito inangat ang kanyang ulo kaagad at himbis ay pinunasan niya muna ang kanyang mukha. Umiiyak siya... Mas lalo ako nanlumo at gustong tumakbo sa kanyang tabi at tapusin na ang kahibangan ko at yakapin siya at sabihin sa kanya na mahal na mahal na mahal ko siya.


Ngunit... Iba ang dapat kong gawin. Naglakad ako papuntang balkonahe para itago ang pighati sa aking mukha. Hindi ko siya kayang harapin.


Ang ilang sandali na kami ay tahimik ay parang ilang oras na pahirap para sa aming dalawa. Parehas yata kami nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita. Noong mapagpasyahan kong magsalita ay siya naman itong isinatinig ang mga salitang nagpabagsak ng mga nangingilid kong luha.


"I miss you so much, Jaime."


Hindi ako sumagot dahil alam ko na kapag nagsalita ako ay ibubuko ako ng aking boses. It will crack and I might not be able to supress my feelings.


"Ano bang nangyari at nagbago ang lahat? Bakit bigla mo akong iniwasan? May nagawa ba akong masama?", sunod-sunod niyang tanong.


"Dahil kailangan ko nang itigil ang pagpapanggap ko."


"Anong ibig mong sabihin?"

           
"Nagkaayos na kami ng pamilya ko. Hindi na kita ... Hindi na kita kailangan." God! I'm so sorry Mikael, to say these words to you. Sana mapatawad mo ako... You'll be fine without me...


Katahimikan ulit ang bumalot sa aming dalawa. Tama na Mikael, don't make me say foul things to you. It's better for you to leave. Ayoko nang masaktan pa kita lalo. Tanggapin mo na sana na hindi na tayo magkakasama pang muli. Kung kaya ko lang ay babaguhin ko ang lahat ngunit wala akong kakayahan para gawin iyon.


"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Sabihin mo ang totoo, pakiusap."


You ask for it... Wala na ako magagawa.


"Alam mo, kahit bali-baliktarin mo pa ang mundo, kung ano ang sinabi ko yun ang TOTOO! Leave with it! Do you really BELIEVE that someone like me will hang out with SOMETHING like you?? Oh yes! You heard me right. Something. Kasi para sakin isa ka lang bagay na kinailangan ko lang pero ngayon na ayos na ang lahat, all I need to do is to dispose you. Oo nga pala, heto pala yung pinahiram mong panyo. I had it washed several times so you don't have to worry."


Hinagis ko ang puting panyo na galing sa kanyang ama na hindi man lang lumilingon sa kanya.


"What else do you want to hear? Siguro naman Mikael hindi mo na hahayaan na mas lalo ko pang pababain ang pagkatao mo. And please, huwag kang magpaawa pa riyan. Sasayangin mo lang ang effort mo because I won't give a damn, kahit pa umiyak ka pa ng dugo ay hindi na nun mababago ang katotohanan sa mga sinabi ko. You are nothing to me.Kung ok na lahat. I will go then."


"Kung wala lang ako sayo, para saan lahat ng ginawa mo para sakin? At bakit ka pa nagpunta rito?!", madiin niyang salita sa akin.


"Lahat yun ay pagpapanggap lang Mikael. At pumunta ako dito para tigilan mo na ako at nahihiya na ako na panay sunod mo sa akin. Kaya simula ngayon huwag na huwag ka na lalapit sa akin." nagtuloy tuloy na ako sa hagdan para umalis.


Hindi ko na kayang marinig ang kanyang paghikbi. Nasasaktan ako ng doble dahil ako ang dahilan ng hinagpis niya. Patawarin mo ako mahal ko. Patawarin mo sana ako...


Unti-unti kong nilisan ang Tree House, ang saksi ng pagkabuo at pagtatapos ng aming pagkakaibigan.


I wish you well my love. Don't dwell too much in the pain that I had caused you. Strive for your dreams and be happy... Paalam, Mikael ko.





-----Mikael


"Bakit… ", retorikang kong tanong sa aking sarili.


Patuloy ang paglalakad sa hindi malaman patutunguhan. Hindi alintana ang panganib sa paglalakad sa dis oras ng gabi. Walang pakialam sa lamig at gutom. Ang alam lang niya ay ang sakit na dulot nang hindi mapaniwalaang pangyayari.


Mahigit isang oras na simula nung iwan ko sa aking paborito lugar ang taong sobra kong pinahalagahan. Pagod. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko na alam kung anong lugar itong aking napuntahan. Naawa ako sa aking sarili kapag naaalala ko ang kanyang mga sinabi pilitin ko mang iwinawaksi ang mga ito ay patuloy itong umaalingawngaw sa bawat sulok ng aking isipan. Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig at wala na akong naisatinig ng mga oras na iyon.




Marahil hanggang dito na lang talaga ang kwento naming dalawa. Love is really strange. Hindi mo alam kung kailan at kanino mo ito mararamdaman. Kung nariyan na wala rin makakapagsabi kung hanggang kailan. At kadalasan, ikaw lang ang nagmamahal at ikaw lang ang nasasaktan. Tulad ko ngayon, pinili ko ito at kailangan kong harapin ang mga consequences ng naging desisyon ko. Ang desisyon na papasukin siya sa buhay ko...


Hinding hindi mo maaalis sa sarili mo yung pakiramdam kahit pa ilang beses mong kalimutan. Magiging parte mo na iyon, you may forget the feelings but still you will not forget what happened.


At basta nagmamahal ka, wala ng ibang dahilan. You can't resist it. You just have to deal with it lalo na kung hindi ito masusuklian ng napili ng puso mo.






Wakas...







Hi po, sorry super tagal ng updates ng kwento ko. MAraming maraming salamat po sa mga sumubaybay sa aking unang kwento. I hope you like it. Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na palaging nariyan to support me and to push me whenever tinatamad na akong ituloy itong kwentong ito.

There are still a lot of questions to be answered so ibig sabihin po ay....may book 2 po ito.(Sana lang sipagin ako hahahahaha!)


Maraming salamat po ulit sa inyongmga nagbabasa ng aking gawa at salamat din sa mga magagandang feedbacks po ninyo.


Chris Li



Saturday, January 26, 2013

YANTOK (The Trials And Triumph Of A Gay Man) By Rig Ortiz


Tatlong Site lang ang makikitaan nyo ng Official 'Yantok' ni Rig :))) Isa na dito ang DKS :)) Maging inspiration ito para sa lahat :))) Fiction ito. May isang pasaway na nagComment na FairyTale ito :))) KALOKAH! Basahin na sa mga di pa nakakabasa :)))

---KontrabidaNgKorea :)))

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 19





   

             Kamusta po sa lahat lahat?! ^_^

             Unang ua sa lahat ay pasensya na sa aking late posting. GUYS.. OA po talaga ako sa pagkabusy. Sa mga nakakakilala sa akin, hindi po ako nagbibiro. Super busy po talaga at pinipilit ko lang po hanapan ng time ang pagsusulat. Kaya super thanks sa mga umiintindi :)

             Pangalawa, ay nais kong magpasalamat sa lahat ng nagsupport sa Christmas Special ng MNB. At gusto ko na rin humingi ng tawad sa aking late posting ngayon. Nagbakasyon po kasi ako panandalian sa bahay ng aking relatives at hindi ko po dala ang aking laptop. Okies? ^_^

              PANGATLO, pagpasensyahan ninyo na kung late ang aking postings.. Super busy lang talaga ako sa ngayon. Odiba, inulit ko lang.

             Pang-apat, ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki, Jp Arconado, abby, bench, alpe,  Jiru, dapya, mhi mhiko, silenttype,Melvin Samora, Ej Jasmin, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.

Tuesday, January 22, 2013

PANYO




JULY 27, 2011


Sabi nila, masama daw ang magregalo ng panyo. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala dun. Sa palagay kasi eh wala namang masama kung magbigay ng panyo ang isang tao sa kapwa. Dahil sa pagbibigay nito, sigurado namang maganda ang intensyon ng taong nagbibigay sa taong bibigyan.

Apat na taon na kaming magkakilala. 


Sa loob ng apat na taon na iyon, wala akong naalalang naging bonding namin. Walang usapang tumatak. Pero ngayon, heto at mag-aanim na buwan na kaming nagsasama. Isang relasyong ipinagbabawal ng aming mga magulang. Isang relasyong mali sa mata ng maraming tao.

Totoo pala yung sinasabi nila ano?


Yun bang sa umpisa lang pala ayos ang lahat. Sa simula lang madali. Sa simula lang masaya.


Kaya nga raw naimbento ang "monthsary", kasi karamihan ng relasyon sa panahon ngayon, hindi na umaabot ng taon.


Masaya naman kami. Yun ang pagkakaalam ko. Pwedeng hindi buong araw masaya. Pero may moment naman sa isang buong araw na masaya kami. Kaya araw-araw, masaya kami.


But that's what I thought. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang iniisip nya eh. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.


Pero ako, walang duda, masayang-masaya. Hamakin mo ba namang makarelasyon mo ang taong apat na taon mong minahal ng palihim 'di ba? Sinong hindi matutuwa nun?


Pero nitong mga nakaraang araw, parang umabot na sa puntong puro away-bati ang naging drama namin. Hindi ko nga rin talaga alam kung bakit eh, pero napakaseloso ko. Kahit sa mga maliliit na bagay-bagay. Siguro, praning lang talaga ako.


Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Daddy Rovi. "Kung saka-sakaling maghiwalay kayo, ikaw ang sisisihin. Sinasabi ko sa'yo", sabi niya. "Given the fact na hindi ka niya lokohin ha. Kasi JJ, iniisip mong madali kang palitan. Ilang beses ko nang sinabi sayo at sasabihin ko ulit, na walang magandang maidudulot yang insecurity mo."


At sinermonan pa ako ng isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan. "Alam mo kasi, sayang. Matalino ka pa man din. You have many good qualities. Pero babagsak ka dahil sa insecurities mo.", sabi ni Kent.


Minsan nga napaisip ako eh. Kung paano ba akong nakilala agad ni Daddy Rovi. Tama naman kasi lahat ng sinabi niya. Pero and punto ko lang naman, hindi mahirap mainsecure kung ang mukha mo eh, konti nalang, papasa ng p'wet ng kaldero, butas butas pa.


With all that's been going on, bumili ako ng tatlong pirasong panyo. Isang pink, isang blue, at isang puti. Ugali ko na kasing pinupunasan ang ilong at noo nya pag namamawis eh. Sa tatlong panyong yun, puti nalang yung natira. Pano naman kasi, yung blue, naiwan sa kanal. Yung pink, naiwan sa sasakyan.


Dumaan ang mga araw na medyo napapadalas ang mga away-bati namin hanggang humantong na sa huling linggo ng klase sa buwan ng Disyembre kung kailan naka-schedule ang field trip namin sa Maynila.


Alas tres ng umaga ang alis namin. Nang araw na iyon ay ginising niya ako. Naligo, nagtooth-brush, nagbihis at kumain ako bago mag-alas tres. Nang pumatak ng alas tres sa suot kong relo ay nagpaalam na ako sa kanya. Isang halik sa labi ang pabaon niya sa akin nun.


"Maghanap ka ng iba dun ha.", sabi niya.


"Bakit?", tanong ko.


"Ahh, so may balak ka talagang maghanap ng iba? Subukan mo lang, basag 'yang mukha mo sa 'kin.", sabi nito.


Tumawa ako. 


At least alam kong ayaw niya akong mapunta sa iba. Mahal niya ako. At yun ang pinanghahawakan ko.


Nang matapos ang field trip ay bumalik na kami sa probinsya namin. Sinorpresa niya ako. Talagang bumalik siya sa boarding house para makita at makasama ako. Isang buong magdamag na naman kaming nagkwentuhan. Nakakatuwa nga eh. Paano ba naman, sinasampal, sampal niya ako. Pero yung tipo ng sampal na kontrolado, at siguradong hindi ako masasaktan. Ganun kasi siya kapag namimiss niya ako eh.


Matapos ang araw na iyon ay medyo natagalan ulit bago kami nagkita. Magpapasko na pero hindi ko pa siya nakakasama.


Noong bisperas ng gabi ay nagpadala ang ng text message sa kanya. Isang hiling. Na sana ay magkasama kami sa araw ng Pasko.


Kinaumagahan, nagsimba ako. At pagkatapos na pagkatapos ng misa ay dumiretso ako sa bahay nila Tita upang makigamit ng laptop. 


Habang nag-la-log out ako sa Facebook, pag-angat ko ng tingin, nagulat ako nang makita ko siya sa harap ko. I smiled. Scratch that, I almost cried. Syempre, namiss ko siya. He made my day complete. Lalo na at Pasko.


Dumating ang buwan ng Enero. Magbibirthday siya. His debut. Tinanong ko siya kung ano ang paborito niyang kulay.


"Pink", sabi niya. "Ano na naman yan?"


"Wala. Secret", sabi ko.


Bumili ako ulit ng panyo. Pink. Na tumagal lang naman ng isang araw at nawala rin ulit. Syempre, na-disappoint ako.


"Ayus lang yun. Sa dami ng inaasikaso niya para sa birthday niya, sigurado  naman akong hindi niya sinasadyang mawala yun eh.", naisip ko nalang.


Dahilan kung bakit bumili ako ulit ng panyo. Pero nang binigay ko sa kanya ay tinaggihan nito.


"Bakit?", tanong ko.


"Eh kasi nga, lagi nalang nawawala. Sayang naman. At isa pa Jay, hindi mo ba alam na masamang magregalo ng panyo?", sabi niya.


"Sige nga, bakit bawal magregalo ng panyo?"


"Basta lang. Mas okay nang ako nalang ang bumili ng panyo para sa sarili ko kesa naman sa bigyan mo pa ako."


Tahimik lang ako.


Palihim kong inilagay ang panyo sa bulsa ng bag niya. Palibhasa kasi, hindi niya alam kung bakit ko siya binibigyan ng panyo.


Bakit nga ba?


Kasi, paano nalang kung wala na kami? Sinong magpupunas ng luha niya sa t'wing iiyak siya ng dahil sa pamilya, sa skwela at sa mga problema niya. Sino na magpupunas sa kanya pag namamawis siya?


Binibigyan ko siya ng panyo para sa t'wing may mangyayari na magpapaiyak sa kanya, nandyan ang panyo ko para damayan siya.


"Wag mong wawalain ang panyo ko ha. Dahil yan ang patunay na nandito lang ako lagi para sa'yo. Yan ang patunay na nadito lang ako at patuloy na magmamahal sa'yo."


JANUARY 8, 2011 ---- Naghiwalay kami.



WAKAS

Monday, January 21, 2013

Kiss The Rain Chapter 15




Pauna: Nagbabalik po mula sa pagkakahimlay. masyado lang po busy sa work kaya heto super late.

pasensya na guys sa sobrang tagal ng pag update ha? pasensya na talaga.

Anyway di ko na po pahahabain pa at enjoy!!!!


This Chapter is dedicated to Jin.







Kiss The Rain


Chapter 15



Erwin Joseph Fernandez


4:00 na ng hapon at sobrang init pa din sa labas. Wala kaming nagawa ni Donnie kung di ang mag kulong at manuod lang ng kung ano ano sa dvd sa kwarto ko maghapon para maka iwas sa matinding init sa labas.


Kasalukuyang nanunuod kami ng pangatlong movie namin. Naka sandal si Donnie sa headboard ng kama at ako naman ay naka unan sa hita niya.


“Mhie, mamaya pag wala ng araw labas tayo. Maghapon na tayo dito.” Ayan nya sa akin.


“Opo. Mamaya.” Sagot ko habang di inaalis sa tv screen ang mata ko.


“Mhie, di ka ba natatakot? Di kaya bakilan ni Angelica si Jhepeth?”


Sa tanong niyang yun ay napatingin ako dito at binigyan ko ito ng isang nagtatanong na tingin.


“What?!” sagot niya sa reaksyon ko.


“Dhie, ikinatatakot mo yun? Di mo ikinatatakot kung gaano ka violent si Jhepeth? Look if Angelica makes a move against her nakuh! Asahan mo ng uuwi ng kalbo o tapyas ang mukha ng babae na yun.” Sagot ko habang inaangat pa ang kamay ko na akala mo ay kakalmot na pusa.


“ang confident mo naman ata kay Jhepeth?” kamot ulong sabi niya.


“Dhie, Years na kami magkasama niyan. Wala pang 50% yung nakita mo kay Jhepeth.” Mayabang kong sagot.


“Wow! Buti pala nahila namin siya palayo kay Angelica kung baka kita na utak niyon.”


“In 15. 14. 13. 12.”


Ipinagtaka naman ni Donnie bakit bigla ako nag countdown. Habang ako naman ay patuloy sa ginagawa ko.


“3. 2. 1. The devil is here.” Sabay naman sa pagsabi ko niyon ay ang pagkalabog ng pinto ko sa sunod sunod na katok na nagpatalon kay Donnie.


“Sandali lang!” karipas na takbo ni Donnie papunta sa pinto ng kwarto ko.


Pag bukas naman dito ay sumalubong ang di maipintang  mukha ni Jhepeth. Dalian naman tumabi si Donnie pagilid para bigyang daan si Jhepeth. Diredirecho naman ito pabagsak na naupo sa kama ko.


“Yes what can I do for you madam?” pabiro kong tanong dito na sinuklian naman nito ng matalim na titig na dahan dahang napalitan malungkot na ekspresyon.


“Che, umalis si Kenji sabi ni tita.” Sabi nito na akala mo ay batang nagsusumbong.


“ow? Tapos?”


“Di daw nag bilin kung saan pupunta.”atungal nito at biglang yumakap sa akin at umiyak.
Nagkatinginan naman kami ni Donnie at nagbatuhan lang nag nagtatanong na mga tingin.


Inalis ko ang pagkakayakap ni Jhepeth sa akin at iniharap sa akin.


“Girlfriend ka ba ni Kenji?” ngiwing tanong ko na sinagot lang niya ng iling.


“Peth, ayun naman pala eh. Wala kayong  malalim na "pagkakaunawaan". Besides Kenji is one of us.” Sabi ko kay jhepeth habang hinihimas ang ulo nito.


“Peth, may nagpakilala naman sa iyong gwapong lalaki daw sabi ni Mhie ah?!” singit ni Donnie.


“Ngongo nga lang.” Malungkot na sagot naman ni Jhepeth na sinabayan ng malalim na buntong hininga.


“Tara nuod muna tayo ng movie. Mamaya labas tayo para di ka na ma sad.” Pag comfort ko sa sa aking bestfriend.


“Salamat che. The best ka talaga.” Naka ngiti nitong sabi sa akin habang yakap ako.


“sige dahil sasabay ka manuod. Punta ka naman sa kusina microwave mo yung popcorn pouch doon sa shelf sa taas ng sink.” Naka ngisi kong utos dito.


“impakto ka binabawi ko na sinabi kong the best ka.” Sabi nito sa akin habang padabog na naglakad palabas ng kwarto ko.


“sa taas ng sink na shelf?!” sigaw nito habang bumababa sa hagdanan.


“Oo. Thank you!” sagot kong pasigaw din.


“Impakto!” sigaw din nitong pabalik na nag patawa sa aming pareho ni Donnie.





Kenji Oya





Kabado akong naglalakad papunta sa pagkikitaan namin ng ka text ko ngayon. Medyo may pangamba din halo dahil sa mabilisang pagkikita namin.


Pero sa di ko malamang dahilan ay heto pa din ako at hinihila pa din ng mga paa ko na puntahan ang taong iyon.


Napatawa naman ako ng madaanan ko ang lugar na pinag eskandaluhan ni Jhepeth at Angelica sa parte ng mall na ito.


Binagalan ko na ang lakad ng palapit na ako sa restaurant na pagkikitahan ng ka text ko.


Actually di pa naman ganoon katagal na mag ka text. Dalawang araw pa lang ata pero heto siya at inaya ako na makipag kita at kumain sa labas na naging mahirap naman sa akin para tangihan. Grasya na tatangihan ko pa ba?


Date? Ayoko mag assume.


Habang papalapit naman ako ay kitang kita ko na siya mula sa labas ng restaurant. Napaka kisig niyang tignan. Oo tama kayo makisig dahil sa lalaki ang ka text ko na ito. Tinigilan ko muna ang paglakad papunta sa kinaroroonan niya at pinagmasdan muna siya sa di kalayuan at mukhang di naman niya pansin na nandoon na ako.


“Panaginip ba ito? Please naman wag ninyo na akong gigisingin pa kung di man ito totoo. Comatose na kung comatose basta andiyan siya.”  Malandi kong sabi sa aking sarili.


Maya maya pa habang ako ay binubusog ang mata ko sa pagtitig sa kanya ay nagtitili naman ang cellphone ko sa bulsa ko.


Agad ko naman kinapa ito sa bulsa ko at sinagot ang tawag.


“Hello?”


“So titignan mo lang ba ako mula diyan? Samahan mo na ako dito.” Sagot ng kausap ko sa kabilang linya. Grabe just hearing his voice instantly sends shivers down my spine. Napaka manly and sexy ng voice niya.


“ah eh! Ok. Wait.” Tangin nasagot ko. Pakiramdam ko ay ang init init ng mukha ko at mayroong kung anong pumasak sa lalamunan ko kaya yun lang ang salitang lumabas sa akin.
Lahat naman ng paraan para ma compose ang sarili ko ay ginawa ko habang naglalakad na ako papasok ng restaurant at papalapit sa kanya.


Pagkalapit ko naman sa kanya ay tila naging tuod naman ako sa harap niya. Ang naalala na lang ata gawin ng katawan ko sa mga oras na iyon ay ang paghinga. Napansin naman niya ito ata kay agad siyang tumayo at inalalayan akong umupo.


“Have a seat.”


“T-t-hank you.”  Sagot ko na tila naman na lumubog paloob ang dila ko sa lalamunan ko.
Pag kaupo ko naman ay naupo na din siya at tinignan ako nito ng mata sa mata.


Maganda ang mata niya. Mapungay tila nangaakit.


“nag order na ako 15mins ago. I hope you don’t mind.” Pagbasag nito sa katahimikan na namamagitan sa amin.


“Ah. Sige ok lang yun.”  Matipid ko sagot.

Katahimikan ulit ang namayani sa aming dalawa. Tanging pagtingin sa mga kamay ko ang nagawa ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero kakaiba di takot o kaba na ang nararamdaman ko.


“You look cute. Lalo pag malapitan.” Sabi niya sa akin na nag paangat naman ng ulo ko para tignan siya. Pagtingin ko naman sa kanya ay tinititigan ako nito na may matamis na ngiti sa labi.


“salamat. Are you flirting with me?”


“If thats what you call it.” Naka ngiti pa din na sagot niya sa akin.


Again parang nabulunan ako. Di ko alam kung ano man ang bumara doon pero parang pinipigilan pa din ako nito makapagsalita. Salamat at dumating din ang pagkain. Ito lang ata ang makapagsasalba sa akin mula sa pagkatameme ko sa kanya.


Subo.


Nguya.


Tingin sa akin.


Ngiti.


Inom ng juice.


Iyan ang naging routine niya sa harap ko habang kumakain kami.tuwing makikita ko na lang siya naka tingin sa akin ay sinusuklian ko na lang din ng ngiti.


Actually kanina pa ako kinikilig at kanina pa din ako nagtataka kung bakit ganoon na lang siya sa akin.


Panghimagas na ang kinakain namin at heto ako may tanong na naka bitin sa utak ko. Pinagiisipan mabuti kung ibibitaw ko ba ito sa kanya o hayaan na lang na kainin ng kalimot.


Pero sadyang ayaw talaga ako lubyan ng utak ko. Pilit nitong pinatakbo sa isip ko ang tanong ng paulit ulit. Kaya heto ako nilalaro at tinititigan ang souffle sa harap ko.


“Di ba masarap ang dessert na napili ko?” pagbasag niya sa ginagawa ko.


“Ah! Masarap!” sabi ko sabay subo ng kutsaritang hawak ko.


 “Huatengna parang timang ako!” pahabol ko sa isip ko.


“Mabuti naman at nagustuhan mo din pala.” Naka ngiti nitong sabi sa akin.


“Ano...”


“Yes?”


Kailangan ko na itanong ito. Di na kaya ng utak ko pa isantabi ito.


“Bakit mo ginawa iyon at ito?” napayuko na lang ako pagkatanong ko sa kanya.


“Yung ano? Ito?”  natatawang pagtanong niya pabalik sa akin.


“Ayun! Ito!”  parang timang na sagot ko naman na habang napakamot sa ulo ko.


“Ahhhh! Ayun at ito! Isa lang naman ang dahilan eh. Gusto kita.” Straight forward na sagot niya sa akin.


Napaangat naman ang ulo ko pagkarinig ko sa sinabi niya.


“Ha! Di ba Girlfriend mo yung Demonyitang babae na iyon? Pasensya ka na sa term ko.” Tanong ko ulit sa kanya.


“Napilitan lang ako doon. To tell you the truth may utang lang family namin sa kanila para buhayin ang negosyo namin and to repay that she requested from my parents na ako ang maging boyfriend niya. I strived hard parapalaguin ang negosyo namin at bayaran ang utang namin para makalayo sa kanya. Nagawa ko lahat ng iyon and still she kept on bugging me. Until that day came. Yun yung araw na ang kaibigan mo ay dumating at sinugod siya at nakita kita. Which made me decide na putulin na ang kung ano mang meron sa amin. Wala na siyang habol.” Pag kwento niya sa akin.


“Ha! So you mean parang si Argel ka lang din?” tanging naisagot ko. Halata nanaman siguro sa kanya na nag blush ako sa huling parte ng kwento niya.


“Sino yun?” tanong niya pabalik sa akin na naka hilig ang ulo pakanan.


“ah! Nevermind him. Wala yun. Isa sa ka love triangle ng friend ko. Balik tayo sa iyo. So you mean if hindi mo siya type. P.L.M. ka!”


“P.L.M. School yun di ba? Hindi ako doon nag aral.”


“no no no! Hindi yun. People Like Me.” Medyo natatawa kong sabi.


“Huh? Sorry i’m not following.”


“I mean gay/bi ka din?” tanong kong naka ngiwi.


“Well obviously yes. Why would I go on a DATE with you if i’m straight? Sensya na ha medyo di ko na gets nung una.” Natatawang sabi nito sa akin.


Gosh! Lord ito na ba! This is really is it! Salamat sa delicious na blessing na ito!


“Date ito? And why did you slip a calling card sa floor papunta sa akin noong umaawat kami?”


“Yes date ito and thats what I call trying my luck.”


“Trying your luck?”


“Oo. I was hoping na mag text ka sa akin.”


“nag text nga ako.” Nahihiyang sagot ko.


“yun nga ang hinihiling ko mangyari at nasagot naman.” Sabi naman niya sabay kindat sa akin.


Tila parang nataranta, nagulo, nabulabog naman ang sarili ko sa ginawa niya na iyon at parang di ako mapakali na sa kinauupuan ko. In a good way ha!


“Hindi papala tayo nagpapakilala ng maayos. I’m Jhasper Jocson. 23 ang hunky nurse.” sabi niya habang nag flex pa ng biceps niya at taas baba pa ang kilay na nakatitig sa akin.


“ah ako. Kenji Oya. 23.” Matipid ko na sagot.


“Wala man lang ba konting catchy na idadagdag sa dulo?”


“Kaibigan ni Erwin na Bf ni Donnie na Hinahabol ni Argel na hinahabol ni Angelica na ipinakilala kang “Boyfriend”.” Mahabang sabi ko sabay bitiw ng ngiti.


Natawa naman siya at tila musika sa tenga ko ang tunog na lumalabas sa bibig niya.


“I think magkakasundo tayo at mahaba pa ang DATE nating araw na ito kaya alis na tayo at sa sunod na lugar naman.” Sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko.



Argel Joseph Francisco





Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko at sa irita ko dito ay inilagay ko silent mode ito.


Pero ganoon pa din patay sindi pa din ang ilaw nito na siyang nakakabulabog sa pag mumuni muni ko sa kwarto ko na ni isang sinag mula sa labas ng bintana ang nakapapasok.


Di ko rin natiis pa ito at dinampot ko na ang cellphone ko at tinignan ito.


30 missed calls at 15 text messages. Mula sa iisang tao?


Nagtataka kong binuksan angmga mensahe pero iisa lamang ang laman nito.


“Sorry.”


“Kalokohan nanaman. Wala ng katapusan na kalokohan na humahantong lang sa paulit ulit na kalungkutan ko na ito.” Sabi ko sa sarili ko habang humihigpit ang hawak ko sa cellphone na nasa kamay ko na unti unting namamatay ang liwanag.


Muli namang umilaw ang cellphone ko at may message nanaman sa mula sa tao na iyon.


“Sorry. Sorry talaga Argel, sana mapatawad mo ako. Mali ang nagawa ko. I realized that my actions will go onto nothing. Why would i force someone to love me? I have dragged other people sa gulo pa nating dalawa. I’m really sorry. Please sana mapatawad mo ako. Gagawa ako ng paraan para maayos itong lahat.” Laman ng text.


“Patibong nanaman.” Bulong ko.


Iniwan ko na lang ang cellphone ko sa side table ng kama ko at lumabas sa kwarto ko.





Erwin Joseph Fernandez




“Jhepeth! 9pm na di pa tayo kumakain. Sila mama umalis at nagiwan naman ng pagkaing lulutuin.” Sabi ko habang niyuyugyog ko ang bruha na nasa kama ko at tulog na tulog.


“Bakit di ka maghanda? Gisingin mo yung kapre mong asawa para matulungan ka.” Sabi nito sa akin habang isinisiksik ang mukha nito sa unan na yakap yakap.


“Sira ka! Kanina pa si Dhie sa baba. Nakapag hain na ikaw na lang ang kulang!”


“Susunod na ako. 5mins lang. Nagroromansahan na kami ni Baby Kenji. Hehehehe!” mala manyak nitong tawa habang nasa ganoon pa din posisyon.


“errrrr... sige mauna na kami sumunod ka. Wag mo dudumihan kama ko please lang.”


Dali dali naman ako bumaba para saluhan si Donnie sa lamesa.


“oh Mhie nasan na yun?” bungad ni Donnie sa akin pagkakita sa akin.


“Ah! Eh! Sunod daw. Nananaginip ng kalahating gising. Mauna na tayo.” Sabi ko habang papaupo sa tabi niya.


“sige kanina pa ako nagugutom Mhie eh!”


“Lagi ka naman gutom...”


“Oo Mhie. sa pagmamahal mo.” Sabi niya sa akin habang nagsasandok ng kanin sa tigisang plato namin.


“Sira ka kumain ka na nga at baka lumala ka pa lalo.” Humahagikgik na sagot ko.


Susubo na sana ako pagkain ng tumunog ang doorbell.


Kunot noo naman akong tumayo at pinagbuksan ng pinto ang kung sinong tao na iyon.


Laking gulat ko naman ng mabuksan ko ang pinto at tanging pag tingala at pagtitig lang ang nagawa ko sa taong nasa harap ko.


“Friend ok ka lang ba?” basag ni Kenji  na nasa tabi ko pala.


“Ha! Oo! Tao pa ako.” Wala sa sariling sagot ko.


“bakit nandito iyan?” kasunod kong tanong.


“papasukin mo muna kami.” Naka ngisi niyang sagot sa akin.


Wala naman akong magawa kundi patuluyin ang dalawa sa sala at paupuin doon. Tapos niyon ay dali dali akong nagpaalam at umalis para hilahin si Donnie papunta sa kanila.


“Bakit andito ka? Bakit kasama mo kaibigan ko? Bakit magkaholding hands kayo?” sunod sunod kong tanong habang si Donnie naman ay speachless lang sa tabi ko.


“Friend, siya nga pala si Jhasper. Nag meet kami kanina. Nag date kami. Harmless siya. Nasa side natin siya. Gusto niya daw ako.” Mabilis at Sunod sunod ding sagot ni Kenji sa akin.


Pero tila parang wala kami halos naintindihan ni Donnie kaya tanging pagtitinginan ang nagawa namin at pag aya sa dalawa sa pag kain ng hapunan.


Doon naman pinaliwanang ng dalawa sa akin ang mga dapat kong malaman. Madali naman namin nakuha ang ugali ng kasama ni Kenji kaya todo kwentuhan kami habang kumakain.


“Che! Kakain na ako. Ready na ang beauty ko sa laps!” sigaw ni Jhepeth habang bumababa sa hagdan na siya namang nag padilat sa mata ni Kenji.


“nandito nga pala siya di ko namin nasabi ni Mhie.”  Kamot ulong sabi ni Donnie kay kenjie.


“Baby kenjieeeeeeeeeeeeeee!!!” tili ni Jhepeth habang patakbong papunta sa kinauupuan namin.


“hamishu! Hamishu hamishu! Saan ka galing? Kumakin ka na? Hamishu!” tila parang baliw na si Jepeth habang naka hawak sa kanang kamay ni Kenjie.


“Ehem!” pag tawag ng pansin ni Jhasper naman.


Nakuha naman nito ang pansin ni Jhepeth.


“Anong ginagawa mo dito?!” eksaheradang tanong ni Jhepeth.


“Asan si Angelica? Mangugulo nanaman ba? Ibabaon ko sa asin yun at gagawin kong key chain. Asan na yun?” paranoid na tanong ng bruha.


Dali dali naman akong tumayo at pumunta sa gitna ni Jhasper at Kenji.


“Che, kami lang andito.  Saka tignan mo ito.” Sabi ko habang hawak ang tinataas ang kamay ng dalawa na magkaholding hands pa rin.


“anong ibig sabihin  nito Kenji? Nag traydor ka na sa akin? Sa sagradong pagmamahal ko sa iyo.” Sabi ni Jhepeth habang pinapalo nito ang dib dib niya.


Tila parang comedy show ang nangyayari sa harap ko. Tawa lang kami ng tawa ni Donnie habang si Kenjie at Jhasper naman ay todo explain sa harap ni  Jhepeth na akala mo ay tinakasan ng kaluluwa na niya.


Ng tumunog nanaman ang Doorbell.


Dali dali naman akong pumunta sa pinto sa pagaakala na kapatid ko at Mama ko na iyon.


Pag bukas ko naman ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.


“Bakit?” tanging nasabi ko pagkakita ko sa kanya.


Itutuloy.