ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, January 11, 2013

When A Gay Man Loves Part 10



Author's Note:
                   Hello :) So here's Part Ten :DD Sorry for waiting... Naging busy eh.. Exams week na din kasi

                  So ito na nga, read and enjoy! Comment lang :DD


Part Ten

Bryan

            Friday, Friday, Friday. The most exciting day of the week. Excitting kasi hindi mo alam kung anon mangyayari sayo sa weekend. Di tulad pag weekdays or schooldays, wala. Bored ka.


            "So Bro, what's your plan for this weekend?" tanong ni Ate kay Kuya Walter while having our dinner


            "I still don't know..." sagot nito


            "I have an idea! Let's watch a movie! Maganda mga palabas ngayon!" sabi nito with matching taas pa ng kubyertos. Kulang nalang eh sumigaw ng Eureka! Eureka!


            "Good idea.." sabi ni Kuya


            "Ano Antonio, (ako yan) would you like to join us?" tanong nito sakin


            "Anong oras ba Sis?" sabat ni Kuya


            "Around 7pm?" sabi nito habang nakatingin kila Mommy at Daddy


            "Hija, I know that look.." sarcastic na tugon ni Mudaks (Mother)

           
            "Mommy please?" sabi ni Kuya


            "O sige sige..." sabi ni Mommy


            "Hep hep hep! Wag lang kayong hihingi ng pera samin ng Mommy niyo..." sabi ni Daddy. Sayang. Yun pa naman balak ko!


            "Yes Mother!" sabi ni Ate


            "Ano Bry, sasama ka ba?" baling nito sakin
            "Oh sur---" biglang nag-vibrate ang ever epal kong phone


            Beep. Beep. Beep beep beep. Beep. Beep.

            Calling... Edward Kiefer


            "Excuse.." sabi ko sa kanila


            "Hey? What's the rush?" tanong ko dito


            "Uhm, are you available tomorrow evening?" tanong nito na walang kaabog abog


            "Bakit? Anong meron bukas ng  gabi?" pinarinig ko talaga sa kanila


            "Date I think?" sagot nito


            "What time?"


            "Around 7?"


            PATAY!


            "S.E.V.E.N?!"

           
            "Yes... Seven... Is anything wrong?"


            "Ah.. Eh.. Wala wala... Sige.."


            "YES! Thank you Baby! I love you!"


            "Naka-loud speaker ka... Naririnig ng buong pamilya.."


            "Edi mas okay... MAHAL NA MAHAL KO PO YANG ANAK NIYO!!!!!"


            "HAHA! Joke lang... Pero yung last siguro na sinabi mo, narinig nila..."


            "Sige na Baby, I love you..."


            "Thank you!"


            "Walang I love you too?"


            "Mamaya... Babye na..." at binaba ko na ang phone


            "Mahal na mahal ko po yang anak niyo blah blah blah" maarteng sabi nila Ate at Kuya


            "Narinig niyo talaga?!"


            "Oo naman 'no! Isigaw daw ba niya eh..." si Ate


            "So ano, I guess, di ka na sasama samin ni Ate? May date ka na eh.." sabi ni Kuya


            "I think s----" at ayan nanaman. Nagring nanaman. Sinagot ko na 'to agad kasi alam ko namang si Edward lang yun


            "Ano nanaman? Kakatawag mo lang ah? Miss mo na ako?" sabi ko na medyo mataray factor


            "Ha? Ngayon lang kaya ako tumawag!" sabi ko


            "Bryan, are you crazy?!"


            "Edward, wag mo nga akong pagtripa-----" at binaba niya yung kabilang linya


            "Ansunget ha... So si Edward pala yung tumawag kanina..." sabi ni Ate


            Potashoot. Si Matthew pala yung tumawag! Sushmesitangina! Paktay!


            Beep. Beep.


            1 new message: Matthew Buenaventura


            Matthew: Yayayain lang naman sana kita mag-dinner tomorrow :(

           
            Cindefuckerella. Si Matthew nga..


            Ako: Shoot! Sorry Bes... Anong oras ba?


            Matthew: Around seven?


            Tungnu naman. Ano bang meron sa 'around seven' na yan at bakit napaka-benta?!


            Ako: Ha? Sige.


            Matthew: Yes!


            Beep. Beep. Beep beep beep. Beep. Beep.


            Calling... Matthew Buenaventura


            "YES! Thank you Bryan Nicholls! I lov---"


            "Ha?! Ano?!" tanong ko.. I love you daw?!


            "Ha? Ah-- Eh.. I... Lovers In Paris... Nanunuod ako ng Lovers In Paris ngayon..." kabadong tugon niya. Potashoot. Nanunuod pala. Akala ko I love you na ehhhh!!! Pero swear, I love you talaga dapat yun


            "Sige na Matt... Bababa ko na 'to.."


            "Sige Bes. Babye!" at sabay baba ng phone


            "At dahil jan, dalawa ang date niya bukas... " pagpaparinig ni Kuya


            "Hay nako Walter... Tayo na nga lang manuod bukas. What do you like?" sabi ni Ate na parang wala na ako dun sa pwesto ko


            "Ate I want to watch Sisterakas... Or maybe, One More Try..."


            "Both nalang kaya? Yan din bet ko eh..."


            "Hoy hoy hoy... Sasama ako sainyo!" sabi ko sa kanila


            "Ate, may multo daw na sasama! Narinig mo 'yun?!" sasbi ni Kuya na with matching yung mukha eh parang nakakita talaga ng multo

           
            "Oo Walter, narinig ko..." agree naman 'tong si Ate!


            "Ate, sasama talaga ako..." sabi ko naman. Eh sasama naman talaga ako eh!


            "Eh pano yung MGA date mo?" sabi ni Kuya


            "Why don't we just let them come with us? Di ba? Para makilala niyo na rin..." sabi ko naman. Great.


            "Well, you have a point... Sige... Isasama natin sila..."


            "Oy Walter at Sarah, ingatan niyo ang Prinsesa natin ha... Baka ma-rape yan..." biro ni Daddy


            "Dad, wala ba kayong tiwala sakin? Ang macho macho ko kaya!" sabay flex ng muscle ni Kuya


            "Basta mag-iingat kayo.." sabi ni Mommy


            "Yes Mom and Dad!" in chorus pa ang tatlo!


                        Kinabukasan...


            "Hoy Bryan... Lumabas ka na jan! Nanjan na yung MGA date mo!" sabay katok ni Kuya sa pinto ko


            "Tara na Walter... Bumaba na tayo... Mag-ga-gown pa yan eh.. Papa-mek up pa... Papa-ayos pa ng hairlaloo yan..." sabi ni Ate. Narinig ko naman bumaba na sila ng hagdan


            Walter

                      So there they are. Si Matthew at Edward. Aba. Gwapo din naman ang dalawa. Ang lakas naman ng alindog ni Bryan para ma-akit yang dalawang yan?


                        They seemed to be good naman. Parehong mukhang mayaman.


            "So, what's you're name?" sabi ni Ate Sarah kay Edward

            "Ako po si Edward..." sabi ni naman ni Edward


            "So, ikaw pala yung kinukwento ni Bryan..." sabat ko


            "And you're Matthew right? Di ba naka-punta ka na din dito dati?" sabi nito kay Matthew.


            "Ah opo... I'm Matthew..." sabi nito


            "Anong plano niyo?" tanong nito sa dalawa


            "May date po kami" si Edward
            "Mag di-dinner po kami" si Matthew

           
                        Nakakatawa. Kelangan sabay pa talaga?


            "At kelangan sabay?" sabi ni Ate


            "Seven po ang usapan namin..." tae. May Mental Telepathy ba sila?! Kelangan sabay!?


            "Well, sumama nalang kayo samin. May lakad kasi kaming tatlo..." sabi ni Ate


            "Sure!" sabay nanaman po sila


            "Manliligaw ba kayo pareho ni Bryan?" tanong ni Ate. Boy Abunda ikaw ba yan?


            "Opo" si Edward
            "Bestfriend po" si Matthew


            "Oh... Akala ko pareho eh... Wala ka bang balak ligawan Matthew?" prangka tae.


            "Wa--wa---wala po... Bestfriends lang po talaga..." kabadong tugon nito


            "Talaga lang ha?" si Ate


            "O--opo..." si Matthew


            "Hoy Antonioooooo!!! Naghihintay yung manliligaw at bespren mo daw!!!!!!!!!!!!!!!!!! Wag ka na mag-gown!!!!!" tumapat si Ate sa hagdan at sumigaw ng sobrang lakas. Kala mo eh Amazona!


            "Eto na nga diba!!!!" sigaw ni Bryan habang bumababa. Agad naman tumayo yung dalawang mokong


            "Ano? Titigan nalang tayo?" si Ate sabay lakad


            "Mom! Dad! Aalis na po kami!" saba ko naman. Pumunta naman sila sa sala


            "Oh, mag-iingat kayo ha?" si Mommy sabay beso saming tatlo


            "Walter, ingatan mo yang kapatid mo ha?" bilin ni Daddy


            "Opoooo Daddddd... Kayang kaya yan ng maskels ko..." sabay flex nanaman


            "Oh sige na... Gagabihin pa kayo niyan..." sabi ni Mommy


            "Sige po Tito, Tita, alis na po kami..." si Matthew


            "Thank you po..." si Edward


            "Sige mga hijo..." si Mommy


                        Inilabas ko na yung kotse ko. Potek. May dala din palang kotse yung dalawa. Buti naman.


            "Bry, sakin ka na sumabay..." sabi ni Matthew


            "Wag... Sakin ka nalang sumabay... Bili..." si Edward


            "Dito ka na... MAS maganda dito..." si Matthew


            "Dito nalang... MADAMING maganda dito..." si Edward


            "Dito na..."


            "Ditoooo..."


            "Dito!"

           
            "Dito!"


            "POTASHET! Samin siya sasabay!" sabay naming sigaw ni Ate. Hinablot naman namin siya pasakay ng kotse


            Sarah          

            Maya-maya lang, nasa mall na kami. Yung dalawang mokong, eto, nasa tabi ni Bryan... Kung anu-ano kinukwento na maski ako eh hindi ko maintindihan



            "Sayang Bry, hindi tayo natuloy sa date natin..."

            "Bry, next time nalang tayo mag dinner..."

            "May gagawin ka ba bukas? Gala tayo please?"

            "Bry, tulungan mo naman ako sa assignment namin oh..."

            "Bry, nood ka ng practice namin sa basketball ha?"

            "Bry, sa Friday na yung stage play namin sa English.. nood ka naman oh..."

            "Bry, gusto ka pala makilala ng parents ko..."

            "Bry, miss ka na pala ni Mommy, pinapapunta ka dun sa Tuesday..."

            "Bry... ganito ganyan"

            "Bry, kasi chu chu chu chu..."

            "Bry, kasi chorva chorva..."


          

            "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!! WALA NA AKONG NAITINDIHAN SA SINASABI NIYO!" sigaw na Bryan. Halos magtinginan naman lahat ng tao sa direksyon namin. Dahil sa pagsigaw na ginawa ni Bryan, nagtigil sa kaka-dada yung dalawa. Buti naman.


            "Use your phone to avoid those very talkative mouths. I have earplugs here.." sabi ko kay Bryan



            "Thank you Ate... Nakak buryo kas 'tong dalawang 'to! Kala mo mamamatay na ako sa sobrang daldal nila!" sabi ni Bryan habang inaayos niya yung phone

            Bumili na kami ng tickets. Nilibre ko yung mga kapatid ko, pero yung dalawang mokong, KKB. Kanya-Kanyang Bayad. Asa naman silang ililibre ko sila 'no?

           
            Pumasok na kami sa Cinema. Magsisimula palang pala. Nasa ma bandang gitna sa taas kami naupo. Gitna si Bryan. Sa kaliwa niya si Walter at ako sa kanan. Sa tabi ko si Edward at si Matthew sa tabi ni Walter. Di pwedeng magtabi yung tatlo. Baka mamaya, mag-iskandalo pa yun dito. Nakabili na din kami ng popcorns at iba pang pagkain.

           
            So the movie started. We quietly and seriously watched. Kain dito, inom jan. Pero maya-maya sa kalagitnaan ng movie...


To be continued...

4 comments:

  1. hahahaahah, nice part! ^_^

    ReplyDelete
  2. mahal ko na mga kapatid ni bryan. adik lang si bryan, siya pa may ganang mainis dun sa dalawa eh kung tutuusin kasalanan din naman niya. oo lang siya ng oo. adik lang? pag sinabing tumalon sa bangin, oo lang, sige lang? adik lang din ang mga manliligaw niya. next chapter na please.

    ReplyDelete
  3. Nice one, nakakaaliw lng! Hhahahaha! Love na love ko narin itong story na ito! Kaabang abang na ang next chapter! Thanks a lot !

    ReplyDelete
  4. ang haba ng hair! he he he. nice chapter, nkakaaliw.

    ReplyDelete