ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, January 6, 2013

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 15




             Kamusta po sa lahat lahat?! ^_^

             Unang ua sa lahat ay hayaan ninyo muna akong batiin kayo ng isang HAPPIER NEW YEAR!! ^_^

             Pangalawa, ay nais kong magpasalamat sa lahat ng nagsupport sa Christmas Special ng MNB. At gusto ko na rin humingi ng tawad sa aking late posting ngayon. Nagbakasyon po kasi ako panandalian sa bahay ng aking relatives at hindi ko po dala ang aking laptop. Okies? ^_^

             Pangatlo, ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki, Jp Arconado, abby, bench, alpe,  Jiru, dapya at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.






Naging sadyang sunod sunod ang pasok ng tawag at text kaya nakaramdam ako ng kaba. Bigla akong naging uneasy at hindi mapalagay. Iniisip ko kasi na baka emergency kaya naman ng makarating sa tapat ng bahay ko ay agad kong kinuha ang phone at agad tiningnan kung sino agad ang tawag ng tawag.

“18 missed calls. Rovi”

Nagulat ako na makitang ang mga miscalls ko ay galing kay Rovi. Hindi ko alam bat ganung kaba na lang ang naramdaman ko. Nang mabasa ko naman ang mga text ay halos lahat galing kay Rovi din. Puro “asan ka na”, at “tawagan mo ko. ASAP.” Ang laman ng text nito.

Aligaga akong nag return call kay Rovi. At ilang ring lang ay agad nitong sinagot.

“Oh, Rovi? Anong nangyari bat napatawag ka?!”, alala kong tanong.

“Cedric…”, malungkot na tugon nito.

“Ano yun?!”

Narinig ko ang paghikbi ni Rovi.

“Hoy! Anong nangyari?!”

Mas lalo akong kinabahan.

“Pumunta ka dito.”

“Saan?”

Sinabi ni Rovi sa akin ang lugar. Dali dali ko naman itong pinuntahan. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko sa narinig. Hindi ito maari! Paanong…! Shit!

Agad agad akong nagtatakbo papasok. Ang daming tao. Tahimik pero ang daming tao. Halata sa mga tao na walang mga tulog at pagod na pagod. Napaka lungkot ng ambience ng lugar.

Agad kong nakita si Rovi na nakaupo sa isa mga upuan. Nakahawak ang kamay nito sa kanyang mukha kaya hindi ako agad nito nakita.

“Rovi…”, pagtawag ko.

Tiningnan ako nito. Kita sa mukha nito na umiyak ito. Kitang kita din ang labis na kalungkutan.

“Upo ka.”, paanyaya nito.

Naupo ako sa tabi nito ngunit hindi pa din ito nagsalita agad.

“Kung ano mang sabihin ko sayo, sana huwag mo ako husgahan…”, panimula nito.

“Husgahan?”, gulat ko.

“Ced.. Si Geoff..”

“Oo. Alam ko. Kaya nga tayo nasa hospital, diba? Pero ano nga ba nangyari? Bat andito sya? Naaksidente ba sya?”

Umiyak lang si Rovi.

Hindi muna ako nagtanong agad at pinatahan lang si Rovi. Close kasi sila ni Geoff. Si Geoff kasi ang naghanap ng paraan para makasama ang kaibigan sa banda. At ang isa pa ay highschool pa lang ay tropa nya na ito.

Nang tumahan si Rovi ay nagsalita ito.

“Si Geoff. May cancer. Stage 4.”, luha luhang sabi nito.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Did Rovi just say na may cancer si Geoff? Pero paanong…

“Hah…”, tanging nasabi ko na lang.

Natahimik ako. Parang naging blangko ang lahat. Parang ang tanging narinig ko na lang ay tunog sa tv kapag walang programa. Matining. Masakit sa tenga.

Naramdaman ko na lang na naiyak ako sa pagkabigla. Ngayon, dalawa na kami ni Rovi na umiiyak. Hindi ko alam ang gagawin kaya napayakap ako dito.

Nang makakalma kaming dalawa ay nagsalita na ako.

“Rovi.. Paanong…”

“Nalaman namin pagpunta na dito sa Manila. Akala naming nung una ay dahil sa Ulcer lang nya kaya laging sumasakit ang tyan nito. Yun pala, liver cancer na. Stage 4 na at kumalat na ang cancer.”

Mas lalo akong hindi makapaniwala sa narinig. Bat ang bilis? Bat hindi ko nalaman nito noon pa? Alam ko oo, nung kami pa ni Geoff ay madalas idaing nito ang pagsakit ng sikmura. May mga oras pa nga na halos hindi  ito makatayo. Pero sabi nya ay dahil lang ito sa ulcer nya. Mahilig din kasi si Geoff uminom kahit pa walang kain.

“Asan sya?”, tanong ko.

Pinatayo ako ni Rovi at dinala sa isang kwarto. Halos parang slowmo naman bigla ang lahat. Parang hinipan ang ulo ko at nahilo ako bigla.

Nakita ko si Geoff na nakahiga sa isang kama. Halos manlumo ako sa nakita. Ang laki talaga ng binagsak ng katawan nito. Payat sya ngunit malaki ang tyan. At ang dami pang mga kable na nakadikit sakanya. Meron pang hose sa ilong nito.

Nang makalapit ako kay Geoff ay naiyak na ako agad. Ni hindi ko man lang napansin na may pinagdadaanan ito. After kasi ng nangyari noon ay nag iwasan na kami. Ni hindi ko man lang sya kinamusta kahit napapansin ko na ang pagiging payat nito bigla. Hindi ko rin pinansin ang madalas pag absent nito sa trabaho.

Niyakap ko si Geoff pagkatabi ko dito. Umiiyak pa din akong yumakap sakanya at nagsisi sa nagawa. Kahit pa ano’t ano man nangyari ay naging parte sya ng buhay ko. Mali man yun o tama ay naging boyfriend ko pa din sya noon. At kahit papaano din ay naramdaman kong minahal ako nito. At minahal ko na rin sya kahit kaunti.

 Nagising sa pagkakatulog si Geoff ng yumakap ako. Nakatingin lang ito sa akin at halatang nagulat.

“Geoff…”, umiiyak kong tawag sakanya.

“Oh, Cedric… Napasugod ka?”, kalmadong tanong nito.

“Geoff, alam ko na…”

Napatingin si Geoff kay Rovi at bahagyang sumimangot.

“Pasensya na, pre.”, pagcrak ng boses ni Rovi.

“Huwag ka na magalit kay Rovi.. Pero Geoff… Bat hindi mo sinabi sa akin?”, pagtatampo ko.

“Bakit pa Cedric?”, pag ngiti nito.

“I was your boyfriend, Geoff.”

“Yeah.. Was.”, ngiti pa rin nya.

“Sana sinabi mo man lang sa akin….”

“Huwag ka na umiyak. Tanggap ko na naman na. Pero masaya ako na andito ka.”

Nakita ko ang agarang pamumuo ng luha ni Geoff. At ng bumagsak ang unang luha nito ay yumakap akong muli. Niyakap din ako nito pabalik.

“Ssshhh. Itabi mo na lang ang luha mo pag namatay ako. Gusto ko muna makita sa ngayon ay ang mga ngiti mo.”, kalmadong sabi ni Geoff. Mas napahagulgo naman ako.

“How can you be like this?”

“Cedric… Pasensya ka na. Kaso feeling ko, pointless rin naman kasi kahit sabihin ko pa sayo.”

“Ang unfair mo!”,  iyak ko.

“Pasensya ka na.. Ayoko lang kasi madagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo. Alam kong mali ang ginawa ko sayo.”

“Natin. Hindi lang ikaw.”

“Yun nga, eh. Kasi ginusto natin parehas yun.”

“Anong ibig mo sabihin?”, pagiiyak ko.

“Sasabihin ko sa iyo ito hindi dahil gusto ko ng awa mo. Hindi rin dahil mamatay na ako. Pero sasabihin ko sayo ang lahat dahil ito ang nararamdaman ko.”

Umupo ako sa tabi ni Geoff at hinawakan ang kamay nito. Nakita kong muling napaluha ito.
“Noon una, alam nating pareho na si Cyrus ang mahal natin. At sigurado ako doon. Ngunit nangyari ang di inaasahan… Naging tayo for some selfish reasons. Ayaw natin mapunta sya sa isat isa kaya tayo ang nagkatulyan…”

“Pero alam nating pareho na dadating ang araw na aamin tayo sa kalokohang sinimulan natin… Nagkataon lang na ako ang nauna magsabi. Ako ang unang humakbang…”

“Nang maka amin na ako kay Cyrus noon ay pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik ngunit nalagyan ako ng bago. Kung ano man yun ay hindi ko pa alam noon. Hanggang..”

“Hanggang?”, naiiyak kong tanong.

“Hanggang sa nawala ka sa buhay ko si Cyrus at ikaw. Sa mga panahong yun ay ikaw ang hinahanap ko at hindi si Cyrus. Kahit pa wala si Cyrus at ikaw ang andyan ay ikaw pa din ang namimis ko…”

“Nung una ay naguguluhan ako kung bakit ko ito nararamdaman. Peron ng sa huli ay napagtanto ko na gusto ko lang kita i-let go para makapagtapat ka na kay Cyrus. Kaso nga lang, hindi yun ang nangyari. Pinilit nating ipagpatuloy hanggang sa lumayas na nga si Cyrus..”

“Nung mas tumagal pa ay may narealize din ako. Na ang pagmamahal ko kay Cyrus ay nawala na. Naging totoo ang nararamdaman ko para sayo. Ang kalokohang sinimulan natin ay naging totoo na sa akin…”

“I was about to tell you nung araw ng monthsary natin pero alam naman natin kung saan nauwi ang araw na yun. Nag-away tayo ng dahil sa selos natin sa isat isa tungkol kay Cyrus. At that time, na hindi ko pa alam na narinig mo ang pagtatapat ko kay Cyrus…”

“Nung tatawagan na sana kita para magsorry at magtapat sayo ay nakatanggap ako ng tawag sayo na naglayas nga si Cyrus. Ramdam na ramdam ko sa iyak mo ang sobrang pagsisi, lungkot at pagkasawi. Kaya naman agad agad akong pumunta…”

“Pagkadating ko ay nakita ko ang pagkalugmok mo sa paglayas ni Cyrus. Napatunayan kong ako lang talaga ang nagmamahal sayo. I mean, na ako lang ang nagfall. Habang ikaw.. Si Cyrus talaga…”

“I was devastated nung araw na yun dahil nakipag break ka na sa akin ng mismong araw na yun. Nasaktan ako ng todo. Pero hindi ko ipinakita. Ang tanging ginawa ko ay magi nom ng magi nom araw araw. Umaasa na makakalimot sa sakit na nararamdaman ko…”

“Kaso… Hindi ko alam na may sakit na pala ako. At mas lalong lumala ng dahil sa pagiinom ko. Kaya heto ako ngayon at pinagbabayaran ang mga panahong hindi ko inalagaan ang sarili…”

Halos malusaw ang kinatatayuan ko sa mga narinig ko. Ni hindi ko man lang naramdaman ang mga nangyari. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Cyrus. Hindi ko alam na may nasaktan na din pala ko sa pagpapanggap na ginawa naming.



Humingi ako ng leave sa aking pinagkakatrabahuhan. Buti na lang at mabait ang amo ko. Ngunit nakausap ito na hanggang sa makahanap muna kami ng bagong tutugtog na banda bago kami umalis. Sabay kaming magleleave kasi ni Rovi dahil hindi ito papayag na wala sa tabi ng kaibigan. It’s either magresign sya kung di sya papayagan o bigyan ito ng leave. Pero nakuha naman ito sa pakiusap.

Minalas naman kami dahil syam na araw ang lumipas bago kami tuluyang nakahanap ng bagong banda. Kaya naman pagkakuha naming ng bago ay agad kaming umuwi ni Rovi sa dating probinsya upang puntahan si Geoff.

Nang makarating kami sa dating lugar ay hindi naming makuhang maging masaya. Lalo na ako. Napakaraming alaala ang mayroon sa akin ang lugar na ito.

Agad agad kaming pumunta sa bahay nila Geoff. Napakaraming kamag anak nito ang nagpunta. Halos mapaiyak naman kami ng makita naming si Geoff. Halos buto’t balat na ito at hirap na hirap na. Napakabilis.

Talagang napahagulgol si Rovi ng makita ang katayuan ni Geoff. Agad itong yumakap sa kaibigan at nagiiyak parang bata. At ganoon din ako. Halos hindi magkandamayaw ang luha ko sa paguunahang bumagsak. Mas nakadagdag pa ng lungkot ang tunog ng pagiyak ni Rovi. It was too sad.

Nang matapos si Rovi ay ako naman ang lumapit. Halos manlabo ang paningin dahil sa mga luha. Pero ang hindi naharangan ng luha ko ay ang makita ang paghihirap ni Geoff.

Agad akong umupo sa tabi ni Geoff. Hinawakan naman nito agad ang mga kamay ko.

“Dumating ka na rin…”, hinang hinang sabi nito.

“Oo naman..”, umiiyak kong sabi.

“Masaya ako na andito ka.. Dito ka lang, ha. Samahan mo ko hanggang huli..”, pagmamakaawa ni Geoff. Nakita ko na lang na napaluha ito.

“Huwag ka naman magsalita ng ganiyan…”

“Nararamdaman ko na Cedric.. Malapit na ko…”

“Please.. Huwag ganyan Geoff.”

Umiiyak akong hawak ang kamay ni Geoff. Ngunit kahit kita ang paghihirap sakanya ay kita rin ang fulfillment sakanya. He was peaceful.

“Ced…”, pilit na tawag nito sa akin.

“Oh?”

“Could you kiss me like you used to do?”, pakiusap nya. Nagbigay ito ng ngiti sabay patak ng luha.

Hindi na ako sumagot at agad na hinalikan ang mga labi nito. Wala na akong paki sa mga kamag anak nito. Total, alam naman nila ang relasyon naming noon pa.

Matagal kong idinampi ang mga labi ko salabi ni Geoff. Tears were falling as I kissed him. Pagkalas ko naman ay agad itong ngumiti.

“Thank you.”, sabay bigay ng isang malalim na hininga.

“Ced…”

“Oh…”

“Pwede rin bang sa mga huling araw ko ay gawin natin ulit ang ginagawa natin? Could you kiss me everytime na magigising ako, nahihirapan sa paghinga, o twing bago matulog?”, pagmamakaawa nito.

Tiningnan ko ito at bahagyang nagbigay ng ngiti.

“I will… Huwag kang maglala. Andito ako. You just rest now.”

Halos hindi na kami umalis ni Rovi at ng magulang nito sa tabi nya. Salit salit kami sa pagbabantay sakanya. At araw araw ay walang humpay din ang pagiyak naming lalo na kapag nakikita naming ang paghihirap nito.

Hindi na nakakapagsalita si Cyrus. Basta ang habilin lang nya ay patugtugin naming ang mga recorded songs nya noong mga panahong kaya pa nitong makapagsalita. Nakatitig lamang ito sa kawalan. Minsan pa’y alam naming umiiyak ito kahit pa wala nang luha. Kahit kasi pagluha ay pinagkait na ng katawan nito.

Hindi naging madali ang pagaalaga kay Cyrus. Hindi dahil sa labag sa kalooban naming ito ngunit dahil na rin sa nakikita naming labis nyang paghihirap. Ni hindi na rin kasi ito maktayo o kahit umupo man lang mag-isa. Kaya naman ang pagpunta nito sa palikuran ay kailangan pagtulungan naming.

Halos mapaiyak kami sat wing dumudumi si Cyrus dahil may kasama na itong dugo. Kung minsan ay kaunti lang pero kung minsan ay parang buobuo. At sat wing hinuhugasan na naming sya ay kitang sakit na sakit na ito.

Kahit pa sa pag inom ng gamot nya ay pahirapan na din. Madali na kasing masugatan ang bibig at gums nito kaya naman pinagkakasya nya ang pag-inom sa straw na lang. Nakakapanlumo. Walang araw na di bumuhos ang luha mula sa amin.

May mga sandali na akala naming na wala na si Geoff dahil bigla itong panandaliang hihinto sa paghinga sabay babalik muli. At ang usual na nakakapagbalik sakanya ay twing andun ako.

“Geoff!! Geoff!!! Lumaban ka!! Lumaban ka!!’, paulit ulit kong sigaw at bulong sa tenga nito. Maya maya ay makikita naming humihinga na itong muli.

Ang malaking pinagtataka ko ay lagi nitong inaabot ang pitaka nito sa akin. Ngunit pagkinukuha ko na ito ay aagawin nya itong pabalik at parang may gustong sabihin na hindi ko maintindihan dahil nga sa hindi na ito makapagsalita.

“Baka naman nakikipaglaro lang..”, sabi ng Ina nito.

Naalala ko na mahilig nga pala makipagkulitan si Geoff. Kahit pa sa pagkain. Minsan ay akala kong susubuan ako nito ngunit hindi pala. O kaya naman bigla itong mangaagaw ng kahit anong bagay na hawak ko at pilit ipapabawi. Kaya naman sat wing nakikipaglaro ito na gamit ang pitaka nya ay halos maiyak talaga ako ng todo habang pilit na nagbibigay ng ngiti.




Isang araw ay kataka takang andoon ang buong pamilya nito. Ang mga nasa malayo ay nagsiluwasan. Kahit pa ang mga malalapit na kaibigan ay biglang nagsilitawan.

Lahat ay pilit na pinapatibay ang loob ni Geoff. Walang araw na hindi kami nagdasal para sa kagalingan nito. At kung mawala din sya ay ipagdasal na maging maayos na sya.

Halos hindi ko naman mapigilan ang pag-iyak ko sa tuwing nagdadasal ako. Geoff was a part of my life. Kahit pa isang kasinungalingan ang simula ay nangyari pa din ito. Mahigit sa isang taon na pagsisinungaling. Na ngayon ay pinagsisihan naming dalawa.

I can’t help but think of the times na kami ni Geoff. Ngayon ko lang narealize ang kabutihan na pinakita nito sa akin. Nakakalungkot lang na kailangan mangyari pa ito sakanya bago ko ito tuluyang malaman.

Sumapit na ang hapon at gabi. Halos hindi na tumitingin kahit kanino si Geoff. Nakahiga na lang ito. Naririnig ko na halos walang kumikibo sa loob ng bahay. Lahat ay tila tahimik.

Andun ako sa labas ng bahay at umiinom ng kape ng may nakita akong bumaba sa isang tricycle. Nakita ko pa lang ito ay nagiiyak na ako. Kaya naman tumakbo na ako agad papasok ng bahay at tumangan sa tabi ni Geoff.

“Andito na si Father.”, umiiyak na sabi ng pinsan ni Geoff.

“Anak, huwag ka matakot. Uuwi ka na. Magiging okay na…”, hirap na hirap na sabi ng Ina kay Geoff.

Nasa kabilang gilid ako ng kama at hawak hawak ang kamay ni Geoff habang dinadasalan at binibigay ng pari ang huling kumpisal nito. Unti unti ay nararamdaman ko ang pagkibot ng kamay ni Geoff sa pagkakahawak ko. Hindi naman ako makatingin sakanya dahil tanging paghihirap lang nito ang nakikita ko.

By chance ay tiningnan ko si Geoff at alam kong pilit akong hinahanap ng tingin nito kaya agad akong tumungo malapit sa mukha nito. He was barely breathing. Masyado nang nakakaawa ang ichura nito. Ni hindi ko na nga maisalarawan kung ano ang ichura nito. His face has changed dahil sa sakit.

He was crying. Kahit pa walang luhang lumalabas ay alam kong umiiyak ito I know his face when he cries.

It’s time.

Napahawak ang isang kamay ko sa bibig ko at humagulgol. Pilit na kinakabisado ang ichura nya ngayong buhay pa sya. Hindi ko na makayanan. Alam kong ako ang rason bat hindi ito makabitaw bitaw at tuluyang magpahinga.

Binaba ako ang mukha ko at inilapit ito sakanya. Maluhaluha kong hinalikan ang labi nito. Hindi na sya gumalaw at gumanti ng halik. But still, I kissed him.

Pagkatapos ko humalik ay inangat ko uli ang ulo ko at dumistansya ng bahagya. Sakto lang para makita ang mukha nito. I gave him one last look.

“Geoff.. P-pa-hinga k-ka na.. H-hwag mmo na ka-kami i-isi-isipin. P-pa-pa-hinga ka na..”, hirap na hirap kong sabi.

Pagkasabing pagkasabi ko nito ay alam kong ngumiti ito. Naramdaman ko din na nagbigay ito ng isang huling pisil sa kamay ko na tila nagsasabing..

“Paalam…”

Pagkatiwalag ng pisil nya ay nakita ko na nawala na ang maliit na bilog sa loob ng mata nito. Tanda na tuluyan na kaming nilisan ni Geoff.

At ang mga sumunod na nangyari ay iyakan.

Hagulgulan.

Dahan dahan akong napatayo. Ngunit bigla kong naramdaman na nawalan ng lakas ang mga tuhod ko kaya halos mapaluhod ako habang nagiiyak. Naririnig ko ang iyakan ng lahat habang tinatawag ang pangalan ni Geoff.

Geoff is gone.






44 comments:

  1. O dba, ang ganda ng bungad :(. geoff is gone haist. paano na si cedric nito. :((... nakakalungkot naman..... cyrus bumalik kna =/

    ReplyDelete
  2. Ganda ng pasok ng New Year natin.. Death scene agad.

    ReplyDelete
  3. Ganda ng New Year Death scene agad ang bumungad. balik ka na Cyrus....

    ReplyDelete
  4. nakakalungkot naman talaga...

    ReplyDelete
  5. Ohh.. haaaah... ang haba nang paghihintay tapos papaiyakin tayo ni sir kenji.. hehehe .,.


    Geoff is gone at siguro naman babalik na si cyrus..

    salamat sir ken

    ReplyDelete
  6. Ohh.. haaaah... ang haba nang paghihintay tapos papaiyakin tayo ni sir kenji.. hehehe .,.


    Geoff is gone at siguro naman babalik na si cyrus..

    salamat sir ken

    ReplyDelete
  7. grabe kakalungkot po ang chapter na to... how could cedric then leave with-out geoff??? napakasakit ang chapter na to.. but at least cedric give his best for geoff till the end... i love it IDOL..


    marc of K.S.A.

    ReplyDelete
  8. grabe kakalungkot po ang chapter na to... how could cedric then leave with-out geoff??? napakasakit ang chapter na to.. but at least cedric give his best for geoff till the end... i love it IDOL..


    marc of K.S.A.

    ReplyDelete
  9. the hell....bkt ganyan ang nang yari?????nasaan na ba si cyrus?????????????

    ReplyDelete
  10. Ahy! update.. nakakadepress naman....

    ReplyDelete
  11. patay agad agad nakakalungkot naman ng chapter nato :((..

    ReplyDelete
  12. Aww ang sad patay agad unang chapter ng taon.

    Sobrang nakakalungkot naman.

    RIP Geof huhuhu :(

    Arsteve.

    ReplyDelete
  13. Naiyak naman ako. Mother ko kasi may liver cancer ngayon. Hopefully tumagal pa ang buhay niya...


    Queckenstedt

    ReplyDelete
  14. ang pagsisisi ay laging asa huli, though naging masaya aman c geof sa mga huling sandali nya w his loveone. may you rest in peace and tnx for the update MR. AUTHOR.

    ReplyDelete
  15. cyrus bck 2 cedric n pls....


    huhuhu, wawa c geoff....



    ReplyDelete
  16. nkakalungkot naman ang pagbabalik ,,. haixytzzz,,. sad talaga, napaka buting tao ni Geoff , Nasan n kasi si Cyrus, sana bumalik na siya.. wawa namn si Cedric.. :(

    -Markii-

    ReplyDelete
  17. i sense something in d wallet o.O

    mlungkot buong chapter idol >_<
    sna lighter naman next

    ReplyDelete
  18. The sadness is too much to bear... Sumakit ang dibdib ko pagkatapos basahin ito, parang hinde ko kakayanin... Naalala ko ang lola ko on her deathbed kasi me cancer din sya bago sya namatay, same sa nangyari sa kwento.... Yun lang, I can't bear it anymore, just gonna wait for the next chapter... =(

    -Toffer (charmedboy09)-

    ReplyDelete
  19. Happy New Year!


    Pag may namatay, may mabubuhay ulet :DD HAHA! Tagal umeksena ni Cyrus! Kalorkey!

    ReplyDelete
  20. grabe ang welcome 2013 post mo ken..nakakalungkot...again ganda.

    ReplyDelete
  21. una si nikko tapos ngaun si geoff...sana wag naman sumunod si felix...kalungkot naman to ken..cyrus asan ka na ba??

    ReplyDelete
  22. How I wish you could have created a chapter other than this.
    Bat kelangan pang may mamatay .... T.T

    Cyrus, asan ka na .... Please, bumalik ka na . =|

    ReplyDelete
  23. How I wish you could have created a chapter other than this.
    Bat kelangan pang may mamatay .... T.T

    Cyrus, asan ka na .... Please, bumalik ka na . =|

    ReplyDelete
  24. omg.. nakaklungkot nmn.. ''pero sabe nga after ng kalungkutan may kapalit na kasiyahan'' para maging balanse ang takbo ng buhay..

    -mckimac

    ReplyDelete
  25. now i know kung bakit DESPERADO title :DD

    ReplyDelete
  26. kuya Ken ang gandahh kaso an daming typho error! like yung imbes na geoff naging cyrus; nakaka distract...heheh

    sana lumabas na cyrus sa next post!

    ReplyDelete
  27. nakakaiyak!!!T_T
    nakakabigla...kapapasok lang ng new year eh...pero ganito agad ang salubong..ang lungkot.T_T

    -monty

    ReplyDelete
  28. this is to get him out of the picture..ngayon, makakapagfocus na ang story sa complications nilang dalawa ni cyrus..next chapter na and let's see what's going to happen..

    -J

    ReplyDelete
  29. ang bigat sa pakiramdam...

    ReplyDelete
  30. tnx Kenji. Happy New Year more power en more stories p po. Hula ko may 2 n magbblik s next chapter. Haha
    Chad Kurasaki

    ReplyDelete
  31. you made me cry super idol.. T.T
    ang sakit. :( bye geoff
    johnjamesjohn

    ReplyDelete
  32. shoot bket naman ganito first chapter ng year a very sad chapter. pero in the end maganda pa rin.

    Have a great day and keep on writing.

    ReplyDelete
  33. tagal ng update Ken....pero oks lang its beautiful and sad.

    ReplyDelete
  34. ang bagal ng story,,masyado nwala yung momentum and excitement daming pasikot2.,sori ha! tagal kasi ng update....saka na lng q mgbabasa ulit.patapusin q muna yung kwento

    tnx kuya :DD

    ReplyDelete
  35. ^ i certainly agree with u but i think kuya ken has the time now

    he will surely post update regularly and i think the series will end very soon hoping for a good ending

    ~silentype(\0/)

    ReplyDelete
  36. hindi po ba parang kumokorni na? Gusto ko yung first part nun. pero ngayon parang ayoko na yung flow. bka may biglang mabhay na naman sa next part? a ewan.

    kaya yan. Go ken. hehehe sorry sa bad remarks.

    (kairu)

    ReplyDelete
  37. I like how you combined a very nice elements together! Ang galing ng approach at yung style very moving, atleast diba? Hndi lang sa main charcters focus ang story, very detailed! Kudos! Rodel cruz po!

    ReplyDelete
  38. I like how you combined a very nice elements together! Ang galing ng approach at yung style very moving, atleast diba? Hndi lang sa main charcters focus ang story, very detailed! Kudos! Rodel cruz po!

    ReplyDelete
  39. I like how you combined a very nice elements together! Ang galing ng approach at yung style very moving, atleast diba? Hndi lang sa main charcters focus ang story, very detailed! Kudos! Rodel cruz po!

    ReplyDelete
  40. c cyrus at felix ay iisa lamang cguro?. wla nmn kc naikwento c cyrus n may kakambal sya.

    *bharu

    ReplyDelete