Kamusta po sa lahat lahat?! ^_^
Unang ua sa lahat ay pasensya na sa aking late posting. GUYS.. OA po talaga ako sa pagkabusy. Sa mga nakakakilala sa akin, hindi po ako nagbibiro. Super busy po talaga at pinipilit ko lang po hanapan ng time ang pagsusulat. Kaya super thanks sa mga umiintindi :)
Pangalawa, ay nais kong magpasalamat sa lahat ng nagsupport sa Christmas Special ng MNB. At gusto ko na rin humingi ng tawad sa aking late posting ngayon. Nagbakasyon po kasi ako panandalian sa bahay ng aking relatives at hindi ko po dala ang aking laptop. Okies? ^_^
PANGATLO, pagpasensyahan ninyo na kung late ang aking postings.. Super busy lang talaga ako sa ngayon. Odiba, inulit ko lang.
Pang-apat, ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO, cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki, Jp Arconado, abby, bench, alpe, Jiru, dapya, mhi mhiko, silenttype,Melvin Samora, Ej Jasmin, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Umiiyak kong isinuot ang necklace.
But pagsuot ko nito ay pakiramdam ko ay parang biglang may yumakap sa akin.
Suddenly, parang naamoy ko din bigla ang natural na amoy ni Geoff. I just knew
he was there.
“Geoff.. Maraming maraming salamat…”,
bulong ko sa hangin.
“Anak…?”, narinig kong tawag ng isang
boses. Paglingon ko ay ang Ina ni Geoff. Hindi ko na lang namalayan na pumasok
pala ito.
“Po?”
“Tara na sa baba. Magdadasal na tayo para makakain na ang lahat.”
Tulad ng tradisyon sa probinsya, pagkatapos ng libing ay kailangan may ihanda na munting kainan. Kaya naman naghanda ang pamilya ni Geoff ng kaunting pagkain na pagsasaluhan ng lahat ng nakilibing.
Lumabas ako ng kwarto at agad kong
natanaw si Felix. Sa sobrang hiya ko dito ay hindi ko halos ito matingnan. At
ng mapansin nito na nakatingin ako sakanya ay agad itong lumihis ng tingin.
Pinangunahan ng pinsang lalake ni
Geoff ang panalangin. Ito din kasi ang pinakamalapit na kamag anak ni Geoff.
Sabay kasi silang lumaki dalawa.
Kahit sa panalangin ay hindi naiwasan
ang pagluha ng ilan. Ito ang magiging unang kainan na wala na talaga si Geoff
sa bahay. Tanging abo na lang ang natitira dito.
Kahit pa masarap ang ihinandang
pagkain ay wala pa din akong ganang kumain. Paano ba naman ako gaganahan? I
just lost someone tapos kinakain pa ako ng konsensya ko sa nagawa ko kay Felix.
“Tol, usap nga tayo.”, pagkalabit
sakin ni Rovi. Matigas ang boses nito. Malamang nalaman na nito ang away na
namagitan samin ni Felix. Kaya naman lumabas kami ng bahay kung saan wala masyadong
tao.
“Tol, ano bang problema mo?!”, inis
na sabi ni Rovi.
“Akala ko kasi…”
“Ano?! Na sya nga si Cyrus?! Eh ano
naman kung sya nga?! Tol, mali pa din, eh! Nakakahiya don sa tao!”
Hindi naman ako nakasagot.
“Tol, baka nakakalimutan mo na malaki
din ang utang na loob natin sakanila!”
“Alam ko nama…”
“Alam mo naman pala, eh!”
“Tol, pasens…”
“Hindi ako ang may kailangan ng
pasensya mo..! Hindi ako yung sinapak mo ng biglaan! Mahiya ka naman Ced! At
wag na wag mong idadahilan sakin na dahil malungkot ka sa pagkamatay ni Geoff!
Hindi lang ikaw ang namatayan! Pamilya nya at ako din! Pero hindi kami ganyan!
Kung umasta ka akala mo ikaw tong may pinakamalaking sakripisyo!”, pagsermon ni
Rovi.
Mas lalong nadagdagan ang hiya na
nararamdaman ko. Tama naman kasi sya. Kung umasta ako ay akala mo dakilang
boyfriend ako na namatayan. Ngunit kung tutuusin ay ako pa nga ang nang iwan
kay Geoff. Tapos ngayong may tumulong sakanya, minasama ko pa dahil sa mga
pansariling kadahilanan.
“Aareglohin ko to..”, tanging nasagot
ko.
“Dapat lang! Ayusin mo to Ced! Hindi
ako humingi ng tulong sa tao para sapakin mo lang!”, galit na sabi ni Rovi
sabay walk out.
Susundan ko sana si Rovi para
kausapin ngunit alam kong mainit pa talaga ang ulo nito.Kaya naman
pinagpasyahan ko na lang na palipasin ang galit nito. Gusto ko rin na makipag
ayos din muna sana kay Felix bago ko tuluyang kausapin muli si Rovi. Nakakahiya
din kasi. Napahiya ko ito sa kaibigan nya.
Bumalik na ako sa loob ng bahay para
tumulong sa loob. Naghanap na lang muna ako ng gagawin habang tumitiyempo ako
kung paano ko kakausapin si Felix.
Tumulong na lang ako sa pamimigay ng
pagkain at sa paghuhugas ng mga plato o ang pagtitimpla ng juice sat wing
nauubusan ang jug. Hindi pa rin kasi ako nakakaramdam ng gutom kaya naman hinayaan
ko na lang muna ito.
Nakalubog na ang araw at kaunti na
lamang ang bisita sa bahay. Kaya naman mas nagiging puspusan ang gawain sa loob
ng bahay dahil sa mga kalat na naiwan.
Nang mapagsama sama ko ang mga basura
ay binalot ko ito at nilabas ng bahay. Ngunit dahil na rin sa walang kain ay
nakaramdam ako ng pagod. Kaya naman naisipan ko umupo muna sa labas kung saan
tanaw ko naman ang langit.
“Geoff.. Pasensya ka na, ha..
Hanggang sa huli, sakit ng ulo pa din ang binibigay ko sayo…”, malungkot kong
sabi sa langit.
“Oh.”, biglang litaw ng isang boses. Napansin
ko naman bigla ang kape at tinapay na inabot sakin. Nang nilingat ko kung sino
ang nag abot nito ay sadyang nagulat ako. Si Felix.
“Ah…”
“Sige na. Kumain ka na. Alam kong di
ka pa kumakain.”, malamig na sabi nito.
“S-salamat…”, nahihiya kong sabi.
Naglakad palayo si Felix at umupo sa
mga puno sa di kalayuan. Mayroon kasing lugar sa labas ng bahay nila Geoff kung
saan may pwede kang upuan. At ang maganda pa dito ay sa ilalim ito ng isang
malaking puno. Na sadya namang nagbibigay ng preskong hangin.
Nahihiya man ay tumayo ako sa
pinagkakaupuan at nilapitan si Felix. Umupo ako sa tabi nito.
“Felix…”
Hindi ito kumibo.
“I know you have every right para
magalit sakin.. Pero gusto ko lang humingi ng dispensa sa nagawa ko…”, utal
utal at hiya kong sabi.
Tiningnan ko ito at nakatingin ito sa
kawalan. Tila nag iisip.
“Do I really look like him?”, sabay
tanong nito.
“Sobra…”
“Ganun ba…”
“Felix… Tungkol dyan…”
Napansin kong tumingin naman sa akin
si Felix. Nakaramdam ako bigla ng pamumula.
“Ano?”, tanong nya.
“I’m sorry kung pinagpilitan kong
ikaw si Cyrus. Siguro masyado lang talaga akong umaasa na ikaw nga sya…”
Napangiwi ng bahagya si Felix.
“Alam mo. Gusto kitang intindihin,
eh. Kaso sat wing ginagawa ko yun ay ako naman ang hindi mo iniintindi. Dahil
sa lahat ng kilos at gawa ko ay ang nakikita mo ay si Cyrus. Hindi ako.”,
malumanay na tugon nito.
Napaluha ako sa sinabi ni Felix. Tama
kasi sya. Kaya rin siguro pinipilit ko na sya si Cyrus.
“Kaya nga mas nahihiya ako sayo. Kung
kay Cyrus, nabigo ko. Pati ikaw, wala pa ding nagbago. Wala nga talaga sakanya
ang problema.. Kundi sa akin.”
Katahimikan.
“Why do you want to find him so
badly?”, bigla nitong tanong.
“I mean, bat mo pa sya
pinagtyatyagaang hanapin? Eh sya nga, hindi ka hinahanap. Sabi mo, its been
over a year since lumayas sya at wala ka naging balita sakanya.”, dagdag pa
nya.
“Kasi ako ang rason… Ako ang rason
bat sya umalis at nagpakalayo.. All he ever did was be a friend pero hindi ko
nakita yun.”, naluha kong sabi.
“So kung mahanap mo nga sya? Anong
gagawin mo? Anong plano mo? Paano mo nasisiguro na pag nahanap mo sya ay yun pa
rin ang Cyrus na nakilala mo?”
Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi
malaman kung ano ang isasagot.
“H-Hindi ko alam.. Gusto ko lang
talaga sya makita…”
“Pero paano kung ayaw ka na nya
makita?”
“It’s okay.. I deserve it. Kung may
galit man sya, tatanggapin ko. Kaya ko pagkasyahin ang sarili ko sa kung ano
mang galit o damdamin meron sya para sakin, makita ko lang sya ulit…”
Hindi na ako nakapagsalita.
Naramdaman ko na lang ang tuloy tuloy na pag agos ng mga luha ko. Narealize ko
kasi bigla na ang lahat ng mga bagay at taong nawala sa akin ay dahil din sa
sarili kong kagagawan. I just felt too guilty about everything.
“Hindi man ako si Cyrus, pero siguro,
kung dumating man ang araw na magkita kayo. Makikinig sya sa magiging paliwanag
mo.”, mahinahong sabi ni Felix.
“You think?”
“Hindi ko alam..”, sagot nito.
“Felix…?”
“Hmmmm?”
“Pwede mo ba kong patawarin?”
Tumingin ako kay Felix at tumango
lang ito.
“Okay na yon.”
“Salamat.”
Pagkatapos ng gabing yun ay nagpaalam
na kami ni Rovi sa Ina ni Geoff. Kinakailangan na din kasi naming bumalik ng
Manila dahil ang tagal na naming nawala sa trabaho. Mabuti na nga lang at
mabait ang amo naming at naiintindihan kami sa mga ganitong bagay. Nangako
naman kami kay Tita na babalik kami ni Rovi sa Pasiyam ni Geoff.
Maluha luha kami ni Rovi na umalis sa
bahay ni Geoff. Kapwa kami hindi pa rin makapaniwala na wala na ang masiyahing
si Geoff. Hinding hindi na naming makakasama ito. Wala na rin ang mga kanta
nito na syang bumubuhay sa amin sa loob ng bar. Siguro isa sa mga talent ni
Geoff ay ang mang encourage ng mga tao dahil nadadala nya kami sa lahat ng
energy nya.
Pagkadating naming ng Manila ni Rovi
ay hindi muna kami pumasok. Pinalipas muna naming ang isang gabi dahil na rin
siguro sa matinding pagod. Dala na rin siguro ng ilang linggong pagkakulang sa
tulog at pahinga.
Kinabukasan, ng makabalik kami sa
trabaho ay gumawa kami ng tribute sa pagkawala ni Geoff. Inalay naming ang
buong gabi sa pagkawala ng isang magaling na performer at isang malapit na
kaibigan. Inawit at tinugtog ng banda ang mga paboritong kantahin ni Geoff.
Ngunit kahit gaano pa kagaling ang bago naming bokalista ay iba pa rin pag si Geoff
ang kumakanta.
Kita pa rin kay Rovi ang kalungkutan
sa pagtugtog nito. Pagkatapos ng set nila ay kadalasan nasa backstage lang ito
at nag iisa. Hindi katulad na dati ay nasa bar tumatambay at lumalagok ng alak.
Bilang manager ay kailangan ko
magpakita ng ngiti sa lahat kahit pa ang totoo ay gusto ko ding magmukmok
katulad ni Rovi. Ngunit hindi ko naman pwedeng pabayaan ang aking trabaho at
somehow, kailangan ko ding ipagpatuloy ang buhay. Hindi ito pwedeng tumigil
kahit pa gustuhin ko munang magpahinga.
Naging pampawalang lungkot ko ang
pagpunta sa pinagtratrabahuhan ni Felix pagkatapos ng trabaho. Kung wala naman
ito ay pumupunta ako sa baywalk at doon pinagmamasdan ang dagat. Pilit na
pinapatahan ang sarili sa mga luhang doon ko lang nailalabas.
Ilang araw pa bago tuluyang ganapin
ang Pasiyam ni Geoff ay halos wala pa din akong pahinga. Kahit pa isang linggo
na ang nakakalipas ay hindi ko pa din nababawi ang lakas. Madalas kasi ay
umiiyak pa din ako sa kagabi at hindi pa din makatulog. Yakap yakap ang unan at
hinahaplos ang kwintas na binigay ni Geoff.
Walang gabing hindi ko
napapanaginipan ang lahat. Simula sa pag alis ni Cyrus hanggang sa pagkamatay
ni Geoff. At bago ako tuluyang magising ay ang huli kong nakikita ay ang
paglalaro naming ni Geoff ng wallet nito.
Dumating na ang ikawalong gabi at
muli kaming nagpaalam sa amo. Maswerte namang pinayagan pa din kami nito dahil
na rin sa sobrang pagmamahal nito kay Geoff. Simula’t sapul ay alaga na kasi
nito si Geoff. Kaya naman parang anak na ang naging turing nito sakanya. Hindi
lang ito nakaluwas dahil walang tatao sa negosyo nya. Ngunit ng malaman din nya
ang pagkamatay ni Geoff ay bumuhos din ang luha nito para sa alaga.
Hindi kami nagiimikan ni Rovi habang
tinatahak ang daan papunta muli sa probinsya. Para kasing mas bumigat ang
pakiramdam ngayon. Bale ito kasi ang unang uwi naming naman sa probinsya na
hindi naming makakasama si Geoff.
Ang bawat yapak, kalsada, tanawin ay
mga alaala na naiwan sa akin. May mga magaganda, hindi kanais nais at mga
masasakit.
“Tita…”, agad kong pagmano sa Ina ni
Geoff ng makita ko ito.
“Pasok kayo.”, paanyaya nito.
Dahil sa Pasiyam na gaganapin bukas
ay tumulong kami ni Rovi sa paghahanda. Kumatok kami sa mga bahay bahay para
ipaalala ang pagsapit ng ika siyam na araw ng pagkawala ni Geoff.
Nang makauwi kami ay nag gayat naman
kami ng mga pang sahog para sa pagkain ng mga bisita bukas. Kailangan kasi na
pagsapit ng madaling araw ay lulutuin na lamang ito. Para hindi rin kami
magahol sa oras.
Kahit pa busy ang lahat ay halos
walang nagsasalita sa bahay. Binalot ng katahimikan ang buong bahay. Pilit na
nakikipagparamdaman. Iniisip na andyan lang si Geoff sa tabi at nanonood ng tv
o nagsosound trip sa kwarto nya. It was hard for all of us.
Nang matapos ang preperasyon ay agad
kaming nagpahinga. Pinatulog ako at si Rovi ng Ina ni Geoff sa kwarto ng anak
kahit pa ang iba nilang kamag anak ay hindi nya pinahihintulutang pumasok doon.
Ngunit alam daw nya ang halaga ko sa anak kaya naman alam nyang ito ang
gugustuhin ni Geoff.
Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay
napatulala lang ako. Walang nagbago. It was like hindi nawala si Geoff. Ang
amoy niya ay naandon pa din. Sinadyang hindi talaga ayusin ang kwarto nya at
hinayaan lang kung paano nakalagay ang mga gamit.
“Geoff.. Andito na ko. I’m home.”,
pagbulong ko sa hangin.
Dahan dahan akong napaupo sa kama ni
Geoff at doon agad agad na tumulo ulit ang mga luha. It was a very unbearable
loss dahil permanente na ito. Kahit anong pilit ko ay wala nang Geoff na
magpapakita sa akin. Tanging sa alaala at panaginip ko na lang sya ulit
makikita.
Napatingin ako kay Rovi na nakaupo
lamang sa sahig. Nakatulala sa kwarto habang isa isang tumutulo ang mga luha
nito.
“Tol…”, pagtawag ko.
“Alam mo ba pre, andaming alaala ng
kwartong to.”, malungkot na sabi ni Rovi.
Tumahimik lang ako.
“Natandaan ko nun pre, dito takbuhan
at hideout ko pag di ako umuuwi samin. Welcome na welcome kasi ako dito eh.”
“Nakilala ko si Geoff nung hayskul.
Sikat sa mga babae yan si Geoff noon. Palibhasa, pogi, aktibo sa skwela, at
magaling talagang kumanta. Kaya naman ang mga babae sa amin, nag uunahan sa
paglapit kay Geoff.”
“Ako naman noon. Baguhan dito sa
lugar. Taga Manila kasi ako talaga, diba? Kaso lumipat kami dito ng mamatay ang
Mama ko. Kaya ayun. Bago sa lugar,
walang kaibigan, bulakbol. Pero pre, matataas ang grades ko noon, ah!”
“Naging tropa ko yan si Geoff ng
minsang kumakain ako mag isa. Nilapitan nya ko. Tapos okay sya kausap, hanggang
sa nalaman nyang nag gigitara ako. Kaya ayun, naging close na kami. At nahawa
na ako sa kasikatang meron sya.”
“Dahil sa pagkalungkot ko sa
pagkawala ng Mama ko ay naging close ako sa pamilya nya. Si Tita kasi
napakabait at di ako tinuring na iba. Kaya naman parang utol ko na talaga yan
si Geoff.”
“Dumating ang panahon na sobrang nadepress
ako noon. Inatake kasi sa puso ang Dad kaya naman natakot ako na baka pati sya
wala. Hindi ako nagpapasok at nagalit ako sa mundo. Kahit pa si Geoff nilayuan
ko. Nagalit kasi talaga ako ng lubusan kung bakit ba lahat ng mahal ko sa buhay
nawawala. Tanga man, pero gusto ko sisihin ang lahat. Bakit ba kasi hindi na
lang sila ang nagkasakit.”
“Ngunit kahit na ganoon ang kalagayan
ko ay hindi ako nilaglag ni Geoff. Nagsilayuan man ang iba kong kaibigan ay
andyan lang sya kahit sya pa mismo ay tinataboy ko na.”
“Pero tol, ibang klase talaga sya,
halos ipagtulakan ko na pero ako pa ang iniintindi. Hanggang minsan pumasok ako
sa school at naabutan ko sya sa chapel. Nalaman ko sa bantay sa chapel na araw
araw nagpupunta doon ng maaga si Geoff para ipagdasal na gumaling ang Dad. Doon
ko narealize na tunay talaga syang kaibigan. At nakakatuwa pa dyan, ang lakas
nya ata sa Taas at dining ang panalangin nya kaya gumaling si Dad.”
“Parehas pa din kami ng pinasukan
noong College at di nawala ang kasikatan naming sa school. Pumapart time na rin
kami sa mga events kung saan pwede kaming tumugtog. Kaso isang araw
nagkaproblema sya. Nilayuan sya lahat ng tao.”
“Noon pa man ay alam ko na ang
totoong pagkatao nya. I mean, yung tungkol sa kasarian nya. At hindi naman nya
ito itinago sa akin. Ngunit dahil hindi naman halata sakanya ang pagiging
ganoon ay walang nakakaalam nito. Kaso wala ata talagang sikretong matatago.
Nalaman at nalaman ng mga tao ang tungkol sakanya. 2nd year College na kami noon ng nangyari yon.
Galit na galit ako sa lahat dahil sa pinakita sakanya ng mga tao.”
“Ngunit madali rin namatay ang issue.
Mas nangibabaw kasi ang kabaitan ni Geoff sa lahat. Malamang nabigla lang kasi
ang lahat kaya hindi agad nila natanggap. Pero di nagtagal ay naunawaan na rin
sya. Hindi rin naman din kasi sya kaladkarin kahit ganoon pa sya. Disente pa
rin kung baga.”
“Nang mag 3rd year College
ako ay bumalik na ako ng Manila. Nalungkot ako dahil di naman basta pwede iwan
ni Geoff ang pamilya nya. Ang Dad naman ay nadestino na sa Manila dahil sa
trabaho. Palamunin pa ako ng Dad kaya wala akong nagawa.”
“Ngunit sadyang mautak si Geoff.
Talagang binakuran nya ang madalas na kumukuha sa amin pag piyesta. Halos
sumipsip na sya dito dahil bali balita na magbubukas daw ito ng Live House.”
“Isang araw excited nya kong
tinawagan. Nakausap nya na nga at kami na ang kukunin. Total, kilala na rin
kami sa lugar kaya siguradong may papasok sa bar nya pag nalaman na kami ang
regular na tumutugtog. Kaya Presto! Nakabalik ako dito.”
“Tumagal ng isang taon bago kayo
tuluyang pumasok sa amin. Lagi kaming nahihirapan sa pagkuha ng tao dahil tila
may balat sa pwet ang mga pinapasok naming dahil kungdi nagkakaroon ng gulo sa
bar ay wala masyadong pumupunta. Ngunit ng pumasok kayo, parang bigla na lang
dumagsa ang mga tao.”
“I’ve always known kung ano ang tunay
na damdamin ni Geoff para kay Cyrus at sayo. Ilang beses ko syang pinagsabihan
ngunit lagi pa rin akong sumusuporta sakanya. Yun lang din kasi ang kaya kong
gawin para sakanya.”
“Hanggang ayun. Isang araw, napansin
ko na lang na parang may kakaiba sakanya. Madalas na din syang sumpungin ng
Ulcer nya. Sa twing tinatanong ko naman sya ay okay lang daw sya. Kaya akala
ko….”
Panandaliang huminto si Rovi sa
pagkukwento. Nakita ko ang pagbilog nito ng kamao.
“Akala ko okay pa rin sya…”, umiiyak
na sabi ni Rovi.
Sa pakikinig ko ay walang duda sa
akin ang kabaitan ni Geoff. Hindi ko lang alam na ganito pala kalalim ang
pagkakaibigan nila ni Rovi. Dati kasi, I never really saw Geoff as a lover.
Sadly, naging isang panakip butas sya sa nararamdaman ko para kay Cyrus.
Nilapitan ko agad si Rovi at hinaplos
ang likod. Ramdam ko sa hikbi nito ang pagluluksa sa pagkawala ng isang matalik
at napakahalagang tao sa buhay nya. I couldn’t say na isang kaibigan lang
sakanya si Geoff. Parang kapatid na kasi nya talaga ito.
Nang mahimasmasan kami ni Rovi ay
nagdesisyon kami na matulog na dahil maaga pa din kami gigising para magluto.
Kaya naman naglatag na kami at nahiga.
Marahil dahil sa pagod sa byahe,
paghahanda maghapon at pag iyak ko ay nakatulog agad ako. Yakap yakap ang unan
na binalot ko sa t shirt ni Geoff.
Kinabukasan ay maaga nga kami nagising
upang maghanda. Kita ko kay Rovi ang puspusan at buong tyagang pagtulong.
Ginagawa nya ito lahat para sa kaibigan. Ito na lang din kasi ang magagawa nya
para dito.
Maya maya ay isa isa na ring
nagdatingan ang mga bisita. Mga kamag anak, kaibigan, at mga naging kaklase
nila Geoff at Rovi nung high school at college. Maya maya ay dumating na din
sila Mimi kasama si Felix.
“Kamusta ka?”, bati sakin ni Felix.
Nginitian ko naman ito.
“Okay pa.”
Nakitulong na rin sila Mimi at Felix
sa paghahanda. Maya maya pa ay nagsimula na ang padasal para sa Pasiyam.
Lahat ay taimtim na nagdarasal para
kay Geoff. Ang mga close naman talaga kay Geoff ay minsan napapaluha. Malamang
naaalala si Geoff. At hindi naman kami nakatakas ni Rovi. Kapwa kami ay minsan
napapaluha.
Nang matapos ang pagdadasal ay
pinakain na naming ang nagsipag punta. Hinayaan ko naman muna si Rovi na huwag
muna tumulong dahil nandyan ang mga kaibigan nila ni Geoff. Hinayaan ko muna
sya na makipagluksa sa mga kaibigan nito. Rinig ko naman ang mga
pagkwekwentuhan nila kay Geoff kapag dumadaan ako sa gawi nila. Pache pache man
lang ang naririnig ko ay puro magagandang bagay naman ito.
“Magpahinga ka kaya muna. Halatang
pagod ka na, oh.”, biglang kalabit sa akin ng isa. Paglingon ko, si Felix.
“Oh, kumain ka na ba? Tara, kukuha
kita ng pagkain.”
“Tapos na. Ikaw pa nga tong hindi
kumakain, eh.”
“Ah, wala to. Hindi pa naman kasi ako
gutom.”, pag ngiti ko.
“Sige na, kumain ka na. Hindi
matutuwa nyan si Geoff, eh. Baka ikaw naman ang magkasakit. Sige ka.”, alalang
sabi ni Felix.
Natawa naman ako sa sinabi nito kaya
napatingin ako sa mukha nito. Ngunit pagtingin ko ay nabawi ko agad ang tawa
dahil kita talaga ang pag alala sa mukha nito. Bigla naman ako parang nahiya at
kinabahan.
“Asus! Wala to.”
“Sige na. Kumain ka na. Tara. Ikaw
ang ikukuha ko ng pagkain.”, utos ni Felix.
Hindi ko alam pero natouch ako sa
ginawang yun ni Felix. Kahit pa kumbinsido na ako na hindi ito si Cyrus ay
nakikita ko pa din sakanya ito. Malamang dahil sa parehas silang maaalahanin.
Napangiti naman ako.
“Asus! Concerned!!”, pagbibiro ko.
“Concerned mo yang mukha mo!”, birong
sagot nito.
Nang matapos ang kainan ay nagkwentuhan
naman ang mga bisita. Ang iba ay pilit na pinangingiti ang kamag anak lalo na
ang Ina ni Geoff na hanggang ngayon ay kitang kita ang pagluluksa sa pagkawala
ng anak.
Nagpaalam na sila Mimi at Felix dahil
may pupuntahan pa daw ito. Nagkausap naman kami ni Felix na magkikita ulit
pagbalik ng Manila. Humingi din ito ng pasensya sa amin dahil hindi nga sila
makakapagtagal. Ngunit naintindihan naman naming ito kaya pumayag na din kami.
I can’t help but miss Geoff ng todo.
For some reason, ay mas lalo ko syang namis nitong mga sandaling ito. Kaya
naman iniwan ko muna ang mga bisita at agad na nagpunta sa kwarto nito.
Pagpasok ko ay nahiga ako sa kama.
Inimagine na andyan si Geoff at kinakalikot ang laptop nya.
“Ang daming nagmamahal sayo, noh. Ang
daming nakakita nun pwera ako. Pasensya ka na Geoff, ha.”, sabi ko sa hangin.
“Alam mo, kung mabibigyan ako ng
pagkakataon, kikilalanin pa kita ng mas mabuti. Sinayang ko kasi, eh. Actually,
hindi lang ikaw. I took for granted everyone that was around me. Pero salamat,
kung di dahil sayo ay di ko marerealize yon.”
Napaupo ako sa kama at tumingin sa
kwarto. Napukaw naman muli ang tingin ko sa wallet na nasa ibabaw ng tukador
kaya tumayo ako para bulatlatin ito.
Pagbukas ko ng wallet ay isa isa ko
ulit tiningnan ang laman. Mga picture, resibo, at mga kung ano anong I.D na
meron sa loob.
Kung last time ay kinalikot ko na
ito, ay may isang parte ng wallet ang hindi ko tiningnan. Ang sisidlan ng pera.
Baka isipin kasi ni Geoff sa kabilang buhay, pitikin ko pa yun. Pero ngayon ay
tiningnan ko ito.
“Uy, Geoff. Hindi ko to pipitikin,
noh.”, biro kong sabi sa hangin.
Ngunit ng tingnan ko na ang lalagyan
ng pera ay may nakita ako.
Isang bagay na talagang nakapagpataas
ng balahibo ko.
“Ano?”
Itututloy...
Ang weird talaga ni Felix.... tama ang hinala ko, sya talaga si cyrus. >:(, anu kya ang hanap ni cedric sa pitaka ni geoff?... interesting..
ReplyDeleteDITO AKO MAGCOCOMMENT PARA AKO ANG NUMBER TWO! HAHAHA! PARAPARAAN LANG YAN! DI NA AKO BUSY!
DeleteHMMM... CURIOUS AKO WHAT'S INSIDE THE WALLET!
Parang ang boring n nang scene.masyado na atang matagal ung pghihintay sa pgbabalik ni cyrus. Sana bumalik na xa
ReplyDeleteSobrang haba na pagluluksa at bagal ng flow. Sana medyo umusad na ng mas mabilis bilis ng konti. Nakakangalay. Haha. Sayang yung story. Nakakatamad na basahin. Sorry. Peace.
DeleteMahaba na ata maxado ung scene na nka focus ky cedric at ung pagluluksa nila, ewan ko lang parang nakakaumay na.pero magaling ka prin :)
Deletesuper suspense aman ! haizt super bz pa aman ang author. pero ok pag may tym tsaka nlang mag update ha. tnx po and always yngat.
ReplyDeletesana yung next update na hehe.. ganda ng takbo ng storya..
ReplyDeleteBitin..tagal p ang kasunod nito...
ReplyDeleteSullvan(*,*)
Reminiscing at Geoff has become a tiring drag. (Pls find this criticism constructive)
ReplyDeleteshaks!ano kaya ung nasa wallet??naun lang aq nabitin ng gnito!haha..ang tagal q kcng inintay tong chap neto eh!^^
ReplyDeleteat magiintay ulit aq sa kasunod..
basta,di prn aq convince na hindi c cyrus c felix.malakas prn kutob q...bka me amnesia sya o tumutupad sa isang kasunduan??hhmm..
-monty
shaks!ano kaya ung nasa wallet??naun lang aq nabitin ng gnito!haha..ang tagal q kcng inintay tong chap neto eh!^^
ReplyDeleteat magiintay ulit aq sa kasunod..
basta,di prn aq convince na hindi c cyrus c felix.malakas prn kutob q...bka me amnesia sya o tumutupad sa isang kasunduan??hhmm..
-monty
shaks!ano kaya ung nasa wallet??naun lang aq nabitin ng gnito!haha..ang tagal q kcng inintay tong chap neto eh!^^
ReplyDeleteat magiintay ulit aq sa kasunod..
basta,di prn aq convince na hindi c cyrus c felix.malakas prn kutob q...bka me amnesia sya o tumutupad sa isang kasunduan??hhmm..
-monty
epic talaga.. kapanapanabik ang bawat chapter.. wala naman akong magwa kundi hintayin ang susubod na kabanata..
ReplyDeletejec isidro :D ^_^
aq din iun din ang tingin q na c felix ay c cyrus
ReplyDeleteboriiiinnnnnggggg na masyado! haiz.just saying...tagal ng progress..pinipilit nlng masyado..
ReplyDeletemakaalis na nga..tagal kasi maghintay tapos ito lng..ive read it for about 1 minute :(
Parang nothing special on this chapter... No more spices.
ReplyDeleteMaybe Felix is actually Cyrus,only Cyrus could be suffering a SPLIT-PERSONALITY....
ReplyDeleteParang naging horror ung last part...hehehe..but still it's a nice story..update na po Ken/..
ReplyDeleteHay nakaka sabik ang susunod na mangyayari. Can't wait for the next post. Thanks author
ReplyDeletekaw talaga ken..grabe ka makasuspence jd..
ReplyDeletegoosebumps naman ako sa last part, literally.. ako i think felix is cyrus nga
ReplyDeletegoosebumps naman ako sa last part. hehe
ReplyDeleteparang c geoff na yung bida....puro xa nlng...tagal naman ng pag luksa...pa ulit ulit
ReplyDeletegrabe ang tagal naman ng pagbabalik ni cedric. But I know malapit na un at ang clue nasa wallet ni geoff.
ReplyDeletehave agreat day ken and enjoy your week...
sana bilis bilisan naman ang pag post ng mga chapters para ma feel namin ang storya. hbang tumatagal nakaka umay na eh. halos c geoff na ang bida hahaha
ReplyDelete