ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, January 12, 2013

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 17





       

             Kamusta po sa lahat lahat?! ^_^

             Unang ua sa lahat ay hayaan ninyo muna akong batiin kayo ng isang HAPPIER NEW YEAR!! ^_^

             Pangalawa, ay nais kong magpasalamat sa lahat ng nagsupport sa Christmas Special ng MNB. At gusto ko na rin humingi ng tawad sa aking late posting ngayon. Nagbakasyon po kasi ako panandalian sa bahay ng aking relatives at hindi ko po dala ang aking laptop. Okies? ^_^

              PANGATLO, pagpasensyahan ninyo na kung late ang aking postings.. Super busy lang talaga ako sa ngayon.

             Pang-apat, ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki, Jp Arconado, abby, bench, alpe,  Jiru, dapya, mhi mhiko, silenttype,at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.



Papasok na sana kami ng biglang huminto si Mimi at tinignan ang sasakyan nya. Tila may hinihintay.

At doon, biglang bumukas ang kabilang pinto ng sasakyan at may bumabang isang lalake.

Bakit?

Anong ginagawa nya dito?

“Felix?”

Nagulat kami ni Rovi ng makitang ang lalakeng bumaba sa magarang sasakyan ay si Felix. Anong ginagawa nya dito? Hindi naman nya kilala si Geoff? Huwag mong sabihing…

“Good Evening po.”, bungad ni Felix.

“Ang tagal mo.”, singit ni Mimi.

 “Pasensya na, may tawag kasi sa telepono ko kaya ngayon lang ako nakababa.

Hindi na ako nakatiis.

“A-Anong ginagawa mo dito?”, takang tanong ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at suspetya.

“Ah, narinig ko kasi mula kay Mimi na namatayan daw kayo ng kaibigan kaya nagpasama sa akin si Mimi.”, casual na sagot ni Felix.

Hindi ko maintindihan ang sarili pero hindi ko mapaniwalaan ang sagot ni Felix. Alam kong may itinatago ito at ayaw nyang malaman namin ito. Nagkatinginan lamang kami ni Rovi.

  “Oh, Cyrus, buti napadalaw ka.”, bungad ng Ina ni Geoff. Nag abang naman ako sa magiging reaksyon ni Felix.

“P-po?”, gulat na tanong ni Felix. Para naman biglang nagulat ang Ina ni Geoff.

“Tita, hindi po sya si Cyrus.”, singit ni Rovi.

“Huh?”

“Maam, ako po si Felix.”, pagpapakilala nito  sa sarili.

“Felix? Pero…”

“Tita, mahabang kwento po. Pero, kambal po sya ni Cyrus.”, malamig kong paliwanag.

“Suskopo! Akala ko ikaw si Cyrus! Pasensya na hijo.”

“Okay lang po.”, pag ngiti lang ni Felix.

Lalong tumaas ang suspetya ko kay Felix. May kutob akong may itinatago ito. Itinatago na sya talaga si Cyrus. Pero anong rason? Bakit nya ito ginagawa kung gayun nga? Huwag mong sabihin na talagang gusto nya lang samahan talaga si Mimi para damayan ang namatayan nitong kaibigan. Ni hindi nga close si Mimi kay Geoff, si Felix pa kaya? Maiintindihan ko pa kung si Mimi lang ang nagpunta, pero bat pati si Felix?

Hindi naging maganda ang kutob ko kay Felix kaya naman simula pagpasok nito ng bahay nila Geoff ay lihim kong pinagmamasdan ito.

“Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw si Cyrus.”, paulit ulit na sabi ng utak ko habang nakatingin kay Felix.

Pinaupo muna sila Felix at Mimi sa sala. Hindi muna sila sumilip agad. Binigyan muna sila ni Rovi ng maiinom at ako naman ay umupo lang sa di kalayuan. Tama lang para mapagmasdan silang mabuti.

Pinagmasdan ko ang bawat kilos at galaw ni Felix. Naghahanap ng ebidensya na mapagpapatunay na sya nga si Cyrus.

Naghintay ako ng naghintay. Lalo na ang sandaling sisilip na sila sa labi ni Geoff. Imposibleng walang maging reaksyon si Felix tungkol dito.

Dumating na nga ang pinakahihintay ko at tumayo na sila Felix at Mimi papalapit sa kabaong ni Geoff. Agad din naman akong tumayo at lumapit para mas makita ng malapitan ang magiging reaksyon ni Felix.

Hindi ko inalis ang mata ko kay Felix hanggang nakarating na nga kami sa harap ng kabaong ni Geoff.

“Sya si Geoff..”, malungkot na sabi ni Rovi.

Agad kong tiningnan ang mukha ni Felix at pinagmasdan ang reaksyon nito.

At nakita ko nga.

At sadyang kinagulat ko ito.

Paanong?

“Felix just stood there. Nakatingin lang sa labi ni Geoff. His eyes showed no sadness, pain or kahit ano pang klase ng kalungkutan. It was as if na talagang total stranger sakanya si Geoff.

“Rest in Peace.”, tanging sabi ni Felix. I looked at him as he said those words, walang pagbabago.

Hindi ako makapaniwala sa nakita. I was sure na sya si Cyrus. Pero kung sya nga si Cyrus, bakit wala itong pinakitang kahit anong reaksyon? Was I wrong? Hindi nga ba talaga sya si Cyrus? Talaga bang pinipilit ko lang ang sarili kong paniwalain na ang nakikita ko ay si Cyrus? Ngunit paano mo ipapaliwanag na andito sya ngayon? Talaga bang nagpasama lang sakanya si Mimi para makiramay para kay Rovi? Yun lang ba talaga lahat yun?

“Okay ka lang, pare?”, tanong sakin ni Rovi.

“Oo. Naalala ko lang si Geoff nung buhay sya.”, sabay tingin kay Felix.

“He was a good friend.”, sabi lang ni Rovi.

“I’m sure he was.”, singit ni Mimi. Hindi lang nagsalita si Felix.

“Wala ka bang sasabihin?”, malamig kong tanong kay Felix. Para namang nagulat ito. Bingo!

“Sasabihin? Hmmm…”, alinlangang tugon ni Felix.

“Oo.”, malamig kong sagot.

“Well. I don’t know what to say. Hindi ko naman kasi sya nakilala.”, nahihiyang sabi nito.

Napansin kong nakatingin silang tatlo sakin. At ang mga titig nila ay tila nagtatanong kung ano ba pinagsasabi ko. Pero I’m sure na alam ni Felix ang ibig kong sabihin. He surely knows what I mean.

“Sabi mo, eh.”, matigas kong sabi sabay walk out. Direcho sa kwarto ni Geoff.

Sinundan ako ni Rovi hanggang sa loob ng kwarto. Pagpasok na pagpasok nito ay nagalit ito sa akin.

“What was that all about?”, galit na tanong nito.

“Rovi! Hindi sya si Felix! Sya si Cyrus!!”, galit ko ding tugon.

Hindi sumagot si Rovi.

“ANO?! Bat hindi ka magsalita.”, galit kong sabi.

“I knew you would say that…”

Napaluha ako agad.

“Nakita mo ba kung paano nya tiningnan si Geoff? It was as if hindi nya ito kilala…!’, nanginginig at luha kong sabi.

“Cedric, tama na…”

“What?”

“Tama na…”

“Ano? Hahayaan mo na lang na ganun yun? It’s Geoff we’re talking about Rovi!!”

“Sinabing tama na!!!”, sigaw ni Rovi.

Natahimik ako bigla.

“Kaibigan ko din si Geoff! Hindi lang ikaw!! And we both know Cyrus! If it was him, hindi nya magagawa yon! I looked at Felix ng tingnan nya si Geoff dahil may duda din akong sya si Cyrus. But when I looked at him… It made me believe na hindi sya si Cyrus. Hindi gagawin yun.. Hindi si Cyrus. And of all people… Ikaw ang dapat nakakaalam non.”, matigas na sabi ni Rovi.

Biga akong napa-isip sa sinabi ni Rovi. Kung kanina ay sure na sure akong si Cyrus si Felix, ngayon ay parang nagdadalawang isip nanaman ako. Though mas malaki pa din ang hinala ko na sya si Cyrus.

Bigla ko din narealize ang ginawa ko. What if he really was Felix? At ganoon ang inasal ko? Nakakahiya.

Hindi ako makalabas ng kwarto dahil sa sobrang hiya ko sa sarili. I don’t know kung paano ko haharapin si Felix. Sa ginawa ko kanina ay alam kong medyo napahiya ko ito. Kaya naman nagstay muna ako sa loob ng kwarto.

Humiga ako sa kama at napaisip muli sa lahat ng nangyari. Napaka messed up ng mga bagay bagay. At hindi ako makapaniwala sa kinahantungan ng lahat. Masyadong magulo.

Hindi ko alam na sa pagkakahiga ko ay nakatulog na pala ako. It has been days since hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pagkalungkot ko sa pagkamatay ni Geoff.Simula din kasi ng magkasakit ito ay hindi na ako nakatulog ng maayos. I wanted to be there for him dahil ito na rin ang hiling nya.

Nagising ako na may tumatapik sa balikat ko. At tuluyan na akong nagising ng tawagin na ang pangalan ko. Agad akong dumilat at nakita, si Rovi.

“Pare, aalis na sila Mimi at Felix.”, mahinahon na sabi ni Rovi.

“Sige, lalabas ako.”

Kahit nahihiya pa rin ay lumabas ako ng kwarto. Hindi ko na inabutan sa loob ng bahay sila Felix. Malamang ay hinatid na ito sa labas. Kaya naman lumabas na rin ako at nakita ko nga sila.

“Hijo, maraming maraming salamat talaga.”, mangiyak ngiyak na yakap ng Ina ni Geoff kay Felix. Medyo naguluhan ako.

“Wala ho yun.”, sagot lang ni Felix.

Nang makita kong tapos na ang pag uusap nila ay tuluyan na nga akong lumapit.

“Ah…”, pagsabat ko. Napatingin naman silang tatlo sa akin.

“Oh, Cedric. Gising ka na pala.”, bati ni Felix.

“Ah, Felix…”, nahihiya kong sabi.

“Oh?”

“Pasensya na sa nangyari kanina. Akala ko kasi…”, di alam pano itutuloy ang sasabihin.

“Akala mo ako si Cyrus?”, pagtuloy ni Felix.

Tiningnan ko ito at tumango lang.

“Cedric… I wish I was Cyrus… Pero hindi ako sya. Kung pwede lang sabihin ko at maparamdam ko kung anong magiging reaksyon ni Cyrus ay gagawin ko. Pero paano? Hindi ako sya. Gusto ko mang malungkot para sakanya ay hindi ko alam paano. Hindi ko alam kung sino at ano ang naging takbo ng buhay nya kay Geoff. Hindi ko alam ang lalim ng pagkakaibigan nila.”, paliwanag ni Felix.

Naramdaman ko ang sinceridad sa sinabi nito. Mas lalo tuloy bumaba ang paniniwala ko na sya si Cyrus. Ngunit isa ang masasabi ko, kung kakambal nga lang talaga sya ni Cyrus ay parehas silang mabait.

“Sorry talaga…”, nahihiya kong ulit.

“Hayaan mo na yun.. Kalimutan mo na iyon. I know you just miss Cyrus so much…”

Inabot ni Felix ang kamay nito at nakipagkamay naman din ako. He gave me a firm handshake.

“Condolence na lang ulit. Babalik na lang kami sa huling lamay at libing.”, huling sabi nito bago sila umalis.

Bumalik kami ni Rovi sa loob ng bahay ngunit tiak may gumagambala sa isip nito. Gusto ko man magtanong ay sa ichura ni Rovi ay parang ayaw pa muna nito magsalita kaya hinayaan ko na muna ito.

Nagbantay nanaman ako buong magdamag. At halos maya’t maya ay sinisilip ko pa din si Geoff at sat wing ginagawa ko iyon ay hindi ko mapigilang hindi umiyak muli.

Nang matapos akong makapagbigay ng kape sa mga nakikipaglamay ay muli akong pumunta sa harap ng kabaong ni Geoff. At doon muli akong umiyak. Sinariwa nanamang muli an gaming aaala ni Geoff.

“Huwag ka na umiyak, hijo. Atleast, okay na ang anak ko.”, biglang sulpot ng boses. Ang Ina ni Geoff.

“Tita, paano naman ako hindi iiyak. Masyado mabilis ang nangyari. At isa pa, may problema pa tayo.”

“Alam ko hijo. Mas masakit ito para sa akin ngunit wala na akong magagawa. Mas gugustuhin ko na ito kaso makita syang buhay, ngunit namamatay unti unti sa harap ko.”, naluhang sabi ni Tita.

“Tita, I’m sorry. Wala akong magawa.”

“Saan?”

“Ni wala akong maitulong para sa pagpapalibing ni Geoff..”, bigo kong sagot. Ngunit nagulat ako sa sinagot ni Tita.

“Ayos na yun. Nagpresenta ang kaibigan nyo kaninang si Felix na sya na ang sasagot sa pagpapalibing ni Geoff.”

Halos umurong naman lahat ng luha ko sa narinig.

“Po?”

“Oo. Nasabi kasi ni Rovi ang problema natin. Kaya naman bago sila umalis kanina ay pinaalam sa akin ni Rovi na si Felix na ang bahala sa lahat.”

Nang pagkarinig na pagkarinig ko na yun ay hinanap ng mata ko si Rovi. At ng tuluyang makita ko ito ay nakatingin ito sa akin. Ngunit ng mapansin nyang nakatingin na ako ay umiwas ito at nagakad palayo.

“Ganoon po ba. Mabuti na lang, ho.”, tanging nasagot ko na lang.

Nag excuse muna ako kay Tita at pinuntahan si Rovi. Ngunit halatang iniiwasan ako nito dahil binibilisan nito ang paglakad. Ngunit sinundan ko lang ito. At nakita kong pumasok ito sa isa sa mga kwarto.

“Rovi…? May dapat ba ako malaman?”

Hindi ito sumagot.

“Rovi, is it true?”

“Yes.”

Ako naman ang natahimik. Kung kanina ay mababa na ang paniniwala kong hindi iyon si Cyrus, ngayon ay parang umangat nanaman ito.

“Why would he do that?”

Tahimik lang si Rovi.

“Rovi, bakit?”

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay dapat manghihiram ako kay Mimi. Ngunit biglang sinabi ni Felix na alam nya ang problema. Ayun, sya na daw magbabayad.”, paliwanag ni Rovi.

“Pero bakit nga?!”, inis kong tanong.

“Anong gusto mo isagot ko Ced?! Hindi ko nga alam!”, galit na sabi ni Rovi sabay labas ng kwarto.

Pinilit kong maghanap at magisip ng logical explanation sa ginawa ni Felix. Ngunit kahit anong isip ko ay wala talagang lumalabas sa utak ko. Ang tanging naiisip ko lang na rason ay si Cyrus nga ito at ito lang ang paraan nya para ipakita ang pagkalungkot at pagbawi nya kay Geoff.

Pinilit ko pa ring i-deny ang ideyang yon. Ngunit ano? Kung hindi nga sya si Cyrus ay ano pang rason para gawin nya yun? Ni hindi nya ito kakilala. Kung nag abot man ito ng kaunti ay baka maintindihan ko pa. Pero para sagutin nito ang lahat? Bakit?

Nang mag umaga na ay inasikaso nila Tita at ni Rovi ang paglilibingan ni Rovi. Pumunta sila sa bangko upang kunin ang perang ipninadala ni Felix para dito. Gustuhin ko mang sumama ay pina-iwan na lang nila ako. Pabor din naman ito sa akin dahil gusto ko lang na malapit sa akin si Geoff. Ngayon pang dalawang araw na lang ang natitira para makasama ko siya.

Pag uwi nila ay nagulat akong hindi na simpleng libing ang gagawin kay Geoff. Iccremate na lang ito dahil gusto maiuwi ng Ina ni Geoff kahit man lang ang abo nito. Para daw kahit papano ay kasama nila ito.

Walang sandali na hindi ako pumumunta sa harap ng kabaong ni Geoff at hindi umiyak. Mas naging madalas din at matagal ang pagstay ko sa harap ng kabaong nito.

Hanggang sa dumating na nga ang huling gabi ng lamay.

Ramdam na ramdam ko na ang pagod dahil halos hindi na ako natulog. Kahit pilitin ng katawan ko ay ayaw pumayag ng isip ko. Sa twing hihiga kasi ako ay naiiyak ako. Naiisip ko kasi na ilang sandali na at tuluyang hindi ko na makikita kahit ang labi ni Geoff. Kaya naman agad akong tumatayo sa kama at pinupuntahan si Geoff at muli, nagiiyak ako.

Mga bandang alas onse ng gabi ng marinig ko nanamang nagkakagulo sa labas. Hudyat na andyan na sila Felix at Mimi. Tulad ng ipinangako nila ay dumating nga sila. But this time, hindi na ako lumabas para salubungin sila.

Kahit pa dinagsa ng tao ang lamay dahil sa huling gabi na nga ito ay kitang kita ko pa rin ng pumasok silang dalawa sa loob ng bahay. At nang sandaling makita ko si Felix ay hindi ko alam ang iisipin pa dito. I was too tired. Masyado na akong pagod para isipin pa sya. Ang tanging nasa isip ko na lang ay maging andyan sa tabi ni Geoff sa mga huling sandaling pwede ko syang masilayan.

Pilit ko mang pigilin ang oras ay sadyang lumipas ito sa aking harapan. Para na lang akong nagising bigla at umaga na pala. Nakasakay ako sa isang sasakyan at papunta na sa huling misa para kay Geoff.

Dumating kami sa crematorium bandang alas dyes. Agad na nagbigay ang pari ng misa at halos ulanin naman ang lahat ng luha. Napakasakit. Dahil ilang sandali na lang ay wala na. Tapos na ang lahat. Magiging isang alaala na lang ang lahat.

Natapos na nga ang misa at sinabihan na kami na magbigay ng huling pamamaalam. Binigyan kami ng isang oras pa para makita ang labi ni Geoff. Kaya naman ay halos magiyakan at kanya kanyang bigay ng mensahe kay Geoff.

Lumapit ako simula pa lang ng sabihin na isang oras na lang naming sya pwede makita. Kaya naman rinig na rinig ko ang mensahe ng bawat isa. Hindi ko makuhang umiyak. Nakatitig lamang ako kay Geoff. Tulala. Paulit ulit na humihingi ng tawad at salamat sa lahat ng bagay na naranasan ko kasama sya.

Halos wala na akong katabi. Lahat ay nakaupo na lang at nagkwekwentuhan. Ngunit nanatili ako doon. Nakatayo. Nakatitig.

Sa pagkakatayo ko ay nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naman umalis muna ako sandali at kumuha ng inumin.

Pagkatapos na pagkatapos kong uminom ay naglakad na ako pabalik sa harapan ng kabaong ni Geoff. Ngunit ng makita ko kung sino ang nasa harap ni Geoff ay talaga namang napanganga ako sa gulat.

Dahan dahan ang mga yabag ko dahil sa hindi pa din makapaniwala. Nakatalikod ito sa akin at nakaharap sa kabaong ni Geoff. Ngunit kahit pa nakatalikod ito ay halata na umiiyak ito. Hindi lang basta iyak dahil nakikita ko ang pag galaw ng balikat nito sat wing ito ay humihikbi.

Bakit sya umiiyak ng ganito? Ngunit… Pero.. Bakit?

Mas dahan dahan akong lumapit…

Palapit ng palapit…

Hanggang sa tuluyang halos nasa likuran ko na lang sya.

Tatapikin ko na sana sya sa balikat ng marinig kong nagsalita ito..

“Geoff… Salamat…”


24 comments:

  1. Goodbye Geoff... We will miss you :3... I knew it!! nakakawindang ang huling part! bakit umiiyak si felix sa kabaong ni geoff! hmm... next chapter pls!

    ReplyDelete
  2. ayy yun na c felix at cyrus ay iisa ..hehee grave ka kuya ken ang galing mong mag pa suspence ... next chapter na plzzz..


    -abby:)

    ReplyDelete
  3. huhuhu..memories are coming back to me habang binabasa ko toh!!ibang sakit kc ung mawalan ng mahal sa buhay pati na ng kaibigan...nakakadurog ng puso!!nakakalungkot talaga kc kulang na sila...mamimiss q c geoff!T_T

    c felix nga kaya ung umiiyak na un??kung siya nga un,,,,haysusme,,mlmang c cyrus talaga siya!!!

    -monty

    ReplyDelete
  4. c cyrus yan...
    condolence sau geoff,

    ReplyDelete
  5. c cyrus yan...
    condolence sau geoff,

    ReplyDelete
  6. I will be honest ...
    Pers tym kong mabwiset sa suspense2 part ...
    ;sigh

    too much Cyrus, too much. -_-

    ReplyDelete
  7. hala.. Xa nga c cyrus..!! Paganda ng paganda ang istorya!!!

    ReplyDelete
  8. Galing talaga magsinungaling ni Cyrus..

    ReplyDelete
  9. sino kaya yung imiiyak na yun

    ReplyDelete
  10. like this chapter..may improvement na sa story! thanx kuya kenji!

    ~kym

    ReplyDelete
  11. napakabigat sa damdamin, nkakadala. hmmm,whats next ken?

    ReplyDelete
  12. Tama si Cyrus nga yan, masyado mo pinapahirapan si Cedric!

    ReplyDelete
  13. OMG..hundred % sure na c felix ay si cyrus...haha
    exciting ang mga susunod na mga mangyayari...nxt chapter pleaseeeeee,, :v

    ReplyDelete
  14. i know naman hindi si felix ang umiiyak..hehehehe kasi naman marami pasabog si ken hehe..nice one

    ReplyDelete
  15. i can't believe na nawala ang comment ko dito. akala ko tumatanggap ng violent reactions dito. hahaha. don't tell me moderators ang nagtanggal? i'm disappointed with this chapter. i know he can do better (ken). i feel that this is crap. paulit ulit lang ang eksena. i don't know if you're having a tough time or you're just pressured to post another chapter for the readers. you can take your time.

    ReplyDelete
  16. pati din mga reactions ko nabubura totoo lang iba pa din stories ni sir joemar...malaman at may puso...mag kaiba kyo ng style ken pero come on... mas may magagawa k p sana...to be honest joemar's novels are far better than ur story

    ReplyDelete
    Replies
    1. wag na kc ipag kumpara c kuya ken at joemar! parehas cla magaling..iba ibang style lang tlga sa pag susulat yan.. basta for me top 5 BEST WRITER ko cla
      -kuya mike
      -kuya ken
      -kuya joem
      -kuya zildjian
      -kuya kim (atienza?, heheh

      GO RA CHI

      Delete
    2. ano tooooooooooooooooo?! Hahahahaha!!

      Hi guys!! ^_^ ayun, sensya, i know medyo sloppy ako recently.. Super OA lang po sa pagkabusy talaga but still, pinipilt humanap ng time para makapagsulat. 2 jobs po kasi ako at may kung ano ano pang sideline. Hahaha. Sana for now, pagpasensyahan ninyo ang kinakaya ng kapangyarihan ko :D Ahahaha.

      PERO PROMISE!! Tatapusin ko ito just like my other books.

      -dark_ken

      Delete
  17. nice heavy naman nitong chapter na to. can't help but to hold my breath.

    next chapter na please. have a great day ken.

    ReplyDelete
  18. to be honest, medyo bumagal at boring ung flow ng story. i have to agree with the other guy that you can give us more. better than this. yung medyo mas pinag-isipan. tama take your time pero wag nmn ung tipong nklimutan na namin ung story sa tagal. haha. joke. but still i' m a fan at abangan ko pa rin. at sana nga wala na rin comparison.

    ReplyDelete
  19. predictable naman.

    ReplyDelete