Point of View of A Gay Man
Homosexual. Bakla. Bading. Bayot.
Jokla. Pa-Girl. Effem. Beklu. Badaf. Vhaklush. Beki. Vaklush. Badette. Dinggah.
Vadinggerzi.
Yan
ay ilan pa lamang sa mga pangalang ikinakabit sa mga bakla. Sabihin na nating
mga babaeng nakulong sa katawan ng isang lalaki. Oo, yan nga siguro. O kaya
naman, Katawang maton, pusong mamon. Sila yung mga lalaking naa-attract sa
kapwa nila lalaki. Sila din yung mga lalaking kumikilos o nagdadamit na parang
babae, pero hindi lahat.
Sila din yung tinatawag na salot. Saklap 'no?
Masakit
at mahirap man tanggapin, bahagi ako ng Third Gender.
Hindi
ko alam kung bakit, paano, kailan, pero eto, parang magic, mafi-feel mo nalang,
bakla ka na pala. Eto yung tipo ng magic na kahit tanggihan mo, hindi ka na
maibabalik sa dati. Siguro, mga 20% lang ng Federasyon ang nagiging lalaking
muli. Malay natin.
Mahirap
tanggapin. Imagine? Magiging bahagi ka ng isang uri ng sekswalidad na hindi
naman tanggap sa lipunan? Hindi ka nila ituturing na parang isang tao. Para
kang na-Persona Non Grata sa lagay na yan. Kaya yung iba, pinipili nalang na
magtago sa aparador nila. Mahirap na, baka mapatay pa ng tatay.
Isa
ako sa mga Closeted Gays. Pero, siguro I must say na Half lang. Lantad kasi ako
sa mga kaibigan at ka-klase ko, pero NEVER sa pamilya at mga kapit-bahay ko.
Although, gusto ko na umamin kasi sobrang hirap, pero hindi ko magawa. Ayaw
kasi ng Papa ko sa mga bakla. Kay Vice Ganda nga, yamot na yamot na siya, eh
kung ako pa kaya ang magladlad? Patay tayo jan. Sa Mama ko naman, ayos lang.
Pero ayoko parin.
Mahirap
gumalaw sa ganitong sitwasyon. Para akong presong nakakulong sa isang invisible
na kulungan. Hindi keri ng powers na maka-wala dito.
Minsan,
I asked God. Bakit ako ganito? Hindi sa
nagrereklamo po ako pero, pano ito nangyari?
One
time sa school namin, kinausap ako nung kaklase ko na Born Again.
Him: Alam mo ba na masama ang maging
bakla?
Ako: Oo naman...
H: Eh bakit ganyan ka parin?
A: Alam mo, hindi ko naman ginusto
maging ganito...
H: Bakit ayaw mo paring magbago, eh
alam mo naman palang masama?
A: Matagal ko nang gustong gusto na
gawin yan, pero, hindi ko magawa...
H: Alam mo, choice mo naman kasi yan
eh...
A: Siguro nga...
Pero
sa loob-loob ko, hindi ito basta choice ko lang. Sa sinabi niyang
yun, nabuo nanaman ang isang tanong. Is it
really a choice, or I am juct victimized by chance?
Ako, naniniwala ako na I am
victimized by chance. Sino ba naman kasi ang gugustuhin na ituring na salot sa
lipunan 'di ba? Para sakin, nagiging choice lang ito kung wala ka na talagang
ibang option para makawala o magbago. Tsaka may friendhsip kasi ako dati na may
kinalaman ang genes ditey. Na kesyo, kulang daw ang masculinity na naibigay ng
Pudra mo kaya ayan, naging Dalagang Bukid ka. O kaya naman, naging vhaklug ka
dahil sa paligid mo. Baka madaming beklat jan na nahawa ka lang.
Bakit
nga ba tayo itinuturing na salot sa
lipunan? Porke ba naging bakla, salot na agad?
Based
on my observations, kaya tayo itinuturing na salot dahil na rin mismo sa kilos
o ginagawa natin:
1. Nagdadamit Pambabae- Para sakin, hindi mo naman na kailangan
magsuot ng mga maiikling shorts gaya ng sa babae, mag-bra, panty, skirts,
spaghetti, etc. para maipakita na bakla ka.
2. Nagpapa-Sex Change- Hindi mo naman kailangan magpakabit ng mga suso
at gawing keps ang ari mo di ba para ma-feel mo na isa kang Dyosah. Oo, Dyosah.
Be contented. Kasalanan na nga ang pagiging bakla, dadagdagan mo pa sa
pamamagitan ng pagpapalit ng sex organs? Baka mapunta ka nyan sa ilalim ng
impyerno?
3. Mega Paysung at Hada- Oo, alam ko, yan ang kaligayahan ng mga
bakal. Ang magbayad sa mga lalaki at humada (BJ or whatsoever). Pero sana
naman, learn to discipline yourself. Baka sooner or later, ma-Gang Bang ka jan,
tapos magrereklamo ka na ginahasa ka? Panong hindi ka magagang bang eh alam
nila na mahilig ka sa *toot toot*?
4. Maharot- Yung tipong makakita lang ng otoko (lalaki) na chopopo (gwapo)
eh kikislot kislot na?! Akala mo eh nilagyan ng sili sa pwerta o kaya parang
uod na binudburan ng asin. With macthing The-Gay-Who-Cried-Pogi ang peg?!
Tatlo
lang yan sa mga dahilan kung bakit tayo itinuturing na salot. Although, hindi
naman lahat eh ganyan ang ginagawa, pero as the saying goes, One For All, All
For One. Kung ano ang ginagawa mo, dumidikit din sa pangalan namin dahil
ka-Federeasyon ka namin.
May
mga bakla din naman na respetado. Hindi ko na kailangang pangalanan ang mga
iyon. Look, they used their talents and smarts para maging matagumpay sa buhay.
Hindi yung porke sinabihan ka ng bakla, bading, bayot, shokla eh tigwak (talo, lagapak) ka na. May mga
baklang successful na ngayon sa Showbiz, sa Business, Designer sa ibang bansa,
Direktor, Opisyales (siguro) sa Pamahalaan, name it. Lahat yan, imposibleng
walang baklang successful. Minsan nga, mas nagiging productive pa ang bakla
kesa sa tunay na lalaki. May mga bakla jan na minamaliit ng iba dahil
pang-Parlor lang ang peg, pero hindi nila alam, baka mas madami pa ang mga
babae at lalaking straight ang walang trabaho kesa sa mga beki. Without naming
those personalities, why don't we just do what they did? I mean, maging
successful nang sa gayon eh, mabawas bawasan naman kahgit paano yung tingin
nilang salot ang mga shofatid nating beks.
Pero
minsan, hindi na talaga natin maiiwasan na hindi pagdaanan ang mga pangungutya.
Nandyan yung lalaiitin ka ng mga tunay na babae, mabubully ka ng mga machong
otoko (lalaki) sa skulembang (school) mo, minsan cryolah-lah-looh (iiyak,
maghinagpis, lumuha ng dugo) ka dahil naka-duet mo nanaman yung sinturon ng
Pudra (Tatay, Father, Papa, Itay, Daddy) mo, okaya ibibitin patiwarik habang
kumakanta ng Don't Cry For Me Argentina, mag-orasyon
habang nakaluhod sa munggo, asin, asukal, paminta, bigas, pagkain ng manok,
holen, bato, tinik ng rose, and the worst thing, ang abusuhin ka (sexually) ng
Tatay/Brotherhood (kapatid na lalaki) mo dahil alam nilang bakla ka. Ganyan
kababa ang tingin ng lipunan satin.
Pag-ibig.
Yan
ang isa sa bet na bet nating mga bakla.
Yung
iba, kinakwartahan lang, while the others, true love talaga.
Yung
ibang shoshongak shongak na bekis out there, alam niyo naman na kung pineperahan
lang kayo diba? Wag kayong magpakatanga. Pag ganyan ang partner mo, hindi ikaw
ang mahal niyan, yung datung mo lang. Akala niya siguro, ATM ka, kaya ayan,
isang hingi niya lang sayiz, bigay na agad.
Pero
let's go the brighter side. Maswerte parin yung mga kafatid natin out there na
true love ang nahanap nila. Yun yung nagmamahalan talaga sila at hindi mga
materyal na bagay o pera ang sentro ng relsyon nila. Kayo na! Sige na, wag na
manginggit.
Hindi ko ginawa ang entry ko na ito,
para pagalitan ang mga ka-Fed Ex (ka-Federasyon) ko. I wrote this to share what
I see, and what can I advice to my fellow vaklushes.
Here are some advices for
better living:
1. Enjoy life sa paraang sasaya ka,
hindi yung masaya ka sa una, sa huli, tigwak (sawi) ka naman.
2. Save your
money. Hindi yung porke may trabaho ka, waldas ka lang ng waldas sa mga boylet
na in the end, mapapakanta ka ng Alone by
Heart <3
3. Love God,
then yourself, then your family. Walang mararating ang beauty natin kung
sesentro lang sa lalaki ang buhay. Si Lord at ang Pamilya mo lang ang mga hindi
mang-iiwan sayo 'til the end of time.
4. Know your
limitations. Huminga ng malalim at pumikit. Wala lang. Huminga ka lang ng malalim at pumikit...
5. Kumilos
ng naayon sa ganda. Well, lahat naman tayo maganda, agree ba? Wag lang yung may
Fafa eh titili, kikislot kislot, manghahataw, kikiligin, maglalabas agad ng
wallet at etc,. Tandaan, sapat na ang ganda para maka-akit ng Fafa. Wag ng tumili
tili. Maging isang tunay na Dalagingding na Pilipina.
6. Wag
palaging tigang. hintayin ang tamang panahon ng pagdidilig.
7. Patience
is a virtue. Hinatayin ang tamang Fafa for you.
8. Kung
makikipag toot toot (alam na!), always practice safer sex. Laging gumamit
ng condom!
9. Take care
of yourself. Baka maaga kang maging losyang niyan sige ka. Hindi ko sinasabing
mag-mek up or magpa-Belo-Calayan! Iba parin pag natural ang ganda. Tsaka eat
healthy foods, hindi yung puro dagta ng tao ang nasa sikmura mo Ateng..
10. And last
but not the least, be confident, discipline, and most spedially, respect
yourself first. Kapag may respeto ka sa sarili mo, rerespetuhin ka ng mga tao
sa paligid mo.
Yan ang mga sikreto ko.
Sa ngayon, ENJOY LIFE! JUST GO WITH
THE FLOW GIRL! KEEP SMILING AND BE HAPPY ;)
nice post kuya author...
ReplyDeletein my case, i became gay wen i was in grade 5... nka.kita Lng ng cute nah cLassmate, ayun, bumigay nah at tuLoy2 nah... dunno f it was a "choice" for me to be gay... it was just "naturaL"... it came to me naturaLLy nd instead of fighting it, i embraced it... i riLy dunno wat happened bsta un nah un... hehehe...
about nman my parents knowing my orientation, i riLy am bLessed to have a famiLy who accepted me for who i am especiaLLy my sister... my parents did not riLy say verbaLLy nah they accept me... they just showed it to me... i mean they Let me be ME... nd how did they know you may ask??... sah kapitbahay nman... nd my parents said nah nanjan nah daw yan, wLa nah cLang magagawa... hehehe... but as a sign of respect to them nd i riLy dnt want my parents' reputation to be ruined jst because of me, i keep my "gayness" to a minimum... but not to a point of being a guy.. hindi ko kaya un.. i tried to be a guy once but my gayness riLy jst "shine"... hehehe... kaya nga im riLy, riLy sad nah meron pang ppoL nah hindi mkapag.out sah kaniLang parents nd frends... ang advice ko Lang ay there is aLways time for everything... be patient... darating din ung time nah masasabi moh nah sah Lahat kung ano kah taLaga...nd wen dat time comes, Libre nman kayo... hehehe... seriousLy, it wiLL riLy feeL good inside... :)
sah LoveLyf nman, A BIG ZERO!!!... hahaha!!... yes, wLa pah poh akong BF... sad nuh??... hehehe... ayun tLga eh... ayoko nman mg.madaLi.. at anh sabi nga ni author, "patience is a virtue"... so, im just gna wait for the guy of my Lyf to come... :)
btw, add me sah FB... hehehe... john_jana19@yahoo.com... peace (^c^,)v
- edrich of cebu