ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, January 9, 2013

4 Minahal ni Bstfriend : Desperado part 16





             Kamusta po sa lahat lahat?! ^_^

             Unang ua sa lahat ay hayaan ninyo muna akong batiin kayo ng isang HAPPIER NEW YEAR!! ^_^

             Pangalawa, ay nais kong magpasalamat sa lahat ng nagsupport sa Christmas Special ng MNB. At gusto ko na rin humingi ng tawad sa aking late posting ngayon. Nagbakasyon po kasi ako panandalian sa bahay ng aking relatives at hindi ko po dala ang aking laptop. Okies? ^_^

              PANGATLO, pagpasensyahan ninyo na kung late ang aking postings.. Super busy lang talaga ako sa ngayon.

             Pang-apat, ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki, Jp Arconado, abby, bench, alpe,  Jiru, dapya, mhi mhiko, silenttype,at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.




Geoff is gone.

Hindi ako makapaniwala. Parang tumigil ang mundo ko matapos ang nangyari. Tears were just falling out of my eyes.  Nakita ko lang na nagiiyakan ang lahat. Nagsisilapitan sila kay Geoff. Umiiyak. Puro iyakan. Puro hinagpis at kalungkutan ang madarama sa loob ng bahay.

Nagising na lang ako na nasa isang kwarto ako. Pagmulat na pagmulat ng mga mata ko ay napatingin lang ako sa kisame. Trying to recall what happened last bago ako tuluyang nawala sa ulirat.

Nang mapalingon ako ay nakita kong nakaupo sa kabilang gilid si Rovi. Tulala.

“Rovi..”, mahinang tawag ko. Nang tumingin naman ito ay bakas ang pamamagata ng mata nito. Naguluhan ako.

“Gising ka na pala…”, malungkot nyang tugon.

“Okay ka lang ba? Asan si Geo…”

Natigilan ako sa pagtatanong. Doon agad kong naalala ang lahat. Ang pagkamatay ni Geoff at ang pagkahimatay ko.

Nang maalala ko na ang nangyari ay agad akong naiyak. Sana bangungot lang ang lahat ngunit totoo. Totoong patay na nga si Geoff.

Lumabas ako ng kwarto at napatingin ang lahat sa akin. Kita sa mga tao ang labis na kalungkutan at kapaguran. Nakita ko lang ang Ina ni Geoff na nakaupo at tulala sa harap ng isang kabaong. Napaiyak nanaman akong muli. Totoo nga talaga. Wala ng talikuran.

Dahan dahan akong lumapit sa kabaong ni Geoff. Halos kagatin ko naman ang labi ko habang dahan dahang lumalapit. Kakagising ko lang ngunit naramdaman ko agad ang panghihina.

Hindi ko magawang sumilip. Ilang hakbang na lang at matatanaw ko na si Geoff ngunit hindi ko magawang tumingin. Hindi ko kasi matanggap ang biglaang pagkamatay ni Geoff. It was too sudden. Parang bigla na lang nangyari. Wala man lang palugit.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Rovi sa likuran ko. Hinahagod nito ang likod ko habang nag-iiyak ako sa harap ng kabaong ni Geoff.

“Anak…”, umiiyak na tawag ng Ina ni Geoff. Tumingin ako at nakita kong tumayo ito at lumapit sa akin.

“Tita..”, sagot ko naman.

“Alam ko hinahanap ka nya.. Puntahan mo na sya. Sabay tayo?”, umiiyak na sabi ni Tita.

Binitawan ako ni Rovi at ang Ina naman ni Geoff ang umakbay sakin at dahan dahan nga kaming lumapit sa kabaong.

Napapikit ako ng alam kong sunod na hakbang ay makikita ko na si Geoff. Hindi ko kinaya. At ang unang pumasok sa isip ko ay ang unang araw na pagkakakilala ko sakanya…




“Tol, ito oh, may opening daw para sa waiter! Subukan natin!”, masayang anyaya ko kay Cyrus.

“Sige!”, masayang sagot ni Cyrus.

Pagpasok na pagpasok naming sa bar ay may tumutugtog na banda. Doon ko unang napansin si Geoff. Kapansin pansin ito dahil sya ang bokalista.

“Ang ganda dito!”, sabi ni Cyrus. Nginitian ko lang ito at hinanap namin ang may ari.

“Ano yun?”, sabi ng isang lalake.

“Ah, bossing. Nakita kasi namin ung sign sa labas na naghahanap ng waiter dito.”, magalang kong sagot.

“Ah.. Ganun ba? Dalawa ba kayong mag aapply? Kasi isa lang kailangan namin, eh.”, sagot ng lalake.

Nagkatinginan kami ni Cyrus. Ngumiti lang ito sa akin at tumango.

“Ah, ganun po ba. Sige, salamat na lang po.”, pagpaumanhin ko. Ngunit bigla akong pinigilan ni Cyrus.

“Ano ka ba! Kailangan pa daw ng isa!”

“Eh, pano ka?!”, galit kong sabi.

“Okay lang ako! Nagbebenta naman ako ng mais sa hapon! Ikaw, wala talaga!’, pamimilit ni Cyrus.

“Rovi, sino sila?”, biglang labas pa ng isang lalake.”

“Ah, amo! Mag aapply daw kaso sabi ko isa na lang kailangan natin, eh.”, sagot ng lalakeng una naming nakausap.

“Palapitin mo.”, sabi ng amo.

Agad kaming pinalapit ng lalakeng tinawag na Rovi. Umupo ito sa tabi ng amo.

“Pangalan?”, seryosong tanong ng amo.

“Cedric po.”

“Cyrus.”

“May experience ba kayo sa pagwawaiter?”

“Opo.”, sagot naming dalawa. Minsan kasi ay sumaside line kami sa mga resto ni Cyrus.

“Maglinis?”

“Kahit kasabay ng pagwawaiter, sir!”, pabirong sagot ni Cyrus. Napangiti naman ang amo.

“Talaga lang, ha.”, tawa tawang sabi nito.

“Sino sila? Aplikante?”, sabat ng isang lalake. Ito din yung lalakeng kumakanta kanina.

“Oo, eh. Kaso isa na lang kailangan natin, eh.”, sagot ni Rovi.

“Ay Sir! Siya lang naman po talaga yung nag aapply. Masipag ho yan, sir!”, biglang sabat ni Cyrus at turo sa akin.

“O edi, ayos naman pala, eh!”, sagot ni Rovi.

“Hindi, dalawa pa kailangan natin.”, singit ng bokalista. Napatingin naman ang amo at si Rovi.

“Isa na lang kaya!”

“Dalawa nga.”, pagmata ni Geoff kay Rovi.

“Hindi na natin kaya magbayad ng dalawang tauhan Geoff.”, sabi ng amo kay sa bokalista.

“Eh, di… Hmmm. Bawasan mo ng isang araw tugtog namin dito!” Solve, diba?”, ngiti ngiting sabi ni Geoff. Napatingin naman ang lahat sakanya. Ano daw? Doon ko naman napansin na nakatingin ito kay Cyrus.

“Hindi naman pwede yun, Geoff.. Alam mo naman kayo ang binabalikan ng mga tao dito.”

“Oh edi kaya nga. Ikaw naman amo! Parang wala kang tiwala sakin! Tagal na natin magkasama, eh! Pakiramdam ko, swerte tayo sa dalawang yan!”, pamimilit ni Geoff.

“Dalawa nga ba..?”, mahinang sabat ni Rovi. Mahina ang pagkasabi nya, ngunit narinig ko ito dahil halos katabi ko lang ito.

“Ooohhh, eh sya! Sige! Tanggap na kayo. Basta ayoko lang ng malalate dito, ha! Cge na! At paalis na din ako.”, sabay tayo ng amo at labas ng bar.

“Aba! Mukhang sinuswerte kayo ngayong gabi, ha. Ako nga pala si Rovi! Gitarista dito.”, pakikipagkamay nito sa amin sabay ngiti.

“Ako naman si Geoff, bokalista.”, pag ngiti nito. Ngunit sa pakikipagkamay nito ay napansin ko ang pagtingin, hindi, titig nito kay Cyrus.

Nagpaalam na kami ni Cyrus at nagpasalamat kay Geoff. Kung hindi dahil sa ginawa nyang pagkumbinse sa amo ng bar ay hindi kami makakapasok dalawa.

Ang swerte natin, noh! Nakapasok tayo!”, masayang masaya na sabi ni Cyrus.

“Oo nga, eh! Pwede ka na rin tumigil sa pagtitinda mo ng mais!”

“Ay, yan ang hindi pwede!”

“Oh, eh bakit nanaman?! Eh may trabaho na nga tayo, oh!”

“Alam mo naman ang mahal ng gamot ni Tatang, diba? Tsaka kaya ko yun!”, ngiti ngiti nito.

“Nako! Ikaw talaga!”

“Pero ang bait nung bokalista, noh? Kung hindi dahil sakanya, hindi tayo makakapasok parehas.”, pagbibida nito kay Geoff.

“Oo nga.”, malamig kong tugon.

At dun na nga ang simula ng pagtratrabaho namin sa bar. At hindi nga tumigil sa pagtitinda pa rin si Cyrus kahit pa may trabaho na kami. Hayop naman din kasi sa sipag ang kaibigan kong to.

Noong unang mga linggo ay todo adjust kami sa trabaho ni Cyrus. Paano ba naman kasi. Ang dami daming customer at parokyano pala sa bar na ito.

“Kamusta trabaho? Okay lang ba kayo, dito?”, pagtatanong ni Geoff minsang matapos ang trabaho.

“Okay naman Sir Geoff!”, magalang na sagot ni Cyrus.

“Nako! Sabi ko naman sayo, Geoff na ang. Huwag na Sir.”, ngiting sabi ni Geoff.

“Opo.”

“Ngayon naman inopo mo ko. Geoff na lang. At casual na sagot na.”

“Sige.”, ngiti lang ni Cyrus.

Noong mga sandaling yun ay nakaramdam ako bigla ng pagkayamot. Hindi ko kasi maiwasang isipin na baka nga may gusto itong si Geoff kay Cyrus. Iba kasi ang mga tingin nito at pakikitungo kay Cyrus. Ibang iba sa aming lahat. Halos hindi nya ito inuutusan. Lagi pa nitong tinatnong kung pagod na ba ito.

Hindi ako nagsalita ng kahit ano tungkol dito kay Cyrus. Pinili kong manahimik dahil wala naman akong ebidensya. Kung sabagay ay mabait naman kasi talaga itong si Cyrus ko.

Isang araw ay nagkasakit si Cyrus kaya hindi ko na muna ito pinapasok. Nakipagtalo pa ako dito bago umalis dahil pinipilit pa din nyang pumasok. Sumunod lang ito dahil medyo nagtaas na ako ng boses.

Pagpasok ko ay medyo maaga pa at naka case pa ang gamit ng banda. Hindi pa nila nailalabas ang mga instrument nila na ibig sabihin ay nasa dressing room pa ang mga ito. Tanging sila Rico, na syang isa pang gitarista, at ang bahista lang ang nasa stage at nagseset up.

Papasok na sana ako ng dressing room ng may narinig akong nag uusap.

“Pare, ganadong ganado ka ata magtrabaho ngayon, ah!”, sabi ng isang boses. Si Rovi.

“Hindi naman, pare! Syempre para mas dumami ang tao natin.”, sagot naman ng isang boses. Si Geoff.

“Nakuuuu! Ikaw nga umamin ka sakin Geoff!!”, matigas at seryosong tanong ni Rovi.

“Ano nanaman yun?”

“May napapansin kasi ako.”

“Ano?”

“May gusto ka don sa isang waiter, noh?!”

“Oh, eh ano ngayon?!”, birong sagot ni Geoff.

Nagulat ako sa narinig. Hindi ako makapaniwalang nagkakagusto pala sa lalake ang bokalista namin. I mean, medyo may napapansin ko ngunit sat wing nakikita ko kasi ang kilos at galaw nito ay hindi ko makitaan ng bakas.

“Sabi na, eh!” Kaya naman pinilit mo na makapasok yung dalawa, noh?!”

“Hoy! Sobra ka naman! Tama naman ako sa sinabi kong swerte silang dalawa dito, ah! Dahil simula pumasok sila, mas dumami ang tao dito.”, depensa ni Geoff.

“Hindi mo naman sinagot tanong ko, eh!”

“Oo, pare eh.”, sagot ni Geoff.

“Huy! Anong ginagawa mo dyan?!”, biglang sulpot ng isang tinig mula sa likuran ko. Halos mapatalon naman ako sa gulat. Paglingon ko ay ang drummer pala at kararating lang nito.

“Ah, wala kasi iniisip ko kung naiwan ko ba wallet ko.”, pagkukunwari ko.

“Ah..”, simpleng tugon lang ng drummer namin sabay pasok sa dressing room.

Simula ng sandaling yun ay nakaramdam ako ng inis kay Geoff. Mukha kasing uunahan pa ako nito sa pagporma kay Cyrus. Kaso, hindi ko din naman masabi kay Cyrus na gusto ko ito. Kaya mas lalo akong kinabahan.

Pagpasok ko ng dressing room ay agad hinanap sakin ni Geoff si Cyrus.

“Oh, asan na yung kasama mo?”, bungad ni Geoff.

“Ah, wala eh. May sakit.”

“Hah? Bakit? Anong nangyari?”, alalang alalang tanong ni Geoff.

“Nilalagnat, eh.”, simpleng tugon ko.

“Hah? Kelan pa?”

“Kagabi, pag uwi.”

“Nako, sabi naman kasi sakanya. Magpalit muna ng damit dahil basang basa ng pawis. Pinahihiram ko nga yung extra tshirt ko, ayaw naman. Nako naman.”, malungkot na sabi ni Geoff.

Sabay na kaming lumabas ng dressing room ni Geoff ngunit nagulat kami sa naabutan namin. Si Cyrus. Kararating lang.

“Anong ginagawa mo dito?”, agad kong sugod kay Cyrus.

“Sayang kasi, eh.”

“Anong sayang? Alam mo namang may sakit ka?!”, inis kong tugon.

Nagulat na lang ako ng biglang hinawakan ni Geoff ang leeg at noo ni Cyrus.

“Ang taas pala ng lagnat mo! Bat pumasok ka pa?!”, aalang sabi ni Geoff.

“Sir.. este.. Geoff. Sayang kasi yung araw kung tatanga lang ako..”, hiyang sagot ni Cyrus.

“Kahit na!!”, sabay naming sagot ni Geoff.

“Umuwi ka na don!”, galit kong sabi kay Cyrus.

“Oo nga Tara. Ihahatid na kita sa inyo. Mamaya pa naman ang set ng banda.”, sabay paanyaya ni Geoff.

“Nako, huwag na.”, pagtanggi ni Cyrus.

“Ako na lang maghahatid.”, pagsingit ko.

“Hindi pwede, Cedric. Walang ibang maasahan dito. Ako, mamaya pa naman ang set kaya pwede pa kong umistambay.”, mahinahong tugon ni Geoff.

Wala akong nagawa kundi ang manahimik na lang. Hindi nga naman ako pwedeng umuwi dahil walang tatao sa trabaho ko. Kaya naman pinanood ko lang na lumabas ang dalawa. Hindi pwede ito!!

Mas lalong nadagdagan ang inis ko kay Geoff. Hindi pwedeng masabi nya kay Cyrus ang damdamin nya. Kailangan ko ito harangin. Selfish man, pero ayaw ko. Hindi pwede.

Dahil hindi ko mapaglayo ang dalawa ay ako ang lumapit kay Geoff. Isiniksik ko ang sarili ko sakanya at pilit na nagpakumbida. Kailangan ay maibaling nya ang atensyon nya kay Cyrus sa akin.

Naging matagumpay naman ako at isang araw ay kami na ni Geoff ang nagkakamabutihan. Kahit pa hindi ito talaga ang kagustuhan ko. Ngunit napasubo na kaya kailangan ituloy.

I must say na Geoff is a nice guy after all. Kaya hindi ako nahirapang makisama sakanya. Kaso ang masakit ay alam kong nasasaktan ko si Cyrus. Lalo na pagdating namin sa trabaho at sweet na sweet kami ni Geoff. I would always look at Cyrus at kitang kita sa mga mata nito ang lungkot.

“Ttsskkk.. Ikaw kasi, eh.”, pang aasar lagi ni Rovi.

Hindi ko namalayan na kahit papano ay minamahal ko na rin si Geoff. Dumating na ang punto na hinahanap hanap ko ito at nagseselos sat wing lumalandi ito.

Parte ng pagpapanggap ko ang kunwari na sya lang ang mahal ko. At na nasasaktan ako ng sobra sat wing tumitingin ito sa iba. Ang totoo, nasasaktan ako, pero di naman sa puntong para maapektuhan ako. Ang tunay na nagpapaapekto sakin ay pag nakikita ko kay Cyrus kung gaano ko sya nasasaktan.

Dumating ang isang gabi na nag away kami ni Geoff dahil sa mga nabasa ko sa telepono nito at kalandian sa isang table. Kaya naman pagkatapos ng trabaho ay pinuntahan ko si Cyrus. And as usual ay sa bintana nya ako pumasok.

Magkatabi lang kami ni Cyrus at sinabi ko sakanya ang problema. Halos hindi naman magandamayaw ang utak ko sa pagiisip sa gusot na pinasok ko. Napaupo ako mula sa aming pagkakahiga at umiyak.

Niyakap ako ni Cyrus at pilit na pinapatahan kahit pa alam kong sya mismo ay umiiyak. Masyadong masakit para sa akin dahil alam ko na ako nga ang rason ng mga luha nyang yun.

Nagdaan pa ang panahon at nangyari na ang lahat ng nangyari. Naghiwalay na kami ni Geoff at dumaan na ulit ang isang taon. Ngayong nawala na si Cyrus at nalaman ko na nagkasakit si Geoff. At ito ngayong patay na sya.





Iminulat ko ang mga mata at agad napaluha. Hindi matanggap ng mata, puso, isip at kaluluwa ko na nakikita ko na walang buhay si Geoff na minsang naging parte ng buhay ko. Masyadong mapaglaro ang tadhana. Iba ang biro nito dahil talaga namang mapanakit at sobrang sakit.

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib dahil sa sobrang pagod kakaiyak. Patuloy ang pagiyak ko habang dahan dahang hinihimas ang kabaong na pinaghihimlayan ni Geoff. Ngayon, lahat ng sa amin ay wala na at tapos na. Ang mga panahon din na sana ay maari akong bumawi ay wala na. It’s all over. Tapos na.

Isang linggo lang ang planong burol dahil yun lang ang budget na kinaya. Kaya naman sa isang linggo na dadaan ay wala akong planong umalis sa tabi ni Geoff. Ito na lang ang tanging paraan na naisip ko para makasama pa talaga si Geoff. Kahit isang linggo na lang.

Lingid sa aking kaalaman na may isa pa palang problema. Nalaman ko na lang ng pangalawang gabi na ng lamay. Wala pa palang paglilibingan si Geoff.

Nag usap kami ni Rovi kung ano ang pwede naming gawin para makatulong. Nagkasundo kami na mag aadvance kami ng sahod sa aming amo para lang may pandagdag sa paglilibingan ni Geoff.

Tumawag kami sa aming amo ngunit hindi kami ito napagbigyan. Simula kasi ng mawala si Geoff ay medyo bumaba ang kita ng bar. Sya naman kasi talaga ang hinahanap ng mga tao kaya naman nagpapakilala pa lang ang bagong bandang pumasok sa amin.

Dumaan pa ang dalawang araw at tuluyan kaming halos mabaliw nila Rovi at magulang nito kung saang kamay ng Diyos naming kukunin ang perang pambayad. Wala naman akong pwedeng hiraman na iba. May nahiraman si Rovi ngunit kulang na kulang ito. Kahit pa ang abuloy na galing sa amo namin ay kulang. Masyadong malaki ang kulang.

Sa pang apat na gabi ng lamay ay nasa loob ako ng bahay at naka upo sa tabi ng kabaong ni Geoff ng biglang nagkaroon ng ingay sa labas. Nagkatinginan naman kami ni Rovi kaya tumayo kami at nakisilip kung ano nga ba ang sanhi ng kaguluhan.

Paglabas na pagkalabas naming ay may nakita kami na isang magarang sasakyan na pumarada. Hindi naman namin makita ang loob dahil tinted at gabi na. Isa pa ay palikod ang parking nito kaya hindi namin makita kung sino ang nagddrive.

Pagkapark ng sasakyan ay may bumabang diva at nagulat na lang ako ng makita kung sino ang bumaba. Naka black slacks ito at naka fittend na polong puti, at high heels.

“Mimi?”, pagtawag ni Rovi. Agad itong lumapit sa kaibigan. Lumapit din ako.

“Condolence Rovi.”, bungad ni Mimi.

“Bawal daw magpasalamat. Pero masaya ako na andito ka.”, sagot ni Rovi.

“Pasok kayo.”, biglang singit ng Ina ni Geoff.

“Maam, nakikiramay ho ako.”, magalang na sabi ni Mimi. Tumango lang naman si Tita.

Papasok na sana kami ng biglang huminto si Mimi natiningnan ang sasakyan nya. Tila may hinihintay.

At doon, biglang bumukas ang kabilang pinto ng sasakyan at may bumabang isang lalake.

Bakit?

Anong ginagawa nya dito?

“Felix?”




20 comments:

  1. Sad pa din haist. :( wala na si geoff.... need to move on na,, cyrus kelan ka babalik!!! hanggang ngaun pinagdududahan ko pa din to si felix, kung sya ba talaga sya si cyrus o kambal sila HAHAHA! next chapter pls :D

    ReplyDelete
  2. ayun.. :D
    anu kaya ang totoo..

    kambal nga ba o iisang tao lang.. hehehe

    ReplyDelete
  3. grabe,namiss ko to Ken..buti may update na..

    hay sad naman wala na si Geoff..and si Cyrus sana bumalik na sya..whew!chapter 17 na! :))

    ReplyDelete
  4. oo nag po sana chapter 17 na hehehe miss ko na rin si cyrus...

    cyrus wer r u na ba lost in space ka ba talaga o ur just hiding ing felix whow wat happen next sir ken....


    Thanx next chapter npo pls hehehe...


    ReplyDelete
  5. Sad Chapter pero Kaya mo yan Cedric.. Kelan kaya makikita si Cyrus?

    ReplyDelete
  6. ang tagal ng bakasyon ni cyrus....

    ReplyDelete
  7. Di ko tuloy mapigilan ang luha ko..nadala ako dito..

    Sawi pa naman ako sa pag ibig..

    ReplyDelete
  8. hayonn here come felix..hehhe suspense talaga ang drama ano ken..

    ReplyDelete
  9. haizt, again, ang pagsisisi ay laging nasa huli. . . iayan at bakit nagpakita c felix? dahil sya din c cyruz d ba? hmmmmm

    ReplyDelete
  10. Oh db nga. Nakakaloka. Ikaw talaga Kuya Ken sakit mo sa bangs. Convinced na kami na kambal si Felix at Cyrus ih.
    Pero parang sa cliffhanging part mo it makes us think that Felix and Cyrus is only one person.

    -John Allen Bantay :)

    ReplyDelete
  11. Ay anu ba yan nakakalungkot wala na si Geof, si Felix at Cyrus ay iisa.

    ReplyDelete
  12. iisang tao lang yan......gumalang nmn c cyrus sa patay

    ReplyDelete
  13. ang ganda ng flashback ni cedric!at nakakadala...pero nakakalungkot pa rin ung pagkawala ni geoff.T_T

    napaka-misteryoso talaga ni felix...duda ko talaga c cyrus dn siya e..nagka-amnesia o nagpapanggap as usual??hehe

    sad talaga ako para ke geoff...

    -monty

    ReplyDelete
  14. ngluluksa peo mukhang mbbling ky felix ung spotlight x.x
    haiz kakalungkot

    ReplyDelete
  15. wait. ang gulo. ang alam ko, hindi alam ni cedric na may gusto si geoff kay cyrus. he may have felt it, pero wala siyang confirmation. dito sa chapter na to, narinig niya na may gusto talaga si geoff kay cyrus. pero base sa past chapter, na di ko matandaan kung anong specific chapter, eh nalaman niya lang na may gusto si geoff kay cyrus noong nagtapat ito. flashback: yung namatay yung tatang ni cyrus tapos pumapasok pa rin ito sa bar. tapos nung nalungkot siya minsan si cyrus nagpunta siya sa likod ng bar at nang makita siya dun ni geoff, nagtapat na ito sa huli. narinig nga yun ni cedric eh. kaya nagalit si cedric kay cyrus.

    ReplyDelete
  16. I think iisang tao lang talaga si Cyrus at Felix..nagpapanggap lang sya..

    ReplyDelete
  17. sweet at kasama si felix

    ReplyDelete
  18. kalungkot naman..sana nagka aminan ng maaga para hindi na humantong sa ganito...grabe nakaakiyak...sinobka ba tlga felix??excited na ko sa next chap

    ReplyDelete
  19. hindi na nakaka-exicte just saying

    ReplyDelete
  20. Kelan po nxt chapter

    ReplyDelete