Eterna
by: Heara
Author's Note! :)
Before
po ako magproceed eto ang aking mga notes before you read the story.
1. This is a fantasy. Ginamit ko
ang Philippine myths before ko po sila isulat lahat po sila ay aking
nereasearch at binasa. Pero yung story po at yung flow ng story ay akin po
galing. For example, Lalang and Oden are true bathala of water and fire. Lalang is the goddess of fire, volcanoes and
harvest. In ancient times, Ancient Visayans blamed her for sending armies of
locusts to destroy their harvests. In response, natives will offer her gifts in
order to please her and prevent her from doing that.
2. Dahil po Philippine Myths
gumagamit po ako ng mga native language na siya naman pong tunay na pananalita
noong unang panahon and to give you the folklore vibe for the story of the
bathalas. Kaya pasensya na po kung bisaya man siya or whatever hindi ko po siya
masyadong mababago pero as assurance po ang may native language lang ay yung
ETENA:
yung book na binabasa ni Aidan. Pero yung present na setting tagalog po
yun don’t cha worry!
3. Kung may feed back po kayo
icomment niyo lang po or mga opinion ibato niyo lang po ayos na ayos sakin yon!
J
Dapat
weekly po itong eterna kaso kasi namali ng post si tommy nasagad niya hanggang
chapter 2 ayun kailangan ko ipush sarili ko na magsulat may advance na chapter
na sana ako eh L(Pasensya
na talaga kung late posting because I take my time to write this specific story
gusto ko po kasi in detailed siya at tama lahat ng facts na nakastated dito but
I assure you every week po ang posting niya! Salamat.
TOMMY
IPAGTANGGOL MO KO!
Eto
po! Kabanata 3 J
Kabanata 3
"Seminars are a better platform for
the students to expand their knowledge." Firm na pagkakasabi ni Aidan.
"Educational tours and fieldtrip are
FAR better platform for the students MISTER president. To be more precised
tours and fieldtrip might entertain the students more plus the fact that it can
enhance their interest to what their field is." Seryosong pagkakasabi ni Zephyr na may
kasamang emphasis na lalong nagpapakirot ng litid ng pasensya ni Aidan.
"Seminars are hands on." Expressionless na sagot ni Aidan.
"Tours are on the spot." Expressionless na sagot din ni Zephyr.
"It’s more practical." Nagsisimula nang lumabas ang mga sungay
ng pagiging maldito ni Aidan.
"It is worth it." Kung sungay naman ang kay Aidan pangil
naman ang kay Zephyr.
Nagtatalo
ang dalawa para sa academic project na iimplement monthly sa kanilang
eskwelahan.
"Here we go again." Bulong ng treasurer na si Ivan sa katabi
niyang Auditor na si Monique. Habang ang commissioner ng Academic na si Marcus
na siyang magpapatupad at magplaplano ng whole process ng project ay tila
nagsisi kung bakit pa ba siya nagpatawag ng meeting para pagdesisyonan kung
alin ba ang dapat naiimplement na project.
"Kasalanan ni Marcus to." Ngising buyo ni Monique kay Marcus.
"It is effective" patuloy na sagot ni Aidan.
"Oh really? Enlighten me Mr.
President." Taas
kilay ng lalaking may salamin na si Zephyr na nagtataglay ng fierce na aura na
may maamong mukha.
"How would I enlighten you Mr. Vice
president na ang hobby eh kontrahin ako?" Sarkastikong ngiti ni Aidan.
"Well, that’s your problem.” Sarkastikong bira ni Zephyr kay Aidan.
"You are the problem." Ngisi naman ni Aidan na tila ba
ipanapamuka niya sa lahat na si Zephyr nga ang problema ng buong SSG dahil sa
mga pangongontra na ginagawa nito sa araw-araw na ginawa ng diyos ay ni minsan
hindi nagmimintis at baka siguro hindi na magmimintis.
"Not my problem." Expressionless na sagot naman ni Zephyr
na hindi nagpapatinag sa tunay naman talagang nakakaasar na ngisi ni Aidan
"Your whole being is." Oh, playing not bothered at all? I am
daring you Mr. Vice president. Nanghahamong sambit ni Aidan.
"What?" kunot noong tanong ni Zephyr, tila alam
na alam ni Aidan ang pitik ng pasensya ng mortal niyang kaaway.
"What!" ngiting tagumpay ni Aidan. Oh, if only
Zephyr knows, handang – handa si Aidan sa matinding bakbakan at iringan kalaban
siya. Sa pagtitimpi ba namang tiniis niya sa mga oras na iyon kailangan niyang
mailabas yan kung hindi sa matalim na salita eh di sa matigas na suntok sa
katawan. Leave the face, that’s very precious to him.
"Stop me with your pathetic catfights
you two!" Bulabog
ng secretary sa conferrence room sa loob ng ssg office.
"We are not fighting!" Sabay na sinabi ng dalawang may mataas na
position sa SSG nagbatuhan ng maangas na tingin ang dalawa sa isa't isa.
"Ah kaya pala, nagkakatayuan na pala
kayong dalawa at mukha na kayong magsusuntukan ano?" Pameywang na ni Kryza.
"Aidan started it. Proposing a
lifeless project!"
Bira agad ni zephyr.
"Well what can I do? This person
proposes a project that is very useless!" Konting push pa sa pasensya ni Aidan eh ichochokeslam
na niya si Zephyr ng walang sabi-sabi na kahit kailan eh hudyo sa buhay niya.
"Useless? Useless! C'mon Aidan you
must be kidding me are you referring to yourself?" Panguudyok lalo ni Zephyr na tila ba
natutunugan niya ang pagisi ng pasensya ni Aidan sa kanya.
"What?" Pagpipintig ng tenga ni Aidan.
"Why? Gusto mo talagang ulitin ko
ulit?" Ngiting
pangasar ni Zephyr.
"Anak ng. Tumigil nga kayong
dalawa!" Pagpapagitna
ni krisha sa dalawa. "Kayong dalawa
ha? You are both Ateneans! For Eagle’s sake! That’s not how an Atenean act or
to be precise a Student leaders should not behave this way", Kahit
bakas ang iritasyon sa boses ni Kryza eh kalmado niyang kinakausap ang dalawa
at pilit iniiwasang gumamit ng dahas. “Umupo kayong dalawa ngayon din!”
Nakatayo
pa rin ang dalawa na patuloy pa ding nagbabatuhan ng matatalim na tingin.
“I SAID PUT YOUR FUCKING ASSES DOWN!” Malakas na sabi ni Kryza na ikinasindak
ng lahat ng tao sa conference room, kahit pa sabihin nating maliit siya kumpara
sa tangkad ng dalawa, agad namang napaupo ang dalawang nagtatalo. “AND STAY QUIET!”
Ang
mga ibang SSG officers ay napapalunok na ng bulto ng laway sa takot kay Kryza
na kilala lang naman na blackbelter sa kanilang University at MVP ng taekwando
team. Kung magkamali man silang di sumunod kay Kryza sa mga oras na iyon
panigurado nilang itutumba talaga ni Kryza ang dalawang mortal na magkaaway.
“K-kryza…” utal-utal ng pananalita ni Aidan sa takot
kay Kryza. Naalala niya kasi sa mga biruang harutan niya sa matalik niyang
kaibigan na si Kryza, nauuwi siya sa clinic sa lakas nito at minsan eh
nakakalimutan niyang may advantage siya sa ganung physicalan at naeenjoy
masyado ang kulitan at nababalian niya si Aidan.
“Ako lang muna ang magsasalita ngayon!” fierce na tingin ni Kryza kay Aidan na
napatiklop sa kinauupuan niya sabay tango na parang behave na dog kay Kryza.
“But…” singit ni Zephyr.
“Mr. Zephyr Sabriagga. DO… I… NEED… TO…
REPEAT… MY… SELF?” kahit na nakangiting sinasabi ni Kryza ang mga
salita na iyon, nagbigay pa rin ng kilabot sa lahat at lalong lalo na kay
Zephyr na tila ba si Kryza lang ang kinatatakutan niya. Si Kryza nga ang
kinatatakutan niya dahil sa ilang beses na nitong nakita niya si Kryza na
nakipagbakbakan sa ibang lalaki at madalas ay mabalian si Aidan.
Napaayos
ng salamin si Zephyr sabay iling na tila bang bata na napagbantaan.
“Okay, good.” Contented na ngiti ng Secretarya. “Marcus?”
“Y-yes?” ninenerbyos na sagot ni Marcus. Nagdadasal siya sa lahat ng santo
na huwag sanang magdilim ang paningin ni Kryza sa kanya dahil sa proyektong di
niya mapagadesisyunan na magisa at kailangan pa niyang magpatawag ng meeting at
nauwi sa matindi-pero-normal-ng-nangyayari-sa-araw-araw-na deskusyon ng dalawa.
“I will be the one to give the
suggestion.” Tumingin
ng matalim sa dalawang binata na agad napaayos ng upo. Only the unseen forces
know kung dahil sa takot or nerbyos ang dahilan nun. “Which was failed to give by these two whining kids.” Taas kilay na
sambit ni Kryza sa dalawa na sumisimbolo na ‘Sige lang, kontra lang at itutumba
kita’ sabay harap kay Marcus at ibinigay ang assuring smile kay Marcus. “We will implement the two projects ang
kailangan na lang natin eh kung paano to maiimplement annually. I think we
should discuss this with Ivan for the furnishing of this project. Nasa sakin
kasi yung school timeline at schedules tapos kailangan natin isakto sa budget
that’s why we need Ivan.” Ngiti pa rin ni Kryza.
“Ah okay I understand. So when do we
discuss this?” relief
na relief ang pakiramdam ni Marcus dahil sa nararamdaman niyang di naman siya
sinisisi sa disaster meeting na ito.
“Let’s settle this later Marcus.” Ngiti niya at tinignan naman si Ivan. “Ivan, Later okay?” tumango naman ang
treasurer at ngumiti. “Okay guys ako
muna ang mageend ng meeting. You may go.” Sabay tayo at ayos ng iba pang
SSG officers at unti-unting nagsipagalisan at nagpaalam.
“Aidan at Zephyr naman. Utang na loob,
magsawa naman kayo.” Basag ni
Kryza sa katahimikan nilang tatlo na nanatili pa din sa loob ng Conference
room. “My Gosh, Aidan and Zeph! Kami ngang nakapaligid lang sa inyo eh
sawang-sawa na at urat na urat na sa bangayan niyo… bakit kayo hindi?” halata
na ang panlulumo sa boses ni Kryza na matagal na nilang kaibigan since High
School pa.
“If only Aidan would stop competing with
me.” malamig na pagkakasagot ni Zephyr.
“Competing with you?” taas kilay na sagot ni Aidan. “If only you stop thinking that way
Zephyr.” Natatatwang pagkakasabi niya.
“Why would I not think that way Aidan? In
everything I do. In everything I wanted to achieve you are always there… as a
HINDRANCE.” Punong
puno ng feels at emphasis ang pagkakasabi ni Zephyr sa word na Hindrance and to
be more precise, emphasis with frustration.
“What can I do? Am I to blame if I excel
in everything? At sakop nun eh yung mga fields mo na akala mo ikaw ang
pinakamagaling?” tugon
naman ni Aidan.
Napatayo
si Zephyr. “You are so full of yourself
Mr. delaRuiz. We don’t stand a chance if you continue to be like that.” At
padabog na umalis ang Vice president.
***
Fuck.
What did I do? Nag-walkout si Zephyr at hindi nagfufnction ng husto yung utak
ko.
“Sana yung pride muna ang tinira mo.
Dumiretso ka agad sa Ego men.” Tapik
sakin ni Kryza kahit ramdam ko ang malakas na tapik ni Kryza at di ko mawari
kung tapik ba talaga to or hampas, nawawala ako sa ulirat napawalk out ko si
Zephyr! And it’s the first time na nangyari yun! When we argue kasi its either
di kami magpapansinan or magpapatigasan kaming dalawa hanggang sa mapansin
naming naguusap kami at magtatalo ulit kami.
“I thought you love Zephyr? But why it is
like this?” tanong
ni Kryza sakin.
Napasandal
ako sa upuan ko at minassage ng dalawang daliri ko ang sentido ko para
mahimasmasan ang flow ng utak ko saka ako nagpatuloy magsalita.
“I… I just…” napabuntong hininga ako at napatitig kay
Kryza. “I want him to notice me and to
give credit on me. Gusto ko kilalanin niya ako at ang galing ko…”
“For?” Kryza’s eyes were deeply
questioning me or rather my soul.
“For…” nahihirapan akong hanapin ang sagot sa sarili ko at tila ba may
kumakain sa pagkatao ko…
“Your ways are completely wrong Aidan. You
have introduced yourself as an enemy not as a friend! Yan ba talaga ang goal
mo? It’s really pathetic Aidan. Ginagawa mong demonyo yung tao and of course
yourself.”
“He will still hate me in the end…”
“How sure are you?” taas kilay ni Kryza.
“I know!”
“You are just guessing Aidan! That’s
bullshit. Ang bullshit mo Grabe.”
“Hindi mo lang kasi alam ang nararamdaman
ko!” my throat is hurting
and it feels like my eyes are about to perspire.
“And so are you! C’mon Aidan. It’s not him
who’s judging you. It’s totally you! What if you are wrong? What if it turns
out to be okay? Paano na?”
I
fell into the pit of silence. Words of Kryza haunts madly in my ears and my
heart is being shaken by it. What if she is right? And the answers that is
forming into my mind and it busting up my heart.
“Aidan… It’s not too late. I can feel you
both can work this out. Taking risk doesn’t necessarily mean that you have to
be a fool… taking risk means being strong and choosing what makes the heart
free…”
Niyakap
ako ni Kryza saka siya tumayo at umalis.
***
Hmm.
Ateneo is really big huh… ahhh~ such a nice ambiance. I like it here… maybe I should
really go and check their curriculum… but where? While I proceed and look for
the administration building I feast my eyes and enjoy the warm breeze that
touches my skin I suddenly…
BAM!
Jar
against someone.
“Shoot! I… I’m sorry.” Nalaglag yung salamin ng nabangga ko. Pinulot
ko agad at ibinigay ko sa kanya. “Your
glasses. Im really sorry…” kamot ko sa ulo ko.
“No… its fine.” Pinagmasdan ko lang siyang isuot yung
glasses niya. “Thank…” at napatitig
siya sakin. Dahil napatitig siya nakipagtitigan din ako sakanya and…
daaaaanggg. Eto ang masarap bilhan ng load! At bigla siyang napagitla na
ikinabalik ko din ng ulirat. “T-thank
you.”
Napangiti
ako. “Don’t mention it.” ngumiti din
siya at nagmamadaling umalis.
Nakakalimang
hakbang na ako eh di pa din nawawala ang ngiti ko.
***
Clinic!
Clinic!
Ang
bilis ng tibok ng puso ko… why? Kanina parang nagslow motion at tumigil ang
oras. What is happening? Am I having a fever?
“AHHH! WAIIIIIITTTT!”
Sigaw
ng isang pamilyar na boses sa hallway.
DUG
DUG
DUG
Eto
nanaman nagiislow motion nanaman ang paligid. Habang unti-unti akong lumilingon
lumalakas ang tunog ng pagtibok ng puso ko. Di ko na marinig ang ingay ng
paligid nagblublurr na ang mga bagay at ang tanging malinaw na lang ay yung
taong tumawag sakin.
“Umm… I’m about to inquire here… and… I don’t
know which way to go… So…” kamot
niya sa bandang kilay niya.
My
mind says ‘Go to the damn clinic’ but my heart says ‘Go and help him’ it’s the first
time that these two disagree each other and to be honest I can’t guess who’s
going to win.
“I-I’ll show you the w-way…”
Well,
that goes 1-0 in favor for the heart.
“WOW! Really thanks!” and once again he exhibit his smile that
is worth to be put in the museum and be admired as a beautiful art.
Then
he walks beside me… and then the tick of the clock stops.
“Sorry to bother you talaga!”
“N-no it’s fine…” damn, bat ba ako nauutal ano ba problema?
“Ano nga pala pangalan mo?”
“Zephyr”
“Ohh Zephyr! What a unique name!” he looks like a child. Well, he does
looks like a child because of his twinkling eyes, small lips and deep well
dimple.
“By the way. I am Dylan!” he showed his hand and I reach for it for
a shake hand. I can feel my cheeks burning. “Hi Zephyr nice to meet you!”
“Same to you… Dylan…”
And
the taste of his name on my tongue is gratifying…
Sinfully gratifying.
Itutuloy...
very well said!
ReplyDeletemy mga pgkakataon talagang kailangan mong i-twist ang mga conversations para ma-feel ng mambabasa.
like pnu m mlalamang ngongo ung taong ngsasalita kung normal ang pgkakasulat? o di kaya’y pnu m mlalamang my accent ung ngsasalita?
bt anyway, ngaun plang tlaga ngsisimula ang kuwento, ung unang 2 chapters parang prologue lng ei. bt so far, interesting tlaga xa for me haha
keep it up :)