ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, April 20, 2013

When A Gay Man Loves Part 15





Part Fifteen
Bryan

            Kasi naman. Hintayin daw ba ko kahit umuulan na? Pwede namang sumilong diba?! Ayan, nilalagnat tuloy!


            "Kuya Rodolfo, iwan mo muna kami... Pasabi kila Daddy nandito ako..." sabi ko kay Kuya nung nakarating na kami sa unit


            "Kasi naman... Bakit mo pa ko hinintay?" sabi ko kay Matthew kahit na alam kong natutulog siya


            "May usapan kasi tayo..." mahinang sabi niya


            "Never akong bumali ng isang usapan..." dugtong pa


            Powtcha. Wait lang ha? Kikiligin muna ako saglit.


            *Kilig*


            Ayan tapos na.


            "Kahit na... Pwede naman sa ibang araw diba? Okaya sumilong ka man lang sana... Suicidal ka eh!" sabi ko pa, without him knowing na kinikilig ako ng bongga!


            "Suicidal na kung suicidal, I'm ready to die for you... Kung nagkataon na umalis ako dun at dumating ka, baka magalit ka pa sakin, kaya mas okay na yung magkasakit ako kesa magalit ka sakin..." bongga. Say niyo? Haba ng hair devah!


            "Daeng sinasabi... Magbihis ka na nga lang..." sabi ko pa na kunwari naaasar


            "Di ko kaya..."


            "Ang laki mo na, di mo pa kaya magbihis?!"


            "Wag na nga... Di na ko magbibihis..." sabi nito sabay tumalikod pa sakin


            "Hay nako... Papasakit sakit tapos hindi naman pala kaya sarili..."


            At eto na nga. Uu, binihisan ko! Hoy, walang malisya 'to! Pareho kaya kaming lalake! Meron din ako nun ha! Wag nga kayong malaswa!


           
            Ehmeheghd. Neseken ne eng lehet...


            That, oh my GRRR, damn hot sexy body. He's mine.. Chos!


            "Ayan.. Matulog ka na... Mamaya uminom ka ulet ng gamot..."


            Tumayo muna ako para tumawag sa bahay...


            "San ka pupunta?"


            "Tatawag lang muna ako..."


            "Wag... Dito ka lang... Wag mo ko iwan..."


            "Anokaba... Tatawag lang!"


            "Dito ka nalang... Please..."


            Potcha. Kung di lang kita gusto eh...


            Ayan. Wala na. Nahuli na ko sa patibong niya. Haaayy..


            Wala na kong nagawa. Tinabihan ko nalang siya. Well, nakakaawa din naman kasi yun tao. Este bestfriend ko pala.



            Ewan ko ba. Oo, sinabi nila na bestfriend ko siya. I can feel it naman. Deep inside this heart of mine I do love him (parang kanta yata 'to?) Anyways highways. I can't remember. Peste naman kasi talaga 'tong amnesia na 'to. Sana magkaroon din ng amnesia yung sakit na amnesia. Gulo 'no? Gets niyo? Para baka sakaling makalimutan niya na kailangan niyang dumapo sa mga tao na may importanteng dapat gawin sa mundo. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH! Basta ganun. Bahala na kayong umintindi :D


            "I love you..." bigla siyang bumulong.


            "Wag mo na kong iiwan... Hindi ko kaya..." dugtong pa niya...


            "Hoy. Sinong kausap mo jan?" tanong ko. Pero hindi siya nagrespond.


            Sino naman kaya ang tinutukoy ng mokong na 'to? Ang swerte naman nung mahala niya.. Kaloka. Haayyy.. Kung ako nalang kasi eh!



            It was already, I think, 11:30 in the midnight. Hindi parin ako makatulog.  Hindi lang siguro ako sanay na may ibang kasama matulog? O baka dahil sakanya mismo? Ah ewan!



            Pano kaya kung hindi nalang ako nagka-amnesia? Masaya kaya ako ngayon?


            Masaya ka naman ah?


            Oo, masaya ako.. Pero, iba kaya yung saya ko kung hindi ako nagka-amnesia?


            Ewan.. Siguro...


            I was wondering kasi. May mga naiwan ako---


            Gaga! Hindi ka pa patay! Wala kang naiwan!



            IKR! What I'm saying is, naiwan.. May hindi natapos.. Decisions na hindi nagawa.. Actions na hindi naipakita... Words that I haven't expressed to someone yet.. Gets mo?



            Oo na.. Pero wala tayong magagawa... Nanjan na eh...


           
            Meron kay---



            "I love you Brian..." biglang bulong ni Matthew..


            "Wh.. What? Anong sabi mo?!" gosh. Kinikilig akez!!!!


           
            "I LOVE YOU BRIAN ANTHONY LACUNA NICHOLLS..." sabi niya in a louder voice. That effort. Partida, may sakit na yan. Nakapikit pa siya while uttering those words.


           
            "I love you too? Di ko alam." sabi ko na medyo confused. Actually, confused talaga.


           
            "Alam mo, hindi kita pinipilit o pipilitin na mag I love you sakin o kaya mahalin ako. Ayos na sakin yung malaman mo yung tunay na nararamdaman ko kahit na wala kang naaalala..."


           
            "Pe-- Pero baka masaktan lang kita. Mas maganda din kasi kung malalaman ko yung mga nangyari sa nakaraan."



            "You should learn how to wait. Dadating yung panahon na maaalala mo lahat.. Lahat-lahat..." sabi niya sabay yakap sakin


           
            "Pano kung maalala ko lahat ng yun kapag hindi mo na ako mahal? Sayang naman.." sabi ko


           
            "Posible yun... Pero imposible na hindi na kita mamahalin..." eto na. Nagba-blush na...


           
            "Mag-kwento ka nga.. Yung tungkol sa mga nangyari dati..."



            "Are you sure? Baka mamaya sumakit nanaman yang ulo mo?"



            "No... Hindi yan.. Basta magkwento ka.."


           
            "Okay..."


           
            "First year college tayo. We met each other kasi magka-klase tayo. Taking up Education. First day palang, medyo naging close na tayo... Nag-agawan pa nga tayo sa Hany noon sa Cafeteria.. Ayun. Sakin parin napunta yung isang pirasong Hany..."



            Ayan. Sumasakit na ulo ko. Hindi niya dapat mahalata!



            "Dun nagstart yung pagkakaibigan natin. I asked you for your number. Nagulat ka pa nga nun tapos sinabihan mo ko na Poging Kabayo ba yun? Basta ganun. It was very funny. Epic pa nga yung mukha mo..."



            Gosh. Ang gwapo niya..



            "Madami na tayong nagawa... Oy wait, bawal green minded. Hindi kasama yun..."



            "I know! Defensive ka agad!" sayang. Wala palang nangyari samin. CHOS!



            "Anyways, ayun. We always go out every Fridays and weekends. Kasama tropa. Minsan, tayong dalawa lang.."



            "Then one day, nakilala mo si Edward..."



            "Who was he?" I can't remember that guy..



            "Eto na nga. Ikekwento ko.."



            "Pauwi tayo nun. I felt a little--- little---"



            "Little?" tanong ko. Ayaw niya ituloy eh!



            "Okay fine. It wasn't that little. Selos. Selos na selos na selos talaga ako. Kasi naman. Imagine, first time palang kayong nagkakilala, close na agad kayo?! That day na nakilala mo siya, pauwi tayo, sabay. Then he came, introduced himself, and ayun! Kayo na magkasama! Tapos may rumors pa nga nun na kumalat. Nag'date' kayo sa mall. Pero hindi pala siya tsismis. Totoo yun. Nakita kasi kayo ng Journalists ng school natin. Edward asked you out pa nga kung pwedeng manligaw sayo, in public, doon mismo sa food court."



            "Ang sakit grabe... Sobrang sakit nung nalaman ko yun.. Nagkaroon ako ng karibal. Nahati na yung oras mo between the two of us."



            "Madami. Madami na tayong pinagsamahan. Anything that you can imagine, nagawa na natin. Except with the sex thing. Walang ganunan."



            "Eto yun last na nangyari before you lost your memory..."



            "Galing kasi tayo sa party noon... Sa bahay yun ni Edward ginanap. Nagkasiyahan lang tayong magkaka-klase after ng Basketball Game kaya ayun, niyaya tayo ni Edward sa bahay nila para kumain at uminom..."


            "Sumasayaw tayo nun... I asked you kung doon ba tayo matutulog sa bahay nila or what. Sabi mo, hahanapin mo muna si Edward para magpaalam o sabihin na doon nga tayo matutulog..."


            Wait. Teka lang.. Ang sakit na talaga.


            "You kept on searching for Edward... Sa dancefloor, sala, banyo, dining, labas, garden, until you saw their maid in the kitchen. Tinanong mo si Manang, sinabi nung yaya na umakyat ka nalang sa kwarto ni Edward... Third room from your right..."


            "Pero sa halip na makapagpaalam ka, hindi mo na nagawa...."


            "Then what happened? Ano ba nakita ko?" tanong ko. Nakaka-curious na kase! Climax na eh!


            "Dinikit mo yung tenga mo sa pinto ni Edward... Para kasing may kakaiba..."


            "Dahil sa na-curious ka noon, binuksan mo ng konti yung pinto. Siguro about an inch or two... Tamang tama naman na pagkasilip nung mata mo, kama agad ni Edward yung nakita mo..."



            Ang sakit na talaga.



            "Then?" I still asked him



            "Okay ka lang ba?"


            "I'm fine.. tuloy mo lang kwento mo.."



            "You saw Edward and Bianca having sex.."



            "Ayoko na Matt.. Ang sakit na ng ulo ko.. Matulog na tayo..."


            "Sige... Ikaw bahala.."


            That Bianca.. Ang dami niya nang atraso sakin.. Bibingo na..



            Then natulog na nga kami. Those stories that Matthew told remained in my mind.


            That morning, umuwi na agad kami. When I reached home, kinuwento ko lahat lahat ng kinuwento sakin ni Matthew last night. Pati yung pagsakit ng ulo ko.



            "Ano? May naalala ka na ba?" tanong ni Mommy



            "Wala pa nga po eh.." sabi ko..



            "O sige.. Pumasok ka na.. You're running late for school.. Kuya Rodolfo! Paki hatid na si Brian!"

Matthew
      

       "Ano sabi tol?" tanong ni Crix nung nagkita kami after ko manggaling kila Brian.



            "Badtrip tol.."


           
            "Oh bakit? Ano ba sabi?"



            "Ganito kasi.. Recently, lagi na sumasakit ulo ni Brian.. He always complain for that. Na open-up niya din kila Tita. Ayun. Kinausap ako nila Tita kanina. Sinabi niya na medyo dumistansya muna ako kay Brian kasi hindi maiiwasan na mapagusapan namin yung nakaraan.. LALO lang daw nasasaktan si Brian eh.." pag-explain ko sakanya "Let's just wait for his memories to come back nalang daw."



            "Eh diba gusto nilang ma-regain ang memory ni Brian?"


            "Ayun nga eh.. They do want, pero we have to wait for the perfect time DAW. Dadating at dadating naman DAW jan.."


            "Eh pano kung hindi na ma-regain ni Brian yung memory niya?"


            "That's what I'm fighting for.. Pero they don't listen..."


            "Anong plano mo niyan?"


            "Distance?"


            "Are yous sure? Distance eh nasa iisang school tayo.."


            "Kung gusto, maraming paraan.."


            "Oo na.. Pero pano yan kung tuluyan kang mabaon sa limot?"


            "Ayos na yun.. Basta malaman niya lang na mahal ko parin siya.."


            "Hanep ka tol! Ay wait.. Ito pala.." sabay abot niya sakin ng isang dark blue envelope



            "Birthday ko na sa Saturday ha.. Pumunta ka.." binuksan ko yung letter



            "Seriously? Kelangan naka-Cosplay?" ang weird naman kasi. Ang tanda tanda niya na may pacosplay-cosplay pang nalalaman!



            "Tol, seryoso yan. Eh di sana hindi ko na nilagay..."


            "Well may point ka.."



            "Sige.. See you later.."



            "WAIT! Kasama si Brian dito?"



            "Of course!"


           
            "Di na ko sasama!"


            "Pag di ka sumama, papatayin kita.. Magkakalimutan na tayo..."



            "Ehhhhhhhh.. Kasi naman eh..."



            "Kung gusto, maraming paraan... Ikaw may sabi niyan.. Sige na.." sabay takbo papunta sa next class niya..



           
            Fuck. Pano ko gagawin yung distance na yan?!



            Okay. Next Class. Literature.


           
            "So class.. We will be having a Recitation for this week. It's not that ordinary recitation that you would think of. Something different.. Uhm, Ms. Secretary of the Class, how many are absent?" dirediretsong sabi nung Prof namin na beki.


           
            "Brian Nicholls was absent today.." sabay upo nung secretary namin



            "Tatawagin ko kayo isa isa para makabunot ng gagawin niyo for the recital.. Uhm, wait. Meron pala dito. Duet siya. Kung sino man makabunot nun, automatically, si Mr. Nicholls na ang partner niya.. Yun lang. Let's start!"



            At ayun na. Nag start na siya. May mga rolled small pieces of paper dun sa parang fishbowl na hawak ni Sir..



            "Uhh.. Tae naman tong si Sir.. 10 Quotations or Famous Lines of Julius Caeser. Bullshit.." sabi sakin ni Tophie. Seatmate ko.



            "Kaya mo yan.. Ikaw pa." sabi ko sakanya.


            "Okay Mr. Buenaventura! Next!" sigaw nung Prof ko. Pumunta na ko palapit sa kanya..  


            Please.. Duet.. Sana yung Duet..



            "Next! Ms. Dagli!" saby punta nung isa kong blockmate na babae.


           
            "Shit!" lumipaaaaad!



            "O.M.G.R.R.R!!!" lumipad din yung kay Lovely, yung kasunod ko. At sa iisang direction pa napunta yung amin..



            "Gosh.. Lumipad din yung iyo!?" tanong niya sakin


            "Oo eh.."



            "Ayun!"



            Ayun nga. Nakita namin agad. Pero teka?! Alin dito!?



            "Yung naka-roll yung akin.." sabi ni Lovely



            "Unchained Melody (Duet)" oh.my.gawd.



            "Okay class! Everyone please sit down!" sabi nung Prof namin. Gawd. Nasakin yung duet!



            "Who got the duet?" tanong ni Prof



            "Si Matthew po!" sigaw ni Tophie



            "You and Mr. Nicholls will be singing Unchained Melody.. Okay. That will be for today. Goodbye class.."


Edward


                   Back to normal. Walang naaalala si Matthew. Pero nakokonsensya parin talaga ako sa nagawa ko sa kanya. I do really love him.. Hindi ko talaga alam kung bakit may nangyari samin ni Dianne that night. I do really love him so much..



            "Brian.." kinausap ko siya minsan


           
            "Uh, bakit po?"


            "I'm Edward.."



            "Hindi po kita kilala.."


            "Kaya nga nakikipagkilala ulit ako.."



            "Ulit?"


            "Oo, ulit. Isa ako sa mga nakalimutan mo.."



            "So.. Ikaw pala si Edward na kinukwento sakin nila Matthew.."


           
            "Oo, ako nga. Pwede parin ba kitang ligawan?" tae. Pakapalan na ng mukha 'to.



            "Sure.. Sabi nga nila.. Nililigawan mo ako dati.."



            "Oo.. Thank you!" sabay hug sakanya. Damn. Buti nalang hindi niya naaalala..


            We'll start all over again, Brian...




Author's Note
Yeah. Super Ultra Mega Duper OA Late update. After asdgfhdgj years.. Eto na.. Nyehe. Few chapters away to the end. Hayyy.. Enjoy. Comment po ha?


3 comments:

  1. Sana po mejo habaan ung update. bitin kasi eh, ang ganda pa naman :))))

    ReplyDelete
  2. Jusko !! First time ko mag comment Author hah!! Katagal naman ng update mo. Nalusyang beauty ko Author sa kahihintay. Well, the story is so exciting. Shiit naman kasi yan amnesia na yan ehh. nauso pa!! kaloka lang hah!! hmmm. Author please. bilisan ang update at habaan. Ehhh. Team MATTHEW ako. ayaw ko kay Edward he is a bitch. I don't like him for Brian.



    -Japhet

    ReplyDelete
  3. Eeehhh bigyan mo naman ng Lovelife si Matthew kung si Edward amd si Brian amg magkakatuluyan ! Hayyy Next na !

    ReplyDelete