ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, April 12, 2013

Eterna: Kabanata 4


Eterna
By: Heara

Author’s Note:

Hi! I am back with kabanata 4 Yay. Umabot ako sa weekly update ko YAY! HAHAH!
Maraming salamat sa feedback at comments na ibinibigay niyo sa story na ito heheh. Masaya akong tunay at wagas. Maliban lang sa mga character ko bwahaha! Mga madness. Anyway, I have also other stories all of them are complete. If you have time, these are also my other stories:
Black & White (Oneshot)
Ludus Vita (complete, 6 chapters)

Thanks guys and gals haha! Lets have a character talk. Yes, ill be discussing you about my eternal characters why? Feel ko lang haha!
My favorite character… is yet to be introduced! BWAHAHA! Yep. Pero idedescribe ko na agad siya. Yay, this character is my personal favorite kasi he is so stupid! HAHAHA. I just love how stupid he is at siguro idiot din ako kaya hindi ako nahihirapang isulat siya incharacter. I can even imagine him alive, like he is real.
My hated character is Aidan, ahahah. I just hate how he thinks kung magiging reader ako ng character niya. Beside he is a plain pampered kid. Grr. Siguro, dapat sisihin ko yung sarili ko hahah! Ako gumawa kay aidan eh.
There is a lot of confusion as for the moment. Why? Dahil icoconfuse ko kayo ngayon bwahaha.
Kung sino man ang iniisip niyong bida. 50 tama kayo, 50 mali. You know why? Hindi pa ako decided kung sino ang gusto kong bida. HAHAH!
Kung akala niyo alam niyo na kung sino ang mabait at sino ang hindi sa inintroduce kong mga character malaki ang chance na baka maging shocking revelation yan sa inyo. HAHAHAHAHA! Kasi ako nagugulat din ako sa mga gusto kong isulat. Yay, mahirap maging isang baliw na writer kunwari. YOHOW. OKI. Here is kabanata 4 :*

Kabanata 4

"Lalang, Oden." Pukaw ng makapangyarihang bathala na si Sidapa.
Agad na kumalas ang magkasintahan upang harapin ang bathala. Mahigpit na humawak si Oden sa kamay ng dalagang kanyag sinisinta.
"Ikinalulungkot ko pero panahon na upang ipataw ang sumpa." Malimlim ang mukha ng nakakataas na bathala. Simbolo ng di nais ng kanyang damdamin ang ipagkaloob ang sumpa. "Patawarin niyo ako Lalang at Oden pero kailangan kong tumupad sa pagiging bathala ko."
Sa mga salitang iyon ay nagbigay kabawasan ng pait sa kanilang damdamin lalo pa’t ito ay nagmula sa bathalang tulad ni Sidapa.
"Bathala Sidapa..." yukod ni Lalang at Oden.
"Hindi po kami karapat dapat sa inyongpaghingi ng tawad" tugon ni Lalang.
"Bathala Sidapa. Lubos po naming naiintindihan ang iyong reponsibilidad bilang isang nakakataas na bathala. Ang pagtangis ng sama ng loob ay dili itong tumatak sa aming isipan." Ani ni Oden.
"Salamat Oden at Lalang." Pagtango ng bathala. "Ikinalulungkot ko ngunit ipapataw ko na ang sumpa." Pagkuwa'y ipinuwesto na ng bathala ang kanyang  sa harapan. Siya ay pumikit at dahang-dahang itinaas ang kaliwang kamay at sinimulang isambit ang orasyon.

Ang mga kulay abong usok na ang ibig sabihin ay kulay na kumkawatawan sa sumpa, ay unti unting lumalabas sa tuktok ng tungkod na may simbolo na kumakatawan sa bathala ng kamatayan.
Habang lumalapit ang kulay abo na usok sa dalawang magkasintahan. Ang mga masasaganang mga luha ay naguunahan sa pisngi ng dalagang bathala.
"Ang... pagibig ko sayo ay hindi magtatapos at magbabago ni hindi ito masisindak ng kahit anong sakit at sumpa lalang. Ang pagibig ko sayo ay magpapatuloy hangga't dumating ang panahon na ito ay magdudulot na ito muli ng ngiti at hindi luha..." punas ni Oden sa luha ni Lalang habang patuloy na binabalot ng usok na taglay ang sumpa para sa dalawa.
"Ang pagibig ko sayo oden ay maghihintay at patuloy na umaasa at hindi mapapagod. Ang pagibig na ito ay kilala lamang ay iyong pagibig at wala ng iba. Ito ay magpapatuloy hanggang sa ang pagmamahal mo na ang nagtataglay sa pagibig ko." Sambit ni Lalang hanggang sa ang dalawa ay tuluyan ng nabalot ng kulay abong usok.

"Ganap ko ng naipataw ang sumpa." Anunsyo ng bathalang Sidapa. "Oden at Lalang... ang sumpang naipataw sa inyo ay akin nang babasahin." At nagbagong anyo ang mata ng bathala. Nawala ang bilog ng kanyang mata na nagtataglay ay usok bagkus ay naging isang blangkong mata na nagliliwanag at kulay abo. Ganto ang nagiging estado ng mata ng bathala kapag oras ng basahin ang systema at buong impormasyon ng sumpa.

Ang sumpang naipataw ay pagdurusa at kamatayan.
Ang pagmamahalan ay magtitindi ng pait at sakit.
Ang paglaban ay maghahatid ng kamatayan at katapusan.
Sa inyong pag-iibigan…





***





“THE HELL!?” sigaw ko out of frustration sa binabasa ko. I mean, why? That’s pathetic you know? Grabeng sumpa naman yang binigay ng Angin na yan ha? Napaka villain. Kabadtrip. Bago man ako maapektuhan ng husto inilapag ko muna ang lumang libro at nagstretching. What a Saturday morning, everything is nice and pea—

“HELLLOOOOO!”
Eh?
“HEYYY!!! HELLOOOO!”
Sino ba tong sigaw ng sigaw sa baba? Tumayo ako at sinilip yung maingay sa balcony ng kwarto ko.
“HEYY!” Ngiting wagas nung maingay. “Hello!! I am new here!” kaway niya.
“Oh. Hi.” Matipid na ngiti ko.
“I welcome mo naman ako! Sungit!” napataas ang kilay ko, wow, galing, may kasamang sungit huh.
“Welcome to the neighborhood.” Malamya kong sagot.
“I live here.” Turo niya sa tapat na bahay namin, habang nakangiti pa rin siya, and so? Pakialam ko kung dyan ka nakatira? “Katapat kwarto din kita! Ang galing noooo?”
“Oh. Yeah. That’s Nice.”
“Mr. Sungit! Ano pangalan mo?”
“Supladito.” Sarcastic na sagot ko.
“Ah! Hi Supladito! Ako nga pala si Ashton!” what the hell!? Seriously? Naniwala siyang pangalan ko ang supladito? Napanganga ako ng husto sa kabobohan niyang taglay. “Babay!” kaway niya habang pumasok siya sa loob ng bahay niya.
“Stupid.” Bulong ko sa sarili ko.


“Oh Aidan anak? Umagang-umaga nakabusangot ka?” bungad na tanong ni Mommy habang nagpreprepare siya ng breakfast.
“Sana mabawasan ang mga stupid sa mundo.” Upo ko sa lamesa. Napataas ang kilay ni mommy at dahan-dahan siyang ngumiti.
“Geez Aidan. Sometimes you gotta be cool. Tatanda kang maaga sa pagiging grumpy mo.” Gulo niya sa buhok ko.
“Moooom…” protesta ko at umupo siya sa tabi ko. “Where’s dad?” nung napansin kong wala siya sa usual seat niya.
“May pinabili lang ako kaya wala siya. Lets go and eat first.” Ngiti niya sakin.
“We have a new neighbor pala.” Kwento ko kay mommy.
“Ayy oo nga pala! I have met them kahapon and they have a very funny and cute son! Sing age mo lang.” kitang kita ko sa mukha ni mommy ang saya nung nakilala niya yung bagong kapitbahay.
“Funny? Baka stupid kamo.” Sabay subo ko ng garlic rice.
“Aidan, anak ha? Ang cute kaya niya tsaka sobrang nakakaaliw. I will introduce you to them.” Kumikinang sa tuwa ang mata ni Mommy.
“I met the son mom. You don’t have to.”
“Really? Funny siya di ba?” ngiti ni mommy.
“Stu- Well, err, Yes. Funny.” Agree ko na lang para di na humaba pa ang usapan.




***





“ZEPIROOOOOO!!!!” Napa-ungol ako sa ingay na kumakalabog sa kwarto ko.
“ZEPIROOOOOOOOOOOOOO”, mas maingay at mas mahaba na ang ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko, kaya napilitan na akong bumangon at gumising.
“Wait…” antok na sagot ko. Napahikab ako sa tindi ng antok na nararamdaman ko sa katawan ko.
“DALIAN MO ZEPIROOOOOO”

Huh?
Zepiro?
Wait… Does this mean…

“Whaddap lil’BRO!” full shown braced smile ng kuya ko.
Bam.
My kuya is here.
“Kuya, kelan ka pa naka—“
“Zepiro. You don’t call me kuya nga di ba? Call me Zepiroth. Wait. Zee pala para mas cool!” pigil ng hintuturo niya sa labi ko.
Well, Ku- I mean. Zee.  Kelan ka pa nakabalik dito?” labas ko sa kwarto ko habang inaakbayan niya ako.
“Geez, Zepiro. I just got bored. I wanna go home and have a bum life for awhile.” Ngiti niya sabay okay sign sakin.
“I see…” I can’t blame him. Ever since he graduated from college, lumipad agad siya ng Amerika para asikasuhin yung business namin doon. But the catch is mas madalas pa ang paguwi niya kesa sa pagulan dito sa Pilipinas. “Kuya, why do you keep on calling me Zepiro?” finally naitanong ko na sa kanya nung umupo na kami sa dining table.
“Huh? Di ba Zepiro pangalan mo?” gulat na gulat na tanong  ding pabalik ni Kuya Zee.
“Im not Zepiro.”  Really kuya? After all those years calling me Zepiro?
“Eh ano?”
“Zephyr Alexander ako kuya.” Bigla niyang hinampas ang noo ko. “Aray ko naman kuya!”
“You don’t call me kuya nga eh! ZEE! ZEE! Tatanda ako ng maaga niyan gaya ni daddy eh.” Explain niya. “Zephyr Alexander ka nga pala no? Hahaha! Malapit naman ang Zepiro eh okay na yun!” tumawa siya habang nauna na siyang kumuha ng pagkain sa nakalatag na breakfast sa lamesa. “Siguro tinamad si Mom at dad magpangalan sayo no?”
“Huh? Bakit naman po?”
“Eh obvious naman. Zephyr Alexander ka di ba? Zepiroth Alexis naman ako. Oh di obvious sa pangalan ko kinuha ang pangalan mo!” he patted my head like a dog and continued. “Kawawa naman ang baby bro ko. Don’t worry. Good looking ka naman tulad ko.” Kindat niya sabay subo ng hotdog.
“At ikaw talaga! Tumanda ka na lahat-lahat. Hindi ka pa din marunong maghintay samin ng daddy mo!” kurot ni mommy sa tenga ng kuya ko.
“Ahhh. Maaaaa! Masakit maaaaa!” napabitaw siya sa hotdog na hawak niya at pilit na tinatanggal ang kurot ni mommy sa tenga. Natatawa akong pinapanuod sila.
“Aba’t may wrestling pa lang nagaganap Sali ako!” dating ni dad sa dining room.
“Wag ka na nga dad. Sasawsaw ka pa eh!”
“Ang lokong to!” Si dad naman kumutos sa ulo ni kuya. At natawa naman kami ni mommy.

Pag andito talaga si kuya, masaya at maingay ang bahay… hindi tulad ng pag wala siya tahimik lang. Sana namana ko ang ugali ni kuya kahit konti lang. I know, I make my dad and mom bored…
How I wish I was just like my brother…




***



            “You just have to understand Zepiro dad. He’s just in his awkward stage you know?” I told my dad confidently about his matters with my younger brother.
            “That’s what I exactly told him so Zee. Your dad seems to be so exaggerating sometimes.” Said mom.
            “Can you blame me?” my dad let out a big sigh and continued. “Malayo ang loob ni Zephyr samin ng mama mo Zee.” I can totally see his frustrations through the old lines that have been developing in his face.
            To be honest, I don’t think Zepiro is that way that’s why I shrugged the idea off in my mind. “Really? But I think dad you are just being paranoid?” I took a bite of a biscuit that was served by my mom. “Have you tried talking with him? Like just the both of you?” my dad face stiffens and he was frozen for a moment like there was a ‘Eureka’ sign flashes above his head.
            Bull’s eye. I hit what is being missed.
            “Such a good shooter Zee.” Mom elbowed me. I laughed and winked at my mom.
            “3pts mom.”



***




And what the hell is going on?
“Hiiii Supladito!” yes, this stupid. What is he doing here? In my house? Right beside my mommy? Laughing? Eating?
“What the he—I mean what is going on here mommy?” I asked my mommy with wide eyes that seems to pop out in their sockets.
“Hinatid ni Ashton yung food na bigay nila para satin” ngiti ni mommy. The eff? So happy mommy huh?
“Yeah. Okay. Whatever.” Great just ruined everything that I planned for today.
“Oh where are you going anak?”
“Upstairs.” Simulang hakbang ko paakyat sa kwarto ko.
“Mommy Natasha, baka may sakit si Supladito?” WHAT THE FUCK? MOMMY NATASHA? I can feel the burning itch at the top of my ears.  This fool.
Kesa lalo pa akong mairita tuloy tuloy na akong humakbang paakyat at padabog na sinarado ang pinto ng kwarto ko.
“MOMMY NATASHA YOUR FUCKING FACE!” and I roughly slammed my body to the bed. Dear heavens, kumikirot ang ugat ko sa noo. Gusto kong ibalentong yung stupidong yon.
Tumayo ako at naghanap ng pagkakaabalahan para may pagbalingan ng asar ko. Sa pagtayo ko nakita ko agad ang librong binabasa ko kaninang umaga. I go near to my study table and start reading the old book. Masokista ata ako gustong-gusto kong tinutorture ko ang emotions ko. Why? I am pissed off as hell then I choose to go and continue to read the book which also pissing me off. I hate Angin what a bitch really.




***




            Tumakbo ang oras palipas nang umalis ang Bathala ng kamatayan at tahimik pa ding pinaghaharian ang dalawang bathalang tagabantay ng mga elementong si Oden at Lalang. Pilit inuukit ang katotohanang ang sumpa ay tuluyang naipataw sa dalawa.
            “O-oden?” basag ni Lalang sa katahimikang naghahari sa kanila.
            “Anong nais mo Lalang?” matamang nakatitig ang binata sa dalaga at matyagang naghintay sa kanyang sasabihin. Ngunit, mga masasaganang luha ang naguunahang umagos sa kanyang mukha ang tanging naisagot. Inilapit ng binata ang sarili at iniangat ang kanang kamay upang punasan ang mga luha ni Lalang.
            “Ah! Oden!!!” mabilis na bumagsak sa buhangin ang dalaga at tila ba ikinaubos ng kanyang buong lakas ang akmang pagpunas ni Oden. Nanginginig ang kamay ng dalaga habang inilapat sa dibdib ang kanyang kamay upang damhin ang huminang pagtibok ng puso. Hindi niya malaman ang sakit at paghihinang naramdaman niya kanina at para bang ang naganap ay ang pagtupok ng tubig sa apoy…
            Naninigas at nanlalamig si Oden habang di makapaniwalang tinititigan niya ang kanyang kamay.  “Lalang…” paatras ang hakbang ni Oden, “H-hindi…” paulit-ulit na isinasambit ang kataga. Sa mga oras na iyon lamang tuluyang lumabas ang pagtanggi sa sarili at hindi pagtanggap na siya mismo ang makakapag bigay dusa at kamatayan sa taong kanyang sinisinta at higit sa lahat ay pag-alayan ng buhay.  Sa mga oras na iyon lamang ang pagamin na hindi ito maaring mangyari sa kanilang dalawa. Sa mga oras na iyon lamang lumabas ang lahat lahat…
            “O-oden… huwag… saglit lamang!” pagtawag ni Lalang sa kanyang kasintahan na noo’y ang mukha ay naglalarawan ng matinding sakit at paninisi sa sarili na lubhang ikinasasakit ng damdamin ng dalaga na masaksihan. “Oden… hindi mo ito kasalanan! Saglit lamang!” pilit na tumayo ang dalaga upang habulin ang papalayong binata.
            “Huwag kang lalapit Lalang!!” bakas ang takot sa mukha ng binata.
            “Oden… huwag mong isisi sa sarili mo ito.” Alo ni Lalang. Habang paisa-isa niyang inihahakbang ang paa palapit sa binata.
            “Inuulit ko! Huwag kang lalapit!” unti unti nang tumatakas sa mata ni Oden ang mga luha. Bakas na bakas ang takot sa mata ng binata na muli niyang masaktan ang dalaga.
            “Kaya ko Oden! Maniwala ka! Nagulat lamang ako. Hindi ikaw ang sanhi! Nakikita mo? Ako ay lumalapit sayo! Wala akong nararamdamang sakit.” Pilit na pagngiti ni Lalang upang kumbinsihin ang binata.
            Agad na tumigil sa pagatras ang binata at tumalima sa mukha ng dalaga. Marahang ngumiti ang dalaga at dahan-dahang nilapitan ang binata upang hawakan. Nailapat ni Lalang ang kanyang palad sa braso ng binata.
            “Hindi ba? Oden?” masayang naisambit ni Lalang.
            “Ma…” hingal na sambit ni Oden.
            “A-ano yun Oden?” malakas ang kabog sa dibdib ng dalaga sapagkat may kung anong di pangkaraniwang ekspresyon ang nakapinta sa mukha ng binata.
            “Mainit! Mainit!!! Lalang! Masakit! Masakit!!!” agad napabitaw ang dalaga gaya ng kung ano ang nangyari sa kanya kanina agad napahandusay ang binata sa buhanginan. Ngunit, matindi ang naidulot na paglalapit balat ng dalawa sapagkat humihina ang elementong liwanag sa mata ng binata.
            “Oden! Oden!!!” taranta ni Lalang. Nais niya sanang hawakan ang katipan ngunit pigil niya sa kanyang sarili.  “Oden! Huwag!” Lumalamlam ang elementong liwanag sa mata ni Oden at patuloy ang pagbaba ng talukap ng kanyang mata. Tulirong nagpakalat ng mensaheng apoy ang dalaga sa mula sa kanyang kamay para sa kung sino mang bathala at diwata ang naroroon sa mga oras na iyon.
            “Nakatataas na Bathala! Dinggin mo ang aking panalangin…” dasal ng Bathala ng Apoy na si Lalang.


ITUTULOY



3 comments: