ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, April 13, 2013

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 24







             Kamusta po sa lahat lahat?! ^_^

             Unang ua sa lahat ay pasensya na sa aking late posting. GUYS.. OA po talaga ako sa pagkabusy. Sa mga nakakakilala sa akin, hindi po ako nagbibiro. Super busy po talaga at pinipilit ko lang po hanapan ng time ang pagsusulat. Kaya super thanks sa mga umiintindi :)

              Pangalawa, OO. OA po sa late ang postings ko po sa ngayon.. Dahilan po ng ang dami ko po talagang obligasyon sa ngayon kaya naman po hinihingi ko ang inyong pang unawa.. Pasensya na po talaga..


 PANGATLO, pagpasensyahan ninyo na kung late ang aking postings.. Super busy lang talaga ako sa ngayon. Odiba, inulit ko lang.

             Pang-apat, ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki, Jp Arconado, abby, bench, alpe,  Jiru, dapya, mhi mhiko, silenttype,Melvin Samora, Ej Jasmin, Imyours18, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.


“Gising!! Bumangon ka nga!!”, matinis na sigaw sa akin ng isang boses. Agad naman ako napatayo. Si Mimi.

“Anong nangyari kagabi?!”, inis na sabi ni Mimi.

“Wala pa.”, mahina kong tugon.

“Gawd! So umuwi ka ng bahay na ito without do anything about it?!”

“Pwde ba Mimi! Kakagising ko lang!”, bugsaw ko.

“I don’t care! Gawan mo to ng paraan!”

“Shit.”, sabi ng utak ko. Napatingin ako kay Mimi. Sandali itong nag isip.

Sabay ngiti.

Tumaas ang kilay.

“I have an idea..”, malanding sabi nito.

Pagka alis ni Mimi ay agad akong nag ayos. Kailangan kumilos ng mabilis bago ako maunahan. Pagkaligo at bihis ko naman ay tinawag ko agad si Gero upang ipagdrive ako.

Habang nasa sasakyan ako ay biglang nagring ang cellphone ko. Si Mimi.

“What a small world.”, sabi nito sa telepono.

“Huh?”

“Naitext ko na sayo ang address ng dapat mong puntahan. Asikasuhin mo na yan ngayon. Tuloy ang plano ko mamayang gabi.”

“Plano?”

“Sasabihin ko sayo mamaya. Alam mo na ang dapat mong gawin for now.”

“Teka.”

“I’ll call you later.”, sabay baba ng telepono.

“Anong plano?”, sabi ko sa sarili.

“Sir, san po tayo?”, bigang sabat ni Gero.

“Gero.”

“Po?”

“Dalawa lang tayo ngayon, diba?”

“Ay! Sorry Felix!”

“Good. Ito. Ito ang address.”, sabay abot kay Gero ng cellphone ko.

“Sige. Alam ko to.”

Nang makarating kami sa lugar ay ako lang ang baba. Halos 30 minuites lang ako nakatayo sa labas ng pinuntahan ko. Kung tama ang hinala ko ay aalis ito ngayon para hanapin ako.

At hindi nga ako nagkamali.

Ilang saglit pa ay nakita ko na ang hinahanap ko. I was right. Naka pang alis ito. At malamang na ako nga ang hahanapin nito. Kaya agad na akong lumapit habang naglalakad ito.

“Ako ba ang hahanapin mo?”, sambit ko sa lalakeng naglalakad.

Napatigil ito sa paglalakad.

Lumingon.

Tulala.

Halos nilabasan ng kaluluwa ang taong nasa harap ko. Halata ang pagkagulat nito. Hinila ko ito pabalik ng bahay nila.

“Hindi ligtas dito.”, malamig na sabi ko.

Madaliang binuksan ng lalake ang pinto ng apartment na tinutuluyan nya. Pagpasok ay agad ko itong nilock.

“Cyrus?”, agad agad na tawag nito sa akin.

Hindi ako sumagot at napatingin lamang ako sakanya. Yumakap ito ng mahigpit.

“Ikaw nga! Kamusta ka, pre?”

“Rovi…”, tawag ko sa pangalan nya. Kinapalan ko na mukha ko at umupo sa sofa nila. Umupo naman sya sa katapat kong upuan.

“Oh…”

“Alam ko andun ka nung gabing yun.”, agad kong panimula.

“Oo.”

“May paki usap ako.”

“Ano?”

“Huwag na huwag mong sasabihin kay Cedric na nakita mo ako. Dahil pag sinabi mo, hinding hindi na ako makikita kahit ni Geoff.”

Tila nagulat naman si Rovi sa sinabi ko.

“Malaki pa rin pala galit mo kay Cedric… Pero para kay Geoff… Nangangako ako.”

“Salamat.”, tanging nasagot ko.

Katahimikan.

Malalim na katahimikan.

“Pero pare, I’m just glad na okay ka. Grabe mo kami pinag alalang lahat.”, taos pusong sabi ni Rovi.

“Oo nga, eh.”

“Ano pala nangyari sayo?”, curious na tanong ni Rovi.

Ikinuwento ko halos lahat ng nangyari kay Rovi. Maliban na lang ang tungkol kay Mr. A at sa trabaho ko. Isa yun sa mga bagay na ayaw ko munang malaman nila. Nakakahiya.

Umalis ako ng bahay nila Rovi bitbit ang pangako nya na hinding hindi muna sasabihin kay Cedric ang lahat. Alam ko naman na hindi babasagin o sisirain ni Rovi ang tiwala ko sakanya. I know him naman kahit papano.

Agad akong bumalik ng sasakyan at naabutan si Gero na naiidlip. Kaya naman ng katakutin ko ito ay pupungas pungas pa ito.

Umupo muli ako sa harap.

“Sir! Ay este Felix pala! Andyan ka nap ala.”

“Drive.”, tanging nasabi ko.

Kung ano ano ang pumasok sa utak ko. Tama ba ang ginawa ko? Paano nga kung dumating na ang sandali na magkaharap kami ni Cedric. Kaya ko pa kayang ikubli si Cyrus? Pero. Kailangan ko din panindigan si Felix. Kailangan dahil ito lang ang paraan para makalimot sa sakit.

“Felix… Saan pala tay…”

“Just drive.”, matigas kong sabi.

Kung saan saan kami nakarating. Hanggang sa napunta kami sa isang parte ng daan kung saan may dagat. At kung saan pwede din kami magpark. Wala ding halos tao sa paligid.

“Itigil mo sa tabi.”, utos ko kay Gero. Sumunod naman ito.

Nang matigil ni Gero ang sasakyan ay nagulat ito sa ginawa ko.

Bigla ko itong hinalikan. Sa labi. Mapusok. Nag aalab.

“Fe..Hmp!..FE..lix..mmp!”, utal nitong sabi dahil sa pagkakahalik ko nga.

“Just kiss me! Utos ko yan.”, madalian kong sabi sabay muling halik kay Gero.

Sumunod naman ito s autos ko at gumanti ito ng halik. Pinaghahalikan ko sya sa bibig, leeg, at tenga.

Gigil.

Uhaw.

Hanggang sa nalasahan ko na lang.

Luha.

Sariling mga luha.

Naramdaman ko na bigla na lang akong niyakap ng mahigpit ni Gero. Tumigil na rin ako sa paghalik. Sa halip ay animo bata ako na inagawan ng laruan sa pag iyak. Gulong gulo ang utak.

“Sssh.. Hindi ko man alam Felix.. Pwede mo ko iyakan ngayon.”, mapanghangas na sabi ni Gero.

Umiyak lang ako sa bisig at dibdib ni Gero. Hinayaan naman nya ako.

Halo halo ang emosyon ko dahil sa pagkakakita ko kay Geoff. Pakiramdam ko ay iririsk ko ang lahat ng pinaghirapan ko dahil lang doon. Pero at the same time ay masaya dahil naramdaman ko paano maging ako.

“Hotel.”, bigla kong utos kay Gero.

“Po?”, alinlangang sabi ni Gero ngunit sumunod pa din ito. Dinala ako nito sa isang hotel at kumuha ako ng isang kwarto.

Tahimik lang sumunod sa likod ko si Gero habang papunta kami sa kwarto. Ako naman ngayon ay blangko ang isip.

Pagpasok na pagpasok naming ng hotel room ay walang nagsasalita sa amin. Nakaupo lang ako sa kama habang si Gero ay nakatayo lang sa pintuan.

Napansin ko na lang na nasa harap ko ito. Nakaluhod sa harap ko.

“It’s ok.”, mahinahon na sabi nito.

Sunod ko na lang naramdaman ang mga halik nito sa labi ko. Banayad at dahan dahan. Nakiramdam lang muna ako at hindi gumanti ng halik. Hinayaan lang syang halikan ako.

Hanggang sa napahalik ako. Hindi alam ang ginagawa at nangyayari. Sumusunod lamang sa agos ng pagkakataon.

Humawak ang dalawang kamay ni Gero sa binti ko habang dahan dahang tumayo sa pagkakayuko at umupo sa tabi ko. Naramdaman ko na lang din na tinatanggal nito ang butones ng polo ko.

Pipigilan ko sana ito ngunit masyado na akong nadadala. Lalo na ng halikan ako nito sa tenga. Nanghina at nagpadala. Sumunod sa kamunduhang nararamdaman.

“Akong bahala.”, mahinahong sabi ni Gero.

Hindi ko alam kung bakit nangyari. Pero nangyari nga ito. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ni Gero kung bakit nya yun ginawa. Dahil ba sa naging utos ko kaninang halikan ako? Kung ano man ay wala pa rin akong ka ide ideya.

Nang matapos may mangyari sa amin ay nakatulog kami ng magkatabi. 

BZZZZZZZZZZZZZZ!!! Maingay na skandalo ng cellphone ko. Napatingin ako sa orasan. Pasado alas nueve na ng gabi. Nakita ko na ilang miscalls na mula kay Mimi ang natanggap ko. Agad ko itong tinawagan.

“Gawd! Kung hindi ka pa tumawag, ipapahanap na sana kita sa pulis hinayupak ka! Asan ka ba?!”, galit na galit na sabi ni Mimi.

“Nakatulog ako.”, sagot ko kay Mimi.

“Gawdd!! Diba sinabi ko sayo na tuloy ang plano. Be here sa club! NOW!!!”, pagsigaw ni Mimi sabay baba ng telepono.

Agad kong ginising si Gero at agad kaming umalis ng hotel.

Habang nasa sasakyan kami ni Gero ay tahimik lang sya. Ako man din ay hindi makapagsalita. Well, I don’t have to naman dahil ako ang amo nito. Peron ng dahil sa may nangyari sa amin ay pakiramdam ko ay dapat may sabihin ako.

“Gero…”

“Huwag mo na isipin yun, Sir. Ginusto ko din yun.”, agad na sagot nito pagtawag ko sa pangalan niya.

“Bakit?”

“Hindi ko din alam Felix.”, direchong tingin ni Gero sa daan.

“Well I just hope.”

“Huwag ka mag alala. Walang magbabago. Sex lang yun.”, bold na sabi ni Gero sabay tingin sa akin at ngiti.

“Nasarapan ka din naman sakin, diba?”, malokong biro nito.

Napangiti ako ngunit pilit.

“Loko!”

Nang makarating kami ng club ay inabutan ko si Gero ng pera upang makaliwaliw muna ito dahil malamang ay uumagahin nanaman ako.

Pagpasok na pagpasok ko ng club ay pumunta agad ako sa pinaka private room na nagsisilbing opisina at pinatawag si Mimi. Uminom muna ako ng kape habang naghihintay.

“Thank Gawd dumating ka din!! Anong oras na Felix!!”, imbyernang sabi ni Mimi.

“Ano ba kasi tong planong sinabi mo?”, inis kong sabi.

Umupo sa harap ko si Mimi at nag cross legs. Nagbigay ito ng isang napaka pilyang ngiti at tumaas ang kilay.

“Sabi nga nila… Keep you friends close, and your enemies closer.”, malditang sabi nito.

Naguluhan ako.

“Ano?”

“Napaka liit nga naman ng mundo.”, pag ikot ng mata nito.

“What do you mean?”

“Does the name Rovi seem familiar sayo?”, maarteng sabi nito.

Nagulat ako bigla.

“Yes?”

“Well, guess what. Kaklase ko sya nung college.”, sabay bigay ng pilyang tawa.

“What?!”

“Yes. At andito sya… With Cedric…”, straight na sabi nito.

“ANO?! Mimi naman!!”

“I know what I’m doing.”, mataray na sabi nito. Nakita kong tumaas nanaman ang kilay nito.

“Oh, eh ano naman participation ko dyan sa plano mo?!”

“Makikipag meet ka sakanila. I’ll introduce you to them!”

“Nasisiraan ka ba Mimi?! Alam mo kung gaano ako katagal nagtago!!”

“And the more suspiscious pag mas nagtago ka pa! You know very well na one of these days ay pwede kayo magkita ni Cedric unless umalis ka na ng bansa.”, matary na sabi nito.

Natahimik ako. Napabuntong hininga.

“Oh, eh anong gagawin ko?”

“Ngayon natin malalaman kung may natutunan ka nga sa akin. So get your act together! Showtime sweetie!”, malanding sabi nito sabay tayo.

“Shall we?”, malanding sabi nito at pag abot sa kamay ko.

Kinabahan ako. Pero may point si Mimi. Kailangan mas unahan naming sila. Hindi ako ibubuko ni Rovi at sigurado ako doon.

Tama ito.

Biglang tumigas ang loob ko.

Inisip ko lahat ng galit na naramdaman bilang si Cyrus at nilipat ito kay Felix.

“I can do this.”

Pakiramdam ko ay sinapian ako. It was as if naging blangko ang mga mata ko. Walang takot, o alinlangan man lang. I was ready to do this.

Direcho akong naglakad. Kahit sa malayo palang ay nakita ko na ang kwarto kung nasaan sila Rovi at Cedric.

I showed no emotion.

Malapit na kami at napansin at nakita ko na may nakatitig sa akin. I was certain. Nakita nya ako. Mas dinemonyo ang utak ko.

“My turn.”, sabi ko sa utak ko.

Pumasok kami ng kwarto at kitang kita ko ang gulat sa mata nila Cedric at Rovi. Kahit hindi ko man silang direct na tinititigan ay alam ko.

“Felix, this is Rovi. At ang kabigan nitong si Cedric.”, pagpapakilala sakin ni Mimi sa dalawa.

Iniabot ko ang kamay ko at nakipag kamay kay Rovi. Nagbigay ako ng pagkatipid tipid na tango na parang nagsesenyas na “Sumakay ka lang.”

Sunod kong kinamayan ang kasama nito.

Ito na.

After a long time.

Tiningnan ko na sya.

Mata sa mata.

I was surprised na hindi ako nagbreak down. Ganito naba katigas ang puso ko sakanya?

“Pare, Felix.”, casual kong sabi.

Gawd! His reaction was epic. I was very satisfied. Mas gusto ko makipaglaro. Tulala lang ito sa akin.

“Pare?”, pag ulit ko.

Dahan dahan nitong inabot ang kamay ko at nakipagkamay. I just gave him a firm handshake.

“So, okay lang ba na dito na lang muna tayo, Felix? Kaibigan ko kasi ito si Rovi back from college.”, tanong ni Mimi sa akin. She gave me a smile. She knew I was enjoying the moment.

“Of course.”, malaman kong sagot.

Biglang narinig naming ang pag ring ng cellphon ni Mimi.

““Guys, 10 mins. Promise. Last na to!”, nahihiyang sabi ni Mimi. She then looked at me at ngumiti ulit.

Napatango lang sila Rovi.

“Oh, Felix, ikaw muna bahala dyan, ha.”, pagkukunwari nito sa akin. Tumango lang ako.

“Cyrus…”, mahinang tawag sakin ni Cedric. Tiningnan ko sya.

“Felix.”

“Huh?”, gulat nitong sabi. Napansin kong nagulat lalo si Rovi.

“I’m Felix.”, matigas kong sabi.

Halos hindi na nakapagsalita si Cedric. Tulala lang ito habang lahat ay nagkakatuwaan.

Ngunit tia panandaliang nakalimot si Rovi sa pinag usapan naming.

“Pare, paano ka napunta dito? Sabi ni Mimi, ikaw daw ang proxy ng amo dito?”, kabang tanong nito. Ramdam na ramdam sa boses nya ang curiosity at pagkatense.

“Sus. Si Mimi talaga. No, I’m just like everybody else.”, natatawa kong sagot.

“What do you mean?”

“Pokpok. Callboy.”, direchong sagot ko.

Tiningnan ko talaga ang reaksyon ni Cedric. Hindi magkandamayaw ito sa pagkamangha at gulat. Tila ay hindi ito makapaniwala sa mga salitang lumalabas mula sa akin. Pero yun ang totoo. Pokpok ako. Bayaran. Parausan.

Nakita ko na biglang tumayo si Cedric at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas na pagkalabas ni Cedric ay tiningnan ko agad si Rovi.

“What the hell are you doing?! Nag usap na tayo Rovi!!”, galit kong sabi kay Rovi.

“Pasensya na pre. Hindi ko natiis. Hindi kasi ako…”

“Hindi ka makapaniwala sa kinahantungan ng buhay ko?!”, matigas kong sabi.

“Dapat kasi sinabi mo kanina para din na ako nagulat ng ganito.

Tama sya.

“Ok. Pasensya na din.”, paghingi ko ng dispensa.

“What happened to you Cyrus?”

“Kung ano man ang nangyari sakin, matagal ko ng kinalimutan.”, matigas kong sabi.

“Ganyan ba kalaki ang galit mo?!”

“Hindi mo alam ang hirap at impyernong pinagdaanan ko Rovi. Kaya kung hindi mo matanggap ay sabihin mo na ngayon pa lang.”, matigas kong sabi.

“No. Kaibigan mo ko. Naiintindihan ko.”, seryosong sabi ni Rovi sabay tapik sa balikat ko.

“Now you have to act na parang wala kang alam. Hindi ako si Cyrus Rovi. Ako si Felix.”, matigas ko pa ding sabi.

“Okay, Felix.”, seryosong sabi din ni Rovi sabay bigay ng isang napakalalim na buntong hininga.

“Sa susunod na natin pag-usapan ito.”, pakiusap ko.

Tinitigan ko si Rovi. Sabay ngiti. Mga ngiting ibat ibang klase ang nilalaman.

“For now… I-enjoy muna natin ang lahat!”, maloko kong sabi.

Pagbalik ni Cedric ay kasama na nito si Mimi. Hindi naman ako nangangamba dahil kung may napag usapan man sila ni Mimi ay sasabihin ito sakin ni Mimi mamaya.

Napansin ko ang pagkatahimik ni Cedric kaya ako na mismo ang lumapit. Pilit akong nagbigay ng mga topics. Sumasagot naman ito ngunit tipid na tipid. Ang tanging tumatak lang sa akin ay ang mga titig nito. As in titig.

“Hindi ka ba nag-eenjoy?”, tanong ko.

“Cyrus…”, tawag nito muli sakin.

“Felix.”,paninindigan ko.

“Cyrus, what happened? Anong nangyari sayo?”, makulit nitong tanong.

Medyo nairita ako.

“Who is this Cyrus that you keep on talking about?”, tanong ko. Naiinis na ako pero I have to keep my cool para hindi mabuko.

“Cyrus, ako to. Ganyan ba kalaki ang galit mo para hindi mo na ko matandaan?”

Nakita ko na halos maluha ito at magmakaawa. I was enjoying everything. Hindi mo alam Cedric na MAS HIGIT pa dyan ang HIRAP na pinagdaanan KO! Kaya you deserve this!

“What are you talking about?”, kunwari ko.

Tumitig ito ng matagal. Ako naman ay kunwari ay hindi makasabay sa trip nito.

“Ikaw… si Cyrus, diba?”, kaba nitong tanong.

“Nope. And I don’t know this Cyrus that you keep on calling me. Kamukha ko ba sya?”

“Oo.”, tulala nitong sagot.

“That’s interesting. Baka may long lost twin pala ako na hindi ko alam.”, bigla ko naisagot. Hmmm. Pwede tong concept na ito.

“This Cyrus that youre talking about, talaga bang magkamukha kami?”, dag dag ko.

Kinuwento naman nito kung paano ako nawala sa buhay nya. I was feeling contentment dahil alam kong nagdudusa ito.

“Youre not really Cyrus, aren’t you?”, muli nitong tanong pagkakuwento.

“For the last time. I’m Felix. Not Cyrus.”, sabay bitaw ng ngiti. Gawd! Nageenjoy ako!

I tried to divert the topic ngunit parang hindi ito nakikinig.

“It seems na hindi ka interested sa kwento ko.”, pagbibiro ko.

““Hindi.. Hindi ko lang kasi maiwasan di maalala..”, malungkot na sabi nito.

“Oh, so you really want to play this game, huh?!”, malokong sigaw ng utak ko. Naramdaman ko ang pag rush ng dugo. I was feeling excited.

“Si Cyrus?”, casual kong tanong.

Sunod nitong ikinuwento ang naging sitwasyon naming tatlo noon. Pero sa totoo lang, kahit hindi nya ikuwento ay alam na alam ko ito. Actually I know it too well.

“Are you sure youre not Cyrus?”, pag ulit nanaman nito.

“Ask me one more time and I might have to kiss you.”, maloko kong sabi.

“I’m serious. Ikaw ba si Cyrus?”,narinig ko ang pagccrack ng boses nito.

“Gusto mo to, ha..”, malokong sigaw ng utak ko.

At tinotoo ko nga…

Hinalikan ko sya…

Hinalikan ko sya ng banayad lang. He was too shocked ata at hindi ito gumanti. I was feeling na nakaganti na ako.

But not for long…

Habang hinahalikan ko sya ay parang biglang kumawala ang pagkatao ni Cyrus. Bigla kong naramdaman ang sakit, kirot at paghihirap. Parang bigla kong gustong yumakap at iyakan sya.

Bigla akong kumalas sa pagkakahalik.

“This isn’t right. This is my game!!”, galit na pag aargumento ni Felix sa utak ko.

Kahit pagkatapos ng halik na yun ay naglalaban ang pagkatao ko ay pinanindigan ko ang pagiging Felix ko. Pasalamat na lang ako kay Mimi na tinuruan nya akong mabuti.

Mabuti na lang at tumawag si Mr. A. “Sleeping Time” na daw.

Pagkarinig ko na kailangan nanaman ako ni Mr. A para sa katawan ko ay parang nawala nanaman si Cyrus sa loob ko. It was because of Cedric kung bakit ako nagkaganito. Kasalanan niya ito. Muli, nanaig ang galit.


Nagising ako umaga na. Nagamit nanaman ang katawan ko. I found myself in the same white polo everytime na nagigisng ako. Palagi na lang ganito.

Dahil sa bagong gising ay halos hirap pa akong makakita. Agad akong umupo sa kama at nagtanggal ng muta.

“Cedric…”, mahinang usal ng utak ko.

“Good Morning Felix..”, sabay sabi ng isang boses. Agad akong napalingon.

 “Ikaw..?”

Itutuloy... 











19 comments:

  1. Hala ka! rovi know kung cnu si cyrus! :O, nakakatense ang pangyayari cnu kaya si MR.A.... hmm?

    ReplyDelete
  2. Sundan na gad pls,,, i so love the twist! Great job kenji!

    ReplyDelete
  3. bitin! :)

    - london -

    ReplyDelete
  4. sa tagal kong paghihintay nabitin p uli pero ok na ang mabitin kaysa maghintay ng matagal sa wala...

    pakipost nmn uli yung lastest....

    ReplyDelete
  5. cnu kya si mr. A..intriga huh

    ReplyDelete
  6. Si niko ay si mr A talaga eh.

    Kenny Inocencio

    ReplyDelete
  7. Si niko ay si mr A talaga eh.

    Kenny Inocencio

    ReplyDelete
  8. Nakalimutan ko n ung cnundan na chapter sa tagal ng update kya binasa ko muna. Busy k tlaga ken. Anyway it is worth nman pagwait nmin. Sana masundan agad. Thanks.

    Randz of QC

    ReplyDelete
  9. Mukhang si nikko nga si mr. A..kung bakit naisip niya ngayong mgpakilala malamang dahil baka nakita niya si cedric tat na natakot ito na ma agaw ni cedric...kawawa naman si cyrus c cedric kasi eh ewan ko sa kanya..

    Salamat sa chapter kenji..as usual ikaw na ang hari ng mga cliffhangers..excited na kme lhat sa next chapter..

    ReplyDelete
  10. Mlkas ang loob q c nikko si mr.a.. pero pls post n po ang part 25. Ang ganda ganda ng story,

    ReplyDelete
  11. so excited for the chapter.. great job kuya kenji :)

    ReplyDelete
  12. so excited for the next chapter. Great job kuya kenji

    ReplyDelete
  13. hmmm... dalawa lang sa tingin ko ang pwedeng maging mr. A. Baka akala niya lang patay na ito yun pala nagtago ito dahil sa isang matinding rason(deformed? or less serious?) well, i'll be waiting...

    ReplyDelete
  14. nagtataka lng ako bakit walang chapter 23 ?! Saan ko po makikita un???

    ReplyDelete
  15. nagtataka lng ako bakit walang chapter 23 ?! Saan ko po makikita un???


    -john

    ReplyDelete
  16. Kaya sa sobrang late po ng post.. sobra n akong excited mlman ang susunod n mga eksena, ang pgkatao ni mr.A at saan hhantong ang pgmamahal ni cedric.. huhuhuhu but then hhintyin q prin po ang update nyo :)

    ReplyDelete
  17. wow garbe . what a story.. its epic it really is, :)
    kaso asan yung chapter 23? medyo bitin at kulang yung story sa prt na yun. tas sino nga ba talaga si mr.A? daming twist and turns ng story.haha kailan kaya yung next chapter?

    -marc

    ReplyDelete