Kamusta po muli sa lahat? ^_^
Ayan, hala!! Una sa lahat po, magsosorry po muna ako sa lahat dahil alam ko (NANAMAN!!) ang tagal bago nanaman ako nakapagpost. Sobrang sorry dahil super busy ako nitong huling araw.. Power hectic po talaga ang sched kaya pagpasensyahan nyo na po..
Pangalawa po, Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)
Pangatlo, Kung mapapansin nyo po ay nagrereply po ako sa mga comments nyo po. Kaya pwede nyo din po ako makausap sa comment box. Or again, pwede nyo po ako i-add sa fb account ko po. dizzy18ocho@yahoo.com. :) konting favor nga lang po, pag add nyo po ay paki send lang ako ng message po. Thanks.
Oh sya!! Eto na, ang daldal ko nanaman na!!
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Teka, tama ba tong nakikita ko?
“Andre…?!”, pagkamangha ko ng
maaninang kong si Andre ang gumising sa akin.
“Yeah, ako nga.”
“Teka, anong ginagawa mo dito? Nasa
bahay ka, este nakaila Larc ka diba? Akala ko ba overnight yun?”, laking
pagtataka ko.
“It should be me asking you kung
anong ginagawa mo dito. At bakit dito ka natutulog? Akala ko ba uuwi ka na?”,
pagiinteroga nya.
Napaisip ako. Hindi ko alam kung
anong isasagot.
“Ha, ah eh. Kasi.. Ano.. Naisipan ko
dumaan dito para magpahangin. Eh di ko namalayan nakatulog na ako.”,
pagkukunwaring depensa ko.
“Oh really?”, sarkastikong sagot
naman nya. Para namang nagpintig ang tenga ko sa narinig.
“Oo! Really! Pwede ba Andre! Wala
ako sa mood para sa mga panlalait mo. Uuwi na ko!!”, sabay tayo at lakad palayo.
Nakakabwisit! Sa lahat ba naman ng taong makikita ko, si Andre pa! At sa
ganitong sitwasyon pa!!
“I know you live there…”, biglang
sambit ni Andre. Napatigil naman ako sa paglalakad. At napalingon muli sakanya.
“Ano bang sinasabi mo? I don’t live
there. Hindi ba, sabi ko, tinext lang ako para magluto dahil dadating nga daw
kayo.”, pagdedepensa ko muli.
“It was all a lie, was it?”,
seryosong sabi nya.
“Hindi ah! Katunayan nyan, pauwi na
nga ko sa bahay ko. Ano ka ba! Huwag ka ngang imbento dyan…!”, pagkukunwari ko
pa rin. Kinakabahan ako. Paano nya nalaman na doon ako nakatira? Tinago ko
naman lahat ng gamit ko.
“Tigilan mo na ang pagkukunwari.
Alam kong doon ka nakatira.”, matigas nyang sabi.
“Tumigil ka na nga sas kabaliwan mo.
Uuwi na ako. Umuwi ka na rin Andre.”, matigas ko ding sabi sabay lakad palayo.
Naramdaman ko namang may mga kamay na pumigil sa balikat ko. Napatingin muli
ako kay Andre.
“It’s okay…”, mahinahong sabi nya.
Wala na kong nagawa. Napatingin na lang ako sa lupa. Muli, pumatak ang luha ko.
Niyaya nya kong umupo sa isa sa mga bench para makapag usap. Hindi ko alam ang
sasabihin.
“Una sa lahat, gusto kong magsorry
sayo. I realized I was mean to you.”, sincere nyang sinabi. Naramdaman ko ang
naman din ang sincerity sa boses nya.
“You realized that just now ?”,
sarkastiko kong sagot.
“Oo na. Huwag mo na ipamukha.
Nagsososry na nga po, eh.”, pahiya nyang sabi. Nanibago ako. Hindi naman ito
ang Andre na nakilala ko. Usually ay nilalait ako ng kumag na to. Naawa naman
ako sa ichura nya.
“Kalimutan mo na yun. Wala rin naman
din sakin na yun.”, pag ngiti ko.
“Salamat, ha. At pasensya ulit.”,
sagot naman nya.
Napatahimik ako. Napa-isip. Ano nga
palang ginagawa nya dito? Paano nya nalaman na nandito ako? At bakit wala sya
kaila Larc? At paano nya nalaman na dun ako nakatira?
“Andre… Ahm.. Paano mo pala.. I
mean… Paano mo…”, utal utal kong sabi. Ni hindi ko alam pano tatapusin ang
tanong ko.
“Paano ko nalaman na doon ka
nakatira? Yun ba?”, seryoso nyang sagot.
Napatango lang ako. Nag-aabang sa
isasagot nya.
“Nung naghahain ka kasi, napansin ko
na tig dalawang gamit lang ang nakalabas. Dalawang plato, baso, kutchara at
tinidor. Naglabas ka pa mula sa cabinet ng mga bagong plato para ipagamit sa
iba. Nakakita rin ako ng dalawang pares ng tsinelas sa may pintuan at dalawang
deodorant at sipilyo sa banyo. At tsaka nakita ko yung sapatos na ginagamit mo
pang pasok sa skwelahan.”, pagpapaliwanag nya. Hindi naman ako makasagot.
Matagal akong nanahimik. Hindi ko
alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako dahil nabuko ako o
nahihiya ako dahil sa alam nya ang nangyari. Nakatingin lamang ako sa sahig.
“Huwag ka mag-alala, hindi ko
sasabihin kahit kanino.”, bigla nyang sambit.
“Salamat.”, tanging naisagot ko.
“Pero bakit? Bakit mo ginawa at
sinabi yun?”, biglang tanong ni Andre.
Naramdaman ko nanaman ang pamumuo ng
luha ko. Hindi ko na rin ito napigilan at isa isang nakatakas ito sa mata ko.
Agad ko namang pinunasan ito at tumingin kay Andre at nagpilit na nagbigay ng
isang ngiti. Pero muling dumaloy ang mga luha ko. Hindi ko alam ang isasagot.
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam.
“Sa totoo lang… Hindi ko din alam…”,
doon, tuloy tuloy at hinayaan ko ng bumuhos ang luha ko. Naramdaman ko naman
ang isang kamay ni Andre na humahaplos sa likod ko.
Maya maya ay inalis na din nya ang
kamay nya. Bigla din syang nanahimik. Ako naman ay patuly pa rin sa pagiyak.
“I actually have an idea kung anong
nangyayari. Andun ako ng marinig mo ang usapan ng barkada nung bday ni Gino.
And I saw ou running after nung nagusap usap kami sa gym after ball practive. I
figured nab aka narinig mo ang usapan. Kaya nga… Kaya nga.. Kaya nga gusto ko
talagang magsorry sa inasal ko. Dahil despite knowing all that, I was still
mean to you. Alam at nakita ko ang pinagdadaanan mo sa school. Nakita ko din
kung paano mo unti unting iniwas ang sarili mo.”, malungkot na sabi ni Andre.
Sa narinig ko ay mas lalo akong napaiyak.
“I’m really, really sorry.”, dagdag
ni Andre.
“Kaya umalis ako kaila Larc. I can’t
help but feel guilty. Pero I must say na tunay kang kaibigan sa ginawa mo. I
just don’t understand bat mo ginawa yun.”, dagdag muli ni Andre.
Nagpunas ako ng mga luha. Pagod na
rin akong umiyak.
“We’ve been friends for over a
decade now. I was his bestfriend since grade 1 pa lang kami. Ang laki ng
naitulong nya sa akin. He’s a good guy. Nagkataon lang na…”, napatigil ako.
Hindi ko alam paano itutuloy ang sasabihin ko.
“Do you want to know why I was mean
to you?”, biglang tanong nya.
“Why?”
“Because you’re the kind of friend I
never had.”, malungkot na sabi ni Andre.
“I grew up getting everything I ever
wanted. Lahat ng luho ko, nakukuha ko. Pero my parents were too busy for me. My
siblings think I’m not that good enough. And friends? They only stick up with
me because I’m rich and popular. I got sick once. Na-hospital ako. Sadly, none
of my so-called “friends” came to visit me. I was in the hospital for 2 weeks.
Kaya nung sinabihan mo ko na hindi lahat ng tao kasi katulad ko na nakukuha ang
lahat ng gusto. Doon ko narealize na I never had what I really wanted. Lahat ng
meron ako ay panakip butas lang para ipakita na masaya ako.”, malungkot na
tugon ni Andre.
Nashock ako sa sinabi ni Andre. I
never thought he felt that way. I mean, he is rich and popular sa school. I
never thought na having a friend would be his problem. Cmon!! Sino ba naman
kasing magaakala?
“I’m sorry. I didn’t know.”,
paghingi ko ng tawad.
“Kaya nga asar na asar ako sayo.
Kapos ka, pero you seem happier than me. Inggit na inggit ako kasi, hindi mo
man nakukuha ang luho mo, pero you have the only thing that I ever wanted – a
friend.”
“Yeah, a friend na hindi ko alam
kung yun pa ba ang tingin sa akin.”, malungkot na tugon ko.
Napatahimik muli kaming dalawa.
Nagmuni muni. Nag-isip.
Naisip ko, Andre isn’t the person I
thought he was. Ano nga ba ang mas nakakalungkot? Ang mag-isa ka totally, o ang
napapalibutan ka ng maraming tao pero ramdam na ramdam mo na nag-iisa ka?
Biglang tumayo si Andre at nag-unat.
“Nagutom ako. Ang hirap mo kaya
hanapin. Libre ka naman! Kain tayo!”, masayang paanyaya ni Andre.
“Hanapin?”, pagtataka ko.
“Yeah, I felt guilty sa mga nangyari
and I can’t stand the idea of what you did kaya hinanap kita. And that’s it. No
more questions. No more why and how. Period. Now let’s eat.”
“Andre naman. Alam mo namang…”
“Oh, don’t worry kumakain ako ng
street food, noh. Ayun! Fishball!”, sabay lakad ni Andre papunta kay manong
fishball. Napangiti na lang ako.
Natawa ako dahil he actually eats
this kind of food. Akala ko kasi mga tulad nya, hindi kumakain sa mga ganto. I
mean, hindi sa mga gantong place. Nang makabili ng pagkain ay muli kaming umupo
sa isa sa mga bench. Napatingin ako kay Andre. Parang takang taka naman sya.
“Oh, bakit? Kumakain ako nito! Huwag
kang manibago dyan. We were ordinary citizen once. Bata pa ako nun. I mean not
really poor, pero we lived in a common house, eat common food once din. Kaya di
bago ang pagkain na to sakin. Masipag lang ang parents ko kaya nagiba ang
direksyon ng buhay namin. Nagkataon lang na naginarte ang mga kapatid ko nung mas
umangat kami sa buhay.”
Natawa lang ako at nakinig. Para
namang nairita sya dahil tahimik lang ako.
“Ano bang problema mo?”, medyo asar
nyang tanong.
“You wanna be friends?”, seryosong
tanong ko.
“Seryoso ka? After lahat ng pagtrato
ko sayo?”, malungkot na tugon nya.
“Oo naman. Kaya nga friend
diba?”,nakangiting tugon ko.
Ngumiti sya. Yung parang ngiti ng
isang bata na nagbukas ng regalo kapag pasko.
“Salamat.”, seryosong sagot ni Andre.
“Sure!”, maligalig kong sagot sabay
kain ng fishball.
“Pero di dahil friends na tayo ay di
na kita aasarin, ha! Makulit kasi talaga ako at mapagbiro. Pero atleast ngayon,
ang kaibahan, alam mong biro lang talaga yun!”, sabay dagdag ni Andre at
pakawala ng isang matunog na tawa.
“Whatever.”, tugon ko sabay tawa
din.
Nang matapos ng makakain ay
tiningnan ko ang cellphone ko. Magaalas dos na ng madaling araw. Nakita ko rin
ang santambak na missed calls at text galing kay Larc. BInasa ko ang mga text.
Puro “asan ka na? Saang hotel ka ng masundo kita bukas.” Medyo nalungkot naman
ako. Kaya muli akong nanahimik.
“Oh, natahimik ka?”, tanong ni Andre.
“Huh. Wala. Pagod lang siguro. Anong
oras na din kasi. Ikaw, umuwi ka na. At malamang pagod ka na rin. At baka
hinahanap ka na sa inyo. Huwag mo na ako alalahanin. Okay na ko. Maghihintay na
lang ako mag-umaga.”
“Huh?! Hindi pa ko pagod.”,
pagdedepensa ni Andre.
“Hindi daw… Eh kanina ka pa hikab ng
hikab dyan!”, pagbibiro ko.
“Oh edi uwi na tayo. You can crash
at my place tonight.”, nakangiting anyaya ni Andre.
“Nako, huwag na! Nakakahiya naman.
Okay lang ako.”, pagtanggi ko.
“I insist. Tara na.”, pagpipilit
nya.
“Ayoko nga.”, pagtanggi ko muli.
“Sige na. Bawi ko na rin sa libre
mo.”
“Huwag mo na isipin yun. Sinamahan
mo naman ako dito, eh. Sige na, uwi na.”
“Eh paano ka dito? Sumama ka na.”
“Ayaw. Huwag na.”
“Bakit ba ayaw mo?”
“Eh kasi baka paglinisin mo lang ako
sa inyo noh. At gawin mo kong ALALAY!”, pang aasar ko sabay tawa ng malakas.
“Aba! Aba! Gumaganti ka ah. Huwag ka
magalala, may tagalinis na kami. Hahahaha! Tara na, sumama ka na.”, pagtawa nya
sabay akbay sakin at pwersahang lakad papunta sa kotse nya.
Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik lang kami ni Andre.
Halatang pagod na ang isa’t isa. Pero habang nagddrive sya ay tumingin ako
sakanya.
“Salamat.”, seryoso kong sambit. Tumingiin lang sya at
ngumiti.
Dahil dis oras na rin ng gabi ay mabilis kaming nakarating sa
bahay nila Andre. Napakalaki nito at halatang pang mayaman. Parang bahay nila
Larc sa probinsya. Gate pa lang ng bahay nila ay sumisigaw na na mayaman ang
nakatira sa loob. Agaw pansin din ang mga kotseng nakaparada. Idagdag mo pa ang
napakagandang garden na may landscape at magarbong swimming pool.
“Wow!”, tangging nasabi ko.
“I know.”, pagmamayabang ni Andre.
Malamang dahil sa pagod ay pagkapasok naming ng bahay at
pagpasok sa kwarto ni Andre ay agad itong nakatulog. Ako naman ay nakahiga lang
at nakahawak sa cellphone ko. Isa isang binuksan ang mga message ni Larc. Pero
hindi ako nagreply pa. Naramdaman ko nanaman ang sakit dahil naimagine ko
annaman ang ichura ni Larc habang inaabot nya sakin ang pera. Gustuhin ko mang
umiyak muli ay wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko. Pagod na ako. I need
to rest. Pinikit ko ang aking mga mata at natulog dala dala ang bigat ng
nararamdaman.
Kahit pa pagod ay maaga akong nagising. Unang pumasok sa isip
ko ay ang almusal ni Larc. Kaya agad agad kong minulat ang aking mga mata upang
bumangon. Pero pagmulat ko ay nakita ko si Andre sa tabi ko. Naalala kong wala
nga pala ako sa bahay ni Larc. Andito nga pala ako kaila Andre.
Pumikit akong muli. Umagang umaga ay nalungkot akong agad
dahil kahit pa sa kabila ng nangyari ay naiisip ko pa rin ang pagluto ng
almusal ni Larc. Alam ko kasi na sa kabila ng nangyari, mahal ko pa din sya
bilang isang kaibigan at higit pa sa isang kaibigan.
Pero is it still worth it? Siya na ang sumuko sakin. And he
did it the worst way one could ever do. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin.
Pumikit muli ako at natulog. Ayoko muna mag-isip. I just want
to rest for now.
“Ryan.. Ryan.. gising ka na ba?”, pag gising sakin ng isang
boses.
“Ano ba Larc! Inaantok pa ko. 5 mins!”, pagsagot ko.
“Huh?! Hoy! Hindi ako si Larc!”, tugonng boses. Pero ramdam
ang inis dito.
Pumikit muli ako. Naramdaman kong tinalikuran ako ng
gumigising sakin.
“Gising na po ang ALALAY.”, sabay kalabit kay Andre.
Nakita kong nakasimangot ng humarap muli sakin si Andre pero
biglang napalitan ng gulat ng makita nya akong nakangiti. Kapansin pansin ang
pamumula ng mukha nya.
“Oh, bat ka namumula?”, pang iinis ko. Naramdaman ko naman
ang biglaang paghampas ng unan sa ulo ko.
“Aray!! Bat mo ko hinampas?!”, pangiinis ko sabay tawa.
“Ako ang nangaasar dito, hindi ikaw!”, sabay tawa na tipong
nangaasar ni Andre.
“Talaga? Eh bat parang ikaw ang naaasar?”, sagot ko naman na
nang iinis din.
“Ewan ko sayo! Tara! Kain na tayo! Mag-aalas tres na po kaya
ng hapon. Kanina pa nga vibrate ng vibrate yang phone mo!”, sambit ni Andre.
Agad akong napatayo at kinuha ang cellphone ko. Nakita ko
annaman ang sangkaterbang miscalls at texts galing kay Larc.
“Asan ka na? Saang hotel ka? Sunduin kita.”
“Asan ka?”
“Please Ryan. Sagutin mo naman ako.”
“Umuwi ka na. Please. Pag-usapan natin to.”, puro halos
ganyan ang mga nilalaman ng text ni Larc.
“I need to go home.”, sambit k okay Andre.
“I know. Pero kumain ka muna. Ihahatid kita.”, tanging sagot
nya.
Nang makatapos kumain ay naligo muna ako at pagtapos ay
hinatid na nga ako ni Andre hanggang sa building ng condo ni Larc. Hindi naman
ako mapakali sa loob ng sasakyan ni Andre dahil sa matinding kaba.
“Just call me or text me kung kailanganin mo ko.”,
pagsisigurado ni Andre bago pa man din ako bumaba ng sasakyan nya.
I didn’t feel like going gome. Hindi ko alam paano haharapin
si Larc. Hindi dahil nahihiya ako sakanya, pero dahil sa sama pa din ng loob na
nararamdaman ko. Nasa harap na ko ng building ng condo ni Larc, but then I took
a turn.. I walked away.
Kung ano anong tumatakbo sa isip ko. Mga scenarios na pwede
mangyari kapag umuwi na ako at harapin sya. I looked at my phone. Mag aala sais
na. May battery pa naman dahil naki charge ako kaila Andre. Buti na lang at may
dala akong charger.
I walked the familiar roads and streets. Nagiisip isip.
Muni-muni. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko kapag nag usap na
kami ni Larc. Masama pa rin ang loob ko. Baka may masabi akong hindi maganda.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko. I know
na si Larc yun. But still, chineck ko. Nagkamali ako. It was a text message
from Andre.
“Hey. Kamusta dyan? Areyou ok?”
“Uy. Di pa ko pumapasok sa loob. I figured na di pa din
malamig ang ulo ko.”
“Huh?! Edi dapat hindi ka muna umuwi. Babalik ako, gusto mo?”
“No. Uuwi din ako maya maya. Gusto ko lang magpahangin muna.
Pero salamat na rin.”
“Ok. Sbi mo eh. Pero text me if anything comes up.”
Hindi na ako nagreply. Usto ko muna i-enjoy ang moment na
mag-isa ako. Naglakad lakad ako. Hanggang sa makaprating sa isang simbahan.
Pumasok ako.
Wala masyadong tao sa loob ng simbahan. Merong mga iilan na
nagdarasal, nakaupo lang. At meron namang tulala lang na nakatingin sa Krus.
Umupo ako sa isa sa mga upuan. Pumikit. Nagdasal.
Ano bang nangyari? Why did it come to this? Paulit ulit na
tanong na sinisigaw ng utak ko. We used to be the perfect tagteam. Us, being
bestfriends. I never asked for too much, gginusto ko lang na ipaglaban ako
bilang kaibigan nya. Pero was that really not too much? Siguro naman hindi.
Hindi ko naman hiniling na ipagsigawan nya ko sa buong mundo na bestfriend nya
ako, pero para maging iba sya sa akin sa harap ng ibang tao? Masakit. At mas
masakit dahil mahal ko sya. At ngayon, dahil sa pagmamahal nay un ay nasasaktan
ako. Matagal na akong nagsasakripisyo. Pero hanggang kelan ako magiging ganto?
Ni sa biro ay hindi ko naisipang sabihin sakanya ang nararamdaman ko. Ok na
yung alam kong mahal ko sya. Pero ngayon, feeling ko, nasa hangganan na ako. Sa
lahat ng naitulong nya, siguro naman, naibalik ko na din yun. Hindi ko
sinusumbat, o tinitimbang, pero panahon na para isipin ko ang sarili ko.
Hindi ko namalayan ang oras. Para na lang akong biglang
nagising sa pagmumuni ko. Nakita ko sa phone ko, lampas alas otso na ng gabi.
Napakarami na ring miscalls at text muli galing kay Larc.
Eto na. It’s time for me to go home.
Naglakad ako pabalik ng building kung nasaan ang condo ni
Larc. Kinakabahan ako, pero mas klaro na ang pagiisip ko. May sagot na rin ako
sa bawat itatanong nya. Hindi ko alam ang magiging outcome ng paguusap namin,
pero I have to make my stand. Ive been playing this game for far too long. Nakakapagod.
Nakakapagod hindi dahil ayoko ng maging kaibigan nya. Hindi rin dahil sa
pagkukunwaring okay lang ako. Nakakapagod kasi… masakit na…
Naglakad ako papasok ng building at sumakay ng elevator.
Parang nag slow motion ang lahat. Parang it was the longest 5 minutes of my
life. Kanina, I felt prepared para harapin sya. Pero ngayon, parang blanko utak
ko. Pero I have to do deal with it sooner or later. So here goes nothing…
Pinihit ko ang door knob ng pintuan. Binuksan ko dahan dahan
ang pintuan ng bahay. Pumasok ako at naghubad ng sapatos. Nilibot ko ang mata
ko sa loob ng unit ni Larc. Nakita ko syang nakaupo sa lamesa sa kusina. Halata
ang pagod at puyat sa mga mata nya. Gusto ko maawa. Pero ayaw ng isip at puso
ko. I was tired myself.
Immediately, ng mapansin nya na akong pumasok. Tumayo sya.
Ayoko tingnan sya. Sinubukan ko huwag sya pansinin. Naglakad lang ako papunta
sa kabilang kwarto. Natigilan lang ako ng magsalita sya. His voice was
cracking.
“Ryan…”
Sabi na nga ba at iba talaga si Andrey ehh..ahahaha nice. Hmmmn Larc, now, nagsisisi ka? kasi ikaw naman kasi ehh..hehehe
ReplyDeleteNext na agad!!!hehe
@justyn: ahahahha!! bes, pagalitan talaga? ahahaha
Deletewhoah! kakabitiiiinn
ReplyDeletewow ha! ang lakas mambitin ni Author! .. xD.. excited na ko sa susunod na mangyayari., heto na ulit ang RYAN<3LARC!!! .... keep up the very good work!!! :D!..
ReplyDeletesana meron na bukas.. Ok lng po sa akin kung busy ka po basta maghihintay lang ako.. :]
(IAN)
GANDA!!! I LURV IT!!!
ReplyDeleteweeee gudluck kang larc jejejeje...
ReplyDeletevinz_uan
ken-chan ipakilala mo yang larc n yan s akin. mababaril ko yan
ReplyDelete-yume