ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Friday, June 1, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 1

            Magandang araw po sa lahat!! Kamusta po kayo? ^_^

            Taso puso ko pong ihinahatid sa inyo ang ikalawang yugto ng "Minahal ni Bestfriend". Kung matatandaan nyo po ay nasabi ko po sa Introduction ang magiging malaking pagbabago sa ikalawang yugto. Sana po ay maibigan nyo pa rin po ito. At ang tanging layunin ko lang po ay makapag inspire at "maka-touch" ng buhay kahit po sa simpleng paraan na ito.

            Hindi na po ako masyado magpapahaba ng remarks. Enjoy na lang po kayo!! ^_^

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED




            Hindi naman ako humihiling ng kahit ano pang higit sa meron ako ngayon. Masaya na ako sa estado ng buhay ko sa ngayon. Mababaw lang naman akong tao. I don’t like to complicate things. Hindi dahil sa takot ako masaktan, kundi dahil ayaw ko lang ng kahit anong makakagulo sa buhay ko. For me, I ‘m living a perfect life, or atleast for me it’s perfect. Or is it really?

            Ako si Ryan, Ryan Pabalan. 16 years old. Nasa 4th year highschool sa isang private school. Actually, di naman kami mayaman kahit pa nasa private school ako. Ginapang lang talaga ako ng aking mga magulang dahil gusto nilang maging maganda ang aking kinabukasan. Hindi ko naman sila binigo dahil laging matataas ang grades ko sa school. Isa nga ako sa mga sumusungkit para sa valedictorian para sa graduation.

            Sa unang tingin ay ordinaryong teenager lang din ako. Moreno, 5’7 ang taas, medyo may hubog ang katawan dahil na rin sa sanay ako sa mga gawaing bahay at mga mabibigat na trabaho. Twing summer vacation kasi nagtratrabaho ako kung saan saan. Nasubukan ko ng maging boy sa tindahan sa palengke, magboy sa talyer at maging delivery boy ng tubig. Sabi ko nga, kapos kami sa pera at ayaw ko namang pahirapan ang aking mga magulang.

            “Ryan! Ang aga mo namang dumating! Dinaig mo pa ko!”, sabi ng bestfriend kong si Larc.

            Hays, sya nga pala si Larc. Ang Captain ng basketball team ng highschool. Matangkad, maputi, maganda ang katawan dahil sa sports, medyo baduy nga lang manamit pero bawing bawi naman ng kagwapuhan at kakisigan nya. Sya ang crush ng bayan dito sa school. Pero ehem! Hindi dahil varsity sya ay dahil dun lang sya sikat. Matalino din sya at aktibo sa iba pang activities sa school. Napaka sociable pang tao. Mr.Popular ng aming school. Maraming nagkakagusto, mapababae man o lalake.

            “Aba! Ikaw kaya ang nagsabi na agahan ko! At tsaka may test mamaya sa Physics! Alam mo namang pag may test tayo ay mas maaga akong pumapasok para makapagreview pa ulit ako bago magsimula ang klase!”, pagsagot ko sakanya.

            “Nako! Wala namang aagaw ng pagiging valedictorian mo noh! Ikaw na!”, pagbibiro nya.

            “Edi pasa ko sayo para ikaw naman! Dami mong alam eh!”, pagbibiro kong sagot.

            “Ikaw talaga! Oh, pano butihing bestfriend ng taon ko, maiwan muna kita at simula na ang training.”, pagpaalam nya sabay gulo sa buhok ko.

            “Papansin talaga noh! Aalis na lang manggugulo pa ng buhok!”, inis kong sabi habang inaayos ang buhok ko. Nakita ko namang nginitian nya lang ako sabay lakad palayo.

            Hays nanaman. Ang mga ngiting yun. Nakita ko nanaman. Wala na! Kumpleto na araw ko. Sa totoo lang, matagal na akong inlove sa bestfriend ko. Though, hindi ko sinasabi at wala din akong balak sabihin. Sabi ko nga kanina, ayaw ko ng kumplikadong buhay. Hindi dahil sa takot akong masaktan kundi ayaw kong magulo ang buhay ko. Kuntento na ako na ako ang bestfriend nya. Ano pa bang hihilingin ko? Mabait sya sa akin, at proud sya na bestfriend nya ako. Pero teka, pangunahan ko na kayo, ha. Inlove ako sa bestfriend ko at opo, lalake sya at lalake ako. Pero di ako feminine na silahis ha. Nagkaroon din ako ng girlfriend noon. Pano ko ba sasabihin? Hhmm.. Ok, ganto. Oo, mahal ko nga si Larc ng higit pa sa isang kaibigan, pero nilinyahan ko na noon pa. Hanggang bestfriend lang kami. Tapos. At pag nagkakagirlfriend naman ako, seryoso din ako sa girlfriend ko. Hindi panakip butas lang para kay Larc. Parang kumbaga, pantasya ko lang si Larc.

            Nakatingin lang ako sa libro ko habang nakikinig sa mga dribble ng bola habang nagppractice sila Larc at ang kanyang team ng basketball. Ewan ko ba, kung ang iba ay gusto ng tahimik pag nagaaral, para sakin, dun ako nakakahanap ng concentration sa pagaaral. Pero siguro, inpirasyon na rin.

            Sa gitna ng pagrereview ko ay bigla namang bumalik sa ala-ala ko ang unang araw na nagkakilala kami ni Larc. Mga bata pa kami noon. Magkaklase kami noon. Grade 1 pa lang kaming parehas. Patpatin at lampa sya noon kaya tampuhan sya ng asar at kantyaw noon. Lagi yang hindi isinasali sa mga larong luksong baka, tamaang tao at mataya taya dahil tingin sakanya ay lampa nga. Pero ako naman ang lageng pumipilit na isali sya.


Grade 1
            “Huwag na yan isali si Larc! Lampa lampa naman yan! Matatalo lang tayo pag sinali pa natin yan!”, sabi ng kalaro naming si Dexter minsang naglalaro kami tuwing break namin sa school. Ibang section si Dexter pero madalas namin ito kalaro pag break. Nakita ko naman si Larc na biglang nalungkot kaya lumapit ako.

            “Sige Dexter, sa team na lang namin sya.”, sambit ko.

            “Bahala ka. Matatalo lang namin kayo.”, pagpapaalala ni Dexter.

            “Okay lang yun. Kaya ni Larc yan! Diba, Larc?”, ngiti kong sabi kay Larc. Biglaan namang nawala ang lungkot sa mukha nya.

            Aaminin ko. Talagang lampa talaga noon si Larc. At lagi kaming talo sa twing isinasali namin sya sa team namin sa kahit anong laro. Pero dahil kaibigan ko sya ay di ko sya basta maiwan.


Hanggang sa naging close na nga kaming dalawa. Buong elementary kami ay lage syang inaasar asar at nilalayuan. Pero nung naghigh school na kami  ay sinubukan nyang pumasok sa basketball team. Nung una ay pinagtatawanan sya dahil ang payat nya pa noon at mukha pang hikain. Pero sinuportahan ko sya kaya naman hindi sya nawalan ng loob.

Highschool 1st Year


            “Bes, magttry out ako sa basketball team.”, nahihiyang sabi ni Larc sa akin minsang kumakain kami habang break.

            “Oh! Edi ayos! Eh bat parang malungkot ka?”

            “Kasi baka pagtawanan nanaman ako katulad nung elementary lang tayo. Baka kahit man lang sa try out ay di ako makuha.”

            “Ano ka ba! Huwag mo nga isipin yan! Kaya nga kita laging sinasali sa team namin noon kasi malakas ang bilib ko sayo! Ikaw lang naman tong walang bilib sa sarili mo, eh! Kaya mo yan!:, ngiti kong sabi.

            “Eh pano kung pagtawanan nanaman din ako? Paano pag di ko naman pala talaga kaya at pinipilit ko lang? Paano kung-“

            “Eh paano kaya kung subukan mo muna?! Ang dami mong dada eh! Kaya mo yan! Sasamahan kita sa try out mo para pag nanghihina loob mo, ako magpapalakas ng loob mo!”

            “Sige. Gagalingan ko para sayo.”

            “Huwag. Dapat para sa sarili mo.”

            Dumating ang araw ng try out at nanonood nga ako. Marami talagang magagaling kesa sakanya. At ang iba ay pinagtatawanan sya kapag nakatalikod ito. At sa twing nakikita nyang tinatawanan sya ay sumisimangot sya. Tanda na pinanghihinaan sya ng loob. Pero lage akong sumisigaw na kaya mo yan! Larc, kaya mo yan! At bahagyang ngingiti ito. Hanggang sa natapos ang try out at kinausap na sila ni coach. Nakita kong tumungo lang sya, hindi ata nakuha. Hanggang sa natapos ang tryout ay hindi sya tumitingin sakin.

            Nalungkot ako dahil alam kong hindi sya nakuha. Lalo ko pang nakumpirma ng lumapit sya sa akin na nakayuko at biglang tingin at sumenyas na hindi sya nakuha.

            Ngunit habang nagaayos na kami ng gamit nya..

            “Mr. Larc Casanova. You may not be the best player we had today. Pero sayo ko nakita ang determinsayon na gusto mo talaga sumali. I was hesitant at first pero I think pagbibigyan kita. Pero kung gusto mo talaga sumali sa team ay kailangan mong mag ensayo ng maige. See you next week.”, matigas ng sabi ng coach. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Larc.

            Nakita ko naman ang biglaang tingin sakin ni Larc at pakawala ng isang malaking ngiti. He was really happy.

Simula noon ay nagkaroon na ng bilib sa sarili si Larc at talaga namang pinagigihan nya ang pagensayo. Uminom sya ng vitamins para pampalakas ng katawan at pinagbutihan nya ang pagttraining nya. At syempre, napakasaya ko para sakanya.

At ngayon, sino bang mag aakala na ang dating lampayatot ay ang captain na ng basketball team namin. At ang dating inaasar asar ay ngayong tinitilian at hinahangaan ng karamihan. Pero ang pinakamasayang part nun ay hindi sya nagbago sakin at proud syang bestfriend nya ako.

            Pagtapos ng training nila ay nag agahan muna kami ni Larc sa canteen ng school namin at sabay na pumasok sa klase namin. Magkahiwalay kami ng section since sa Varsity section sya.

            “Good Morning Ryan! Kinakabahan ako sa test natin ngayon.”, biglaan bati ng kaibigan kong si Karen na sya namang kinagulat ko. Close din ako kay Karen dahil isa sya sa mga naging unang kaibigan namin ni Larc nung 1st year high school pa lang kami. Medyo weird sya dahil minsan para syang may sayad magsalita. Sya rin ang binansagang “Sisa”

            “Huwag ka mag alala. Mas kinakabahan ako dahil ikaw agad ang nakita ko. Pambihira to. Makapang gulat lang.”

            “Ito naman. Sorry naman.”

            “Okay class. Before we start our class,  ibibgay ko sa inyo ang permit para sa retreat natin bago magtapos ang taon. Since graduating na kayo. Magiging magandang experience ito pa ra sa inyong lahat.”, sabi ng teacher namin sabay abot ng mga papel sa amin. Nang mabasa ko ang sulat para sa parents ay medyo nalungkot naman ako ng bahagya.

            “Wow! Overnight ang retreat natin! Naku! Exciting to!”, excited na sabi ni Sisa.

            “Oo nga eh.”, tugon ko na may tipid na ngiti.

            “Oh, eh bat parang malungkot ka?”

            “Huh? Hindi ah. Inaantok lang. Maaga kasi akong nagising.”





            “Bes! Oh, kamusta ang test? Malamang sisiw nanaman sayo! Sabihin mo naman kung ano itetest.”, sabi ni Larc habang kumakain kami ng lunch.

            “Ok lang naman. Madali lang naman. Multiple choice lang naman eh. Kaya mo yun.”

            “Ahh. Teka, bat parang malungkot ka? May problema ba? At teka, may retreat pala tayo. Nako, mukhang masaya yun! Huling outing kasama ng tropa.”

            “Hindi ako sasama eh…”

            “Huh? Bakit?! Sayang naman! Last bonding na to kasama tayong lahat. Sama ka na.”

            “Ano ka ba? Eh parehas naman tayo ng papasukan sa college. Kaya ok lang yun. Isang outing lang naman yun eh.”

            “Kahit na, noh! Sumama ka na.”

            “Huwag na. Kumuha ka na lang ng maraming pictures para makita ko.”

            “Ano bang problema? Bat ayaw mo sumama?”, paguusisang tanong ni Larc.

            “Larc, alam mo naman, diba. Retreat. Overnight. Sa malayo.”

            “Oo, alam ko. Nagbabasa ako ng letter noh. Marunong ako magbasa.”

“Wala. Basta. Enjoy enjoy na lang.

“Edi di  na din ako sasama!”, aroganteng sagot ni Larc.

“Sira! Sumama ka! Pano ko makikita yung mga pictures kung di ka sasama! Sayang naman! Sigurado magiging masaya yun.”

“Eh masaya naman pala eh! Eh bat di ka pa kasi sumama?!”, pagkukumbinsi ni Larc.

Natahimik lang ako at di sumagot. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at di sumagot. Nakita ko naman sya na tumigil sa pagkain at tumitig lang sakin. As in titig. Lagi nya yang ginagawa sa twing alam nyang may sinisikreto ako at di sinasabi. Sinubukan kong di pansinin pero nakatitig lang talaga sya.

“Tumigil ka nga. Para kang baliw dyan.”

Pero nakatitig lang sya.

“Wala nga.”

Pero nakatitig pa rin sya.

“Larc, wala nga.”

Pero tumitig lang sya at hindi gumagalaw o kumibo.

“Ok! Suko na ko! Gusto ko sumama pero hindi pwede! Ok! Masaya ka na?!”

Pero hindi pa rin nya inalis ang pagtitig. Nakakainis pagmasdan dahil nakatitig lang talaga sya na walang expresyon sa mukha.

“Larc, alam mo naman na pag ganyan. May bayad. Ayaw ko namang bigyan ng problema sila Mama kung saan nanaman kukuha ng pambayad dyan!”

“Ayun! Yun lang pala problema mo, eh. Edi ako nalang magbab-“

“Larc tumigil ka. Masyado ka na maraming natulong sakin.”

Pero bigla nanaman syang bumalik sa pagkakatitig sakin.

“Larc Garcia Casanova, tumigil ka! Hindi.”

Wala pa rin syang sagot at nakatitig lang.

“No!”

No reaction.

“NO!!!”

Wala pa ring imik.

“Bahala ka nga.”

Nakatitig pa rin.

“Okay, pero babayaran kita sa summer. Pag nag summer job na ulit ako.”

“YES!!! Edi sumama ka din!”

“Ang kulit mo din kasi, noh?! Basta babayaran kita sa summer.”

“Bleh. Alam mo namang di ko din tatanggapin yun,, noh!”

“Ewan ko sayo. Ang kulit mo!”

“Ito naman. Edi wag! Bahala ka nga dyan!”

“Oh, bat ka galit?”

“Wala.”, sarkastiko nyang sagot.

“Oo na. Sige na. Sasama na nga, diba. Wag ka na magalit dyan.”

Pero di nya ko pinansin. Hmmmmm.. Makulit ka, ha. Kaya bumawi naman ako. Ako naman ang tumitig sakanya na may blangkong mukha.

“Hindi tatalab yan sakin.”

Tumitig lang ako.

“Manigas ka dyan.”

Hindi ako natinag.

“Kung ayaw mo sumama, edi wag.”

Pero tumitig pa rin ako.

“You’re creeping me out.”

No reaction. Pero sa loob loob ko gusto ko na matawa. FOCUS!

“Fine! Ikaw naman kasi. Gusto ka lang makasama eh!”, galit na sabi nya. Ngumiti naman ako ng pagkalaki laki. Nakita ko naman sya na bahagyang sumimangot.

“Oh, bat ikaw naman ang malungkot ngayon? Nanalo ka na nga diba? Sasama na ako.”, alala kong sabi.

“Gusto ko lang naman makasama ka kasi, eh. Syempre bestfriend kita. At simula bata palang tayo kasama na kita. Ayoko lang mamis ang isang mahalagang event sa buhay natin na di ka kasama. Ayoko magpicture lang at ipakita sayo. Gusto ko kasama kita sa mga pictures nay un.”, seryoso nyang sabi. Napangiti lang naman ako.

“So kailangan nagdadrama? Sasama na nga, diba?”

“Seryoso ako.”

“Alam ko.”, ngiti kong sabi. Napangiti lang din sya.

“Alam nyo, kung di ko lang kayo kaibigan, talagang iisipin kong hindi lang kayo magbestfriend eh! Para kayong mag jowa kung titingnan mo sa malayo eh!”, sabay singit ni Sisa.

“At alam mo, kung di ka sana epal, naging kami na. Ang dami mong alam eh. Umupo ka na nga at kumain. Daldal nitong babaeng to!”, pagbibiro kong sagot.

“Ay ang taray! Hindi pa magjowa, buntis ka na agad?”, birong tugon ni Sisa.

“Hindi. Pero rereglahin ako sayo. Kumain ka na lang.”, pagbibiro ko.

“Ano ka ba Karen! Alam mo namang bestfriend ko na tong si Ryan simula bata palang kami. Para na nga kaming tunay na magkapatid nyan eh. Kaya sweet talaga kami sa isat isa.”, singit bigla ni Larc.

“Oo nga. We just have each other’s back.”

“Ay?! Ang daming sinabi?! Defensive… Talaga lang, ha.! Hindi alam ang biro? Kaloka.”, sabay tawanan naming tatlo. Pagtapos naming kumain tatlo ay nauna muna umalis si Larc at naiwan kami ni Sisa sa lamesa.

“Nako friend, wala ka lang sa friend zone, kapatid pa ang tingin sayo. Kaloka.”, biglang sambit ni Sisa.

“Ano ka ba. Eh bestfriend ko naman talaga sya at kapatid lang talaga din ang turing ko sakanya.”, pagdedepensa ko.

“Nako friend, malilinlang nyo lahat ng tao dito sa school pwera ako. Hindi kita super power bestfriend simula bata, pero since 1st year tayo, kilala na kita at alam kong inlababo ka dyan kay Larc, noh.”, natahimik lang ako. Actually alam naman nya at nasabi ko na din. Kaso lagi kong sinasabi sakanya na hindi pwede dahil bestfriend ko sya at ayaw ko ng masira yun dahil sa pangsarili kong kagustuhan lang.

“Sisa, bestfriend ko sya…”, medyo malungkot kong sabi. Tiningnan nya lang ako sabay bigay ng tipid na ngiti.

“Alam ko. Pero don’t you think it’s about time para sabihin mo na sakanya yang nararamdaman mo? In a way, nagiging unfair ka kaya. Syempre hindi lang bestfriend ang tingin mo sakanya ng di nya alam.”, sagot ni SIsa.

“Wala naman siguro masama sa ginagawa ko. Ayaw ko lang maging selfish. Ayaw ko ipagpalit ang pagkakaibigan naming para sa sarili kong pangkaligayahan.”

“Eh pano. What if lang ha. Paano pala if he feels the same way for you? At naghihintayan lang pala kayo?”

“Larc? Kilala mo naman sya. He’s cool with gay friends pero hindi sya ganun. Napakababaero pa nun.”

“Nakoooooo. Hindi na yan ang batayan ng pagkalalake ngayon, noh.”





“San k na? Lapit na matapos training.”, ang natanggap kong text habang naghihintay kay Larc. Sabay kasi kaming umuuwi kaya pag may training sya ay tumatambay muna ako kasama ng iba kong mga kaibigan sa malapit na internet shop na isa ding café shop.

“Dito ako sa may shop kasama sila Alex.”, reply ko.

“Sila nanaman kasama mo?”

“Oo. Andito lang kami shop. Wala magawa eh.”

“Ok. Ill be there in 15 mins.”

Si Alex, mas matanda sya ng isang taon sa akin dahil late syang nag aral. Hindi naman talaga mahina sa school si Alex, medyo may reputasyon lang to sa school na medyo maloko. Kaya karamihan ay tingin sakanya ay bad influence. Pero ang totoo, kahit astigin ang dating nya, ay napakasensitive nito at maalahanin. Natatakpan lang ng bad boy image nya.

“Oh, nagtext na sundo mo?”, sabay sulpot ng isang boses. Si Alex.

“Maka-sundo naman to. Si Larc yun.”, tugon ko.

“Edi sundo mo nga. Ewan ko ba dyan sa besttfriend mo, bat ba ang init ng dugo sakin.”

“Ikaw talaga. Hindi naman.”

“Anong hindi? Eh allergic nga ata sakin yun.”

“Akala mo lang yun. Mabait naman yun, topakin lang minsan yung bestfriend kong yun.”

“Oo, di tulad mo. Ang bait bait mo. Kahit sa lokong tulad ko.”

“Ayan tayo dre eh! Nagdrama tayo eh! Hahaha!”

“Totoo naman,eh! Ikaw lang nagtyagang kilalalanin ako. Akala nila astig astig ako at bad influence. Alm mo-“

“Oh, tama na ang drama. Hayaan mo na lang sila. Wlaa namang maitutulong sayo yung mga ganun”, ngiting tugon ko.

Maya maya ay dumating na din si Larc.

“Dre, andyan na si Larc.”, pagtawag sakin ni Alex.

“Uy bes. Andyan ka na pala.”, ngiting sabi k okay Larc.

“Dre, kamusta?”, pagbati ni Alex kay Larc. Pero tinitigan lang ni Larc si Alex.

“Ah, sige mauna na kami, ha. Kita kita na lang ulit bukas!”, masaya kong tugon.

At nagpaalam na nga ako kaila Alex at sa ibang tropa. Halata naman ang pagkainis at wala sa mood ni Larc abang nasa daan kami pauwi.

“Mukhang nawiwili ka kasama sila Alex, ha.”, biglang sambit ni Larc.

“Wala namang masama, diba?”

“Ryan, alam mo ang reputasyon ng taong yun. Mamaya mahawa ka pa sa pagkaloko nun.”
“Larc, hindi naman talaga ganun si Alex. Mabait naman yung tao, bakit ba ang init ng dugo mo sakanya? Wala namang ginagawa sayo yung tao, ah.”

“Sayo, mabait. Pero sa iba? Alam mo namang bully sa school yan si Alex! Ang hilig nyang pagtripan yung mga mahihina sa school.”

“Pinagtritripan? Larc, kaibigan naman nya yung mga yun at biruan lang yun. Kung talagang ayaw nung mga taong yun ang ginagawa nya, edi sana nilayuan na sya nung mga yun, diba?”

“Kaibigan ba ang tawag sa ganun? Pagtritripan mo sa harap ng maraming tao? Paano kung ikaw ang pagtripan naman nun?”

“Teka, ano ba talagang problema mo? Inaaway mo ba ko?”

“Hindi. Basta layuan mo yung taong yun!”, galit nyang sabi. Bigla naman akong tumigil sa paglalakad.

“No.”, matigas kong sabi.

“Anong no?!”, galit na tugon nya.

“I said no! Hindi ako iiwas sa isang tao ng dahil lang sa mga sinasabi sakanya ng ibang tao.”

“At ano gusto mo? Sabihin nila na ganun ka din? Baka nakakalimutan mo ang kasabihan na ‘Tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are.”

“Oo, alam ko. Pero having friends like him doesn’t really define who I am.At bakit mo ba ako inaaway?”

“Don’t you get it?! I hate bullies! I’ve been bullied all my life at alam mo yan! Kaya ayoko sa mga taong tulad nya.”

“Kaya kailangan ayaw ko na rin sa mga taong tulad nya? You were once weak pero you managed to be strong. What if deep inside pala eh weak din sya? And just needs to be understood?”

“So ngayon pinagtatanggol mo pa sya? What if ikaw ang pagtripan nya? What if hindi pala sya tulad ng inaakala mo?!”, galit nyang sabi.

“Eh what if kaibiganin mo kaya muna sya?”

“NO! Mamili ka, friendship natin?! O sya?!!”, galit na sabi nya.

“Bat kailangan ko mamimili? Bestfriend kita, kaibigan ko sya.”

“Kaya nga. Bestfriend mo ko kaya making ka sakin!”, pagsigaw nya. Natigilan ako bigla.

“Oo. At bestfriend mo din ako. Kaya sana pakinggan mo din ako.”, sabay lihis ng daan. Ayoko ng argument pa. Ayoko ng mas kumplikaduin ang mga bagay bagay. Galit sya at mainit na ang ulo ko. Ayaw kong may masabi na hindi maganda dahil galit ako. Pero humabol sya at hinablot ako sa balikat.

“Teka lang.”, mahinahon nyang sabi.

“Ano?!”, galit kong sabi. Tumahimik sya at nagpakawala ng malalim na hininga.

“Ayoko lang isang araw, sa sobrang wili mo sakanila, malayo ka sakin.”

Itutuloy...

3 comments: