ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, June 26, 2012

Kulimlim



Nakita kita sa isang sulok habang nag-iisip ng malalim at napapabuntong hininga. Nilapitan kita. "Okay ka lang?" tanong ko na sa pag-aalala kung ano ang gumugulo sa isipan mo. Tiningnan mo lang ako ng blangko ang ekspresyon ng iyong mukha. Di ko makuha ang ibig mong sabihin. Hinayaan na lang kita. Hindi lang mo alam pero hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon. Alam kong mahirap at masakit ang dinadala mo pero doble nito ang katumbas habang nakikita kitang nagkakaganyan at wala akong magawa.


Alam kong meron. Alam kong may ibig sabihin. Alam ko sa bawat kilos mo ay may dinadala ka. Pero wala ako sa posisyon upang alamin iyon. "Sino nga ba ako sayo?" tanong ko sa sarili. Alam mong may gusto ako sa'yo ngunit binabalewala mo lang. Hindi ko mahagilap ang mga kasagutan habang ikaw ay hindi umiimik at walang pakialam. Masakit man, hinayaan ko na lang. Sino nga ba ako?


Umupo ka sa tabi ko. Walang imikan ang naganap. Kinakapa ang isa't isa. Humuhugot ng kataga mula sa malalim mong paghinga. "It's not you. It's me. Sorry." sabi mo sa akin na hindi tumitingin sa aking mga mata. Nakayuko at bumuntong hininga.


Masakit marinig na hindi pwede. Na may iba. Pero wala namang naging "tayo" para magkaganito ako. Pinilit ko ang sariling kumalma. "Okay lang yun ano ka ba."sabi ko sa'yo ng may ngiti ngunit malungkot ang mga mata. Tiningnan mo lang ako na para bang nagsasabing "Sana nga okay ka lang, basta nandito lang ako lagi para sa iyo."


Bumalik na ako sa aking upuan at nagbukas ulit ng bote ng beer. Tinagayan ko ang aking sarili. Hinintay ko munang mawala ang bula ng beer sa baso bago ko ito inumin. Gumuguhit sa aking lalamunan ang pait na lasa ng alak ngunit hindi nito natumbasan ang pait na dinadala ng aking puso. Huminga ulit ako ng malalim pagkatapos kong inumin ang nasa baso at sinalinan ulit ito ng alak. Tinungga ko na agad ito at hindi na hinintay ang pagkawala ng bula sa baso. Nag-iinit na ang katawan ko. Tinatamaan na ako.


Nakita kitang pumili ng numero sa song book at nagsimulang kumanta. Napatitig ako sa 'yo, ganon din ikaw. Bigla mong nilihis ang iyong mga mata at tinutok ito sa screen ng iyong kinakanta. Nagpatuloy ka sa pag-awit nang napakaganda. Hindi ko alam kung para sa akin ang kantang iyon o sadyang natamaan lang talaga ako sa bawat liriko noon.


Natapos ka nang kumanta ngunit hindi pa rin natapos ang pait na dulot ng disisyon na ginawa mo kanina. Pilit kong sinasabi sa sarili na okay lang ang lahat ngunit mahirap. Mahirap magtago ng tunay na nararamdaman. Mahirap magpaalipin sa pag-ibig na walang kasiguraduhan.


"Life must go on." pilit na isinisiksik ko sa aking isipan. Lahat ng iyan ay pagsubok lamang sa isang nagmamahalan o mas tamang sabihing nagmamahal ng walang kasiguraduhan.


Inubos ko na ang natira pang alak. Nagpakalasing. Umaasang sa pagkalasing ko'y malimutan ang nararamdaman. Umaasang mabawasan ang kulimlim sa aking kalooban.




-Wakas-

No comments:

Post a Comment