ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, June 24, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 6



Kamusta po sa lahat? ^_^

Una, pasensya na po sa lahat kung ang tagal ng post nanaman. Dapat sana ay ipopost ko ito nung isang araw pa kaso naman po ay ako po ay nilagnat. Kaya pagpasensyahan nyo na pong muli.. :)

Pangalawa, gusto ko lang din po i-promoteang story ng isang kapwa manunulat at kaibigan na si Heaven at ang kanyang akda na "First Time: Jake". Read nyo po ha :)

Pangatlo, Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,el Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

Ayan, di ko na patatagalin ha.. Salamat po ulit sa mga tumatangkilik nito :)) Isang malaking kiss!! MMWWAAHH!! :)

COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.




"Ha..?", pupungas pungas kong sagot.

            “Anong ha?! Sabi ko , anong ginagawa mo dyan sa kabilang kwarto?”, medyo inis na tanong ni Larc.

            “Ah. Yun ba. Wala. Nilipat ko lang yung mga gamit ko dito sa kabila.”, simpleng tugon ko.

            “Obviously. Kaya nga nagulat ako at tinext ka kung nasaan ka dahil wala ka sa kwarto pero sabi mo na nasa bahay ka. Bat ka lumipat? Ayaw mo na ba ko kasama sa kwarto?”, pagaaalalang tanong ni Larc.

            “Paranoid?”, pagbibiro ko.

            “Ano nga?!”, inis na tanong nya.

            “Wala lang. Kasi gusto ko mag advance reading. Eh di ka kasi makatulog pag may ilaw. Eh alam mo naman ako pag nagigising sa madaling araw, hirap ng makatulog kaya nagbabasa na lang. Eh baka magising ka pag binuksan ko yung ilaw.”, pagsisinungaling ko.

            Ito yung Phase 2 na sinasabi ko. Bigger Gap. Mas malaking awang at distansya para sa amin ni Larc. Masakit at mahirap sakin. Pero kailangan eh. Ito din naman kasi ang pinili nya para sa amin. And yeah, don’t bother asking me how it feels like. Im pretty sure you have an idea. At isa pa, oras na naman na isipin ko ang sarili ko kahit papano. Hindi na biro ang mga pinagdadaanan ko.

            “Hindi mo naman kailangan lumipat pa ng room. Tsaka kakatapos lang ng finals natin. And okay lang naman sakin kahit magbukas ka ng ilaw in the middle of the night.”, pagsagot ni Larc.

            “Nako, ikaw pa ba. Bugnutin ka pa naman pag nasira ang tulog mo. Wag ka mag alala. Babalik naman ako.”, pagsisinungaling ko.

            “Talaga? Sabi mo yan ah!”, paninigurado ni Larc.

            “Opo.”, simpleng tugon ko.

            “Oh sige. Ay! Bumili pala ako ng pizza. Hehehe. Tara kain tayo.”, masayang anyaya ni Larc.

            Ito nanaman. Ang isa sa mga pinaka masasakit na sandali ng buhay ko ngayon. Yung tipong magkukunwari na okay lang ang lahat kahit alam naming pareha na hindi naman talaga. Alam kong alam nya yun. Dahil ako, alam at ramdam ko talaga.

            “Sure!”, pagkukunwari kong masaya.

            Nagkwentuhan at tawanan kami ni Larc. Yung tipong parang bumalik kami sa sitwasyon naming noon. Masaya. Sweet. Makulit. Totoo.

            Sa pagkwekwentuhan namin ay may mga pagkakataong nahuhuli ako ni Larc na tulala, and he would ask me what’s wrong. Tatawa naman ako bigla at sasabihin ko na may naalala lang ako sabay bigay ng kunwaring biglang naaalala ko just to brush off the awkward feeling.

            “Alam mo, parang di na ganoon kasarap tong pizza na to.”, biglang sabi ni Larc.

            “Oh, bakit naman? Masarap pa rin naman, ah.”, takang tanong ko.

            “Ah,eh, ewan. Siguro kasi nasanay na ko sa lasa ng luto mo. Ang layo ng lasa nito sa sarap ng luto mo.”
            “Nyaaaaa!! Bolero! Hahahaha!”, pagtawa ko sa sinabi nya. Biglaan naman syang tumawa din ng malakas at sabay kaming nagtawanan.

            “Totoo kaya!”, paninigurado nya pa. Tumawa ako ulit.

            “Last mo na yan. Pekyu ka.”, pagbibiro ko. Sinabi ko ng walang expresyon sa mukha. Mas lalo naman syang tumawa.

            Napatingin ako sa orasan, mag aalas otcho ng gabi. Halos maubos na rin naming ang pizza na binili ni Larc at ang juice na tinimpla ko. Biglang tumahimik si Larc at nakatingin lang sa baso nya. Ako naman ay nakatitig lang sa pader. Tahimik. Walang kumikibo. Awkward.

            “Tumahimik ka?”, biglang tanong ni Larc.

            “Huh? Ikaw din, eh.”, sagot ko.

            Awkward.

            Biglaan namang tumawa si Larc at sinabi nyang may naalala daw sya noong nasa probinsya pa kami. Nakisakay naman ako at tumawa upang mawala ulit ang pagka awkward ng sitwasyon.

            Sa gitna ng pagbibiruan namin ay biglang may nagtext kay Larc. Pagbasa naman nya ay biglang nag-iba ang aura nito. Parang bigla ito naging balisa.

            “Ok ka lang ba?”, pagtatanong ko.

            “Yeah. Of course. Why wouldn’t I?”, medyo sarkastikong sagot ni Larc.

            “O-K.”, tugon ko.

            For the next 30 minutes ay hindi na masyadong nagsalita si Larc. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi. Bigla na lang itong tumayo at nagpaalam na maliligo muna. Um-oo lang ako sakanya. Pero I know something is wrong. I can smell it in the air.

            Habang naliligo si Larc ay pumasok ako sa kwarto nya. Nakita ko ang cellphone nya sa kama. Ayaw ko sana pakialaman pero I need to know kung bakit biglang nagbago ang mood nya. I didn’t need to scroll much dahil pag pindot ko sa screen ng phone nya ay nakita ko ang message na nakapagbago ng mood nya.

            “Punta ang tropa dyan sa inyo. We’re on our way. See you in an hour.”

            Napabuntong hininga ako.

            “Kaya pala.”, nasabi ko sa sarili ko.

            Lumabas ako ng kwarto at niligpit ang pinagkainan namin. Inayos ko na rin ang iba pang kalat at nagwalis walis. Pagkatapos ay umupo ako sa sofa. Maya maya ay lumabas naman si Larc at halata pa din sa mukha nito ang pagkabilasa.

            “Are you sure na ok ka?”, pagtatanong ko.

            “Oo naman. Bakit naman hindi?”, medyo inis nyang sagot. Sabay balik sa postura nyang bilasa at tila nagiisip.

            “Ah.. Ryan..”, nahihiya nyang sabi.

            “Yes?”, kaba kong sagot.

            “Ahm.. Ano kasi..”, kaba kaba ding sagot ni Larc.

            “Ano ba yun at parang di ka matae dyan?”, pagbibiro ko.

            “May favor sana ako sayo eh.. pwede bang…”, hindi na natuloy pa ni Larc ang sasabihin dahil may kumatok na sa pintuan kasabay ng sunod sunod na doorbell.

            “Ay! May tao!”, casual na sabi ko. Kitang kita ko naman sa mukha ni Larc ang pagkalito at parang di malaman ang gagawin. Agad ko namang binuksan ang pinto.

            “Ikaw?!”, halatang gulat na reaksyon ng mga kaibigan ni Larc. Nakita ko naman si Larc na halos mamula. Nakita kong kasama din nila si Andre.

            “Pasok kayo.”, simpleng tugon ko.

            Habang papasok naman ang tropa ni Larc ay nagkakantyawan at umuubo ubo pa kunwari ang mga ito. Pero basang basa naman ang mga ibig sabihin ng mga kunwaring ubo na yun.

            “Anong ginagawa mo dito? Dito ka ba nakatira?”, sarkastikong biro ni Brian.

            Napatingin ang lahat kay Larc. Maski ako ay tumingin kay Larc. Naghihintay sa isasagot nya. Si Larc naman ay parang naparalisa sa kinatatayuan nya.

            Nagbigay ako ng isang malaking buntong hininga.

            “Martyr”, nasabi ko sa loob loob ko.

            Tumawa ako bigla ng malakas.

            “Nako, hindi noh! Ako? Dito nakatira? Naglilinis ako dito. Alam mo na, extrang kita. Pulubi eh.”, nakangiti kong sagot. Halata namang gulat si Larc sa sinabi ko. Nakita ko naman si Andre lang ang hindi tumatawa. Parang may malalim itong iniisip.

            “Eh kasi, tinext ako ni Larc kung pwede ba daw ako dumaan dito dahil dadating nga kayo. Kung pwede ba daw ako magluto ng hapunan dahil nakakahiya naman daw sa bisita nya.”, dagdag ko pa. Sabay lakad papunta sa kusina. Sinadya kong tingnan ang mukha ni Larc habang naglalakad ako papuntang kusina. Halata sa mukha nya ang pagtataka.

            “Larc, okay lang ba kahit ano na lang lutuin ko? Uuwi pa kasi ako at magaaral.”, pagtatanong ko kay Larc. Hindi naman ito sumagot agad.

            “Ha?”, parang wala sa sariling sagot ni Larc.

            “Okay lang ba na kahit ano na lang lutuin ko, kasi uuwi pa ko at mag-aaral?”, dinahandahan kong tanong kay Larc.

            “Ah.. Oo, sige.”, wala pa rin sa sariling sagot ni Larc.

            Habang nagluluto ako ay nagkukulitan naman ang barkada ni Larc. Minsan ay sinusulyap ko sila at tumitingin kay Larc. Halata ang pagkabalisa nito. Minsan din ay nagkakasabay kami ng tinginan. Ngunit ngini-ngitian ko lamang sya sa mga pagkakataong ganun.

            Aaminin ko. This is by far, the worst feeling I ever had. Ito na ata ang pinakamalking kagaguhan, kamartyran, at katangahang ginawa ko sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan namin ni Larc. Pero I tried to be strong. Hindi ko pwedeng ipakita na nasasaktan ako. Hindi pa. Baka mabulilyaso si Larc.

            Pagtapos kong makapagluto ay tinawag ko na ang tropa ni Larc at pinakain.

            “Hmmm.. Not bad.”, sabi ng mga kaibigan ni Larc.

            “No, pare. This thing is actually good!”, dagdag ni Brian. Sabay subo muli ng pagkain.

            “Salamat.”, simpleng tugon ko.

            “So you actually cook? San ka nag aral?”, tanong ng isang tropa ni Larc, si Kulas.

            “Aral? Wala noh. Sa bahay lang.”, sagot ko.

            “Impressive.”, sagot ni Gino.

            “Wala naman kasi kaming pera para mag aral ako magluto. Kaya tinuruan ko sarili ko. Tsaka ako talaga taga luto samin.”, dagdag ko.

            “Aren’t you gonna join us?”, tanong ni Andre. Nagulat naman ako dahil medyo polite ang pagkatanong nito.

            “Nako, hindi noh. Help lang ako. Siguro naman, hindi nyo sinasabay ang kasambahay o ang alalay nyo sa pagkain, diba?”, sarkastiko kong sagot kay Andre.

            “Wag mo kong artihan ngayon, Andre. Wala ako sa mood.”, sabi ko sa loob loob ko.

            Nakita kong nakatingin sakin si Larc na may nangungusap na mata. I tried to avoid making eye contact dahil baka mag break down ako at mabuko ang pagpapanggap namin.

            “Magbabaon na lang ako ng kaunti para kainin mamaya sa bahay.”, dagdag ko. Sabay bigay ng ngiti.
            Pagtapos makakain ay niligpit ko ang mga pinagkainin ng lahat at hinugusan. Pero habang nagliligpit ay di ko maiwasang hindi maawa sa sarili. Pakiramdam ko ay help lang talaga ako sa gabing yun.

            Nang matapos ako makapaghugas ay kinuha ko ay pumasok ako sa pinaglipatan kong kwarto at inayos ang mga gamit ko. Nilagay ko sa isang karton lahat ng mga gamit ko at nilagay sa ilalim ng kama. Habang ginagawa ko naman ito ay di maiwasang hindi pumatak ng mga luha ko. Gusto ko ng umiyak ng tuloy tuloy pero pinigilan ko muna ito.

            Nang makapagligpit ay kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto.

            “Ah, excuse me.”, pagtawag pansin ko sa mga kaibigan ni Larc. Nagtinginan naman ang lahat sa akin.

            “May kailangan pa ba kayo? Late na rin kasi, kailangan ko ng umuwi. Tsaka baka nakakadistorbo na ako sa inyo. Kung wala na kayong kailangan, mauuna na sana ako.”, magalang na tanong ko sa mga kaibigan ni Larc.

            “It’s all good. Thanks.”, sagot ng mga kaibigan ni Larc.

            “Ok. Ikaw Larc, do you need anything else?”, tiningnan ko sya mata sa mata. I tried to memorize his face. Yung exact moment, exact reaction nya. Halatang malungkot ang mga mata nya at parang may gusto sabihin na hindi nya masabi sabi. And he also seemed confused.

            I was waiting na sana may sabihin sya. Na pigilan nya ako. Na sabihin nya na magstay ako. Na kahit papano, ipaglaban nya ko. Pero…

Tiningnan lamang ako ni Larc at umiling iling. Napakasakit. Pero I smiled.

            “Ganun ba. Well, I guess I better get going. Have a good night guys.”, paalam ko sa mga tao sabay tahak sa pinto. Nararamdaman ko na ang agarang pamumuo ng luha ko kaya mas binilisan ko ang pagpunta sa pinto. Pagkalapit ko sa pinto ay agad agad kong binuksan ito at biglaang lumabas sabay dahan dahan na sara  ng pinto. Habang dahan dahan ko namang sinasara ang pinto ay pilit kong pigilan ang pagiyak kahit pa tumutulo na ang mga luha ko.

            Agad agad akong naglakad sa hall at pumunta sa elevator. Habang naglalakad naman ako ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon. Si Larc. Nahuli nya akong umiiyak.

            “Oh, may nakalimutan ka ba?”, pilit kong pagpapatahan sa sarili at nagpunas ng luha. Nakita kong namuo din ang mga luha sa mata nya.

            “Ryan…”, mangiyak ngiyak nyang sabi.

            “Oh? Bakit?”, umiiyak ko pa ring sabi.

            “Bakit? Paano ka?”, ramdam sa boses nya ang pagkaawa at pagsisisi.

            “Makikitulog na lang ako… somewhere.”, pag ngiti ko kahit pa may luha sa mata.

            Nakita kong dumukot mula sa likuran si Larc at kinuha ang wallet nya. Inabutan nya ko ng pera.

            “Ito, maghotel ka na lang.”, nahihiya nyang sabi habang unti unting pumatak ang luha nya.

            Doon ko na hindi kinaya ang sitwasyon. Parang biglang sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko. Akala ko pinuntahan ako ni Larc upang pabalikin sa bahay. Pero hindi. Hanggang sa huli, hindi nya ko nakayang ipaglaban.

            Napahawak ako sa bibig ko at tuloy tuloy na umagos ang luha ko. Ngunit pilit ko pa ring ikinubli ang mga hikbing di ko mailabas kahit pa gusto ko ng humagulgol. Napatingin ako sa perang hawak ni Larc sabay tingin sa mga mata nya. Napa iling ako sabay hinga ng malalim at tumingin sa sahig. I’ve never felt so small. Sobrang hiyang hiya ako sa sarili ko. Naawa ako sa sarili ko. Kung kanina ay parang katulong lang ang pakiramdam ko sa bahay. Ngayon, I feel less of a person, as a human being. At mas masakit dahil ang nagparamdam sakin nun ay ang sarili kong bestfriend.

            “Hotel? Talaga Larc…?”, mahina kong tugon.

            Muli kong tiningnan si Larc ng huling beses. Sakto namang dumating na ang elevator. Agad akong sumakay at pinindot para sumara agad ang pinto. Larc just stood there, staring. Habang hawak hawak ang pera sa kamay nya.

            Habang pababa ng pababa ang elevator ay mas pabilis ng pabilis din ng pagbaba ng agos ng luha ko. Pagbukas ng elevator ay nagtatakbo ako palabas. Tumakbo ako ng takbo. Direcho. Liko. Direcho. Kanan, kaliwa, direcho uli, kanan, paikot ikot. Hindi ko alam saan pupunta.

            I kept walking and walking for God knows how long. Tinahak ko ang mga daan na hindi ko alam kung saan papunta. Alam ko na may katagalan na akong naglalakad pero hindi ko pa rin nararamdaman ang pagod. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang pamumugto ng mga mata ko at pagiging manhid ng puso ko.

            Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa matauhan ako. The place seemed familiar. There were trees everywhere, may mga benches, at iilang mga taong naglalakad. Nasa isang parke ako.

            Maraming mga available na bench pero I sat beside a tree. Pagkaupong pagkaupo ko ay hiniga ko ang ulo ko sa puno. Ipinikit ko ang mga mata ko at muling napaluha. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na isang masamang panaginip lamang ang lahat. Pero sa twing tumitibok ang puso ko ay ramdam ko ang sakit na dinadala nito. And it reminded me na lahat ng nangayari ay totoo.

            Naalala ko muli ang ichura ni Larc. How he smiled habang nagkwekwentuhan kami, kung pano sya naging bilasa pagtapos makatanggap ng isang text message. And worst, ang imaheng paulit ulit na tumatakbo sa isip ko, ang ichura nya nung inabutan nya ako ng pera. Pakiramdam ko ay hinubaran ako at pinagsasampal sa harap ng maraming maraming tao. Nakapanliliit. Doon ko napatunayan na he was willing to give up everything for his fame. Even me. Kaya nga masakit eh.

            Naramdaman kong may nagvibrate mula sa bag ko, ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakita kong marami akong miscalls at mga text message. Lahat galing kay Larc. Nagvibrate muli ito. Tumatawag nanaman si Larc. Another tear fell from my eyes. Nakatitig lamang ako sa aking cellphone habang umaagos ang mga luha mula sa aking mga mata. Gusto kong sagutin ang telepono at iparinig kay Larc ang paghihinagpis ko. Gusto kong iparamdam sakanya ang sakit ng ginawa nya.
            Tumigil sa pagriring ang telepono ko. Nakita ko sa orasan ng telepono ko, alas onse pasado. Napasandal akong muli sa puno at tumingala sa langit.

            Maganda ang kalangitan nitong gabing ito. Wala halos ulap kaya litaw na litaw ang pagkinang ng mga bituin sa langit. Naalala ko tuloy ang probinsya naming. It looked exactly like this. Ngayon pang nasa park ako at maraming puno. Akala mo nasa bukiran lang ako sa amin. I felt another tear rolling down my face. Usually din kasi noon sa probinsya, kasa kasama ko si Larc sa pag enjoy ng view na ito. We would stare for hours sa mga bituin and talk about our plans for college. Na magiging masaya kasi kasama nya ako. Pero everything turned out exactly the opposite. Lahat ng pinagusapan naming, ibang iba sa nangyayari ngayon.

            Tumango ako at tumingin sa damuhan. Napa-isip. Hindi lahat ng pinaplano natin ay maaring matupad. Minsan iba ang ihip ng tadhana. Minsan pala, sa gitna ng daan, maaring magbago ang takbo ng pagkakataon. Larc changed. We were young when we said our promises. Nakakatawa nga eh, talaga bang applicable lang ang mga katagang “Friends Forever” sa highschool? Hindi nab a talaga possible na humaba pa ito till after highschool? Sabin g iba, pwede naman daw, pero to selected few lang. Ang iba kasi, may mga sariling daan na tinatahak. Kasi, nagbabago ang interest, ang plano, at ang mga gusto sa buhay. It’s a matter of acceptance na nga lang kung talaga bang kaibigan ka. Kung maiintindihan mo ba sya sa tinahak nyang daan. Pero kung mahalagang kaibigan ka din daw, kahit pa ibang daan na ang tinahak nya, gagawa at gagawa sya ng paraan upang maglandas muli kayo kahit papaano. Sadly, sa akin, hindi nangyari yun. Well, it did, pero sa una lang. Pero after nun, sya mismo ang naglagay ng crack sa daan para di na ko makadaan pa.

            Napatingin ako sa mga tao sa paligid. May mga magsyota, mga magtrotropa, at may mga solong katulad ko. Ano nga kaya ang kwento nila? Muli akong napatingin sa mga magsing-irog. Nakakatuwang pagmasdan. I always imagined what it would be like kung sinabi k okay Larc ang tunay kong nararamdaman. Ano kaya ang magiging reaction nya. Syempre, sa panaginip at pangarap ko, tanggap nya. At ganun din ang nararamdaman nya. We would share each moment and we would have the best of both worlds. Hays, kung ganoon lang sana ang talagang mangyayari.

            Napatiningin naman ako sa mga magbabarkada. Meron pa silang dalang gitara at pakanta kata pa. Halatang nagkakatuwaan sila. Nakakatuwang pagmasdan. I only wish na sana, hindi tulad ng kwento ko ang mangyari sakanila.

            Huli akong napatingin sa mga nagsosolong katulad ko. Ano kaya ang kwento nila? Bakit kaya din sila nagiisa? Katulad din kaya ng kwento ko? Malungkot? O mas masaklap pa? Bakit sas dinami dami ng lugar at taong kilala nila ay nagiisa sila sa parkeng ito?

            Iinandal kong muli ang ulo ko sa puno. Pumikit. Inisip at binalikan ang mga magandang alalaala na meron ako. Hanggang sa di ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako. Sa isang parke kung saan.

            “Hey, Ryan, you shouldn’t be sleeping here.”, sabi ng isang boses. Bigla akong naalimpungatan. Hindi ko napansin na nakatulog nap ala ako. Anong oras nab a? Madilim pa. Malabo pa ang paningin ko dahil sa pagkakatulog. Baka ginising ako ng guard ng parke at pinapauwi na ako. Pero teka! Inenglish ba ko ng guard? As in? At tsaka teka, bat alam nya ang pangalan ko?

            Kinuskos ko agad ang mga mata ko at minulat ng maige upang makita kung kanino nanggaling ang boses. Nanaginip pa ba ako? Seriosusly? Sya?

            “Ikaw…?”

11 comments:

  1. Promise talaga... Hiningal ako while reading this chapter... Feeling ko ako si Ryan.. TSARLOT!!! A very nice / best story ever!!! KUDOS kaibigang Ken!!!
    ^__^

    ReplyDelete
    Replies
    1. @Anthon Gonzales: salamat kaibigan!! ahehehehe!! post po ako pg may free time agad :)

      Delete
  2. Larc should be burn in Hell NOW NA!!! putang anak sya...(sorry 4 the word, can't help it)and ang hula ko si Andre(na isa pang bwisit) yung nagenglish sa Huli...

    ReplyDelete
  3. @Down D. Line: hahahahaha!! ok lang po!! :) Ipasilab na ba sa impyerno?! wahahahahaha

    ReplyDelete
  4. w0w. Ganda tlga!2 thumbs up.

    Wawa naman c ryan. Sayang din ung friendship nla .dapat pnagtanggol nya c ryan tulad ng pagtatanggol ni ryan kay larc nun.hmmmp.anyways darating ung ryt time para maipagtanggol nya ito.(definitely.):)

    .-wil

    ReplyDelete
  5. jejejej na entriga ako kung cno yong gumising sa kanya.. hehehe ala nmn xang mga fwen sa loob ng campus.. nakakabitin sir kenji jejej... pero ang ganda tlaga ng kwento mo pahaba ng pahaba pero paganda ng paganda naman...

    vinz_uan

    ReplyDelete
  6. masyado akong nakakarelate sa kwento lalo na sa punto ng pagdedeny sa akin sa harap ng mga kaibigan at kakilala..... super sakit talaga yang pakiramdam na yan, lalo na kung alam mo kung kayong dalawa lang ay super sweet at super bait ang kasama mo......

    ReplyDelete
  7. SI ANDRE FOR SURE..! NAAWA NAG IBA SIGURO ANG TINGIN NITO KAY RYAN! NA AKALA NYA AY BASURA LANG SI RYAN AYUN PALA AY HINDI!> HAHAHA. ;]... I HATE LARC DUWAG ! MAS BAKLA PA SYA! . WEW! .. BAKA SA NEXT CHAPTER ANDRE<3RYAN THEME! HAHA.. IDOL KO NA ANG AUTHOR ! :D! SANA PO BUKAS MAY UPDATE NA PLS..!!! :D! ... EXCITED NA KO ..! ANG HIRAP PA NAMAN PAG NABIBITIN! :D! GO AUTHOR! KEEP UP THE VERY GREAT WORK!! ;D!

    (IAN)

    ReplyDelete
  8. maganda ang istorya pero o.a and pagka-martis, it becomes an annoyance as the story continues. Peace author!

    ReplyDelete
  9. =_= anger management grabe
    -yume

    ReplyDelete
  10. Nyetang andre yan, napaka samang tao

    ReplyDelete