Binilisan ko ang hakbang patungo sa labas ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Ang mga patak ng ulan ay malalaki at kaunting maampiyasan ka ay tiyak na basang basa ka agad. Nasisi ko tuloy ang aking sarili kung bakit ba nag-overtime pa ako, ayan tuloy tiyak na madaling araw na ako makakauwi. Sinagasa ko na ang malakas na ulan patungo sa waiting shed na pinagkakanlungan ng mga tulad kong basang sisiw ng mga oras na iyon at ang mahabang lansangan ay napupuno na ng tubig bahang naiipon sanhi ng papalakas na ulan. At nasiguro kong hindi iyon hihinto agad.
“Mukhang may bagyo ‘ata.” wika ng isang tinig sa aking tabi. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking naglalaro ang edad sa bente tres, matangkad, moreno ang kutis at may magagandang pares ng mga mata.
Ngumiti siya sa akin ng mapansin ang aking pagmamasid. Napahiya ako at muling ibinaling sa kalye ang aking tingin.
“Ahh, hindi ba ikaw yung accountant diyan sa opisinang yan?” anito na ang tinutukoy ay ang kanyang pinagtatrabahuhang kompanya.
“Ah…oo” matipid kong wika ng hindi tumitingin.
Maya-maya ay nakita ko ang kanyang palad na nakalahad sa tagiliran ko. Nagpapahiwatig siya ng pakikipagkilala. Malugod ko iyong tinaggap. Siya si JM. At sa loob ng waiting shed na iyon ay ipinakilala niya sa akin ang kanyang sarili.
Magmula noon ay palagi na siyang naghihintay sa akin sa labas ng gate. Niyaya akong mag-meryenda kasabay ng mga ilang tawanan at kwentuhan. Siya ang nagsilbing bantay sa akin sa mga panahong ako’y ginagabi sanhi ng gatambak kong trabaho.
“Bakit mo ba ginagawa lahat nang ito ha, JM?” minsan ay naitanong habang sabay kaming naghihintay ng masasakyan ng hapong iyon. Siya ay galing rin trabaho at tulad dati’y walang sawang naghintay sa akin sa labasan.
Natigilan siya. Napatingin siya sa akin. Ngumiti. Ngunit nanatiling tikom ang mga labi sa hinihintay kong kasagutan.
“Masama bang gawin ko lahat nang ito?” balik tanong niya sa akin kasabay ng mahinang tawa. Ngunit ako’y nanatiling nagtataka sa mga inasal niya.
Hindi na naulit ang tagpong iyon na ako’y nagtanong sa kanya ng mga bagay na iyon. Para bang isang piping kasunduan na naming hindi na muling magtatanong sa bagay. Siya na lang ang hihintayin kong magsabi ng niloloob niya. Tutal wala namang masama sa pagiging magkaibigan namin.
Signal number 2… hindi ko alam na may bagyo pala ng araw na iyon. “Ang payong... ang payong nasa gate.” naalala ko ang sinabi ni Inay kanina bago ako umalis. Nagmamadali lang ba ako o talagang hindi ko na inintindi ang mga bilin niya.
Signal number 2… hindi ko alam na may bagyo pala ng araw na iyon. “Ang payong... ang payong nasa gate.” naalala ko ang sinabi ni Inay kanina bago ako umalis. Nagmamadali lang ba ako o talagang hindi ko na inintindi ang mga bilin niya.
Alas siyete na….bakit kaya natagalan si JM? Dati-rati’y maaga iyong nadating upang sunduin ako at kami’y magmemeryenda. Ang buhos ng ulan ay tila luha ng mga anghel. Malalakas at walang patid. Matiyaga akong naghintay sa kanya sa waiting shed. Alam ko namang darating siya kahit bumabagyo pa.
“Arvie…” mahinang tawag buhat sa likuran. Napalingon ako. Si JM!
“Arvie…” mahinang tawag buhat sa likuran. Napalingon ako. Si JM!
“Akala ko hindi ka darating ngayon eh…”. Ewan ko ba, ng mga sandaling iyon gusto ko siyang yakapin.
“Lagi naman akong nandito Arvie, halika na samahan mo akong mamasyal…” anito ng may lungkot sa tinig ngunit ang mga kilos niya ay tila may sigla.
“Ngayon? May bagyo eh. Ano ka ba!”. Marahan niya akong hinawakan sa braso at masuyong hinatak sa ulanan.
“Ay! JM ano ka ba!” inis na wika ko.
“Maligo tayo sa ulan Arvie…kahit ngayon lang, please?” nagmamakaawa ang mga mata niya ng mga sandaling iyon at ako’y napahinuhod niya kahit alam kong kabaliwan iyon.
Naglakad kami sa mahabang pasilyo sa parke sa gitna ng malakas na ulan, Nakita ko si JM na patakbong tinungo ang isang rosas na mayabang na naroon pa rin sa kanyang tangkay sa gitna ng bagyo. Pinitas niya iyon at inabot sa akin.
Naglakad kami sa mahabang pasilyo sa parke sa gitna ng malakas na ulan, Nakita ko si JM na patakbong tinungo ang isang rosas na mayabang na naroon pa rin sa kanyang tangkay sa gitna ng bagyo. Pinitas niya iyon at inabot sa akin.
“Para saan?” wika ko habang kumukurap kurap. Ang tubig-ulan ay bahagyang sumasaboy sa aking mukha.
“Arvie…mahal kita”. Tipid niyang wika sa akin. Salitang matagal kong hinintay. Ang aking luha’y umagos at humalo sa tubig ulan.
“Mahal din kita JM” masuyo niya akong kinabig at niyakap. Ang lamig na dulot ng ulan ay napawi ng aking maramdaman ang mainit niyang yakap. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang aking sarili sa gitna ng ulan kayakap ang lalaking aking iniibig. Parang isang mahabang gabi…
“Arvie…anak?” anang tinig. Si Inay?
Nagmulat ako ng mga mata. Si Inay nga. Umiiyak.
“S-Si JM po?” una kong itinanong. Bakit ba narito si Inay? At bakit ba nasa malamig akong silid?
“Anak…ano bang ginagawa mo sa ulanan? Nakita ka ng mga pulis nakahandusay doon… Diyos ko!”
Wala akong maalala. Ano bang nangyari sa akin? Sa amin ni JM?
Inagaw ng radyo ang atensiyon ko…
Inagaw ng radyo ang atensiyon ko…
"Isang bangaan ang naganap kahapon ng umaga sa kahabaan ng Roxas Ave sanhi ng malakas na buhos ng ulan…tatlo ang nasawi kabilang ang pasahero ng taksi na si JM Tolentino , edad 23….hindi na ito umabot ng buhay sa ospital pagkaraang mapailalim sa trak ang taksing sinasakyan."
Bumuhos ang mga luha ko…ang isang tag-ulan ng buhay ko siya nakilala at isang tag-ulan din siya binawi sa akin. Ngunit ang mga huling natandaan ko ay ang mainit niyang yakap at ang matatamis na bulong ng pagibig na kaytagal kong hinintay.
-Wakas-
No comments:
Post a Comment