ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, July 2, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 8




             
             Kamusta po muli sa lahat? ^_^

             Ahm.. Una sa lahat.. Pasensya (ULIT) sa late posting.. Guys, pasensya na talaga po kasi SOBRANG busy lang po talaga kaya i ako makapagpost regularly.. Sobrang pasensya na po talaga.

             Pangalawa po,    Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy,  at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)

             Pangatlo, Kung mapapansin nyo po ay nagrereply po ako sa mga comments nyo po. Kaya pwede nyo din po ako makausap sa comment box. Or again, pwede nyo po ako i-add sa fb account ko po. dizzy18ocho@yahoo.com. :) konting favor nga lang po, pag add nyo po ay paki send lang ako ng message po. Thanks.


             Pang-apat, pagpasensyahan nyo na ang typos ko ha.. Wala na kasi time mag proof read ihh.. :(

            Oh sya!! Eto na, ang daldal ko nanaman na!! 

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.

      

              “Ryan…”, biglang tawag sakin ni Larc. Hindi ako sumagot. Nakatayo lang ako sa kinakatayuaan ko.


            Naramdaman kong naglakad sya palapit. Kaya tumingin na ko. I looked at him na parang sinasabi, “dyan ka lang.” And then I smiled.

            “Ryan…”, muli nyang tawag.

            “Bakit?”, casual kong sagot.

            “Saan ka galing…? I was worried.”, buong pag-aalala nyang sagot.

            “Ah. Dyan lang. Sabi ko naman sayo, makikitulog ako… somewhere.”, casual na sabi ko.

            “Please. Stop…”, pagmamakaawa nya.

            “Stop saan?”, nalilito kong tanong.

            “I know you’re mad.”

            “I am?”, pagmamaang maangan ko.

            “I know you are. Stop being so nice. Kung galit ka, o may sama ka ng loob, sabihin mo. Sumigaw ka, magalit ka sakin.”, pagmamakaawa na. Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata ni Larc. Pero parang manhid ang buong pagkatao ko.

            “I just don’t want to talk about it.”, seryoso kong sagot. Hindi na ko makatawa o makapagkunwari pa. Nakakapagod na talagang laruin ang larong yun.

            “Alam kong hindi ka okay. So please don’t tell me you’re okay. Bestfriend mo ko. You cann tell me anything…”, umiiyak nyang sabi…

            Pero doon na natapos ang hangganan ng pasensya ko. Doon na sumabog ang emosyon na ikinukubli ko. This has to stop. Pagod na pagod na ako.

            “Alam mo pala, eh. Tsaka teka?! Bestfriend…?!”, matigas at cold kong sinabi. Tiningnan ko sya mata sa mata.

            “Oo, bestfriend mo ko. Kaya please tell me what’s wrong!”, pagmamakaawa nya.

            “Okay! You want to know what’s wrong, Larc.Total pagod na ko with all the bullshit! Fine! Now look me in the eye at sasabihin ko sayo lahat ng gusto mong malaman!”, galit kong sabi. Sa sobrang galit ko ay pumatak ang mga luha ko. Naiiyak ako sa sobrang galit.

            “Why are you so upset? At bakit mo sinabi yung mga sinabi mo kahapon? Bakit mo sinabi na taga linis ka lang dito?”

            “Tama na ang pagkukunwari Larc! We know very well bakit ko ginawa yun! Huwag mo ko gawing tanga!”, galit kong sabi. Napansin kong nagbago ang expresyon sa mukha nya. Galit na din ang ichura nya.

            “What did you just say?! Pinagmumukha kitang tanga?! Ganyan ba ang tingin mo?! I’ve been your bestfriend for over a decade! Tapos sasabihin mo na ginagawa kitang tanga?!”, galit nyang sabi.

            “BESTFRIEND?! Bestfriend ba kamo, Larc?! Kung talagang besftriend mo ko, bakit wala kang sinabi kahapon Larc?! Bakit hindi ka nagreact nung sinabi kong taga linis mo lang ako dito?! Bakit sinakyan mo ang pagkukunwaring ginawa ko?! Bakit hinayaan mo lang lahat mangyari?! Why?! Kasi anjan ang mga kaibigan mo!”

            Natahimik lang si Larc. Nakikita ko pa rin ang pagtulo ng mga luha nya. Muli syang bumalik sa kinauupuan nya. He was speechless.

            Hindi ko din alam ang susunod kong sasabihin. Huminga ako ng malalim. Umupo ako sa harap kung san sya nakaupo. Sinandal ko ang ulo ko sa lamesa. And from there, nilabas ko na ang mga luhang gusto kong ipakita sakanya.

            “Ryan…”

            Tumingala ako. Tiningnan ko sya mata sa mata.

            “Naalala mo ba noon. Nung mga bata pa tayo. Everybody looked down on you. Kasi tingin nila sayo, mahina, lampa. Pero hindi ako nawala sa tabi mo. I stood by you and I was a friend to you. Hanggang sa lumaki tayo at unti unti kang naging malakas. Until nung highschool na sumikat ka at naging captain ng basketball team, andun ako. Nakita ko kung paano ka nagbago from being mahina hanggang sa naging malakas. Kung paano mo nabago ang sarili mo at nakuha mo ang gusto mo. I supported you all the way…”

            “Ngayon, gusto mo malaman bakit ko ginawa yung ginawa ko kahapon? Ok. I’ll tell you.”
            Huminga ako ng malalim. Napapikit sandal muling tumingin kay Larc. Then more tears fell from my eyes.

            “Narinig ko lahat ng pinagusapan nyo ng mga kaibigan mo noong bday ni Gino. Pero nung makita mo ako ay nagkunwari akong wala akong narinig. Alam ko kasi, wala pa ding magbabago sa atin kahit nasaktan ako sa ginawa mo… But then, narinig ko nanaman ang pag-uusap nyo ng mga tropa nyo nung nasa gym kayo. Pinapili ka between your fame, o ang pagkakaibigan natin. Tinanong ka, kung kaya mo bang mawala sayo ang lahat ng yun, sinabi mo hindi. Oo, hindi ka pumili between me and your fame, pero anong nangyari ng mga sumunod na panahon? Hindi mo nga sinabi, pero pinaramdam mo kung ano ang pinili mo. You chose your fame over our friendship.”

            Napatigil ako sa pagsasalita dahil mas lalong tumulo ang mga luha ko to the point na di ako makapagsalita. I paused for a little while. Huminga ng malalim bago muling magsalita.

            “Pero dahil bestfriend mo ko. Masakit man pero hinayaan kita. Nakita ko kasi kung gaano halaga sayo yun na willing ka isakripisyo ang kahit ano para sa gusto mo. Handa ka isakripisyo kahit ano including our friendship. I figured out na mahalaga talaga sayo yun. Kaya sinakyan ko lahat lahat kahit sa loob loob ko durog na durog ako. Sinakyan ko ang mga pagiwas mo sa school. Kaya gumawa na ako ng paraan para lumayo din. Binigay ko ang gusto mo. At Kahit nakakadurog ng pagkatao, sinakyan ko pa din na kunwari okay tayo dito sa bahay. Na walang nagbago. Na KUNWARI, okay lang ang lahat. Nakitawa ko sa mga biro at kwento mo para ipakita ko ang suporta bilang bestfriend mo.”

            Umiyak ng umiyak si Larc sa harap ko. Napaiyak na din ako. Ang hirap nyang tingnan. Pero maya maya ay nagsalita na din sya.

            “You knew..?”, umiiyak nyang tanong.

            “Oo…”

            “Eh bat wala kang ginawa about it? Bat di mo sinabi sakin? Bat di mo ko kinumpronta?!”

            “Gusto mo ba talaga malaman?”, malungkot na tanong ko.

            “Oo..”

            “Kasi ganun ka din kahalaga sakin. Na willing din ako isakripisyo ang kahit ano para sa kaligayahan mo…”, umiiyak kong sabi sabay tayo at punta sa kwarto. Sinundan ako ni Larc.

            “Ryan.. I’m sorry.”

            “You don’t have to. Pagod na rin ako, eh.”

            “What do you mean?”, takang tanong ni Larc.

            “Aalis na ko dito. Makaipon lang ako ng pangrent sa labas ay aalis na ko dito.”

            Lumapit sakin si Larc.

            “Aalis ka?! Pero bakit, kung dahil lang don, please. Huwag. Bukas na bukas sasabihin ko sakanila na dito ka nakatira. Huwag ka lang umalis.”

            “Lang?! Hindi simpleng bagay to, Larc. Sana naisip mo yun. Huwag na. Tama na. Pagod na ako, Larc. Pagod na kong magkunwari.”

            “Please. Huwag kang umalis.”, sabay lapit ni Larc at yakap sakin.

            Napapikit ako at dinama ang yakap ni Larc. Gusto ko gumanti ng yakap.

            “Sana ganun kadali sabihin na okay lang ang lahat. Sana kayak o pa ding magkunwari na okay lang ako. Pero dumating na ang panahon na napagod na ako. Hindi bilang kaibigan mo, kundi sa pagkukunwaring okay lang ang mga ginawa mo.”, maluha luha kong sabi.

            Sa gitna ng pagyakap ni Larc ay nakarinig kami ng doorbell. Agad kaming nagpunas ng luha. Lumabas ako ng kwarto at agad na binuksan ang pinto.It was Larc’s friends.

            “Oh, andito ka ulit?”, tanong ni Kulas.

            “Oo. Kinuha ko lang yung sahod ko. Pero paalis na din ako.”, sagot ko sa kaibigan nya.

            Tumingin ako kay Larc. Again, hinihintay ko kung anong gagawin at sasabihin nya. He stood there, speechless. I never thought na magiging ganto kaaga ang pagpunta ko sa Phase 3. Pero I was left with no choice

            Kinuha ko ang bag ko at dire direchong nagtatakbo palayo. I took the stairs para din a ko maghintay pa sa elevator. Ayoko ng maabutan pa ko ni Larc. Pinatunayan nya na talaga ang desisyon nya.
            “Tama na Ryan.. Tama na…”, mahinahong sabi ng utak ko.

Nagtatakbo ako palayo ng building.

Gusto kong lumayo. Tama na. Hindi na tama. Nanindigan na sya sa sarili nya. And I must do the same. Hindi habang buhay ako dapat maging ganto. Kahit pala bestfriend mo, dadating yung time na mapapagod ka kapag sinasaktan ka na ng sobra. Dadating pala ang time na mapapagod ka na laruin ang mga larong pilit mong sinasalihan. At marerealize mo na nilalaro mo lang yun para sakanya…

 Nang masiguradong nakalayo na ko, kinuha ko ang cellphone ko, at nagdial ng number. Nakakahiya man, pero alam kong tutulungan nya ko. Sya ang isang tao na alam kong tutulong sa akin sa ganitong pagkakataon…

Narinig kong nagring ang numerong dinial ko. Umiiyak ako habang naghihintay sa sagot ng telepono. At pagkarinig na pagkarinigko na may sumagot sa telepono ay mas lalo akong naiyak.

“Hello?”, sabi ng boses sa kabilang linya.

“I need your help.”, tanging nasabi ko.

“Sure. Asan ka. Let’s talk. Pupuntahan kita.”, sagot naman ng boses ng kausap ko.

Sinabi ko kung nasaan ako at nagset kami ng lugar kung saan kami magkikita. Naghintay ako ng ilang oras sa isang fastfood chain. Maya maya ay nakita kong pumarada ang isang pamilyar na sasakyan. Nang makita ko pa lang na bumaba sya mula sa sasakyan ay nanlumo na ang mga tuhod ko. Agad agad na pumasok ang tinawagan ko at ng makita ako ay agad gad itong lumapit at niyakap ako.

“Oh mygawd Ryan, what happened?”, alalang sabi nya.

“Karen…”, tanging naisagot ko.

Si Karen. Kung matatandaan nyo. Sya yung highschool bestfriend ko din. Dito na rin sya nag-aaral sa Manila. Umasenso na rin kasi lalo ang business na tinayo ng mga magulang nya kaya mas lalo na silang naka angat sa buhay. Ikinwento ko lahat lahat ng nangyari kay Karen.

“You mean to say…? Nagawa nya talaga yun? Hindi ako makapaniwala. Eh para na nga kayong magjowa noon, ha!”, laking gulat ni Karen.

“Oo eh.”, tanging naisagot ko.

“Pero grabe ka, ha. Bat ngayon mo lang sinabi sakin to? Madalas naman tayo nakakapagchat sa fb, pero bat di mo sinasabi sakin to?!”, pagtatampo ni Karen.

“I’m sorry…”, tanging naisagot ko.

“Hays, ano pa nga ba magagawa ko?! Pero anyways sideways, wala na tayong magagawa, andyan na yan. Pero don’t worry. Pwede ka muna magstay sa bahay.”, sagot ni Karen.

“Pasensya ka na talaga, ha.”, malungkot na tugon ko.

“It’s okay. Akong bahala sayo. Kaibigan mo ko, diba?”

Nang marinig ko ang salitang “kaibigan” ay napaiyak nanaman akong muli. Hindi pa din kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari.







Doon nga ako nagstay muna kaila Karen. Nawalan din ako ng balita kay Larc. Hindi na sya nagtext o tumawag pang muli. Kaya simula ng umalis ako ay hindi na muli kami nagkaroon ng komunikasyon. Buong sembreak ay doon ako nagstay kaila Karen.

“Hoy! Dalawang linggo ka na nagmumukmok dyan lalake ka! Alam ko na inlababo ka pa rin dyan sa bestfriend mong ugok kahit pa nangyari na to, pero magising ka na naman, noh! At tsaka may good news ako sayo, noh!”, paghampas sakin ni Karen ng unan pagpasok nya sa kwartong tinutuluyan ko sa bahay nila. Napaupo naman ako sa kama.

“Good news?”

“Oo! Pero surprise muna.”, sabay ngiti ni Karen.

“Ang dami mong galaw!”, pagbato ko din ng unan sakanya.

“Basta, sa ngayon, magbihis ka at magmamall tayo! Magliliwaliw tayo!”, masayang sabi ni Karen.
“Ayoko. Dito na lang ako. Ikaw na lang…”

“Hoy! Ryan! Pinuntahan mo ko para sa tulong! Kaya tumayo ka dyan kung ayaw mo kaladkarin kita sa mall ng nakapambahay ka!”, asar na sabi ni Karen.

At ang ending ay nagmall nga kami ni Karen. Nung una ay tahimik lang ako. Nakakahiya naman kasi, ako tong lalake, pero sya tong babae ang nagbabayad sa lahat ng pinupuntahan naming. Sa kainan, sine at sa mga snacks. Lahat lahat talaga.

Pero I must admit, nag-enjoy ako. Namiss ko din si Karen. Ang tagal din kasi naming hindi nakapagbonding ng ganito. We talked for hours. Madaldal pa rin sya katulad ng dati. At habulin pa din ng mga lalake. Dahil halos lahat ng mga lalakeng nakasalubong naming ay napapatingin talaga kay Karen. Ok, sabi ko dati maypagkabaliw sya, pero hindi ko sinabi na hindi sya maganda. Sexy at maganda kaya sya!

“And as usual, wala pa ring boyfriend ang lola mo!”, tawa nyang sabi habang kumakain kami ng cake sa isang coffee shop.

“Eh mapili ka naman din kasi!”, tugon ko.

“Grabe ka naman! Hindi naman sa ganon, kaso di ko pa kasi nakikita yung lalakeng bet ko.”, pagdedepensa nya.

“Ewan ko sayo! Jinustify mo pa talaga ang pagiging choosy mo, ha!”, pagbibiro ko.

“Loko! Atleast ako, hindi nakasarado ang puso ko para sa iisang tao! Hindi tulad ng ibang kilala ko dyan. Martyr!”, pangaasar nya.

“Oo na! Hindi ka nga choosy eh!”, pagtawa ko.

After naming magliwaliw ay dumirecho na kami sa bahay nila. Nanood ng dvd, chikahan hanggang madaling araw. Para bang bumabawi kami sa mga panahon na hindi kami nagkasama. Kahit papano, nakalimot ako sa problema ko.




Pasukan nanaman. Kailangan makahanap na ako ng tutuluyan ko dahil nakakahiya naman kung kaila Karen ako makikituloy. Wala pa man akong pera pa. Hays. Problema nanaman.

Maaga akong nagising para umalis papuntang school. Nang hanapin ko naman si Karen ay tulog pa daw ito kaya nagiwan na lang ako ng note sa harap ng kwarto nya para sabihing pumasok na ako at itetext ko na lang sya mamaya.

Pagdating ko naman sa school ay kaba kaba ako. Baka kasi magkrus ang landas namin ni Larc.

Naglalakad ako papuntang mini park ng may nakita akong isang napaka pamilyar na mukha. Nakangiti itong naglalakad papunta sa direksyon. Para naman akong napako sa kinakatayuan ko. Parang gusto malaglag ng panga ko sa gulat at pagkamangha.

“Bagay ba?”, ngiting sabi ng taong nakasalubong ko ng tuluyang makalapit sakin sabay kumpas ng id nya sa mukha ko.

“Karen?!”, laking gulat ko.

“Anong ginagawa mo dito?! At bakit may id ka dito?!”, laking pagtataka ko.

“Oo, ako nga! Ano ba, magkasama kaya tayo sa bahay, ngayon di mo na ko kilala?! At parang ang tagal nating di nagkita ah!”, pagbibiro nya.

“Huh?! Teka, di ko maintindihan.”, gulong gulo na sabi ko.

“Diba, sabi ko naman sayo, may supresa akes. Ito na! Voila! Surprise!”, sabay kumpas muli nya sa id nya. Hindi pa rin ako makapagsalita.

“Ano ba?! Para namang di ka masaya na andito na ko. Lumipat lipat pa ko ng school para sayo, noh! Ang hirap kaya kasi ni-ruh ang credentials ko para makapasok ako dito!”, inis na sabi ni Karen.

Napayakap naman ako sa tuwa.

“Oh, wag na madrama. Tara na. Malalate na tayo.”, ngiting sabi ni Karen.

Hindi ko nakita si Larc sa unang klase ko. Kaklase ko kasi sya dapat sa subject na to, pero di ko sya nakita. Paglabas ko naman ay nakasalubong ko si Andre.

“Uy tol! Tagal walang paramdam, ha! Kamusta ka na?”, bati agad ni Andre.

“Tol? Himala, tol ang tawag mo.”, pagbibiro ko.

“Oedi ulitin natin. Alalay! Kamusta?”, pagbibiro nya.

“Hindi, ok na ko dun sa tol.”, pagtawa ko.

“Ehem! Ehem!”, pagsingit naman ng boses sa likod ko. Si Karen.

“Ay! Andyan ka na pala. Karen, si Andre nga pala. Andre, si Karen.”, pagpapakilala ko sa dalawa. Ngumiti naman ng bahagya si Karen. “Hi. Karen.”, nahihiyang pagpapakilala ni Karen kay Andre.

“Andre nga pala.”, ngiting pakilala ni Andre.

“Uy, mauna na muna kami ha. Usap na lang tayo mamaya.”, ngiting pakiusap ko. Nginitian naman ako ni Karen.

“Sino yun?! Cute, ha.”, pilyang tanong ni Karen.

“Ah, si Andre.”, casual na sagot ko.

“Alam ko. Kakapakilala mo lang kaya sakanya.”, sabay hinto at bigay ng pilyang ngiti.

“Hoy Karen! Ano?! AY! Hindi! Ano ba. Kaibigan ko yun! Ikaw talaga.”

“Ay, daming sinabi? Defensive?!”,pagtawa ni Karen.

 “Hoy, hindi! Kilala ko kasi yang tingin mong yan.”, pagdedepensa ko.

“Anong tingin? Yung tingin ko pagsweet sweetan kayo ni Papa Larc noon?”, pangaasar nya. Napahinto ako ng sandal at hindi nakapagsalita. Naisip ko nanaman si Larc. Kamusta na kaya sya?

“Ah eh, teka nga. Maiba lang natin ang usapan. Tara samahan mo ko!”, ngiting sabi ni Karen.

“Samahan?”

“Oo. May papakilala ko sayo.”

“O.k?”, taka kong sabi.

Naglakad lakad kami sa school at napunta sa cafeteria. Naglakad kami sa isang grupo ng mga tao na talaga namang ikinagulat ko.

“Baklaaaaaaaa!”, sigaw ni Karen sa isa sa mga babae doon. Tumayo naman agad yung babae at yumakap kay Karen. Gulat na gulat naman ako. Kilala ko ang babaeng yumakap sakanya.

“Bakla namis kita!”, sabi ng babae.

“Ay lalo naman ako. Ay! Sya nga pala, meet my bestfriend, si Ryan.”, pagpapakilala sakin ni Karen.

“Hi, I’m Chelsea.”, pakikipagkamay nito.

Si Chelsea Montez. Ang captain ng pep squad ng Univ naming. Sino bang di makakakilala sakanya? She’s one of the hottest personality sa University na to. At kilalang kilala din sya sa school as the “It” girl. Teka, bat magkakilala sila ni Karen?

“Ryan nga pala.”, nahihiya kong sabi.

“Hala, bat nahihiya ka? Huwag ka mahiya sa akin. Kung ano man narinig mo about me? definitely not true.”, ngiting sabi ni Chelsea.

“Oi, bakla, ipakilala mo naman kami sa ibang friends mo.”, sabi ni Karen.

“Teka, pano pala kayo nagkakilala?”, biglang sabat ko. Sobrang curious na kasi ako.

“Nako, bff ko na yan si Karen bata pa kami. Kaso nagkahiwalay kasi napunta ako ng states. Eh nagloko ako sa states, kaya binalik ako dito sa pinas. Pero hindi naputol ang communication namin ni Karen. Super chika pa rin sya about almost anything. Tsaka, I wouldn’t be able to meet my boyfie dahil kay Karen. At  natatandaan ko nga nung highschool sya, lage nyang kinukwento yung friend nya na super inlababo sa bestfriend nya. Natatawa nga ko pag kinukwento nya kasi super sweet daw nung dalawa. Tapos…”, masayang kwento ni Chelsea. Bigla namang cinut ni Karen sabay takip sa bibig ni Chelsea.

“Daldal mo teh.”, sabay sabi ni Karen kay Chelsea.

“Ano ka ba, chinichika ko lang naman tong friend mo. Tsaka totoo naman na kinukwento mo yung friend mo na…”, sabay natigilan si Chelsea sabay tingiin sakin. Halos di naman ako magkandamayaw sa hiya. Itong si Karen talaga!! Ngiti ngiting aso naman si Karen lang sakin.

“Oh my gawd.. Ikaw yun…?”, nahihiyang sabi sakin ni Chelsea.

“Ang daldal mo naman kasi teh!”, pagsisi ni Karen.

“Nako, sorry ha.. Wag ka magalala. Atin lang yun. Friends na tayo, diba? Hihihi..”, nahihiyang sabi ni Chelsea.

“It’s okay..”, pag ngiti ko.

Nagkwentuhan kaming tatlo nila Chelsea at Karen pagtapos nya kami ipakilala. Sabay sabay kaming naglunch sa cafeteria.

“Oh my gawd! You mean to say na ang bestfriend mo na inlababo ka ay kay Larc Casanova?”, gulat na gulat na tanong ni Chelsea.

“SSHH!!! Ang ingay mo talagang bakla ka. Baka gusto mo gumamit ng mic at iparinig sa lahat!”, inis na sabi ni Karen. Natameme lang naman ako.

“Yeah.”, simpleng tugon ko.

Kung ano anong pinagkwentuhan namin after non, mga rumors tungkol sakanya. Sabi ni Karen na hindi toto yun dahil kung totoo man daw yun, eh sya ang unang makakaalam. Rumors kasi sa school na bitchy bitchy si Chelsea. Pero ganun lang daw sya sa mga taong tingin sakanya ay ganun. Pero sa mga taong tingin sakanya ay kaibigan, tinetreasure nya ang mga ito.

“Teka, hijo, hope di ka maoffend sa sasabihin ko ha. Natry mo na bang ibahin ang look mo. Baduy kasi eh.”, straight na sabi ni Chelsea. Napahiya naman ako ng bahagya.

“Hindi eh. Is it that bad?”, nahihiya kong tanong. Nakaka conscious tuloy.

“Medyo friend.”, dagdag ni Karen.

Bigla namang nagtinginan si Karen at Chelsea. Kinabahan ako.

“Meet us after school.”, ngiting sabi ng dalawa. Mas kinabahan ako.

Natapos na ang lunch at malapit na ang next class ko. Kaya nagpaalam na ko sa dalawa at sinabi kong mauuna na ko dahil may klase pa ako.

Paglabas ko naman ng cafeteria ay napako ako sa aking kinatatayuan. Nakita ko ang mga kaibigan nila Larc, at kasama nito ang mga ito.

“Hey man, di ka na namin nakikita sa bahay nila Pareng Larc, ha. Akala pa naman naming matitikman namin luto mo.”, pagngiting sabi ni Brian. Weird. Kasi yung tono nya is casual. Hindi yung tipong nangaasar. Hindi rin nagtatawanan ang iba pa nyang kasama.

“Oo nga tol, parang di ka naming nakita nitong sembreak, ha.”, dagdag ni Kulas.

“Ah, eh kasi, umuwi ako samin.”, casual na sagot ko.

“Ganun ba tol. Sige. See you around na lang.”, sabi ng tatlo isa isa.

Nakatayo lamag si Larc at nakatingin sakin. Kahit pa nakapasok na ang mga kaibigan ay nakatayo lang sya doon, nakatitig. He was looking at me na tipong may gustong sabihin pero hindi masabi sabi.


“Ryan…”
           
           
           
           
           
           
           
           
            


6 comments:

  1. OK! excited nanamn sa next! .. sana mahaba namn ang next para worth ang paghihintay! :D!

    keep up the good work po! :D! next na!
    magpapaganda na si Ryan! hahahha xD!

    (IAN)

    ReplyDelete
  2. Makeover ang show! Go Ryan! gaganda na yan! lol

    ReplyDelete
  3. ang lakas makabitin.... please ang next chapter na... ^__^v

    ReplyDelete
  4. weeeeeehhh hanip na bitin ako kenji... ganda ng kwento.. jejej may naisip ako sa nxt chapter na ito sana magkatugma tayo jejeje... galing... dapat talagang turuan ng leksyon si larc jejeje.


    vinz_uan

    ReplyDelete
  5. . .ohohoho. . .kakabitin as in. . .sana my kasun0d na po ulit mr. ken. . . ^__^

    ReplyDelete
  6. sus buset buset buset
    -yume

    ReplyDelete