Kamusta po muli sa lahat? ^_^
Una sa lahat, syempre hihingi po ulit ako ng pasensya sa bagal ko magpost. Sana maintindihan nyo po ang pagkabusy ko sa trabaho. Mahal ko lang po talaga ito kaya sinisingit ko sa aking schedule. Pagpasensyahan nyo na po talaga. Salamat din po sa mga taong di nagsasawang sumuporta sa akin. Kahit pa sa comments sa posts, msgs sa fb, lahat po yun ay ikinatutuwa ko.
Pangalawa po, pagpasensyahan nyo na kung di ako nakapagreply sa comments nyo like I usually do. Nawalan lang po talaga ako ng time this week kaya pagpasensyahan nyo na po. Maraming salamat po.
Pangatlo, Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)
Ayaw ko na masyado mag-ingay. Enjoy na lang po!!
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
“Ryan…”, mahinang sabi ni Larc.
“Oh, hi there Larc.”, biglang litaw ng isang boses mula sa
aking likuran. Mukha namang nagulat si Larc.
“Karen?”
“Yeah, ako nga! Oh my gawd! How are
you?”, magiliw na sabi ni Karen kay Larc. Lumapit pa sya kay Larc para bumeso.
“Wow! It really is you! Dito ka na
ba magaaral?”, gulat na tanong ni Larc.
“Yeah! Kakatransfer ko lang! Wow!
Magkakasama na tayo ulit tatlo! Nakakatuwa, noh?”, masayang sabi ni Karen.
Napatingin lang ako kay Karen. Pero sa loob loob ko ay parang, “What the hell
are you doing Karen?”
Napatahimik lang si Larc at ngumiti
kay Karen.
“Oh, Larc, what’s wrong? Hindi ka ba
masaya na magkakasama na tayo ulit?”, may tonong tanong ni Karen.
“I am.”, casual na sagot ni Larc.
“OH Really? Hey! Nakita kong dumaan
na yung mga friends mo, ah. Why are you still here?! SIguro naman since you’ve
been such an asshole, you wont mind if bigla na lang kami magwalk out nitong
KAIBIGAN ko, diba?”, nakangiting sabi ni Karen sabay hablot sakin ni Karen.
Tulala lang ako habang hablot hablot
ni Karen.
“Why did you do that? You don’t need
to save me from him naman.”, takang tanong ko. Huminto sya sandal at tumingin
sakin.
“Hahaha. Huwag ka ngang patawa! I
wasn’t trying to save you from him. I was trying to save you from yourself.”,
sarkastikong sabi ni Karen.
Hinatid ako ni Karen hanggang sa
klase ko. Sabay paalam na rin nya at sabing babalikaan nya si Chelsea at they
have some catching up to do. Ngumiti naman ako at nagpasalamat muli. She just
smiled back at bineso pa ako.
Nagfocus lang ako sa klase ko pero
may mga sandali na napapatulala lang ako at naaalala si Larc. Ngayon, mas
ramdam ko na ang barrier between us. Napakahirap.
Natapos na nga ang klase ko for the
whole afternoon. Agad naman akong sinundo nila Chelsea at Karen.
“Oh, pano, uwi na tayo?”, bungad k
okay Karen.
“Not really. May pupuntahan muna
tayo.”, ngiting sabi nila Chelsea at Karen.
Nagpunta kami sa mall at sinamahan
ang dalawa na magpunta sa mga bilihin ng damit. Sobrang namiss talaga din nila
ang isa’t isa. Gusto malamang mag girl bonding kaso di lang ako maiwan. Nagulat
na lang ako ng biglang hilahin at….
“Ano ba tong pinaggagawa nyo sakin?”
Larc
Casanova
Nagulat ako sa mga katagang iniwan
ni Karen bago nya biglang hinablot si Ryan palayo. Malamang alam na ni Karen
ang nangyari. Napabuntong hininga ako. We need to talk.
Pumasok ako kasunod ng mga naunang
kaibigan papasok sa cafeteria. Nakita ko silang nakaupo at hinihintay ako.
“Oh pre, mukha kang nakakita ng
multo dyan.”, pagbibiro ni Kulas.
“Ah, wala.”, tugon ko.
Napaupo lamang ako habang
nagkwekwentuhan ang tropa. Hindi ko masyado inintindi ang usapan. Nakikitawa
lang ako pag tumatawa ang lahat. Tungkol ata sa nangyari sa sem break ang
kwentuhan. Wala naman ako maidagdag. Ang natatandaan ko lang kasi sa sembreak
ay katahimikan. Hindi ako lumabas upang gumala. Nasa bahay lang ako. Feeling
guilty sa nangyari samin ni Ryan. Araw araw na pinagsisisihan ang nangyari.
Nagpaalam ako sa barkada na
hahanapin ko lang si Karen. Tinanong nila sino si Karen. Sabi ko yung babaeng
kasama ni Ryan kanina. Sinabi ko na dati naming kaskwela si Karen. Nagtawanan
at naglokohan sila at sinabing ipakilala daw sila kay Karen. Tumawa lang ako
sabay alis.
“Malamang hinatid ni Karen si Ryan
sa klase nya.”, sabi ko sa loob loob ko. Kaya naman naghintay ako sa baba ng
building kung nasaan ang klase ni Ryan. Maya maya din ay agad kong nakita si
Karen pababa.
“Karen…”, nahihiya kong tawag sa
pangalan nya.
“Oh, Larc?! Anong atin?”, casual na
sabi nya.
“Pwede ba tayong mag-usap?”,
nahihiya kong sabi.
Nakita kong paiwas si Karen sa
sinabi ko kaya hinarang ko ang daan nya.
“Please.”, pagmamakaawa ko.
I saw Karen grabbed her phone. May
kinausap sya sandali. Sabi nya sa kausap nya na maykakausapin lang sya sandali
at hintayin sya.
“Ok, but not here.”, mataray na
sagot nya.
Naglakad kami papunta sa mini park.
Kinakabahan ako. Feeling ko nasa presinto ako at paaminin sa kasalanan ko. Yun
talaga ang pakiramdam ko. Pagdating namin sa mini park ay naupo agad si Karen
at nag cross legs.
“Ok. Talk.”, cold na sabi ni Karen.
“Karen… Alam kong alam mo na ang
nangyari…”, panimula ko.
“Of course alam ko na, so cut the
bullshit and go straight to the point.”
“Nagsisisi na ako at I am very sorry
for what I did. Alam kong nasaktan ko si Ryan…”, nahihiyang sabi ko.
“Nagsisisi? Sorry?! Cmon! You had
two weeks para hanapin sya! Itext o tawagan! Pero may ginawa ka ba? And don’t
you dare tell me na kaya mo ko kinausap dahil gusto mo ng tulong ko! Dahil the
answer is a straight NO.”, matigas na sabi ni Karen. Para naman akong
pinagsasampal sa sinabi nya.
“Look, alam ko mali ko, ok?! Hindi
mo na naman kailangan ipamukha pa sakin yun, eh!”
“Alam mo naman pala eh! So wag mo ko
tataasan ng boses. Ikaw ang lumapit para makipag usap sakin. Wag mo kalimutan
yan.”, mataray na sabi nya.
Napatahimik ako sa sinabi nya.
“Alam mo Larc, I used to admire you
two. I mean the bond between you two. Natatandaan mo ba dati? Grabe ang rumors
tungkol sa inyong dalawa dahil pinagkakamalan kayong magjowa?! Pero dedma lang
kayo and you kept the bond stronger. Pero anong ginawa mo?”
“Karen.. I wasn’t thinking..”
“Obviously. Duh!”
“Wala akong maidedepensa sayo dahil
alam kong mali ko.”
“Yun lang ba sasabihin mo? Gusot mo
to Larc, kaya ikaw ang gumawa ng lusot mo. Walang nagsabi sayo na gawin mo to.
Ikaw ang nagdesisyon dyan. Kaso ito ang resulta ng desisyon mo, kaya panindigan
mo.”, mataray pa ring sabi ni Karen sabay tayo at walk out.
Nakita ko si Karen na nagwalk out
sabay tigil at tumingin sakin.
“Alam mo, akala ko malakas ka na,
eh. I mean after ng nangyari sayo nung elementary kayo. Akala ko nakabangon ka
na. Hindi pa pala. Mahina ka pa din, Larc.”
“What do you mean?”
“Hindi ka lang pala mahina. Tanga ka
pa. At manhid.”
“Hindi ko maintindihan.”
“Honestly ha, ang insensitive mo.
Dahil kung titingnan mo, ha. Kahit siguro ako ang maging bestfriend mo since
birth, once na malaman kong ipinagpalit mo ko over anything, hindi ko
ipagsisiksikan ang sarili ko sayo! Pero why do you think ginawa at tiniis ni
Ryan yun?”
Nashock ako sa sinabi ni Karen.
Anong ibig sabihin nya sa sinabi nya ngayon lang? Could it be…?
Could it be…? Nararamdaman din nya
ba ang nararamdaman ko para sakanya…?
Ryan Pabalan
“Ano ba tong pinaggagawa nyo
sakin?”, inis na tanong ko sabay labas ng maliit na kwarto.
“O.M.G”, sabay na sabi nila Chelsea
at Karen.
“Ano?!”, inis na tanong ko.
“Mission Accomplished.”, sabay
apiran ng dalawang babae.
I looked at myself in the mirror.
Mismong ako ay namngha sa aking nakita. I looked… different. Hindi ko alam na
pwede palang magbago ng ganito ang ichura ko.
“Ang gwapo mo bes…”, dahang dahang
lapit ni Karen.
“Now, its time for your haircut!”,
magiliw na sabi ni Chelsea.
Make-over. Yan pala ang plano nila
all along. Or should I say nirenovate nila ang ichura ko. Alam kong it took
them a lot of effort para mabago ng ganito ang ichura ko.
“Hindi ako kumprotable sa ichura ko.
Ichurang… Ichurang.. Hmmm.. mayaman.”, nahiyang sabi ko sa dalawa. Nagtawanan
naman sila.
“Bes, you asked for my help, diba?
Kaya wag kang magreklamo dyan. Now we have to work on your attitude!”, matigas
na sabi ni Karen.
“Hala! Bakit, di naman masama ang
ugali ko ha!”, natawa naman si Chelsea.
“Sweetie, ang ibig sabihin nya is
iimprove natin pa. MEdyo mahiyain ka kasi pa, lagi ka pang naka kuba maglakad.
Hmmm.. Ano bang tamang term? AH! Personality Development!”, ngiting sabi ni
Chelsea.
Kinabukasan ay naiilang at nahihiya
akong pumasok sa school. Alam kong napansin ni Karen yun. Kaya naman inakbayan
nya ko.
“It’s okay. Andito lang ako.”,
paninigurado ni Karen.
Sa paglalakad naming sa campus ay
napansin ko naman ang karamihan na napapatingin sa akin. Yung iba ay ngini
ngitian pa ko. Nakakapanibago.
Sa paglalakad naman naming ay
nakasalubong naming si Andre.
“Uy, Andre!”, masiglang bati ko.
Bigla naman itong napatingin at parang nagulat sa ichura ko.
“Tol! Uy! Ang gwapo natin, ha! Ibang
iba ichura mo! Astig, pre ha!”, ngiting sabi ni Andre.
“Talaga?”, masayang tugon ko.
“Hmmm. Oo. Pero alalay ka pa rin
para sakin.”, masayang biro nito. Ngumiti lang naman ako.
“Hahaha! Ewan ko sayo!”, birong
tugon ko din naman.
“Ahem! Excuse me guys, ha. May
pupuntahan pa kasi kami ni Ryan, eh.”, biglang singit ni Karen.
“Sige, tol, una muna kami.”,
pagpapaalam ko.
“Sige.”, pag ngiti ni Andre.
Habang naglalakad naman kami ni
Karen ay hindi ko natiis magsalita.
“Salamat.”, seryosong sabi ko.
“Ikaw lang, eh!”, ngiting tugon nya.
Habang naglalakad naman kami ay
nakasalubong namin si Chelsea na patakbo papunta samin.
“Ohmygawd! Grabe, parang biglang
ibang tao ang nasa harap ko, ah! I really admire our work bakla!”, sabay apir
ni Chelsea kay Karen.
“I know right?!”, sabay tawanan ng
dalawang babae.
“So here’s the plan for this week…”,
pagpapaliwanag ni Chelsea. Naguluhan naman ako bigla.
“Teka, teka. Anong plan?”, takang
takang tanong ko.
“Kung ipa explain mo muna kaya ako.
Kaya nga sasabihin ko diba? Para di ka magtanong?”,
pamimilosopo ni Chelsea.
Natawa naman ako.
“Ay? Vice Ganda? Heheheh.”, natawa
din naman sya.
“Hahaha! So eto na nga. Now you have
to make friends. Mukha ka namang friendly, at sa kwento nito ni bakla, magaling
ka naman makisama. At dyosko! Kahit naman ata di nya ikwento pa, yung nalaman
ko lang yung kamartyran na ginawa mo, swak na para malaman ko na..”
“Oh, sige teh! Ichika mo uli para
madepress ulit toh!”, inis na sabi ni Karen kay Chelsea.
“Ay Sorry! Daldal ko kasi ihh..”,
nahihiyang sabi ni Chelsea.
“Buti alam mo! Baklang toh..!”,
dagdag pa ni Karen.
“Hindi, okay lang…”, pagsingit ko.
Habang nagdadaldalan naman ang
dalawa eh biglang nagvibrate ang phone ko. Nakita kong may isang message ito
kaya agad kong binuksan at binasa ito.
“You really look good today! :)”,
txt ni Andre.
Hindi ko alam pero napangiti ako sa
simpleng txt message nay un.
“Talaga? :)”, reply ko naman.
“Yeah… Seriously… :)”
Napangiti muli ako.
“Hoy! Nakikinig ka ba? Sino ba yang
nagtext at ngi-ngiti ngiti ka dyan?!”, biglang tanong ni Karen. Bigla naman ako
parang nagising.
“Hah! Wala. Ano nga ulit yun.”,
tanong ko.
“Susme! Ieexplain ko nanaman? Ang
sabi ko isasali kita sa pageant, ha! Kaya magrehearse ka mamaya.”, dahan dahan
pero iritableng explain ni Chelsea.
“Hah?!”, halos himatayin naman ako
sa gulat.
“I know right?! Exciting, diba?”,
masayang sabi ni Chelsea.
“Gaga! Hindi yan ang “hah” ng
excited. Nagulat yan. Nagulat!”, biro ni Karen. Nagtawanan naman ang dalawa.
“Isasali nyo ko sa pageant?!”,
tanong ko muli.
“Alam mo, hindi ko alam kung di ka
nakikinig talaga o tanga ka. Paulit ulit ba ang explain dito? Kaloka ka friend,
ha!”, pangaasar ni Chelsea.
“Hala! Hindi ko alam ang gagawin
dyan!”, pagrereklamo ko.
“Don’t worry. Kaya nga ako andito.
I’ve been doing this since high school kaya sanay na ko sa mga ganto.
Tutulungan kita!”, ngiting pilya na sabi ni Chelsea.
Parang ang bilis ng mga pangyayari.
Everyday, I’ve been making new friends, marami ng bumabati sakin, ang dami
nakikipagkilala. Basta ang daming bago. Parang nahahwa na ko sa kasikatan ni
Chelsea at mga kaibigan nya. Pinapakilala kasi ako ni Chelsea sa lahat lahat
lahat ng kakilala nya sa University namin. And I must say, dahil nga sa
pagiging captain nya ng pep squad ay sobrang kilala sya. Ultimo sa mga geeks
hanggang sa mga sikat sa school.
Ang nakakatuwa sa lahat ng ito ay
mas nakilala ko si Chelsea. Hindi nga totoo nga ang mga rumors tungkol sakanya
na bitchy attitude sya. Marami lang din sigurong insecure sakanya. Kasi I can
see na she is nice, bubbly, at napaka totoong tao. Medyo shunga nga lang
minsan. Hehehe.
I was feeling happy for a while.
Halos araw araw ay tumataas ang confidence ko sa sarili. Idagdag mo pa dyan ang
pagsali ko sa pageant. Cinocoach din kasi ako ni Chelsea at ng mga friends nya
sa mga dapat gawin. Sila pa nga ang pumili sa mga isusuot ko para sa pageant.
Pero di dahil maraming nagbabago sakin ay kinakalimutan ko na ang pagaaral ko,
ha. Syempre top priority ko pa rin yun.
Pero ang isa pang nakakagulat ay
unti unti akong pinapansin pati ng mga kaibigan ni Larc. Minsan ay
nakikipagbiruan sila sakin pag nakikita nila ako. As in biro lang, ha. Hindi
lait. Pero ito rin ang pinaka masakit na eksena para sakin. Dahil pagnakikita
ko ang mga kaibigan ni Larc ay nakikita ko din sya. At andun lang sya,
nakatingin. Walang sinasabi. Araw araw namimis ko pa din sya. Ang dami kong
gustong ikwento sakanya. Tulad ng mga bagong nangyayari sakin, gusto ko malaman
how he thinks sa bagong ichura ko. Kung gwapo din ba ako sa paningin nya. Lahat
namimis ko na tungkol sakanya. Pati yung tipong ipagluluto ko sya sa umaga ng
almusal, mga pagsusuyuan naming pag may tampuhan, at syempre ang mga kulitan at
asaran. At ang pinakamasakit sa mga tagpong nagkikita kami ay ang napapatulala
na lang kami sa isat isa, hanggang sa maramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko…
Isang araw, medyo late na natapos
ang rehearsal para sa pageant. Pagod man ay masaya ako. Mababait din kasi ang
ibang contestant kahit pa baguhan ako at makakalaban nila sa pageant. Tsaka
hindi naman cguro ako threat din sakanila. Kita naman siguro nila yun.
Matapos ako makapag ayos ng gamit ko
ay naghanda na ako sa pag uwi. Peron g palakad na ko sa labas ng auditorium
kung san ginanap ang practice ay nakatanggap naman ako ng isang text.
Beep. Beep.
“Meet me sa front gate.”
Hala.
Dali dali akong nagpunta sa front
gate. I was wondering kung anong kailangan sakin ng nagtext. Hindi naman talaga
ako kinakabahan. I was just curious.
“Oh, anong problema?”, agad kong
bungad ng makita ko ang nagtext sakin. Si Andre.
“Samahan mo ko, please.”, malungkot
na sabi nya.
“Huh? Anong nangyari?”, alalang
tanong ko.
“Explain ko na lang sayo sa daan.
Tara na.”, pagmamadaling sagot ni Andre. Medyo naguluhan naman ako at nagalala.
Ngayon ko lang kasi nakitang ganto si Andre.
Habang nasa loob naman kami ng
sasakyan ay tahimik lang kami. Halata ang pagkabagabag sa mukha ni Andre. Hindi
ko tuloy maiwasan magalala at mangamba. Kaya naman ng di ako makapagtimpi ay
nagsalita na ako.
“Andre, ano bang problema. Ok ka
lang ba?”
“Hindi mo naiintindihan Ryan..”,
malungkot na sagot nya.
“Ang alin..? Sige, nakikinig ako.
Ano bang problema?”, pagtatanong ko. Mas kinabahan ako.
Hindi sumagot si Andre. Nagdrive
lang sya ng drive. Hindi ko naman alam ang sasabihin para sabihin sakin ni Andre
kung ano man ang problema nya. Hindi din tuloy ako mapakali.
Nagdrive lang ng drive si Andre. Hanggang
makarating kami sa isang pamilyar na lugar. Sa parke. Nagpark sya at nakaupo
lang. Tahimik.
“Ah, Andre. Ano bang problema
talaga…?”, alalang tanong ko. Tumingin sakin si Andre. Ngayon ko lang
naagmasdan ang mukha nya talaga. Makakapal na kilay. Mahahabang pilik mata,
brown eyes, matangos na ilong, at mapupulang labi. At ang napaka masculine na hugis
ng mukha nya.
“Kasi Ryan…”, seryosong tugon nya.
“Ano… Sige, sabihin mo..”, sinabi ko
sa paniniguradong boses.
Tumingin lang sya sa akin. Seryoso.
Seryoso. Sabay bigla syang tumawa ng malakas. Naguluhan naman ako bigla.
“Ang seryoso mo naman!”, sabay
pakawala nya ng malakas na tawa. Naguluhan naman ako.
“Huh?!”, gulat na tanong ko.
“Hahahaha! Gusto lang kita yayain
dito. Namis ko kasi kumain ng fishball ni manong.”, sabay pakawala nya muli ng
masiglang tawa.
“Hmm! Ugok ka!”, sabay batok
sakanya. Mas lalo naman syang tumawa.
“Hahaha! You shoulde seen the look
on your face! EPIC!!”, sabay tawa nyang muli.
“Buang ka! Nagalala pa man din ako!
Akala ko kung ano na! Sira ka talaga.”, medyo inis kong sabi. Pero nakahinga
naman ako ng maluwag kahit papano. Atleast alam kong okay lang sya.
“Hahaha. Halata nga eh. Uuuy!
Concerned sya sakin!”, pangaasar nya.
“Lul! Hindi ah!”, inis kong sagot.
Parang bigla naman syang natahimik.
“Ay. Kala ko pa naman…”, sabay
tingin sakin ng malungkot. Nagulat ako bigla. May naalala ako sa mga tingin nay
un. Ganun na ganun tumingin sakin si Larc pag inaamo ako pag nagkakatampuhan
kami. Totoo ngang para kaming magjowa pag nagaamuhan. Mas namis ko tuloy si
Larc.
“Tingnan mo to. Ako tong inaasar mo,
tapos ikaw ang pikon. Tara na nga! Kumian na tayo. Pero treat mo, ha! Ikaw
nangaladkad sakin dito eh!”, sabay bigay ng isang ngiti sakanya. Bigla namang
bumalik ang mga ngiti sakanya.
“Aba! Maka utos tong alalay na to!”
“Bay an! Luma na yang joke nay an,
eh! Wala bang bago?!”, pangiinis ko.
“Aba! Porket gwapo ka na ngayon,
marunong ka na mang asar, ha!”, pagtawa nya.
Tumawa lang ako sabay bumaba na kami
sa sasakyan at hinanap si manong fishball. Natatandaan ko, dito din kami unang
nagkakilanlan ni Andre. Nagulat pa ako dahil akala ko gang gumising sakin noon.
Kaso nagtaka ako dahil kung guard yun, bat ako inenglish? Sosyalan si manong
guard, ha!
Bumili kami ng fishball at iba pang
street food sabay naupo muli sa isa sa mga bench doon. Tulad nung huli kaming
andito. Kaso tahimik lang si Andre. Nakatitig sakin habang kumakain kami.
“Ano bang tinitingin tingin mo dyan?
Nakakailang ka na, ha. Type mo ko noh?”, pagbibiro ko sabay tawa. Hinihintay ko
naman ang biro nya dahil nasa mood ako makipag asaran ngayon.
“Paano kung oo…?”
Ang ganda ng story......hayz umiikot ang imagination ko sa mga susunod na mangyayare.....panalo talaga.... galing ng author...:-)
ReplyDeleteAyiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!
ReplyDeletenakakaloka nabitin ako... ahahaha
ReplyDeleteauthor add me up sa fb..jamesreyes_2769@yahoo.com. looking forward to d new chapters, cnt weyt to read them...:-)
ReplyDeletesheteng malupit!
ReplyDelete-yume