Kamusta po ulit sa inyong lahat? ^_^ As in lahat kayo.... Opo.
Okay, una po muli sa lahat, ay AGAIN, pasensya na po at alam ko ang bagal ko magpost. Yung tipong nakakairita na. Alam ko po yun, pero sana po ay mabigyan nyo pa po ako ng pasensya dahil po sa pagkabusy talaga ng schedule ko po. Huwag po kayong magalala dahil matatapos ang story na ito at hindi ko kayo iiwan sa ere. Sana lang po ay maintindihan nyo ang bagal ko magpost.. :(
Pangalawa, gusto ko pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)
Pangatlo, alam ko po din na hindi nanaman ako nakareply sa comments ulit, pagpasensyahan nyo na po. Pero guys, pwede nyo po ako i-add sa fb, just send me a message po pagka add nyo.. I usually reply pag sa fb po.. dizzy18ocho@yahoo.com po.. Thanks po. Hindi ko na pahahabain ang salita.. Enjoy na lang po!!
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
“Paano kung oo?”, seryosong sagot nya. Agad naman akong
tumawa. Pero teka, ano daw? Agad akong tumawa dahil akala ko kung anong joke
ang susunod nyang sasabihin. Pero teka nga uli. Tama ba ang narinig ko?
“Hahaha! Mapagbiro ka talagang ugok
ka! At ang korny mo, ha! Kung talagang gusto mo ko, dito mo talaga ako
idadate?”, pagbibiro ko sabay pakawala ng isang malakas na tawa.
Biglang tumayo si Andre at hinablot
ako. Nagulat naman ako sa ginawa nya.
“Teka, san tayo pupunta? Di pa ubos
yung kinakain ko. Sayang naman!”, takang tanong ko.
“Diba sabi mo, kung talagang idadate
kita, gusto mo dalhin kita sa maayos na lugar?”, seryosong sabi ni Andre.
Hala. Seryoso ba sya? Hmmm. Mukhang
seryoso nga sya. Tiningnan ko sya mata sa mata para malaman. Tinitigan ko sya
at hinintay na humagalpak sya kakatawa. Pero nakatayo lang sya, nakatingin din
sa mga mata ko. Shit, seryoso nga sya.
Umiling ako.
“Huwag ka nga magbiro. Tara na,
balik na tayo dun. Sayang naman yung kinakain natin.”, tugon ko.
“Hindi ako nagbibiro.”, seryosong
sabi nya. Hinila ko sya pabalik sa kinauupuan naming kanina at tinuloy ang
pagkain. Medyo awkward na nga lang ang pakiramdam ko. Hmmm, hindi naman talaga
awkward in an negative kind of way. Halong kaba at naguguluhan talaga ang
nararamdaman ko.
“I’m sorry…”, seryosong sabi nya.
Naguluhan naman ako.
“Teka, seryoso ka ba?”, seryosong
tanong ko.
“Ryan.. Hindi ko din alam..”, gulong
gulong sagot nya. Natawa naman ako sa loob ko. Malamang, isa nanaman to sa mga
biro nya talaga. Malamg ito na yung part na magbibiro sya.
“Hindi alam na?”, medyo seryoso ko
kunwaring sagot. Pero naghahanda na tumawa anytime.
“Hindi ko alam bat ganito ang
naramdaman ko. Pero simula nung mag-usap tayo dito, yung mas nakilala kita..
Hindi ko alam, pero meron sa loob ko na nagaasam for more. More of you.”,
seryosong sagot nya.
Shit! Wala yung part na hinihintay
ko. Yung magbibiro sya sabay tatawa ng malakas. Seryoso nga sya. Rinig at
ramdam ko sa boses nya yun.
“Teka, Andre, bat ako? Hindi ka
naman katulad ko. Tsaka ang daming babaeng may gusto sayo sa school. Sikat ka
kaya sa school! Paano pag nalaman nila yan? Tigilan mo na nga yang biro mo.”,
tugon ko. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi ko. I wasn’t sure myself bat yun
ang sinabi ko.
“Honestly, do you think I care kung anong
sasabihin nila? Oo, madaming babae, sikat. Pero hindi naman yun ang gusto ko.
Ginusto ko ng isang kaibigan. Nahanap ko yun sayo. Pero meron sa loob ko na
nagsasabi na higit pa dun ang gusto ko…”, seryosong sabi ni Andre.
“Naiintindihan mo ba ang sinasabi
mo, Andre? Alam mo ba ang niririsk mo sa sinasabi mo?”, seryosong tanong ko.
Hindi na biro ito. Kung totoo man ang sinasabi nya, ang laki talaga ng niririsk
nya. Ang kasikatan nya sa school, ang image nya at ang kung ano ang sasabihin
ng mga tao sakanya. Gusto kong maintindihan nya yun. Pero ikinabigla ko ang
sagot nya…
“Isa lang naman ang risk ang
nakikita ko dito eh. Kapag tinanggihan mo ko at di na kausapin. Ang tanging
niririsk ko ay ang pagkakaibigan natin. Pero handa akong sumugal, masabi ko lang
sayo lahat ito.”
Nagulat ako sa sagot nya. Napaluha
ako. All this time kasi, those were the exact words na gusto kong marinig mula
kay Larc. Kaya tagos na tagos sakin ang bawat sinabi nya. Naramdaman ko ang
pagpunas nya ng luha ko.
“Hindi pa nga ko nakakapanligaw,
napaiyak na kita…”, malungkot na sabi ni Andre. Agad kong pinunasan ang mga
luha ko at tumitig sakanya.
“Hindi ako umiiyak dahil malungkot
ako. Nagulat siguro oo. Dahil I didn’t realize na someone can risk so much para
sakin.”, sagot ko. Sabay ngiti kay Andre.
Hindi ko alam pero alam kong
nalungkot si Andre sa sagot ko. Alam ko, kitang kita sa mukha nya yun.
“Ganun mo kamahal si Larc?”,
malungkot na tanong ni Andre.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam
kung paano sya sasagutin. Pero sa loob loob ko, alam kong “Oo” ang sagot.
“Alam kong mahal mo sya. Na ginawa
mo yung ginawa mo di dahil bestfriend mo lang sya. Ginawa mo yun dahil mahal mo
sya.”, sabay yuko ni Andre.
Tinapik ko si Andre sa balikat. Agad
naman syang tumingin. Kitang kita ang lungkot sa mata nya. Nginitian ko sya.
“Hindi na mahalaga kung ano man ang
nararamdaman ko para sakanya. I’m just happy to know na meron isang tao na
nandyan para sa akin.”, ngiti kong sinabi kay Andre. Ngumiti lang din sya.
“I promise I’d be there…”, he said
reassuringly.
“Ano ba! Ang seryoso mo naman! Hindi
ako sanay na ganyan ka! Hahaha..”, bigla kong pagputol sa moment. Kasi totoo,
hindi naman talaga ako sanay na ganyan sya. Pero he just sat there, nakatingin.
“Why me?”, natanong ko.
“If its reasons you ask, wala akong
maibibigay sayo. Kahit sa sarili ko ay hindi ko alam bakit. Pero what I can
tell you is that I’m happy simply just being with you.”
Naramdaman ko ang pamumula sa sinabi
nya. Those were such kind words. Mga salitang pangarap na marinig ng isang
katulad ko. Natahimik naman ako bigla.
“Oh, eh bat ka namumula dyan?”,
nakangiting sabi nya.
“Hindi ah! Mainit lang kasi! Tara,
bili tayong palamig!”, ngiting sabi ko.
Napatingin ako sa kalangitan bigla.
Katulad nung una kaming nagkita ay maliwanag ang kalangitan, halos walang ulap
kaya naman litaw na litaw ang kinang ng mga bituin. Pero this time, hindi ako
nakaramdam ng pagiisa.
Pagtapos naming kumain ni Andre ay
hinatid na ako ni Andre kaila Karen.
“Ingat ka pauwi ha. Salamat sa
fishball ni manong.”, ngiti kong sabi.
“Thank you for this night.”, ngiting
tugon nya.
Nakangiti pa din ako habang
tinitingnan ang sasakyan nya palayo. Hanggang sa nakapasok na ako ng bahay nila
Karen ay nakangiti pa din ako. Pagpasok na pagpasok ko naman…
“Makangiti naman toh! Kamusta ang
date? Dali kwentuhan mo ko. Daliiiiiiiiiiiiiii!!”, excited na bungad ni Karen.
“Date ka dyan! Hindi ako galing sa
date, noh.”, pagdedepensa ko. Pero Karen just gave me a sarcastic look.
“Hindi nga, ano ka ba!”,
pagdedepensa ko muli.
Tumaas ang isang kilay nya.
“Ok, maybe it was a date. Pero MAYBE
lang. Tsaka teka nga! Paano mo alam na lumabas ako?!”, pag iinteroga ko.
“Nako naman kasi. Tinanong kasi ni Andre
kung pwede bad aw isabay ka nya pauwi. Kasi magpapasama daw sya. E maniniwala n
asana ko kung di lang sana sya parang mukhang di matae habang nagpapaalam
sakin. Tsaka di ka ba nagtataka na di ako nagtetext kung asan ka?! Grabe ha!
Nakalimutan agad ako.”
Oo nga. Hindi nga nagtext si Karen.
Eh usually pag uwian na ay nagtetext ito kung anong oras ako uuwi. Or kung nasa
mall ba sya at sabay ba kami uuwi. Pero this time, e dedma lang sya. Para bang
alam nyang may lakad ako.EH kaya naman pala, alam nya pala talagang may lakad
ako.
Habang nagdadadakdak si Karen eh
biglang nagvibrate ang phone ko.
Beep. Beep.
“Malapit na ko bhy. Tnx pla uli 4
tonyt. :)”
-“Nako, salamat din sa paghatid. Tnx
din.”
“Ay! Ano bay an! Wala pang sampung
minute dito sa bahay, nagtext na agad?!”, pang aasar ni Karen.
“Sira!”, simpleng tugon ko.
“So magkwekwento ko ba o hihitain ko
pa san galangala mo bago ka magsalita?!”, excited na sabi muli ni Karen.
Kinwento ko nga kay Karen ang lahat
ng nangyari at halos mamatay naman sya sa kilig. Natatawa naman ako sa mga
reaksyon nya. Akala mo sya ung sinabihan at inaminan ng damdamin. Mas kinikilig
pa nga sya sakin.
Oo, aaminin ko, kinilig ako sa
nangyari kanina. Sa ginawa ni Andre.
Pero may part din ng utak ko ang natatakot. Ganun ganun na lang bay un? Kaya ko ba agad
agad kalimutan ang isang pagmamahal na binuro ng panahon? Ni hindi pa nga alam
ni Larc ang nararamdaman ko para sakanya. Paano kung..? Paano kung ganun din
pala ang nararamdaman nya para sakin?
Hindi ako halos nakatulog kakaisip
sa mga nangyari. Masyadong unexpected ang ginawa ni Andre kanina. Pero somehow,
napapaisip din ako. Paano kung bigyan ko sya ng chance. What if ang love story
ko with Larc ay tapos na? Paano kung hindi naman pala sya ang ka love team ko
sa kwentong to? Paano kung ako lang ang nagpipilit. Madaming tanong ang lumilitaw
sa isip ko. Kumokontra ang utak ko. Masakit, si Larc naman kasi ang ginusto ko.
Oo na, alam ko, tanga nanaman ako.
Maaga pa din ako gumising
kinabukasan kahit pa kulang ako sa tulog. At ang unang pumasok sa isip ko ay
ang almusal pa rin ni Larc. For this past few weeks na gigising ako ay lagi na
lang almusal ni Larc ang unang pumapasok sa isip ko. Dahil ba routine ko nay un
sa umaga? Hindi. Dahil yun ang isa sa mga rason kung bakit ako gumigising sa
umaga.
Agad kong kinuha ang cellphone ko.
Nakita kong may message. Galing kay Andre. Good Morning message. May smiley pa.
Naalala ko ang nangyari kahapon. Pero for some reason, hindi ako makangiti.
Lalo pa na sa pag gising ko ay ang unang pumapasok ko ay si Larc. Almusal ni
Larc to be specific.
Pagkababa na pagkababa ko ay naabutan ko ng si Karen na
nagaalmusal. Naupo ako sa tabi nya at nag abot naman agad ng kape ang
kasambahay nila sakin.
“Breakfast…”, mahinang sabi ko.
“Huh? Obviously breakfast. Umaga eh. Pero diba good morning
ang usually na sinasabi muna?”, takang tanong ni Karen. Para namang dun pa lang
talaga ako nagising sa sinabi nya.
“Hah. Ah, oo nga. Good Morning pala.”, malamig na sabi ko.
“Tingnan mo to! An gaga aga nakasambakol agad ang muk… Teka,
youre not thinking about… Susme! Wala ka na kaila Larc. And stop thinking about
it na. Ngayon pa, may Andre ka na.”, nangaasar na sabi ni Karen. Tiningnan ko
lang sya at ngumiti. Out of nowhere ay bigla naman akong nagsalita.
“Kamusta na kaya sya?”, mahinang sabi ko.
“Si Andre? Ay! Teka, ittxt ko…”, casual na sabi ni Karen.
Pinigilan ko naman sya sa pagttxt.
“I mean si Larc.”, mahinang usal ko. Magagalit n asana sya
but then nagiba ang reaksyon nya ng makita nyang seryoso ko.
“Friend… Actually, hindi ko alam ang sasabihin sayo para
maging komportable ka. Sana may sagot din ako sa tanong mo.”, seryosong sabi ni
Karen sabay hawak sa kamay ko. Tiningnan ko lang si Karen sabay bigay ng isang
malalim na buntong hininga.
“Ako din…”, malungkot na sabi ko. Tiningnan lang ako ni
Karen. Nasense ko na nalungkot na rin si Karen dahil sa mood ko.
“Ano ba yan! An gaga aga ang lungkot natin!”, biglaan kong
pagbibiro.
“Aba! Ikaw kaya tong biglang nagsenti. Nagkape ka lang ganyan
ka na!”, pagbibiro din ni Karen. But then nanahimik kaming dalawa. Tumingin
lang ako kay Karen sabay higop ng mainit na kape.
Sabay kaming pumasok ni Karen papuntang school. Nagsasabi sya
ng gagawin for the whole day. Like yung rehearsal para sa pageant dahil malapit
na to. Mag pipilian pa daw kami mamaya ng mga isusuot. At kung ano ano pa.
Hindi ko na kasi masyado maintindihan ang iba dahil lumilipad pa rin ang isip
ko.
“Huy! Andito na tayo!”, biglang sabi ni Karen.
“Hah? Ano yun?”, biglang parang balik ko sa realidad.
“Tamo to! Sabin a hindi ka din nakikinig kanina. Sabi ko,
andito nap o tayo kaya bumaba ka na dyan.
“Ah. Oo. Eton a nga, eh.”, casual na sagot ko.
Pagbaba ko naman ng sasakyan ni Karen ay may nakita akong
isang napakapamilyar na sasakyan na nagpark sa tabi naming. Sasakyan ni Larc.
Napako lang ako sa kinakatayuan. Nakita ko naman na napatingin lang sakin si
Karen.
Nakita kong bumaba mula sa sasakyan si Larc. Pagkababang
pagkababa naman nya ay tumingin ito sakin. Gawd, he looks terrible. Halata ang
pamamayat ng katawan nya at ang pagkakaroon nya ng eyebags.
“Hi…”, bigla ko na lang narinig mula sa mga labi ni Larc.
Hindi ako makahinga. “Hi” pa lang ang sinasabi nya pero para akong natulala.
God knows kung gano ko gusto ko sya lapitan at yakapin. Gusto ko ibalik ang
dati.
“Hey.”, ang tanging naisagot ko. Nakita kong nagbigay ng
pilit na ngiti si Larc at kumaway ng bahagya. Pagtapos nun ay hindi na ko
nakatingin sakanya. Sinadya kong ibaling ang tingin ko sa iba. Sabay naglakad
ako palayo. Mabilis. Nagmamadali. I wanted to look back pero hindi ko kinaya.
Natagpuan ko ang sarili ko sa mini park. Maraming alaala para
sakin ang lugar na to. Dito kasi ako madalas naghihintay noon kapag may ball
practice si Larc. Pero ngayon, andito ako. Wala ng hinihintay. Napatingin ako
sa kamao ko, nanginginig.
“Are you ok?”, sabay litaw ng boses mula sa tabi ko. Si
Karen. Niyakap ko lang sya. Gusto kong umiyak. Alam kong nasense ni Karen yun
kaya pinigilan nya ko.
“Hindi ngayon. Huwag. Pigilan mo. Huwag dito.”, tanging sabi
nya. And she was right. Kailangan kong maging matatag. Ako din nagdesisyon
nito. We both played our parts kung bakit nagkaganito. Yumakap lang ako ng mas
mahigpit kay Karen.
Natapos na ang klase ko maghapon at nasa rehearsal ako para
sa nalalapit na pageant. Two days more, big night na. Halos wala naman ako sa
sarili habang nagppractice.
“Whooooow!”, biglang may sumigaw mula sa likuran. Nagtinginan
ang lahat, pati ako. Nagulat ako ng makitang si Andre pala ang sumigaw. Nang
mapansin naman nyang nakatingin na ako ay nagbigay ito ng isang malawak na
ngiti. Nagtinginan naman ang ibang contestants sa akin. Nagbigay lang ako ng
isang ngiti at sumaludo kay Andre.
Binigyan kami ng break ng director ng pageant. Pahinga daw
muna kami ng 30 mins bago kami magsimulang muli. Agad naman na lumapit si Andre
ng magkalasan na kami. Dinalhan naman ako ni Karen ng tubig at umupo sa tabi
ko.
“Kain ka muna.”, agad na sabi ni Andre sabay abot ng plastic
bag.
“Ano to, fishball ni manong?”, pagbibiro ko. Bigla naman
syang parang nalungkot ng buksan ko ang plastic at nakitang pagkain galing sa
Mcdo.
“Sorry, wala kasi akong time para puntahan si manong at
bumili ng fishball kaya yan na lang binili ko…”, malungkot na sabi ni Andre.
“Huy! Ano ka ba. Binibiro ka lang. Salamat dito. Masarap kaya
to.”, pagngiti ko. Agad naman na bumalik ang ngiti ni Andre.
“Dibale bukas, dadaan ako at bibili ng fishball!”, masayang
sabi ni Andre.
“Salamat dito ha. Pero kahit hindi ka na pumunta kay manong
fishball. Ano ka ba, kahit nga hindi ka na magdala ng pagkain. Ako ang alalay
dito, diba?”, pagbibiro ko.
“Huwag mo na nga sabihin yang “alalay” nay an. Naaalala ko
lang kung gaano ko naging kasama sayo eh.”, pagmamaktol ni Andre. Tumawa naman
ako ng malakas.
“Ano ka ba! Wala na yun. Tsaka dun mo nga ako nakilala, diba?
Ang saya kaya, edi sana kung di mo ko inasar nun, hindi tayo magkakilala ngayon
ng ganito!”, masayang biro ko. Napansin ko naman na nakatingin lang sya at
nakangiti. Si Karen naman ay patingin tingin lang samin at pangiti ngiti habang
nakikikain sa dalang pagkain ni Andre.
“Oh, bakit nanaman nakatingin ka ng ganyan?!”, takang tanong
ko sabay pisat ng ketchup sa pisngi nya.
“Aba! Gumaganyan ka na ngayon ah. Pero masaya ka ba talaga?
Na…. Nakilala mo ako?”, nahihiyang tanong nya. Namula naman akong bigla.
“Ahem, ang sweet nyong dalawa dyan, ah! Kung di ko lang kayo
kilala, iisipin kong magjowa kayong dalawa!”, sabay litaw ng isang boses. Si
Melai, kasama ang boyfriend nitong si Andoy. Mga kapwa ko contestant sa
pageant.
Agad na nagbago ang mood ko. Napansin ko naman na tumingin
agad sakin si Karen. Alam nya na nagbago ang mood ko. May naalala kasi ako sa
mga katagang yun. Those were the exact words na sinabi din sa amin ni Karen
noong highschool palang kami ni Larc. It
brought back bitter-sweet memories.
Napatingin ako kay Andre at napansin na namumula ito ng
bahagya.
“Kayo talaga…”, tanging sagot ko lang. Naramdaman ko naman
ang pagpisil ni Karen sa kamay ko. Tiningnan ko lamang sya at nginitian na
parang sinasabing, “I’m okay”
Nagkatuwaan kami ng mga kasama ko sa pageant at nila Andre.
Nagkaroon ng konting biruan, tawanan. Pero hindi ko pa rin maalis ang nabanggit
nila Melai kanina. Muli, naalala ko nanaman si Larc.
Natapos ang rehearsal at nagsiuwian na kaming lahat. Medyo
nawaglit na rin sa isip ko si Larc dahil na rin sa saya ng samahan naming sa
pageant. I had new friend ulit. At nandyan si Andre para sumuporta sakin. Kahit
pa nagkakaroon na ng isyu tungkol samin.
Habang nasa sasakyan naman kami ay nagsalita si Karen.
“Friend, okay lang na ienjoy mo ang nangyayari sayo, ha. Pero
wag mo kalimutan na may gagawin ka pang term paper, ha.”, ngiting sabi ni
Karen.
Shit! Oo nga pala. May lintik na term paper pa pala akong
tatapusin. Kailangan hindi ko pa rin pabayaan ang pag aaral ko kahit pa medyo
nagbabago na ang takbo ng karera ko sa school. Pero ni hindi ko pa nga
nasisimulan yung term paper ko.. Pano kasi… Nakaila Larc pa rin ang iba kong
gamit at ang kailangan kong libro ay naandoon din.
Lumipas pa ang dalawang araw. Nagseryoso pa rin ako sa
pagaaral, at inayos ko din ang rehearsal para sa pageant. Ayaw ko naman
sayangin ang efforts nila Karen, Chelsea at ng ibang kaibigan nito na tumulong
sakin. Ang isa pang nakakatuwa ay humahabol si Andre sa rehearsal naming kahit
pa alam kong pagod ito sa training nila sa basketball. Magdadala ito kahit man
lang kahit anong snack at inumin para sa akin.
At sawakas. Dumating na ang araw na pinakahihintay ng
karamihan. Halos hirap naman ako lumunok. Ito nay un. Ito na..
Ang gabi ng pageant!
Oo na Andre!!! Kainis naman, bitin ulit... Thanks again Ken!!! Cant wait till the next chapter... ^^
ReplyDeletedone uli ken..mbuti nalang naopen ko to..nkapagpost ka na pala..
ReplyDeleteantay ko uli ang next..lalong gumagnda..ano kaya ang mangyayari xa araw nang pageant
ang ganda talaga nito first time ko magcomment here..
ReplyDeletepwede poh bang next chapter na..
:D
shoooooot itttt
ReplyDeletebwhahaha
-yume