Kamusta po muli sa lahat? ^_^ Yay!! Apir!!
Una sa lahat ay gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mambabasa ng story na ito. Ako po ay luos pong natutuwa at sinuportahan nyo pa rin kahit OA sa tagal ako makapagpost. Salamat po sa pag intindi sa aking hectic schedule po. Sana ay wag kayong magsawa ha.. Salamat po!!
Gusto ko pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)
Actually, natutuwa po ako sa mga comment dahil may mga kanya kanyang opinyon po ang bawat isa, meron pang nagbansag na "RYANDRE" at "LARCAN". natuwa talaga ako dun. wahahaha!! Basta po, sana ay kung ano man ang maging resulta ng story ay abangan nyo po. Di ko na patatagalin, Enjoy na po kayo!!
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED
Gabi na ng pageant. Halos dagain naman ako. Hindi nga lang
ata daga eh. Halos lahat ata ng hayop na pwede magkasya sa sikmura ko ay meron.
Halos himatayin ako sa kaba dahil ito na yun eh. Kung hindi ako masyado
kinakabahan sa rehearsal dahil kami kami lang ang andun. Eh ngayon ay
napakaraming tao na dumalo. Kaya naman halos maging gelatin ang mga tuhod ko sa
kaba.
“Start na tayo in 5mins guys!”, sigaw ng isang staff ng
pageant. Mas lumakas ang kabog sa dibdib ko. Nakita ko naman lumapit sakin si
Chelsea. Napakaganda nya in her teal gown. Mas lumabas ang kaputian nya. Para
syang isang prinsesa.
“Good luck Ryan. Kaya mo yan! Tandaan mo lang ang mga tinuro
ko sayo.”, ngiting sabi ni Chelsea.
“Kinakabahan ako Chelsea.”, tanging naisagot ko.
“Obviously. Pero kaya mo yan! Oy! Karen, nakahanda nab a ang
mga isuosuot nito? Ayusin mong bakla ka, ha! Wag mo ipapahiya tong manok
natin!”, Ngiting sabi ni Chelsea samin ni Karen.
“Of course naman yes!”, sagot ni Karen. Niyakap ako nila
Karen at Chelsea bago pa man din ako pmunta backstage. Kinakabahan na talaga
ako. Ang lakas ng hiyawan sa labas habang tinatawag ang bawat kandidato.
“Contestant number 6! Mr. Ryan Pabalan!”, sigaw ng host.
Suskopo! Tulong!
Lumabas ako ng stage wearing my white tailored suit. May dala
dala pa akong baston habang rumarampa sa entablado. I was also wearing a fedora hat na may feathers feathers pa. Para akong sinaunang gangster na conyo
na hindi ko maintindihan. Napakaraming tao. Parang gusto ko ng bumalik sa
backstage at mag pack up na sa kaba.
“Smile. Smile! Project!”, paulit ulit na sigaw ng utak ko.
Pilit inaalala ang lahat ng itinuro nila Karen at Chelsea. Nararamdaman ko
naman ang pagtagaktak ng pawis ko sa sobrang kaba. Hanggang makapag lakad na ko
sa buong stage at tumabi sa katabi kong contestant ay halos himatayin pa rin
ako sa kaba.
“Pare, you’re too tensed. Relax ka lang. Hinga. Kaya mo
yan.”, ngiting sabi ng katabi kong si Andoy.
Tumingin ako kay Andoy at ngumiti din. Nakakatuwa dahil kung
tutuusin ay magkalaban kami pero isa pa sya sa nagchecheer sa akin. Medyo mas
kumalma naman ako kahit papaano.
Habang nakatayo ako ay napatingin ako sa madla. Napakaraming
tao. Halos buong student body at ang mga kanya kanyang bisita ay andun.
Nakakatuwa dahil lahat ng mga bago kong nakilalang mga kaibigan ay andon at
nagchicheer para sakin. Andun din ang buong pep squad at basketball team.
Nakita ko naman bigla si Andre na kakaway kaway pa sakin. Nginitian ko naman
sya.
Pagkangiti ko kay Andre ay biglang parang huminto ang oras.
There he was standing. Tahimik. Napatingin ako sa mga mata nya. Its as if gusto
nyang umiyak. Mas lalo akong nanlambot. It was Larc. Nakatayo at nakatingin
sakin. Kahit pa malayo sya ay alam kong nakikipagtitigan sya mata sa mata. Nang
makita nyang nakatulala ako sakanya ay ngumiti lang ito ng bahagya at tumingin
sakin na parang nagsasabing, “Kaya mo yan!”
Nagsimula na ang first presentation naming ng matapos kami
tawagin isa isa. Medyo mas naging komportable ako ng makita kong todo bigay sa
pagsasayaw ang mga kasamahan ko. At lahat pa sila ay nagchicheer na kayak o daw
yun! Wag ako kabahan. Nakakatuwa.
Bumalik kaming muli sa backstage after ng first presentation.
Meron namang nagiintermission number habang naghahanda kami para sa susunod na
segment. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko at nakita ang message ni Andre
na nagchicheer sakin hanggang sa text. Nagreply naman ako at nagpasalamat at
sinabing kinakabahan ako.
“Wow! You did great! Grabe ka Friend!”, masayang bati sakin
ni Karen.
“Oo nga! Nung una, para kang tuod sa paglalakad mo, pero
nabawi mo naman agad. Para ngang sanay ka na sa ganto eh. Good Luck ulit ah!”,
pagyakap din ni Chelsea.
Next segment na, summer wear. Gusto naman mahulog ng panga ko
ng ibigay sakin ni Karen ang isusuot ko.
“Hoy! Ito talaga?!”, pag sigaw ko kay Karen.
“Opo! At maka hoy ka dyan, ah! Isuot mo na yan!!!”, galit na
sabi ni Karen sabay ngiti.
Pagtapos ko magbihis ay hindi naman ako magandaugaga sa
pagkailang. Nakatingin naman sakin si Karen at mga kapwa ko mga contestant sa
suot ko.
“Bingo!”, nakangiting sabi ni Karen.
Muli akong pumila sa backstage. Para namang bumalik ang mga
hayop ko sa tyan na parang ngayon ay sabay sabay naglulundagan. Nakakailang
naman kasi itong suot ko!
“Bahala na!”, sigaw ko sa utak ko ng tawagin na ang aking
numero.
Muli akong rumampa sa stage. Naka shades ako at naka polo
akong puti na sobrang nipis na halos wala rin akong suot dahil sa sobrang
pagkanipis. Nang makarating naman ako sa gitna ay nakita ko si Karen na
sumesenyas. Senyas sya ng senyas. Nagdadalawang isip naman ako dahil sa
sinesenyas nya. Pinapahubad nya ang polong suot ko.
“Bahala na talaga!!!”, sigaw ko sa utak ko sabay tanggal ng
polong sobrang nipis. Agad namang naghiyawan ang mga tao sa tumambad sakanila.
Ngayon ay naka bikini brief na lang ako na may design na
leopard. Yung tipong parang balat na lang. Nahiya naman ako dahil never in my
dreams na naisip kong magsusuot ako ng ganito sa harap ng napakarami at
sangkaterbang tao.
Hindi naman sa pagmamayabang pero may ilalaban ang katawan
ko. Kung maaalala nyo ay batak ako sa trabaho noon pa man. Kaya naman toned
talaga ang katawan ko. Tipong akala mo ay nagggym. Mas lalo pang bumakat ang
mga hindi dapat bumakat dahil sa body oil na pinahid sakin ni Karen kanina. At
habang rumarampa naman ako ay lumabas sa screen ang shot ko na kinuhanan sa
pool ng Univ namin. Yun kasi ang ipanlalaban naming para sa summer wear
photography.
Halos mapanganga din naman ako sa kinalabasan ng picture.
Kahit mismo mo ako ay nanibago sa ichura ko sa picture. Suot suot ko doon ang bikini
brief na suot ko habang paahon ng tubig at nakatingin sa kaliwa ng bahagya. Naemphasize
pa lalo ang ganda ng picture dahil sa lighting at sa sikat ng araw. Kahit talaga ako ay nanibago at iniisip na parang
hindi ako ang nasa litrato.
Mas lumakas ang hiyawan ng tanggalin ko na ang shades at
kinindatan ang mga tao. At dahil din sa mga hiyawan na yun ay nanumbalik ang
lakas ng loob ko.
“My gawd! Ang hot mo talaga pag suot mo yan!”, pahapyaw na
sabi ni Chelsea ng madaan ko sya habang rumarampa ako.
“Loko!”, biro ko sabay ngiti.
“Nice ass at ang umbok ha!”, pilyang sagot ni Chelsea.
Pagkabalik ko naman sa pila ay nakita kong sumesenyas si Karen ng aprub. Pataas
taas pa sya ng kilay.
“Pare, tunay ba yan?”, biglang biro ng katabi ko sabay turo
kay junjun.
“Oo naman noh!”, biro ko.
“Ang laki eh! Kala ko malaki na tong akin, pero sawa eh!”,
biro nya sabay tawa. Natawa din ako pero medyo nailang.
Nagpatuloy ang pageant at medyo nawawala na ang kaba ko
paunti unti. Muli kaming bumalik sa backstage at nagbihis muli.
“Karen!! Nakita mo ba yung picture ko?! Parang hindi ako!”,
unang bungad k okay Karen pagbalik ko ng backstage.
“At yun talaga ang napansin mo pa ha! Magbihis ka na nga at
TUMUTURO ang hindi dapat tumuro!”, biro ni Karen. Nailang naman ako bigla dahil
pinagtinginan ako bigla ng mga kasama ko kaya agad akong nagbihis.
Habang nagbibihis naman ako ay kinuha ko ang cellphone ko at
nakita muli ang text galing kay Andre.
“Witwiw! Sexy!!”, sabi sa text nya. Napangiti ako.
Muli akong naglakad at rumampa sa entablado. Vintage naman
ang theme. Para akong modern Jose Rizal sa suot ko. Ito na ang pinakahihintay
ng lahat. Ang Q&A portion.
“Oh, so here is our rookie for the year na talaga namang maka
agaw eksena.”, pagintroduce sakin ng host.
“So, how are you tonight?”, tanong ng co-host nya.
“Kinakabahan po.”, kabadong sagot ko. Nagtawanan naman ang
mga tao.
“Don’t be. Sa tingin ko naman ay you’re doing great for a
first timer.”, sagot naman ng isang host muli.
“So here’s your question. …………………………”, banggit ng host.
Biglang gusto kong umuwi. Okay, binigyan kami ng set of
questionnaires para mareview naming. Pero there was this question na talagang
iniwasan ko. Hindi dahil hindi ko ito masasagot. Pero dahil hindi ko alam kung
paano ko sasagutin. Napatingin ako muli sa host, sa mga tao, at huling huli ay
napatingin ako kay Karen. Mas kabado pa sya sakin dahil alam nyang iniiwasan ko
ang tanong nay un. Bakit ba kasi ito pa ang tinanong eh ang dami dami naman
pwedeng itanong.
“So.. candidateNo. 6, What is the meannning of bestfriend to
you?”, muling ulit na tinanong ng host. Nagpause ako sandal. Gustong tumulo ng
mga luha ko pero nakatingin ako kay Karen at umiling ito. Tama. Kailangan
ituloy ang laban.
Sasagit n asana ako ngunit parang automatic na hinanap ng mga
mata ko ang kinaroroonanan ni Larc. Nahuli kong nakatingin sya sa akin na medyo
mamasa masa ang mga mata. Kahit pa medyo malayo sya ay alam kong mamasa masa
ito. Napansin ko naman nagtinginan sakanya ang mga kateam nya sa basketball.
Huminga ako ng malalim. Napakalalim. Sabay sagot.
“Honestly, that is that one question that I’ve been praying
for not to be asked. But well, bestfriend…”, sabay napa pause ako. Paano ko nga
ba idedescribe ito? Ano na nga ba ang ibig sabihin nito sakin? If I were to be
asked before, kayang kayak o ito sagutin. Pero ngayon, pagtapos ng lahat ng
nangyari ay hindi ko na alam ang isasagot.
“Yes candidate number 6?”, pagtawag pansin sakin ng host.
Bigla ko naman tiningnan si Larc. At from there, lumabas ang mga katagang ito.
“I believe a bestfriend is someone whom your soul can go
naked with. No pretentions, no masks that needs to be worn. A bestfriend is
someone who is able to be honest to you when the world has been feeding you
lies. He will act as a mirror and show you the things you don’t want to see.”,
napatigil muli akong sandal dahil tumatagos sakin ang mga sinasabi ko. Huminga
muli ako ng malalim sabay sumagot muli.
“I also believe that a bestfriend is not someone who will
always be there by your side. Because sometimes in life, you need to take
separate ways for each to grow as a person. But it also doesn’t mean that the
friendship ends there. Because no matter how far each goes their way, they know
that they will still meet somewhere beneath the rough roads of life. Simply
put, the friendship is still there and silence between two is comfortable.”,
pagtapos ko sa sagot ko. Gusto kong maluha pero I still gave a bright smile.
“Well said. Thank you candidate number 6.”, tanging sabi ng
host.
Para akong nablangko sa mga susunod na pangyayari. Pagkabalik
na pagkabalik ko naman sa backstage ay niyakap lang ako ni Karen. She knows na
gusto ko ng umiyak. Nakita ko rin na lumapit si Chelsea. Wala silang sinabing
kahit ano. Yumakap lang sila sakin at dinamayan ako sa nararamdaman ko.
Napapikit ako habang yakap yakap ako nila Chelsea at Karen.
Alam nila ang nararamdaman ko. Naalala ko lalo si Larc. Nalungkot ako lalo.
Nanghinayang. Kung okay lang sana kami, sya sana ang nandito at nagpapalakas ng
loob ko lalo. Sya sana ang karamay ko sa pageant na to. Kung sana lang…..
Sinuot ko na ang huling damit na gagamitin ko. Formal wear.
Awarding na ng mga nanalo sa gabing ito. Huminga ako ng malalim at nagbigay ng
isang magandang ngiti. Kahit pa ang totoo ay gustong gusto ko ng umiyak.
“Ok, so let’s start off with the minor awards…”, masiglang
sabi ng host. Pero wala ng pumasok sa isip ko. Basta ang natatandaan ko ay
nakangiti lang ako sa madla at nagbigay ng isang ngiti. Naririnig ko ang
palakpakan. Pero hindi ko makuhang maging masaya di tulad kanina. Natagpuan ko
na lang ang sarili ko na nasa backstage.
“Friend, okay ka lang?”, tanong sakin ni Karen.
“Bakla ka! Mukha ba yang okay? Kita mo na ngang lugmok, oh!
Ikaw okay ka lang teh?”, pamimilosopo ni Chelsea.
“Gaga! Wag ka ngang agaw eksena. Alam ko namang di sya
okay.”, pagsagot ni Karen.
“Ry, wag ka na malungkot dyan. Nanalo ka naman ng 1st
place oh. Not bad para sa baguhan na tulad mo. Tapos hinakot mo pa ang mga
minor awards.”, pagpapangiti sakin ni Chelsea.
“Nanalo ako…?”, pagtanong ko. Doon lang ako biglang natauhan.
“Ay susme ka! Tulog ka ba kanina sa stage? Nanalo ka kaya oh!
Tingnan mo ang dami mong sash at 1st place ka pa!”, gulantang na
sabi ni Karen.
“Eh ikaw Chelsea? Nanalo ka ba?”, tanong ko.
“But of course. Ms. University Queen ako, noh! Pero sanay na
naman kasi ako sa pageant. Pero para sa baguhan na tulad mo, impressive kaya!”,
pagpapalakas ng loob ko ni Chelsea.
I won? Oo nga! Nanalo ako! Bat ngayon ko lang narealize?
Nanalo ako!! Agad naman ako yumakap kaila Karen at Chelsea.
“Maraming salamat.”, tanging nasambit ko.
“Oo. Oo. Ok na. Ang hairdo ko masisira. May after party pa
tayo. Kaloka ka!”, patawang sabi ni Chelsea na ingat na ingat sa buhok nya.
“Ay sorry!”, ngiti ngiting sabi ko.
“Kalimutan mo na yun… Don’t spoil your night.”, seryosong sabi
ni Karen sabay ngiti sakin.
Tama si Karen. Hindi ko dapat sayangin ang mga ganitong
sandal. Ni sa pangarap ay hindi ko inakala na pwedeng mangyari to sakin. Kaya
dapat i-enjoy ko ang bawat sandali nito. Kaya niyakap ko ng mahigpit si Karen
at muling nagpasalamat.
Paglabas na paglabas naman namin ng dressing room ay nakita
kong may nagaabang sakin. He was standing there at naka ngiti sakin. Grabe,
parang isang eksena sa isang fairytale o tele novela ang eksena ko ngayon. Wala
nga lang syang dalang flowers, ha. Hindi naman ako babae noh. Agad syang
lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat naman ako sa ginawa nya.
“Congratulations.”, seryosong sabi nya habang nakayakap
sakin. Para namang bumilis ang tibok ng puso ko. I felt loved sa mga yakap na
yun.
“Salamat.”, sagot ko naman. Kumalas sya sa pagkakayakap at
ngitian ako. Si Andre talaga oo.
Halos lahat ng makasalubong namin ay binabati naman ako ng
congratulations. Habang nasa tabi ko si Andre at bitbit naman ang mga ginamit
ko sa pageant.
“Akin na nga yan! Kayak o naman bitbitin yan!”, pag aagaw ko
sa mga gamit ko.
“Alam ko. Pero ok lang. Minsan lang to.”, paghawak nya ng
mahigpit sa gamit ko sabay kindat. Natawa naman ako sa ginawa nya.
“Ang korny mo talaga!”, pagbibiro ko.
“Pare, ang sweet nyo ah! Para kayong magsyota dalawa, ha!”m
bigla namang sulpot ng boses mula sa likuran ko. Sila Kulas. Nangaasar as
usual. Nahiya naman ako bigla. At napatingin kay Andre. Hindi ito tumingin
sakin. Nakatingin lang sya kaila Kulas at ngumiti.
“Alam ko.”, simpleng sagot nya sabay akbay sakin at naglakad
palayo.
Aaminin ko. Nagulat ako sa ginawa nya. Hindi ko kasi
inaasahan ang sagot nya. Ni wala akong naramdaman ng bahid na ikinahihiya nya
kung asarin man sya. Something na hindi ginawa ni Larc para sa akin. Mas napalapit
tuloy ang loob ko sakanya.
“Hoy! Bilisan nyo at may party pa tayo!”, nagaapurang sabi ni
Chelsea. Nagkaroon kasi ng usapan na magbabar kami pagtapos ng pageant. Pero
syempre nagbihis kami ng iba, ha. Mukha naman kaming tanga kung nakasuit at
gown kaming pupunta sa bar, diba?
“Uy, bilisan nyo na nga!”, sigaw ni Chelsea sa isang grupo.
Napangin naman ako at nagulat n gang mga sinagawan nya pala ay ang basketball
team. Napansin ko naman na paalis bigla si Larc. Hinabol ko lang sya ng tingin.
“HHHoyyy! Larc Casanova! Huwag ka maginarte! Captain ka pa
naman nggg basketttball team kaya dapat kasama ka.”, pagsigaw ni Chelsea kay
Larc.
“Sige next time na lang. May gagawin pa kasi ako.”, simpleng
sagot ni Larc sabay tingin sakin. I saw sadness in his eyes.
“Huwag ka ngang maarte!”, sabi muli ni Chelsea.
“Oo nga pare. Sumama ka na.”, nagulat ako ng si Andre ang
nagsabi. Napatingin lang ako sakanya sabay tingin muli kay Larc. Tumingin sya
sakin.
“Osige. Sasama na.”, simpleng sagot ni Larc.
“Sasama din pala! Dami pang artiiiiiii!!”, pagbibiro ni
Chelsea. Napatingin ako kay Chelsea. Tiningnan lang din nya ako at tumango at
sinabing “okay lang yan” ng pabulong.
Nakasakay ako sa sasakyan ni Karen at tahimik lang. Bigla
naman nyang pinatay ang music na tumutugtog.
“Congrats nga pala. Hindi man lang kita nabati ng maayos.”,
masayang sabi ni Karen.
“Nako, salamat din pala ha. Ako naman ang hindi
nakapagpasalamat ng maayos.”, nahihiyang sabi ko.
“Ikaw talaga. Wala yun. Kaibigan mo nga ako, diba?”
“Oo naman…”, malungkot na sabi ko.
“Diba bestfriend mo din naman ako?”, biglang tanong ni Karen.
“Oo naman.”, direchong sagot ko.
“So applicable sakin ang isinagot mo kanina na someone whom
your soul can go naked with. No pretentions.”, seryosong sagot nya sabay
patigil ng sasakyan at tinabi ito sandai. Tumahimik lang ako. Alam ko na kung
saan patungo ang usapan na ito.
“You can be honest to me now. Gawin mo na habang wala pa tayo
dun. Pero dito lang sa loob ng sasakyan ha. Paglabas natin ay ngingiti ka
muli.”, direchong sabi ni Karen. Agad agad, tumulo ang mga luha ko. Nilabas ko
na ang mga emosyong kanina ko pa pinipigilan. Niyakap nya naman ako.
“Alam ko. Nakita ko kung paano mo sya tingnan eh. Mahal mo
talaga sya, noh. Dahil hanggang ngayon, nasasaktan ka ng ganyan.”, malungkot na
sabi nya.
“Hindi naman dapat, eh. Wala akong karapatan dahil kaibigan
lang naman ako eh. Wala akong karapatan masaktan ng ganito.”, umiiyak kong
sabi.
“Alam mo, hindi porket wala kang karapatan masaktan ay hindi
ka na pwedeng hindi masaktan. Nagmamahal ka lang din tulad ng iba.”, sagot ni
Karen.
“Kaya nga mas masakit, eh.”, malungkot at umiiyak kong sagot.
Umiyak lang ako ng umiyak sa loob ng sasakyan. At finally,
tinigil ko ang pagiyak. I was ready to face the rest of the night. Nagbigay
lang ako ng isang huling yakap kay Karen bago tuluyang magpunas ng luha.
“Ready?”, nakangiting tanong ni Karen. Ngumiti ako at
tumango.
Nakarating kami sa club ng matiwasay. Pero pagbaba na
pagkababa naming ng sasakyan ay sinalubong kami ng mga kaibigan ni Larc.
Halatang inaabangan ako.
“Ikaw…”
next na poh plsss.
ReplyDeleteim so exited what will gonna happen..
:D
Onichan! as what I've told you...
ReplyDeletekahit dehado ka pang sabihin na hindi maganda...
bakit maraming nagbabasa?
I really miss you onichan!
pagaling ka ah!
Si JC Shin to! :3
kailan ba ang next chapter? :(
ReplyDeletenext chapter na please...
ReplyDeleteweeeeeeeeeeeeee
ReplyDeletehays
hays
sawa daw bwhahaha
-yume
ask lang po sana..admin ka ba dito? kasi una ko nabasa ang story na to ay dito.. Revelations (M2M Untold Stories) sa facebook
ReplyDelete