ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, March 9, 2013

When A Gay Man Loves Part 15



Author's Note:
          Haller! Ayan. Kasalanan ko nanaman. Almost ilang weeks hindi nag-update. Grabe. Sorry po :) Bibingo na ata ako senyo :D Sobrang depressed kasi talaga ako this February. I thought magiging maganda kasi maganda yung simula. Yun pala ang papangit ng ending. Una, break na kami ng jowa ko. Tae. Timer siya! Then, nagka-jowa ulet. Kaso, di ko talaga kayang mahalin. Lande 'no? Haba ng hair! Pangalawa, talo ako sa Student Council elections. Tangna. Lagapak nanaman ang ekonomiya ng aming paaralan. Wala nanamang LEadership Award na matatanggap :D Third, talo ko dun sa contest for Leadership Award. Grabe naman kase. Englishan ang peg! Kung Tagalog yun, baka nanalo pa. Ayun. Lugmok ang buhay. Tsaka mga ateh, Intramurals Week namin kaya! Foundation Ball pa! Ayan. Haggardo Versoza nanaman. Di bale, malapit naman na ang vacation :D Free na time ko :D Niweys, enough kwento. Eto na Chappy Fourteen. Maka-recover na kaya si Brian sa amnesia? Haha! Sino kaya hanggang sa huli? Edward o Matthew? Although si Edward na nga asawa niya diba? Remember? Flashback lang ang lahat ng ito, pero pwede pang magbago in present time :) Edward parin kaya o Matthew na? Ewan natin :D


          Promise, eto na talaga :D Please do enjoy reading and leave a comment :) Alabshuuuuu all! :D
Part Fifteen
Bryan

       Amnesia. Tangina. Napaka-common naman ng sakit ko. Pero grabeng amnesia 'to! Kakaiba! Dalawang tao lang nakalimutan ko. Grabe talaga.


            Third year college na ako. Sila Ate Sarah at Kuya Walter naman, graduate na. Iniwan na nila ako. Pano nalang kung may gumulpi sakin dito? O kaya may mga babaeng umaway sakin? Pano yan?


            "Gurl, can you still remember the monster?" sabi ni Bea


            "Sino naman yang monster na yan Bea? Cookie Monster ba?" si Naevia


            "Gurl anovah! Bianca and Company of course! Duh!" si Bea. Baklang bakla talaga magsalita. Babaeng Bakla.

           
            "Ah... Si Bianca, Mariz at Dianne?" si Naevia naman. Familiar sila. Parang nakilala ko na sila somewhere?


            "Sino yung mga yun?" takang tanong ko naman.


            "Bakla, sila yung mga naka-away natin dati. Anovaaahhh.."


            "Speaking of the bitches... here they come.." si Naevia.

           
            "Ooohhh! Hi there bitches!" bati agad nung Mariz ba yun?


            "Hi there babaeng bakla! Kamusta na? Oh! Walang pinagbago! Mukha ka paring bakla! Bwahahaha!" si Naevia na inasar agad si Mariz. Totoo naman! Mukha talaga siyang bakla. Ang kapal pa ng labi, mukhang monkey ;3


            "Himala, wala yata yung pokpok niyong bestfriend?" sabi ni Bea nang mapansin na wala si Bianca


            "Hindi niyo ba alam----" pagkaputol ng sinabi ni Dianne


            "Hindi niyo ba alam, nag-Boracay kasi siya, ayun, absent..."   sabat ni Mariz


            "Wow haaa... Bora? Almost 8 months? Bruha nga, nag-enjoy!" sarcastic na sabi ni Naevia


            "They took a very long vacation.. May resthouse kasi sila don..." si Dianne


            "Meron?! Hindi halata! Sa mukha niyong yan?! Halatang sinungaling!" si Naevia


            "Tara na gurls, and gay, Haha! Mababaliw lang tayo sa kausap nating mga baktol... Nyahahahaha!" si Bea. Ayun, alis na nga kami agad.


            "Pero teka, parang ang tagal naman niya diba?" sabi ni Bea habang naglalakad kami


            "Kaya nga eh... Yun din ang pinagtataka ko... Baka naman---" si Naevia

            "PATAY NA! Bwahahahaha!" si Bea


            "Gaga! Bakla ka talaga, baka naman na-jontis..." si Naevia


            "Siraulo, JONTIS?! Eh wala ngang jowa yung shokpok na yun, sinong titra dun?!" si Bea


            "Wala mo! Na-gang bang pala! Okaya, na-rape! Na-rape habang naglalakad o kaya ni-rape ng Kuya o Tatay!" si Naevia


            "Grabe ka teh! Lawak ng imahinasyon mo! Malay mo! Nagka-buni! Sa mukha tumubo!" si Bea


            "Hay nako... Tigilan na natin yan, magsisimula na yung klase o---" takte. Lumilindol ba?!


            "Hoy bakla!!! Anyare sayo?!" sabi ni Bea nung bigla akong napakapit sa kanya


            "Nahihilo ako gurl... Kumirot bigla yung ulo ko..." shutengines. Parang si Kidlat yung dumaan sa veins ng utak ko.


            "Tara na, dun ka na sa classroom magpahinga..." sabay akay sakin nila Naevia


            Hindi ako makapag-focus sa lessons namin. Ewan ko ba! Iniisip ko kasi yung mga pinagusapan namin kanina.


            Gurl... Pati ba si Bianca nakalimutan mo?


            Sis hindi... Kilala ko siya...


            Eh bakit hindi mo maalala?


            Ang alin ba? May nangyari nanaman bang issue samin bago ako magka-amnesia?


            Oo, meron. Hindi mo ba talaga maalala?


            Hindi nga... Aray!


            Bwakangina naman talaga. Ang sakit ng ulo ko!


            "Bes, gala tayo mamaya, treat ko :)" sabi nung papel na lumapag sa harap ko. Tinignan ko sa likod, si Matthew, naka-ngiti.


            Oo, Bes ang tawag niya sakin. Sabi kasi ng sources ko, mag-bestfriend DAW kami. Oo, isang napakalaking DAW. Nagka-amnesia nga devah? Kaya ayun, tinanggap ko nalang. Pero, jusko, kapag kasama ko yan, hindi ako masyadong umiimik.


            Sino ba naman kasing hindi ma-pipipi jan pag-kasama?! Ang kulit kulit kaya! Ang gwapo pa! Nako, ang macho!


            "Uy Bes ano, payag ka? Hintayin kita sa school park..." bulong niya sakin


            Tumango nalang ako. Tangina. Kinikilig ako! Magde-date kami mamaya, sa mall... Madaming tao... Ayiieeee!!! <3


            "Mr. Nicholls, you're blushing. What's happening to you?" tanong ng English teacher namin.


            "Uh... I-- I'm fine Ma'am... Thank you." Hanudaw!?


            "Well, okay. So class, as I have said----" and chu chu chu chu. Tae kasi yung English niya eh. HAHA!


            "Bakla ka, halatang kinikilig ka... Haha!" bulong ni Bea.


            Well, totoo naman! Sino ba namang hindi kikiligin kapag niyaya ka lumabas diba?


            4:30


            Yeah! Uwian na! Wala nanaman ako gagawin sa bahay :D HAYAHAY!



            Inaabangan na pala ako nung driver namin. Sossy! May driver na ako ngayon ;P Siya si Kuya Rodolfo. Pero Kuya Rodolphy tawag ko :) Ang cute nga eh! Pati siya cute :D Yun nga lang medyo payat siya...

           
            "Wala na po ba kayong ibang dadanan Sir?" tanong sakin ni Kuya Rodolphy


            "Wala na Kuya... Uwi na tayo..."

            Sinalpak ko na yung earplugs ko. Parang uulan pa yata. Now playing: 12:51. Ohdevah. Lakas maka-emote! Haha! Lumapit ako sa window. Sandal lang habang pinapanuod yung mga nadadaanan. F na F ko yung kanta eh!


            "Kuya, mag-ikot ikot muna tayo... mga 5:30 nalang tayo umuwi..."


            "Sige po..." sagot ni Kuya. Salpak ulit ng earplugs.


            Ang ganda talaga dito. Kahit na city na, halata aparing nasa probinsya ka. May mga malalawak na bukid parin kasi. Napaka-peaceful. Sumalangit nawa. Peaceful eh.


            Halos 30 minutes na yatang nagda-drive si Kuya. Kung saan saan kami lumiliko.


            "Sir..." buti nalang narinig ko


            "Bakit Kuya? May problema ba?" tanong ko kay Kuya Rodolphy.


            "Kayo po yata may problema eh..." grabe. Nahalata niya.


            "Meron talaga Kuya..." sabi ko in a sad tone


            "May alam akong pampatanggal problema..." sabi ni Kuya


            "Baka naman mga G.R.O yan Kuya ah.. Alam mo namang di ko gusto yan..."


            "Seryoso ako Sir... Hindi naman ganyan yung tinutukoy ko..."


            "Sige Kuya... Ikaw bahala..."


            Ayun. Nagdrive ulit kami. Alam kong wala na kami sa city. Basta probinsya na talaga siya.


            "Andito na tayo Sir..." at bumaba na kami ng sasakyan.


            It was a very beautiful place. Malawak. Puro damuhan lang talaga. Yung tipong pwede kang magpagulong gulong kasi natatabunan ng mga damo yung lupa. It was very peaceful Walang makaka-istorbo sayo. May nagiisang puno ng mangga sa may bandang gitna. Malaki yun. Malago yung mga dahon. May mga bunga na din. May duyan na nakasabit sa sanga niya.


            "Dito ako lagi nagpupunta kapag may problema ako..." sabi ni Kuya Rodolfo habang nakatingin sa malayo


            "Sa amin itong lupain na ito dati. Lahat ng nakikita ng mata mo..." dugtong pa niya


            "Pati bundok? Niloloko mo ko Kuya eh..."


            "Hindi syempre... Pero seryoso... Itong bukirin na ito, pagmamay-ari namin dati..."


            "Dati? Eh anong nangyari?"


            "Umupo nga muna tayo dun... Pinagod mo kasi ako magdrive eh... Dun tayo magkwentuhan.."


            Nagpunta kami sa ilalim ng puno ng mangga. May maliit kasing bench dun.


            "Oh game... Ano na nangyari Kuya? Hindi na ba sainyo 'tong lupa?" sabi ko


            "Hindi na. Nung namatay kasi si Papa, kinamkam na 'to nung kalaban namin sa negosyo... Ayun... Sa sobrang depressed ni Mama, nagkasakit din siya... months later, namatay din siya..."


            "I was only17 that time. First year college palang ako nun. Oo. Anak mayaman ako dati. Pero kahit anak mayaman ako, hindi ako naging dependent sa mga magulang ko. Masakit. Masakit yung nangyari. Pero I have to be strong.. "


            "Kinupkop ako nung lola ko. Parang palabas lang sa TV 'no? Mahirap lang yung lola ko. Mag-isa nalang siya sa buhay. Mabait siya. Dahil nga hirap si Lola, hindi niya na ako napag-aral. Tinulungan ko nalang siya sa trabaho niya sa palengke para magkapera din ako.."


            "21st birthday ko yun. Nasa palengke ako. Humiwalay sakin si Lola dahil nga sabi niya, may bibilhin daw siya. Ayun, nauna ako sa pwesto namin. Maya maya, dumating si Lola. Sabi niya 'Anak! May sorpresa ako sayo!'  Tapos may winawagayway siyang t-shirt na kulay blue. Sobrang ganda nung t-shirt na yun..."


            "Pero naging mabilis yung mga pangyayari... May lumapit sa kanya na tatlong lalaki. Kinuha yung bag niya. Eh nilalabanan nung lola ko, nakikipag-agawan siya sa bag. Ayun, sinaksak siya. Hindi ko na nagawang habulin yung mga lalaki. Mas importante sakin lola ko. Siya nalang yung pamilya ko..."



            "Sinugod namin siya sa ospital. Buti nalang at mababaw lang yung saksak sa kanya. Hindi nga siya napuruhan, nagka-mild stroke naman siya... Kinuha ko lahat lahat ng pera na naipon namin ni Lola. Buti nalang sociable si Lola noon at marami siyang kaibigan, mga amiga sa palengke. Swerte naman at tinulungan nila kami..."


            "Grabe pala Kuya... Eh asan na yung Lola mo?" tanong ko.


            "Nasa bahay. Naging mabilis yung recovery niya noon. Ako, eto ngayon. Nagtatrabaho sainyo. Parang walang nangyari..."


            "Buti ka pa Kuya..."


            "Ano ba kasi yung problema mo?"


            "Diba Kuya alam mo naman na nagka-amnesia ako? Pero yung amnesia na yun, dalawang tao lang ang nakalimutan ko. Si Matthew at Edward. As in hindi ko na sila kilala."


            "Oh, eh anong problema dun? Gagaling ka din naman jan through time..."


            "Naguguluhan kasi ako... Rumors spread na nililigawan ako ni Edward noon pero niloko niya lang ako. Pero sabi niya, hindi daw totoo..."


            "Alam mo, hindi naman lahat ng sinasabi ng tao, kelangan paniwalaan mo. Yung iba, minsan, ginagawa lang para saktan ka..."


            Kring. Kring...


            Incoming Call:
            Daddy :)


            "Wait Kuya. Tumatawag na si Daddy..." tapos sinagot ko yung phone call


            "Asan na kayo?" bungad ni Daddy


            "Pauwi na po... May dinaanan lang saglit..."


            "O sige... Ingat pag-uwi... Uulan na ata..."


            "Opo Dad... Sige na.. Babye! I love you!"


            "I love you too anak..."


            End of phone call.


            "So I guess, we better get going?"


            "Wait lang Kuya. Picture muna tayo. Remembrance lang."

           
            "Eto naman.. Araw araw naman tayo nagkikita Sir eh.."


            "Kuya, one time lang 'to... Bilis na..."


            "O sige na..."


            One. Two. Three. Cheese!


            "Ayan. Tara na!"


            Ayun. Umalis na nga kami ni Kuya Rodolphy sa lugar. Magsi-six na.


            "Kuya, McDo muna tayo..."


            "O sige... Drive-thru nalang tayo..."


            "Wag... Papasok ako sa loob... May titignan lang ako..."


            "Sige..."


            Ewan ko lang ha. Pero there's something sa McDo na yan eh. May somethign special akong nafi-feel... Siguro may kinalaman sa kin. Ewan!


            "One Coffee Vanilla Float and Strawberry Sundae. Then Two Crispy Chiken Sandwich. Regular Float, Large Fries and Caramel Su---"

           
            Aba teka. Parang...



            There's something. Something wrong na parang ang sarap na tama. Basta! PArang nangyari na 'to dati.


            "Sir? Sir? Okay lang po ba kayo?" tanong nung cashier. Nakatulala na pala ako.


            "Ahh--- Eh... Oo. Okay lang ako. Sumakit lang bigla ulo ko."


            "Yun na po ba order niyo?"    


            "Yes please..."


            "Okay.. I received 500... Change po nila." sabay abot ng sukli.


            Pinahintay ko na kay Kuya Rodolphy yung order.


            "Bri! Tol!" may tumawag sakin. Familiar ah.


            "Uy!" sila Crix pala. Papasok palang ng Mcdo. Kasama sila Karl, Sam, Naevia at Bea


            "Anong ginagaw mo dito?" tanong ni Bea


            "Eto nanaman tayo Bea eh... Tanga tangahan nanaman eh. Alangan naman maglaba ditosa McDo diba?" sabat ni Naevia


            "Ah... Nag-take out lang kasama si Kuya Rodolfo. Siya yung bagong driver ko.." sabay nagpakita si Kuya Rodolphy, bitbit na yung inorder namin


            "Ah eto na pala. Kuya Rodolfo, sila yung mga kaibigan ko. Si Sam, Bea, Crix, Naevia, at Karl. Guys, si Kuya Rodolfo..." at ayun. Nganga ang dalawang bruha. Eh pano ba naman, hangpogi ng driver ko. Hodevah!


            "Hi Kuya! 090723****7. Number ko. Text me? K?" malanding sabi ni Naevia sabay lapit pa kay Kuya Rodolfo


            "Ops ops. Akin yan. Anjan jowa mo sige." sabay harang ko kay Naevia. Garbe naman kase. Aagawin pa, driver ko na nga lang! Haha!


            "Oo nga Naevia! Timpi timpi din pag may time! Anjan mga jowaers eh! Haha!" si Bea


            "Onga naman. Ay wait, parang kulang yata kayo? Wala yata si Matthew?" tanong ko. Oo nga, wala siya. Pakshet. Umulan na tuloy! Anlayo pa ng kotse eh!


            "Gurl, diba gumala kayo?" sabi ni Bea


            "Huh? Si Kuya Rodolfo kasama ko..." pinagsasasabi neto?


            "HA?! Hala ka gurllll!!! Baklaaaaaaaaaaaa! GAGALA KAYO DIBAAAAAAAA?!?!?!" sabi ni Bea na, oo, gulat na gulat.


            "Pakshet. Oo nga pala! Andun pa kaya sa school yun?!" nagaalalang tanong ko sa kanila


            "Hay nako. Matthew is a man of his words. I'm sure he's waiting." si Karl


            "I guess I better get going. Baka mapano pa yun. Bye guys." sabay labas kami ni Kuya Rodolfo. sugod sa ulan hanggang kotse!


            "Kuya, sa school tayo ha.." sabi ko pagkasakay namin.


            "Nako Sir... Malayu-layo pa yun dito. Plus, traffic pa. Uwian kasi ng office workers. Tapos umuulan pa. Dadaan tayo sa main road." si Kuya

           
            "Okay lang yan Kuya... Basta bilisan nalang natin."


            Grabe. Kinakabahan ako.  

           

            "Bes, gala tayo mamaya, treat ko :)" sabi nung papel na lumapag sa harap ko. Tinignan ko sa likod, si Matthew, naka-ngiti.

           
            "Uy Bes ano, payag ka?" bulong niya sakin


            "Hintayin kita sa school park..."


            Calling...
            Matthew Buenaventura
            09074397***


            "Please... Answer the phone..."


            "Hello! Matthew!" sabi ko pagkasagot niya ng phone, pero hindi siya sumasagot. Puro patak ng tubig naririnig ko.


            "Matthew! Bes! Okay ka lang ba jan? Sumilong ka muna, malapit na kami..."


            "Bes! Huy! Magsalita ka nga! Nagaalala na ko!"


            Biglang nag-off phone ko. Tangna. Lowbatt!


            "Sir, malapit na po..."


            "Dito nalang Kuya! Tatakbo nalang ako! Sunod ka nalang sa school park..." sabay bumaba na ko sa kotse kahit nasa kalagitnaan ng highway. wa ko care kung maulanan, mapuntahan ko lang si Matthew


            Malapit na...


            Ayan na... Nasa school park na



            "Fuck! Bes!"


            There he is. Nakahiga sa sahig. Nilapitan ko siya agad.


            "Bes! Tara na! Ang taas na ng lagnat mo!" ayun. Inakay ko siya papunta sa gilid ng street. Sakto naman na dumating si Kuya Rodolfo.


            "Kuya, patulong naman na isakay siya. Dun muna tayo sa unit ko." agad na nga kaming nagpunta dun. Wala naman aksing tao dun  sa condo ko. Ako lang, pero hindi naman ako dun tumitira.


            Gosh. Bilib na ko sayo Matthew.


            Pogi na, responsable pa. I love you na :D Pero hindi dahil gwapo ka ha! Ambisyoso! Bakit kasi kaya ang bait bait :D Sana maging tayo :D

























2 comments:

  1. hahaha kinilig na ako sa last part kaso medyo bitin po kuya.
    Salamat po s pag update :)

    ReplyDelete