ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, February 14, 2013

When A Gay Man Loves Part 14


Author's Note: Haller there :D Ayan, late nanaman ang update. Sorry for waiting too long... Thank you sa feedbacks niyo :) Guys favor naman po, please do pray for me, I'm a candidate kasi for the Student Council, President pa.. Tsaka may contest akong sasalihan para sa isang Leadership Award. Please, pray for me po :) Thank you!


So, ito na :) Di ko na po papatagalin... Sorry kung very common and very predictable na ang mga nangyayari, but may konting twist po kasi ito, unlike any other... Leave your comments :)



Part Fourteen

Part Fourteen
Matthew
      
             


            "MAHAL KITA BRYAN!"


            "OO! MAHAL KITA BRYAN! MASAKIT PARA SAKIN NA MAKITA KANG UMIIYAK DAHIL LANG SA LALAKENG YAN! HINDI AKO PAPAYAG NA SAKTAN KA LANG NIYA AT PAGLARUAN, KAYA PWEDE BA, KAHIT ISANG SAPAK LANG SA MUKHA NIYA, PAYAGAN MO NA AKO?!"


            "Mahal din kita Matthew. Matagal na... Kaya pwede ba.. Tara na... Tayo nalang.. Pwede naman diba?"


            "Isa lang Bryan... Isang isa lang..."


            "Tama na.. tara na..."


            "HINDI AKO PAPAYAG NA MASAKTAN KA NIYA ULIT. POPROTEKTAHAN KITA! MATAGAL KITANG ININGATAN KAYA HINDI AKO PAPAYAG NA MASAKTAN KA LANG NIYA..."


            "Okay na ako.. Matthew.. Tara na... Ayokong mapahamak ka pa!"


            Ayaw niya nga akong mapahamak kaya siya ang na-aksidente. Binagga ang sasakyan namin noon. Bumangga yung truck sa gilid ng kotse, sa right side kung saan nakaupo si Bryan.


            Dugo. Iyak. Tao. Tunog ng kotse. Basag na salamin. Ang gulo! Lagi kong nakikita ang mga eksenang iyon.


           
            "Anong nangyari Doc? Kamusta ang anak ko?" sabi ni Tita that night of the accident.

            "Ma'am, napuruhan po ang anak niyo. At sa kasamaang palad, he had an amnesia. Hindi pa po natin matutukoy kung anong type ng amnesia meron siya. All we have to do is wait until he wakes up... Mauna po muna ako.." paalam ng Doktor


            Tangina. Eto yung masakit eh. Yung tipong kahit ilang beses ko nang nabasa sa mga isatorya sa internet o sa palabas, ganito parin ang nangyayari sakin ngayon. Oo, hindi ako yung nagka-amnesia, pero yung mahal ko. Yung taong mahal ko.


            "Ano bang nangyari Matthew?" tanong sakin noon ni Kuya Walter nung nasa ospital kami.


            "Galing kasi kami sa party Kuya... Sa bahay yun ni Edward ginanap. Nagkasiyahan lang kaming magkaka-klase after ng Basketball Game kaya ayun, niyaya na din kami ni Edward sa bahay nila para kumain at uminom..."


            "Sumasayaw kami ni Bryan nun... I asked him kung doon ba kami matutulog or what. Sinabi niya, hahanapin niya muna si Edward para magpaalam o sabihin na doon nga kami matutulog..."


            "But God knows how long he has been looking for Edward... Sa dancefloor, sala, banyo, dining, labas, garden, until he saw a maid in the kitchen. Tinanong niya si Manang, sinabi nung yaya na umakyat nalang sa kwarto ni Edward... Third room from his right..."


            "Pero sa halip na makapagpaalam siya, hindi niya na nagawa...." natatandaan ko, umiiyak pa ko nung kinukwento ko 'to kay Kuya Walter at Ate Sarah


            "Then what happened? Ano ba nakita niya?" si Ate Sarah


            "Dinikit niya yung tenga niya sa pinto ni Edward... Para kasing may kakaiba..."


            "Dahil sa na-curious siya, binuksan niya ng konti yung pinto. Siguro about an inch or two... Tamang tama naman na pagkasilip nung mata niya, kama agad yung nakita niya..."


            "Seems like alam ko na ang nangyari... Pero ano nga ba talaga?" tanong ni Kuya Walter


            "Here... Galing yan mismo sa cellphone ni Bryan..." sabay abot ko ng phone ko


            ""He'll pay for this..." sabi ni Kuya Walter


            "Calm down Bro... Walang magagawa yan..." si Ate Sarah


            "Sige na Matt. You need to rest also... Thank you..." pahabol pa ni Ate Sarah



            Sinabi ng Doctor noon na na-coma si Bryan. Hindi namin matanggap. Hindi ko matanggap. Sobrang hirap. For sure matagal pa bago siya magising, tapos, wala pa kong kasiguraduhan kung maaalala pa ba niya ako.


            Sobrang hirap na makita ko si Bryan. Ang dami niyang sugat. Nasa iisang kwarto lang kami kaya lalong naging mas masakit.


            Tok! Tok! Tok!


            " 'My, pabukas nga muna ng pinto... May bisita..." sabi ni Tito.


            "Dadalaw lang po sana ako..." si Edward



            "Pagkatapos ng ginawa mo kay Bryan, may gana ka pang magpakita dito?!" si Kuya Walter na agad sinalubong ang kumag na yun.


            "Ano po bang nangyari? Wala po akong ginagawa!" si Edward


            "Siguro nga hindi mo alam... Pero ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente ang kapatid namin! Tang**a mo!"


            PAK!


            Sinuntok ko siya. Kahit pa hinang-hina na ako. Makaganti lang ako.


            "Gago ka! Hindi sapat yan sa pangbababoy mo kay Bryan! Ano bang ginawa niya sayo?! Minahal ka niya! Tapos ganyan ang igaganti mo!" agad kong nasabi sa kanya


            "Wala akong gina----"


            PAK!


            "Edward umalis ka na kung ayaw mong ako naman ang bumuntal sayo. Hindi mo ba alam na blackbelter ako sa Taekwondo?" sabi ni Ate Sarah matapos sapakin ni Kuya Walter si Edward



            "Tama na mga anak... Huminahon na muna kayo... Hijo umalis ka nalang muna." sabi ni Tito kay Edward


            "Pero hindi dahil pinalampas namin ang araw na 'to ay pinatawad ka namin. Umalis ka na..." pahabol pa ni Tito.


            Umalis na nga si Edward.


            Ewan ko ba. Bakit ang daming taong sobrang kapal ng mukha. Nasaktan na nga nila yung tao, may gana pa silang magpakita ulit.
           
Walter
                       
            6 months.


            It has already been six months after Bryan was comatosed. He's now recovered. But as the doctor said to us, he had an amnesia. Heaven knows that it was really hard to accept that fact, specially to Matthew and Edward's part. Bryan can still remember us. Ate Sarah, our Mommy and Daddy, other relatives, his friends and schoolmates, except for his two suitors.

           
            The incident caused him amnesia. Yes, it was an amnesia but he only forgot or I can say, he can't remember who Matthew and Edward was to his life.


Flashback...

            One night, while we are at the hospital, I decided to spend my time in the chapel. It was just near Bryan's private room. The chapel was very beautiful. There was a huge Crucifix in the center, this will surely make you pray. I was very desperate that time. It was the last week of the fifth month after Bryan was comatosed.


            I started to walk, going to the front row of the wooden benches. There I saw at my left side a woman, crying very hard with her daughter.


            "Di ba Mommy buhay pa si Daddy? Di ba? Di ba?" the little girl asked her mom. It hit me.


            "Yes Darling... Maya-maya lang gigising na si Daddy... Pupunta tayo sa mall... Basta you should keep praying anak ha..." her mom replied.


            Basta you should keep praying...


            That phrase left a mark in my mind. I should pray.


            I knelt before the altar. Closed my eyes and prayed.


            "Mommy let's go... Baka gising na po si Daddy!" I can hear the little girl. She said those words excitedly. She truly loves her Dad...


            I prayed for Bryan's faster recovery. After talking with Him, I headed back to Bryan's room.


            "Kuya, gising na po si Bryan!" Matthew hugged me tightly.


            I ran to his room. But aside from happiness, I felt worry.


            “Kuya! Sino po yung lalaki dito kanina?” bungad na tanong ni Bryan


            “He’s your bestfriend Baby Bro… Hindi mo ba natatandaan?” I started to worry


            “No Kuya…” This is it.


            “Are you sure? Don’t play a prank on me…”


            “I’m honest!”


            So here’s the consequence…

Bryan

          Ilaw.


            Oo, ilaw. Ilaw ang unang nakita ko pagbukas ng mata ko…


            “BES!” sigaw ng isang lalaki. Gwapo infairness…



            “Ah eh… Sino ka po? Bakit mo ako niyayakap?! Teka nga! Di porke’t gwapo ka ha! Ate! Mommy! Kuyaaaaa!” sigaw ko pa.. Agad naman lumabas yung lalaki.


            “Anak!” sabay lapit ni Mommy..


            “Buti naman at nagising ka na!” dugtong pa nito


            “Ano po bang nangyari?”


            Bakit ba kasi ako nandito?!


            Gurl…


            Sis!


            “Kuya! Sino po yung lalaki dito kanina?” tanong ko nang dumatin si Kuya


“He’s your bestfriend Baby Bro… Hindi mo ba natatandaan?”


            “No Kuya…”


            “Are you sure? Don’t play a prank on me…”


            “I’m honest!”


            May amnesia ka gurl!


            Grabe ka Sis! Baka hindi ko talaga kilala?!


            Ikaw ang nagka-amnesia, hindi ako…


            Siguro nga… Pero bakit siya lang?!?!?! Ang gwapo pa naman! Niyakap pa ko kanina!


            “Bryan…”


5 comments:

  1. BItin ! hahahaha Sana nga po manalo ka sa student council :) GoodLuck ! :)

    ReplyDelete
  2. naku..ayoko ng mga ganitong may amnesia amnesia..parang papunta sa drama itong story na to..hays..

    ReplyDelete
  3. Ang tagal naman po ng update nito :(((

    ReplyDelete
  4. bat wla pang next chapter , tgal nman .

    ReplyDelete
  5. Hongtogot ng nxt chapter!!!!!!!

    ReplyDelete