Kamusta po sa lahat lahat?! ^_^
Unang ua sa lahat ay pasensya na sa aking late posting. GUYS.. OA po talaga ako sa pagkabusy. Sa mga nakakakilala sa akin, hindi po ako nagbibiro. Super busy po talaga at pinipilit ko lang po hanapan ng time ang pagsusulat. Kaya super thanks sa mga umiintindi :)
Pangalawa, ay nais kong magpasalamat sa lahat ng nagsupport sa Christmas Special ng MNB. At gusto ko na rin humingi ng tawad sa aking late posting ngayon. Nagbakasyon po kasi ako panandalian sa bahay ng aking relatives at hindi ko po dala ang aking laptop. Okies? ^_^
PANGATLO, pagpasensyahan ninyo na kung late ang aking postings.. Super busy lang talaga ako sa ngayon. Odiba, inulit ko lang.
Pang-apat, ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO, cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki, Jp Arconado, abby, bench, alpe, Jiru, dapya, mhi mhiko, silenttype,Melvin Samora, Ej Jasmin, Imyours18, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Gulong gulo ako sa pag uusap naming
ni Cyrus. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko. Gusto ko maintindihan nya
ako. Pero gusto ko din syang intindihin. Masyadong malaki ang nagawa ko
sakanya. Nasaktan ko sya ng higit pa sa inaakala ko. At hindi talaga itong
madaling kalimutan. Alam ko yun.
Ngunit ang talagang bumabagabag sa
akin ay ang huling sinabi ni Cyrus. Anong ibig sabihin nya doon?
“Huwag mo sabihing…”
Tulala akong bumalik pabalik ng bahay
nila Geoff. Hindi makapaniwala sa mga narinig kong salita mula kay Cyrus. At
ngayong alam ko na ang pagkatao nya ay malamang hindi na ako nito pang
haharapin pang muli. Not even as Felix.
Pagdating na pagdating ko sa bahay
nila Geoff ay pinagtitinginan ako ng lahat. Tila ay nakakita sila ng isang
multo. Gulong gulo sa ichura ko. Ngunit hindi ko na pinansin. Agad akong
dumirecho sa kwarto ni Geoff. Doon, nakaupo lamang sa kama nya at nakatulala.
Hindi ko namalayan na ilang oras na
pala akong nakaupo at tulala. Parang ang bilis kasi ng oras. Paulit ulit kasing
lumalabas sa utak ko ang mga kaganapang naganap kani kanina lamang.
“Huy, pre. Okay ka lang ba?”,
pagsulpot ng isang boses. Nilingon ko ito. Si Rovi.
“Huh?”, tanging nasagot ko.
“Nakauwi na lahat ng bisita, tulala
ka pa din dyan. Ano bang nangyari? Tsaka bat ang dungis dungis mo?”, alalang
tanong ni Rovi.
Napatingin ako sa sarili. Doon ko
lang napuna kung bakit parang gulat na gulat ang lahat. Napaka dungis kasi ng
suot ko. Parang kung saang lungga ng daga ako nagsuot at ang dumi dumi ko.
Doon ako parang biglang natauhan.
Nagiiyak na lang ako bigla.
“Rovi…”, naiiyak kong tawag.
“Oh?”
“Nakita ko na sya…”, umiiyak kong
tugon.
“Sino?”
“Si Cyrus..”
“Huh?”
“It was Felix all along.. Sya din
pala si Cyrus..”, umiiyak kong tugon.
Hindi umimik si Rovi. Hinaplos lang
nito ang likuran ko habang nag iiyak ako.
“All this time… Nasa harap ko na pala
si Cyrus… I knew it..”
Hindi pa din kumibo si Rovi.
“I should’ve known…”, naiiyak kong
sabi.
“Paano mo nasisigurong sya nga yun?”,
nagdadalawang isip na tanong ni Rovi.
“I saw him. Doon sa dati naming
tirahan. At suot suot nya ang kwintas na bigay ni Elmo. Ang kwintas din na
inabot sakanya ni Tatang Berto.”
“Baka naman pareho lang?”, alinlangan
na tanong ni Rovi. I sensed something was wrong.
“Umamin sya Rovi…”, matigas ko nang
sagot.
Hindi sumagot si Rovi. Nanahimik lang
ito at nagbigay ng isang napakalalim na buntong hininga.
“Cyrus…”, umiiyak kong sabi habang
umiiyak.
Ngunit nagulat ako ng magsalita si
Rovi muli.
“So alam mo na pala…”
Napahinto ako sa pag hagulgo at
napaharap kay Rovi. Ni hindi ito makatingin sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?”, gulat
kong tanong.
Hindi kumibo si Rovi.
“Rovi, anong ibig mong sabihin?!”,
medyo pagtaas ng boses ko.
Tumingin lang sya sa akin. Mga tingin
na malaman. Na gets ko agad ang ibig sabihin ng tingin nya.
“Don’t tell me…”
Hindi pa din ito kumibo.
“So alam mo?! Bakit hindi mo man lang
sina..!”
Ngunit sumabat agad si Rovi.
“Oo. Alam ko matagal na.”, matigas na
sabi ni Rovi.
Para namang nagpintig ang tenga ko sa
narinig. So he knew at hindi man lang nya sinabi sakin?!
“What?! Alam mo, pero hindi mo sinabi
sakin?!”, galit kong sabi kay Rovi.
Mukhang nagpintig din ang tenga ni
Rovi dahil nakita ko ang pagtalim ng tingin nito.
“Oo. Dahil nakapangako ako kay
Geoff!”, matigas na sabi nito.
“Alam na ni Geoff?”
“Oo. Matagal na rin.”
“Pero!! Bat hindi nyo sinabi
sakin?!”, galit kong sabi.
Kumalma si Rovi. Natahimik muli sabay
labas ng isang malalim na hininga.
“Matagal ko ng alam kung sino si
Felix. Bago mo pa sya makita ay alam ko na na sya nga si Cyrus…”, panimula ni
Rovi.
“Nung makapunta tayo ng Manila,
napansin ko ang pagabas labas ni Geoff sat wing pagtapos ng trabaho. Dahil
hindi ito umuuwi agad ay napaisip ako kung saan ito nagpupunta. Kung may
kakilala man ito sa Manila ay bakit gabi gabi itong wala.”
“Isang gabi, pinagpasyahan kong
sundan ito at magmatyag ng hindi nya alam. Doon ko nalaman na nagbabakasakali
sya na baka mahanap din si Cyrus. Ilang gabi ito naghanap. Ilang gabi din ako
nagmatyag.”
“Mukhang nakatunog si Geoff sa
ginagawa kong pagmamatyag kaya nag li lo ito ng bahagya. Tumigil din ako sa
pagsunod sakanya panandalian. Ngunit matapos ang halos dalawang linggo ay
biglang parang ang sigla sigla nito. Doon ako muling naghinala.”
“Sinundan ko syang muli isang gabi.
At doon, nakita ko na magkasama sila ni Cyrus. Hindi ako makapniwala at gusto
kong lapitan sila. Ngunit nagdalawang isip ako kaya hindi muna agad ako
lumapit.”
“Hindi ko lang namalayan na napansin
pala ako ni Cyrus na nakatingin sakanila noong gabing yun mismo. At kinausap
ako nito. Naki usap sya na huwag ipapaalam kahit kanino na nakita ko sya.
Umamin sya agad sa pagkatao nya dahil wala naman ako naging kasalanan sakanya.
At isa pa, isa daw kasi ako sa naging hingahan nya noon. Ni respeto ko naman
ito.”
“Sunod kong kinausap si Geoff. Sinabi
ko sakanya na alam ko na nakita nya na si Cyrus. Nginitian lang ako nito. At
nangako din pala sya kay Cyrus na hindi ipagsasabi kahit kanino na nakita na
sya. Doon, sinabihan ako ni Geoff na mangako din na hindi sasabihin ang kahit
ano. Lalo na sayo. Hindi sa gusto nya itong itago sa iyo. Ngunit isa itong
pangako na binitawan nya kay Cyrus.”
“Pero hindi ko pa talaga alam na
naging ganon ang trabaho ni Cyrus. Nalaman ko na lang ng magpunta tayo kaila
Mimi at nakita natin sya.”
“Halos araw araw nagkikita sila Geoff
at Cyrus. Si Cyrus pa mismo ang nagdala kay Geoff sa hospital kaya nalaman
naming na may cancer na ito. Sya din ang gumastos sa lahat.”
Napaluha si Rovi.
“Ngunit ng malaman naming malala na
si Geoff. Si Cyrus na mismo ang nagsabi na kailangan maayos na ang lahat sa
inyo ni Geoff kahit pa alam nyang maaring malaman mo na ang totoo.”
“Hindi mo alam at nakita kung paano
umiyak si Cyrus ng malaman naming may cancer si Geoff. At walang araw na hindi
ko nakita na umiyak si Cyrus sat wing nagkikita kami. Wala ring tawag sa
telepono na hindi umiiyak si Cyrus habang nakikibalita tungkol sa kalagayan ni
Geoff ng umuwi tayo ng probinsya. At walang humpay na pag iyak din ang ginawa
nito ng tinawagan ko sya upang sabihing wala na si Geoff…”
“Kaya wala kang karapatan sabihing
walang sakripisyo at naramdaman si Cyrus sa pagkawala ni Geoff. If there was
one person na hindi nawala kay Geoff. Kami ni Cyrus yun.”, umiiyak na sabi ni
Rovi.
Natahimik lang ako sa sinabi ni Rovi.
Mas lalo namang dumaloy ang luha ko. Mas narealize ko kasi ang pagkaselfish ko.
Noong mga panahong akala ko walang paki alam si Cyrus, ay yun pala, sya pala
ang may pinaka nagmalasakit sa lahat..
“Naiintindihan ko…”, tanging nasagot
ko.
“Aam ko, gustong gusto sabihin sayo
ni Geoff ang lahat. Kitang kita ko yun sa mga mata nya. Ngunit nanindigan sya
sa pangako nya na dadalhin ito hanggang kamatayan nya.”
Nilabas ko ang kapiraso ng papel na
nakita ko mula sa wallet ni Geoff.
“At pinandigan nya nga ito. Kaso
nakita ko pa din. I guess he wanted to tell me pa rin. Kaya nagbakasali sya na
makita ko ito.”
Felix/Cyrus
Sobrang bigat ng loob ko. Sobra
sobra. How can he be this selfish? Iniisip nyang nag iisa sya? Na he felt
alone? Paano naman ako? I was literally alone. Si Tatang Berto ang tangiing
alam kong pamilya ko ngunit nawala pa. He had me and Geoff. But still, he felt
alone?!
Halos padabog akong nagdrive pabalik
sa hotel kung saan kami naka check in ni Mimi. Pagpasok na pagpasok ko ay
binato ko agad ang susi sa kama at nagwala. Nakaupo lang si Mimi sa lamesa at
umiinom ng wine.
“Bad day?”, tanong nito.
Sa pagwawala ko ay nag unahan namang
pumatak ang luha ko.
“Shit!! Shit!!! Taena talaga!!”,
galit na galit kong sabi.
Nagtaas lang ng kilay si Mimi at
ngumiwi.
“Oh cmon honey, sit down. Hindi yan
ang itinuro ko sayo. Kalma lang.”, kalmadong sabi ni Mimi.
“How can I calm myself?!”, pasigaw
kong sabi.
Bahagyang tumaas ang kilay ni Mimi.
“I said sit.”, dahan dahan at mataray
na sabi nito. Umupo naman ako.
“Now have some wine.”, poised na sabi
nito. Inabutan ako nito ng glass na may red wine.
“Oh diba, mas civilized? May class?
Now tell me what happened.”, divang sagot nito.
“Alam nya na Mimi. He knows who I
am.”, matigas kong sabi.
“Hmmm. Interesting. Well, we both
know na dadating at dadating din naman ang araw na ito, diba?”
“Oo.. Pero…”
“Pero ano?! Masakit pa din?! Alam
ko.”, direchong sabi ni Mimi.
“Pero akala ko ba sa pagbago ko ng
pagkatao ko…”
“Oops. Pagbago lang ng pagkatao mo
ang tinuro ko sayo. Pero ang nararamdaman mo, nasa sayo pa din yan.”, mataray
na sabat nito sabay sip ng wine.
“What should I do?”, tanong ko.
“Nasa sayo yan. Bat sakin mo
tinatanong?”
“Because I trust you.”
Sinampal ako bigla ni Mimi.
“Boba! What was the first thing na
sinabi ko sayo noon? Don’t trust anyone. And I mean anyone!! Not even me!”,
pagtaas ng kilay nito.
Nagulat ako.
“Galit ka sa pagsampal ko? You asked
for this Felix! Sinabihan lang ako ni Mr. A na bantayan ka. Pero I’m not
responsible sa mga sarili mong galaw.”
“No. Hindi ako galit.”
Naalala ko ang lahat. Ang simula kung
paano ako napunta sa ganitong buhay. Kung paano ako napunta kay Mr. A at kay
Mimi. Kung paano ako naging puta.
Ang nakaraan…
Halos isuka ng katawan ko ang
kaluluwa ko ng marinig ang mga salitang lumabas mula kay Cedric. Tama pala ang
hinala ko na alam na ni Cedric ang pa gamin sakin ni Geoff. Kaya naman pala
naging aloof ito sa akin.
Hindi ko namalayan na lalagnatin ako
dahil sa paglalaba ko at paglilinis. Marahil ay dahil sa gutom at pagod.
“Kung hindi lang ako nakapangako kay
Mang Berto…!”, yan ang paulit ulit na sinisigaw ng utak ko. Mga salitang
lumabas mismo sa bibig ni Cedric. Halos nanliit naman ako bigla. Parang
pakiramdam ko ay walang silbi ang pagkatao ko. Na wala akong halaga.
Pagkalabas na pagkalabas ni Cedric ng
pinto ng bahay ay nagiiyak akong nagpalit ng damit. Kumuha ng kaunting damit at
lumabas ng bahay. Nag iiyak akong naglakad palayo. Nagtatakbo. Hindi iniisip
ang sama ng pakiramdam. Basta ang alam ko lang ay sobrang nasasaktan ako.
Paglabas na paglabas ko ay nakita ko
ang huling byahe ng jeep sa paradahan. Dahil sa walang pera ay nakiusap ako sa
driver kung pwede akong makisabit na lang dahil wala akong maibabayad sakanya.
Mabuti na lang at naawa ang driver at pinasakay ako ng libre.
Ihiniga ko lang ang ulo ko sa bag ko
habang umaandar ang jeep. Ibinuhos ko ang lahat ng luha na kayang ilabas ng mga
mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko habang dumadaloy ang
mainit at masalamuot na luha. Mga luhang ipinagdamot kong makita ng lahat.
Naramdaman ko ang cellphone ko na paulit
ulit na nagvibrate. Alam kong si Cedric yun kaya hindi ko pinansin. Patuloy
lamang ako sa paghiga sa bag ko at pilit na iniiyak ang lahat sa kadilimang
nakikita.
“Boy, hanggang dito na lang ako.”,
rinig kong sabi ng Mamang driver.
“Salamat po.”, mangiyak ngiyak kong
pasasalamat sa driver sabay baba.
Madilim pa din ang langit at patuloy
akong naglakad lakad. Hindi alam kung saan pupunta. Nagpalakad lakad sa mga
kalsadang hindi ko alam kung saan papunta na pakiramdam ko ay tulad ng buhay ko
ngayon. Walang kapupuntahan.
Sobrang baba ng tingin ko sa sarili
ko. I am a man with no identity. A man with no soul. Walang kaalam alam kung
saan ako nanggaling. Ni hindi alam ang tunay na pangalan, kapanganakan, o kahit
anong pruweba na nabubuhay ako sa mundong ito. Tanging ang sakit na
nararamdaman ko lamang ang syang nagpapaalala na tao nga ako. Dahil
nakakaramdam pa ako.
Awang awa ako sa sarili ko. May sakit
ako, gutom, at walang pupuntahan. Idagdag mo pa dyan ang biglaang pagbuhos ng
ulan. Bakit ngayon pa? Bakit sabay sabay?
Isinid ko sa bag ko ang cellphone ko.
Ito na lang ang huli kong alas. Pwede ko itong ibenta kahit magkano para
maitawid ang sarili sa gutom kahit ilang araw.
Pumunta ako sa ilalim ng tulay upang
sumilong. Ramdam ang lamig at ang hanging humahaplos sa basang basa kong
katawan. Sana dito na matapos ang lahat. Sana dito na rin agad agad ay hindi na
ako magising. Sana wala ng bukas na dumating pa sa akin. Para saan pa?
Naramdaman ko ulit ang pagvibrate ng
cellphone ko. Sinilip ko ito at nakita ang sandamakmak na tawag at text mula
kay Cedric.
Si Cedric. Ang taong minahal ko. Ang
tao din na syang nanakit sa akin. I couldn’t blame him sa mga sinabi nya.
Pabigat nga naman ako. May pamilya syang umaasa saknya pero iniintindi nya pa
din ako.
Nakita ko ulit ang mga text. Hindi
naman ako makareply din at wala akong load. Ay, hindi. Malamang alam na ito ni
Cedric kaya naman pinaloadan pa ako nito.
Pinatay ko ang cellphone ko at
tinipid ang battery na meron ako. Swerte naman na sa pagkalikot ko sa bag ko ay
may nakita akong barya at buong bente pesos. Tamang tama at ano mang sandali ay
baka himatayin na ako sa gutom.
Sinuong ko ang ulan at naghanap ng
makakainan. Yung pinakamura kung maari. Buti na lang ay may lugawan sa di
kalayuan.
Nagpalaboy laboy ako sa kalsada ng
ilang araw pa. Naubos na ang pera ko kaya naman sa mga basurahan na lang ako
nagbabakasakaling makahanap ng pagkain. Halos maduwal naman ako sa tuwing
kakain ako ng pagkain galing sa basura. Hindi ko naisip noon na magiging ganito
kasalimuot ang magiging buhay ko.
Nagpalakad lakad ako kung saan saan.
Naghanap ng pagkakakitaan. Ngunit malas pa din. Dahil akala nila ay baliw ako
dahil nga sa andumi dumi kong tingnan. Wala akong maliguan kaya naman ang baho
baho at dumi ko na.
Sa paglalakad ko ay napunta ako sa
isang palengke. Quiapo ang tawag nila. Hindi ako gaanong pamilyar pero maswerte
akong napunta dito. Dahil nakikiusap ako sa mga nasa palengke na ako magtatapon
ng mga basura nila kapalit ang kaunting barya.
Tiniis ko ang lahat. Ang pag gisng ng
maaga sa madaling araw, ang init ng sikat ng araw sa tanghali, ang lamig ng
hangin sa tuwing umuulan, ang lamok na halos pumapak sa namamayat kong katawan,
ang gutom na paulit ulit na sinisigaw ng utak at sikmura ko. Tiniis ko ang
lahat. At sa bawat araw na dumaan, ay unti unting namamatay ang sarili ko.
Pinatigas ng lahat ng sakit ang loob ko. Unti unti na ring nawalan ang
kakayahan kong makaramdam.
Dumating ako sa punto na wala na
talaga akong pag asang matanaw. Nagkasakit ako that time at hindi ako makapagtrabaho.
Kaya ang ibig sabihin din ay wala akong pambili ng gamot o kahit pang kain
lamang.
Nagising ako sa simbahan ng Quiapo.
Akala ko ay malalagutan na din ako ng hininga. Handang handa na ako. Wala na
din namang patutunguhan ang buhay ko kaya okay na rin sa aking kung mamatay na
ako.
Ngunit sadyang masamang damo ata ako.
Nagising ako sa isang kwarto. Ramdam ko pa din ang taas ng lagnat at ang sakit
ng katawan. Ngunit ang pinagkaiba ay hindi na gusgusin ang suot ko. Maayos ayos
na kasuotan na.
“Rico?”, agad na tumambad sa harapan
ko.
“Gising ka na pala.”, nakangiting
sabi nito.
“Pero paanong…”, gulong gulo kong
tanong.
“Natagpuan kita sa simbahan. Noong
una ay nagdadalawang isip ako na ikaw nga si Cyrus. Ngunit ng nilapitan na kita
ay nakasiguro na nga ako. Ako mismo ay nagulat. Kung paano ka napadpad dito.”,
pagpapaliwanag ni Rico.
Kung matatandaan nyo, si Rico ang
dati naming kasama sa banda na umalis dahil nakahanap ito ng mas magandang
pagkakitaan. Hindi nya na ito sinabi kung anong trabaho yun, basta sinabi na
nito na aalis na sya. Walang paliwanag.
“So, pano ka nga pala napadpad dito
sa Manila?”, curious na tanong ni Rico.
Ikinuwento ko ang lahat kay Rico
maliban sa pag aaway naming ni Geoff. Sinabi ko lang na nagkasunog sa amin at
namatay ang umampon sa akin.
“Ganun ba. Osige, pwede ka muna dito
sa akin. Tutulungan din kita maghanap ng trabaho.”,pagsisigurado ni Rico.
Nang gumaling na nga ako ay nakapasok
ako sa isang fastfood chain. Ngunit kahit ganun pa man, ay hindi ko pa din alam
kung ano nga ba ang trabaho nito. Basta tuwing gabi ay umaalis ito at umaga na
kung umuwi. At kadalasan ay lasing pa ito.
Sooner or later ay kailangan ko nang
umalis ng bahay ni Rico dahil may girlfriend ito at hindi nila magawa ang gusto
nila basta dahil andun ako. Hindi man ako pinapaalis ni Rico ay alam ko na yun
ang dapat. Tama na ang nagkamali ako kay Cedric noon. Ayaw ko ng maging pabigat
kahit kay Rico.
Ngunit sadyang mababa ang bigay na
sahod sa trabaho. Kulang na kulang dahil sa taas ng bilihin dito sa Manila. Kaya
naman hindi ako mapakali.
At mukhang napansin ito ni Rico.
Isang gabi pag uwi nito ay kinausap ako nito.
“Gusto mo ng malaking kita?”
Part 22
“Gusto mo ng malaking kita?”
“Hah?”
“Problema mo pera, diba? Pwede ka
naman magstay dito, kaso alam kong gusto mo ding bumukod. Tama ba?”
Napatango lang ako.
“Huwag ka na pumasok sa trabaho mo
mamaya. Sumama ka sa akin.”, pautos na sabi nito.
Nagstay na nga ako sa bahay at din a
pinasukan ang trabaho ko. Dalawang linggo pa lang din naman ako doon. At tsaka
sinabi ni Rico na huwag ko ng paghinayangan ang sasahurin ko doon dahil mas
higit pa ang kikitain ko sa trabahong ipapasok nya sa akin.
Kinagabihan ay naghanda na kami ni
Rico para sa sinasabi nyang trabaho. Nang makita naman nya ang suot ko ay
pinagtawanan ako nito. Kaya naman pinahiram muna ako nito ng damit nya.
Lumabas na nga kami ng bahay at
napunta sa isang lugar. Bar. Sus! Akala ko naman kung ano. Baka naman bumalik
sa pagbabanda si Rico.
“Nagbanda ka pala ulit?”, tanong ko kay
Rico. Napangisi lang ito at umiling.
“Anong banda ka dyan! Pang small time
yun!”
Naguluhan naman ako.
Pagpasok ko naman ng club ay wala nga
akong nakitang banda. Tanging isang malaking stage sa gitna at puro mga table.
Medyo may kadiliman din hindi tulad sa pinagtratrabahuhan ko noon.
Nasa likod lang ako ni Rico at
bumuntot dito. Pagpasok na pagpasok ay bumungad sa amin ang isang lalakeng nasa
mid 30’s at pakendeng kendeng ito habang hawak ang kaniyang pagkalaki laking
pamaypay.
“Ava! Ang early bird mes Rico!
Jimala!”, malanding sabi ng bakla.
“Hindi kasi, Ma. May papakiala ako
sayo.”, sabay tingin sa akin.
“Hmmm. Sinetch itechiwa?”, pagestima
sa aking bakla.
“Ay Mama, ito nga pala si Cyrus.
Cyrus, sya ang mama ng club na ito.”, pagpapakilala sa amin ni Rico.
Inabot ko ang kamay ko parang
makipagkilala. Inabot naman ito ng bakla. Ngunit di nya ito binitawan. Hawak
hawak nya itong lumapit at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Hmmm. Contour ang pes. Check!! Kaso
mejo payatola bulakan ang shutawan!”, pag estima nito. Bigla namang agad tinaas
ang tshirt ko.
“Ayyy! Check! Walesang cholesterol
ever! Nagbebenta din ng pandesal itikla.”, dagdag nito.
Lumayo ng bahagya ang bakla.
“Well, amoy na amoy ang pagkafresh
sayo. Swerte ka ngayong gabi. Sya nga paler, akesang si Mama Sandy.”, ngiti ng
bakla. She then pouter her lips. Eww.
“Cyrus po.”, tipid kong sagot.
“Oh, sige na. Gumora na kayels sa
loob at ng di tayels pajukin ng malas. Gora!”
Pinaupo lang muna ako ni Rico at
inabutan ng beer.
“An gaga naman nito.”, sabi ko.
“Kakailangin mo yan.”, ngisi ngisi na
sabi ni Rico.
Lumalim pa nga ang gabi. Doon ko
napag alaman na sa isang gay bar pala nagtratrabaho si Rico. Wala munang
pinatable sa akin dahil nakareserve na daw ako sa isa sa pinakabigatin nilang
customer.
Maya maya ay lumapit si Mama Sandy sa
akin.
“Ganitey lang eksena ditembang. Jupo
jupo, drinkaloo, bola bola, may mga hipo ng onti. Keri mo?”, mataray na sabi ni
Mama Sandy.
“Po?”
“Ang sabi ko, kaya mo ba?! Kaloka to!
Wit noseline ang hanash kes!””
Magsasalita na agad ito ng biglang
nagring ang cellphone nito.
“Hello? Ay! Lady!! Ditey ka ner? Oh
sige, jujunduin kita sa labas. Gogoraboom na si wata. Wait lang.”, madaldal na
sabi ni Mama Sandy.
“Oh, diter ka lang ha. Anjan na yung
merla(customer) mes. At ayusin mo ang pakikipag usap mamaya, ha! Bigating mer
ko yun!!”, madaling sabi ni Mama Sandy.
Napatango lang ako.
Kinabahan.
Halos manginig ang tuhod.
Gusto ko lumabas.
This is not me.
Hindi ganito ang buhay na gusto ko.
Pero ano magagawa ko?
Maya maya ay nakita kong lumapit na
uli si Mama Sandy. May kasama itong isang baklang nasa early 20’s, naka 3 inch
high heels, Naka off shoulder na black, micro mini super shorts, at nakakabulag
na chains sa leeg. She was in her very contour make up. Divang diva ang dating.
Diretso ang tingin ng binabaeng ito.
Sobra ang pose at class. Napatingin ang lahat. She was a stunner and definitely
a scene stealer.
Huminto sila sa harap ng lamesa at
tumingin tingin sa paligid ang diva. Hindi pa din ito tumitingin sa akin.
“Lady Godiva, ito na sya. This is
Cyrus.”, tarantang sabi ni Mama Sandy. Sinenyasan ako nito na ngumiti.
Pilit akong ngumiti.
Dahan dahan lumingon ang tinawag
nyang Lady Godiva. Ngunit nang mapatingin ito sa akin ay sadyang nagulat ito.
Animo’y nakakita ng multo.
Tumingin ito sa mga mata ko.
Nakipagtitigan.
Ngumiti ng bahagya.
Sabay tumaas ang kaliwang kilay.
Napalunok ako.
Kinabahan ng todo.
“Ikuha mo ko ng iba.”, matigas na
sabi nig divang binabae.
“Huh?! Ayaw mo sakanya Lady? Sariwa
yan.”, tarantang sabi ni Mama Sandy.
“Oh, I do like him. It’s just I think
Mr. A will like him BETTER. Ikuha mo ako ng akin.”, sabay malanding tingin
sakin ni Lady Godiva.
“You don’t mean, THE Mr. A?”, gulat
na sabi ni Mama Sandy.
“Mismo. And this is going to be
interesting.”, panliliit ng mata sakin ni Lady Godiva.
Lumapit ito palapit sa akin.
Tinitigan ang buong mukha ko.
“Hmmmm.. Pretty face.”, divang diva
na sabi nito.
Hindi ako nakasagot. Nilapat nito ang
kamay sa mukha ko. Mas lalo akong nanigas.
“Why so tensed? Don’t worry. Hindi
ako ang kakain sayo tonight. Lucky you.”, buong seduction na sabi nito. Mas
lalo akong kinabahan.
Hindi ako halos makapagsalita sa
table. Pinaupo doon si Rico para kay Lady Godiva. Doon ko nalaman na si Rico
pala ang pinaka mahal na husto doon sa club na yun dahil sya ang number 1 na
pinakamaraming cliente dito.
“Lady, uwi mo naman ako tonight.”,
bold na sabi ni Rico kay Lady.
“Hindi ako gutom.”, mataray na sabi
ni Lady.
“Sige na, tagal ko nang di nakaka
quota.”
“So, humihina ka pala. Laspag ka na
kasi.”
“Huy! Magaling pa din ako! Kahit
anong gusto mo pa. Game ako!!”, proud na sabi ni Rico. Halos kilabutan naman
ako sa narinig. Oo, bakla ako, pero hindi ko inimagine na magiging ganito ang
buhay ko.
“Are you that desperate?”, mataray na
sabi ni Lady.
“At sabi nila, magaling ka din daw.”,
pagkindat ni Rico.
Tumaas ang kilay ni Lady. Tiningnan
nya si Rico mula ulo hanggang paa.
“Baka naman mabitin ako sayo.”, sabay
tingin sa harapan ni Rico.
“Ay dyan ka nagkamali. Busog na busog
ka dito. Mag nunumber 1 ba ako kung hindi.”, mayabang na sabi ni Rico.
“Hmmm.. Magkano?”
“15k.”
Biglang tumaas ang kilay ni Lady at
binaba ang inumin nito.
“Are you insulting me?!”, galit na
sabi ni Lady.
“Biro lang! 12k. Kahit 10.”, biglang
preno ni Rico.
“Ohmygawd! Iniinsulto mo ba ko
talaga?! At talagang mas binaba mo pa!!”, imbyernang sabi ni Lady.
“Lakas mo talaga Lady. Sige, ikaw na
bahala.”
“Gawd! Kaya ayoko kumukuha sa mga
ganito! Ang cheap!!”, pagikot ng mata ni Lady. Ngunit dahil dito ay napatingin
ito sa akin.
“And you sweetie, this is your lucky
day. First time mo, right?”, tanong ni Lady sakin.
“Opo.”, nahihiya kong sagot.
“Ohmygawd nanaman! I-opo ba ako?!
Well, sige, pagbigyan. First time, eh!”
Tumayo muna si Lady at nag cr.
Lumapit naman agad sakin si Rico.
“Oh, ano pre? Sabi ko sayo, okay to,
eh.”
“Callboy ka pre?”, curious kong
tanong.
“Kung yan ang gusto mong tawag. Pero
kung anong iniisip mo, yun na nga yun.”, natatawang sabi ni Rico. Hindi naman
ako makapaniwala.
Nang makalipas ang isang oras ay
sinabi ni Lady na aalis na daw kami dahil naiingayan na sya.
“Lady. May show pa po kami.”,
pamimilit ni Mama Sandy na huwag na umalis si Lady.
“I’m not interested with men who
showcase themselves too much. Lalo na on stage.”, mataray na sagot ni Lady. Nag
abot lang ito ng pera kay Mama.
“Keep the change.”, mataray na sabi
ni Lady sabay lakad palayo. Agad naman kaming sumunod.
Paglabas naming ay sumakay kami sa
isang sasakyan. Kinuha agad nito ang cellphone nya at nagdial.
“Hi there sweetie. I have something
for you.”
Nagpause ito at nakinig sa sinabi ng
kausap.
“No. I’m telling you. This will be
the best meal you’ll ever have.”, malanding sabi ni Lady.
Pause.
“Okay. Papunta na kami sa hotel.”
Sabay baba nito ng phone. Tumingin
ito sa akin at tumingin.
Halos ramdam ko na ang hilo dahil sa
dami ng ininum naming sa club. Pero ng dahil sa kaba ay bumaba agad kahit
papano ang tama ko. Pagdating naming sa hotel ay dumiretso kami sa isang
malaking kwarto.
“You. You stay here at magshower ka
na. Ihahatid ko lang to kay Mr. A.”, mataray na sabi nito kay Rico. Ngunit di
na ako nakatiis magtanong.
“S-sino si Mr. A?”, nahihiya kong
tanong.
“Nako! Sumama ka nalang men! Hindi pa
naming nakikita si Mr. A, pero tiba tiba mamigay yun! Sige na!”, malokong sabi
ni Rico.
“Shut up!! Ako ang kausap! Maligo ka
na nga lang dun! At siguraduhin mong bawat kasuluk sulukan ng balat mo,
malinis!!”, pagtataray nanaman ni Lady.
Lumabas lang ito ng kwarto at
pinasunod ako.
Napunta kami sa elevator.
Pumasok.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko.
Napunta kami sa penthouse. Halos
mapanganga ako sa ganda. Agad akong dinala nito sa banyo kung saan sinabihan
ako nito maligo. Naghintay ito sa labas.
Nang naliligo ako ay di ko maiwasang
hindi tagalan ang pagligo ko. Para kasing gusto ko na lang magback oout. Wala
na akong paki alam kung matulog na lang ako ulit sa kalsada.
Kaso naisip ko din, ano pa bang
mawawala sa akin? Pride? Dignity? Hindi ba’t mataga na akong wala noon?
Napaisip ako ng mabuti
Pinatay ang shower.
Nagbihis.
Lumabas ng shower room.
“Gawd! Akala ko natulog ka na sa
loob! Hindi lang ikaw ang may gagawin!”, hyblad na sabi ni Lady.
Dinala ako nito sa isang kwarto.
Dahan dahan naman akong pumasok.
“Inumin mo to.”, utos nito sa akin.
“A-ano po yan?”
“Drugs.”
“Po?!!”
Umikot nanaman ang mata ni Lady.
“Sleeping Pills lang yan!! High
Profile si Mr. A kaya hindi mo pwedeng makita ang mukha nya. Kaya kailangan
kitang patulugin!!”, inis na sabi ni Lady.
Mas lalo ako nagdalawang isip. Bakit
kasi din nalang agad sinabi ni Lady na sleeping pills. Mas nadagdagan tuloy ang
kaba ko.
“Sige na. Mas makakatulong din to sa
pagkawala ng kaba mo.”, biglang palit tono ni Lady. Naging mabait ang tono
nito.
Ininom ko nga ang dalawang tablet. At
maya maya ay agad akong nakaramdam ng matinding hilo. Pinahiga ako nito sa
kama.
“You’ll be okay.”, pagbulong ni Lady
sa tenga ko sabay halik sa noo ko. Nakita ko itong lumabas. Kasunod naman ay
may pumasok na lalake.
“Ito siguro yung Mr. A.”, sabi ng
utak ko.
Masyado na akong nahihilo at haos din
a makamulat. Kaya naman hindi ko mamukhaan ang lalake. Matagal na nakatayo ang
lalake at tinititigan ako.
Bigla itong lumapit sa akin.
Nararamdaman ko ang mukha nito katapat sa akin. Naamoy ko sya. Mabango.
Actually, masyadong mabango. Tipong nakaka adik sa bango. Pero naguluhan ako.
This scent is familiar. Was it Geoff or Cedric na ganito ang pabango? No, it
must be Rovi.
Naramdaman kong hinawakan ni Mr. A
ang mukha ko. Ang tagal nyang nakahawak. Naramdaman ko ang pagpatong nito sa
akin habang nakatihaya akong nakahiga.
Dahan dahan tinanggal ni Mr. A ang
butones ng polo ko. Nakaramdam ako ng paglamig dahil sa pagbukas ng suot ko.
Tama si Lady. Wala akong kaba ngayon, puro pagdadalawang isip nga lang.
“Ang cheap ko. Ang baba baba ko. Pati
sarili kong katawan, nagawa ko ng ibenta.”, paulit ulit na sigaw ng utak ko.
Naramdaman ko na lang na lumuluha na ako.
“Ssshhhh..”, mahinang bulong ng
lalakeng nakapatong sa akin.
Naramdaman ko ang paghalik nito sa
aking pisngi. I wasn’t sure kung bakit malagkit ang pakiramdam ko sa mukha.
Nandidiri ba, o ano? Hindi ko maexplain.
Dahan dahan tinanggal ng lalake ang
polong suot suot ko. Hinimas ang dibdib ko. Banayad ito. Hindi gigil. Ramdam ko
ang init ng kamay nya.
Antok na antok na ako ngunit pilit
kong nilalabanan. Gusto ko makita kasi ang mukha ng unang taong gagamit sa
katawan ko. Ngunit bigo, masyado malakas ang epekto ng ininum ko. Hirap na
hirap ako imulat ang mata ko. At kung mamulat ko man, malabo ang paningin ko.
Bigla ko naramdan na hinahalikan ako
sa labi ng lalakeng tinatawag nilang Mr. A. Nagulat ako kaya gamit ang buong
lakas ko ay umiwas ako. Naramdaman ko ang pagluha ko lalo.
Hinawakan gamit ng dalawang kamay ng
lalake ang mukha ko. Pilit na hinarap ito sa direksyon nya. Muli, hinalikan ako
nito.
Dahil sa ginawa kong pagiwas kanina,
ay mas lalo ata akong nahilo. Hindi ako kumilos.
“Huwag ka magalala. Tiba tiba mamigay
si Mr. A”, alala kong sabi ni Rico.
Nabuo sa utak ko na this will be my
last. I need the money. Kaya napilitan na akong pumayag sa gusto ng lalake.
Kahit pa ayaw ng isip at konsensya ko.
Kumalas ang lalake sa pagkakahalik sa
akin. Naramdaman ko na nag alis ito ng suot pang itaas dahil ng humaik ito ay
ramdam ko ang dibdib nito.
Sa pagkakahaling ng lalake ay bigla
akong nalungkot, umiyak. Masyado kasing banayad at gentle ang halik ng lalake
sa akin.
“Cedric…”, sigaw ng utak ko. Sobrang
namiss ko sya bigla. Yung halik na ginawa nya noon. I imagined na si Cedric ang
humahalik sakin ngayon. Sya ang unang gagamit sa katawan at pagkatao ko.
Mas napaiyak ako.
Napayakap sa lalakeng ngayon ay
humahalik sa akin.
Mahigpit.
Mahigpit na mahigpit.
Gumanti ako ng halik.
“Gago ka Cedric!!”, paulit ulit na
sigaw ng utak ko. Mula sa kalungkutan ay umuusbong ang galit. I kissed the guy
harder. Lumaban ako ng halikan. Hindi man alam ang ginagawa ay ginawa ko pa
din.
Luha.
Halik.
Luha.
Yakap.
Luha.
Ungol.
Luha.
Halik.
Yan na lang ang natatandaan ko
nangyari. Hanggang sa tuluyan na akong kinain ng kadiliman.
“Cedric…”, ang huling binigkas ng
utak ko.
Nagising ako sa lamig ng hangin na
nagmumula sa aircon ng kwarto. Wala na ang hilo, o kahit pa sakit ng ulo. Nakita
ko ang sarili ko sa isang polong puti na hindi naman akin. Naka boxers lang din
ako ngunit naka kumot.
Pag lingon na pagkalingon ko ay
nakita ko agad ang isang tao na nagbabasa ng magazine. Napansin ata na nagising
ako dail sa pag galaw ko. Agad nya itong binaba at tiningnan ako at sa orasan,
“Akala ko di ka na magigising!”,
masungit na sabi nito.
“L-Lady?”
“Who else?!”
Napaupo ako. Tumayo naman sya at
lumabas ng kwarto. Pagbalik ay may dalang kape.
“Inumin mo muna ito bago tayo
umalis.”
“Po?”
“Gawd!! Wala ka bang ibang alam
sabihin sakin kundi, “Lady at Po”?”
“Pasensya na…”
“Improving..”, ngiti nito sa akin.
Pagkabihis na pagkabihis ko ay muli
kaming sumakay sa sasakyan nito. Tahimik lang din sya hanggang sa napunta kami
sa isang lugar kung saan may mga malalaking bahay. Private village kung saan.
Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin ang lugar. Hindi man dito, pero
parang nakapunta na ako sa ganito kagandang lugar noon. Hindi ko lang matandaan
kung saan.
Maya maya ay huminto ang sasakyan sa
isang magandang bahay. Bumaba kami at pumasok. May isang kotseng nakaparada
dito. May mga katulong din na sumalubong.
Dinala agad ako nito sa isang kwarto
at inabutan ako ng sobre. Pagbukas ko naman ay nagulat ako sa bumungad sa akin.
Sandamakmak na pera, atm, at credit card.
“Yan ang bayad para kagabi.”, matigas
na sabi ni Lady.
Napaluha ako hindi dahil sa galak.
Nanliit ako. Ito pala ang kapalit ng katawan ko. Pera lang.
Lumapit si Lady at hinagod ang likod
ko.
“It’s okay..”, biglaang pagcocomfort
nito.
Hinayaan akong umiyak ni Lady
sandali.
“This is not me.. Hindi ako ganito Lady…”,
umiiyak kong sabi.
“I know… Kita naman, eh. Pero don’t
you want a new life?”
Nagulat ako sa sinabi nito.
“New Life.”, tumatak sa utak ko.
Napa isip. Since andito na rin lang..
Bat hindi ko pa ipagpatuloy.
Tumango ako kahit hindi sigurado.
“Good. Tara.”, matigas na sabi nito
sabay punas sa luha ko.
Itinayo ako ni Lady sabay labas kami
ng kwarto. Nakatayo naman sa labas ang lahat ng katiwala sa bahay.
“Lady.”, sabi ng isang katiwala.
“Okay. People. This is Felix. Ang
bago nyong amo.” Sabay tingin sa akin.
“Good Afternoon po Sir Felix.”, sabi
ng mga katulong at ng dalawang lalakeng katiwala.
“P-pero…”
“From now on. Ikaw na si Felix.
Naiintindihan mo?”, matigas at mataray na sabi ni Lady. Napatango lang ako.
“Opo Lady.”
Lumapit ito sa akin at inabot ang
kamay.
“Mimi.”
Napatingin ako sakanya. Hindi na
mataray ang mukha nito. Naging maamo.
“Po?”
“Mimi Godiva.”, ngiti nito.
Inabot ko ang kamay nito.
Huminga ng malalim.
Nagpakawala ng isang malalim na
buntong hininga.
“Felix.”
Itutuloy...
I hope it's not too late for cedric na mapatunayan nia ang sarili nia kay cyrus, I know naging selfish siya, pero nag mahal lang naman siya! go cedric kya mo yan!! and nakakawindang ang ngyari kay cyrus. :( nakakaawa sya. i think kilala ko na si Mr.A pero let's wait nalang :))).
ReplyDeletegrabe..ang ganda ng part na 2 kuya.. i think alam q n din c Mr A.. feeling q xa c nikko hehe..pero m not sure pa.. aha..sana tama gud vibes q..wahaha
ReplyDeleteWow! Good chapters! Nakabawi na from pagluluksa. I want to know more sa past ni cyrus...
ReplyDeleteBakit kaya si Rovi naimagine niya na si Mr. A?
ReplyDeletebaka namn si nico si mr. a
ReplyDeletebongga!!! Bongga ang mga pasabog naun.. Like like like. - mckimac
ReplyDeletemystery mystery... well kapag ikaw talaga gumawa ng story maganda! bitn akko! hehehhe
ReplyDeleteWow!!! Who's Mr. A? Could it be Nikko? Waaaaawwww!!!
ReplyDeleteWow!!! Who's Mr. A? Could it be Nikko? Waaaaawwww!!!
ReplyDeleteWow!!! Who's Mr. A? Could it be Nikko? Waaaaawwww!!!
ReplyDeletekawawa nmn c cyrus!un pala naging cmula nya ng maging felix sya...mtagal nkong nacucurious jn sa mr A na yan...cno nga kaya un...pero kung c nikko man sya,tingin q kaya di siya pwedeng makita e un ay dhil sa natamo nyang sunog sa ktawan nya..kaya cguro me binanggit na malagkit na bagay c cyrus hbang ginagamit sya nun??haha...
ReplyDeletePero infairness,,2 chapters to wah!!thanks mr author!^^
-monty
Nice...ganun din hula ko na si Nikko nga si Mr. A...hehehe..update na po agad Ken..
ReplyDeleteAng ganda ng pasbog.......nagkanda halohalo na ang mga hinala ko kung cno tlaga si Mr. A........bongga ang chapter na ito!wahhhhhhh! Thanks ken! Ang galing mo tlaga!
ReplyDeleteNatz :-)
ang daming paghihirap ni Cyrus... and aboutt Cedric parang napakaselfish talaga nya.. tsk..
ReplyDeleteKakapanabik ang next chapter...
ReplyDeleteGrabe pla ang hirap n dinanas nya..
Sino kaya si mr a?
Sullivan eduardo
ganda ng episode... sana bilisan naman ang next episode...
ReplyDeleteAy ganun pala nangyari kay Cyrus, kaya pala. kaabang abang ang susunod na mangyayari.
ReplyDeleteKaabang abang yung next na mangyayari. Ganun pla nangyari kay Cyrus pero kahit nagbago si Cyrus na ayaw niyang makita si Cedric kung dsiya ang laman ng puso nito posebling magkaayus ulit sila ni Cedric. Si Nikko kaya si Mr. A?
ReplyDeleteKaabang abang yung next na mangyayari. Ganun pla nangyari kay Cyrus pero kahit nagbago si Cyrus na ayaw niyang makita si Cedric kung dsiya ang laman ng puso nito posebling magkaayus ulit sila ni Cedric. Si Nikko kaya si Mr. A?
ReplyDeleteJanbor Mlop
Kaabang abang yung next na mangyayari. Ganun pla nangyari kay Cyrus pero kahit nagbago si Cyrus na ayaw niyang makita si Cedric kung dsiya ang laman ng puso nito posebling magkaayus ulit sila ni Cedric. Si Nikko kaya si Mr. A?
ReplyDeleteJanbor Mlop
si nikko tlga si mr. A.. Even sa unang part ng story mas gusto ko si nikko for cyrus.. :)
ReplyDeletesana 2 chapters ulit next posting...
ReplyDeletehehe..
- London -
Another chapter to wait for hehehe. thanks ken for the back to back chapters. I'm glad you still find time to write and post your stories.
ReplyDeleteI'm just curious who this Mr. A is mukhang he will have a big part sa story ni Cyrus.
Have a great day Ken and keep on writing.
ang GANDA........... i want NiKKOOOOOOOOOOO
ReplyDeleteang GANDA........... i want NiKKOOOOOOOOOOO
ReplyDeleteOkay and we're back! Hahahahaha kala ko di na babalik yung interest ko sa story na to. Kasi naman yung mga past chapter ganun. Puro namamatay :))
ReplyDeleteAyos to :D who's Mr A? Hahaha yun ang dapat kong malaman..
-g
2days ako ngtry magcomment pero ayaw dhl nagloloko browser q. Sana mapost na toh.
ReplyDeleteayun nga,jampack! Dalawang mabigat na chapter,wala ka ng mahihiling pa. Hindi ko ma decipher what will happen next kaya mag aabang pa din ako xD
Goodjob Ken^_^
~ Tzekaaaii
lahat ng bagay may dahilan why it happened. At lahat ay may katapusan. Pag ibig lang ang makakapag ayos ng lahat at yun dapat ang pairalin ni cedric at cyrus.
ReplyDeletenasan na kasunod nito?
ReplyDeletebet ko its nikko..galing ken
ReplyDeleteWala pa din tong update hanggang ngayon. :| ang tagal ko na pong naghihintay :(
ReplyDeletewala ding update?????
ReplyDeleteang galing,,,,hehehehe good job author
ReplyDeletecan u check my blog:
ReplyDeletehttp://ursexymen.blogspot.com
care for a link exchange?
thanks :)
Tagal ng update
ReplyDeleteAng tagal naman po ng update mr author..araw-araw kong inaabangan kung meron na..ang ganda kasi ng story eh
ReplyDeleteOA nman sa tagal ng update nito, nakalimutan mo na ang takbo ng kwento sa tagal ng kasunod.lol
ReplyDeleteanu ba yan.... ang tagal tagal tagal sana maraming back to back to back to back to back yannnnnnnnnmn peace
ReplyDelete#mainipingmambabasa28
anung petsa na teh? gagawa gawa ka ng kwento, every 10 yrs ang pagitan, d kya magkaamnesia rin ang reader mo wahahaa
ReplyDeleteSang buwan na wala pa rin yung update. :(( next please? :)
ReplyDeleteUPDATE NA PO PLEASE. :(
ReplyDeleteWala na atang update 'to. :(
ReplyDeletetagal nmn po ng update :[
ReplyDelete.ang tgal ang ksun0d ah.
ReplyDeleteINABOT NA NG MAHAL NA ARAW ANG SERYE MO. DAPAT SUMAMA KA MAGPENETENSYA SA READERS MO NAGHIHINTAY SA UPDATE MO< ISANG DEKADA ANG PAGITAN HAHAHAHAA
ReplyDelete