ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, February 2, 2013

4 Minahal ni Bestfriend : Desperado part 20









             Kamusta po sa lahat lahat?! ^_^

             Unang ua sa lahat ay pasensya na sa aking late posting. GUYS.. OA po talaga ako sa pagkabusy. Sa mga nakakakilala sa akin, hindi po ako nagbibiro. Super busy po talaga at pinipilit ko lang po hanapan ng time ang pagsusulat. Kaya super thanks sa mga umiintindi :)

             Pangalawa, ay nais kong magpasalamat sa lahat ng nagsupport sa Christmas Special ng MNB. At gusto ko na rin humingi ng tawad sa aking late posting ngayon. Nagbakasyon po kasi ako panandalian sa bahay ng aking relatives at hindi ko po dala ang aking laptop. Okies? ^_^

              PANGATLO, pagpasensyahan ninyo na kung late ang aking postings.. Super busy lang talaga ako sa ngayon. Odiba, inulit ko lang.

             Pang-apat, ay gusto ko po pasalamatan ang aking Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay MIMI RAGE na syang gumawa ng cover, Kay Jojie,  at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy, ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn, _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, iamfree, chadie, IgnorantengFrog, ericka, em_bie24, , arvin of Taiwan, nikk, A L P O, rain, shingha, pein_kyoya, Gian, Enzo12, MIMI RAGE, Brent Angelo, Lawfer, Levin, Ramm, razhly, luilao, kajiki_anton, Jerwin Caraang, slushe.love, Jamespott, pein_kyoya, monja, paul ni joseph ponce, iamdarkdreamer, trutsofme, 12334, Paopi Lopez, dyasper dyokson, Rj, Bequillo, jhexter vhon, Redrockerz, Jamespott, cheryllee, Kimpoy Feliciano, Yrec, Karl Ricson, kierlynez, jon888, archerangel, Cholo Sevilla, ramzter, cy, ian of k.s.a, krisluv, dro, allen mark, manuel, franklin alviola, sora cesar aloner, justine of QATAR, cap, vash18, ramy from qatar, hot_andrew_21, derek ramsey, Jm Fab, ARSTEVE, edward_cavite, g, jhayc, jaycee mejica, kiero143, MorLuck, Tagadxb, Charo Santos, Choy Sevilla, Chris Evans, PauuulFabian, Pao, Ayen, Lee, Toffer(charmedboy09), anita baker, -kiss-, lm_rix, jhay ar tabz, Saykz, hajji alivio, ryval winston, jaycee mejica, Leowenstein, nashdane, Manuel, Louis, Dylan of Jeddah, carlo lovendino, ireneomercado, LeonardCruzL@yahoo.com, johnjamesjohn, eelkahr, hormy, manila_sex_actor,DyEyD, carlo lovendino, Yhno, alphongx, zapfyre_01, -Dylan-, jumpin rooftops, Coffee Prince, KYLE DEXTER RIVERA, Dante Espinosa, Mon Tee, Lexin, PIP, akosichristian, rc, Vice Ganda, dylan of jeddah, Kierl Ynez, ireneomercado, MICO,  cef, Jordan Rey, -john el-, juanes, rascal, Acnologia, YUME, yahiko, =KierBurry=, Izteepen, -mans-, alfredo eufemio, twilightminds, gian, London, Francis Louigie Aviso, jii, LeonardCruzL@yahoo.com, Vintoy122092, A D A N, giantantrum, popoy, jayemx57, ziedrick garcia, XxXjinXxx, devi, dee azrael, iamkljan, Karen Paulino, readymymouth, Mike Ballarta, Marshy, Mr. Brickwall, gallegoK, Bert, Miggymouse, edpaul098, nico singayan, cef de mesa, SXZMLR, ROBZ, Chad Kurasaki, mckimac, rosalino abendanio, Vince Mirabuenos, cal, Marlon Lopez, """POPSTAR NG KOREA***, julius ray sanchez, QVALLARTA, prince aki, Jp Arconado, abby, bench, alpe,  Jiru, dapya, mhi mhiko, silenttype,Melvin Samora, Ej Jasmin, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :) At syempre po sa mga friends natin sa fb.


             COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.


Pagbukas ko ng wallet ay isa isa ko ulit tiningnan ang laman. Mga picture, resibo, at mga kung ano anong I.D na meron sa loob.
Kung last time ay kinalikot ko na ito, ay may isang parte ng wallet ang hindi ko tiningnan. Ang sisidlan ng pera. Baka isipin kasi ni Geoff sa kabilang buhay, pitikin ko pa yun. Pero ngayon ay tiningnan ko ito.

“Uy, Geoff. Hindi ko to pipitikin, noh.”, biro kong sabi sa hangin.

Ngunit ng tingnan ko na ang lalagyan ng pera ay may nakita ako.

Isang bagay na talagang nakapagpataas ng balahibo ko.

“Ano?”, gulat na sigaw ng utak ko.

Hawak hawak ang bagay na nakuha ko mula sa pitaka ni Geoff ay agad agad akong lumabas ng kwarto. Tulala at hindi makapaniwala.

“Uy Tol, okay ka lang ba?”, bungad sakin ni Rovi.

“Hah.. Ah.. Oo…”, tuliro ko namang sagot.

Kahit tulala pa rin ay lumabas ako ng bahay nila Geoff. Gulong gulo at hindi alam ang iisipin. Ramdam ko ang init na tumatagas mula sa balat ko. Rinig at ramdam ang pagkalabog ng dibdib ko.

“How could this be…?”, paulit ulit na sinisigaw na tanong ng utak ko.

Patuloy lang ako naglakad lakad. Naghahanap ng lugar kung saan makakahanap ng kasagutan. I just kept on walking and walking.

Naramdaman ko ang cellphone ko na nagvibrate kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa. Nakita ko naman si Rovi na tumatawag. Agad kong sinagot ito.

“Pre, asan ka? Bigla ka nawala! Hinahanap ka ni Tita.”, takang tanong ni Rovi.

“Ah. Pasensya na. May pupuntahan lang ako saglit.”, tanging sagot ko.

“Ok ka lang ba tol? Asan ka? Gusto mo, samahan kita?”

“Hindi. Huwag na. Wala to. May titingnan lang ako sandali.”

“Aah.. Ok. Ganun ba. Oh sige. Ingat na lang tol!”, taka pa ring sagot ni Rovi.

Tulala kong binaba ang tawag at nilagay muli sa bulsa ang cellphone. Agad agad, nagsimulang gumalaw ang mga paa ko at naglakad. Pilit na nag iisip saan pupunta.

Pinuntahan ko ang lugar na unang pumasok sa isip ko. Nagbabakasakaling baka doon ay mahanap ko ang hinahanap ko. I wasn’t sure kung may makikita nga ba ako doon. Pero sinubukan ko pa rin.

Pagdating ko ay ramdam ko ang malakas na hangin na humahagupit sa mukha ko. Malamig at presko ang hangin. Katulad pa rin ng dati ay hindi mapapantayan ang lugar na ito. Ang pier.

Naupo ako sa lugar kung saan ako madalas tumambay noon. Ang isang lugar na masasabi kong talagang napaka importante sakin.

Ilang minuto na akong naka upo ngunit wala pa din. Lumingon lingon ako sa palagid ngunit hindi ako nakahanap ng kasagutan sa mga tanong na sunod sunod na nagsisigawan sa utak ko. Something felt wrong. Hindi ito ang lugar.

For some reason ay pakiramdam ko ay may nagtayo sakin at humila. Para naman akong puppet na sunod sunuran sa pagsunod sa mga yapak na kusang ginagawa ng mga paa ko. I wasn’t sure kung saan ako dadalhin pero pinakiramdaman ko lang. Parang instincts ko na ang nagsasabi kung saan ako dapat pumunta.

Sa tagal ng paglalakad ko ay sumapit na ang hapon. Hindi na kataasan ang araw. Mag aalas kwatro y medya na ng hapon. Kaya naman hindi na ramdam ang init ng sikat ng araw.

Pagkatapos ng matagal na paglalakad ay nakarating ako sa isang lugar kung saan bumalik ang mga alalaalang hindi matatawaran ng panahon. Hindi ko alam bat andito ako. Wala na akong makikita dito dahi wala ng kahit ano pang maari kong balikan dito.

Wala. Dahil lahat.. Kinain ng sunog.

I was back sa dati naming lugar.

Ang lugar kung saan dati ay punong puno ng tao.

Ang lugar kung saan kami nakatira.

Ramdam ko ang bigat ng paa habang binabagtas ko ang daan papasok. Patingin tingin sa paligid habang naglalakad. Ang dating masayang kinatitirikan ng mga bahay ng aking mga kakilala ay ngayon parang lugar kung saan namamalagi ang mga ligaw na kaluluwa. Mga sunog na yero, kahoy at mga tibag na semento na lamang ang natitira.

Ito ang unang beses na bumalik ako dito pagkatapos ng sunog. Tandang tanda ko pa ang araw ng sunog. Kitang kita ko kung paano sinuong ni Cyrus ang mga malaimpyernong apoy para mapuntahan ang Tatang Berto nya. Agad naman akong sumunod dahil nangangamba ako para sa kaligtasan nito. Sakto naman na dumating din si Nikko.

Hinding hindi ko makakalimutan. Hawak hawak ko ang halos walang malay na si Cyrus habang nakikita kong sinisigawan ako ni Nikko na umalis na. Tutulungan ko pa sana si Nikko ngunit nakita kong bumigay na ang kabilang bahay at wala ng daan para makapasok o labas pa ng bahay nila Cyrus. Mangiyak ngiyak akong nakipagsapalaran sa daang halos kainin na ng apoy. Kailangan naming makaligtas.

Nang masupil na ang apoy ay nabalitaan ko na may dalawang bangkay na natagpuan sa pinagkakatirikan ng bahay nila Cyrus at doon nga, nakumpirma ko ang kinatatakutan. Nasawi ang buhay nila Tatang Berto at Nikko.


Isang taon mahigit na ang nakakalipas ngunit sa hindi ko makakalimutan ang pangyayaring yun. Kahit pa ngayon sa paglalakad ko ay naiimagine pa din ng utak ko ang apoy na kumakain sa mga bahay ng aking mga kakilala.

Hanggang sa marating ko na.

Ang kanto paliko papunta sa amin. Halos magdalawang isip naman ako tumuloy dahil hindi naaalala ko nanaman ang lahat. Ang mga sigaw ni Nikko. Ang tunog ng apoy habang kinakain ang kahoy at yero. Mga nagbabagsakang bahay sa paligid ko.

Nagdadalawang isip man ay nagpatuloy ako.

Isa.

Dalawa.

Tatlong hakbang.

Hanggang sa…

Nakita ko ang hinahanap ko.

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib. Halos hindi ako makahinga. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nakikita.

“Imposible…”, sigaw ng utak ko.

Dahan dahan akong lumapit.

Pinasok ang mga kamay sa bulsa.

Kinapa ang bagay na nakita ko sa loob ng pitaka ni Geoff.

“Paanong…?”, sigaw muli ng utak ko.

Dahan dahan pa din akong lumakad palapit. Halos ayaw ko gumawa ng ingay sa bawat yapak na gawin.

“Bakit?”, tanong nanaman ng utak ko.

Palapit ng palapit.

Hanggang sa…

There he was. Ang taong hinanap ko ng matagal. Malaki man ang pinagbago ng ichura nya ay ngayon, nakakasiguro ako na sya to.

Nakatalikod syang nakaupo sa dating pinagtitirikan ng dati nilang bahay. Kitang kita ko ang pag galaw ng balikat nito na humuhudyat na umiiyak ito.

Napatulala ako.

Bumagsak ang mga luha.

“Cyrus…”, hinang hina kong tawag sa pangalan nya.

Napansin ko ang lalakeng nakaupo na biglang tumigil sa pag iyak. Nakatalikod man ay nakita kong ginalaw nito ang braso at kamay nito upang magpunas ng luha.

Dahan dahan syang tumayo.

Katahimikan.

“Cyrus…?”, umiiyak kong tawag muli sa pangalan nya.

Hindi ito lumingon paharap sa akin. He was just standing there. As if hindi ako narinig.

Sa sobrang pagkataranta ko ay ako na mismo ang pumunta sa harapan nito. Mugto ang mga mata nito. Hindi katulad kanina na okay na okay pa.

Binuksan ko ulit ang bagay na nakuha ko sa loob ng pitaka ni Geoff. It was a piece of paper. Isang klase ng papel na tila pinilas lang kung saang notebook at nagmamadaling isinulat.

Binuksan ko ang papel at binasa.

Sulat kamay ito ni Geoff at walang duda.

“Ced… I found him. Nakita ko na si Cyrus…”

Napatingin ako muli sa lalakeng nakatayo sa harap ko sabay sa papel na hawak ko muli.

Binigyan ko ng isang matagal na tingin ang lalakeng nakatayo sa harapan ko. I was waiting for him to explain himself. Hanggang sa may nakita akong isang bagay na nagpapatunay na sya nga si Cyrus. Hindi nya ito sinuot noon pa man at kanina dahil alam nya na mabubuko ko sya ng dahil dito.

Ngayon.. Sigurado na ko.

It was him.

He was wearing his necklace.

Ang kwintas na binigay sakanya ni Elmo.

Ang kwintas na inabot sakanya ni Mang Berto bago ito tuluyang mamatay.

“I knew it…”, sigaw ng utak ko.

Hindi kumikibo ang lalakeng nasa harap ko. Nakataliwas lang ito ng tingin.

“You still want me to call you Felix?”, nasabi ko bigla. Naramdaman ko na lang na tumutulo ang luha ko. But he just stood there. Walang sagot. Walang kibo.

“Ano Cyrus? Gusto mo din paniwalaan ko na ikaw si Felix?”, umiiyak ko pa ding tanong.

“Ako si Felix.”, pagsagot nito. Dito na nagpintig ang tenga ko.

“Punyeta Cyrus!! Kung hindi nga ikaw si Cyrus, bakit nasayo ito?! Bakit suot suot mo ito?!”, pasigaw kong lapit at pagduduro sa kwintas na suot nito.

Hindi pa din sya sumagot. Hindi ko mabasa ang iniisip nito dahil wala itong emosyon na pinapakita. He just gave a blank stare. At ang malupit pa doon, hindi sya sa akin nakatingin.

“Hindi ikaw si Cyrus?! Ayan ba ang gusto mong laro pa din…?”, inis at umiiyak kong sabi.
Sunod sunod na umagos ang luha ko. Halo halong inis, galit, at pagkasabik ang umuusbong sa dibdib ko.

“If hindi nga ikaw si Cyrus tulad ng sabi mo. I want you to deny na nakilala mo si Mang Berto, si Nikko at si Elmo!! Ipamukha mo sa akin na yung mga taong yun, wala ding halaga sayo!!”, pagduduro ko sa dibdib ni Cyrus.

Ngunit nagulat na lang ako sa mga sumunod nangyari. Naramdaman ko na lang ang dalawang kamay nito sa dibdib ko. At ang sumunod na nangyari ay nasa lapag na ako. Buong lakas akong tinuluak ni Cyrus.

Pagkatumba ko ay tumingin ako sa mukha nito. Punong puno ito ng galit at pagkamuhi.

“OO, CEDRIC!! AKO NGA! AKO NGA SI CYRUS!!!”

Napatulala lang ako ng dahil sa gulat. Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari. I can’t believe what my eyes are seeing.

It was him.

It was Cyrus.

But yet, parang ibang tao ang nasa harap ko. It was not Cyrus nor Felix. Pakiramdam ko ay ibang ibang tao talaga sya.

“MASAYA KA NA CEDRIC?!”, pasigaw na sabi nito.

Dahan dahan ako napatayo at pinagpag ang sarili. Ngunit hindi ko naman inalis ang pagkakatingin dito.
Binigyan lang ako ng isang matalas na tingin. His eyes were full of anger… Rage.

“Ngayong alam mo na, Cedric. Wala na tayo dapat pang pag-usapan.”, matigas na sabi nito at talikod. Nakita ko na lang na naglalakad ito palayo.

“Teka…”, mahinang sabi ko. Ngunit nagpatuloy lang ito sa paglakad. Agad naman akong sumunod. Hinabol ko ito at hinawakan sa balikat. He stopped walking.

“Cyrus…”

Ayoko ng palagpasin pa ang pagkakataong ito.

“Felix once told me na kung magkikita kami ay pakikinggan ni Cyrus ang paliwanag ko.”, naiiyak kong pakiusap.

Tumingin lang ito ng bahagya. He still has that sharp look. Mga tingin na tumatagos sa kaluluwa ko.

“He said MAYBE. But I guess mali sya. Cyrus doesn’t want to talk to you after all.”, galit at matigas na sabi nito. Maglalakad na sana ito ngunit pinigilan ko ito. Binalikwas nito ang balikat kaya natanggal ang kamay ko. Naglakad ito muli palayo.

Hindi ito pwede. I’ve waited for so long para makausap sya. Hindi ko na palalagpasin pa ulit ang isang araw na mawala sya ng hindi ko man lang sya nakakausap.

Hinabol ko ito at hinawakan pa rin sa balikat. But everytime I do, inaalis nya lang ito. Halos magmakaawa naman ako sakanya ngunit tila hindi nya ito naririnig.

I was left with no choice. I ran out of options. I was desperate para makausap sya.

I hugged him.

Niyakap ko sya mula sa likod.

Tumigil sya at hindi gumalaw. Habang ako ay nakayakap mula sa likuran nya at umiiyak pa din. Finally, nayakap ko na muli sya makalipas ang higit na isang taon. His body was warm. He still has that scent.

“Kung ganon. Hayaan mo akong magmakaawa para makausap ka…”, humahagulgol kong pagmamakaawa.

Hindi lang sya gumalaw. Kahit pa ang ulo nito ay hindi nya ginalaw. Nakayap pa rin ako habang patuloy ang pag agos ng mga luha ko.

“Cyrus… Please… Talk to me…”, utal utal kong pagmamakaawa.

Naramdaman ko ang mga kamay nito na humawak sa mga kamay kong nakayakap. Hinawakan nya ito ng matagal. Mahigpit.

Ngunit inalis nya ito. Kasama pati ang mga kamay ko.

He started walking away.

“Cyrus, mahal kita….”, tanging nasabi ko. Wala na kong maisip pang gawin o sabihin para pigilan ito.

He again stopped walking at this time nilingon nya ako. Napatingin ako sa mukha nito. Tears were building up from his eyes. Halatang pinipigil nya lang ito.

Nagulat na lang ako ng maglakad ito palapit. Mabilis at padabog ang yapak. Umuusbong at tumatagas ang galit nito sa buong mukha nya. Pagkalapit na pagkalapit nya ay agad akong kinwelyuhan nito.

“Alam mo ba kung anong impyerno ang pinagdaanan ko?!”, naiiyak sa galit na sabi ni Cyrus.

Napatingin lang ako sakanya. Halong galit at lungkot ang mukha nito. Ramdam na ramdam ko ang sakit na idinulot ko sakanya.

“I’m so sorry Cyrus… Hindi ko sinasadya…”, iyak kong sabi.

“Sorry? Yan na yung paliwanag na sinasabi mo? Sorry? Yun na yun?!!”

“Ano pa bang gusto mo sabihin ko?!”

“Ano nga ba ang dapat ko marinig mula sayo, Cedric?!”

Dati, halos araw araw kong pinagisipan ang mga sasabihin kay Cyrus sa araw na magkita kaming muli. Ngunit ngayon ay halos wala akong masabi. I was speechless.

“Cyrus… Anong nangyari sayo…?”, umiiyak kong tanong.

“Kung ang dating Cyrus pa din ang hinahanap mo… Wala na yun, Cedric. Wala na ang Cyrus na nakilala mo..”

Binitawan nya ako sa pagkakwelyo nya. Kitang kita sa mukha nito na wala syang pagsisisi sa ginawa nya sa akin.

“Kaya ba nagpanggap ka na maging ibang tao?”

“Sinusumbatan mo ba ako?!”

“Hindi. Pero gusto ko malaman kung bakit pati si Geoff..”

“Oh, so this is about Geoff now?! Funny you should say that!”

“Geoff was a friend to you Cyrus! Pero anong ginawa mo?!”

“Ginawa ko?! Huwag mo isisi sakin lahat ng mga pagkakamali mo! Hindi ko kinalimutan ang ginawa sakin ni Geoff! Pero ikaw? Para magsalita ka ng ganyan sakin? Remind ko lang sayo, kung ano ang pagkakamali mo sakanya, wag mong ibuntong sakin. Don’t blame me for things na ikaw ang may kagagawan!!”

Hindi kinaya ng dibdib ko ang sinabi ni Cyrus. Oo, totoo lahat. Pero masyadong brutal at masakit.

“At ikaw proud ka ngayon sa buhay mo?! Porket nakaasenso ka? Ganun ba Cyrus? Kaya ba nakaya mo kalimutan ang lahat ng tao sa paligid mo?! Para lang sa pag asenso mo?”

“Wala kang karapatan sabihin sakin kung sino at ano dapat ang naging pagkatao ko!”, galit nyang sabi.

“Siguro nga, ibang tao ka na… Masyado ka na kinain ng pagkukunwari mo. Yan na ba ang naging epekto ng pagiging isa mong…”

“Isang ano Cedric? Magsasalita ka nanaman ng dahil sa galit mo? Tapos ano? Pagsisihan mo? Susubukan mo nanamang bumawi?! Pero sige, tell me Cedric!! Ano ako!!”

Nahimasmasan ako ng konti. I couldn’t think of words para bumawi sa sinabi ko.

“Ano Cedric?!!!”

Hindi ako kumibo.

“Puta?! Callboy?! Bayaran?! Parausan?! Yan ba?!”

Matigas at galit ang pagkasabi ni Cyrus. Ngunit mas ramdam at nangingibabaw ang kalungkutan sa boses nya. His voice was cracking sa pagsabi nya ng mga ito.

“ANO CEDRIC?! YUN BA?!!!”

“I felt alone Cyrus!!!”, biglang nasigaw ko na lang.

“Fuck!! Ano?!”, sarkastikong sigaw nito.

“Hindi mo alam ang naramdaman ko Cyrus. I felt alone. Noon pa man, alam kong ikaw ang mahal ni Geoff. And you would want him more than me. Alam ko yun dahil hindi sya mahirap mahalin! Tapos idagdag mo pa na nawalay sakin ang pamilya ko. It was very hard on me!”

Nagiiyak ako at tiningnan si Cyrus. Nakatingin sya sa lupa. He was crying as well.

Ngunit nagulat na lang ako ng maramdaman ko na may tumama sa mukha ko. Isang napakalakas na suntok ang dumampi agad sa mukha ko ng di ko man lang namalayan.

“PWES!! P*TANGINAMO!!! Alone ba kamo Cedric? Yan ba talaga ang sasabihin mo?!”

“Hindi mo alam ang pakiramdam na yun Cyrus. Nalayo ako sa pamilya ko! At alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang pamilya ko!!”

“AT PAANO AKO CEDRIC?!! I lost everything!! LAHAT LAHAT CEDRIC!!!”, galit na galit na sigaw ni Cyrus.

Napatingin na lang ako kay Cyrus. Nagiiyak sya sa sobrang galit. Namumula ang mukha nito ng dahil sa sobrang iyak at pang gagalaiti.

“CEDRIC!!! Ako nawalan mismo ng pagkatao! Si Tatang Berto na lang ang natitira sakin alam kong meron ako!! Yun na lang! Buong buhay ko! Buong buhay Cedric! Hindi ko alam kung sino ba ako o ang buong pagkatao ko! Ni hindi ko nga alam kung ilang taon na ba ako talaga, san ba ako nanggaling o ano! Tapos sasabihin mo sakin you felt alone? TAENA!!!”

Natahimik ako sa sinabi ni Cyrus. Doon ko lang naralize ang pagiging selfish ko.

“Cedric, kung ikaw nalayo… Ako nawalan. Noong mga panahong yun… Ikaw na lang ang kinakapitan ko….”

Nilapitan ko agad si Cyrus. Hinawakan ang mga braso nito. Pilit na pinapakalma sa pag iyak.

“I’m so sorry Cyruss…”, umiiyak kong sabi.

Hindi kumibo si Cyrus. Niyakap ko ito ng mahigpit na mahigpit. Ramdam ko ang init ng katawan nito dahil sa pag iyak. At ramdam na ramdam ko din ang sakit na pinagdadaanan nito. Mas dumoble tuloy ang sakit pang nararamdaman ko.

Nagulat na lang ako ng pwersahan akong inilayo ni Cyrus.

“Huwag na huwag mo kong mayakap Ced. Kinalimutan na kita.”, matigas na sabi nito.

“Cyrus…”

“No. Tama na. Kalimutan na natin ang lahat. The day na umalis ako sa atin, binuo ko sa loob ko na kalimutan ang lahat. Gusto ko magsimula ng bago. Isang buhay na walang makakapanakit pa sa akin.”

“Pero Cyrus…”

“No. Cedric, simula bata palang tayo, kaibigan na kita. Bestfriend na kita. Kaya alam mo na kapag nagdesisyon ako ay paninindigan ko ito.”

Mula sa pagkakaiyak ko ay medyo napahinto ako at naguluhan sa sinabi ni Cyrus.

“Huh?”, guat kong tanong.

“Oh bakit hindi ba? Ilang taon na tayo magkakilala Ced!”

Mas lalo akong naguluha. Ano bang pinagsasabi ni Cyrus?

“Gusto mo malaman diba? Kung bakit pinanindigan ko na ako si Felix? Dahil ang Cyrus na nakilala ko, puro masasakit ang naaalala. At ikaw ang isa sa pinakamasakit na alalaala ng pagiging si Cyrus ko.”

“Ano bang sinasabi mo Cyrus? Hindi na kita maintindihan..?”, umiiyak kong tanong.

Nagbigay ng huling tingin si Cyrus.

“Hinding hindi mo talaga maiintindihan Cedric.. You never will.”

Sabay walk out ni Cyrus.

Gulong gulo ako sa pag uusap naming ni Cyrus. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko. Gusto ko maintindihan nya ako. Pero gusto ko din syang intindihin. Masyadong malaki ang nagawa ko sakanya. Nasaktan ko sya ng higit pa sa inaakala ko. At hindi talaga itong madaling kalimutan. Alam ko yun.

Ngunit ang talagang bumabagabag sa akin ay ang huling sinabi ni Cyrus. Anong ibig sabihin nya doon?

“Huwag mo sabihing…”

            Itutuloy...

25 comments:

  1. Sinasabi ko na nga ba!! sya si cyrus eh! I knew it! ^_^. buti nalang nahanap sya ni geoff, wew! ganda ng twist nito!! next chapter please! :)

    ReplyDelete
  2. waaaahhhha... welcome back cyrus .. pero bakit sila nag away dba pwedeng bati nlanag sila kakaliungkot ehhh ..hehehe :D

    ReplyDelete
  3. im sure marami pang twist at chapter ang lalabas d2. hmmmm

    ReplyDelete
  4. I was right all along n xa n ngaun c Felix dhl pnatay nya at inilibing ang dating c Cyrus. sinet nya s mind nya n ang patay kailan man ay d n muling mbubuhay p. Kung kailan mgrere-encarnate o mbubuhay muli c Cyrus n nilibing nya lng s yelo ay ikaw ang nkk-alam dhl hwak mo ang hinharap! Ha ha ha ha! I really like ur story. Oh, should i say I love it so much! D story drives in my vein. I pray n m-discover mo p ang gling mong d mo p ndi-discover! Alam ko n mrmi p dyang nk-imbak s utak mong brilliant ang lalabas in due time! Congratz my dear. This s ur avid fan Philip Zamora

    ReplyDelete
  5. napaka selfish ni ced, sa kasugapaan niya ay si goeff na sinota tpos sasabihin niya kay cyrus na i felt alone what the fuck...

    ReplyDelete
  6. sabi na eh,lalabas din katotohan,mejo naguluhan aq kay cyrus talaga,umalis sya ng hndi ganun,taon lang lumipas nag iba na. Oh well,people do change pag madami pnagdaanang masakit and i understand na it was hell. May ganyan talagang tao,pag nasaktan na,isasara na ang puso at babaguhin ang sarili,pero mukhang ndi pa naman huli ang lahat, may ilang chapter pa, db kenji? :)

    kelan nga pala story ni Larc? HAHA xD

    ReplyDelete
  7. grabe sa tagal ng post ng episode ito ang pinakaguto ko... sana mabilis naman ang pagpost ng susunod na episode

    ReplyDelete
  8. so clueless sa mga last words ni cyrus.. hmm.. saa may next chpter na :] hehehe

    ReplyDelete
  9. grabe ang ganda...panu kaya mag kaka ayus c cedric tpz c cyrus??????
    anu kaya ang mga susunod na mga mangyayari??????excited na tlga aq...

    http://www.youtube.com/watch?v=JuaKtMAuXNM

    ReplyDelete
  10. grabe ang ganda tlga. . .panu kaya mag kakabati si cedric tpz si cyrus???excited na tlga ako sa mga susunod na mga mangyayari...

    http://www.youtube.com/watch?v=JuaKtMAuXNM

    ReplyDelete
  11. hindi kaya si elmo si cedric??bat parang andaming bagay na hindi alam ni cedric. like nung donut yung sa sea wall tapos itong kabataan nila..grabe..ang daming twist..im still hoping buhay pa rin si nikko kahit may bangkay pa..wala namang confirmation eh..hahaha..d best ka tlaga kenjie

    ReplyDelete
  12. Dami request for a twist a..
    Clueless tlga sa mga nagyayari..kaya kakaabang ang next chapter..

    ReplyDelete
  13. Cedric and Elmo ay iisa.
    I guess amnesia amnesia ang Peg ni Cedric or selected amnesia just like Cyrus.

    Nabobore na ko sa eksena ni Cedric.. Sana yung Side na ni Cyrus ang mging narrator.

    Inaantay ko pa din ang Eksena ni ROVI, kanino kaya sya magkakagusto? Diba naamoy sya ni Nikko na Paminta si ROVI?

    Mas kinikilig talaga ako kay
    Cyrus - Nikko / Cyrus - Rovi.

    From : Enzo Bulo Eslu

    ReplyDelete
  14. very nice.... can't wait for the next chapter...

    wala ka pa din kupas master ken.. :) keep it up!

    - London -

    ReplyDelete
  15. grabe.. cnasabi ko na nga ba at isang malaking pasabog nanaman to eh.. hehehe.. ganda.. grabeh emotion na dumaloy sa istorya..

    ReplyDelete
  16. grabe.. cnasabi ko na nga ba at isang malaking pasabog nanaman to eh.. hehehe.. ganda.. grabeh emotion na dumaloy sa istorya..

    ReplyDelete
  17. what happened?! Damn I'm right si cyrus at felix ay iisa. Can't help but have a pity with cyrus sa dami ng pingdaanan niya no wonder na bigla siyang magbago. people do change because of the things that may effect them personally and emotionally. But sabi nga nila we should be responsible enough to the decisions that we make. Kagaya ni Cyrus he played as if he is tough and through with what he has experience but still the warrior is a child.

    Have great day ken. Keep it up!!!

    ReplyDelete
  18. si cyrus si felix sabi ko na nga ba eh......

    ReplyDelete
  19. shaks!!c cyrus nga si felix!!haha...ang husay husay!^^
    dq rn masyado magets ung huling cnabi ni cyrus...bkit nmn kya nya cnabi un...

    -monty

    ReplyDelete
  20. Ganda..pinapanalangin ko na sana mabilis na ang update nito..hehehe..

    ReplyDelete
  21. Magvavalentines na kuya ken! Sweet moments naman po. :)

    Well, this is a good chapter! Full of drama.

    ReplyDelete
  22. kua ken bakit po pag inoopen ko ung table of contents may lumalabas na link na ''scriptabufahan.google.com'' di ko maopen ung table of contents. -mckimac

    ReplyDelete
  23. Actually, tama naman ang ginawa ni Cyrus. Masyado ngang naging selfish si Ced. Hindi na ako makapaghintay sa mga sususnod na chapters!

    ReplyDelete