ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Thursday, March 14, 2013

Eterna : Chapter 1 & 2


Eterna
Written: Heara


Ano ang kayang gawin ng isang puso na nagmamahal?
At
Ano ang hindi kayang gawin ng isang pusong nasasaktan?
Ito ay isang kwento ng mga damdaming naglakbay panahon upang tapusin ang laban na nasimulan mula sa nakaraan.




***
A/N: Hello! Uhh, I’m back with a new story. I’m not really confident with how I write the story so please bear with me! ;) I’m badly needing some suggestions and opinion :D I’ll talk more about the story in the coming chapters! :D Ja!



 DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Kabanata 1

“KAILAN MA’Y DILI NINYO MAGAGAWANG MAHALIN ANG ISA’T ISA!” Patuloy ang pagawit ng kulog sa kalangitan habang ang katawan ni Angin; bathala ng Hangin ay patuloy na naglalabas ng dugo na likha sa matinding pakikipag dwelo sa kanyang karibal na si Oden, ang bathala ng Tubig para sa puso ng magandang diwata ng Apoy na si  Lalang.
“ISINUSUMPA KO SA BAWAT DUGONG UMAAGOS SA AKING KATAWAN NA ANG MISMONG PAG-IIBIGAN NINYO ANG MAGIGING HADLANG SA INYONG KASIYAHAN!” Lisik na matang isinasambit ni Angin ang kanyang pagsumpa. Tanging ito na lamang ang kanyang magagawa sapagkat malinaw na ang kanyang pagkatalo sa dwelo at lalong-lalo na sa puso ni Lalang. Dahil hindi niya matanggap ang pagpili ni Lalang na ibigin si Oden, kanyang hinamon sa isang dwelo ang matalik niyang kaibigan na ngayon ay karibal at siyang tumalo sa kanya.
“TAHIMIK ANGIN! Wag mo nang ubusin ang iyong lakas! Dali na’t iwaksi ang iyong galit at tayo’y magtungo kay Binayi upang gamutin ang iyong mga sugat.” Sa kabila ng lahat ang pag-ibig ng pagkakaibigan ang namumutawi sa puso ni Oden. Siya ay kilalang tunay sa butihing puso na taglay na di kailang minahal ng lubos ni Lalang, na patuloy pa ring umiiyak sa sitwasyong nagaganap sa kanyang mga mata.
“Ikaw ang manahimik Oden! Hindi ko kailangan ang iyong pag-awa! Nais kong mamatay upang tuluyang mamutawi ang sumpa! ANG SUMPA NA KAILANMA’Y MAGBIBIGAY PAIT SA BUHAY NINYONG DALAWA!” pagmamatigas ni Angin kay Oden.
“Sumpa!? Dili ba’y nagusap tayo na ang pag-ibig lamang ni Lalang ang nasa kasunduan!?  Ngunit bakit may sumpang kasama Angin!?” angil ni Oden. Tumawa ng napakalakas si Angin na wari ba’y walang sugat na iniinda. Pagkasaba’y nito ay ang malakas na pagbuhos ng luha ng kalangitan sapagkat nalalapit na ang paglaho ni Angin.
“Ang sumpa na ang pagiibigan ninyo ay magbibigay dusa sa bawat isa at ang… pagdurusang ito ay magpapasalinlahi… sa kahit anong anyo, sa kahit anong panahon pa man ito… dili ninyo magagawang mahalin ang isa’t isa Oden… Lalang…” umubo ng dugo si Angin at nagpatuloy. “nalalaman kong ang tunay na pagmamahalan ang mananaig kaya nga’y manaig man ito… ikakamatay ito ng bawat isa.” Tumawa siya ng pagkahina simbolo ng nawawalang buhay niya sa kanyang katawan. “Maligayang pagmamahalan Oden at Lalang!” pagkuwa’y nawalan na ng mapusyaw na asul na liwanag ang mata ni Angin at makalipas ay ang pagpikit nito.
“ANGIN! AAAANGIN! DILI MO MAARING MAGAWA ITO!” Mariin na pagtutol ni Lalang sa patay na katawan ni Angin habang siya’y pinapakalma ni Oden. “MABUHAY KA DALI! ANGIN! BAWIIN MO ANG SUMPA! BAWIIN MO!!!!!” pagwawala ni Lalang.
            “Lalang! Maghunos dili ka!” alo ni Oden kay Lalang. “May paraan pa tayong matatanto para sa sumpa. Atin na munang magluksa para kay Angin.” Mahigpit na niyakap ng binatang bathala ang diwata. Ang yakap na iyon ay lalong nagbigay laya sa mga hikbi sa kawawang si Lalang.
            “Hindi ko alam kung saan nagluluksa ang aking damdamin. Sa pagkawala ni Angin o sa sumpa…” sambit ni Lalang.
            “Ang luksang ito ay para sa puso ni Angin na nabalutan ng galit…” at marahang hinalikan ni Oden ang sintido ng kanyang minamahal na diwata.
            Maya-maya ay dumating na ang bathala ng Kamatayan na si Sidapa. Kasama ang mga anghel ng kamatayan, upang isagawa ang pangkalahatang pagluluksa para sa isang namatay na bathala.
            “Bathala Sidapa,” pagyuko ng kasintahan sa Bathala ng kamatayan na ginantihan din ng pagbati ni Sidapa. Maingat na kinuha at nililinisan ng mga anghel ng kamatayan ang mga labi ni Angin samantalang malungkot na humarap at kinausap ni Sidapa ang magkasintahan.
            “Hindi lingid sa inyong kaalaman na saklaw ng aking kapangyarihan ang mga hiling.” Taitim na sambit ni Sidapa. “Ang mga hiling o nais ng bathalang mamatay na.” namutawi ang katahimikan sa tatlong makapangyarihang nilalang at muling nagpatuloy na nagsalita si Sidapa. “Nais kong malaman niyo na isa ako sa mga masasayang bathala sa inyong pag-iibigan pero dapat kong gampanan ang aking tungkulin. Ipapataw ko sa inyo ang sumpang hiniling ni Angin.”
            “H-hindi… H-hindi! H-hindi maari! B-bathala Sidapa…” hagulgol ni Lalang sa isa sa mga nakakataas na bathala.
            “M-may paraan pa hindi ba Bathala Sidapa?”  pilit na pagtangis ng pag-asa ni Oden kay Sidapa. Habang ang bathala ng kamatayan ay tahimik lamang na waring nagiisip ng paraan…

-------

            “Pwede bang istorbohin ang madibdibang pagbabasa mo? Ha? Aidan?” Hatak ni Kryza sa libro na binabasa ko.
            “Ano nanaman ba yun? Istorbo to.” Yamot na bawi ko sa libro na kinuha niya.
            “Magpapapirma lang naman ako sa iyo Mr. President ng Student Council at ang sekretarya mo ay inaaway na ng Vice President mo!” pameywang niyang kinuha pabalik ang lumang libro sakin na nahalukay ko lang sa library ng bahay namin.
            “At ano nanaman ang ikinapuputok ng butsi ng hampas lupang Vice-president na yon!” hatak ko ulit sa libro na kung siguro ay nagsasalita lang eh panigurado akong minura na kami ng malutong sa pagkahilo.
            “Ewan ko! Pati pa ba pagiging messenger eh sinalo na ng pusisyon ko? Maawa naman kayong dalawa sakin!” at hahatakin muli ni Kryza ang libro.
            “Teka nga! Ba’t ka ba hatak ng hatak sa librong to!? Eh kung mapunit? Di ko pa kaya tapos basahin!” sabay tago ko sa libro sa bag ko.
            “Eh binabasa ko pa kaya yung title! Ano ba yang libro na yan?”
            “Love story ng bathala ng apoy at tubig.” Biglang natawa si Kryza ng nakakaloko.
            “Philippine myths na ang trip mo sa buhay ah, maganda ba?”
            “Di ko pa masasabi, di ko pa tapos eh. Teka nga, masyado mo na ako dinadaldal asan na ang pipirmahan ko?”
            Nilapag ni Kryza ang tatlong umpok ng folders sa lamesa ko at napanganga ako ng husto. “BAKIT GANTO KADAMI!?” angal ko kay Kryza, bago pa man siya sumagot eh binulabog kami ng ingay sa pagsara ng pinto ng opisina ng Student Government.
            “It is because every action of this student body needs your approval. Mr. President. Everything needs to be sign by you. Dapat alam mo yun at dapat hindi ka na nagugulat.” Singit ng aking pinaka magaling ever na vice-president at mortal na kaaway ko na si Zephyr. Etong labo na ito, forever na nakakabadtrip! Bwiset.
            “pagkalat mo labo!” bulong ko sa sarili ko.
            “Pardon?” matalim na titig sakin ni Zephyr.
            “Ah! Wala yon. Sabi ko pipirmahan ko na.” bawi ko, wala kasi ako sa mood na makipagtalo sa kanya ngayon. Na gogood vibes kasi ako…





            Ang gwapo ni Zephyr ngayon. Gulat kayo no? ang totoo kasi niyan… I have a one sided love for him. Siguro nga totoo, the more you hate, the more you love. Ewan ko kung ganun siya sakin, walang ibang nasa utak nito kundi ibaon ako sa pagkatalo sa lahat ng bagay. Eh walang iba rin naman sa utak ko eh umamin na sa kanya na gusto ko talaga siya, natatakot naman akong sapakin netong labong to. Hay! Ewan sing labo ng mata niya ang gusto kong mangyari. Makapirma na nga!



------

“Gabriel…”
            “Why Natasha? Something’s wrong?” yakap ni Gabriel sa kanyang asawa na si Natasha. Kagagaling lamang ni Gabriel sa kanyang opisina.
            “The time is about to come… I am afraid…” natigilan si Gabriel at iniharap ang kanyang nagaalalang asawa.
            “Aidan will understand… I know, pero hangga’t di pa nagtatagpo hindi na niya kailangan pang malaman pa.” yakap muli ni Gabriel kay Natasha.
            “Pero pano ang mga…ang mga patunay ng pagiging dugong bathala niya Gabriel” naiiyak na sabi ni Natasha.
Kabanata 2

“Kamatayan.”
            Nakakabinging sambit ni Sidapa sa magkasintahan.  Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa magandang mukha ng diwata ng apoy. Habang ang kanyang kasintahan ay nanatiling yakap-yakap siya.
            “Kamatayan ang sanhi ng sumpa, kamatayan din ang lunas. Yan lamang ang maari kong sabihin Oden at Lalang.”  Patuloy ang pagdaan ng katahimikan sa mag-singirog na wari’y hindi mapagtanto ang gagawin sa mga oras na iyon. Muling nagpatuloy ang bathala ng kamatayan sa kanyang pagsasalita. “Ang maari ko lamang na maitutulong sa inyo ay ang pagliban ng epekto ng sumpa.”
            “Ano ang iyong ibig sabihin bathala Sidapa?” kalas ni Lalang sa pagkakayakap kay Oden.
            “Ipapataw ko ang sumpa bukas sa pagtakip-silim. Ikinalulungkot ko ito Oden at Lalang.” Nagtungo ang bathala ng kamatayan patungo sa kanyang mga anghel upang dalhin sa lugar ng pangkalahatang pagluluksa. Naiwan ang magkasintahan na nanatiling tahimik at walang imik sa isa’t isa.

----

            “Aidan, dinners ready.” Katok ni Natasha sa kanyang bunsong anak.
            “Sunod na lang po ako ma.” Sagot naman ni Aidan
            Number 1 rule ni Natasha ang sabay sabay na pagkain tuwing dinner kaya napagdesisyunan niyang pasukin sa library ang kanyang anak. Nagulat naman si Aidan at inilapag ang binabasang libro noong isang araw pa.
Etena
            “Y-you are reading this?” tanong ni Natasha kay Aidan.
            “Yes po.” Nakatitig na sagot ni Aidan sa kanyang mama.
            “W-where… San mo nahanap ito?” nanlalamig ang kamay ni Natasha na kinuha ang lumang libro.
            “Well, nakakalat po kasi sa library to kaya binasa ko na.”
            Lumingon si Natasha sa kanyang anak ng puno ng pagaalala. “Wala ka bang naramdaman na kahit ano? Or, napansin na kakaiba? Ha? Anak?”
            “Wala naman po ma, Is there something wrong?” Lapit ni Aidan sa kanyang ina na kasalukuyang nababalot ang isipan ng pag-aalala.
            “N-nothing Aidan.” Matipid na tumawa si Natasha at nagpatuloy. “Mother complex, alam mo na. Napaparanoid lang. Tara na anak, lets eat.” Ngiti ni Natasha. “Aidan…”
“Yes po ma?” Lingon ni Aidan ulit sa kanyang ina.
Umiling si Natasha sabay marahan niyang hinaplos ang mukha ng kanyang anak.

----


            Mariing hinahawakan ni Lalang ang kamay ni Oden habang sila ay nasa dalampasigan. Gumanti ng pisil si Oden sa kanyang minamahal na nobya.
            “N-nais kong ikasal sa iyo sa lugar na ito, Oden.”  Pilit na ngiti ni Lalang, unti-unti na kasing bumababa ang araw sa likod ng dagat ibig sabihin nito ay nalalapit na ang pagpataw ng sumpa.
            “Itatali ko ang buhay ko sayo sa kahit saang sulok ng mundong ito Lalang,” at nagsalo ang dalawa sa isang halik. Halik na dapat ay sumisimbolo ng pagmamahalan pero ito ay isang hudyat ng pamamaalam ang bawat luhang dumadaloy sa mata ni Lalang na nararamdaman ni Oden sa kanyang pisngi ay nagbibigay pait at sakit sa kanyang puso.
            “Patawad, Lalang. Patawad… Hindi ko nagawang tuparin ang pangako kong hindi kita hahayaang lumuha…”
            “Oden…” mahinay niyang hinawakan ang pisngi ng kanyang sinisinta. “Tatandaan mo na simula nang kilalanin ng puso ko ang pagmamahal mo, nakalimutan na nang puso ko ang kalungkutan.” At mahigpit na yinapos ni Lalang si Oden ang yapos na tila ba pinagiisa ng kanilang katawan ang pintig ng kanilang puso. “Ikaw ang pag-ibig, kasiyahan at ang buhay ko Oden!”
            Bumitiw si Oden sa pagkakayakap sa kanyang kasintahan upang makita at mapagmasdan ang magandang mukha ng dilag. Kanyang pinunasan ang mga luha na tinataglay ang isang mapait na pamamaalam. Tinitigan ang mata ng kanyang minamahal. Ang bilog na parte ng kanyang mata ay isang matingkad na kahel na nagliliwanag, ganto ang mga mata ng mga bathala ang mga kulay ng bilog na parte ng mga mata ay sumisimbolo ng kanilang elemento.
            Lumuhod ang binata habang hawak ang kamay ng dalaga.
            “Ako si Oden, nangangako sayo, sa bawat oras, araw, taon o sa kahit anong panahon, anyo o pagkatao iibigin ka at ikaw lamang. Iniaalay ko sayo ang aking puso’t isipan at kaluluwa pang habang buhay at magpakailanman. Tinatanggap mo ba ang aking alay na pangako para sayo Lalang?” nakatitig na tanong ni Oden sa kanyang kasintahan.
            “Buong puso kong tinatanggap…” binigyan ni Lalang ng isang napakagandang ngiti ang kasintahan na tila ba nagpalimot sa mga oras na iyon ang nalalapit na pagpataw ng sumpa.




-----
            “I don’t know what we should do to our son. Kamilla… Habang lumalaki siya napapalayo ang loob niya satin.” Kamot ni Miguel sa kanyang sentido habang nagkakape silang dalawa ng kanyang asawa.
            “He is just in his awkward stage Honey. Parang di mo naman napagdaanan yan. Buti nga he acts grumpy and such unlike you before. You look grumpy.” Ngisi ni Kamilla sa asawa niyang nabuga ang nainom na kape sa kanyang sinabi.
            “I look what? Grumpy? Are you kidding Kamilla?” taas kilay niyang sagot sa asawa niya.
            “No. Im not Migs. You look Grumpy.” Sagot ulit ni Kamilla na tila ba nanghahamon ng isang malupit na rambol sa kanyang asawa. Malakas na tumawa si Miguel at tumukod sa lamesa upang mapalapit ang mukha sa asawa.
            “Kaya pala pinakasalan mo ako?” ngiti ni Miguel na nangaasar.
            “Whatever!” ismid ni Kamilla sa asawa niyang taglay ang ngiti ng tagumpay.
            “Okay. I won. I will have my prize.” Sabay halik ni Miguel kay Kamilla. At parang isang teenager na tumawa si Kamilla at gumanti ng halik sa kanyang asawa.
            “You gotta keep it cool Honey. Zephyr is just on his way of growing up… Hindi ka nagkamali ng pagpapalaki sa kanya.” Pag-aassure ni Kamilla habang yakap na niya si Miguel.
            “I hope so. I don’t want to waste our time. We have to explain everything to him soon and this sudden change of him does not help the situation.” Pagkakalas ni Miguel sa kanyang asawa.
            “Patience. Miguel… Patience.” Alo ni Kamilla.

 Itutuloy...

9 comments:

  1. interesting! very nice.. :)

    - London -

    ReplyDelete
  2. wow o.o
    fantasy... interesting :o

    ReplyDelete
  3. interesting pero parang mas maganda yung isang fantasy story dito. saka parang bisaya yung ilang words. better kung straight Filipino siguro. mas maaappreciate, hindi naman sa nagiging racist, it's just my feel about it.

    looking forward sa next chapter. may future to.

    ReplyDelete
  4. ,,,,haissst,, magsisimula na naman ng bagong kuwento pero di naman tinatapos at ang bagal ng update, better wag na lang,,,

    ReplyDelete
  5. ganda! Hndi ko dapat babasahin kaso nahook nko. So it means, sina Oden at Lalang ay naging c zypher at aidan,kc sabi kht anung anyo ng pag ibig :)

    ReplyDelete
  6. Dеvoіd of watеrіng thе гoοtѕ оf a
    treе іt is futilе to be expecting it to incrеaѕe and
    giνe uѕ luѕсіоus fruіtѕ, νibrant flоwеrѕ еtсetега.
    Τhe publican requеsted Daisy, his barmaid, to
    prονidе ѕome celеbгаtorу
    cοmbinеd beverаges. * Chіnese рizzа:
    Best гated unbaked pіzza dough with hоіѕіn sauce, ѕliсeԁ gгееn
    рeрpeгѕ and οnions, anԁ
    sauteeԁ ѕhitake muѕhroomѕ.


    Alѕo visit my weblog; http://www.sjbb.Org/

    ReplyDelete
  7. tgal naman update haix....


    but its so interesting....

    i love philippine myth

    ReplyDelete
  8. With dough well donе іtѕ tіme to sprеad it out ωith a rolling pin to thе different sizeѕ depending on hoω mаny pieces οne wоuld like.
    When you arе baking bгead, you can rаіse the bгead dough in thе сold ovеn and then just turn on the ovеn to the сorrect temрerature once
    the bгeаd іs гaіѕеԁ.
    Ϲoveг рizzа wіth thе sаusage, bacоn and scrambled
    eggs.

    Mу blog post ... Pizza pan application

    ReplyDelete