Author's note:
Maraming salamat po sa mga nag-babasa at nagbigay ng comments po! xoxo
Strange
Love 2: Unforgettable 02
Hindi naman talaga ako yung tipo
ng tao na madadala sa problema ng iba, kahit pa sa pinakamatalik ko pang
kaibigan. Cool lang ako, katulad ng sabi ng karamihan ng kakilala ko. Madali
lang sakin magpayo kahit pa hindi ko pa nararanasan ang problemang inilalahad
sa akin. For me, I am just being rational.
Ngunit napaisip ako ng may
nakapagsabi sa akin nito:
"Wala ka naman talagang
alam. Kahit pa tama ang sinasabi mo, kung ikaw nasa kalagayan ko mahihirapan ka
din. Oo, pwede mong sabihin na magkaiba tayo pero one way or another, you will
falter kahit pa kaunti yan or totally."
Nasabihan ako nito out of
anguish, he might be really confused dahil I can’t win him over my reasoning.
All was there is PAIN. That time nakaramdam ako ng lungkot hindi para sa
kaibigan ko kundi para na rin sa akin. I realize how naive I am when it comes
to feelings. Happy-go-lucky kasi ako, I admit.
Ngayon, narito ako sa harapan ng
isang bahay at nagaalinlangan kung kakatok ba ako o tatalikod na lang at uuwi.
Nagaalinlangan ako dahil hindi ko rin
alam ang sasabihin ko sa kanya, kapag nagtanong siya. Ngunit nag-aalala din ako
sa kalagayan niya, ni hindi ko man lang siya nabisita sa ospital dahil naduwag
ako. Oo, naduwag ako harapin ang kaibigan ko, naduwag akong samahan siya at
damayan siya sa kanyang pinagdadaanan. Pakiramdam ko kasi maiipit ako and I am
playing safe. I don’t want this kind of drama but I guess it can’t be helped.
Akmang kakatok na ako ngunit
minabuti ko na lang siya ay tawagin.
“Mi-Mikael?? Tao po, nandyan ka
ba Mikael?"
Walang sumagot pero di ko na
inulit ang pagtawag at nagsimula ng humakbang papalayo ng may tumawag sa akin.
"Jun?"
Humarap ako sa kanya at nagbigay
ng ngiti ngunit nagmukha atang pilit.
"
Mikael.Kamusta? Nabalitaan ko kay
Colleen na na-ospital ka daw. Sorry at hindi kita napuntahan.", minarapat
ko na lang na hindi na magsabi ng dahilan o magdahilan sa kanya.
Bumagsak ang katawan nya at ang
mata niya ay tila kulang sa tulog at medyo namumugto. Nakakaawang pagmasdan na
para bang gusto kong maiyak sa nakikita ko sa kaibigan ko. I feel guilty na
wala akong maisip na gawin para sa kanya o magsalita sa kanya kung ano ang
nangyari.
Nagpalinga-linga ito sa paligid
bago sumagot.
"Kasama mo ba si Kuya
Jaime?"
"Hindi eh.", matipid
kong tugon sa kanya. Lalong lumamlam ang kanyang mga mata sa aking sagot at
tumalikod.
"Inay, lalabas po muna ako
ha. Babalik din po ako kaagad.", bahagyang pagsigaw nito mula sa pintuan
ng kanilang bahay.
"Eh paano ang mga bisita
mo?", tanong ng kanyamg ina.
"Naku po Tita, uuwi na rin
po kami ni Zach. Maraming salamat po, some other time na lang po ulit."
Lumabas ang isang lalaki na
mestisohin kasunod ng isa pang lalaki. Ngayon ko lang sila nakita at ang alam
ko kasi maliban sa amin, wala ng ibang ka-close si Mikael.
"Mauuna
na kami Mikael.", paalam ng mestisong lalaki.
"Sige,
ingat kayo at salamat sa pagdalaw.",si Mikael.
"Oh,
ingat kayo mga iho sa daan ha? Oh Jun, nandito ka pala."
"Magandang
gabi po Tita, kinakamusta ko lang po ang anak niyo po."
"Nay,
maglalakad-lakad po muna kami since matagal rin po akong nakahiga eh."
"Sige,
anak,umuwi ka din kagad. Huwag na kayo masyado lumayo ni Jun."
At nagkanya-kanya na nga kami ng
lakad. Ang mga bisita ni Mikael ay sumakay na sa kanilang kotse at kami naman
ay naglakad pasalungat sa kanila. Tahimik lang kami at marahan naglalakad kahit
kasi ako wala akong masabi. Pero hindi pwedeng ganito lang kami.
"Mikael, sino sila?"
"Ay, oo nga pala. Sorry ha
hindi kita napakilala sa kanila. Si Homer yun at si Zach. Sila yung tumulong sa
akin pati sa gastusin ko sa ospital."
"Ahhh."
Muli ay natahimik kaming dalawa, malamang
ay nag-iisip rin ito kung magtatanong ba siya sa akin o hindi. Madalas kasi na
puro tayo tanong pero hindi naman tayo sigurado kung handa tayong tanggapin ang
sagot pero sabi nga nila "Truth hurts".
"Jun, nakapag-usap na ba
kayo ni Jaime?"
At heto na nga unang tanong. This
is the first time na narinig ko siya na tawagin si Jaime na walang kuya. It
wouldn’t really matter if hindi ko alam ang nangyari. Pero kahit maliliit na
bagay ngayon, napapansin ko na dahil may alam ako.
"Oo, ilang araw bago sila
umalis."
"Umalis?! Anong ibig mong
sabihin na umalis?", nanginginig ang boses niya and I can see his tears
welling up to the sides of his eyes, pero lumihis ako ng tingin. This is
agonizing for me too, lalo na at may kailangan akong sabihin sa kanya. Damn it!
"Jaime left the country
Mikael. Together with his parents and...", napatigil ako sa pagsasalita at
huminga ng malalim bago ako nakapagsalitang muli.
"...he
is not going back."
Napatigil si Mikael habang ako ay
nakailang hakbang na papalayo bago ko siya nilingon. Kahabag-habag siya
pagmasdan habang nakayuko siya at humihikbi at pinipigilan pang ‘wag gumawa ng
ingay. I can feel his miseries even from
afar. Lumapit ako sa kanya at kinabig ang kanyang ulo papunta sa aking balikat.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Somehow, I want him to feel na
ayos lang na umiyak siya, na narito ako para sa kanya. Gusto ko maramdaman niya
na mayroon pa siyang mga kaibigan para sandalan niya. Alam ko na hindi namin
mapupunan yung pangangailangan niya kay Jaime ngayon. Pero sana kahit kaunti ay
mapunan namin yung butas na naiwan ni Jaime.
"He is not going back
Mikael... Alam kong sobra kang nasasaktan ngayon, pero pilitin mo ng makalimot.
Alam ko din, na marami kang tanong pero hayaan mo na ang panahon ang unti-unting
magbigay sayo ng kasagutan. Tatagan mo ang loob mo JM, nandito pa naman ako
kahit hindi ako ang kailangan mo. It is better than nothing right?"
Noong gabing yun wala siyang
isinagot kundi ang mga tahimik niyang hikbi sa aking balikat, at ang mahihigpit
niyang hawak sa likuran ng aking damit, na tila ba gusto niyang punitin.
I’m sorry Mikael na kailangan
kong sabihin ang lahat ng ito sayo. Pero kailangan, ito lang ang tanging
maitutulong ko sa iyo ngayon.Magpakatatag ka...
-----Zach
Hindi
ako makatulog.
Nababalisa ako at hindi mapakali.
Hindi ko magawang gawing blangko ang isipan ko matapos ang mga nangyari sa araw
na ito. Bakit ba lagi na lang sumasagi sa isip ko ang mukha niya? Masyado ko
bang kinaaawaan ang taong yun para maapektuhan ako ng ganito? At bakit
nalungkot ako noong nagdesisyon siyang sumama sa Jun na yun na parang wala
siyang bisita? Nakakayamot!
Nakailang lagok na rin ako ng
alak, pero hindi ito nakakatulong para makapag-pahinga na ako. I want to see
him. I want to talk to him more or kahit basta nandyan lang siya. Gaaaad! What
is this?!
I can still see his face vividly
while he was laughing kanina, ibang iba sa tao na nakita ko nung araw na
mabugbog siya. I hope he laughs like that more often now. It suits him, kesa sa
palaging nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa kawalan.
Kakaisip sa kanya habang tumatawa
eh hindi ko namamalayan na nakangiti na din pala ako. If Homer is here,
malamang sasabihan ako nun na nababaliw na ako.
Hindi ko maintindihan ang
nararamdaman ko; nalulungkot na masaya at excited. Excited ako na makita siyang
muli. Halo-halo sa pakiramdam na gusto mo magtatalon o humiyaw. It is a feeling
deep inside my chest na masakit, but I don’t really hate it. It’s just that I
haven’t felt like this before, kaya naman heto ako at gising pa din.
"My gaaaad,Zach! I really want
to see him again!", pagsigaw ko sa aking sarili.
Lakad dito. Lakad doon. Bubuksan
ang TV tapos papatayin din. Naloko na...
Tawagan ko kaya siya? Hindi ko
nga pala nakuha ang number niya. I was the one who left my number in case na
kailanganin ako ng ospital.
Kinuha niya kaya? Why am I
expecting this way?
How I wish he did at sana
mag-text siya o tawagan niya ko.
"Mikael... Ano ba itong
nararamdaman ko? Nababaliw na ba ako?"
Now I feel exhausted.
Brrr.brrr.brrr.brrrrrrr.
It was my phone, vibrating on the
side table, 7:00 in the morning at ang taong nasa phone screen ko ay ang
magaling kong pinsan. What is it this time? I reached for it and let out a sigh
before answering it.
"Insan.", matabang kong
pagsagot sa tawag ni Homer.
"Si Claire... Zach si
Claire..."
"What about her?",
kinutuban ako ng hindi maganda dahil sa tono ng kanyang boses.
"She's dead, Zach! She's
dead. Nag-commit daw ng suicide when his boyfriend left her."
Claire.
She was my ex-girlfriend for
three years now.
Anong nangyari sayo bakit mo
ginawa ito? Akala ko masaya kayo...? Nakakagulat at nakakalungkot para sa akin
na ganoon ang sinapit ng aking dating kasintahan.
Homer told me the details about
her wake and burial at ibinaba ko na ang phone.
Gulat pa din ako at natutulala sa
nalaman ko. Siguro talagang hindi na niya kinaya na maiwanan.
You
are such an idiot Claire!
Bakit mo ginawa yun? Ganoon mo ba
siya ka-mahal para kitilin mo ang sarili mong buhay, dahil wala na siya? And
that guy, how can he left you so devastated?
Haaaay. I can’t really understand
heartbreaks. Noong iniwan niya kasi ako for that guy, hindi ko naman naisip
kunin ang buhay ko dahil nawala siya sa akin. Nasaktan ako, pero madali lang
din ako nakalimot. I love her, but she didn’t love me for long, habang nasa
loob kami ng aming relasyon. Para akong bata noon na namamalimos ng affection
sa kanya. Kaya siguro napagod na rin ang puso ko, at tinanggap na hindi kami
para sa isat-isa. Mahalaga pa rin naman siya sa akin, kaya nalulungkot ako
ngayon na malaman na wala na siya, at hindi ko mapigilan na hindi magalit para
sa lalaking nangiwan sa kanya.
Mahal niya ito ng sobra, HE means her life...
At dumating na ang araw ng libing
ni Claire. Lahat ng dumalo ay nakasuot ng puti at may dala-dalang puting
bulaklak para ilagay sa kanyang mga labi. It was tragic for everyone who is
here. Makikita mo kung gaaano sila nanghihinayang at nalulungkot para kay
Claire, at ganoon din ang nararamdaman ko.
Nariyan pa rin ang mangilang
beses na pag-iyak ng malakas ng ina nito. Mararamdaman mo ang pangungulila, at
sakit sa bawat pagtawag nito sa pangalan ng kanyang anak. At para sa taong
lumisan kay Claire, ni anino ng kanyang huling nobyo ay hindi nagpakita. I
guess he doesn’t really care or he doesn’t have the balls to show his face to
us.
Ako na ang sumunod na nagpaalam
at tumingin sa kanya sa huling pagkakataon.
"Claire, I hope you can
really rest in peace.", iyan ang mga salitang nasabi ko habang inilalagay
ko ang bulaklak sa ibabaw ng kanyang himlayan.
"Tara insan. Alis na tayo at
may pupuntahan pa kasi ako "
"Saan naman?"
"In-invite ko kasi si Mikael
for dinner tonight. Actually naka-set na yun even before the news about Claire,
eh nahihiya naman ako i-move.", pag-eexplain sakin ni Homer.
"Sa tingin mo saan masarap
kumain?", nakangiti niyang tanong habang siya ay nagsimula na mag-drive.
"I don’t know eh. Kahit saan
naman siguro ok lang kay Mikael. Soooo… nag-uusap pala kayo?"
"Uhuh. Tinatawagan ko siya
minsan o kaya nagtetext ako kapag wala ako ginagawa. Bakit?"
"So... You swing thay way
now?” pang-aasar ko sa kanya.
"Not really. Natutuwa lang
ako sa kanya, kahit pa ang tahimik niyang tao. At saka nacha-challenge ako kung
paano ko siya mapapatawa. Mikael is really interesting at parang ang sarap..."
"...alagaan.", wala sa
sarili kong pagdugtong sa kanyang sinasabi.
"KULITIN! Insan, kulitin!
Hahaha!! Now, you are the one who SWING that way.", tawang-tawa nitong
pagsasalita.
"Hindi ah!Baliw!!hahahaha!!",
at sabay kaming natawa sa mga pinagsasabi naming.
Sinabi ko ba talaga yun? I must
be really going crazy, maybe I should
get more sleep.
---Mikael
"Hello?"
Hey
Mikael! Si Homer 'to. Ready ka na? Will be there in 15 minutes.
"Opo,nakabihis na ako saan
ba punta natin?"
Basta
ako na ang bahala sayo. Chill ka lang. See you in a while.
"Sige.Ingat.Bye."
Kaya lang naman ako pumayag
lumabas, kasi sabi ni Jun eh mag-unwind daw ako. At huwag na masyadong
mag-isip. Pero kaya nga ba gawin ng isip ko yun? Ang daming tanong na umiikot
sa isipan ko lalo na noong nakapagusap kami ni Jun.
He is
not going back.
Paulit-ulit yang umaalingawngaw
sa aking isipan. It was like saying there is no hope, para maliwanagan ako sa
lahat.
Kaya nga ba ng panahon sagutin
isa-isa ang katanungan ko? Mahihilom ba nito ang mga sugat o panandalian lamang
iyon at babalik din? Hindi ko alam saan ako maguumpisa. Nawawalan ako ng drive
to do things kasi nasasaktan pa ako.
"Anak, nandyan na si
Homer.", pagturo ni inay sa labas ng bintana.
"Sige Nay, alis po muna
ako."
"Mag-enjoy ka ha, anak.
Kwentuhan mo ako pagbalik mo."
Ngumiti ako at lumabas na ng
bahay. Habang papalapit ako sa kotse ni Homer ay bumaba siya at nakangiti akong
sinalubong.
Hindi naman makakaila ang
kakisigan niya at pati na rin ang istura na malamang ay marami ng pina-ibig.
Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako, na siya namang ikinagulat ko.
"Miks, ano ready ka na ba
mag-enjoy?", sabi niya ng buong ligalig, dahil ang lapit niya sakin ay
amoy na amoy ko ang kanyang pabango. A woody scent na may pagka-sweet.
Tumango na lang ako at ngumiti
bilang tugon sa kanyang sinabi. Baka nga naman mag-enjoy ako.
Nung pumasok na ako sa kotse ay
nagtaka ako sa mga nakita ko. Magtatanong na sana ako nung nagsalita siya.
"Nagpaalam na ako kay Tita
na magka-camping tayo para na rin makakulitan ko ang bago kong kaibigan. Ayaw
mo ba?", para siyang bata na nalungkot nung makita na nagulat ako.
"Hindi naman sa ayaw.
Nagulat lang ako kasi ang alam ko kakain lang tayo ng hapunan."
Kaya pala si Inay eh ang sabi ay
kwentuhan ko daw siya pagbalik ko. Ito siguro ang tinutukoy niya. Ngayon ko
lang din napansin ang kasuotan ni Homer naka-walking shorts lang ito at plain
v-neck shirt.
"Paano yan ganito ang nasuot
ko? Hindi bagay para sa camping."
"Diba sabi ko naman sayo, chill
ka lang? I got you covered. Lahat ng kailangan natin dalawa eh hinanda ko na,
at sorry din pala kasi I can’t think of any place na pupuntahan, kaya I end up
bringing you into camping."
"Ok ka din eh no? Sige na
wala na nga ako dapat alalahanin diba?", nakangiting tugon ko na rin sa
kanya. Nakakatuwa din naman kasi ang effort niya, yun nga lang hindi kaya
sumusobra na ito kung iniisip niya pa rin niya ang pagkakabugbog niya sa akin.
Medyo mahaba din ang byahe at
kung ano ano lang din ang mga pinag-uusapan namin o dapat ko bang sabihin na
siya lang ang panay bato sa akin ng tanong.
"Narito na tayo!
Woohoo!", agad-agad itong bumaba at bahagyang tumakbo papunta sa gilid ng
bangin.
Simple lang ang lugar at
napapaligiran ng mga puno, mabato nga lang at talagang napaka-lamig. Lumapit
ako at tumabi kay Homer at tinignan ang ilaw ng syudad sa ibaba. Napakaganda
parang mga kulisap at iba-ibang kulay.
"Gutom ka na Miks? Naghanda
na ako ng mga kakainin natin hahaha!! Ang lulutuin lang natin mamaya eh
marshmallows kasi... di naman talaga ako marunong magluto.", kamot ulo
nyang pag-amin sa akin.
Natawa ako sa kanya ng malakas
kasi mukha siyang hiyang hiya sa inamin niya. It seems naman na mai-enjoy ko
nga naman ito.
"Thank you Homer. Napapatawa
mo ako.", totoo naman kasi, ang huling tawa ko pa ata ay noong nagbakasyon
kami ni Jaime.
"Nice to know that, tara
kunin na natin mga gagamitin natin at ng makapagpalit ka na din."
"Teka saan galing yung
susuotin ko?"
"Damit ko yun tingin ko
naman kasya sayo yun medyo malaki nga lang. hahaha!!! Huwag ka na magreklamo
no?"
Nagpalit na nga ako ng damit at
medyo malaki nga ito sa akin. T-shirt at baggy na jogging pants at pati narin
tsinelas ay may dala siya para sa akin. Kumportable naman itong binigay niya sa
akin, presko pa nga kung tutuusin.
Naabutan ko siyang nagseset-up ng
tent at pawis na pawis na. Hindi siya siguro sanay din mag-camping.
"Anong maitutulong ko?"
"Kaya ko na ito, manguha ka
na lang siguro muna ng mga kahoy para makagawa tayo ng apoy."
Hindi naman mahirap maghanap ng
mga kahoy dahil kahit sa paligid palang namin ay nagkalat na ang mga ito kaya
naman pagbalik ko ay naabutan ko pa rin siyang hindi tapos. Kusang loob na
akong tumulong sa paghawak ng tent habang inaayos nya ang skeleton nito sa
loob.
"Unang beses mo ba ito
gagawin?" tanong ko sa kanya.
"Ang pagka-camping? Hindi,
kasi dati madalas kami ni Zach pumunta dito pero siya halos gumagawa ng
lahat."
"Eh anong ginagawa mo?"
"Wala. Minsan pinapapak ko
na lang yung mga pagkain na dala namin."
"Ah... Eh bakit ngayon gusto
mo na ikaw ang gagawa nito? Dahil pa rin ba nagi-guilty ka sa pagkakabugbog mo
sa akin?"
"Ikaw talaga, kung anu-ano
iniisip mo. Matagal ko ng nakalimutan yun at ikaw dapat tawanan mo na lang din
yun kasi diba magkaibigan na tayo?", sabay gulo nito sa aking buhok.
Mukhang may maganda naman
nangyari sa kabila ng pagkakabugbog ko. Masaya ako sa sinabi niya na medyo
malungkot din, dahil may naalala akong halos kaparehas ng ganitong sitwasyon.
Nag-away muna
bago naging magkaibigan.
Itutuloy….