ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, October 9, 2011

MOVE ON





Lagi ako nakaka encounter ng mga nanghihingi ng advice kung paano mag move on dahil iniwan sila ng ex nila or in usual cases, pinagpalit sila. Kung babasahin mo lang to, huwag mo ng ituloy... I mean basahin mo at isapuso at gawin... Mahihirapan tayo kung matigas ang ulo mo at maraming ganitong pinoy.





Iba-iba ang mga experiences natin, hindi ko pwedeng ikumpara ang mga pinagdaanan namin sa inyo dahil iba iba ang tao at lahat ng relationship ay magkakaiba din. Isa lang pwede ko sabihin, lahat tayo ay nasasaktan, magkakaiba man ng sakit, bottomline: MASAKIT. Yung tipong ang sarap ng pagkain sa mesa pero kahit anung gawin mo wala kang gana kumain. Yung tipong parang gumuguho na ang mundo mo kasi iniwan ka na ng taong ginawa mong mundo for the longest time. Yung tipong lahat ng plano mo kasama sya pero ngayon nag paplano na siya kasama ang iba at ikaw naman nag paplano na lang mag isa. :( Well, gusto ko lang malaman mo, na hindi ka nag iisa, halos lahat ng nagmahal ng totoo ay nasasaktan ng mabigat sa hiwalayan. Hindi mo makakalimutan lalo na ang mga masasarap na ala ala at lalo naman hindi mo makakalimutan ang taong minahal mo ng sobra. Ang dapat mong gawin? Mahalin mo ang sarili mo. Appreciate mo ang mga maliliit na bagay. Ibuhos ang attention sa mga bagay na hilig mo. Tawagin mo ang mga kaibigan mo, sumama ka sa kanila, kahit hindi na sila magpayo, yung presence lang na may kasama kang kaibigan ay comforting na. Andyan ang pamilya mo na pwede mong pagbuhusan lahat ng pagmamahal mo. Tandaan, hindi solution ang umiinom, magpakaadik, maglaslas o in some cases, GUMANTI at maghanap din ng kapartner. Lalo mo lamang pinapabigat ang problema mo, in the end mas lalo pang magiging komplikado. Learn to appreciate life. Alam mo na ngang iiyak ka at magmumokmok kapag narinig mo ang theme song niyo, bakit mo pa ipaplay yun? diba? Umiwas sa mga bagay na malapit sa kanya. Kahit sa mga kaibigan niya, umiwas ka muna. Wag ka ng mag STALK sa mga accounts niya, kung nag decision kang mag MOVE ON. Dapat diretso at walang likuan. Wala ka ng pakialam kung may iba na siya, kung may pinakilala na siyang iba sa mga friends at family nya, kung may pinasok na siyang iba sa kwarto o kung ano man. Lahat ng worst isipin mo na at tanggapin mo na. Dahil yun nga. WALA KA NG KARAPATAN :( Huwag mo din sabihin na"WALA KA NG MAKIKITANG KATULAD KO" dahil magmumukha ka lang tanga! :) Hindi totoo yun. Lalo mo lang pinaitim ang puso mo sa pag iisip ng ganun. Naging masaya ka rin sa kanya kahit papano at talagang nagmahalan kayo bakit hindi mo na lang isipin na talagang may nagkakatuluyan at meron din namang hindi. Lahat ng mga natutunan mo sa kanya dalhin mo at lahat naman ng ayaw mo sa relationship niyo ay iwanan mo at baguhin sa susunod mong ka partner. Maniwala ka na may taong darating na para sayo talaga. Hindi man siya kasing pogi/ganda o yaman ng EX mo, hindi mahalaga yun dahil kung yan lang ang basehan mo, ikaw ay MATERIALISTIC. Iba pa rin yung nararamdaman mo yung chuvachuchu.hehe Huwag kang maghanap dahil kusang dadating yan basta maniwala ka ^_^ Enjoy mo buhay mo bilang single. Sa ganitong paraan mas lalo kang mag gogrow as a person at makikita mo ang buhay in different aspects.  Take a break, tama yung 3 months rule o minsan higit pa. Hanggang hindi nag heheal ang puso mo, relax ka lang at huwag mag madali. Hindi ka mauubusan. Isa pa, hindi kayo pwedeng maging magkaibigan ng EX mo MUNA. Take note: MUNA. Pwede kayo maging kaibigan paglumipas na ang pagmamahal at sakit pero yung agad agad ay isang malaking KALOKOHAN! o siguro hindi talaga kayo nagmahalan. Pinaka importante na isentro mo ang buhay sa tama at sa Diyos dahil hindi mo yan kakayanin mag isa. Kung isusuko mo sa kanya yan, giginhawa ang pakiramdam sa puso mo. Huwag kang matakot magmahal muli, dahil napakasarap magmahal. Kung takot ka dahil baka masaktan ka ulit bukas ay mangyayari talaga yun dahil unconsciously you're assuming that its gonna happen. Huwag mong isipin na nagpapagwapo/ganda ka para pagnakita ka nya matatakam siya. Hindi ganun yun! Uulitin ko, kung gusto mo talagang mag MOVE ON ito ay para SAYO at hindi para sa iba. Hindi lang to lesson sa pag move on, tinuturuan din kita kung paano mo makita ang ganda ng buhay. Pag nagawa mo yan, tatawanan mo na lang ang mga pangyayari at sasabihin sa sarili mo "ANG GALING! NAKA MOVE ON NA PALA AKO" at ready ka na ulit pumasok sa isang commitment na mas matibay ka na, mas alam mo na gagawin, mas mature at mas maganda ang outlook sa buhay. Remember:  Focus on being a better you instead of looking for someone better than your ex. A better you will attract a better next. DON'T BE BITTER, BE BETTER.