ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, October 19, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 18 & 19)

            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.


            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)


            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS


             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater




             Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING





             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)






             





           Hi po sa lahat ng readers ng Minahal ni Bestfriend!! Alam ko medyo nagulat ang iba dahil 2 parts ang posted dito. Ahm, panget kasi kung puputulin ko pa sa gitna so I've decided just to post the entire 2 parts of the story. Sana po magustuhan nyo! At again, pasensya po sa lahat ng naghintay.. :)


           Muli, ay nais kong pasalamatan sila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, Jeffrey Paloma, Erwin Fernandez, yamiverde, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, psalm, sesylu, maakujon, bluecho13, Neon, nick.aclinen, Jhay L, rheinne, jesome, Uri_KiDo, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, Steffano, Ross Magno, M.V, JC, roman (roohmen), kokey, Brian_stephens, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

            Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!! J

   Anyways po pala, sa next post ko po ay magpapakilala na ako sa inyo. I'll be posting my pic para naman magkakilala tayo.. :) Sana wag madisappoint ang iba.. aheeheh.. :)

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!! :)))

            ENJOY!!!! :))))






            Nagpakalunod ako sa alak nung gabing yun. Pero di dahil depressed ako, kungdi dahil ay napakawalan ko na sa wakas ang galit sa sarili at naamin ko na sa sarili ang mga nangyari. Ang mga nararamdaman ko para kay Art at Philip. Nakakalungkot man kung pakikinggan ay natanggap ko na ito ng buong puso. Natapos ang kaarawan ko sa pagbigay ko ng regalo sa sarili ko ng kalayaan.

            Natapos na ang inuman at iilan na lamang ang natira. Hindi na rin ako makapaglipit dahil sa sobrang kalisingan. Wala na ring makapag ayos dahil lahat kami ay lasing na lasing na. Kaya minabuti ko na lamang ilock ang pinto at kanya kanyang pwesto na kung saan magpapahinga. Hindi ko na alam kung sino pa ang natira nun. Basta ang gusto ko ay makahiga na ko sa aking kama at matulog.

            Paakyat ako ng hagdan ng mapansin ko si Art sa bandang kusina. Dala ng kalasingan, mas naging matapang ako. Gusto ko na sya kausapin at kahit sana masave naming kahit man lang ang pagkakaibigan namin. Yun na lang ang mahalaga sakin ngayon. At isa pa, miss ko na rin sya. If I wouldn’t have him as a lover, then sana as a friend man lang..

            Pasuray suray akong bumaba ng hagdan at tinahak ang daan papunta sa kusina ng bigla akong napatayo ng tuwid. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman sa oras na yun. Wala na ko naging ibang reaksyon, naramdamn ko nlng na dumaloy ang luha sa mata ko. Hindi ako humihikbi, basta pumatak ito.

            Kahit pa naamin ko na sa sarili at nasabi sa sarili na bibigyan ko na ang sarili ko ng kalayaan ay di ko maiwasang di masaktan sa nakita ko. Si Art at ang bago nyang girlfriend na naghahalikan. Bigla ako humakbang ng paatras at tinakpan ang bibig upang di makalikha ng ingay. Kahit pa lasing ay natakbo ko paakyat ang hagdan papunta sa kwarto ko. Habang papunta sa kwarto ko ay ramdam ko pa rin ang patuloy na pag agos ng aking luha.

            Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay naramdaman ko nlng ang pagbagsak, at pagsalo sakin ng di ko alam kung sino. Nakayakap lang xa at napayakap na din ako ng mahigpit. Hindi ko na tiningnan kung sino pa man yun at nagiiyak na ko. Basta gusto ko lang ng makakapitan sa ngayon. Dahil napakasakit para sakin ng nasaksihan. Nakatakip pa rin ang aking mga kamay sa bibig habang umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Hindi pala madali. Akala ko pag naamin ko na sa sarili ko ang lahat, okay na. Pero hindi pala. Dahil kahit anong pilit ko di isipin ay paulit ulit ang eksenang nakita ko; Ang paghahalikan ni Art at ng gf nya.

            “Tama na.. Tahan na..”, sabi ng sumalo sakin. Dun ko napagtanto na di ko kilala ang taong sumalo sakin. Nang maisip ko ito ay agad akong tumingin sa mukha ng taong nakayakap sakin. Ngunit nabigla ako at napaatras ng makita ko kung sino pala ang nakayakap sakin.

            “Ikaw?”




Si Philip….


            Lumalim ang pagkakaibigan naming nitong Jerry na to. Nakakatuwa sya. Mabait, masiyahin, madaling pangitiin, palakaibigan, matulungin at matalino. Isa syang halimbawa ng tunay na kaibigan. Or sa nararamdaman ko, baka higit pa sa isang kaibigan.

            Alam kong may spesyal akong pagtingin kay Jerry. Lalo na nung binigyan nya ako ng regalo nung aking kaarawan. Alam ko, dun nagsimula ang ibang pagtingin ko sakanya. Nung una ay akala ko ay magaan lang tlga ang loob ko sakanya. Pero ng isinuot nya sa akin ang regalo nyang bracelet sa aking kamay ay di ko maiwasan na di kumalabog kalabog ang puso ko. Napakabilis ng tibok nito. Meron sa loob ko na nakakaramdam ng iba para sa kaibigan. Hindi ko alam kung ano ito pero for sure, masarap sa pakiramdam. Masaya ako sa regalong bracelet na bigay nya, pero hindi ko ba alam, parang may kulang pa rin.. Hindi naman sa nagrereklamo ako.. Pero meron talaga sa loob ko na wanting for more.. Hanggang sa di ko sinasadyang nabitawan ang mga salitang “Hindi naman talaga ito ang gusto ko..” Lintik! Sana di nya ako narinig…

            Natapos na ang aking birthday party at nagsiuwian na ang lahat. Pati si Jerry ay nagpaalam na ngunit pinigilan ko ito. Ayaw ko muna syang umuwi dahil gusto ko pa sya mas makasama. Kaya pinilit ko sya na sa bahay na matulog. Buti na lang ay pumayag ito.

            Naisipan ko maglasing lasingan para pagtripan si Jerry. Pinagtripan kasi ako ng tropa at ng mga kapatid ko dahil bday ko ngayon. Pinainom nila ko ng pinainom. Pero  sa totoo lang, lasing na talaga ako, pero kaya ko pa naman tumayo. Gusto ko gumanti kay Jerry kaya naglasinglasingan ako. Pero nagulat ako ng bigla akong tinayo ni Jerry, alam kong mabigat ako, pero pinagtyagaan nya akong buhatin para iakyat sa kwarto ko. Kung kanina ay nagkukunwari ako, ngayon ay totoong nanglalambot ang mga tuhod ko sa pagkakadikit ng aming mga katawan ni Jerry. Alam ko sa loob ko na mas lalo atang nahuhulog ang loob ko sakanya.


            Pagdating sa kwarto ay lumabas sya at ng makabalik ay may dala syang pampunas. Dahan dahan nyang tinanggal ang suot kong tshirt at pinunasan ako. Napaka sarap sa pakiramdam. Hindi ang pagpunas nya sa katawan ko ang nabibigay ginhawa sakin, ngunit ang thought na pinupunasan nya ko. Nakakakilig! Nakakainlove talaga.

            Dala ng espiritu ng alak at ng nararamdaman ko para sa kaibigan ay hindi na ko nakapagpigil. Hinaltak ko sya malapit sa katawan ko. Alam kong nagulat sya at umakmang tatayo, pero naging agresibo ako at hinalikan ko sya. Lintik! Ang sarap ng mga labi nya!!! Wala na kong pakialam sa mga nangyayari.

            Nagpumiglas si Jerry, pero di ako nagpatalo, hinalikan ko sya ng mas mapusok, at hinigpitan ang yakap sakanya. May pwersa na ang paghalik ko sakanya. Pero mararamdaman din ang emosyon. Maya maya ay naramdaman ko  na hindi na sya lumalaban at pumipiglas. Nararamdaman ko na rin ang paghalik nya sakin. Ito na ata ang pinakamasarap at pinakamasayang gabi ng buhay ko. At Last, nahalikan ko sya at hinalikan nya ko. Naging mabilis lang yun, pero pagtapos ay sinabi ko ang katagang. “Ito naman tlga ang gusto ko..” :)
           
            Pagtapos nun ay magkatabi pa rin kaming magkahiga. Lasing pa rin kaming parehas. Sya sa alak, ako sa alak at sa nararamdaman ko para sakanya. Ang sarap sa pakiramdam. Halatang lasing pa rin si Jerry ang daldal nito. Nagkkwento sya sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya.

            “Alam mo ba ang mga bagay na nakakapagpangiti sakin?”, sabi ni Jerry.

            “Ano?”

            “Menudo!”

            “Menudo???”

            “Oo noh! Sobrang paborito ko yun!”

            “Talaga ha! O sige. Ano pa?!”

            “Hmm.. Gusto ko din ng taong kaya akong patawanin ako kahit sobrang lungkot pa ako.”

            “Huh?! Pano yun?”

            “Hmmm. Kahit ano lang. Yung biglang tutumbling sa harap ko, o kakanta kahit sintunado. Korny noh?!”

            “Ahahahah! Nakakatuwa naman trip mo!”

            “Tawa ka jan! Totoo noh.. Mga simpleng bagay, yung hindi o.a.. Yung hindi nagpapanggap para lang pasayahin ako. Gusto ko ung natural.”

            “Ganun? Mas pipiliin mo pa yung simpleng kakantahan ka, kaso ung reregaluhan ka ng ipod?”

            “Korny man, pero oo.. Mahilig kasi ako sa surprises ee. Pero gusto ko, nararamdaman ko din yung taos puso nyang ginagawa yun. Gusto ko ung nakikita ko ung honesty sa ginagawa nya.” :)

            “Hmm. Lahat naman siguro gusto ng honest na tao.”

            “Oo naman. Pero xmpre gusto ko din ng horror movies!!”

            “Ang dami mo namang gusto.”, pagbibiro ko.

            “Hindi naman. Pero syempre ang pinakagusto ko ay..”

            “Ay..? huy! Ano!”

            “Secret! :P”

            “Dami mong alam!! May pa secret secret ka pa jan! Alam mo, matulog ka na.. Ang daldal mo na ee..”

            At ayun nga. Natapos ang gabi ng magkatabi matulog. Ito ang pinakamasarap na tulog ko.. :)

            Hindi pa rin nagbago ang routine namin ni Jerry, sa umaga’y hinihintay ko sya sa babaan ng jeep at pag uwian nama’y sabay pa rin kami. Minsan pa’y kasama din namin ang kakambal kong si James.

            Minsan ay naisipan kong maglambing kay Jerry ngunit di maganda ang resulta.

            Beep. Beep.

            “Bes, hntayin m q. mejo malalate kmi ngaun. Libre ko dinner. Mcdo” –Philip

            Beep. Beep.

            “Mcdo nnmn?! Pupurghin mo b ko sa mcdo?! Hahaha!”

            Beep. Beep.

            “Wg n nga. Geh, una k n umwi.”

            Beep. Beep.

            “Toh nmn, biro lng. Geh, w8 kta. Blsn m ha. Pgtpos txt m q agd”

            Beep. Beep.

            “Di na. napahya n q e. Una ka na.”

            Beep. Beep.

            “Joke lng nga po. Sorry na”

            Beep. Beep.

            “Ok lng aq. Wg m n intndhn cnbi q. Una k n”

            Beep. Beep.

            “kk. Sbi m ee..”

            Beep. Beep.

            “:( hintyn m n q pls. kwawa nmn aq wlng ksby”

            -no reply-

            “bat di k reply”

            -no reply-

            Hala! Bat di sya nagreply!! Hindi ako mapakali kahit pa sa training. Ito naman si Jerry, binibiro lang! Pambihira naman tong buhay na to!! Badtrip!!
           

Nang matapos ang training ay nahimasmasan na ako ng init ng ulo kaya dumaan muna ako ng mcdo upang pang peace offering kay Jerry. Mukhang nabadtrip tlga c Jerry sa akin. Nakakaguilty.


Nang marating ko ang bahay nila Jerry ay agad agad akong kumatok. Gustong gusto ko na makipag ayos. Pero sa totoo lang, I was never good with talks. Usually, dyan ako pumapalya. Kaya ng buksan ni Jerry ang pinto ay nagkasagutan pa kami. Sabay derecho sya sa kanyang kwarto.


Agad ko syang sinundan at sinuyo. Sobrang bigat sa pakiramdam na di kami naguusap ni Jerry, kaya nilambing ko tlga sya ng todo. Dumagan ako sa kanyang likuran at kiniliti ko sya hanggang sa mapaharap sya sa akin. Ngayon ay magkaharap na kami. Tiningnan ko sya sa kanyang mata. Yun ang pinakamagandang mata na nakita ko. Inosente at mapungay at higit sa lahat, nakakahumaling. Humingi ako ng tawad habang nakatingin sakanya. Sana makita nya na sincere ako. Ng mapatawad nya ko ay halos mapaluha ako. Di ko namalayan na umiiyak na pla ako, hanggang sa napayakap ako at nasabi ko rin sakanya na.. “Wag mo kong iiwan..”

Sinagot nya ko ng “Oo.. Di kita iiwan..”

            Mas maaga akong nagising di tulad ng karaniwang kong gising at agad akong nagluto ng almusal. Nagsaing ako ng kanin ngunit isinangag ko din ito. Gusto ko gumawa ng spesyal na almusal. Nagprito din ako ng itlog, bacon at nagdala ng ponkan. Ngunit hindi ko ito nilagay sa hapag kainan. Balak ko dalhin to sa bahay ni Jerry upang sabay kami makapag almusal. Hindi ko alam kung bakit, pero yun ang gusto kong gawin.

            Nakarating ako kaila Jerry at agad na kumatok sakanilang gate. Walang sumasagot. Kaya tnxt at tinawagan ko ang cellphone ni Jerry. Badtrip. Walang nasagot! Grabe naman matulog to. Kaya nagpasya ako kumatok katok at hintayin na lamang sya gumising. Wag lang sana matagalan dahil baka lumamig ng tuluyan tong dala kong pagkain. Maya maya ay binuksan na rin nya ang pinto.

            Ang cute nyang tingnan na pupungas pungas suot lamang ang blue na boxer shorts. Teka, cute? Ano bang pinagsasabi ko?! Hmmm.. Pero cute talaga ee. Napangiti ako. :)

            “Good Morning. Tagal mo naman bumaba.”, agad n bungad ko sknya.

            “Oh bes, napaaga ka. Pasensya na, inaantok pa ko eh.”, sagot nyang pupungas pungas sabay balik ng kwarto nya. Aba! Di pwede! Kaya agad ko syang sinundan sakanyang kwarto.

            Pagpasok ay agad syang humiga kaya ginising gising ko sya at kinulit upang bumangon na pero ayaw nya talaga. Kahit anong pilit ko ay ayaw nya talaga magising. Kaya naisipan kong kagatin ang kanyang pwetan. Hahahaha!

            Agad syang napatayo sa sakit ng aking pagkakagat. Mas lalo naman akong natawa sa ichura nya. Sa sobrang tawa ko at naasar ata sya. Bigla akong hinampas sa noo. Pero mas lalo akong natawa. Ang cute nya talaga tingnan at asarin. Gawd! I could get used to this.. :)

            Bago pa tuluyan maasar sakin si Jerry ay sa di malamang kadahilanan ay hinalikan ko sya ng panakaw sa noo. Hindi ko alam sa sarili ko bat hinalikan ko sya. Or bakit ba komportable akong gawin sakanya ang mga ganun bagay. Katunayan, sakanya ko lang ito ginagawa. Sa bawat naglalapit ang aming katawan o sa twing hinahalikan ko sya ay mas napapalapit ang loob ko sakanya. Mahal ko na ata tlaga ang taong to..

            Sabay kaming pumasok sa skwelahan nung araw na yun at hinatid ko pa sya mismo sa kanyang classroom. Masaya ako. Hindi ko alam kung bakit. Nakaget over na rin ako kay Emily. Pasalamat na rin ako dahil kundi kami nagbreak ay di ko makikilala si Jerry. Kahit pa ngayong alam ko na meron ng iba si Emily, di ko alam pero di ako affected. Kahit konting sakit sa aking ego ay wala akong naramdaman. Ang importante ay nandyan si Jerry. Sya ang mahalaga sa akin ngayon.

            Nakabalik na ko sa aking classroom at nagsimula na ang klase. Nagsimula ang morning break at sa room lang ako naglage, medyo mainit kasi ang panahon kaya gusto ko lang sa classroom dahil air conditioned. Ilang saglit pa ay nakita ko si Jerry sa pintuan ng room at agad akong nilapitan.

            Malungkot na ibinalita nya na namatay daw ang ama ni Art, si Tito Lance. Naawa naman ako para sa kaibigan dahil alam kong masakit yun para sakanya. Nalungkot ako ng sinabi ni Jerry na mauuna nalang daw sya pumunta sa bahay nila Art pagktapos ng klase dahil may training pa ako. Hays, di nanaman kami sabay umuwi.. Pero pilit kong inintindi para na rin sa kaibigan.

            Habang nagkaklase ay di ko maiwasang di magalala para kay Art at lalo na kay Jerry, alam kong medyo apektado ito dahil naging malapit na rin si Jerry sa pamilya ni Art. Kaya naman nagpaalam ako sa prof namin kung pwede ba ako lumabas para magcr. Actually, di naman talaga ako naiihi. Gusto ko lang makita si Jerry kaya pumunta ko sa may gilid ng pintuan ng room nila at sinilip silip sya. Halata ang pag alala sa kanyang mukha. Hindi ko alam pero sa postura nyang yun ay hindi ako mapakali. Ayaw ko syang nakikitang malungkot.

            Maya maya ay napansin din nya akong nakatingin sakanya. Kaya kumaway kaway pa ako sakanya at nagpacute para makita syang tumawa. Nakita ko ang kanyang mga ngiti. At kita rin na gusto nya tumawa ngunit baka mahuli sya. Kaya sinenyasan nya ako na bumalik na sa aming room. Pero too late! Nagulat nlng ako ng bigla kong nakita ang isang prof at pinabalik ako sa aming classroom.

            Pagkabalik at upo ko sa room ay ngumingiti ngiti ako sa aking sarili. Naaalala ko ang mga ngiti ni Jerry. Talaga namang ang cute nya tingnan. Sana lage ko syang makita sa ganung kalagayan. At gusto ko rin na ako ang maging rason ng mga ngiting yun.

            Pagkatapos ng training ay agad din ako sumunod sa bahay nila Art. Pagdating dun ay hinanap ko muna si Jerry. Naabutan ko itong nasa kusina at tumutulong. Kaya hinanap ko si Art at si Tita Marissa upang ibigay ang aking pakikiramay. Tumulong na rin ako sa pagbibigay ng kape at biscuit.

            Kailangan ko ng umuwi at nalaman kong dun na magpapalipas ng gabi si Jerry. Malungkot man, ngunit naiintindihan ko sya. Mabait naman talaga kasi si Tito Lance. Kahit pa noon ay mabait na sya sa amin. Pero dahil di ako nakapag paalam sa magulang ay kinailangan kong umuwi.

            Naging ganun ang sistema namin sa mga sumunod na araw pa. Nung una ay pilit kong iniintindi para sa pamilya ni Art, pero hindi ko rin maiwasan na masaktan at malungkot. Lalo na pag nakikita ko na magkayakap sila ni Art. Basta, hindi ko gusto yun. At isa pa, namimis ko na rin kasi si Jerry, di na kami halos nagkakasama.

            Isang araw sa school, ay pupuntahan ko sana si Jerry sa kanilang classroom. Balak ko sana sya gulatin kaya pumwesto ako sa gilid ng pintuan nila. Hanggang sa may narinig akong naguusap. Alam ko, boses nila Jenny at Leah yun.

            “Nakakaawa naman si Art noh.”, narinig kong sabi ni Jenny.

            “Oo nga girl.. Pero andun naman si Jerry ah! Im sure mas malakas ang loob nun.”

            “Sabagay, ang sweet kaya nila tingnan.”

            “Nako, sinabi mo pa. At ngayon, nakilala na ni Jerry ang ibang cast ng family ni Art. At ehem! Kita mo nmn, they are also fond of Jerry.”

            “True ka jan! Kulang na lang umamin na si Art na mahal nya si Jerry! Hahahaha!!”

            “Ay nako girl! Sa atin nga, di pa umaamin, kay Jerry mismo pa kaya. Alam mo nmn yang si Art!! Hahahaha!!”

            “Check ka jan girl!! Hahahaha!!”

            Nagulat ako sa narinig. Halos di ako makagalaw. Kaya pala iba ang pagkasweet at attensyong binibigay ni Art kay Jerry. Does Jerry know about this? Mahal na rin kaya nya si Art?! Kelan pa nagsimula to?! Bakit ganto?! Bakit di sinasabi sakin ni Jerry to!!!!

            Bumalik ako ng classroom ko na tulala sa narinig. Nasaktan ako sa mga narinig. Ngayon pa na mas maraming oras ang nagugugol nya kay Art, paano na ko. Sooner or later, aamin na rin si Art for sure. Paano na ko?!

            “Hindi ako magpapatalo!!”, sigaw ko sa isip ko. Kaya’t pagkatapos na pagkatapos ng training ay direcho agad ako sa bahay nila Art at todo bantay ako kay Jerry na di sila maiwan na silang dalawa lang. I want to make sure na di masabi ni Art ang nararamdaman nya para kay Jerry. Hindi pwede….

            Huling gabi na ng lamay at napakaraming dumating na mga bisita. Busy kaming lahat sa pagaasikaso sa mga bisita. Sino sino pa nga ba magtutulungan kundi kaming magkakaibigan.

            Nasa ganoon akong pagiisip ngunit nagaalala pa rin ako kay Jerry, baka sobra na syang pagod. Kaya naisipan kong hanapin sya at bigyan ng maiinom.

            Hala! Wala! Asan ba si Jerry?! Lintik! Mukhang naisahan ako! Baka magkasama sila ni Art. Agad kong tinahak ang kwarto ni Art. Kinakabahan ako. Pagkabukas ng pinto ay walang ilaw pero aninag ko na may nakahiga sa kama. Agad kong binuksan ang ilaw.

            Pagkabukas ng ilaw ay nabigla ako sa nakita. Nangyari na ata ang kinakatakutan ko. Nakita ko ang dalawa na magkayakap. Natalo na ata ako. Nabigo. Wala na. Tapos na ata ang laban ko para sakanya.

            “Dinalhan kita ng tubig. Checheck ko sana kung okay ka. Pero mukhang ok ka naman dyan.” Sabay lapag ng tubig sa table na nasa tabi nya. Hindi ko na sya hinintay na magpasalamat at lumabas na ko. Diredirecho palabas. Masakit. Sobrang sakit. Naglakad ako pauwi ng di ko napapansin na tumutlo pala ang mga luha ko habang naglalakad. Ang mas masakit pa dun, hindi man lang ako hinabol ni Jerry. Mukha nga atang bigo na ako. :(

            Kinabukasan sa libing ni Tito Lance ay sinimulan kong manlamig kay Jerry. Kailangan umiwas na ko saknya dahil ayaw ko ng masaktan pa. Mukha naman kasing masaya na silang dalawa. Pati ba naman kasi sa speech ni Art, kasali pa rin si Jerry. Halatang wala na kong pag asa. At eto pa! Pagtapos magspeech ni Art ay sabay yakap kay Jerry. Wala na talaga.. Wala na akong pagasa… :(

            Maya maya ay lumapit sakin si Jerry.

            “Phil, are you ok?”

            Dinedma ko sya. Pero tinanong nya ko uli.

            “Philip, may problema ba?”

            Hindi na ko nakatiis. Ayaw ko sya bastusin kaya sumagot na rin ako.

“Dun ka nalang kay Art. Mas kailangan ka nya.”, medyo sarkastiko kong sagot.

            “Philip, is this about what you saw last night? Wala yun, I was just trying to..”, ngunit cinut ko na sya.

            “You know what, it doesn’t matter what I saw. Besides, I don’t care. Pwede, just leave me alone for now?!”, matigas na sabi ko..

            Nagulat din ako sa sinabi ko. Hays, kahit kelan talaga. I was never good with this talking stuff. Pero mas nagulat ako sa sagot nya.

            “Just so you know Philip, not everything is about you.”, sabay tuloy sa pagwawalk out.

            Napahiya ako sa sarili. Pakiramdam ko, I was shut out. Hindi ba nya naiisip ano nararamdaman ko?! Hindi man lan ba nya ko pipilitin sabihin sakanya kung ano bang problema? O dahil ba andyan na yang Art na yan sa buhay nya kaya iniisang tabi nlng ako?!
           


Simula noon.. Hindi na pa uli kami nag usap ni Jerry. Naging masakit at mahirap sa akin ang araw araw. Dahil kahit anong galit ang nararamdamn ko para sa kanya, ay araw araw pa rin akong naiinlove sakanya. Araw araw pa rin nahuhulog ang loob ko para sakanya. :(

            Isang araw ay kinausap ako ni Jenny.

            “Pip, ano problema nyo ni Jerry?”

            “Ah.. Wala yun..”

            “Ahh.. Osige, gawin mo kong tanga pip. Bata palang tayo kilala na kita. Cge na. Spill.”

            “Kasi Jenny.. nakita ko sila ni Art…”, medyo natahimik ako. Di ko alam pano itutuloy.

            “Oo, nakakakita din kami. Hindi kasi kami bulag diba? E ano naman kung makita mo sila ni Art?”

            “Jenny kasi…”

            “Ano?”

            Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya nag walk out na lamang ako. Tuloy tuloy naglakad pabalik ng classroom. Masakit kasi sa twing naalala ko.. At ngayon, naopen up nnmn ni Jenny. Masakit na masakit pa rin sakin.

            Dumaan ang mga araw, linggo, ganun pa din ang naging set up. Wala akong lakas ng loob para kausapin si Jerry. Pero mis na mis ko na sya. Pero sa twing nakikita ko silang magkasama ni Art, mas nasasaktan ako. Unti unting namuo ang galit sa puso ko. Ang dating selos, unti unting naging galit. Hindi ko na gusto ang ganitong pakiramdam kaya napagdesisyunan ko ng itigil ang pagasa kay Jerry.

            Pero kahit anong pilit ko ay hindi ko sya maalis sa isip ko.. Mahal ko na talaga sya. Kahit pa alam ko na may mahal syang iba. Sya pa rin ang laman ng puso ko.. Kaya kahit sa mga simpleng text kay Jenny ay nakikibalita ako kay Jerry. Kahit pa ganto an gaming sitwasyon ay mahal na mahal ko pa rin sya..

            Isang araw habang nasa training ako ay ibinuhos ko ang lahat ng galit sa pageensayo. Gusto ko ng kumalimot. Gusto ko ng maging normal uli. Ngunit nung patapos na ang training naming ay nakita ko si Jerry na nakaupo sa may upuan kung san nya ko hinihintay dati pag sabay kami umuwi. Kumakalabog nnmn ang puso ko. Pilit iniisip kung ano nga bang ginagawa nya doon. Magpapaliwanag ba sya?! HUH! TOO LATE!!!!

            Pagtapos ng training ay iniwasan ko ang magkatinginan kami. Ngunit sya na mismo ang lumapit.
           
            “Mcdo?”, nakangiti nyang sabi sakin.

            “Busog pa ko, sa bahay na ko kakain”

            “Sige na, namimis ko na kumain sa Mcdo ee”

            “Edi kumain ka mag isa mo”

            “Boring kumain mag isa! Tsaka namimis na kita!”

            “Ayaw ko nga! Pagod ako, gusto ko na umuwi.”

            “Ganun ba. Cge sabay nlng tau umuwi.”

            Nakulitan na ko sakanya. Bakit pa ba nya ko kinukulit e masaya na naman sya sa buhay nya kay Art na yun diba?!

            “Bakit ba ang kulit mo! At pwede ba wag mo na ko kulitin! Kung gusto mo kumain, kumain ka mag isa mo! Kung gusto mo umuwi, edi umuwi ka mag isa mo! Tangina! Storbo!”

            Alam ko masakit yun sakanya. Pero gusto ko ng maka move on. Ayaw ko ng hintayin na marinig pa na si Art kasi ganto ganyan.. Kita naman kasi na masaya na sila..

            “Taena naman! Ano bang problema mo sakin?! Ano bang ginawa ko sayo para iwasan mo ko?! Kung meron man, sabihin mo ng harap harapan!”

            “Taena mo rin! Magsama kayo ni Art! Mga bakla! Tang ina mo bakla ka! At ano bang paki alam mo sakin?! Namimis mo ko?! Ano to?! Nababakla ka na rin sakin?! Akala mo kung sino ka!”

“Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba hayaan mo muna ko magsalita?”

“Hindi ako intersado sa sasabihin mo! Umalis ka na!”

“Philip, alam mo hindi ko na talaga maintindihan mga kinikilos mo! Palagi ko na lang ba iintindihin ang mga kilos mo?! Ako pano ako?”

“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Lalo na nararamdaman ng tulad mong isang bakla!!”

“Alam mo, napaka selfish mo! Pag ikaw tong may problema, kahit ano pa yan, iniintindi ko! Pag nagkakaron ka ng kasalanan sakin, iniintindi ko pa rin!! Bat di mo man lang ako kayang pakinggan?”

Ako?! SELFISH?! E xa nga, di man lan nya nakita na mahal ko sya! Ni hindi man lan nya ko hinabol nung gabing yun. Tapos ako pa selfish?! Mas nagalit ako sa sinabi nya kaya lumapit ako at sinabi sakin sa mukha nya..

“EH SINO KA BA SA INAAKALA MO PARA PAKINGGAN KO?!”

Tuluyan na kong nabadtrip sa paguusap at sagutan naming kaya bago pa lumala ito ay nagwalk out na ko. Ngunit para akong biglang binuhusan ng malamig na tubig sa mga sumunod na narinig.

“Akala ko kasi kaibigan ako. Pasensya na. Salamat sa lahat.”

Nilingon ko sya at nahabag ako sa aking nakita. Kitang kita sa mga mata nya ang pagkaguho. Para ito biglang nawalan ng kaluluwa. Hanggang nakita ko nlng na dumaloy ang mga luha sakanyang mata. Nasaktan ko sya. Hindi ko pa man din nasasabi saknya na mahal ko sya ay nasaktan ko na sya.. :(

Gustong gusto ko sya yakapin ngunit naglakad na ito palayo. Umiiyak sya. Alam ko masakit. Nilingon nya ko uli. Pero ng makita ko na kung grabe syang umiiyak ay nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ako makalapit. Hiyang hiya ako sa ginawa ko. Hanggang sa tuluyan na itong lumayo. Doon, ay binaba ko ang mga gamit ko at nag iiyak. Ano ba naman tong katangahan ko?! Imbis na maka move on ako, ay mas mahal ko pa rin sya. Pero dahil sa pagiging selfish ko, eto ang nangyari.. :(

Nang medyo mahismasan ay tumayo ako at agad na pumara ng taxi. Tinungo ko ang bahay nila Jerry. Kaba kaba akong umiiyak habang palapit sa bahay nila Jerry. Nagpababa ako sa kanto nila Jerry.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nakita ko si Art sa tapat ng bahay nila Jerry. Kaya napagdesisyunan ko magtago sa kabilang kanto kung saan di nadaan si Jerry. Maya maya ay nakita kong dumating na si Jerry at tuluyan ng pumasok sa bahay nya kasama si Art. Nagiiyak ako. Kung sana ay pinagbigyan ko si Jerry makipag usap, magkasama sana kami ngayon. Naguusap at kumakain sa aming walang kasawa sawang Mcdo… :(

Ilang araw ang dumaan, napansin kong di nagpapasok si Art. Yes! Chance ko na para makausap si Jerry. Kaya isang araw, naghintay ako sa harap ng classroom nila Jerry. Maya maya ay lumabas ito. Pero di tulad dati na masaya ito twing nakikita ako. He stood there giving me a blank stare. Nakakatakot. Mas matatanggap ko kasi kung may galit saknyang mga mata. Pero it was lifeless, walang emosyon na makikita sa kanyang mata. Isa lang ang ibig sabihin nito, matindi pa sa galit ang kanyang nararamdaman para sakin. Pero mas nagulat ako ng biglang lumabas si Art mula sa likod nya at hinila na sya ni Jerry palayo.

Simula noon, hindi nya na tlga ako nilapitan muli para makipag ayos. Though araw araw, hinihiling ko na sana… SANA.. lapitan nya kong muli.. Alam ko, dapat ako naman ang gumawa ng way para makipag ayos sakanya, pero di ko alam kung paano. At besides, di rin ako magaling sa pakikipagusap. I was never good in talking. I might make things worse. :(

Nagdaan ang bwan at ngayon ay Marso na. Ito ang bwan na dadausin naming ang prom. Medyo late dahil dapat ay pebrero ito. Pero tulad ng panahon, ay mahal ko pa rin si Jerry hanggang ngayon. Kahit pa ang titig nlng ang kaya kong gawin sakanya, minamahal ko pa rin sya..

Dumating na ang araw ng prom, pero mamayang gabi pa naman kaya naisipan kong dumaan muna ng mall. Mahaba pa naman ng oras. Pagdating ko sa mall ay agad akong nagtungo sa bilihan ng silver. Nagtitingin ako ng maaring bilhin para sa prom mamaya. Total, may nasave nmn ako kht pano. Pero sa pagtitingin ko ay napukaw ang tingin ko sa isang bracelet. It was the exact bracelet na binigay sakin ni Jerry noon. Napag desisyunan ko na yun ang bilhin. Bakit? Balak ko na makipag ayos kay Jerry. Ayoko ng palampasin ang isa pang araw na di kami naguusap.

Pauwi na sana ako ng bigla akong gutumin. Maraming kainan dun pero sinadya kong pumunta sa Mcdo. Ewan ku ba, dahil dun, may emotional attachments kasi ako sa Mcdo, sa kainan na kasi ito nagsimula ang pagkakakilala naming ni Jerry. Dito kami una nagusap, at laging kumakain twing nagpapahintay ako sakanya. Nakaorder na ko ng pagkain at naghanap ng upuan. Pero nagulat ako ng naghahanap ako ng upuan ay nakita ko si Jerry. Agad akong umupo sa harap na lamesa nya. Sumariwa saking alaala ang lahat. Sa wakas, magkasama na kami uli, ngunit magkaiba ng table. Sadly, ang nagawa ko lang ay titigan lang sya.

Halata ang tension sakanya, halatang binilisan nito ang pagkain at dali daling umalis. Nang tumayo ito ay tumayo din ako kahit di pa tapos sa pagkain. Sinundan ko sya.

Humingi ako ng sign. Sinabi ko sa sarili ko na pag lumingon sya ay ngayon ko na sya mismo kakausapin. “Isang lingon lang. Please.. Lumingon ka..”, sigaw ko sa sarili. Ngunit bigo ako. Paglabas ay agad agad itong sumakay ng taxi. Nanghihinayang man, ay di ako nawalan ng pag asa. Mamaya sa prom ay talagang kakausapin ko na sya.

Dumating na ako sa hotel, medyo late ako. Kaya agad akong nagparegister at pumasok sa hall. Agad kong nakita si Jerry. WOW!! Mas gwapo sya tingnan sa suot nya. Gusto ko sya lapitan pero di pa panahon. Ngayon pa na katabi nito si Art. Kinakabahan ako at nagiisip kung ano ang sasabihin kay Jerry pero bahala na. Pero dahil sa sobrang kaba ay naiihi ako. Kaya napagpasyahan kong pumunta sa cr.

Pero pagdating ko sa cr ay parang biglang umurong ang ihi ko. Nakita ko si Jerry na naghuhugas ng kamay at nanalamin. YES! Pagkakataon ko na para makausap sya. Tiningnan ko sya mula sa salamin at nakita kong ito na nakatingin sakin pero paiwas. Pero I’m sure, nakatingin din ito sakin. Akmang lalabas na sya at ayaw ko ng palampasin ang pagkakataon kaya hinawakan ko sya sa kamay. Pero nagulat ako ng buong lakas nyang binawi ang kamay nya sabay sabi ng isang matigas na “Don’t”

Natameme ako sa kanyang ginawa. Nangilid ang luha sa aking mga mata. I think its too late for me to fix things up. Hindi ko na alam kung sino pa ang sisihin. Agad akong nanalamin at naghilamos para di mahalata na umiyak ako.

Nawalan na ko ng gana buong gabi. Kahit pa lahat ay nagsasayawan dahil sa disco songs ay di ko makuhang magsaya. I was showing everybody fake smiles. Nang biglang tumugtog ang love songs.. Agad kong sinayaw ang kapartner ko for that night. Pero di yun ang focus ko, agad hinanap ng mga mata ko si Jerry.

Nakita ko syang nakaupo sa tabi ni Art. Naiinggit ako at nagseselos dahil it should’ve been me na kasama nya ngayon. Ako dapat yun eh. Pero dahil sa katangahan ko, ito kami ngayon, ni hindi man lang nagpapansinan. Nakita ko na lumapit si Jenny at sinayaw si Jerry. Habang nagsasayaw sila ay nakatingin lang ako kay Jerry. Hoping na tumingin din sya.

Mamaya maya ay napatingin din sa direksyon ko si Jerry. Wala akong magawa. Kaya nangusap nalang ako sa pamamagitan ng aking mga tingin. Nakatingin lang sakin si Jerry, this time, alam kong malungkot sya. Hindi na tulad ng dati na walang emosyon. A lil spark of hope ran into me, nabuhayan ako dahil he wouldn’t look at me that way kung ganun pa rin sya kagalit sakin. Hays, ano bang nangyari samin?

Natapos ang prom na disappointed ako dahil I didn’t have the chance of talking with Jerry. Napag alaman ko din na di na rin sila nag malate at sa bahay nlng daw nila sila magiinom. Niyaya ako ni Jenny pero tumanggi ako. Wala kasi akong mukhang maiharap kay Jerry. Nilabas ko nlng ang sama ng loob sa pagiinom. Kasama ko ang mga kaklase kong varsity din. Sa isang bar kami sa malate naginuman.

“Pare, mukhang mabigat dinadala natin ha”, sabi ng kaklase kong si kulas. Varsity ng soccer team.

“Oo nga pre ee. Ang sakit na nga ng ulo ko kakaisip ee. Kaya sa inom ko na lang dinadaan.”

“Nako pare, eto, inumin mo to. Pampawala ng sakit ng ulo.”, sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

“Ano to?”, sabay abot sa tabletang inabot nya sakin.

“OH! Sabi mo, masakit ulo mo! Gamot yan sa pampaalis ng ulo! Parang paracetamol kung baga!”

Walang pagdadalawang isip kong ininum ang tabletang binigay nya sakin. Nakita ko lang sya na nagpipigil ng tawa. Maya maya ay nakaramdam ako ng ibang sensayon.

“O-h. A-n-o  pa-re? O-k  ka l-a-n-g  ba?”, parang nagslslow motion ang dinig ko. Nakita ko syang nakatawa. Nagsslow motion ang lahat sa paligid ko. Pero mas ramdam ko ang lasa ng alak. Parang mas masarap inumin. Masarap din pakinggan ang tugtog. Napapadyak ang paa ko. Takte. Bangag ako. Hindi ko alam kung ano nga ba pinainom sakin ni Kulas at nagkaganito ako.

Mas napalakas ako uminom. Dahil kasabay ng ito ay nilabas ko ang lahat ng nararamdaman ko. Sa sandaling yun, gusto ko ipagsigawan ang nararamdaman ko. “JERRY!!! ASAN SI JERRY!! IHARAP NYO SAKIN SI JERRY!!!”, hindi ko namalayan na nagwawala na pala ako dala ng pagkalasing at ng tabletang nainom ko. Naramdaman ko na lang na pinipigilan ako ng mga kasamahan ko. Nakita ko din si James na lumabas.

Maya maya ay medyo kalamado ako pero ramdam ko pa rin ang tama. Kung ano ano ang tumatakbo sa isip ko. May mga boses na lumalabas kung saan saan. Naiimagine ko si Jerry. Naghahalo halo ang emosyon at isipan na nararamdaman ko. Ang galit, pagmamahal, pagkabigo, lahat lahat at sabay sabay. Napapikit ako.

Pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko si Jerry o imahinasyon ko ba to dala ng pagkabangag? Hindi ko alam pero umusbong bigla ang natatago kong galit para sakanya. Kaya bigla ko syang sinapak. Ang nasa isip ko ay gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman kong galit. Naging mabilis ang pangyayari hanggang nahimasmasan ako ng sampalin ako ni Jenny. Nakita ko si Jerry na duguan at ramdam ko ang dugo sa mukha ko. Anong nangyari? Bat nagkaganto? Si Jerry ba talga ung nakita ko? Hindi na ba imahinasyon to?

Kita ko ang luha na dumadaloy sa mata ni Jerry habang sinasabi nya ang mga ito sakin..

“Una sa lahat, hindi ako ang lumapit sayo para makipagkaibigan. But I’m thankful that you did. Hindi rin ako ang nagclaim na bestfriend kita. Pero I’m thankful pa rin ako na you did. Pero ako ngayon ang lumalapit sayo, I came here with the intention na malaman kung okay ba. Tumawag sakin ang kambal mo to tell me what’s happening here. Oo, At first, I was hesitant, pero nung papunta na kami d2, I was hoping na magkaayos na tayo. Meron sa loob ko na masaya kasi we can spend time together uli. Hindi mo alam kung gano kita namis. Hindi mo alam kung gano ako nalulungkot at nasasaktan ng panahong di tayo okay. Akala ko ay magiging okay na tayo. Pero hindi ko inexpect na ito ang aabutan ko dito. Hindi ko narealize na ganyan pla kababa ang tingin mo sakin. Philip, I cared for you. Nung una mo kong pinahiya sa sarili ko nung sinubukan kong makipag ayos sayo, tiniis ko yun, hindi mo alam kung gaano naging kaliit ang tingin ko sa sarili ko. You don’t know how much pain I was in. Pero ngayon, pinahiya mo ko for the second time, sa harap pa ng maraming tao. Masaya ka na…..?! Masaya ka ng ipagsigawan sa lahat na nagpakatanga ko sa pakikipagkaibigan sayo?!”

Nanahimik sya at ako namay napiyak sa mga sinabi nya. Hindi ito ang pinlano ko para sa gabing to. Bigla ulit syang nagsalita.

“Alam mo Philip, Putang ina mo!! Kaibigan kitang tinuring!! Nung sinabi mo sakin na wag kita iwan, ginawa ko naman ah!! Kahit pa ngayon na ganto ang inabot ko sayo!! Pero ikaw, ikaw na gago ka!! IKAW ang nangiwan!! Wag na wag mo isisi sakin to, dahil kung nagkamali man ako, yun ay pilit kang intindihin. Hindi ko gusto na tapusin ang pagkakaibigan natin sa ganto. But then again, Im thankful that you did.  Im thankful na pinakita mo sakin kung sino ka. Screw you!”

Hanggang sa tuluyan na syang nagwalk out. Tagos lahat ng sinabi sakin ni Jerry. Tama sya sa lahat. AKO ang lumapit sakanya para makipag kaibigan. AKO lahat. Pero AKO din ang may kasalanan ng lahat. Kung sana ay pinagbigyan ko lang sya magpaliwanag. I told him na wag akong iwan pero sya ang iniwan ko.

Inakay ako ng kambal ko at umuwi na kami. Umiiyak lang ako sa loob ng taxi habang ang kambal ko naman ay nakatingin lang sakin. Alam ko nagulat din sya sa mga narinig nyang yun.

“Tol.. pasensya na, ako kasi tumawag kay Jerry ee.”, sabi ni James.

“Tol, ang tanga tanga ko!! Bat ba di ko naisip noon pa na makipag ayos?! Bat ba di ko naisip ang nararamdamn nya?! TOL, BAKIT?!!”

Niyakap lang ako ng kambal ko. Ramdam ko sa yakap nya na nasasaktan din sya para sakin. Total, tulad ng sabi nila, nararamdaman din daw ng kambal ang nararamdaman ng isa.

Pagkauwi sa bahay ay dumirecho ako sa kwarto ko at sising sisi sa mga pangyayari. Halos gusto ko na magpatiwakal pero alam ko na wala ding madudulot na maganda yun. Sising sisi ako sa mga nangyari. Hanggang sa naalala ko ang sinabi ni Jerry.  “Hindi mo alam kung gano kita namis”

Tumama ng husto yun sa kaibuturan ko. Hindi ko akalain na namimis din pala nya ako. Kahit pa ang dami ng kagaguhan ang ginawa ko sakanya ay ako pa rin ang inisip nya. Kapakanan ko pa rin ang iniisip nya. Ayaw ko mag assume, pero bakit? Bakit nya ginawa yun para sakin? Maari kayang…..


Dumaan ang mga bwan at dala dala ko pa rin sa dibdib ko ang guilt ng mga nangyari. Wala pa kong lakas ng loob para kausapin sya. Sa ngayon ay nagkakasya na lamang ako sa mga binibigay na impormasyon sakin ni Jenny. Dun na lamang ako nakikibalita kay Jerry. Nasabi ko na ang lahat kay Jenny. Pati ang tungkol sa tabletas na nainom ko nung nasa bar. Naiintindihan nya daw ako pero mali pa rin ang giinawa ko. Alam ko naman yun. Sinubukan daw din nya kausapin si Jerry pero ayaw nya na daw pag usapan pa yun. Masakit man ay kailangan kong tanggapin yun.

Nagsimula uli ang classes at 4th year na kami ngayon. Wla pa ring pag aayos na naganap sa aming dalawa ni Jerry. Malungkot man ay nag tiis ako. Tiniis kong tingnan lamang sya. O kung hindi naman ay sinusulat ko ang lahat lahat sa isang cattleya notebook. Sa twing may gusto ko sabihin kay Jerry ay dun ko isinusulat. Kahit man lang sa paraang yun ay kaya kong magkunwari na naguusap pa rin kami. Ang korny man kung iisipin, pero mahal ko pa rin sya hanggang ngayon..

Napansin ko ang pagbabago kay Jerry, hindi na ito ang dating Jerry na nakilala ko. Kitang kita ang pagpapalit nya ng ugali at pakikitungo sa lahat. Nalulungkot ako kasi alam ko na isa ko sa dahilan ng kanyang pagbabago. At ang isa pa ay nalaman ko ang biglaang pag alis ni Art papuntang Amerika. Gusto ko man sya icomfort, ayaw kong isipin na nagtatake advantage ako sa sitwasyon.

Isang araw, napag alaman ko sa txt ni Jenny na sinali nya so Jerry sa Pep Squad. Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa isip ni Jenny at ginawa nya yun. Pero I trust her, actually, we all do.. Basta sabi lang ni Jenny, its her way of helping Jerry. Kung ano man yun, ay nagtiwala ako kay Jenny. Sinabihan din ako ni Jenny na panahon na para ako naman daw ang gumawa ng paraan ko.

Sa araw araw na pag gising ko ay bumabangon ako sa pagasa na sana, magkaayos kami ni Jerry, na dmating ang oras na masabi ko sakanya na mahal ko sya. Na matagal ko na syang minamahal. Na gusto ko sya makasama. Ngunit hanggang panaginip parin yun hanggang ngayon. Wala akong magawa. Wala, kundi ang tingnan lang sya mula sa malayo. Ayoko na ng ganito, ayoko na.

Isang araw ng pauwi na ko ay dumaan ako sa gym kung saan nagttraining sila Jerry ng Pep. Nakatayo lang ako sa may gilid ng entrance ng gym at nakatingin ng patago. Matagal akong nakatayo dun. Pinapanood ko lang si Jerry habang nagttraining. Magaling pala sya sumayaw. Hindi lang sa pagkanta, at pagluluto pala sya magaling. Pati din pala sa pagsayaw.

Simula noon ay lage ko ng ginagawa yun. Araw araw twing pagtapos ng training ko ay tinitingnan ko sya mula sa pintuan ng gym. Panget mang tingnan dahil mukha akong stalker, ay wala akong paki. Kahit man lang sa gantong paraan ay parang kasama ko na rin sya. Minsan, naglakas loob ako at naupo na sa isa sa mga bleachers na malapit sa entrance. Alam kong napatingin sakin si Jerry nung una kong ginawa yun. Pero ok na yun. Kontento na ko dun sa ngayon.

Nagkaroon kami ng project sa school na book report at isa naman ay pagddrawing. Naalala ko tuloy si Jerry nanaman. Noon kasi, sya ang taga gawa ng book report ko or essays, at ako nman sa mga drawing o basta sa art. Hanggang sa nakabuo ako ng isang ideya. Isang araw sa bahay ay pinasok ko si James sa kanyang kwarto.

“Tol, may papakiusap sana ako sayo.”, nahihiya kong sinabi kay James.

“Oh, tol. Ano un?”

“Pwede bang gawin mo yung project ni Jerry sa art?”

“Huh?! E hindi naman nya hinihingi tulong ko ee. Ala namang magpresenta ko dun. Eh, di naman kami close! Ayoko nga!”

Natahimik ako at nagisip.

“Hmmm. Sige na tol. Sabihin mo nalang.. hmmm, papagawa ka ng book report!! Tapos ah, wala kang pambayad kaya kapalit igagawa mo sya!!”

“Tol! Ok ka lang?! Bat di nlng kaya ikaw?!”

Natahimik ako. Oo nga naman. Bat di na nga naman ako nlng.

“Sige tol, salamat nlng. Pasensya na ha.”, sabay labas ng kwarto.

“Tskk.. Kaw talaga tol. Cge na, pumapayag na ko. Kundi lang kita kapatid! Pero ikaw maghuhugas ng pinggan ng isang bwan ah!”

“Call!!”, nakangiti kong sinabi.

Ako ang nagbigay ng ideya kay James kung ano iddrawing nya para kay Jerry. Actually, ang una kong naisip na concept ay tungkol sa friendship. Pero magiging selfish nnmn ata ako nun dahil may personal interest nnmn ako. Kaya mas maganda ang naisip ko. Gusto ko sa pamamagitan ng drawing na yun ay matulungan ko si Jerry. Dun ko naisip ang concept na naka Spartan warrior sya na nakaharap sa salamin. Gusto ko makita nya sana ang mga nangyayari sakanya. At sana matapos na ang paghihirap nya. Kahit dun man lang ay giginhawa na ang loob ko. Matalino si Jerry kaya alam kong maiintindihan nya ang ibig sabihin ng drawing na yun.

“Tol, ang bait pala ni Jerry. Biruin mo, pinakain nya pa ko sakanila.”, bungad ni James sakin.

“Oo nga tol. Sobrang bait nun! Kaya nga naging bestfriend ko yun ee!”

“Tsaka tol, ang sarap pala magluto nun!”

“Nako tol, sinabi mo pa! Hindi lang yun, magaling yun kumanta at magaling pa sumayaw! At ang talino kaya nun!”

“Oo nga pansin ko nga ee. Narinig ko din sya kumanta ee. Tsaka ang galing nya makisama.”

“Sinabi mo pa! Nako tol, alam mo ba. Naaalala ko noon, ang sarap kasama nyan! Tsaka madaling patawanin yun. Simpleng tao pa! Tanda ko pa nga, sya din tumulong sakin non na magkaayos kami ni Emily, pero kung iisipin mo, di nmn nya ko kilala tlga noon pero tinulungan nya ko. Bait tlga yung taong yun. Wala akong masabi sa kabaitan nung taong yun. Wala talag..”, bigla kong cinut ni James.

“Kaya ba minahal mo sya?”, isang seryosong tanong ang pinakawalan ni James. Wala na rin akong nagawa kung di umamin. Tumungo lang ako.

“Tol, nung una aaminin ko, medyo naguguluhan ako sa mga ikinikilos mo. Hindi ka naman sa mga tropa natin ee. Kahit nga sakin hindi ka ganyan ee. Pero nung makilala ko sya kahit papano, nakita ko na mabait naman pala talaga sya. Tol, wala namang problema sakin kung sya mahal mo. Kapatid mo ko, kambal mo pa. Kahit ano pa yan o si pa yang mamahalin mo, walang problema sakin. Pero tol, yung mga ginawa mo. Mali e. Mali yung paraan mo.”

Natahimik ako sa sinabi ni James. Tama naman din kasi sya.

“Tol, alam ko malaki kasalanan ko sakanya….”

“Oo tol. Masakit yang ginawa mo. Tol, di ako tanga. At kahit di ako nagmamahal ng kapwa lalake, marunong di nmn ako magmahal. At alam ko, mahalaga ka din kay Jerry. Sigurado ko yun. Alam mo kng bakit?”

Umiling lamang ako.

“Tol, kasi nung andun ako sakanila. Nakatingin sya sakin, pero Ikaw ang nakikita nya. Ramdam na ramdam ko yun. Nakikita ko ung mga sandaling naluluha sya sa twing nakatingin sya sakin. Iisa tayo ng mukha tol. Kaya alam ko na pag tinitingnan nya ko, ay ikaw ang nakikita nya. Alam ko, at ramdam ko un tol.”

Natahimik ako at napaiyak sa sinabi ng kambal ko. Pero tinahan nya ako at nangakong tutulungan nya ako. Ano pa daw silbi ng pagiging kambal naming dalawa. Though sinabi nya, wag daw masyado aasa sakanya dahil di nmn tlga sila ganun kaclose ni Jerry. Nagpasalamat naman ako sa malasakit na pinakita ng kambal ko.

Isa isa kong inayos ang sarili ko at naghanda para sa muli kong pakikipagusap kay Jerry. Kinunsulta ko rin si Jenny tungkol dito at nangakong tutulungan ako. Hanggang sa napagdesisyunan na namin ang araw nay un.. Ang birthday ni Jerry.

Nabalitaan ko ang muling pagbalik ni Art. Kinakabahan ako dahil baka mawalan nanaman ako ng pagasa na makipag ayos kay Jerry. Kinabahan ako, oo, pero this time, lalaban na ko. Hindi ako papayag pa na mapunta sa wala ang pinaghirapan ko. Sa araw na mismo na yun ay mas nagbantay ako.

Habang nasa lunch ay nakita kong magkakasama sila Jenny, Art at Jerry at ang tropa na sabay sabay kumakain. Medyo nagtataka ako dahil parang di naguusap sila Art at Jerry. Patuloy lang ako nagmatyag hanggang sa nakita kong tumayo si Jerry at nagwalk out. Tumayo din ako palabas ng cafeteria at nakita ko itong nagtatakbo. Sinundan ko sya. Hanggang sa natungo namin ang gym.

Nagtago ako kung saan di ako mapapansin ni Jerry. Marami din nmng tao kaya maaring di nya ko mapansin. Nakita ko sya na maluluha luha hanggang sa tuluyang umiyak. Alam kong umiiyak ito kahit pa hiniga nya ang mukha sa lap nya. Dahan dahan kong kinuha ang panyo ko at hinalikan ito. Sabay sulat sa mga page ng cattleya notebook ko. Una kong sinulat ang. “Tahan na”. Hmmm, korny. “Do not cry”. Sagwa, parang Do not Enter lang. “Don’t cry, it hurts me.” Ayos.. Pero parang may kulang ee. Hanggang pumilas ako ng maliit na kapiraso. At sinulat sa papel na. “Don’t cry. It hurts me even more.”

Dahan dahan akong lumapit sa likod nya at umakyat sa bleachers, dahan dahan akong bumaba papunta sa likod nya at nilapag ang panyo sa tabi nya. Pagkalapag ay dali dali akong umalis.

Doon ko napagdesyunan na isa isa kong aayusin ang sarili ko at maghahanda para sa muli kong pakikipagusap kay Jerry. Kinunsulta ko rin si Jenny tungkol dito at nangakong tutulungan ako. Hanggang sa napagdesisyunan na namin ang araw na yun.. Ang birthday ni Jerry.

Kinakabahan kong binalot ang regalo ko saknya. Ang bracelet na binili ko para sakanya nung araw na nagkita kami sa mall bago mag prom. Hindi ako nageexpect na magkaayos agad kami ni Jerry. Pero whatever happens, tatanggapin ko ng buong puso.

As expected, hindi naging maganda ang pagtanggap ni Jerry sa pagpunta ko sa kanyang kaarawan. Buti nlng at pinagtakpan ako ni James at sinabing di sya makakapunta dahil grounded sya at papayagan lamang kung kasama ako. Nang iabot ko ang regalo ko ay binulsa lamang nya ito. Nang tanungin ko sya kung di nya ba ito bubuksan ay masakit pa rin ang kanyang nasabi. Pero tinanggap ko ito.

Hindi ko muna kinausap si Jerry at hinayaan muna sya mag enjoy sa kanyang kaarawan. Maya maya ay nagplay na ang video na surpresa namin kay Jerry. Isa ko sa mga tumulong para gawin yun. Alam ko kasi ang mga kantang sentimental para kay Jerry. Nakatayo lamang ako sa bintana habang tiningnan si Jerry sa panonood nya. Naluha ako dahil kita ko ang appreciation sa mukha nya. Kontento na ako doon. Nang matapos ito ay tinungo ko ang kwarto nya at dun nagpasya na hintayin sya.

Matagal akong naghintay doon. Nalobat nlng ang cellphone ko kakasoundtrip sa paghihintay sakanya. Ayaw ko muna lumbas at magpakita saknya at baka mabadtrip sya lalo. Naupo nlng ako sa kama nya. Namis ko ung kama na yun. Actually lahat ng tungkol sakanya ay namis ko.

Nagdaan ang mga oras at narinig kong nag aayos na ang lahat sa labas. Tumahimik na sa loob ng bahay. Maya maya ay may narinig nlng ako na may tumatakbo papalapit sa kwarto ni Jerry. Nagulat nlng ako ng bigla itong bumukas at nakita ko si Jerry na nagiiyak. Halos bumagsak ito sa pagkakaiyak. Agad ko naman itong sinalo at niyakap ng mahigpit.

“Tama na.. Tahan na..”, sabi ko saknya. Hindi nya ata napansin na ako ang sumalo sakanya. Nagiiyak lang ito sa mga bisig ko. Nagtataka ako kung bakit ito nagiiyak. Wala akong nagawa kundi yakapin lang sya. Nang medyo mahismasmasan ay bigla itong tumingin sakin. Gulat at bigla pagkaatras ang naging reaksyon nya. Sabay sabing..

            “Philip……?”

3 comments:

  1. Nice one..galing medyo mahaba...talaga sinulit mo ang paghihintay namin..hmmpp ito na kaya ang sign na magbabalik na ang dati? Tutal ok naman si Art eh alam kong nagsisimula na siyang magmove on..sana start na rin sila ni Philip.

    Abangan ko next update mo!

    ReplyDelete
  2. woahhhhhhh doucle chapter! AYOS!!!
    APIR basa muna xD

    ReplyDelete
  3. huy si art :(((( si art dapat :( bakit ganyan :( bakiiiit :(

    ReplyDelete