ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, October 23, 2011

Kiss The Rain Chapter 2










Pauna: Salamat sa mga sumusunod na tao. ^_^






Friend Kenji sa pag review ng Chapter ko at pag payag sa pag post ko dito. Saka Friend don't worry bigla ka na lang lilitaw diyan.






Vincy bunso (ace.vince.raven) na kinikilig daw. Vincy di ka ba naihi lang? hehehe!






Kuya Jeffy na idol ko. Salamat sa pag encouragement! Patambay muna sa blog mo din kuya ah! wala pa ako sarili eh.






Dhenxo na isa sa unang nag basa ng story ko na ito at nag bigay payo sa akin. Salamat!






Cutie Pinoy Gay Guy, Jayfinpa, Darkboy13, Gerald, Slushe.Love at Ernes_aka_jun. Maraming salamat po sa pag comment. Di ninyo alam paano ninyo ako natuwa sa mga nabasa kong comment galing sa inyo.






Again THANK YOU!!!!!







Kiss the rain



Chapter 2 (Mr. Stalker)



Erwin Joseph Fernandez






“Huh! Ano EJ DAW? HUWAAAAT?????!!!!” Gulat ko ng na realize ko kung ano yung huling sinabi niya sa akin.



Hinabol ko ng tingin ang jeep na kanyang sinasakyan.



“Malayo na…” Ang tangi kong nasabi.



Binalak ko siya txt pero naalala ko na wala pala akong number niya.






Agad akong sumakay ng jeep at naka uwi din ng maayos sa bahay.




Dumirecho naman ako sa kwarto ko pagkapasok ko sa bahay namin at nahiga sa kama ko at nagsimula na magisip habang pagulong gulong.



“Bakit EJ tinawag niya sa akin? Oo Erwin Joseph nga naman. Pero bakit sa lahat naman ng pwede niya itawag sa akin ay yun pa? Hindi kaya siya yung nasa dream ko?”



Nasa ganuon akong pag iisip ng biglang kumatok si Mama sa pinto ko.



“Win! Andyan ka na di ba? Kumain ka na sa baba. May Soup at Chicken fillets doon.” Si Mama sa likod ng pinto.



“Sige po Ma. Baba na lang po ako pag naka pag pahinga ng konti.”



“Ok nak! Pahinga na ako sa kwarto ko. Kumain ka ah!” Paalam at paalala sa akin ni Mama bago umalis sa tapat ng pinto ko.



“Opooooooooooooooooo! Good night Mama ko!” parang batang magiliw na sumagot kay mama.





Pagkatapos ng konting pagiisip at konti pang pag gulong sa kama ko ay napagpasyahan ko kumain na sa baba at naglinis na rin ng katawan bago pumanhik ulit sa aking kwarto.



Napag desisyonan ko na din na bukas ay itatanong ko na lang sa kanya kung bakit yun ang tawag niya sa akin at ang pag harap kay Jhepeth kung bakit niya kami pinag sabay ni Donnie umuwi.



Nasa ganoon akong pagiisip ng bumigat na ang talukap ng aking mga mata at nagpasya na matulog na.





Jhan Elspeth Lucena



1:00pm



Inihanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang itatanong sa akin ni Erwin.


Nasa jeep na ako papasok ng school ng makatangap ako ng txt mula sa kanya.



“Peth, Maguusap tayo pag dating sa school. May mga dapat ka sabihin sa akin.” Ang sabi ng txt niya.



Ako naman ay nag reply sa txt niya.



“Che, naman mag uusap tayo alangan mag sign language ako at may naguusap ba na walang sinasabi?” pangaasar ko sa kanya.



Agad naman siya sumagot sa akin.



“Oo na sige. Hintayin kita dito sa may batibot.” Ang huling txt niya sa akin.





1:43pm





Nasa school na ako at inabutan ko si Erwin na andun nga sa batibot at mukhang malalim ang iniisip.



Mabilis ko naman siyang nilapitan.



“Che, Good Afternoon! Ang lalim ng iniisip mo ah! Nasaan yung dulo nasa earth’s core na ba?” bungad ko sa kanya.



Tumingin naman siya sa akin at poker face lang ang nakita ko sa kanya.



“Upo. Magpaliwanag ka sa akin.” Ang sagot niya sa akin sa seryosong tono niya.





Umupo naman ako agad at nag bitaw ng isang ngisi na kinakabahan sa kanya.




“Anong balak mo kagabi at bakit bigla mo naman ako pinabayaan na umuwi mag isa kasama si Donnie?” Tanong niya sa akin habang naka taas ang isang kilay.





“Che, Di ka nag enjoy kasama siya?”




“Nag enjoy naman. Pero wag mo balik ang tanong ko.” Seryosong sagot pa din niya sa akin.




“Huh! Talaga? Di mo man lang binalita sa txt sa akin kagabi. Daya.”




“Peth, Im waiting for an answer from you.” Salubong na kilay niyang sabi sa akin.




“Ok ok ok. Che, nahalata ko na he has a thing for you.”




“Weeeeeeehhhh! Talaga? Ano proof mo?” sagot niya sa akin na may konting smirk na makikita sa labi niya.




“I saw him starring at you while kumakain tayo kagabi. Parang nag sparkle ang mata niya sa pagtingin sayo. Na parang konting udyok na lang ay tatalon na siya sa harap mo at gagahasain ka At at at at ahhhhhhhh! Shit ang hot Che!!” mahabang tugon ko sa kanya habang naka pikit at nag imagine ng nangyayari with actions pa!




“PAKKKKK!!!” isang mabilis na batok ang inabot ko kay Erwin.





“Mag tigil ka! lukaret ka! Nakakahiya ka. Baklang bakla ka. Mukha bang manggagahasa yun? Eh ang bait niya kagabi.” Natatawang dipensa niya sa akin.




“Ayihhhhhh! Ano pa nangyari kagabi?” tanong ko sa kanya habang hinihimas ang ulo ko.




Nakwento naman niya lahat ng detalye kagabi at natuwa na namangha ako sa mga nalaman ko.




“So ibig sabihin siya ang nasa dream mo na iyon? Che, Isa kang BABAYLAN!”




“Babaylan ka diyan. Ayoko muna umasa or mag lagay ng conclusion na siya nga iyon. Unless mag karoon ako ng malaking proof.” Sabi niya sa akin in a serious tone.




“Ay! Che, anong time na lika na. usap tayo ng usap may class pa tayo.” Tayo sabay aya sakanya na pumasok na kami.




Kami ay naglakad na papunta sa classroom naming ng makasalubong naming ang ibang classmates namin na palabas naman ng school.




“Psssst! Teh wait! Ano meron at bakit nag lalayasan kayo?” tanong ko sa aming nakasalubong




“Wala tayong mga professor ngayon. Nagpatawag ng departmental meeting si Dean kasi.” Paliwanag niya sa akin.




Agad naman kami nagkatinginan ni Erwin na unti unti bumakas sa kanyang mukha ang ngiting abot tenga.




“Che, Gala Tayo! Hinihintay na tayo ni mareng SM Mall!”




“Sige! Sige!” parang batang sagot niya sa akin.




“Teka kalian pa naging babae ang SM Malls?” nagtatakang tanong niya sa akin.




“Stephanie Mae Malls! HAHAHAHA! Di ba babae? Nyahahahaha!” Sagot ko sa kanya.




“Ay susme! Nonsense nanaman! Hahaha! Halika na nga umandar nanaman pagkalukaret mo.” Tumatawang habang naglalakad na sabi niya sa akin.




Pumunta naman kami sa mall at pag pasok naming at napagdesisyonan namin na magkape sa Starbucks.









Argel Joseph Francisco




Miyerkules. Wala akong pasok ngayon sa school at dahil sa wala naman ako magawa sa bahay ay gumala muna ako sa mall.



Nagikot ikot at ng mapagod ay Pumasok ako sa Starbucks at nag order ng kape.



“One Venti Crème brûlée please.” Sabi ko sa cashier at agad nag bayad.



“Two Mocha Frapp and two slices of blueberry cheesecake for Erwin!” Sabi ng barrista sa dulo ng counter.




At may lumapit na isang lalaki. Di siya katangkaran pero ang maputla niyang kutis at chinitong mata niya ay nakatawag ng aking pansin.



“Sir your change.” Sabi ng cashier na di ko naman binigyan ng pansin kaagad.



Sa halip ay sinundan ko ng tingin ang lalaki na may ngalan na Erwin.



“Sir your change?”



“Sir Sukli po ninyo.” Inis na sabi ng cashier sa akin na siya naming nagpabalik sa malay ko.



“Aw! Sorry. Thank you.” Paumanhin ko sa cashier.



Pagkakuha ko naman ng sukli ko ay naupo ako tapat halos ng table nila dahil sa yoon na lang ang available na spot sa lugar na iyon.



Sakto naman at kitang kita ko siya mula sa aking kinauupuan.



Pinilit ng babae na kainin ni Erwin yung cheesecake niya ng mabilisan habang siya naman ay nagkakanda muhalan na sa pag kain ni at pagkatapos ng ilang minuto ay nag aya na ang kasama niyang babae na umalis sila.




Jhan Elspeth Lucena





Napansin ko na may lalaking naka tingin sa akin. Weirdo ata pero infairview! GWAPO din.




Pero medyo natakot pa din ako kaya dali dali ko inaya si Erwin na gumala sa mall na lang.




Habang naglalakad naman kami ay napadaan naman kami sa isang stall na nag bebenta ng mga keyboards at may naisip akong magandang gawin.



“Boss pwede ba mag play ng isang song best friend ko? Isa lang. magaling yan!” Paalam ko sa may ari ng stall.



“Huy Che, ano ba yan! Kanina pinakain mo ako ng cheesecake ng mabilisan tapos ngayon tutugtog naman impromptu.” Pagtangi ni Erwin sa balak ko.



“Sige Mukhang magaling naman iyang kasama mo. Pwede siyang tumugtog.” Pag payag ng may ari sa amin.



“sige na Che, play na. show us your talent! Matagal na kita di rin napapakinggan tumugtog eh!” pamimilit ko sa kanya.




“sige sige. Ano pa ba magagawa ko di ba?” pag payag niya sa akin.





Agad naman siya naupo sa harap ng keyboards at tinugtog niya ang A River Flows in You ni Yurima.










Tumayo ang may ari ng stall sa tabi ko at tinanguan ako. Senyas siguro na nagustuhan niya paano tumugtog si Erwin.




Habang tumutugtog siya ay unti unti dumadami ang tao na nakapaligid sa amin.



Madami ang humahanga sapag tugtog niya.



Sa di kalayuan ay nakita ko nanaman ang lalaki na naka tingin sa amin kanina sa Starbucks at si Donnie.



Ang lalaki ay hangang hanga sa ginagawa ni Erwin.



Samantalang si Donnie naman ay bakas sa mukha niya ang pagkamangha sa nakikita at naririnig.



Ng matapos naman siya ay nag palakpakan ang mga tao.



Nagmistulang isang piano recital ang ginawa ng aking best friend sa gitna mismo ng mall.



Pag lingon ko sa lalaki at kay Donnie ay nakita ko na agad agad lumapit ang lalaki na pinagsususpetyahan ko kanina pa sa direksyon ng aking best friend.




“hep hep hep! Anog kailangan mo sa best friend ko?” Cut ko sa kanya.





“Uhm. Hi? Argel name ko. Makikipag kilala lang sana ako sa best friend mo.” Paliwanag niya sa akin.





“So siya yung tinitignan mo sa Starbucks kanina hindi ako?” Assuming na tanong ko.





“O - o - oo cute siya kasi saka ang galing niya mag play ng piano.” Nahihiyang sagot niya sa akin.





“Ay susme. One of them pala…..” bulong ko sa sarili…




“Peth, Sino yang kausap mo?” biglang sulpot sa likod ni Erwin.




“Ah si Mr. Weirdo/Stalker Este Argel. Siya dahilan kung bakit wala tayo sa Starbucks ngayon.” Paliwanag ko sa kanya.




“Hi! Im Argel. Erwin name mo di ba?” Sabi ng lalaking nasa harap ko na tinitigan ko ng matalim.




Donnie Domingo




Lalapit na sana ako kay EJ ng Makita kong kausap na siya ng isang lalake at mukhang masaya naman siya kausap ito.





Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Ayoko may iba siyang kausap na ibang lalake.





Nagseselos ba ako?



Bakit ganito?



Ilang oras pa lang naman kami nagkakakilala?



Bakit ganito ako sa kanya?



Umalis na lang ako agad sa mall na iyon at umuwi na lang.




Erwin Joseph Fernandez




May nag pakilala sa akin na lalaki at ayon sa kaibigan ko ay stalker ko daw? At siya ang dahilan bakit wala kami sa Starbucks daw ngayon.





“Hi! Im Argel Joseph Francisco. Erwin name mo di ba?” Pakilala at Pag tanong niya sa akin ng may matamis na ngiti.





“Yes. Yun nga ang name ko bakit mo alam?” Pagtataka kong sagot at tanong pabalik sa kanya.





“I overheard it kanina kasi sa counter noong pag kuha mo ng order ninyo.” Paliwanang niya sa akin.





“Ahhhh…. Ok. So?” Medyo di ko interesadong balik sa kanya.




“You played that piece great. Yaan pala talent mo. Ang galing mo.” Sabi niya.




“Salamat.” Maigsi kong tugon.




“Can I get your number? I mean can we be friends?” tanong niya sa akin.




“Huh?! Bakit?”




“I find you intresting kasi. Saka ang cute mo.” Sabi niya sa akin na naka yuko pro halata ang pamumula ng pisngi niya.




“Ah. Eh. Talaga? Salamat Ah….” Sagot ko sa kanya habang napayuko na din ako at napangiti.




Namumula na din ako sa palagay ko.





“Haller! Masarap ba mag kwentuhan sa harap at likod ko? Andito pa ako!” Biglang sabat sa amin ni Jhepeth.




“Uhm. Gusto ninyo ba ako samahan mag dinner dito my treat?” sabi ni Argel.




“Ay treat mo? Sure go kami ni Che dyan! Harmless ka naman di ba?” Parang batang excited na sagot ni Jhepeth.




“Uy! Peth, Umayos ka nga kakakilala mo pa lang sa tao di ka na nahiya.” Saway ko sa kanya.




“Sige na. I insist. Please samahan ninyo ako mag dinner.” Pag pilit niya sa akin na matching puppy face pa.





Kami ay napapayag naman kami ni Argel.




Gumala kami sa mall at panay naman ang tingin sa kanya ni Jhepeth na mistulang body guard ko kung umasta.




Pagkatpos ng walang katapusang paglakad lakad ay kumain kami sa isang Japanese fast food chain.




Habang kumakain naman kami ay doon ko naman nakilala ng mas lubos si Argel. Sa isang malapit na university sa school namin siya nag aaral at sakto naman wala siya pasok at wala magawa daw sa bahay nila kaya nagala siya sa mall at full name niya ay Argel Joseph Francisco saka nasabi ko na din full name naming dalawa sa kanya..




Di mo rin pala iisipin na mag kakagusto siya sa isang kagaya ko. Nasa 5’10 ang taas niya at morenong balat. May pagkasingkit ang mata at ayos manamit.




Nasa ganoon akong pag eestima ng biglang nagsalita si Jhepeth.




“Che, Nga pala nakita ko si Papa Donnie sa crowd kanina habang tumutugtog ka. Manghang mangha ang mukha. Heheheh!” sabi niya sakin habang nilalaro ang tempura ng chopsticks niya.




“Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi? Di ba hinahanp ko yung tao? Nasaan siya ngayon?”




“Kasi busy ka kausap si Argel eh! Malay ko di ko nakita kung saan nag punta.” si Jhepeth





Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi sa akin ni Jhepeth..




“Are you ok EJ?” pag pansin niya sa akin.




“I’m ok. Did you just said EJ?” sagot at tanong ko sa kanya sa kunot ko na noo.





Napatingin na lang sa akin si Jhepeth sa kanyang narinig.





“Yes. Why? May nasabi ba akong masama?” Nagtatakang sagot sa akin ni Argel




“Wala. Pangalawa kang tao tumawag sa akin ng EJ kasi.” Paliwanag ko.





“Whew! Kala ko may nasabi na akong masama. EJ may kanin ka sa pisngi.” Ngiting sagot niya sa akin.





Kinuha niya ang kanin sa pisngi gamit ang kanyang daliri at imbis na itapon ang isang butyl ng kanin na iyon ay isinubo niya ang daliri niya at kinain iyon.




“Masarap pala pag galing sa pisngi mo at mas matamis.” Sabi niya sa akin sa mapangakit na tono.




“aaaaaaaayyyyyyyeeeeeeeeeehhhhhhhhhhh!” matinis na tili ni Jhepeth sa kanyang nasaksihan.




Dahil naman sa ginawa ni Jhepeth ay nagtinginan sa direksyon lahat ng tao sa lugar na iyon.




Bigla naman kami umayos ni Argel ng pagkakaupo at kulang na lang ay madasal kami na lumubog na lang kami sa flooring ng mall na iyon.




“May ipis!” Sabi ni Jhepeth sa mga taong nakatingin. Sabay ngisi at peace sign.




Tumayo naman kami halos saby ni Argel at nagtanguan. Nauna ako lumabas ng pinto ng fast food chain na iyon at sumunod naman siya. Si Jhepeth ay naiwan sa loob at mabilis naman din humabol sa amin.




“Bakit ka tumili Peth? Sira talaga ikaw.” Inis kong baling sa aking best friend.




“Can’t help it. Kakakilig kayong dalawa eh. Di ba Papa Argel.” Sagot niya sa akin na nakayuko at nilalaro ang mga daliri niya.




“Yaan mo na EJ. Wala naman masama nangyari eh.” Sabat ni argel.




Buntong hininga na lang ang sinagot ko sa kanila.









8:30pm




Nag aya na ako umuwi at nag insist nanaman si Argel na ihatid kami. Pero this time ay hindi na kami pumayag talaga.




Sumakay na kami ng jeep pauwi at hindi ko pa din kinakausap si Jhepeth dahil nga sa inis sa ginawa niya kanina.




“Che, Sorry na…” pag hingi ng tawad sa akin ni Jhepeth.





“Uy Che, Please Sorry na… babawi ako sa iyo.” Pangungulit niya pa din.





“Oo. Sige na pinatatawad na kita. Bumawi ka ha!” sagot ko sa kanya na may matipid na ngiti.




Sumenyas naman siya na gusto niya ng isang akap.





Binigay ko naman sa kanya ang gusto niya. Inakap ko siya at medyo sinadya ko na higpitan ng konti ng makaganti ako. Hehehe!




Humagikgik naman ako habang inaakap ko si Jhepeth at maya maya ay sumesenyas na siya sa akin na di raw siya maka hinga sa pag akap ko sa kanya.




Ng bumitaw naman ako ay nagtawanan na lang kami.




Tinitignan naman kami ng dalawang babae sa kabilang dulo ng jeep.




“Miss swerte mo naman sa napiling BF mo. Gwapo na sweet pa.” sabi ng isang babae.




Nagkatinginan na lang kami ni Jhepeth sa sinabi sa kanya ng babae at lalo kami nagtawanan.




Bumaba na kami sa jeep at nagpasya na maghiwalay na ng sakay na jeep dahil sa magkabilang direksyon ang bahay namin.




Nakasakay at nakarating na ako sa lugar malapit sa amin.




“Ay walang mga pedicab? No choice walk walk walk.” Sabi ko sa sarili.




Naglalakad ako papunta sa amin ng mapansin ko na may kotse sa likod ko na bumubuntot sa akin.




Medyo kinabahan ako dahil sa medyo madilim ang daan at baka kidnapper ang sakay niyon.





“Wala pang ransom sa akin si mama…” sa loob loob ko.





Binilisan ko ang pag lalakad at napansin ko na pundido ang 3 susunod na lamp post na dadaanan ko.




“Jusmiyo. Bakit ngayon ka pa napundi? Madilim paano ito.” Bulong ko.





Halos patakbo na ang ginawa kong paglakad maka iwas lang sa nakabuntot sa akin.




Nakarating naman ako sa tapat ng bahay namin ng maayos at hinihingal sa kaba.




Papasok n asana ako ng bahay ng biglang tumigil ang sasakyan na iyon sa harap ng bahay naming at nagsalita ang taong lulan nito.




“Diyan ka pala nakatira” sabi ng nagmamaneho ng kotse.




Itutuloy.



P.S.



Guys sorry kung medyo magulo post ko.



kanina pa ako naasar bakit ganun ang pag post sa blogger.


1 comment:

  1. ok lng kahit magulo. naget ko nmn ang takbo ng kwento.

    bharu

    ReplyDelete