ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^
Showing posts with label 9 Mornings. Show all posts
Showing posts with label 9 Mornings. Show all posts

Thursday, October 4, 2012

9 Mornings (Epilogue)




Para sa mga taong humiling ng Epilogue ng 9 Mornings ay ito na po. Sana magustohan at ma-satisfy ko kayo sa gawa kong ito.


Sa mga taong nagbigay ng suporta sa 9 Mornings ko maraming maraming salamat sa inyo . Wala na muna akong sasabihin dahil naubos ng chapter na ito ang laman ng 2MB kong utak. Hehehe Ingat po kayo lagi at happy reading sa inyo. Keep the comments coming! Zephiel


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
<hr color="pink" width="100%" align="center"><!--more-->


“Kamusta ang buhay-buhay? Mabuti naman at tumupad ka ngayon sa usapan hindi biro ang haligapin kang ingot ka. Simula nang mag-resign ka hindi kana nagparamdam sa amin.” Ang wika ni Chatty habang nasa loob kami nang isang restaurant.


“In all fairness mukhang hiyang ka sa papa mo Rence bakas ang saya sa mga mata mo. Yan ba ang epekto nang isang taong nasa isang relasyon?” Wika naman ni Erika.


“Isang taon ka ring nawalang hayup ka, si papa Pat hindi manlang nagparamdam sa amin bago tuluyang umalis pati rin ikaw. Sobrang nakakatampo.” Sabi pa ni Chatty na halata ang pagtatampo.


Isa-isa ko silang matamang tingnan. Nakakatuwang isipin na sa loob ng isang taong hindi namin pagkikita-kita nang mga dati kong katrabaho ay wala sa mga ito ang nagbago kahit paman alam na nila ang tunay kong pagkatao.


Masasabi kong na miss ko silang lahat – ang mga kakulitan nila’t pagiging intrigera ay nakaka-miss rin pala. Tinawagan ako nang mga ito nang mabalitaan ang pagbabalik ko nang bansa isang linggo na ang nakakaraan mula US.


Bakas ang tuwa sa mga mata nang mga ito sa muli naming pagkikita-kita. Ako man ay sobrang natutuwa rin na makitang muli sila. Mukhang tama ang naging desisyon kong bumalik sa bayang sinilangan ko imbes na doon manatiling manirahan sa US.


“So, ano? Hindi ka manlang ba kikibo diyan? Hindi ka naba nakakaintindi ng salita natin o nakalimutan munang magsalita sa sobrang saya?” Ang nakangising wika naman ni Arman.


“Sira, hindi parin talaga kayo nagbabago ang liligalig niyo parin hanggang ngayon.” Nakangiti kong sabi.


Napataas ng kilay ng tatalong babaeng dati kong kasamahan sa trabaho habang si Arthur at Arman naman ay napangisi sa akin.


“Hindi ka masaya sa lagay na yan noh? Balitaan mo naman kami sa nangyari sa lovelife mo, wag kang madamot.” Si Chatty na sinamahan pa nito nang pangangalumbaba na para bang intersadong marinig ang lahat. Lakas talaga sa tsismisan ng isang ito.


“Oo nga naman Rence, update mo naman kami sa mga nangyari sa inyo ng fafa mo sa US.” Sigunda naman ni Erika.


“Wala namang masyadong nangyari sa amin sa US maliban sa Mr. Cervantes – Samaneigo na ako ngayon officially.” Nakangisi kong sabi sa kanila.


Bumakas ang pagkabigla nilang lahat. Sinadya ko kasing hindi ipaalam sa mga ito ang balak naming pagpapakasal ni Claude para makaiwas narin sa maraming katanungan nila.


“Oh My God!” Eksaherado pang napasabunot sa kanyang buhok na wika ni Chatty. “Nagpakasal kayo doon? Magugunaw na talaga ang mundo!”


“Ang OA mo naman teh! Bakit naman magugunaw ang mundo kung mag-pakasal ang dalawang pareho ang kasarian alam mo bang pinapangarap ko rin iyan balang araw?” Nakasimangot na wika ni Arman halatang affected ito.


Bumaling ito sa akin.


“Alam mo Rence, inggit na inggit ako sayo sa sobrang inggit ko sayo gusto na kitang ilibing ng buhay para maagaw ko sayo si papa Claude. Ang swerte mo talaga teh! Bukod sa mayaman na ang fafalicious mo, gwapo pa!”


Walang pagkainis akong naramdaman sa mga sinabi ni Arman bagkus ay natawa pa ako sa kanya. Alam ko naman sa sarili ko kung gaano ako ka swerte daig ko pa ang nanalo sa lotto.


“So, babalik pa ba kayo sa US? Bakit nga pala kayo nagdecide na umuwi?” Ang tanong naman sa akin ni Jody ang fiancĂ© ni Arthur.


“Hindi na. Nahihirapan kasi akong mag-adjust doon kaya minabuti ni Claude na ibalik ako dito sa lungga ko kung saan sanay ako sa klima.” Nakangisi kung sabi.


“Ang bait talaga nang irog mong yon nakaka-inggit ka.” Wika ni Erika.


“Si Pat, uuwi sya siguro next month para dito na manirahan ulit.” Masayang pagiiba ko nang usapan.


“Talaga?” Ang sabay-sabay nilang wika halatang na miss din nila ito.


“Yep, yon ang sabi niya nung huling email niya sa akin.”


“Kamusta naman daw siya?” Lakas talaga nang tama ni Chatty kay Pat halata sa kinang ng mga mata nito.


“Okey naman si Pat sa tingin ko. Siya rin ang naging best man nang kasal namin ni Claude.” Masyang pagbabalita ko sa kanila.


Tinupad ni Pat ang pangako nito sa amin ni Claude na siya ang magiging best man nang kasal namin. Sumadya pa talaga ito papuntang US para lamang siya makadalo. Hindi ko lang mapaniwalaan ang sinabi sa akin noon ni Claude na may pagtingin rin sa akin si Pat, wala naman kasi itong sinabi sa aking ganun. Para kasi sa akin ginawa lamang ni Pat ang lahat  para mabigyan katuparan niya ang huling hiling ng pinakamamahal nitong kapatid.


“Talagang close kayo ni Pat noh? Halata kasi ang pagiging protective niya sayo noon paman.” Wika naman ni Erika.


Napangiti naman ako sa sinabi ni Erika. Kung alam lang nila ang rason kung bakit ganun nalang ka protective si Pat sa akin siguro lalo pa nila itong magugustuhan. Hindi biro ang ginawa ni Pat para sa kapatid niya at doon ako bumilib lalo sa kanya. Pat is a very good person not only to his brother but also to me. Malaki ang naitulong nito sa akin noon at hinding hindi ko ito makakalimutan kahit kailan.


“Teka nga pala Rence, asan ang asawa mo?” Biglang singit ni Arthur. Kakatuwang kahit lalaki ito ay hindi mababakasan sa mukha nito ang pagiging uneasy nito sa relasyong meron kami ni Claude marahil nasanay na ata ito kay Arman.


Sakto naman sa tanong ni Arman nang makita kong papasok sa naturang restaurant ang asawa ko. Agad itong napangiti nang makita ako.


“Ayon oh.” Sabay turo ko sa papalapit na si Claude. Lahat naman sila’y napalingon sa gawi nang itinuro ko.


Nang makalapit ito sa amin ay agad ako nitong binigyan ng halik sa labi kahit na may mga taong nakakakita sa amin. Kung sa US lang ito ay walang pakialam ang mga taong makakakita nang ganung eksena pero dito sa pilipinas isa itong napakalaking issue kaya naman lahat ng kumakain sa restaurant na iyon ay napahinto sa usapan at sa pagkain at nabaling ang atensyon sa amin.


“Sorry for being late mga sir at maam.” Nakangiti hingi nang paumanhin nitong wika sa mga dati kong katrabaho. “Akala ko hindi na ako aabot.” Dagdag pa nitong wika nang makaupo sa tabi ko.


Maski ang mga ito ay halatang hindi sanay sa nakita dahil nang maibalik ko ang atensyon ko sa kanila ay tulala ang mga ito pero walang bakas ng anumang pandidiri sa kanilang mga mata. Mukhang sadya lamang na hindi sila sanay sa ganong klaseng pagbati ni Claude sa akin.


“Kamusta ang meeting mister?” Ako na ang bumasag sa namayaning katahimikan sa mesa namin para maibalik ang mga ito mula sa underworld.


“Okey pa sa alright misis, kaso kailangan nating puntahan si Attorney Nivera bukas.” Nakangiti nitong tugon sa akin.


Si Dorwin Nivera ang bagong company at family Lawyer nang pamilya Samaniego dahil na rin kinasabwat ni Anna ang dating Lawyer nila. Ang bata’t magaling na si Dorwin ang ipinalit ni Claude sa puwesto nito na hindi naman tinutulan ng mga magulang nito pati ni Dorwin. Mas lalo pa tuloy kaming naging Close sa ibang myembro nang seventh bar owner na mga kaibigan ng partner nitong si Red.


“Ang sweet nyo naman nakakainggit kayo.” Mukhang nakabawi na sa pagkabiglang wika ni Chatty.


Ngiti’t akbay ang itinugon ni Claude dito na dahilan para mapasinghap ang mga babae naming kasama sa mesa. Ito ang isang bagay na gustong gusto ko kay Claude ang ibalandra sa madla ang relasyon namin ng walang pagaalinlangan. Wala itong pakialam sa sasabihin ng mga tao.


Masasabing kong inulan kami ni Claude nang mga tanong mula sa kanila hanggang sa makontento ang mga ito. Puno nang pasensya namang sinagot at pinatulan ni Claude ang mga tanong at mga biro nang mga dati kong katrabaho, inimbitahan pa niya ang mga ito sa nalalapit na blessing sa bahay ko na katatapos lang ipa-renovate namin ni Claude. Nasa US palang kasi kami ay ipinayos na iyon ni Claude sa tulong na rin ni Rome bilang Architect sa bahay ko na ngayon ay ang bahay na namin ni Claude.


<hr color="Red" Width="50%" align="center">


Kinabukasan nga araw nang sabado ay sinadya namin ang bahay ni Attorney Nivera para i-follow-up ang kasong isinampa ni Claude kay Anna. Iyon din ang isang rason kung bakit nag-decide umuwi ni Pat, para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Alfie.


Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko na sana pang galawin si Anna pero hindi kasi ito natigil sa paninira sa relasyon namin ni Claude kahit paman nasa ibang bansa na kami. Ilang mga kumpanya na hinahawakan ni Claude ang muntikan ng bumagsak dahil sa mga kagagawan ni Anna at nang dating lawyer ng pamilya Samaniego.


Halatang pinaghandaan ni Red ang muling pagbisita namin sa bahay nila nang asawa niya nag-luto ito nang masasarap na pagkain para pagsaluhan namin. Kakatuwang isipin na ang dating siga at campus crush na si Red Sanoria ay isa na ngayong butihing may bahay ng tinaguriang matinik na abogado.


“Ang galing ng timing niyo, Saturday session ng barkada.” Masayang bati sa amin ni Dorwin na halatang katatapos lang maligo. “Mahal, wag kang maligo after mo magluto ah, baka ma-pasma ka.”


“Sorry kung late kaming dumating Dorbs, alam mo naman itong asawa ko.” May himig ng hiya kong paghingi nang paumanhin.


“Pareho lang sila ni Red ko, ang babagal kumilos tingnan mo’t alas-syete na ngayon lang nagsimulang magluto dahil busy kanina sa panunuod ng basketball.”


“Mas mabagal pa rin sa akin si Ace, mahal.” Saba’t naman ni Red na busy sa pagluluto sa kusina.


Napangiti nalang kami ni Claude sa lambingan ng dalawa.


“Napag-aralan ko na ang kasong pwedi nating maisampa kay Anna at sa dati nyong attorney. Hinihintay ko nalang ang go signal mo bago ko ito isumete.”


“As expected from you Dorbs. Gusto kong maipakulong ang babaeng yon pati na rin ang tridor na abogadong iyon. Masyado nilang pinasakit ang ulo ko dahilan para masira ang honeymoon namin ng asawa ko kaya hindi ko sila papalampasin.” Tugon naman ni Claude rito.


“Dadaanan ko nalang sa bahay nyo ang mga reports na nakuha mo sa mga kumpanyang sinubukang i-penetrate ng babaeng iyon para pabagsakin ka. Kailangan ko ring pag-aralan iyon para matingnan kong magagamit natin iyon laban sa kanya.”


“Ako na ang bahalang mag-dala nang mga iyon sa opisina mo Dorbs maraming salamat.”


Minsan hindi ko maiwasang mabighani tuwing nakikita ko ang asawa kong seryoso. Mas gwapo kasi itong tingnan kung nagseseryoso.


“Alright. I need it a soon as possible para makapag-release ang court ng hold older para sa kanila baka matakasan pa nila kayo kung papatagalin natin.”


“I’ll give it to you first thing in the morning sa lunes. Alam ko namang pahinga nyo nang asawa mo bukas.” May halong panunuksong wika ni Claude rito.


Ginantihan ito ni Dorwin ng nakakaloko ring ngiti.


“Actually, oo may lakad kami bukas ni Red ko, nagtatampo na kasi yan sa akin kaya bukas ipapasyal ko ang kawawang mama.” Malokong wika nito na ikinatawa namin.


“Narinig ko yon!” Natatawa ring wika ni Red nang dumungaw ito sa amin.


Ilang minuto pa ang nakaraan at natapos namin lahat ng dapat na pagusapan. Isa-isang dumating mga dati kong ka klase noong high school at masaya kaming binati ni Claude nang malamang tunay na kaming mag-asawa. Tulad nga nang sabi ni Red huling dumating ang mag partner na Rome at Ace na sabi nila ay hindi na kabigla-bigla dahil lagi itong nangyayari tuwing may usapan ang magkakabarkada.


“Rome, ang ganda na nang bahay ko maraming salamat sa iyo ah.” Masayang wika ko habang nasa labas kami ng garden nila Dorwin at nagsisimula nang mag-inuman.


“Syempre naman ako pa!”


“Ang yabang mo talaga.” Bara naman ni Ace dito na ikinatawa naming lahat.


“So, Lance kamusta ang buhay may asawa? Hindi ganun ka dali noh?” Wika ni Mina na ngayon ay nakapanganak na.


“Papatayin ko ang sino mang nagpauso na masarap ang pagaasawa.” Wika naman ni Angela kasama nito si Tonet katatapos lang patulugin ng mga ito ang kanilang mga anak. “Sa wakas natulog na rin ang pasaway kong anak.”


“Ang bitter mo talaga Angela. Noon, halos ikaw na ang manligaw kay kumpareng Vincent para lang mapangasawa sya tapos ngayon nag-rereklamo ka.” Pang-aasar ni Red dito.


“Tse! Ni takot ngang humawak sa anak niya yan eh, baka raw mabalian niya pero nung ginagawa palang namin si baby George halos araw-arawin ako nyan.” Patukoy nito sa anak nilang lalaki na pinangalanan nilang George.


Halos naman mapaluha kami sa tawa sa tinuran nito. Walang pagbabago talaga itong si Angela hanggang ngayon machine gun pa rin ang bunganga. Napapakamot nalang sa ulo si Vincent sa kalokohan ng kanyang asawa.


“Wag kang tumawa Carlo isa karing sakit ng ulo ko.” Wika naman ni Tonet dahilan para ulanin namin ng tukso ang asawa nito.


“Normal sa relasyon ang ganyang problema. Kahit mga sira ulo ang asawa natin pagdating naman sa pagmamahal sa atin at sa mga anak nila todo naman. Si Chad nga, ayon at nasa loob pa’t tinabihan ang kanyang anak talo pa ako nyan sa pag-aalaga kay baby Matt.” Wika naman ni Mina.


“Hindi ako kokontra dyan girl. Si Carlo, nakasampong palit na kami nang katulong yung ngayon lang ayun at pinalayas nang makitang kinurot ang anak niya.” Si Tonet.


“Walang pweding manakit sa baby girl ko mahal ko yon.” Ani naman ni Carlo.


Totoo ang sabi ni Mina na normal lang sa isang relasyon ang konteng tampuhan nakakatulong din kasi itong lalong mas patatagin ang pagsasama nang dalawang tao. Nakakaumay naman siguro ang puro nalang lambingan at harutan sa isang relasyon kailangan ding may pambalanse. Hindi kami nakaligatas ni Claude sa mga ganung klaseng problema tulad nalang nang pagiging burara nito sa mga gamit niya. Mga boxer na nagkalat sa banyo, toothpaste na nasasayang dahil sa pagmamadali nito – mga simpleng bagay na natural lang na pagawayan ng mga mag - asawa.


“Tulog na ang baby Matt ko.” Wika ni Chad.


“Mabuti naman, balak ka na naming kaladkarin kung hindi kapa lumabas.” Wika ni Rome dito.


Ngumisi lang ito at tumabi na sa kanyang asawa.


“Buti at bumalik kayo rito sa atin pinsan. Ano na ngayon ang balak niyo? For good and for the better naba ang pagbabalik niyo?” Nakangiti nitong wika.


“Yep. Hindi gusto ni misis ang klima sa US at kailangan kong i-supervise ang mga negosyo ko rito dahil na rin sa epekto nang kalokohan ng dati naming abogado at ni Anna.”


“Good! So, babalik ka sa pagtuturo Lance?” Sabat naman ni Ace.


Napatingin ako kay Claude para humingi nang sagot dahil hindi namin napagusapan ang tungkol doon kung papayagan ba ako nitong bumalik sa pagiging guro na sa totoo lang ayaw ko nang gawin para hindi na kami magulo pa ni Claude.


“Hindi na pinsan.” Nakangiting wika ni Claude. “Ibinigay ko na kay Laurence ang Yolandas at yon na ang pagkakaabalahan niya and since that Tonet and the rest of the girls were into that business baka pweding tulungan niyo ang misis ko.”


“Why not!” Excited namang wika ng tatlo na sinuklian ko nang ngiting pasasalamat.


“Naks! Mukhang good influence sayo si Lance pinsan, nabawasan ang sungay mo.” Wika ni Chad na sinabayan ng nakakaloko nitong tawa.


Ngiting aso ang isinagot ni Claude sa pangaasar ng pinsan nito. Naging maganda ang takbo nang inuman naming iyon kung anu-ano pa ang napagusapan namin hanggang sa mag-hiwa-hiwalay na kami. Busy man sa Manila ang dalawang kaibigan namin ni Claude ay meron naman kaming mga  bagong kaibigan na malugod kaming tinanggap at iyon ay  grupo nina Red.


<hr color="Red" Width="50%" align="center">


Nasimulan na ang kasong isinampa namin kay Anna at sa dating Attorney nila Claude. Halos lamunin ako nang galit ni Anna nang muli kami nitong magkita sa unang hearing. Hindi na rin ito pweding makaalis ng bansa dahil sa hold older ng ibinigay ng korte sa mga ito.


Sa tulong ng magaling na si Dorwin ay tuluyan naming naibigay ang hustisyang nararapat hindi lang para sa amin ni Claude kung hindi pati na rin kay Alfie. Naipakulong namin si Anna at ngayon ay pinagbabayaran na nito ang lahat ng kasalanang nagawa nito noon. May awa man akong nararamdaman para sa kanya ay batid kong kailangan din niya iyon para ipa-intindi sa kanya kung gaano kalaki ang naging kasalanan niya noon.


Dumating si Pat sa araw mismo nang blessing ng bahay namin at syempre naipakilala ko sa mga dati kong mga katrabaho ang buong meyembro nang sevent bar na ngayon ay isa na ring matatalik na kaibigan namin ni Claude. Si Pat ay hindi na muling bumalik pa sa pagtuturo at nag focus sa pagalalaga sa mga naiwang ari-arian ng kanyang ina na pumanaw na rin pala. Sabi nga nito atleast daw ay kahit papaano nakasama pa niya ang kanyang ina sa loob ng isang taon bago ito sumunod sa kanyang kapatid.


“Misis natapos rin ang lahat ng problema natin.” Wika ni Claude habang magkatabi kami sa aming bagong kwarto.


“Oo nga, sa wakas ay nabigyan na natin ng hustisya si Alfie.” Bakas ang saya sa boses ko.


“Misis?” Pagtawag nito sa akin.


Nang maibaling ko sa kanya ang aking tingin ay nakangisi na ito nang pilyo.


“Nanaman? Grabe ka talagang tao ka wala kabang kapaguran sa katawan?” Ang natatawa kong wika.


“Nakaka-dalawa palang kaya tayo.” Sabi nito sabay pout na naman ng kanyang labi.


Tumawa nalang ako sa sobrang pagiging mahilig ng asawa kong ito. Sabagay, gusto ko rin naman kaya bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko. Hindi ang tipo ng katawan at hitchura ni Claude ang madaling mahindian pagdating sa ganito.


Muli itong pumatong sa akin at siniil ako nang halik na tinugon ko nama agad. Masuyo ang mga halik nito sa akin puno nang pagmamahal at pagaalaga hanggang sa maramdaman ko nalang ang mga halik nito sa tenga ko kung saan naroon ang kahinaan ko.


Nagsimulang maglakbay ang aking mga kamay sa buong katanawan ni Claude hanggang sa maabot ko ang manhood nitong kasing tigas na nang bato. Rinig ko itong mahinang napaungol nang marahan kong pisil-pisilin ito senyales na nagugustohan nito ang ginagawa ko. Bumaba ang mga halik nito papunta sa akin pusod kung saan naroon naman ang pinakamalakas kong kiliti. Napasabunot ako kay Claude sa kakaibang sensasyong nagagawa nang malikot nitong dila.


Nang maipatong na nito sa kanyang magkabilang balikat ang aking mga paa ay alam ko na ang sunod na mangyayari.


“Ready?” Mahinang usal nito sa aking tenga na sinamahan niya nang ilang damping halik.


Binigayan ko siya nang isang masuyong ngiti senyales na handa na ako sa nalalapit nitong muling pagangkin sa akin. Hanggang naradamdaman ko nalang ang unti-unting pagpasok nang kanyang kabuohan sa akin habang naghahalikan parin kami.


Dahan-dahan, walang pagmamadaling umiindayog si Claude na malugod ko namang sinasalubong. Ito ang lalaking pinangakuan ko nang buhay ko at ito lamang ang tanging lalaking nagbigay sa akin ng ibayong kaligayahan.


Tanging mga ungol lamang ang maririnig sa loob ng apat na sulok ng kwarto naming saksi sa pagmamahalan namin ni Claude. Wala na akong hihilingin pa, nasaakin na ang lahat and with Claude I can be complete and contented kahit ano pang problema ang dumaan sa aming dalawa hindi magiging hadlang iyon para paghiwalayin kami after all ako na ngayon si Mr. Laurence Cervantes – Samaniego at ang lalaking katalik ko ngayon ay ang lalaking bumihag sa akin puso na ngayon ay masasabi ko nang akin.





Wakas

9 Mornings Chapter 20 ( Finale )


Maraming salamat guys sa suportang ibinigay nyo sa storyang ito. Sobrang saya ko na dahil sa storyang ito ay na inspire ko kayong magsimba isang achievement iyon para sa akin kung alam nyo lang. Sana ay tulad ko ay natapos nyo ang 9 mornings at sana matupad nito ang kahilingan nyo.


Baka hindi ko na kayo mabati mamaya kaya heto’t babatiin ko na kayo. MERRY CHRISTMAS sa ating lahat naway ma enjoy nyo ang moment nyo sa pamilya, kaibigan, ka-ibigan at sa kung sino pa mang makakasama nyo mamayang gabi para salubungin ang araw ng kapanganakan ni baby jesus. Abangan nyo sana ang susunod kong akda na pinamagatang Chances. Maraming salamat ulit!


Rstjr029, Dhenxo, Edrich, R3b3l^+ion, Ross Magno, Beucharist, Tam, R.J, Dada,Ram(bunso), Billygar, Clyde, Russ, Readmymouth, Icy, Drek, popoy_iii,Ram, jojie(jojiemae ang dyosa), Rue(Ang nag-iisa at walang kupas na si Katanashi), Dormouse, ICE(Ice Maker yellow!), Alluere(Louisa aslos known as LOuie@DXB), Kristoffshaun,Marc, Jefofoft(Jeffrey Paloma), M.V, Rammy From Qatar,Chris(Isa sa masugid kong taga email), Andy (Hindi rin patatalo ang isang to), Erwin F.(Siya ang gumawa nang cover ng 9 mornings ko), Great Pink 5ive, Jayfinpa(Inunahan ko mga readers mo sa pagbabasa ng storya mo na naka sched sa BOL hahaha), Saimy,Tristfire, Niel, Politotz, Chase, Taga_Cebu, Robert_mendoza94@yahoo.com, Bentot, Wastedpup, VinZ, Singledon, Makki, John El, Jay(Ang doppelganger ni Jay!:)), Edu, Chippy, Eusethadeus, Dereck,Nlx, Juss, Darren, KN (alam mo kung sino ka na gusto tunawin si Ice Maker), Cugertz, Gerald, Migz, LightRundel, Ian, Arl, Isolation23(cute daw si LightRundel), Jake Of Cebu, Migs(GATE OF PANGIT!:D), Jubail(KSA), Genco, ItchigoXD(Bankai), Philip(Ang tulad kong taga tacloban din), Empire, jemyro, Midnytdanzer, Toni, Rj_Malate, Fugi, Bharbzz, Doki, Ezr0ck, Down_D'Line, BLT_23, K.V, Master_Lee,  Jun of Toronto Canada, at Aklan.


Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers na walang sawang nagbasa sa aking kwento.


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




December 23 ang ika walong simbang gabi. Puno ng pag-asa, pag-papatawad at pasasalamat ang simbang gabi na iyon para sa akin, kay Claude at Alfie. Ramdam ko sa mga oras na iyon ang sobrang gaan ng pakiramdam dahil sa wakas napakawalan ko na rin ang lahat ng anu mang galit na meron ako mula sa aking nakaraan.


Ito siguro ang ibig sabihin sa akin ni mama noon. Kung bakit gusto nyang ibalik ko ang aking loob sa diyos na tanging lumikha para siguro matutunan ng puso ko ang bumitaw sa galit na nabuo dahil sa mga masasamang nangyari noon.


Wala akong ibang hiniling sa buhay kung hindi ang makawala sa galit na meron ako at hindi nga ako binigo nang diyos. Tama nga sila, hanggat naniniwala ka sa may kapal hindi ka nito bibiguin. Oo, anim na taon bago ko tuluyang napakawalan ang lahat siguro dahil para matutunan ko ang lahat nang natutunan ko ngayon. I have learned to let go, to forgive and to stand on my own. Kaya siguro hindi agad binibigay ang mga gusto natin para matutunan natin ang lahat ng iyon. Pero ang ibang tao ay agad sumusuko pag-hindi nila agad nakuha ang gusto nila. Ako man ay muntik na ring sumuko at sa mga panahon na malapit na akong bumigay ay siya namang nakilala ko si Pat na kahit papaano ay nakatulong sa akin sa panahong halos hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa pag-kawala sa akin ng taong lubos kong minahal. Pinagaan nito ang pakiramdam ko, kahit kalahati nang problema ko ay problema niya rin.


“Misis, After nating mag breakfast ay pupuntahan natin ang puntod ng mama at ni Alfie.” Ang wika ni Claude.


“Sige, matagal-tagal ko na ring hindi nadadalaw si mama.” Ang may bahid ng lungkot ko namang tugon sa kanya.


“Ayan, nalulungkot ka na naman. Kung nasaan man si Tita ngayon sure akong masayang masaya siya para sa iyo dahil sa wakas masaya kana ulit. Di ba yon lang naman ang gusto ni Tita?” Ang malambing nitong wika na sinamahan pa nya nang pagyakap sa akin.


Kay sarap nang sa pakiramdam na kasama ko ngayon ang taong mahal ko – ang taong nagbigay sa akin ng ibayong pagmamahal sapat para makalimutan ko ang lahat ng masasamang nangyari sa amin noon. Tinupad ni Claude ang pangako niya sa akin –ang pangakong he will make me forget everything that happened from the past.


“Misis?” Ang sambit nito habang nakayakap parin sa akin.


“Hmmmm?”


“Dinner tayo later with my family ah.” May paglalambing nitong sabi.


Agad akong kumawala sa pagkakayakap ni Claude. Bumakas sa mukha ko ang pag-aalinlangan sa planong dinner mamaya. Ni minsan kasi ay hindi ko pa na meet ang pamilya nya kaya naman nakaramdam ako nang kaba.


“Claude…”


“They wanted to meet you kaya sila umuwi dito. Gusto nilang makilala ang taong tinitibok ng puso ko. Please?” Putol nito sa mga sasabihin ko.


“N-Natatakot ako Claude.” Ang nahihirapan kong pag-amin sa kanya.


“Di ba sabi ko sayo hanggat nandito ako walang ibang makakapanakit sayo? Besides, family ko naman iyon ayaw mo bang makilala ang future manugang mo?” Muli itong yumakap sa akin na sinabayan pa niya nang paghagikhik.


“Future manugang ka dyan.” Ang natatawa ko na ring sabi. Iba talaga ang hatak sa akin ni Claude nagagawa agad nitong pagaanin ang pakiramdam ko nang walang kahirap-hirap.


Tulad ng napag-usapan matapos mag almusal ay dinalaw naming muli ang puntod ng mama ko. Ipinagpaalam ako ni Claude dito at nangakong siya ang mag-aalaga sa akin. Para namang sinagot ni mama ang mga sinabi ni Claude dahil mula sa mainit na sikat ng araw ay biglang kumulimlim at bumuhos ang mumunting patak nang ulan parang luha –hindi luha ng paghihinagpis kung hindi luha nang pasasalamat iyon ang agad na naramdaman ko.


Matapos kaming dumalaw sa puntod ni mama ay agad naming binaybay ni Claude ang daan papunta sa lugar nina Alfie medyo malayu-layo rin iyon. Mga isa’t kahalating oras ang aming linakbay para matunton iyon. Sinubukan naming tawagan ang cellphone ni Pat at nalaman namin na naroon din pala sya sa sementeryo.


Nang marating namin ang eksaktong lugar kong saan nakalibing si Alfie ay nakita nga naming nakapark  sa labas ang kotse ni Pat. Agad kaming bumama ni Claude na parehong may dalang bulaklak. Hindi naman kami nahirapang hanapin ang puntod ni Alfie dahil na rin sa malapit lang ito mula sa entrance nang sementeryo at agad naming napansin ang nakatayong si Pat.


In Loving Memory
Of
Niel Alfie Navales
September 8, 1988 – May 13, 2005


Nang makita ko ang lapida nito agad na umagos ang masaganang luha sa aking mga mata. Isa-isang bumalik sa akin ang mga masasayang ala-ala namin noon; ang pagkain sa Jollibee, ang matatamis na ngiti nito, ang lagi nitong pag-damay sa akin kapag malungkot ako’t nag-iisa, ang pagpapatawa nito sa akin tuwing hindi maganda ang araw ko. Lahat ng iyon ay bumalik sa aking ala-ala hanggang sa hindi ko mapigilang mapaluhod sa sobrang lungkot at pag-sisisi sa nang yari sa kanya.


“I’m sorry…” Ang wika ko sa likod ng aking pag-iyak. “I’m sorry Alfie sa hindi ko pakikinig sa paliwanag mo, im sorry kung naging matigas ako sayo, im sorry kung dahil sa akin hindi mo na experience ang mahaba-habang buhay… im sorry…” Ang humahagulhol kong wika.


Naramdaman ko nalang ang dalawang kamay na humahagod sa aking likod ng tumingala ako ay nakita ko ang parehong lumuluhang si Claude at Pat. Bakas sa kanilang mga mata ang kaparehong sakit na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.


“Tahana na Lance, sigurado akong masaya na ngayon ang kapatid ko dahil nakamit na niya ang kaisa-isang hiling niya – ang patawarin mo siya.” Nakangiti ngunit lumuluhang wika ni Pat.


Makikita mo sa kanya kung gaano nya kamahal ang kanyang kapatid. Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Pat dahil inagaw ko sa kanya si Alfie ang kaisa-isa nyang kapatid na minahal niya at inalagaan.


“Im sorry Pat, hindi ko sinasadya kung alam ko lang…”


“Shhh…” Putol nito sa mga sasabihin ko pa. “Hindi mo kasalanan ang lahat Lance, it was Alfie’s choice at hindi kita sinisisi sa nangyari, maski ang mama namin hindi ka sinisisi. Kung meron kamang naging kasalanan, yon ay ang akuin mo lahat ng problema mag-isa at hayaang mawala ang lahat sayo. Yon ang rason kung bakit sobrang na guilty ang kapatid ko.” Wika pa nito.


Para akong batang humihikbi habang nakatingin sa lapida ni Alfie hindi ko pa rin magawang hindi sisihin ang aking sarili kahit paman sinabi na ni Pat na hindi ko kasalanan ang lahat dahil alam ko sa puso ko na ako ang may sala kung bakit wala na si Alfie.


“Alam mo bang kagabi lang niya ako pinatulog nang mahimbing.” Ang biglang wika ni Pat. “Simula nang mawala siya lagi niya akong dinadalaw sa panaginip ko at laging pareho ang sinasabi nya ‘Kuya ihingi mo ako nang tawad sa kanya’ mahal na mahal ka nang kapatid ko Lance, at alam kong hindi niya magugustohan kong sisisihin mo ang sarili mo sa nangyari sa kanya so please wag mong sisihin ang sarili mo para na rin matahimik na ang kapatid ko.”


Tama si Pat, sobrang pasakit na ang naibigay ko kay Alfie at gusto ko na rin syang makapag-pahinga walang mabuting maidudulot kung sisisihin ko ang sarili ko, mababaliwala lang ang sakrispisyong ginawa ng mga taong nag mamahal sa akin.


“Pwedi nyo ba akong iwan muna?” Ang wika ko sa kanilang dalawa. Ngumiti sa akin si Pat at tumango bago lumakad habang si Claude naman ay itinayo muna ako mula sa pagkakaluhod at hinalikan sa labi bago nya sundan si Pat.


“Alfie, sana maabot nang tinig ko ang puso mo kung nasaan kaman. Ibinibigay ko na ang ipinagdamot kong kapatawaran sayo noon. Hindi man kita minahal noon sa paraan na gusto mo, minahal naman kita kahit papaano sa paraan na alam ko. Ikaw ang nag-iisang taong dinamayan ako’t pinasaya kahit panandalian lang, sana makamit mo ang katahimikan na nararapat para sayo. Wag kang mag-alala sa akin, okey na ako, tapos na ang bangungot na ibinigay ng panahon sa atin.” Ang mahaba’t madamdamin kong sabi habang walang tigil paring tumutulo ang aking luha.


Parang may kung anong pwersang nag utos sa akin na tumingin sa punong ilang metro din ang layo sa puntod ni Alfie. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o kung totoo ang nakita ko dahil kita ko ang nakangiting si Alfie na kumakaway sa akin na animoy nag papaalam. Napahawak ako sa aking bibig sa pagkabigla’t napahagulhol. Wala akong naramdamang takot sa mga oras na iyon kung hindi saya, dahil sa huling pagkakataon nakita ko ang nakangiting Alfie at doon, alam ko na sa puso kong makakapag-pahinga na siya.


“Salamat..” Ang paulit-ulit ko nalang naisambit sa magkahalong tuwa at lungkot sa mga oras na iyon.


Matapos makapag-iwan ng dasal ay nag-paalam na ako sa kanya. Tinungo ko ang sasakyan ni Claude na masaya at magaan ang pakiramdam. Nakita ko sila ni Pat na masayang nag kukwentuhan na para bang isang matalik na magkaibigan.


“Let’s go?” Ang nakangiting salubong sa akin ni Claude, hindi na ako nito hinintay pang makalapit sa kanila.


Tango ang isinagot ko rito na sinamahan ko nang isang napakamatis na ngiti.


“Pare, una na kami nitong misis ko. Happy trip nalang sayo at sana magkita pa tayong muli.” Ang masayang pagpaalam ni Claude kay Pat.


“Aalis ka?” Ang naitanong ko naman.


“Susunod na ako sa pamilya ko sa ibang bansa. Natapos ko na ang misyon ko rito at nakapag-paalam na ako sa kapatid ko.” Nakangiting tugon ni Pat.


“Pero di ba may trabaho ka rito?” Ang pasimpleng pag-pigil ko sa kanya hindi ko kasi magawang deretsahang sabihin na huwag nalang sana siyang umalis.


“Nakapag-file na ako nang resignation ko, bago paman mag Christmas Break. Matagal na akong hinihintay ni mama, ilang taon din kaming hindi nagkita at ngayon excited na akong ibalita sa kanya na naging matagumpay ang misyon ko para kay Alfie. Ingat ka Lance, alam kung hindi ka pababayaan ni Claude.”


Nalungkot ako sa sinabi niya pero alam kong wala akong karapatang pigilan siya dahil tulad ko alam kong miss na miss na niya ang mama nila ni Alfie.


“Magkikita paba tayo?” May himig ng lungkot kong wika.


“Syempre naman sa kasal niyo. Ako ang best man sabi nitong fiancĂ© mo.” Sabay apir nila ni Claude.


Hindi ko alam kung totoo man ang sinabi ni Pat o hindi ang alam ko lang ay aasa ako na isang araw magkikita kaming muli para makapag-simula nang bagong pagkakaibigan.


“Aasahan ko yan.” Ang naiwika ko nalang sabay bigay ng isang mahigpit na yakap sa kanya na ginantihan naman nya nang kaparehong yakap ng sa akin. “Maraming salamat Pat, for everything.”


“Basta ikaw walang kaso.” Tugon nito at nag hiwalay na kami sa pagkakayakap. “Pano, sa susunod nalang nating pagkikita. Merry Christmas sa inyong dalawa and im wishing you the best things in life.” Nakangiting wika nito.


“Sige pre, Merry Christmas din sayo at kita-kits sa kasal namin.” Tugon naman ni Claude. Hindi ko na siya inusisa pa kung totoo ba ang sinabi niya hindi importanti sa akin ang kapiranggot na papel ang mahalaga alam kong mahal niya ako at mahal ko rin siya.


Magkahawak kamay kami habang binabaybay ang daan pauwi. Walang namagitang usapan siguro ay binibigyan ako ni Claude nang panahon para makapag-pahinga pareho pa kasi kaming kulang ng tulog dahil sa lagi naming pagsisimba. Ngayon masasabi kong tuluyan na akong nakapag-let go sa nakaraan at handa na akong muling magsimula nang panibagong buhay na walang hinanakit, walang pagsisis at higit sa lahat masaya kasama si Claude.


<hr color="Red" width="50%" align="center">


“So, you were the person na laging bukang bibig nitong anak namin.” Nakangiting wika nang mommy ni Claude.


Pagkatapos namin sa sementeryo kanina ay umuwi agad si Claude para daw sunduin ang mga magulang nito sa airport. Sinundo ako nito bandang ala-sais at dinala sa napakagandang two storey na bahay sa isang pribadong subdivision. Ngayon ay kaharap ko ang mommy, daddy at kapatid nito sa hapag kainan.


“Claude told us that you work as a teacher in a private college school is that true?” Singit naman ng kanyang daddy.


Masasabi kong sa kanya namana ni Claude ang mga mata nito pati na rin ang kanyang ilong. Gwapo parin ito kahit na may edad na.


“Y-Yes sir.” Ang kinakabahan kong sabi. Kahit naman siguro sinong tao ay kakabahan kapag nakaharap mo ang mga magulang ng kasintahan mo lalo pa’t alam mo sa sarili mong hindi normal para sa ibang tao ang relasyon nyo.


“Masyado naman atang pormal ang sir iho, you can call me Tito Samuel.”


“And Tita Marguerette.” Nakangiting singit naman ng mommy nito. Siguro dito naman ni Louisa namana ang pagiging jolly nito at namana naman ata siguro ni Claude ang pagiging seryoso sa papa nito


“Okey po.” Matipid kong tugon sa mga ito sa sobrang kaba at hiya.


“So, what are your plans?” Ang biglang tanong nang kanyang daddy.


“Po?” Ewan ko ba pero parang na bobo ako sa sobrang kaba. Habang si Louisa naman ay parang enjoy na enjoy pa sa ginagawang pag-gisa sa akin ng kanyang mga magulang napansin ko kasing ngingit-ngiti ito.


“I mean, your lovers’ right? Yon ang sabi ni Claude sa amin ng mommy niya nang mag decide syang umuwi pabalik dito sa pilipinas. Kaya naman im asking you kung ano ang plano niyo nang anak ko. Alam mong hindi maganda sa profession mo ang kakaibang relasyon niyo nang anak ko.” Walang ka abug-abog na wika nang daddy nito.


“Deh naman.” Ang saway ni Claude sa kanyang ama na sinabayan pa niya nang tingin sa akin na animoy nang hihingi nang paumanhin.


“Wala akong masamang ibig sabihin anak, i just wanted to ask him if he’s willing to sacrifice his work for you. Alam nating mahirap tanggapin ang relasyon nyo. Ako nga na daddy mo nahirapan nung una eh. Hindi ko lang gusto na may kukutya sa inyo nang partner mo anak.” Mahabang paliwanag ng daddy ni Claude sa kanya.


Hindi naman nakasagot agad si Claude parang napaisip ito sa sinabi nang kanyang ama.


“So, deh, what do you have in mind to avoid it?” Ang nakangising sabat naman ni Louisa.


Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa kanilang usapan. Takot akong mag-salita dahil baka magkamali lang ako at mapahiya sa kanila.


“Louisa, wag kang magulo.” Saway ni Claude sa kapatid. “Dad, syempre ayaw kong may masasabing hindi maganda ang mga tao sa misis ko but I just can’t let him resign. Masaya siya sa pagiging professor niya at ayaw kong ipagkait ang kasayahang iyon sa kanya.” Mahabang paliwanag naman ni Claude.


Sumilay ang napakagandang ngiti sa mga magulang ni Claude. Ako man ay napangiti rin dahil sa kanyang sinabi ramdam kong mahal na mahal talaga ako ni Claude. Sapat na ang mga narinig ko para tuluyang isuko ang lahat sa kanya.


“Mukhang malakas ang tama nang kuya ko sayo Laurence.” Nakangising wika ni Louisa.


“Iho, we know what you’ve been through. Gusto lang naming sabihin sayo nang asawa ko na tanggap ka nang pamilyang ito. Kung ikaw ang taong nag papasaya sa anak namin then, we have no right na pigilan kayo.” Nakangiting wika naman ng kanyang mommy na sinabayan naman ng pagtango nang kanyang daddy.


Sa mga narinig, para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib unti-unting naging normal ang aking paghinga at nakuha ko na ring tumugon ng nakangiti.


“Salamat po.”


“And about sa kahilingan ni Claude sa amin ng mommy niya, both of you have our blessings pero, gusto naming ikaw ang mag decide.” Nakangiting wika nang daddy niya.


Kunot noo naman akong napatingin kay Claude. Walang ideya sa mga kahilingan nito sa kanyang mga magulang. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at umikot sa mahabang lamesa saka huminto sa kaliwang gilid ko. May pagtataka parin sa aking mga mata na nakatingin sa kanya.


Ikinabigla ko ang sunod na ginawa nito. Lumuhod ito at may ilinalabas sa kanyang bulsa nang makita ko ito ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo-halong emosyon kasi ang sumakop sa aking buong pagkatao.


“Will you be my other half for the rest of your life?” Ang wika nito nang walang ka abug-abog bakas ang pagsusumamo at saya sa kanyang mga mata.


Ibinaling ko ang aking tingin sa kanyang mga magulang at sa kanyang nag-iisang kapatid. Lahat sila ay nakangiti sa akin na parang hinihintay ang maganda kong sagot. Nang ibaling kong muli kay Claude ang aking tingin ay doon na kumawala ang mga luhang gawa nang sobrang kasiyahan.


“Y-Yes… Yes!” Ang naluluha at nakangiti kong tugon.


“Great! Ikakasal na ang kuya ko!” Ang masayang wika ni Louisa na sinamahan pa nang pagpalakpak na sinabayan naman ng mga magulang ni Claude.


“Thank you misis.” Ang nakangiting wika nito sabay bigay nang marubdub na halik sa akin di alintana na nanunuod sa amin ang mga magulang nya.


Sobrang saya ko sa mga oras na iyon halos wala na akong hihilingin pa sa buhay ko. Isang napakagandang regalo ang ibinigay sa akin ni Claude wala akong mahapuhap na sasabihin kaya yinakap ko nalang siya nang mahigpit para iparamdam sa kanya kung gaano niya ako napaligaya sa mga oras na iyon.


“Pssst!” Untang ni Louisa sa amin na hindi parin naghihiwalay sa pagyayakapan. “Marami pa tayong pag-uusapan pweding sa kwarto nyo na gawin yang labing-labing nyo.” Tatawa-tawang wika ni Louisa na sinabayan naman ng kanilang mga magulang.


“So, kelan ang kasal kuya?” Agad nitong tanong nang maghiwalay kami ni Claude.


“Soon as na ayos ko ang passport ng future misis ko.” Nakangising wika ni Claude.


“Aba, hindi ka nag-mamadali sa lagay na yan noh?” Pangaasar nito sa kapatid. “So, paano ang trabaho ni Laurence?” Dagdag pa nitong wika na sinamahan ng pagtaas ng kilay. Kita kong sumeryoso naman ang mga magulang nila sa narinig na tanong.


Mukhang hindi nga naman naisip ni Claude iyon dahil napakamot ito sa kanyang ulo.


“Mag re-resign ako.” Nakangiti kong wika sa kanila.


Muli, gumuhit ang ngiti sa kanilang mga labi sa narinig.


“No wonder my son really loves you. Hindi siya nag kamali nang minahal.” Wika nang kanyang mommy na ikinangiti ko naman ng husto.


Marami pa kaming napagusapan sa gabing iyon. Unti-unting napalagay ang loob ko sa mga magulang ni Claude at nasasabayan ko na sila sa usapan. Naging maganda ang buong gabi ko sa pamilya nang future mister ko. Napilit din ako ni Claude na doon na matulog sa kanila para daw ma praktis ko na ang pagiging asawa ko sa kanya. Talagang maloko ang mister ko at talagang maharot.


<hr color="Red" width="50%" align="center">


December 24. Syempre dahil ito na ang huling simbang gabi hindi pweding hindi kami mag-simba ni Claude. Siya pa ang gumising sa akin sa pamamagitan ng kanyang mga halik. Tulad ng ginagawa namin nuong natutulog sya sa bahay; sabay kaming naligo’t nag-bihis.


Nakakatuwa talaga ang mister ko. Ang akala ko ay dederetso na kami sa simbahan ngunit hindi iyon ang nangyari. Binaybay nito ang daan papunta sa bahay ko syempre alam ko na ang ibig sabihin noon kaya napangiti nalang ako.


“Mag lakad lang tayong magkahawak kamay misis para mas ma feel natin ang pasko.” Ang nakangiti nitong wika sa akin nang makababa kami sa kotse nya.


Alam nyang gustong-gusto ko ang maglakad papunta sa simbahan. Ewan ko ba pero mas gusto ko yon dahil sa tuwing nakikita ko ang mga Christmas lights ay kakaibang saya ang ibinibigay nito sa akin noon pa man. At ngayon mas lalong naging masaya dahil kasama ko ang taong mahal ko.


Nakakatuwang tingnan ang mga bata, mag-kakapamilya, mag-kakaibigan at mag-partner na kasabayan naming naglalakad ni Claude. Syempre ilan sa kanila ay napapatingin sa mag kahawak kamay namin ni Claude at masayang nagtatawanan. Pinag-uusapan namin ang mga plano namin sa buhay pag-ikinasal na kami. Syempre hindi nawawala ang ka-pilyohan ng mister ko dahilan para ikatawa ko ito nang malakas. Parang nawalan ako nang pakialam sa mga taong pweding makakita sa amin ganito siguro talaga pag-nagmamahal ang tao lahat kaya mong kalimutan.


Tulad ng ginawa ni Claude sa nakaraang simbang gabi bago ito makipag-peace be with you sa akin ay binigyan muna ako nang mabilis na halik sa aking labi ngunit hindi tulad ng una ma ikinakahiya ko iyon ngayon, proud pa ako dahil magiging asawa ko na ang lalaking minsang pinangarap ko noon, ang lalaking mayabang, maangas at walang ibang ginawa noon kung hindi asarin ako dahil iyon ang paraan nya para makuha ang atensyon ko.


Nang matapos mangumunyon at kailangan na naming mag dasal nang taimtim. Doon ko sinabi ang hiling ko sa pagkumpleto sa simbang gabing iyon. Isang tradisyon na hanggang ngayon ay pinapaniwalaan parin na kapag nakompleto mo ang simbang gabi ay pwedi kang humiling at iyon ay matutupad.


“Lord, alam kong mahirap itong hihilingin ko sa inyo pero, sana pag-bigyan mo ako. Alam ko rin pong isang malaking kasalanan ang kitlin ang sariling buhay at hindi mo pahihintulutan ang gumawa noon na maka-akyat sa langit pero sana pahintulutan mo si Alfie na makasama ka. Ito lang po ang magagawa ko para sa isang kaibigan na naging importante sa buhay ko. Huwag niyo po sanang hayaang mapunta sa empyerno ang kanyang kaluluwa. Nagmamakaawa po ako sa inyo sana pag-bigyan nyo ako.”


Iyon ang hiling ko para sa pagtatapos ng simbang gabing iyon. Hindi para sa akin kung hindi para kay Alfie, dahil alam ko na sa langit ang dapat pag-lagyan nya. Alam kong hindi ako bibiguin ng panginoon sa aking naging kahilingan alam ng puso kong tatanggapin nya si Alfie sa tabi nya dahil doon sya nararapat.


Natapos ang ika siyam na sibang gabi at na kompleto ko ito, namin ni Claude. Habang naglalakad papauwi ay panay ang kalikot ni Claude sa kanyang cellphone.


“Kay aga namang textmate yan.” Nakangisi kong wika sa kanya.


Ngisi lang ang itinugon nito sa akin sabay akbay. Medyo nakaradam ako nang konteng pagtataka sa behavior niya pero pinili ko nalang manahimik.


Matapos naming makapag breakfast sa bahay ay agad kaming pumasok sa kwarto para makapagpahinga.


“Misis, di muna ako mangungulit ng round 5 ngayon kasi kailangan mong mag-pahinga, mag-gro-grocery tayo mamayang mga 3pm.” Malambing nitong wika.


“Dapat lang masakit pa yung anu ko buti sana kong normal size yang junjun mo.” Pabiro kong sabi habang nakaunan sa kanyang matipunong dibdib. “Teka, bakit kailangan pa nating mag grocery? Para ba sa inyo? Di ba gusto ni.. errrr di ako sanay ni.. m-mommy na sa inyo tayo mag noche buena?”


Humagikhik ito sa pag-aalangan ko sa pag-sambit ng ‘mommy’ ginusto kasi nang mga magulang niya na mommy at daddy na rin ang itawag ko sa kanila since na future husband na raw ako nang anak nila.


“Sige pag-tawanan mo ako di kita papakasalan.” Tampu-tampuhan kong wika.


“Manakot ba? Nag ‘yes’ kana noh, wala nang bawian yon. Cute mo kasi pag-nag i-stummer ka eh.” Sabay kurot nito sa aking pisngi sa sobrang pang-gigil. “Basta, mag-gro-grocery tayo mamaya kaya tulog kana misis ko para may energy ka later.” Wika nito sabay halik sa akin.


Siguro dahil na rin sa laging kulang ng tulog isama mo pa ang pagud kapag katabi ko ang walang kapagod-pagud at sobrang hilig na mister ko nakatulog na ako agad na may ngiti sa mga labi.


“Akala ko ba mag grocery tayo?” Ang tanong ko kay Claude.


Nasa mall kami at hila-hila ako ni Claude sa kung saan-saan. Para kaming tanga na aykat baba mula 1st flor hanggang sa 3rd flor ng mall. Di ko maintindihan kung ano ang trip nitong lokong to.


“Hindi ko kasi mahanap ang hinahanap ko eh.” Ang parang balisang tugon naman nito.


Isa pang napapansin ko sa kanya kanina pa ay panay ang text nito hindi ko naman sya tinanong dahil ayaw kong magmukhang paranoid.


“Ano ba kasi ang hinahanap mo?” May bahid ng pagtataka kong sabi sa kanya.


Imbes na sagutin ako nito ay muli nitong binunot ang nag-iingay nyang cellphone tsaka mabilis na lumayo sa akin. Napataas naman ang isang kilay ko kung sino iyon at bakit kailangan pa nyang lumayo.


Nang makabalik ito sa akin ay nakangisi na ito. Pero mahahalata sa mga mata nya na may tinatago sya sa akin.


“Sino yung tumawag?” Seryoso kong wika sa kanya.


“Ka text ko nakikipag-eye ball.” Nakangising wika nito sa akin.


Agad naman akong napikon sa hindi nito pag-seryoso sa akin kaya bigla ko nalang syang tinalikuran balak ko sanang mag walkout pero maagap si gago.


“Hep! San ka pupunta? Ito naman, selos ka agad.” Nakangisi parin nitong wika talagang walang balak na seryosohin ako. “Fans ko lang yon kinukumusta kong single pa ako sabi ko taken na ako at ikakasal na.” Dagdag pa nito na para bang sinasadya ang asarin ako.


“Mag-hanap ka nang kausap mo!”  Pikon kung sabi sabay kalas ko sa kanyang pagkakahawak.


Rinig ko pang tatawa-tawa si gago na nakasunod sa akin.


“Ang sarap pala nang feeling pag-nag se-selos ang mahal mo. Aye! Kinikilig ako!” Banat nito na ikinatawa ko. Para talagang bata si Claude maski ang mga tao sa mall na nakarinig sa kanya ay natawa rin.


Hindi ko nalang napansin na nakalapit na ito sa akin at mabilis ako nitong nanakawan ng halik sa pisngi. Rinig ko pang napasinghap ang ibang taong nakakita at ang ilan namang kababaihan ay napa “Ay!” sa ginawang kalokohan ni Claude.


“Uwi na tayo misis masyado na tayong sikat dito.” Pilyong wika nito na sinamahan pa nang pagkaway-kaway sa mga taong nasa amin ang tingin. “Ready na ang present ko sayo. Tara?”


Agad namang sumilay sa akin ang napakagandang ngiti kaya pala niya ako kung saan-saan hinihila ni Claude ay dahil may present ito sa akin. Hindi ko alam kong ano yon basta’t ang alam ko lang ay kung anu man yon paniguradong ikasasaya ko.


Dumating kami sa bahay pasado ala-sais na kaya madalim na ang loob ng bahay. Agad kong kinuha ang susi sa aking bulsa ngunit di pa man iyon na ipapasok sa susian ay bumakas na ito. Napatalon naman ako sa sobrang gulat na ikinatawa pa ni Claude nahampas ko tuloy ito nang may kalakasan sa kanyang dibdib dahilan para mapa ubo ito.


“Ikaw naman kasi eh. Nagulat na nga ang tao  pinagtawanan mo pa. Bakit kaya kusang bumukas ang pinto? Di ba ikaw ang nag lock nito kanina bago tayo umalis?” Ang may pagtataka kong sabi na hinahagado ang kanyang nasaktang dibdib.


“Bayolente ka talaga.” Tampu-tampuhan naman nitong wika na sinamahan pa nang pag-pout. “Pasok kana nasa loob na ang regalo ko.” Halos naman humagalpak ako sa tawa sa hitchura nito. Mukha syang batang nag tatampo.


“Tingnan mo to, ayaw na pinag-tatawanan sya pero ako pinag-tatawanan.” Wika pa nito.


Para hindi na humaba pa ang usapan ay ginawaran ko na agad sya nang halik dahil alam kong yon lang naman ang katapat ng tampo nyang yon eh at hindi nga ako nagkamali dahil gumanti ang gago at hindi lang basta halik dahil naramdaman ko ang pag-galaw ng mga kamay nito papunta sa aking pwetan at marahang pinisil-pisil.


“HOY! Mahiya kayo sa mga tao desperas ng pasko kahalayan ang ginagawa nyo!” Ang sigaw ng isang tao sa loob.


Nakaramdam agad ako nang ibayong saya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napatingin ako kay Claude na sa akin rin pala nakatingin at muli ako nitong ginawaran ng halik.


“Ngayon kompleto na ang regalo ko sayo. I hope I made you happy.” Sabi nito nang mahiwalay ang aming labi.


At lumabas na nga sa madilim na loob ng bahay na iyon ang nakangiting sina Ralf at Mike. Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako kay Claude hindi ko inaasahan na magagawa nitong kompletuhin ang pasko ko. Ang akala ko ay tapos na ang mga surpresa nito sa akin ngunit hindi pala.


“PINSAN!!!” Ang masayang bati sa akin ni Ralf sabay yakap sa akin.


Nang malaman ko na si Alfie ang lalaki na nasa video ay hindi ko na binigyan ng pagkakataong makalapit ang mga tao sa akin. Natakot ako nab aka gawin nila ulit sa akin ang inakala kong pag-tridor sa akin ni Alfie noon. Kasama sina Ralf at Mike sa mga taong itinakwil ko hanggang sa mag graduate sila at parehong pinalad na makahanap ng trabaho sa manila. Ang hindi ko lang alam ay sila parin pala hanggang ngayon.


“Pinsan…” Ang mangiyakngiyak kong bati sa kanya.


Agad itong kumawala sa aking pagkakayakap.


“Wag ka ngang madrama! Di bagay sayo, kanina lang kung makipag-laplapan ka talo mo pa ako at sa labas pa talaga kayo nang bahay naglalap-lapan.” Sabay hagikhik nito na sinamabayan naman nina Mike at Claude.


“Akala ko kasi hindi na tayo magkikitang muli. Akala ko kasi galit ka sa akin.” Ang parang bata kong sabi dahil sobrang na miss ko talaga ang pinsan ko.


“Hindi na nga sana kaso nag-iba na raw ang ihip ng hangin sabi ni Claude kaya ito kami ngayon ni Mike para mas kompletuhin ang pasko.” Nakangising sabi nito.


“Na miss ka namin ni Ralf, Laurence. Masaya kami nang malaman ang balita mula kay Claude na ayos kana ulit at handa na kaming kausapin. Hindi naman kami galit, ang totoo hinihintay lang namin na mag-hilum ang sugat mo. Hindi kami magagalit sa best friend ko at pinsan ng hubby ko.” Ang tukoy nito sa amin ni Claude.


Masaya, sobrang saya ko habang nagkukwentohan kami nina Mike, Ralf at Claude parang nabalik kami sa mga panahon noong college palang kami na masayang nag-kukwentuhan at nag-aasaran. Hindi ko talaga akalain na makikita ko pa silang muli dahil wala talaga akong contact sa kanilang dalawa. Ito na ata ang pinaka masayang relago na ibinigay sa akin ni Claude. Ngayon ramdam kong may pamilya, kaibigan at kasintahan ako.


Sabay-sabay kaming nag-simba nina Mike at Ralf sa huling misa para salubungin ang pasko. Doon kami nag Noche Buena sa bahay ng future husband ko kasama sina Ralf at Mike. Tuwang-tuwa naman si mommy nang makitang muli si Mike, ang nag-iisang bestfriend ng kanyang anak. Naging masaya rin ang Noche Buena namin. At sa loob ng anim na paskong dumaan ngayon lang ulit ako nakatanggap ng regalo, hindi lang basta isang regalo kung hindi sandamukal na regalo mula kay mommy at daddy na future inlaws ko, kay Louisa,  kay Ralf at Mike at higit sa lahat mula sa aking pinakamamahal.


“Claude, maraming maraming salamat sa lahat lahat. Hindi ko na iisa-isahin dahil sobrang dami baka abutin tayo new year.” Ang malambing kong wika sa kanya na hinaluan ng pag-bibiro.


Katatapos lang nang inuman at kamustahan at ngayon ay nasa loob na kami nang kwarto ni mister ko. Si Ralf at Mike ay sa guestroom naman.


“Di ba sabi ko sayo hanggat nandito ako ibibigay ko lahat ng pwedi kong maibigay sayo dahil mahal kita.” Ganting lambing naman nito na sinabayan pa nang paghalik-halik sa aking ulo.


Halos akala ko wala na akong pag-asa sa buhay hindi, muntik na akong sumuko noon sa buhay kung hindi lang ibinagay sa akin ulit ng diyos si Claude. Siya ang naging sandalan at lakas ko para harapin ang mga problema ko sa buhay. Natuto akong magpatawad, natuto akong harapin ang lahat, at higit sa lahat natuto akong magtiwalang muli.


Ang 9 mornings ay isang tradisyon na kinagawian nating lahat. Nag sisimba tayo at sinusubukang kumpletohin ito hindi lang dahil sa paniniwala na pagnakumpleto natin ito ay isa sa mga kahilingan natin ang matutupad kung hindi nag-sisimba tayo dahil naniniwala tayo na may bagong pag-asa. Ang pagsilang ng ating tagapagligtas ay sumisimbolo nang bagong pag-asa, pagpapatawad, pagmamahalan at higit sa lahat ang pagbibigayan.


Sa akin nangyari ang lahat nang iyon dahil lang sa isang tao. Si Claude ang aking pag-asa, tinuruan ako nitong magpatawad, at ang ibigay ang bagay na hindi ko maibigay noon.  At nakakatuwang isipin na nangyari ang lahat nang ito sa loob lamang ng siyam na gabi nang novena o ang tinatawag nating 9 Mornings kung saan itinuturo ito sa atin sa bawat misa.


“Misis?” Ang pagtawag nito nang aking pansin. Napansin siguro nito ang pananahimik ko.


“Bakit?” Kunyaring inaantok kong tugon.


“Matutulog kana?” May himig nang tampo nitong sabi.


Lalo ko namang inigihan ang pag-dra-drama-dramahan ko.


“hmmmm.. oo eh.” Wika ko na lihim na ngingiti-ngiti.


“Sayang naman… May regalo pa sana ako sayo. Tsk!”


Sa narinig ay biglang nawala ang pag-papanggap ko at agad na naexcite. Bumalikwas ako sa pagkakahiga sa dibdib nya at napaupo sa kama.


“Ano yon?” Bakas ang excitement sa boses ko.


Sumilay ang ngising nakakagago sa mukha nito.


“Huli ka!” Ang biglang wika nito at dinaganan pa ako para hindi maka-palag. “Sabi ko na nga ba’t linuloko mo lang ako eh. Kala mo ah.” At ang sumunod na nangyari ay malakas na tawanan sa loob ng apat na sulok ng kwarto ni Claude. Halos mapasigaw ako sa sobrang pangigiliti sa akin ni Claude.


“Mahal na mahal kita misis. Salamat sa pangalawang pagkakataon at promise ko sayo hinding hindi ko sasayangin ang lahat ng ito.” Madamdamin nitong wika.


“Ikaw lang ang nag-iisang kaliyahan ng meron ako. I love you.” Dagdag pa nitong wika.


“Mahal din kita Claude, dahil sayo muli kong naranasan ang kasiyahang hindi ko lubos akalain na mararamdaman ko pa. Ikaw ang pinaka mahal at pinaka magandang regalo sa akin ng diyos.” At muling nag hinang ang aming mga labi.


Sa buhay kailangan nating dumaan sa hirap para maging matatag. Huwag nating itali ang mga sarili natin sa isang pagkakamali sa nakaraan, bagkus ay gumawa tayo nang paraan na maitama ito. Ako, halos mawalan na ako noon ng pag-asa na umabot sa punto na pati ang diyos ay sinisi ko sa mga nangyari sa buhay ko, mali pala ako. Hindi dapat ang diyos ang sinisisi ko sa mga kamalian ko kung hindi ako mismo, dahil ako rin naman ang pumali na maging ganun ako.


Sino ang mag-aakalang sa loob ng siyam na araw ng sabing gabi ay matatanggap ko ang isang relago na kahit kailan ay hindi ko inaasahang darating pang muli sa akin, ang taong nagturo sa akin na may pag-asa pa. Totoo nga ang sabi nila good things come unexpectedly sa tamang oras, tamang panahaon at higit sa lahat sa tamang tao. Hindi ko na yata makakalimutan ang 9 Mornings sa tanang buhay ko dahil sa siyam na gabing iyon nakilala ko ang tunay na Claude – ang taong binuo ang nabasag na pagkatao ko – ang taong ibinalik at ibinigay sa akin ng panginoon para salubungin siya sa araw ng kanyang kapanganakan.





Wakas


9 Mornings Chapter 19





Tulad ng ipinangako ko ito na po ang Chapter 19 ng 9 Mornings ang ikapitong gabi. Sana ma enjoy nyo ang chapter na ito at naway magustohan nyo ang rebelasyon na meron sa chapter na ito. HIHIHIH


Sa Finale ko na po babatiiin ang mga taong walang sawang nag bigay ng kanilang suporta sa kwentong ito dahil kasalukuyan ko pang ginagawa ako kodigo ko.


Gusto ko rin po sanang sabihin na ang susunod na Chapter ang magiging FINALE ng 9 mornings wala nang masyadong twist sa Finale para mas lalong ma feel natin ang essence nang Christmas. Advance Merry Christmas sa ating lahat. Zephiel


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



“Mabuti naman at dumating kayo.” Ang bungad sa amin ni Red na nakangiti. Kadarating lang namin ni Claude sa bahay nila kung saan gaganapin ang party.


“Pasensya na, medyo na mawala kami sa binigay na instruction ni Chad.” Ang tugon naman ni Claude dito.


“Sakto lang naman kadarating lang din nina Ace at Rome. Pasok kayo.” At binigyan daan kami nitong makapasok sa gate nila.


Malakas ang tugtog at halatang nagkakasayahan ang mga tao sa loob kaya medyo nag-alangan akong pumasok. Dahil sa magkahawak kamay kami ni Claude ay wala na akong nagawa kung hindi ang mapasunod sa kanya.


Hindi nga ako nagkamali. May karamihan ang tao sa loob ang iba ay hindi ko kilala. Nagpa-linga-linga ako na parang sinusuri ang mga taong nagkakasayahan, ang iba ay nakikisabay pa sa tugtog at ang iba naman ay abalang nakikipag-usap sa kani-kanilang mga kakilala.


“We invited Dorwins friend’s kaya marami kami ngayon. Nandito rin ang papa at kambal ni Dorbs, ang mga tauhan namin sa seventh bar, at sa ibang negosyo nang mga kasamahan namin pati family ko dito rin.” Ang wika ni Red marahil nahalata nito ang pag-aalangan ko.


“Sino ba ang nakaisip nito pre?” Ang tanong naman ni Claude.


“The girls. Alam nyo naman ang mga babae pero si Dorwin ang nag presenta na dito sa bahay gawin ang party.”


 Ang masasabi ko lang ay talagang walang kasing bait ang mga may-ari ng seventh bar. Pati ang mga empleyado nila ay inimbitahan nila sa parting iyon, para siguro makapag enjoy ang mga ito. Ang swerte nang mga ito na sila ang naging amo nila dahil sa bukod sa pagiging considerate ay mababait at cool ang mga boss nila.


“Oi, buti at nakarating kayo.” Ang nakangiting wika naman ni Dorwin sa amin. “Tara dito tayo sa table nang mga kaibigan namin para maipakilala ko kayo sa mga hunghang kong kaibigan.


Tinungo na nga namin ang pwesto nang mga kaibigan nilang dalawa na nasa malawak na garden ng bahay na iyon ni Dorwin. Napapalibutan ng mga lamesa ang buffet table na punong-puno nang masasarap na pagkain.


Nakakatuwang tingnan si Red na naka akbay kay Dorwin hindi talaga nito kinakahiya ang relasyon nito sa isang kapwa lalaki. Makikita mo sa galaw at kilos nito ang pagiging proud na sya ang partner ng batikang abogado.


Sumilay agad sa ang mga ngiting nakakaloko sa mga dati kong school mates nang makita kami ni Claude na magkahawak kamay. Ang ibang hindi ko naman kilala ay ngumiti lang sa aming dalawa tanda nang pagbati.


“Well, well, well,” Ani ni Mina. “Mukhang effective ang ginawa naming pakikialam ah.”


Napakamot nalang ako sa ulo dahil nakaramdam agad ako nang hiya.


“Mabuti naman at natauhan ka pinsan. Sapak lang pala mula kay Rome ang kailangan mo para magising sa kahibangan mo.” Tatawa-tawa namang sabi ni Chad.


“Sinapak mo sya?” Ang naniningkit na matang wika naman ni Ace na ang tinutukoy ay si Rome.


“Medyo, hihihi” Pacute nitong wika na sinamahan pa nang pag-beautiful eyes nito sa kasintahan o mas tamang sabihin sa asawa nya.


“Siguro dahil hindi sya makaganti sayo Ace kaya sa ibang tao sya gumaganti.” Dagdag naman ni Carlo sabay tawa nang nakakaloko. Sinimangutan lang ito ni Rome.


“By the way guys mga kaibigan namin, si Claude pinsan ni Chad at ang partner nya si Laurence na school mate naman ng mahal ko.” Pag-putol ni Dorwin sa nag sisimula na namang asaran ng magkakaibigan.


Kay saya nilang tingnan na nagaasaran dahil makikita mo sa mga mukha nila ang saya. Na miss ko tuloy ang pinsan ko at si Mike – ang  dalawang taong naging malapit sa akin noon.


“Laurence, Cluade, these are my friends; Brian, Chuckie, ang asawa nyang si Alexa, si Vincent ang asawa ni Angela, Si Niel at ang partner nyang galing pa talaga nang manila si Francis, at ang kambal kong si Renzell Dave.” Ang pagpapakilala ni Dorwin sa mga kaibigan nya.


Isa-isa namin silang kinamayan at kinumusta. Walang bahid nang pang-didiri sa mga mata nito kahit na hayagan kami ni Claude ipinakilala ni Dorwin bilang magkasintahan. Siguro sanay na ito sa dalawa at masasabi kong tanggap ng mga ito ang relasyon na meron si Red at Dorwin.


“Dave nalang mga kabayan.” Ang wika nang kambal ni Dorwin ng kamayan namin ito. Gwapo rin ito at lalaking lalaki ang dating isama mo pa ang magandang hubog nang katawan nito.


“Samahan mo silang kumuha nang pagkain Red.” Ang nakangiting wika ni Tonet.


Sinamahan nga kami ni Red na kumuha nang pagkain at bago namin tinugo ang buffet table ay ipinakilala naman kami nito sa dalawang kapatid nya at sa mama nya pati na rin sa papa ni Dorwin na nasa iisang lamesa lang.


Matapos kumain ay inuman ang sumunod na nangyari. Syempre hindi kami nakipag sabayan sa kanila dahil may obligasyon pa kaming magsimba.


Kwentuhan at tawanan ang sumunod na mga nangyari. Madaling makagaanan ng loob ang mga kaibigan ni Dorwin dahil tulad ng mga dati kong ka-klase ay mga kalog at mababait rin sila. Si Claude naman ay halatang enjoy na enjoy sa pakikipag-bangkaan kina Red, Carlo, Chad at Rome masasabi kong close na close na ito sa kaibigan ng kanyang pinsan dinig kong tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila.


“Mabuti at nagkaayos na kayo niyang long lost lover mo.” Ang nakangising wika ni Ace.


Napakamot nalang ako sa ulo.


“Sabi ni pinsan nakita daw nila kayo kahapon sa mall at busy sa pamimili. Sa iisang bahay na ba kayo tumutuloy?” Wika pa nito.


“Ngayon lang. Kasi gusto ni Claude na sabay kaming mag-sisimbang gabi eh.” Mahiya-hiya ko namang pag-amin.


Sumilay ang mga nakakalokong ngisi sa magpinsan at nag high five.


“Bakit?” Ang di ko maiwasang maitanong.


“Wala. Masaya lang kaming nagkaayos na kayo para tuloy-tuloy na ang saya.” Ngingiti-ngiting wika ni Ace. “Masayang salubungin ang pasko na wala kang kagalit at puno nang pagmamahal ang puso mo yan ang essence ng Christmas diba kuya Dorbs?”


“Kayo lang ang masaya.” Singit naman ni Dave na narinig pala ang usapan namin.


“Wag ka ngang epal kuya Dave.” Asik naman ni Ace dito.


“Hindi ako umi-epal noh. Gusto ko lang makisali kasi itong mga kausap ko wala nang ibang alam kung hindi kayabangan.” Tukoy nito sa mga katabi nyang mga kaibigan ni Dorwin.


“Ikaw lang ang mayabang wag mo kaming idamay.” Agad namang alma ni Brian.


Ngingiti-ngiti nalang akong pinapanuod ang pag-aasaran nila’t pasimpleng tumingin kay Claude na sa akin rin pala naka tingin. Kumindat ito sa akin at may sinabing salita na kung hindi ako nagkakamali ay ‘I love you.’ Sinagot ko naman ito na ginaya ang pagbitiw ng salitang iyon sa hangin.


Mag-aalas-tres na nang magpaalam kami ni Claude sa kanila. May ilang umalma kasama na roon sina Mina at Antonet pero, wala na itong nagawa nang sabihin naming kailangan pa naming mag simba.


Dumiretso kami sa simbahan ni Claude sakto namang hindi pa nauupuan ang pwesto namin. Doon ko nakita si Louisa na nakangiti sa amin ng kuya nya.


“I deserve a very nice gift dahil ginawa mo akong bantay nitong upuan nyo kuya.” Ang mahina nitong wika.


“Meron na. Salamat little sissy.” Nakangiting wika ni Claude.


“Hi Laurence, nice to see you again. Coffee na tayo mamaya ah.” Baling naman sa akin ni Louisa.



Matamis na ngiti at tango ang itinugon ko dito.


Tahimik kaming tatlong nakinig sa ika pitong misa de gallo. Buong puso akong nagpasalamat sa panginoon sa sayang tinatamasa ko sa mga oras na iyon. Tama nga ang sabi nila na pasasaan ba’t makakamit mo rin ang kaligahan basta’t wag kalang sumuko at wag mo lang isuko ang pagtitiwala sa panginoon.


Nang sa parte na kailangan naming mag peace be with you ay kay Louisa ko unang sinambit ang mga salitang iyon na nakangiti. Nang bumaling na ako kay Claude ay laking gulat ko na sinalubong ng labi nya ang labi ko.


“Peace be with you misis.” Ang nakangiting wika nito nang maghiwalay ang aming labi.


Mabilis lang ang halik na iyon pero alam kung hindi iyon nakatakas sa mga tao na nasa likuran namin. Na statwa ako sa ibayong hiya at pamumula nang aking pisngi ni hindi ko magawa maigalaw ang aking ulo dahil natatakot akong makita ang reaksyon ng mga taong nakakita noon.


Rinig ko pang humagikhik si Louisa.


Natapos ang simbang gabi at dahil may dala ring sasakyan si Louisa ay nag convoy nalang kami papunta sa bahay ko para makapag kape at makapag almusal na rin.


“Pasensya kana sa bahay ko Louisa.” Ang nahihiya kong sabi dahil nagkalat parin ang mga pinamili namin ni Claude sa sala.


“Okey lang no worries. After nating mag breakfast sisimulan na nating mag decorate sa buong bahay mo para masaya.” Nakangising wika nito.


“Naku! Wag na, nakakahiya naman ako na bahala dyan.” Mahiya-hiya kong wika sa kanya.


“C’mon Laurence no need to worry dahil hindi libre ang pagtulong ko. Di ba kuya?” Baling nito sa kanyang kapatid na ngumiti lang sa akin at tumango.


Matapos makapag almusal ay masaya naming sinimulan ang pagkabit ng mga decorations. Si Louisa ang nag didisesyon kung saan dapat ilagay ang mga pinamili namin. Para lang kaming mga utusan nito na walang reklamong sumusunod. Hindi naman nasayang ang pagod namin dahil matapos ma-ikabit at maitayo ang Christmas tree ay talagang napa hanga ako sa kinalabasan. Nagmistulang christmass house ang bahay ko.


Tumanggi na si Louisa nang ayain ko itong mag lunch dahil may kailangan pa raw siyang puntahan. Kami nalang ni Claude ang naiwan at sabay na nag-lunch sa bahay.


Dahil sa wala pang tulog at parehong pagod ay na pagpasyahan naming matulog nalang muna ni Claude matapos makapag-lunch. Magkayakap kaming magkatabi sa aking kama hindi nawala ang lambingan at halikan hanggang sa tuluyan na akong makatulog.


Mag-aalas-singko nang akoy magising agad kong hinanap si Claude sa aking tabi ngunit wala na ito. Agad akong tumayo para tingnan sa baba kung nandoon siya. Palabas palang ako nang kwarto ko nang may marinig akong dalawang lalaking nag-uusap.


“Kailangan na nyang malaman ang totoo dahil habang tumatagal tumitindi ang guilt na nararamdaman ko.”


Kilala ko ang boses na iyon kaya naman dahan-dahan akong sumilip at hindi nga ako nagkamali si Pat ang nagmamay-ari ng boses na iyon at ang kinabigla ko pa si Claude ang kausap nito sa may pintuan ng bahay.


“Hayaan mong ako ang humanap ng timing para masabi sa kanya ang lahat. Hindi pa kakayanin ni Laurence ang malalaman nya!” May diin at galit na wika ni Claude.


Ano to? Magkakilala sila? Paano? Mga tanong na agad na pumasok sa akin.


“Kelan pa Claude? Nariyan ka naman para tulungan siya. Ako, kulang na ang oras ko aalis na ako papuntang America para sundan sina mama at ayaw kong umalis na hindi nabibigyan ng katuparan ang hiling ng kapatid ko.”


Doon na ako pumasok sa usapan.


“Sinong kapatid mo? Ano ang pinag-uusapan nyo? Paano kayo nagkakilala?” Ang sunod- sunod kong tanong sa kanila.


Halatang na bigla ang dalawa sa di inaasahang pagsulpot ko. Bakas ang gulat sa parehong gwapo nilang mga mukha.


“Pat, sagutin mo ako.” Sabi ko pa nang wala sa kanila ang sumagot.


“Misis ako na muna ang kakausap kay Pat, pwedi pumasok kanalang muna sa loob ng kwarto? Ako ang magpapaliwanag sayo nang lahat mamaya.” Wika ni Claude nang makabawi ito sa pagkabigla bakas parin sa mukha ang pagiging uneasy nito.


“Hindi! Gusto ko ngayon ko na malaman kung anu ang ibig sabihin ng lahat ng narinig ko. Ano ang tinatago nyo sa akin?” May diin kong sabi.


“Mis..”


“Tama siya Claude, panahon na para malaman nya ang lahat.” Pagputol ni Pat sa mga sasabihin pa sana ni Claude.


“Kapatid ko si Alfie, Si Alfie Navales na naging kaibigan mo noong college.” Ang wika ni Pat.


Nang marinig muli ang pangalan ng taong kinamumuhian ko hanggang sa oras na iyon ay agad na umapaw ang galit sa aking buong katawan. Hindi ako makapaniwala na si Pat ay Alfie ay magkapatid.


“Kapatid mo si Alfie?!” Ang may galit ko nang wika. “Kapatid mo ang gagong yon? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin to?”


“Dahil pinag bawalan ko sya.” Sabat ni Claude. “Alam kong hindi makakabuti para sa iyo kung malalalaman mong konektado sya sa taong kinamumuhian mo hanggang ngayon.”


“Kasabwat ka nya? Ano to gaguhan? Sinadya nyo bang hindi ipaalam sa akin para gumanti  sa akin?!” Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko sa sobrang galit at sama nang loob sa panloloko nilang iyon.


“Wag kang lumapit sa akin!” Ang malakas kong wika nang akmang lalapitan ako ni Claude.


“Misis makinig ka, itinago ko ang lahat ng ito hindi para gumanti sayo, gusto lang kitang protektahan dahil alam kung ito ang magiging reaksyon mo.” Ang wika nito at mabilisan akong ikinulong sa kanyang mga bisig.


Nagpumiglas ako para makawala sa kanya pero sadyang malakas si Claude tinanggap nito lahat ng malalakas na hampas ko sa kanyang likod.


“Calm down Lance, hayaan mo muna akong magpaliwanag oh.” Ang wika nitong nakayakap parin sa akin. “Iwanan mo muna kami Pat, ako na ang bahalang magpaliwang kay Laurence nang lahat.” May bahid ng paguutos nitong sabi.


“Okey.” At narinig ko nalang ang pagbukas ng screen door at pagsara nito.


Hindi pa rin mawala ang galit ko sa mga oras na iyon. Hindi rin ako humintong magpumiglas sa pagkakayakap ni Claude ngunit hindi ako nito pinakawalan.


“Calm down please, let me explain, Lance.” May pagsusumamo nitong sabi.


“Nang umuwi ako mula sa US ay pina imbestigahan ko ang lalaki  sa… sa video na iyon at doon ko nalaman na si Alfie ang lalaking iyon. Nang maibigay sa akin ang report ng imbestigador na kinuha ko, agad kong ipinahanap si Alfie ngunit sa kasamaang palad, wala na si Alfie.”


Sa sinabing yon ni Claude napahinto ako sa pagpupumiglas.


“A-Anong ibig mong sabihin?” Ang di ko maiwasang maitanong sa kanya.


“He committed a suicide.” Tugon naman nito.


Nabigla ako sa nalamang nagpakamatay si Alfie.


“Suicide? Bakit?”


Hindi agad nakasagot si Claude sa akin. Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap nito na para bang may pinipigilan na kung anu.


“Bakit? Sagutin mo ako bakit nag pakamatay si Alfie?”


“Lance…”


“Sagutin mo ako Claude!” Ang di ko maiwasang mapasigaw parang alam ko na ang rason ngunit ayaw tanggapin ng puso ko.


“Because of what happened. Sabi ni Pat, nag depression si Alfie at sinisi ang sarili sa mga nangyari noon hindi nito nakayanan ang guilt feelings nya at nagpatiwakal.”


Sa mga narinig ramdam ko ang panghihina nang aking katawan. Napahagulhol ako sa sobrang pighati at pagsisisi. Kinain nang awa at pagsisisi ang galit ko para kay Alfie. Oo, may kasalanan sa akin si Alfie pero sapat na ba iyon para ikatuwa ko ang pagpapatiwakal nya?


“This is the reason why I kept it secret to you Lance, dahil natatakot ako sa magiging reaksyon mo.” Ang wika ni Claude na walang tigil na humahagod sa likod ko.


Pinigilan ko ang aking sarili at agad na tumahan. Gusto kong makausap si Pat para sa kanya ko mismo alamin ang lahat ng nangyari batid kong may kulang sa mga sinabi ni Claude.


“Gusto kong makausap si Pat.” Pinilit kong gawing normal ang boses ko.


“Lance…”


“Please Claude, hindi ko maaatim na may isang taong nagpatiwakal dahil sa akin. Alam kong may malalim na dahilan kung bakit nagawa ni Alfie sa akin iyon noon.” Ang pagputol ko sa mga sasabihin pa nya.


Hindi ito agad sumagot sa akin. Naramdaman ko nalang ang paunti-unting pagluwang ng pagkakayakap nito hanggang sa ang mga kamay nya ay mabinig hinawakan ang magkabila kong balikat.


“Okey.” Kita ko sa mga mata nya ang pagaalinlangan pero, siguro dahil alam nyang hindi na magbabago ang isip ko ay napilitan nalang syang sumangayon.


“Promise me na walang magbabago sayo? Promise me that after hearing the truth hindi ka mag babago, na walang magbabago sa tin.” May bahid ng pagsusumamo nitong sabi.


Naguguluhan man ay tumango nalang ako sa kanya.


Siya na mismo ang tumawag kay Pat gamit ang cellphone nya at wala pang labing limang minuto nang marinig ko ang pag hinto nang sasakyan ni Pat sa tapat ng gate ng bahay. Si Claude ang nagbukas kay Pat at nang mapagbuksan nya ito, muli itong tumabi sa akin sa pagkakaupo sa sofa.


“Totoo bang nagpakamatay si Alfie?” Ang agad kong tanong kay Pat ng makaupo ito.


Nakayukong tumango ito sa akin. Hindi ko alam kung anu ang magiging reaksyon ko basta’t ang alam ko lang awa ang nararamdaman ko para kay Alfie sa mga oras na iyon. Hindi ko man namalayan ngunit simula nang maging okey kami ulit ni Claude at tanggapin nalang lahat ng nangyari sa nakaraan ko ay kasama na rin noon ang pagpapatawad kay Alfie. Masyado lang akong nabigla sa mga nalaman na kapatid pala nito si Pat kaya umapaw ang galit ko kanina.


“G-Galit ka ba sa akin dahil sa…” Hindi na ako pinatapos pa ni Pat sa mga sasabihin ko.


“Nung una galit na galit ako sayo pati sa mga taong gumamit sa kahinaan ng kapatid ko pero nang maglaon ay doon ko lang na realize na it wasn’t your fault kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko. Pareho kayong biktima nang sitwasyon and I don’t have the right to blame you for what happened dahil ikaw man ay pinagdusahan rin ang mapait na nangyaring iyon.” Mahaba nitong wika.


“Noong una palang kitang makita sa ekwelahan alam ko nang ikaw ang Laurence na laging kinukwento sa akin ng kapatid ko at lalo ko pang na prove iyon nang makita ko sayong mga mata ang eskpresyon ng mga mata ni Alfie before he commited suicide; pagsisisi, galit sa sarili, at pagkasuklam sa mundo.”



“Mahal na mahal ko ang kapatid ko kahit magkaiba ang aming ama at ako lang ang nag-iisang taong alam ang nararamdaman nya para sayo. Kaya sinubukan kong hanapin ka ngunit hindi pala ganun kadali ang humingi nang tawad. Mahirap palang humingi nang tawad sa isa sa mga taong naging dahilan kung bakit nawala ang kapatid ko.”


Doon na tumulo ang kanyang luha kasabay nang pagtulo nang sa akin.


“Sinubukan kong maging malapit sayo hindi lang dahil sa iyon ang huling kahilingan ng kapatid ko sa akin – ang  hanapin ka at humingi nang tawad sa mga nagawa nyang pagkakamali noon.”


“When I got the chance, ginawa ko ang makipaglapit sayo. That’s the time na natanggap ka sa eskwelahan na pansamantala kong pinapasukan habang hinihintay ang panahon na pwedi na kitang makausap. I took it as a sign from god nang kusang pagtagpuin ang landas natin. Sabi ko panahon na para tuparin ko ang kahilingan sa akin ni Alfie. But again, its not that easy dahil habang tumatagal kitang nakikilala nakikita kong hindi ka parin handa. Ilang taon na ang nakakalipas pero naroon parin sa mga mata mo ang lungkot at kamesarablehan sa buhay. Kaya ang ginawa ko ay nakipaglapit ako sayo thinking na pwedi kong ipalimot ang masamang nakaraan nyo nang kapatid ko.”


Ramdam ko ang paghihinagpis ni Pat para sa kanyang kapatid. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa nangyari. Kung sana ay pinatawad ko nalang si Alfie noon wala sana akong taong masasaktan ngayon. Hindi lang si Alfie ang pinagkaitan ko nang kapatawaran kung hindi pati na rin si Pat na wala namang ginawa kung hindi ang tuparin ang kahilingan ng pinakamamahal nyang kapatid.


“Maraming beses kong sinubukang sabihin lahat ng ito sayo dahil hindi ko na kaya pang dalhin ang burden na iniwan sa akin ng kapatid ko pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka imbes na makatulong ay tuluyan pa kitang masira at matulad ka sa nangyari sa kapatid ko. Nang makita ko kayo ni Claude sa bar laking pasasalamat ko noon dahil sa wakas natupad na ang isa sa mga kahilingan ng kapatid ko.”



“A-Anong kahilingan?” Ang di ko maiwasang maitanong sa kanya.


“Ang maipaintindi kay Claude na wala kang kasalanan sa mga nangyari.” Pinahid nito ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay.


“Paano kayo nagka-kilala ni Claude?”


“Kinausap ko sya nang malaman kong nakauwi na sya galing US.” Simpleng tugon ni Pat.


Binigyan ko sya nang naguguluhang tingin dahil ang totoo hindi ma absorb ng utak ko lahat ng sinasabi nya.


“Sinundan kita noong may itinanong ka sa akin about sa pakikipagkita sa isang tao sa nakaraan mo at alam ko sa mga oras na iyon na si Claude ang kakatagpuin mo. Nakita ko kung paano kayo nag away at nang umalis sina Claude kasama ang pinsan nya sinundan ko sya para kausapin.” Tugon ni Pat.


“Siya din ang isang rason kung bakit natauhan ako sa kabalbalan ko misis. Kinausap nya ako tungkol sa nangyari at humingi sya nang tulong sa akin para maipagtapat ang lahat sayo pero, pinigilan ko sya dahil alam kung hindi kapa handa.”


Hindi ako galit kay Claude dahil alam ko naman na para rin sa akin ang mga ginawa nito. Kung may galit man ako ngayon sa puso ko siguro ay para sa akin dahil isinarado ko ang puso ko kay Alfie dahilan para magpatiwakal ito. Hindi ko iyon ipinakita sa dalawang tao ngayon sa harap ko masyado nang masakit para sa kanila ang mga nangyari lalo na kay Pat na nawalan ng kapatid.


“May isa kapang dapat malaman misis.” Ang mahinang sabi ni Claude. “Hindi ko pa ito nasabi kay Pat alam kong hindi ito makakatulong sa sitwasyon ngayon pero gusto kong wala na akong inililihim sayo.”


Parehong nabaling ang atensyon namin ni Pat kay Claude.


“H-Hindi naman talaga kasalanan ni Alfie ang lahat. Plano lang lahat ng iyon ni Anna para mapaghiwalay nya tayo at ginamit nya ang isa sa mga kaibigan ni Alfie para ma mabigyan ng katuparan ang sex video na iyon.”


Napangitin ako kay Pat para makita ang reaksyon nito sa mga narinig ngunit wala akong makitang emosyon.


“Nang pa embestigahan ko ang mga tao dumalo sa birthday ni Alfie  doon ko nalaman ang lahat.” Ang wika ni Claude. “Sorry misis kong hindi ko agad sinabi sayo na alam ko na ang totoo dahil ayaw ko lang namang lumayo ka sa akin. Noong gabing muli tayong magkita at sinabi kong hindi ako interesadong makinig sa paliwanag mo hindi yon dahil sa ayaw kong makinig, kung hindi dahil alam kong hindi iyon makakabuting balikan mo pa ang alaalang iyon.”


Wala akong naging pagtugon lalo lang kasing nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko para kay Alfie. Hindi lang ako ang biktima sa nang yari pati rin pala si Alfie at ang masama pa nito ay hindi ko sya hinayaang makapag paliwanag. Ito ang kulang sa storya ni Claude sa akin kanina.


“Sana mapatawad mo ang kapatid ko sa mga nangyari, kung may pagkakamali man si Alfie noon iyon ay ang minahal ka nya. Kilala ko si Alvin Uy at alam kong pinagsisisihan na nito ngayon ang ginawa nyang kasalanan noon. Napagbayaran na ni Alfie ang nagawa nya sana palayain muna ang galit na meron ka sa kanya at hayaang mapanatag ang kaluluwa ng kapatid ko.” Ang mahaba at seryosong wika ni Pat.


Tumayo na ito at akmang aalis na nang tawagan ko sya.


“Pat.”


Hindi naman ako nabigo dahil lumingon ito sa akin.


“I’m sorry Pat.” At muling dumaloy ang masaganang luha sa aking mga mata.


Ngumiti ito sa akin ang ngiting iyon na lagi nyang ibinibigay sa tuwing malungkot ako – ang ngiting nakakapagpawala nang aking alalahanin.


“Bisitahin mo lang ang puntod ng kapatid ko Lance okey na ako.” Wika nito sa akin. “At tol, alagaan mo siya nang mabuti para sa kapatid ko at para narin sa akin.” Tukoy nito kay Claude at tuluyan ng lumabas ng bahay.


 Hindi ko ipagkakait ang kapatawaran na nararapat para kay Alfie dahil he deserve it kahit na may pagsisisi sa mga nangyari ay hindi ko hahayaan na masira ulit nito ang buhay ko ngayon. Ang bagong buhay at pagasa na ibinigay sa akin ng dalawang taong nag mahal sa akin; si Pat at si Claude.


Yinakap ako ni Claude.


“Tahana. Sasamahan kitang dalawin si Alfie bukas, alam kong kailangan ko ring humingi nang tawad sa kanya.” Ang mahina at malambing na wika sa akin ni Claude.


“Si Alvin Uy, sya ba ang taong sinasabi mong hiningan ni Anna nang pabor?” Di ko maiwasang maitanong sa kanya.


“Yep, Nakakulong na sya ngayon siguro kagagawan ni Pat. Tungkol naman kay Anna ako nang bahala sa kanya hayaan mong ako naman ngayon ang mag protekta sayo misis.”


Itutuloy: