ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, May 6, 2012

Dream On Chapter 10


Ako si Ramil...





Eto naman ang magkapatid na si Renz at Rolly...



At eto ang kwento ko...



"Ramiiiiil!!!..."isang pasigaw na tawag sa akin ni Aling Lita na nagpalingon sa kinalalagyan niya at tumawag ng pansin sa mga tao na naroon matapos naming bumaba sa sasakyan ni Renz. Lumapit siya sa amin at nangumusta.


"Ramil, ikaw ba talaga yan? Ang laki ng pinagbago mo ah." sambit niya sa akin na nagniningning ang kanyang mga mata. Ewan ko ba pero sa kanyang mga tingin may napansin akong kakaiba. Parang nakakita ng isang artista dahil hindi siya magkamayaw at aligaga ang kanyang kilos. Tiningnan niya ako na para bang sinusuri kung totoo nga bang ako ang kanyang nakikita.  Simple lang naman ang aking suot ng araw na iyon ngunit masasabi mong malaking pagbabago iyon kumpara sa dati kong mga damit. Simple ngunit magara. Masasabing, pormang pangmayaman ika nga.


"Oh Aling Lita, kayo po pala? Opo, ako nga po ito. Kumusta po kayo?"


"Okay lang naman ako Ramil. Eto namomroblema simula noong nawala ka. Ang hirap kasing makahanap ng isang katulad mo eh. Masipag, matyaga, at maabilidad. May nakuha akong kapalit noon ngunit ayun! itinakbo lang lahat ng kita ng stroller ng mga paninda ko, nalugi tuloy ako. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa udyok ng tiyahin mo eh di sana kinupkop na kita. Alam ko namang masipag kang bata, tapat at mapagkakatiwalaan. Ewan ko nga din ba kung bakit ako nagpadala sa sulsol ng tiyahin mo eh." mahabang salaysay ni Aling Lita sa akin. Alam ko na sampay-bakod lang ang lahat ng kanyang mga sinabi. Kilala ko na kasi siya dahil tulad din ito ng aking tiyahin na mukhang pera. mas malala nga lang ang sa tiyahin ko. Alam ko sa kanyang mga sinabi ay may halong panghihinayang ito pero nagpapasalamat din ako sa kanya kung hindi sana sa maling disisyon niya at ng aking tiyahin ay hindi ako magiging mas matatag ngayon at hindi ko si Mama makikilala.


Madami pa kaming mga bagay na napagusapan tungkol sa buhay-buhay. Nabalitaan ko din sa kanya na tuluyan ng iniwan ni Tiya ang aking tiyuhin dahil sa pambabae nito. Siguro dahil wala na din ako sa puder nila para pagpasasaan at pagbalingan kapag nag-iinit ang katawan ng aking tiyuhin. Mahilig ang aking tiyuhin ngunit hindi maibigay ng aking tiyahn ang pangangailangan nito dahil sa kanyang paghahanapbuhay upang mabuhay sila ng kanyang asawa. At pagdating naman ng gabi ay pagod itong uuwi galing palenge kung kaya't wala silang panahon upang magsiping. Dati rati'y kapag ganun ang sitwasyon ay lihim itong pumupunta sa aking kwarto upang ipalabas ang init ng kanyang katawan.


Nagpaalam na kami kay Aling Lita upang tunguhin ang bahay ng aking tiyahin. Hindi pa naman daw siya nakakalipat sa kanyang bahay. 


Habang naglalakad kami patungo sa bahay ng aking tiyahin ay para naman akong maiihi na ewan. Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita. Siguro nga ay hindi pa ako handa sa aming paghaharap. Kung ano ang magiging reaksyon niya. Kung galit pa din siya sa akin dahil pinagtangkaan ko ang kanyang buhay para lamang sa ganung halaga. Kung ano na kaya ang kanyang kalagayan ngayong nag-iisa na siya.


Halo-halo ang aking nadarama habang papalapit kami ng papalapit dito. Kaba dahil hindi ko alam ang magiging kahihinatnan ng aking gagawang disisyon, kung papayag ba siya o hindi. Takot dahil hindi ko alam kung napatawad na niya ako sa nagawa ko sa kanya. Oo, masasabihing hindi ko nga kasalanan iyon dahil kinuha niya ang sana pangbayad ko ng graduation fee ko pero hindi sukatan iyon o basehan upang kumitil na ng buhay ng isang tao. Pera lang iyon at madaling palitan, pero ang buhay, hindi mo na maibabalik kailan man kapag kinuha mo na ito. Siya na lang ang tanging kadugo ko sa mundong ito kaya nangingibabaw pa rin ang pagsisising nadarama ko.


Hinawakan ni Renz ang aking mga kamay na para bang nagsasabing "kaya mo yan" noong makita niya akong labis ang kabang nararamdaman.


Nakaharap na kami sa may pintuan ng tahanan ng aking tiyahin. hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung tatawag ba o kung kakatok o sabay katok at tawag mula sa pinto. "Tao po!!?" sigaw ni Renz. Hindi sumagot ito nung una kaya't kumatok na si Renz sa pinto.


"Sino yan?"sagot naman ng aking tiyahin mula sa loob. Maya maya pa ay narinig ko na ang mga yabag ng paa na papalapit sa may pintuan. Pagbukas ng pinto ay sabay naman nanlaki ang kanyang mga mata noong makita niya ako.


"R-ramil?"pagtawag sa pangalan ko na kala mo ay nakakita ng multo. Na para bang hindi mo inaasahang makita mo ulit.


"O-opo. A-ako po ito."kinakabahang sagot ko dito. Hinanap ko sa aking tabi si Renz upang sana ay humingi ng tulong ngunit nakita ko siya sa di kalayuan na may kausap sa kanyang cellphone. "Bahala na"sa isip ko.


"Kumusta na po kayo?"tanong ko dito. Halata mo sa kanyang itsura ang labis ang ikinapayat nito mula ng umalis ako sa puder nila. Nakakatuwa ngang isipin na siya na nga itong may bahay at may makakain siya pa itong parang pinalayas at hindi alam ang pupuntahan maging ang kung saan kukuha ng pagkain ay hindi din niya alam. Sa kabilang banda, labis akong naaawa sa aking tiyahin dahil sa kanyang itsura. Napabayaan na niya ang kanyang sarili. Ni hindi pa nga ata nakakapagsuklay at naliligo. Maga ang mata. Siguro hindi niya matanggap ang paghihiwalay nila ng aking tiyuhin. Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay mas higit pa ako duon kung hindi sana ako natulungan ni mama, baka nga siguro wala na ako ngayon sa mundong ibabaw.


Hindi siya sumagot sa tanong ko kung kamusta na nga ba siya. "Anong ginagawa mo dito?"balik niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung may galit pa siya sa akin o kung ano. Pero kita ko sa kanyang mga mata ang pagkahabag sa kanyang sarili na minsan ko na ring naranasan. Alam na alam ko iyon dahil ganun na ganon ang nararamdaman ko noong nasa simbahan ako at takot akong may makakita sa aking mga kamag aral ko sa ganoong kalagayan. Ayaw ko na sa ganung paraan nila ako makikita.


"Nabalitaan ko pong naghiwalay na kayo ni Tiyo."pauna ko dito. Hindi ko alam kung tama nga bang banggitin ko pa iyon pero nasabi ko na. "Ahmmn. Tutal naman po at nag-iisa na po kayo dito. Kung pwede po sana ay doon na kayo sa hacienda ko tumuloy. Kayo na lang po ang nag-iisang kadugo ko dito sa mundo at isa na rin po itong paraan upang makabawi sa inyo at upang tumanaw ng utang na loob."saad ko dito.


"Hindi ko kailangan ng awa mo! Bakit? Para ipamukha mo ngayon sa akin ang mga nariting mo? Ha? Ganun ba?"may galit na tugod nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ngunit niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Ganun kasi ang pakiramdam na kinaaawaan ang sarili. Panahong lugmok na lugmok ka na. Hindi mo pahahalagahan ang bagay na ibinibigay sa iyo bagkus ay iisipin mo pa na ginagawa lang nila iyon dahil sa AWA.


Habang yakap ko ang aking tiyahin, doon na tuluyang kumawala ang hinagpis sa kanyang kalooban. Labis ang pagdurusang kanyang nadarama sa pagkawala ng aking tiyuhin ngunit hindi din naman niya matiis ang pambabae ng kanyang asawa kaya't napagdisisyunan niya itong hiwalayan. Ayaw niyang maging matyr dahil lamang sa pagmamahal. Ayaw niyang magpakatanga.


"Okay lang yan Tiya, ilabas mo lang. May nakapagsabi nga sa akin dati noong mga panahong halos ganyan din ang nadarama ko na "Ilabas mo lang yan. Iiyak mo lang. Tandaan mo na ang lahat ng mabibigat na dalahin, kapag binibitawan ay gumagaan."" naalala kong sabi ni Renz sa akin at sinabi ko din ito sa aking Tiyahin. Alam kong gumagaan ang bigat ng iyong dibdib kapag pinakakawalan mo ito. Kapag may napagsasabihan; kapag naiiiiyak.


"S-salamat Ramil. Napakabuti mo talagang bata. Hindi ko alam kung ano na nagawa ko sa sarili ko kung wala ka na. O-ohh tuluyang nawala at hindi nagbalik. Baka sumunod na ako kay Ate."


"Tiya, wag mo pong sabihin iyan. May plano ang Diyos para sa lahat ng bagay na nangyayari sa atin. Minsan nga lang mabibigat na pagsubok ang ibinibigay sa atin ngunit hindi Siya nagbibigay kung hindi natin kaya. Alam ko po mahirap tanggapin at pakawalan ang mga bagay na matagal mo nang pinanghahawakan pero kailangan mo itong bitawan dahil habang hinihigpitan mo ito, lalo itong lumalayo; lalo itong nasasakal. Minsan hindi natin alam kung bakit pero may dahilan ang lahat. Maniwala ka lang po sa kanya at manalig sa Kanya."mahaba kong sabi dito. Alam kong kailangan niya ng encouragement sa mga panahong iyon.


"Halos ganyan din po ang naramdaman ko dati ngunit heto po ako ngayon, mas matibay at mas kayang harapin ang mga pagsubok ng buhay; mas hanadang harapin ang susunod niyang pagsubok sa akin."dagdag ko pa dito.


Huminto na siya sa kanyang pag-iyak. "Ano nga pala ang sadya mo dito?"


"A-ah. Iyon nga po. Gusto po kita sana kunin para magtrabaho sa hacienda ko. Nakita ko po dun kasing walang tindahan at malayo ang binibilhan ng mga tao doon. Magpapatayo po ako ng tindahan doon at kayo po sana ang mamamahala. Alam ko po kasi na magaling ka po sa negosyo. At syempre para na rin makalimutan mo ang mga pinagdadaanan mo at makatulong na rin kahit papaano. Bagong invironment ika nga. Okay lang po ba?"


Hindi siya agad na sumagot. Tumayo siya at tumingin sa may bandang pintuan. "Sino nga pala ang kasama mo? Kanina pa siya sa labas nakatingin oh. Hindi mo man lang pinapasok."


Nakalimutan ko na si Renz na kasama ko pala dahil sa pag-uusap namin ng aking Tiyahin. Nilingon ko ito at kita ko sa kanya na nakangiti ito. "Si Renz po pala, Tiya."Pakilala ko kay Renz.


"Renz po pala."magiliw na bati nito sa aking tiya. Nagkamayan sila. "Boyfriend po ni Ramil."dagdag pa ni Renz.


"Hindi..."naputol na pagtutol ko sana sa kanyang sinabi ngunit inunahan na naman niya ako. "Hindi na po kami magtatagal. Kailangan na po naming umalis. May mahalaga po po kasi kaming aasikasuhin. Kapg nakapagdisisyon ka na po, Pwede mo akong tawagan dito."sabi nito sabay lahad ng kanyang calling card sa aking tiyahin. Hinigit niya ang aking kamay upang makalabas na ng tahanang iyon.


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote niya bakit niya ipinakilala ang sarili na boyfriend ko siya. Habang naglalakad kami pabalik ng kanyang sasakyan ay hinawakan niya ang aking mga kamay, inilingkis ang bawat dalii nito sa akin. Hindi tuloy maiwasang pagtinginan kami ng mga tao na naroon. Parang proud na proud pa siya sa kanyang ginagawa. Ako naman sobrang hiya ko noon. Naakatungo na lang ako upang hindi makita ang reaksyon ng mga tao. Parang baliw talaga itong si Renz. Niyakap pa niya ako habang tinutungo ang kanyang kotse. Paang ewan lang ngunit sa kabilang banda ay nagustuhan ko rin naman ito. Hindi naman talaga mahirap mahalin ang katulad ni Renz, maalaga, masiyahin, mabait, gwapo. Halos lahat na ata ng katangiang hanap mo ay nasa kanya na ngunit iba pa rin talaga ang tinitibok ng aking puso.


Sa wakas ay nakarating na kami kung saan naka parada ang kanyang sasakyan. "Bakit mo ba ako niyakap habang papunta taypo dito? Bakit mo sinabing boyfriend mo ako kay Tiya?" inis kong tanong sa kanya.


Hindi niya ako sinagot bagkus ay ngumisi lang ito. Ang cute niyang tingnan ngunit inis pa rin ako sa kanyang inasta. "Feeling!" sabi ko na lang sa aking sarili. Pagkapasok namin ng sasakyan ay tinanong ko siya kung bakit niya ako minamadali kanina. Tumawag daw si mama at may mahalaga daw kaming pag-uusapan. Napa "ahh" na lang ako. Tahimik.


Tiningnan ko siya habang nag-uumpisa nang magmaneho. Cute naman talaga si Renz. Kung siya lang sana ang tinitibok nitong lintik na puso ko. Siya na lang sana ang minahal ko. Yung mga yakap niya kanina sa akin, mga akbay at higpit ng hawak niya ay parang nasasabik akong muling madama. Nakakasabik siya ngunit ayaw ko din namang maging rebound lang siya. Ayaw kong ibigay ang pagmamahal ko sa kanya dahil may laman pa ito. Magiging unfair lang ako para sa aming dalawa. parang naglolokohan lang. Dahil si Rolly pa rin ang mahal ko kahit wala mang kasiguraduhan na mahal din niya ako. Sabihin nating, nakapagmove on na ako dahil may girlfriend siya ngunit hindi pa rin nito maaalis sa akin ang pag-asang mahalin din niya ako. Kahit sa malayo. Martyr na kung matryr. Siguro ganyan nga talaga pag nagmahal ka. Kaya mong harapin lahat ng sakit, lumigaya lang ang mahal mo.


Dumating kami sa bahay na gulong gulo ang puso at isip ko. Hindi ko alam ang aking gagawin at susundin. Kung ang aking isipan na nagsasabing pagbigyan ko na ng pagkakataon ang pagmamahal ni Renz. Kung palayain na ang sarili sa gapos ng pag-ibig ko para kay Rolly para maibigay ko na ng buo ang aking pagmamahal. Kung ipaglalaban ko ba ang pilit na kinakalimutan ngtunit pilit namang isinisigaw ng aking puso ;ang pagmamahal ko para kay Rolly. Kung sasabihin o kung ipaglalaban ito, hindi ko din alam. Natatakot ako sa maaaring maging sagot niya o kahinatnan ng aking disisyon, kahit ano pang mapili ko. Ewan. Magulo. Kung patatagalin ko naman ito o kung hahayaan na lang na ang tadhana ang bahalang sumagot sa mga tanong ko, hindi ko din alam. Ang alam ko lang, habang tumatagal na hindi pa ako nakakapagdisisyon kung ano nga ba ang gusto ko, mas lalo akong nasasaktan. Mas bumibigat ang sakit na dulot nito. Para akong yumayakap sa cactus, habang pahigpit ng pahigpit ang yakap ko dito, mas ibayong sakit ang nararamdaman at tumutusok sa aking puso at sa buo kong pagkatao. Pero wala akog choice. Yayakapin ko ito kahit na masakit dahil ito ang pinili ko. Ito ang katotohanan at ito ang nadarama ko. Gulong gulo na ako. Masakit. Sakit na gumagapos sa aking buong katauhan. Sakit na dulot ng pagmamahal. Siguro tama nga sila. Kapag nagmahal ka, hindi lang puro tamis, saya at sarap ang mararamdaman mo kalakip din nito ang pait, kalungkutan at sakit na pilit babalot sa buo mong katauhan. Siguro upang subukin kung gaano katibay at katatag ang pagmamahal ng isang tao.


Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa pintuan. Isinet na ang isip kong handa na akong yakapin ang cactus ng aking buhay. Si Rolly. Nakapagdisisyon na akong sabihin sa kanya ang lahat ng nasasaloob ko; ang pagmamahal para sa kanya. Pinili kong harapin at labanan ang hiya, takot at sakit na madudulot nito. 


Kumakabog ang dibdib ko habang binubuksan ni Renz ang seradura ng pinto. Hindi pa man niya tuluyang nabuksan ito ay may lumabas dito. 


"Oh, Parts andyan na pala kayo. Kanina pa kayo hinihintay ni Tita Alissa."sabi kay Renz ng isang lalaki. "Hi, you must be Ramil right?" tanong sa akin sabay lahad ng kanyang mga kamay. Inabot ko naman ang aking mga kamay at inalis agad ang pagkakahawak dito pagkatapos kong makipagkamay sa kanya. Tiningnan ko siya at nginitian. Makisig ang kanyang pangangatawan, matangos ang ilong, may maputi at pantay na mga ngipin, may matang kaakit akit, may balbas na bagay na bagay sa kanyang maputing kutis. Ang astig ng kanyang dating. Habang nasa ganoon akong pag aaral sa kanyang itsura, nakita ko naman itong hinalikan si Renz sa may pisngi. "Anong meron? "Parts"? Partner ba ang ibig sabihin noon? Kung mag partner sila, bakit kailangan pang sabihin saakin ni Renz na mahal niya ako? Bakit kailangan pa niyang ipakita ang pagmamahal niya sa akin ganong may "Partner" na naman pala ito? Biro lang ba ang lahat ng mga lambing at halik niya? Wala lang ba iyon sa kanya?" mga tanong na gumulo sa aking isip sa nakita sa kanila.


"Parts, bakit daw kami hinahanap ni Mama? Pensya na pala natagalan kami kasi may pinuntahan pa itong si Ramil eh"tanong nito. 


Mas lumakas ang pagnanasa kong sabihin lahat ng nasasaloob ko para kay Rolly dahil alam kong maroong iba sa kanilang dalawa.  Binuksan ko na ang pinto at tuluyan ng pumasok.


"Tita, siguro ay tama lang po ang disisyon kong pakasalan siya dahil nagbunga na ang aming pagmamahalan. Buntis na po ako."narinig kong sabi ni Levie kay mama.


Tila isang maso naman itong pumokpos sa aking ulo at dumurong sa aking puso at sa mga pangarap kong ipaglaban ang pagamahal ko sa kanya. Oo. Hindi naging kami ngunit hindi din naman maitatanggi ng aking puso't isipan ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon pa at handa na akong harapin at sabihin sa kanya lahat lahat. At alam ko din na nasasaktan ako sa magiging kahinatnan nito ngunit iba pa rin pala ang sakit kapag nalaman mo na ang mahal mo ay may mahal ng iba at ngayon nga ay nagbunga pa ang kanilang pagmamahalan.


Tuluyan nang gumuho ang natitirang pag-asang meron ako. Tila naging isang bangungot at magandang panaghinip ko para sa aming dalawa. Mga pangarap na naglaho na lang parang isang bula; sing bilis ng kisapmata.


Durog ang puso ko at tulala laman pagkapasok ko ng pintuan. Parang tumigil ang oras sa panahong iyon. Parang ayaw kong humakbang pa dahil hinang hina ako.


"Oh hijo, andyan ka na pala. Halika at may pag-uusapan tayong mahalaga."sambit ni mama naa kumuha ng aking atensyon. Inayos ko ang aking sarili bago ako lumapit sa kanila. Nagsuot ako ng maskara upang matakpan ang sakit na aking dinadala. Ngumiti ako pagkalapit ko sa sala kung saan sila naroon. "Ma, pwede po bang mamaya o sa susunod na lang po ako sumali sa usapan? Napagod po kasi ako sa byahe ehh. Nahihilo po ako, kelangan ko na po ata magpahinga."saad ko dito nang nakangiti. Pinayagan naman niya akong magpahinga na dahil baka daw kung mapaano pa ako sa hilong nararamdaman ko pero ang totoo ay gusto ko lamang makalayo sa kanila upang di nila makita ang pagkadurog ng aking puso. Tutal din naman ay alam ko na ang sasabihin nila. Na plano na nila magpakasal dahil nagbunga na nga ang kanilang pagmamahalan.


Tumalikod na ako sa kanila at naglakad patungo sa aking kwarto. Pagkatalikod ko ay hindi na kinaya ng maskarang ginamit ko upang takpan ang sakit na aking nararamdaman. Kusang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko mapigilan. Hindi ko ito pinahid at hinayaan ko lang itong umagos dahil baka mapansin nila na umiiyak ako kung kukuskusin ko ang aking mga mata. Naiinis ako noong mga panahong iyon dahil parang ang layo ng aking kwarto mula sa sala kung saan nandoon sila Rolly. Ang tagal kong makaratig.


Dumating din ako sa wakas sa aking silid at patuloy pa rin ang pag-agos ng lawa ng aking luha. Hindi ako ng patugtog ng aking ipod na lagi kong ginagawa tuwing nalulungkot ako. Pero hindi ko iyon ginawa dahil mas lalo lang akong lulubog, mas lalo lang akong masasaktan at madaragdagan ang sakit na nadarama ko. Tumingin na lang ako sa labas ng bahay sa may bintana ng aking kwarto. Patulog pa rin ang bagsak ng aking luha. Masakit isiping kung kelan handa ka ng ipaglaban at sabihin lahat-lahat saka naman darating ang ganitong balita. Nakakapanlumo.


Pinukpok ko ang aking dibdib gamit ang sariling mga kamay. Iniisip ko sana na mabawasbawasan ang sakit na nadarama ko. "Bakit? Bakit? Bakiiiit!!!!??" tanong ko sa aking sarili. "Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Ganito ba talaga ang pag-ibig na pinili ko? Ganito pala kasakit ang unang pag-ibig." dagdag kong tanong sa aking sarili.


Kasabay ng kalungkutan at hinagpis na aking nararamdaman, tila nakisabay din ang kalikasan dito. Nagsimulang dumilim ang paligid at pumatak na ang ulan. Nahahabag ako sa nagyayari sa akin. Hindi ko alam ang gagawin. Kanina lamang ay nakapagpayo pa ako sa aking tiyahin na hindi katapusan na ng mundo ang pagkawala ng minamahal. Bagkus ay isa lamang ito sa mga pagsubok sa atin ng maykapal. Ngunit talaga palang mapagaro at napakahiwaga ng tadhana. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Mahirap talagang mapagsinungalingan ang damdamin. Mahirap magmove on. Mahirap takasan ang tadhana. Napakadaling sabihin at magpayo tungkol dito ngunit sadya talagang mahirap i-apply sa sarili.


Nasa ganon akong pagtutok sa mga patak ng ulan mula sa bintana ng aking kwarto. "Anong ginagawa mo dito?"tanong ko kay Renz noong makapasok na siya.


"Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit ka umiiyak?"tanong nito sa akin na nagpantig ng aking tenga. Parang tumaas lahat ng dugo ko sa katawan. Alam niyang mahal ko si Rolly at sigurado akong alam din niyang magpapakasal na sila ni Levie dahil buntis na nga ito. O baka naman busy lang siya masyado kanina sa "Parts" niya kaya't hindi niya alam ang balita. "Wag ka ngang umasta diyan na kala mo ay nag-aalala ka! Dun ka na lang sa "Parts" mo! Kung sabihin kong hindi ako okay? may magagawa ka naman ba? Ha!?"pagalit kong tugon dito.


"Eh kung sabihin ko sayong mahal ka din ni Kuya, maniniwala ka? Kung sabihin ko sayo ngayon na lahat ng ginawa ko ay pagpapanggap lang para subukin kung gaano katatag ang pagmamahal mo sa kanya, maniniwala ka? Kung sabihin ko sayong hindi si Kuya ang ama ng dinadala ni Levie at hindi talaga sila magboyfriend, maniniwala ka?"



Itutuloy....


1 comment:

  1. ayan e di natigilan ka tuloy! para kang natae tuloy s salawal s nadinig mo! sadyang napakahirap talagang pigilan ang luha.

    bharu

    ReplyDelete