Eto naman ang magkapatid na Renz at Rolly..
Hinigit niya ang aking mga kamay.
“Saan ba tayo pupunta?”tanong ko dito.
“Basta, sumama ka na lang. I’m sure mag e-enjoy ka sa pupuntahan natin.”
Nagpatangay na lang ako kung saan man niya gustong pumunta. Gusto ko rin mag-enjoy sa araw na ito. Na sana ay matagal ko nang ginawa mula noong pumunta ako dito.Pero hindi ako pinahintulutan ng panahong maging masaya. Siguro nga choice ko lang din yun na maging ganun.
Sumakay kami sa kanyang kotse at kapag tinatanong ko siya kung saan kami pupunta ay “Basta” lang ang kanyang sinasagot.
Mahaba na rin ang naging byahe naman ngunit ganun pa rin ang kanyang sagot kapag tinatanong ko siya kung saan nga kami pupunta; basta. Nagpakasaya na lang ako sa pagtingin ng mga tanawin nakikita ko habang kami ay patungo sa lugar na hindi ko alam. Wla akong clue kung anong lugar papunta iyon dahil liblib ito at wala man lang kabahayan kaming nadaraanan. Tanging mga puno o kaya naman ay bundok lang ang aking nakikita.
Nakatulog na pala ako at hapon na noong ako ay gisingin ni Renz. “Gising na! Nandito na tayo.”
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko na lang ang aking sarili na naka nganga sa nakita. Napakaganda ng lugar na iyon.
“Whaaaa-haaaaaw!.. Ang ganda naman dito. Anong lugar ‘to?” tanong k okay Renz habang tinatanaw pa rin ang kagandahan ng lugar.
“Ang hacienda mo!”
“Akin ito?”tanong ko ulit kay Renz.
“Oo nga. Kulit lang? Diba sayo ito pinamana ni Mama?”
Di talaga ako makapaniwalang akin ang itong ganitong kagandang lugar. Nilibot naming ito. Ang kagandahan nito. Napakalawak talaga ng lugar na iyon. Isang itong malaparaisong lugar na napapalibutan ng mga kapatagang bukirin na nagsisilbing taniman ng palay. Sa gilid nito nakahimlay ang isang katubigang lawa na nakakabighani sa kalinisan; isang malaking fish pond. May playground para sa mga bata. May subdivision para sa mga nag-aalaga ng hacienda doon, at mayroon ding napakalaking swmming pool sa gitna na mistulang dagat na sa laki nito; napakalaki at napakalinis sa kulay asul nitong tubig. At ang samyo ng hangin, sadyang napakapresko. Ibang-iba sa kabihasnan napakatahimik at napakalamig ng hangin sa tuwing dadantay ito sa iyong katawan.
Nagpakasaya ako sa araw na iyon. Hindi ko maisip na ganoon na ako kayaman. Para akong nanalo sa lotto. Napakasarap na ng buhay ko ngayon na minsan ay pinangarap ko at sa panaghinip ko lang nararanasan ang buhay na kasing ganda ng ganito. "Sana maging mayaman na ako at makaahon sa hirap para naman maging masaya na ako." minsang sinabi ko sa sarili ko.
Sadya talagang hindi nakakamit ang kaligayahan ng kayamanan.Hindi sukatan na kung mas mayaman ka, mas maligaya ka na. Hindi sukatan ang mga bagay at kapangyarihan mayroon ka para maging masaya ka sa buhay. Mas magandang magkaroon ng self-satisfaction sa mumunting bagay na ibinibigay mo sa iba; sa pagtulong sa kapwa; sa pag-gawa ng mabuti at pakikipagkapwa tao. Konting bagay lang ang naiibigay ko sa kapwa ko dati pero yung contentment at self-satisfaction sa pagtulong ko ay naandoon.Nang walang inaasahan at hinihinging kapalit.
Naalala ko bigla ang aking tiyuhin at tiyahin kung kumusta na kaya sila, kung ano na ang ginagawa nila, kung masaya ba sila na sa wakas ay wala na ako sa kanilang piling.
Ni minsan ay hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob lalo na sa kumupkop sa akin noong nawala ang aking mga magulang. Dahil kahit papaano ay nagsilbi pa rin silang gabay sa aking paglaki. Kahit hindi man sila naging mabuting pangalawang magulang sa akin.
Matapos akong ilibot ni Renz sa buong hacienda ay ipinakilala naman niya sa akin ang mga tauhan ng hacienda na aking papamahalaan at ipinakilala naman ako nito bilang isang bagong may-ari. Napakabuti nang mga tao dito. Dama ko ito sa kanilang mainit na pagtanggap sa akin. Napakasarap ng pakiramdam.
Kinausap ko noon si Renz pagkatapos ipakilala sa akin lahat ng aking mga tauhan ko.
“Renz.”
“Ha? Bakit?
“Pwede ba kita makausap?”
“Oo naman. Ano yun?”
“Diba akin na itong hacienda?”
“Oo.”
“Ahhhm. Pwede ko bang kunin ang aking tiyuhin at tiyahin upang dito sana magtrabaho?”
“Oo naman. Sayo na nga ito diba? Ikaw bahala kung paano mo ito patatakbuhin. Ikaw na ang bahala kung paano mo ito mapapalago.”
Gusto kong tumanaw ng utang na loob kahit pa man hindi naging maganda ang pagtrato sa akin ng nakagisnan ko nang mga magulang; ang aking tiyuhin at tiyuhin kaya napagdisisyunan ko noon na kunin sila upang doon na manirahan sa aking hacienda at tumulong sa pagtratrabaho doon.
“S-salamat.”
Ngiti lang ang naging tugin niya sa akin matapos akong magpasalamat dito.
“Sasabihin ko na lang din si Lola Alissa sa disisyon ko mamaya pagkauwi natin.” sabi ko dito.
“Lola Alissa ka dyan! Pag narinig ka nun lagot ka. Hahaha”
“Bakit?”takang tanong ko dito pabalik.
“Diba nga ayaw siyang tinatawag na Lola Alissa?. Diba nga “Ma” ang dapat itawag sa kanya?” saad naman sa akin nito nang pataas ng pataas ang kanyang boses.
“O-oo na. oo na. Sorry.”
Tawanan.
“Sir. Handa na po ang pag-kain.” Saad sa amin ng isang matandang lalaki.
Sumunod agad kami ni Renz sa matanda at dinala kami nito sa likod sa may ilalim ng puno. May nakahain duon na pagkain sa ibabaw ng dahon ng saging na nakalatag naman sa malaking lamesa. Napakadaming pagkain ang nakahain dito. Simple pagkain pero nakakagana talaga. May tuyo, inihaw na isda, laing, ginataang native na manok, kinilaw at iba pa at ang inumin naming, sabaw ng buko.
“Sir, nagkakamay po ba kayo?” tanong sa akin ng matanda.
“Oo naman. Sanay ako sa kamayan.” saad ko sa kanila. Bigla namang tumunog ang aking tiyan. Nag-aalburoto na pala ang mga alaga ko sa tiyan.
Tawanan.
“Tara na nga. Kain na tayo.” Magiliw na sabi ko sa kanila at inumpisahan ko nang magpiga ng kamatis sa ibabaw ng aking kainin. Nagsisunuran naman sila lahat at nag sipagkain na kami.
Nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan ang aming ginawa habang kumakain. Nakakagana. Madami akong nakain. Matapos naming kumain ay nagpahinga kami saglit bago umuwi ng bahay.
Pumunta ako sa harap ng napakalaking pool. Mayroon kasi itong pahingahan dito at doon ako huminga. Pumikit. Napakaaliwalas talaga ng lugar na iyon. Sadyang napakagandang lugar upang magpahinga. Samyo mo ang malinis na hangin.
Di ko tuloy maiwasang maalala ang dati kong buhay noon. Sa burol sa likod ng bahay naming kasi ako lagi tumatambay o di naman kaya ay nagbabasa at nag-aaral o nagpapahinga. Presko kasi duon at doon din ako sa lugar na iyon pumupunta kapag nalulungkot ako at may problema. Parang katulad din ito dito. Ang kaibahan nga lang ay mahirap ako noon, ngayon mayaman na.
Naalala ko din nang minsang managhinip ako kay Rolly na hinalikan niya ako at nagtapat ng kanyang pag-ibig ngunit totoo pala ang lahat ng iyon ngunit hindi si Roll yang nandon kundi si Renz.
Nasa ganun akong pagmumuni-muni at pagbabalik sa nakaraan ng makaramdam ako ng taong papalapit sa aking kinalalagyan. Ramdam ko ang paglapit ng isang tao sa di kalayuan dahil rinig ko ang mga yapak nito habang naglalakad. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Renz. Sa di kalayuan, nakita ko siyang umupo sa isang duyan na may tangan na gitara.Inignora ko na lang siya at nagpatuloy na lang ako sa aking ginagawang siesta. Maya mayaay narinig ko siyang nag strum gitara at sinimulang umawit.
He broke your heart
He took your soul
You're hurt inside
Because there's a hole
You need some time
To be alone
Then you will find
What you always know
I'm the one who really loves you baby
I've been knocking at your door
As long as I'm living, I'll be waiting
As long as I'm breathing, I'll be there
Whenever you call me, I'll be waiting
Whenever you need me, I'll be there
I've seen you cry
Into the night
I feel your pain
Can I make it right
I realized there's no end inside
Yet still I'll wait
For you to see the light
I'm the one who really loves you baby
I can't take it anymore
As long as I'm living, I'll be waiting
As long as I'm breathing, I'll be there
Whenever you call me, I'll be waiting
Whenever you need me, I'll be there
You are my only I've ever known
That makes me feel this way
Couldn't on my own
I want to be with you until we're old
You have the love you need right in front of you
Please come home
As long as I'm living, I'll be waiting
As long as I'm breathing, I'll be there
Whenever you call me, I'll be waiting
Whenever you need me, I'll be there
Ewan ko ba kung patama niya sa akin ang kantang iyon ko sadyang tinamaan lang talaga ako. May mahal ako at nasasaktan ako pero siya ang taong nandyan lagi sa tabi ko upang alagaan ako pero hindi ko pa rin maibigay ang pagmamahal na hinihingi niya sa akin. Siya yung taong laging nandyan sa panahon na kailangan ko ng makakausap; sa mga panahong umiiyak ako at nawawalan ng pag-asa.Sa panahong ako ay nag-iisa at kailangan ng karamay, siya ang nandyan para damayan ako.
“Hayst!” singhal ko sabay buntong hininga. Tumayo na ako at niyaya si Renz umuwi ng bahay. Nagpaalam na kami sa mga tao na nandoon na uuwi na kami at mayroon pa kaming dapat ayusing mahalagang bagay.
Pagka start na pagka-start ni Renz ng kanyang kotse ay agad akong umimik dito. “Pwede mo ba akong samahan?”
“Oo naman. Ikaw pa! alam mo namang malakas ka sakin eh.” Saad nito sa akin sabay pagtapak sa kambyo at umandar na ang kanyang kotse.
Natahimik ako ng ilang sandal bago makapagsalita. Di ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko at kung ano ang mararamdaman ko kapag itinuloy ko ang balak kong gawin.
Hindi ko magawang sabihin ang binabalak ko habang binabagtas namin ang daan pauwi ng bahay. Nahihiya ako. Hindi ako mapakali. Lutang ang aking isip kung ang bagay na yun ay dapat ba. Kung yun ba sulusyon para sumaya ako ng tuluyan. Na walang mabigat pang dinadala sa nakaraan.
Huminga ako ng malalim. “Bahala na!” saad ko sa aking sarili. Hindi ko sa kanya sinabi kung saan ang pupuntahan namin pero iginiya ko lang siya sa daan kung saan ba siya dapat lumiko o hindi.
“Bakit di mo agad sa akin sinabi na dito pala tayo pupunta? Di sana din a kita tinanong pa. Alam ko naman tong lugar na ‘to eh.” Saad sa akin ni Renz.
“Basta. Alam mo naman siguro and dahilan diba? Baka kasi hindi ka pumayag na pumunta ako dito kaya hindi ko sayo sinabi.”
“Diba napag usapan na din naman natin ‘to? Kaya okay lang sakin” nakangiti niyang banggit sa akin.
Nakalimutan kong nasabi ko na nga pala ito kanina sa kanya. Bumaba na kami ng kotse ni Renz at tinahak ang daan patungo sa aming pupuntahan. Kelangan pa kasing maglakad ng kaunti para maka dating doon.
Habang kami ay naglalakad, may tumawag sa akin.
“Ramiiiilllll!”sigaw sa akin nito.
Itutuloy…
yung utang mo kay aling lita at sa prof mo, imo pa naaalalang bayaran ha. tiyo at tiya mo palng ang naalala mo, hehe.
ReplyDeletebharu.