Nag aalangan ako
kaninang lapitan ang matanda dahil may napansin akong isang lalaki na kanina pa
siya pinagmamasdan sa di kalayuan. “Ahh, baka isa lang siyang mabait na taong
nag-aaalala sa kalagayan” sabi ng isip ko. “Baka naman isang adik na may
gustong gawing masama sa matanda.” saad naman ng kabilang isip ko. Di ko
maaninag ang kanyang itsura ngunit sa tingin ko ay parang binabantayan niya ang
matanda. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung bakit naman nya binabantayan
ito? Para kanino? Para saan? O kung
binabantayan nga ba ito o may masamang binabalak. Pero bakit sa pulubing
matanda pa siya magbabalak ng masama ganung wala naman itong makukuha sa kanya.
Tiningnan ko
agad kung saan ko kanina nakita ang lalaki ngunit bigong mahagilap ng aking mga
mata ang lalaki na kanina ay nasa di kalayuan lamang, nagmamatyag at
nagbabantay.
Pungas ang mata
niya at inaaninag kung sino ang nagsasalita. Masuri niya akong tiningnan at
noong makilala na nya ako ay ngumiti ito’t nagpasalamat.
“Salamat. Okay
lang ako hijo. Ikaw? Anong nangyari sayo bakit ka may pasa?” saad sa akin ng
matanda nang may pag-aalala sa kanyang boses.
“A-ahh. Wala po
ito. Wag nyo na po akong alalahanin. Okay lang po ako.” Saad ko sa kanya.
“Kalala po ninyo
yung lalaking kanina pa po sa inyo nakatingin? Para po kasing may binabalak po
na masama sa iyo kaya nilapitan na po kita at upang ibigay na rin po itong
konting natira galing sa aking panindang tokneneng at fish ball para po makain
ninyo kesa naman mapanis lang. Alam ko po kasing hindi ka pa po kumakain. At
simula po ngayon, dadalhan na po kita ng pagkain kapag meron ako.”turan ko dito
ng may pagtataka.
“Salamat” saad
nya.
Inabot ko sa
kanya ang pagkaing dala ko at agad naman niya itong itinabi. Sa kanyang ginawa,
hindi ko maiwasang magtaka dahil alam ko namang pulibi sya at sigurado akong
gutom sya pero hindi niya ito kinain agad bagkus ay tinabi lang nya ang bigay
kong pagkain.
“A-ah. T-tinabi
ko muna. Bukas ko na lang kakainin. Binigyan kasi ako ng lalaki na nagdaan dito
kanina ng tinapay at tubig kaya busog na ako. Siya yata yung nakita mong parang
nagmamasid sa akin.” garalgal na boses ng matanda na para bang kinakabahan at
di sugurado sa kanyang mga sinasabi noong makita niyang pinagtakhan ko ang
kanyang ginawa.
“A-ahh kaya
pala.” Sabi ko na lang dito.
“Ano nga po ulit
ang pangalan nyo?” dagdag ko pa dito. Dahil hanggang sa ngayon ay hindi ko pa
rin kilala ang matanda at kung makaasta naman ako ay parang close na close na
ako dito. Sa totoo lang kasi naaawa talaga ako dito simula pa lang noong makita
ko itong tumawid sa kalsada at nahimatay nang wala man lang ni isang tumulong
sa kanya. Awa dahil alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa at walang malalapitan sa
ganoong kalagayan. Kahit na sabihing may tiyahin, tiyuhin at tirahan ako, hindi
ko pa rin mahanap ang pagmamahal na matagal ko nang kinauulilaan. Alam kong
hindi lang tirahan at pagkain ang gusto ng matanda kundi ang mabahagian din ng
pagmamahal gaya ko.
“Hijo, tawagin
mo na lang akong Alissa. Lola Alissa”saad naman sa akin nito.
“Salamat din
hijo sa pag-aalala mo sa akin. Di ko akalain na may tao pang katulad mo na
handang tumulong sa katulad kong matanda na at pulubi nang walang hinihinging
kapalit. Alam ko pagpapalain ka balang araw sa mga ginagawa mo. Masipag ka,
matulungin, maalalahanin at mapagmahal na bata. Mahirap man ang kalagayan mo,
nakuha mo pa ring tumulong sa gaya ko. Naalala mo rin ako sa kabila ng mga
dinadala mo sa buhay. At kahit na pagod na pagod ka, hindi ka nanginimbing
magreklamo sa kabila nang dalahin mo sa buhay. Salamat” dagdag nito ng sa akin
na nagpakurot naman ng aking puso. Wala naman talaga akong hinihinging kapalit
sa pagtulong ko sa matanda.
Bigla na lang
niya akong niyakap nang makita niyang may namumuong luha na sa aking mga mata
dahil sa mga sinabi niya sa akin. Hagod sa aking dibdib ang kayang mga sinabi.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Dama ko ang init ng kanyang mga balat sa
pagkakayakap sa akin. Hindi din naman ako nangiming yakapin din sya pabalik
dahil dama ko ang pagmamahal sa kanyang mga yakap. Pagmamahal ng isang magulang na hinahanap ko
matagal na.
“Anak,
pagpatuloy mo lang ang kung ano mang hangarin ang meron ka. Alam ko pagpapalain
ka ng maykapal dahil busilak ang iyong kalooban.” Bigkas sa akin ng matanda
habang hinahagod ang aking likod.
“S-salamat.
Hayaan mo lola lagi na akong pupunta dito para dalhan ka ng makakain.
Pagpasensyahan nyo na po kasi hindi naman po ako mayaman kaya sana po
mapagtiisan na po ninyo kung ano mang maiabot ko.”sabi ko dito ng may
pag-aatubili. Pagaatubili dahil alam ko din sa sarili ko na wala akong pera
para sa pagpapakain ng matanda pero heto ako’t nangako pa na dadalhan siya
araw-araw. Naisip ko din kung paano ko siya aabutan ganung wala din naman ako.
Pero alam ko na kahit ganun, kahit konti man, may maiaabot pa rin ako dito.
“Salamat ng
marami hijo.”sabi sa akin ng matanda.
“Oh sya uuwi na
po ako ng bahay at gabing gabi na po. May pasok pa po ako bukas at kelangan ko
pang mag-aral.”sabi ko sa kanya.
Pagkatapos kong
magpaalam sa matanda ay tumayo na ako at tinulak ang stroller ng aking paninda
papunta sa bahay ni Aling Lita. Nasa akin ang susi ng kanilang garahean.
Ibinigay sa akin ito ni Aling Lita dahil kelangan ko pa itong ipasok sa loob
dahil baka mawala kung sa labas ko lang ito ilalagay. Pagkapasok ko ng stroller
ng aking mga paninda ay agad naman akong naglakad. Mag-aala una na din noon ng madaling araw
kayat binilisan ko na ang paglalakad pauwi.
“Naku,
tatanghaliin na naman ako nito bukas at tiyak raratratin na naman ako ng mala
armalite na bunganga ng aking tiyahin” singhal ng aking isip.
Pagkadating ko
ng bahay ay agad kong itinabi sa ilalim ng aking damitan ang naging benta ko sa
gabing iyon at ang iba naman na renta na inuupahan ko ay itinabi ko na rin upang
idaan bukas kay aling Lita bago pumasok sa eskwela. Agad akong sumampa sa aking
higaan at nagbasa ng aking aralin. Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Alas singko na
naman ng umaga at gaya ng dati, ang bunganga ng aking tiyahin ang nagsilbi kong
alarm clock sa paggising. Inaantok pa man at bumangon na ako sa aking higaan at
nagsimulang gawin ang mga gawain na nakatoka na sa akin.
Pagkatapos
kumain ay palihim naman akong naglagay ng kanin at tuyo na natira kanina sa
aming agahan para ibigay sa matanda mamaya pagdaan ko papasok ng klase.
Dinaan ko na din
kay Aling Lita ang napagkasunduan naming renta sa pagtitinda. Kanya lahat ng
gamit at ititinda ko at sya din ang namumuhunan pero hati kami sa magiging tubo
ng aking paninda at ibabawas naman sa kita ang puhunan niya rito.
Pumasok na ako
sa eskwelahan.
Hindi ko nakita
si Rolly sa aming eskwelahan. “Sabagay, lagi naman yun sa second class na
pumapasok ehh.” sabi ng isip ko. “ Minsan nga hindi talaga pumapasok.” Sabi
naman ng kabilang isip ko.
Napabuntong
hininga na lang ako sabay sabing “ Haaay. Salamat”. Baka kung anon a naman kasi
ang pumasok sa kokoti nun at masapak na naman ako. Buti na lang at hindi
pumasok.
“Class, this
coming Friday I want you to settle your account for graduation fee.” pasimula
ng aming Class Adviser.
“Ah..ahh”
pikit-matang naibulalas ko. Bayaran na naman. Buti na lang at may ipon ako pero
kulang na kulang pa rin iyon pangbayad sa graduation fee.
Natapos ang
dalwa pang sumunod na klase. Oras na ng pananghalian. Nag kanya-kanya naman ang
iba kong mga kaklase. May pumunta sa Jolibbe, Max’s at ang iba naman ay sa
kalapit na kinagigiliwang restaurant. Di ko alam kung saan ko palilipasin ang
dumadagundong kong bituka. Di ako kumain dahil iniipon ko ang pera ko pangbayad
sa graduation fee.
Napagdisisyunan
ko na lang na pumunta sa library upang palipasin ang nangangasim kong sikmura.
Naglakad ako
papuntang library. Nakayuko at para bang tamlay na tamlay. Hindi ko alam ang
nararamdaman ko noong mga panahong iyon. Masakit ang ulo sa bayarin. Masakit
ang tiyan sa gutom. Hilo.
Papasok na ako
sa library at nagkataon naman na palabas pala si Rolly galing doon. Hindi ko
sya napansin. Nabundol ko sya. “Patay” naibubulas ng aking isip. Ngayon hindi
lang sakit ng ulo at tyan ang abot ko dito kundi pati sakit ng katawan.
Kinakabahan ako. Patay na naman ako dito. “Tatanga-tanga kasi ehh. Hindi ka na
nadala. Hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo!” sisi ko sa aking sarili.
Nanginginig ako
at nangangatog ang tuhod. Hindi sa gutom kundi sa kaba.
Laking taka ko
na lang na hindi galit ang nakita ako kay Rolly. Parang awa na ewan hindi ko
maintindihan. Tumingin ito sa akin at ngumiti na para bang nakakaloko at tuloy
na lumabas ng library.
Napabuntong
hininga na lang ako at tuloy na pumasok sa library.
Hindi pa rin
mawaglit sa aking isipan ang tinuran ni Rolly kanina. “Sya ba yun? Ano kaya ang
nakain noon? Buti naman at good mood ata ang loko”. sabi ng ko sa aking sarili.
Pagkatapos ng aming
klase ay agad akong umuwi upang magbihis para pumunta naman kay Aling Lita
upang kunin ang stroller ng aking paninda.
Habang nakatigil
sa gilid ng basketball court samu’t saring mga bagay ang lumalambitin sa aking
utak.
Ano kaya ang
buhay ko kung buhay pa ang aking mga magulang. Ganito pa rin ba kaya? Kung isa
kaya akong mayaman, magiging matatag ba ako, magsasakripisyo, maghihirap at
matututong lumaban? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko kay Rolly sa
kabila ng mga ginawa nya sa akin? Makakahanap kaya ako ng lalaking magmamahal
sa akin ng tapat at tatanggap sa aking pagkatao? Hanggang kalian nga ba ako
maghihintay?
Di ko na
namalayan na gabi na pala kaya’t umuwi na ako. Dinaanan ko muna ang matanda at
binigyan ng makakain at nagpasalamat naman siya rito. Sabi nya sa akin na hindi
ko naman daw kailangang gawin ang mga bagay na iyon dahil nakita na daw nya ang
kanyang hinahanap at sabing hindi na daw siya magtatagal duon. Hindi na din ako
nag-atubiling tanungin kung ano ba ang kanyang hinahanap dahil alam ko naman
nab aka isang kamag-anak lang niya iyon na matagal na niyang hinahanap kaya
siya nagpalabuylaboy na lang dito. Gumaan naman ang loob ko dahil sa wakas ay
magiging maayos na din ang kanyang buhay sa piling ng kanyang kapamilya.
Nagpaalam na ako
rito. At tumuloy na sa paglalakad pauwi.
Mabilis akong
nakatulog at di ko namalayang umaga na naman.
Pritong itlog,
tinapa na may kamatis , sinangag at umuusok na kape ang aking nabungaran sa
hapag kainan. “Himala! Masarap ata ang almusal. Ano kaya ang meron?” nagtataang
wika ng aking isip. Dati-rati kasi’y tanging mainit na kape lamang ang
gumuguhit sa tiyan ko tuwing umaga.
“Kain na Ramil
baka maubusan ka kung titingnan mo lang yang almusal” aya ng aking tiyuhin na
hindi alam kung paano pagkakasyahin ang pagkain sa namumuwalang bibig.
“Nanalo kasi ang
tiya mo sa jueteng kahapon.” Dugtong pa sa akin nito sabay kindat.
Magrereact sana
ako ngunit nakita kong simbilis ng kidlat ang ginawang pagtapik sa balikat ng
aking tiya sa tiyuhin ko.
“Paano ba yan?
Hindi ka yata makakaungot ng pambayad para sa graduation fee mo.Pagkakataon mo
n asana pero mukhang mamalasin ka ata sa kakuriputan ng tiya mo. Alalahanin mo,
sa isang lingo na ang deadline ng bayaran!” sabi ko sa aking sarili.
Sa School. Hindi
ko maiwasang mag-alala kung saan ko pupulutin ang pambayad sa grad fee at iba
pang requirements upang maka graduate ako. Tuliro. Paikot-ikot ang mata kasabay
ng pag-ikot ng aking sikmura. “Ayan ka na naman Ramil. Tiniis mo na namang
hindi mananghalian. Aba hindi ka pa nakaakyat sa entablado, embalido na iyang
katawan mo.” Singhal sa akin ng aking utak.
“Mr.
Matienza…?”Pukaw sa akin n gaming guro.
“Wala akong
pera!” Bigla kong naibullyaw nang wala sa loob.
Gulat na napako
ang tingin sa akin ng aking mga kaklase. Hindi malaman kung matutuwa o maiinis.
Parang drama lang sa teatro. Naka-freeze ang lahat.
“Anong problema
mo Mr. Ramil Matienzo?” sabi sa akin n gaming guro nang makabawi sa kabiglaan.
Hindi ko malaman
kung ano ang aking sasabihin at gagawin. Bigla akong tumakbo palabas ng silid
at nagpatianod sa pagraragasa ng aking mga paa.
Namalayan ko na
lang ang aking sarili na nagmamakaawa kay Aling Lita. Isang bultong sermon at
reklamo muna ang pinalamon sa akin ng matanda bago ako pinahiram ng pera.
“Maraming
salamat po Aling Lita. Awasin na lamang po ninyo sa upa ko sa pagtitinda ang
ibabayad ko.” sabi ko dito nang hindi nawawala ng ngiti sa kaligayahan na aking
nadama.
Pagdating ko ng
bahay ay itinago ko sa ilalim ng aking damitan
ang perang nahiram ko dagdag sa aking ipon. Daragdagan ko na lang iyon
upang makompleto ang pambayad sa graduation fee. Bahala na kung saan ko kukunin
ang pandagdag. Ang mahalaga ay may inisyal na akong pambayad.
Pumunta ako sa burol
sa likod ng aming bahay at nagpasalamat sa panginoon sa kabila ng lahat habang
nanunood ng mga bituin sa kalangitan. Napakaganda ng tanawin na iyon habang
nakahiga sa damuhan. Walang problemang naiisip. Puno ng pangarap. Puno ng
pasasalamat. Puno ng saya ang aking nararamdaman. Titig sa mga bituin sa langit na
para bang nananalangin at nagsusumamo. Kinakausap ang mga tala sa langit. Bakas
sa aking mga mata ang pag-asang makakaahon at matanggap ng lipunan. Mahimbing
na akong nakatulog na dala-dala ang aking mga pangarap. Pagkakataon sa aking
buhay na nararamdaman kong ako ay ligtas, payapa at may kakampi.
“Ramil?” tawag
sa akin ng isang lalaki. Di ko maaninag ang kanyang hitsura kung sino sya.
Habang papalapit siya sa akin ay pabilis nang pabilis naman ang tibok ng aking
puso.
“Bat ka nandito?
Anong ginagawa mo dito?tanong ko sa kanya ng makita ko kung sino sya.
Tumakbo ito sa
akin at niyakap ako. Ang init ng kanyang mga yakap. “Anong ginagawa mo?”tanong
ko dito nang may pagtataka sa kanyang ginawa.
“Sorry sa lahat.
Sorry talaga.”sabi niya sa akin na bakas ang pagsusumamo sa kanyang mga mata.
Hindi ako umimik o nagsalita. Nanatili akong nakatayo habang niyayakap niya
ako. “Hindi ko alam pero ito ang nararamdaman ko. Sana may pag-asa ako sayo.
Mahal na mahal kita”usal sa akin nito sabay kabig ng aking mga bibig.
Itutuloy….
No comments:
Post a Comment