ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, November 6, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 21)

            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.


            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)


            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html
           
             Pangalawa, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING

             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)


             Una sa lahat,PASENSYA NA PO TALAGA SA SOBRANG LATE UPDATE. sobrang busy po kasi talaga ngayon sa trabaho.. Halos wala na rin po ako time para sa sarili ko dahil po sa sobrang busy.. Pero eto po.. Sana magustuhan nyo po ang update ko.. Ahm, malapit na rin po pala ito matagpos, so sana, abangan nyo hanggang dulo.. Thanks po!! Mwah!! :)


             Muli ay gusto ko pong magpasalamat kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, Jeffrey Paloma, Erwin Fernandez, yamiverde, MM, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, iNNOH, Jayzon13, RLM101, johndave, Soulburn, Kristofer Lein Ylagan, riku13, rei, bharbzz, flashbomb, jazzmotus, blue, RGEE, Coffee Prince, Free Movie Downloads, Andrei, jesome colagong,  JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, psalm, sesylu, maakujon, bluecho13, Neon, nick.aclinen, Jhay L, rheinne, jesome, Uri_KiDo, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILDJIAN, Dave17, Ako si 3rd, Steffano, Ross Magno, M.V, JC, roman (roohmen), kokey, Brian_stephens, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

            Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!! J


   COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!


>>>> Sya nga po pala, tulad ng ipinangako ko sa lahat, na magpapakilala ko sa inyong lahat. Well.. ito na po ako. :)



>>>>> dark_ken






“Coach Gab?!!”

“Oo. Kamusta?”

            Halata ang pagkagulat sa mukha ni Jenny. Actually, pati ako nagulat ng biglang pumunta si Mingming dito sa bahay kaninang umaga at pinagluto ako ng almusal. Pagkatapos ay magpapasama sana akong magpalaundry ng bigla na lang nilabhan nya ang mga damit ko. Gulat na gulat ako sa ginawa nya. Pinigilan ko sya pero too late, basa na ang mga damit ko at nilalabhan na nya.

            “Ok lang coach.. Anong ginagawa mo coach?”

            “Ah, naglalaba. Sayang kasi ang pera kung magpapalaba pa sya sa labas. Eh hindi naman ako busy kaya nagpresenta ako na ako na lang. Teka ha, tuloy ko lang paglalaba ko, punta ko jan pagtapos.”, sabay balik sa paglalaba si coach.

            “Ahem! Explain.”, nakataas kilay na sabi ni Jenny sakin.

            “What?!”

            “Seriously?! Paglalaba?!”

            “Hoy! Hindi ko sinabi na maglaba sya noh!”, pagdedepensa ko sa sarili.

            “Pero ang sweet ha..”, biglang singit ni Leah.

            “SWEET???!!!! E pakshet! San ka naman nakakakita ng coach na ipaglalaba ka, ipagluluto ka! WOW sa effort yang taong yan ha! Napabilib ako dun ah!!”, amazed na amazed na sabi ni Jenny.

            Natahimik lang ako. Pero syempre, kinikilig ako noh.. Oo nga naman, san ka naman makakakita ng coach mo, tapos ipaglalaba ka? Weird diba..

            “Hmmm. So Jerry, ano plano mo? Sya na ba? Total, malinis pa naman ang record nya sayo. Wala pa syang nagagawang foul sayo. At kitang kita naman ang efforts nya sayo.”, paguusisa ni Jenny.

            “Jenny, magiging impokrito ako kung sasabihin ko sayo na di ako natutuwa or “kinikilig” sa mga ginagawa at efforts nya sakin. Pero alam naman din nya lahat. At ayoko sya gawing rebound lang. True, wala pa syang record sakin, pero ayoko naman na “sige, sya nlng” Gusto ko sana sa ngayon,, “Ako muna..” ganun..”

            “Hmmmm. Kung sabagay.. Tama ka bes..”

            Sa araw araw na nagdadaan ay mas pinapakilig ako ni Mingming, halos linggo linggo may ginagawa sya para masurprise nya ako. Nakakatuwa kasi nahuhulaan nya ang mga gusto ko, parang kinikilala nya talaga ako para malaman kung ano nga bang nakakapagpangiti sakin. Kasi sa twing malungkot ako, bigla nya kong papatawanin sa kahit anong paraan. Magmamake face, o kaya yayakapin ako mula sa likod sabay kikilitiin ako. Or kung minsan dadalhan nya ko ng menudo sa bahay na pinaluto nya pa sa nanay nya. Mga simpleng bagay na talaga namang tumatatak sakin. :)

            Isang araw sa school habang nagkaklase ay napansin ko si Philip na nakasilip nanaman sa pintuan ng room namin. Naalala ko tuloy yung araw na nabalitaan namin ang nangyari kay Tito Lance. Naalala ko na sumilip din sya nuon at nahuli pa nga ng teacher. At eto ngayon nakasilip nanaman sya, nakangiti lang sakin. Nakakatuwa kasi namis ko ang mga ngiting yun.. Pero mas namis ko yun kasi ako na muli ang dahilan ng kanyang mga ngiti.. Alam kong kaya di ko masagot si Mingming ay dahil pa rin sakanya. 

            Pagtapos ng klase at training ay niyaya ako ni Philip na kumain sa labas. For old times sake daw, gusto daw nya sana ako makausap. Napansin kong bilasa ito at may pagaalala sa mukha. Pumayag naman ako. At syempre, nagsimula nanaman kaming kumain sa aming walang kasawa sawang Mcdo.

            “Jerry…”

            “Yes?”

            “Namis kita..”

            Napangiti ako. Tiningnan ko sya.

            “Ano naman namis mo sakin?”

            “Lahat Jerry. Yung mga simpleng usapan. Yung magkasama tayo. Yung ganto. Yung kahit di tayo naguusap masyado pero magkasama tayo.”

            “Ako din..”, nakangiti kong sinabi.

            “Sorry nga pala ulit sa lahat. Alam ko mali ang ginawa ko sayo.”

            “Ssshh.. Don’t. Isa sa tinuro sakin ni Jenny is don’t dwell in the past. Philip, just focus on what we have right now.”

            “Can I walk you home?”

            “Walk talga? Ayaw mo sumakay tayo? Hehehe.”

            “Oo. Lakad talaga. Ako na magbibitbit ng gamit mo.”

            “Are you crazy? Ang layo kaya ng bahay natin.”, nakangiti kong sinabi.

            “Ok lang. Kasama naman kita ee.”, sa sinabi nyang yun ay halos tumayo ang lahat ng balahibo ko. At for sure, kinilig ang bawat buto ko sa katawan.  Ang sarap pakinggan.

            At ayun, nilakad nga naming pauwi. Hindi ko ba alam, actually, malayo talaga pag nilakad mo simula sa school hanggang bahay. Pero this one time was different. Hindi ko gaano napansin ang layo nito dahil.. bakit nga ba? Hmmm. :)

            Pagkadating ng bahay ay nagpaalam na rin si Philip, ayaw nya na daw pa ko storbohin at gusto nya na ko pagpahingahin. Pero bago pa sya tuluyan umalis ay may binitawan syang mga salita.

            “Jerry…”

            “Hmmmm?”

            “Sana bigyan mo pa ko ng panahon. Please. Patutunayan ko sayong mahal kita.”

            Ngiti at tungo ang isinagot ko sakanya. Kitang kita sa mukha nya ang saya. At pagkabuhay ng loob. Kita ko na masaya sya. Kaya nagpaalam na ito at yumakap na sakin bilang pahiwatig na aalis n xa.

            Pagpasok ko ng bahay ay di naman ako magandaugaga sa kilig. Ngiti ngiti kong inisip ang aming labas ni Philip. Kinikilig ba ako kasi hanggang ngayon, sya pa rin ang mahal ko? Or dahil ba unti unti ng nagkakatotoo ang gusto ko na mangyari para saming dalawa? Or kasi ba namis ko sya? Hindi ko alam kung alin dun. Pero ang sigurado ko ay masaya ako.

            Dumating ang kinabukasan at pumasok na ako uli sa school.  Sinundo ako ni Philip as usual. At sabay kaming pumasok. Pahirap na ng pahirap ang mga activities namin. May kung ano anong projects na pinapagawa at may baby thesis pa. Dahil ugali ko ng tapusin lahat ng maaga dahil ayoko magahol sa oras ay mas naging busy ako. Idagdag mo pa na member pa rin ako ng School Journal, Glee Club, at syempre, ang Pep Squad. Maging sila Philip at Art ay busy na rin dahil mga athlete pa rin sila. Pero kahit ganun, lagging humahanap ng time para sakin si Philip. Kahit man lang sa txt, o kaya naman ang pagsundo nya sa akin sa umaga. Si Mingming naman ay ganun din, nakita kong mas umeeffort sya ngayon dahil sa alam nya siguro ang kompetensya nya. Masarap sa pakiramdam.

            Isang araw pagtapos ng training ay may naganap na di ko inaasahan. Niyaya ako bigla ni Mingming na lumabas. Ngpunta kami sa mall malapit sa school at nanood ng sine, naaalala ko tuloy yung nanood din kami ni Art ng sine. Yun din ung huling araw na nakita ko sya dahil kinabukasan ay nagpunta na ito ng Amerika. Pagtapos naman ay kumain kami sa isang medyo mamahaling restaurant. Syempre, nabigla ako. Anong meron?!

            “Mingming, bat dito pa tayo kumain? Pwede naman sa fastfood nlng o kaya sa mumurahing restaurant nlng.”

            “Ano ka ba. Ok lang. Minsan lang naman to.”

            “Teka, ano bang meron?”

            Nagulat nlng ako ng bigla syang may dinukot sa bulsa. Isang maliit na box at nilapag nya sa harap ko.

            “Ano to?”, medyo kinakabahan ako.

            “Buksan mo.”, nakangiti nyang sinabi.

            Agad agad ko nmang binuksan ang kahon at nakita kong may singsing ito sa loob. Whitegold na singsing. Syempre nagulat ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa tagpong yun. Sa di malamang kadahilanan, naalala ko si Philip.

            “Singsing? Anong meron Ming?”, kinakabahan kong tanong.

            “Para saan?”

            “Jer, alam mo nman kng ano nararamdaman ko para sayo diba?”, seryoso nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

            “Ming naman..”, kinakabahan pa rin ako.

            “Please Jer, tanggapin mo.”

            Hindi ko alam ang gagawin. Naipit ata ako sa sitwasyon. Okay, aadmit ko, nagusthan ko na rin sya dahil sa pageeffort nya sakin. Pero somehow, nararamdaman ko may mali.

            “Pero Ming.. Alam mo naman na.. Diba.. Wala naman sa usapan pa tong.. Ming naman.. Ayoko ng gantong biro..”, hindi na ko mapakali sa aking kinauupuan. Bumabaliktad ang sikmura ko at namamasa ang kamay ko sa pawis.

            “Oh! Oh! Oh! Relax… Nagbibiro lang ako.. Ikaw naman sineryoso mo naman agad. Hahahaha.”, natatawa nyang sinabi. Pero parang may mali sa boses nya.

            “Lintik! Ayoko ng gantong biro Ming!!!”, mejo irita kong sinabi. Hindi, irritable na talaga ako.

            “Ohhh.. Sorry na.. totoo naman na alam mo nararamdaman ko para sayo diba? Pero parang thank you ko lang to sayo. Mas inspired kasi ako ngayon sa buhay dahil sayo. Kaya gusto ko ibigay yan sayo bilang pasasalamat ko sayo na nakilala kita..”, nakangiti nyang sinabi sakin.

            Mejo gumaan ang loob ko. Shit! Yun lang naman pala! Pinakaba pa nya ako! Alam naman nya na ayoko muna makipagcommit, tapos sasabihin nya ngayon bibigyan nya ko ng singsing? Anong gusto nyang isipin ko?! Hays, buti nlng at binawi nya agad kungdi magwawalkout talaga ako!!!

            “Ikaw, buang ka! Pinakaba mo naman ako. Totekk ka!”, natatawa kong sabi.

            “Iwas iwasan mo kasi panonood ng horror movies.”, natatawa nyang sabi.

            “Teka, pano mo nalaman na mahilig ako sa horror movies?”, pagtataka kong tanong.

            “Huh.. Ah.. eh.. hmm.. Hinulaan ko lang!! Diba pag lage daw kabado mahilig sa horror? Hehehe..”, pagpapalusot nya.

            “San mo naman narinig yan? Kape yun! Kape. Pag masyadong kabado, bawasan ang pagkakape.”, sarkastiko kong sagot.

            “Sorry naman. Syempre, nakakatakot kaya ang horror movies. Kahit ako, ayoko ng mga ganun.”

            “Hahaha! Matatakutin ka pala! Hahahah!”

            “Oo na! Kaya isuot mo na yang singsing na yan.. Please?”

            Dinampot ko ang singsing galing sa box. Pero di ko talaga iwasang hindi kabahan. Naalala ko nanaman si Philip, pero at the same time, masaya din ako, kasi syempre nakakatouch talaga sya. At grabe sya umeffort. At lage nya pa ko sinusurprise, isa sa mga gusto ko at nagpapasaya sakin. :)

            Perfect! Kasyang kasya ang singsing sa daliri ko. Masaya naman ako at nagkasya yun.

            “Wow, kasyang kasya sayo ha.”, anya ni Ming.

            “Oo nga ee.. Maliit kasi ang daliri ko. Size 6 lang kasi ang daliri ko. Kaya pag masyadong malaki ung singsing, sa hinlalaki ko nlng nasusuot. Kaya nga bracelet ang binib…”, napahinto ako. Naalala ko nanaman si Philip.

            “Kaya ba bracelet ang binigay mo kay Philip? Yun ba?”, medyo malungkot nyang sabi.”

            “I.. I’m sorry..”, sabay kuha sa bulsa ko ng bracelet na bigay ni Philip at sinuot ito sa kaliwa kong kamay.

            “Sya talaga ang mahal mo noh…..”

            “Ming.. Look, it doesn’t matter.. I’m sorry..”

            “Yeah, you’re  right. What matters is kung ano ang meron ngayon.”, nakangiti nitong sinabi sakin.
            After naming kumain ay hinatid na ko ni Ming sa bahay namin. Masaya ako sa labas naming yun. Pero aside all that, di ko pa rin maalis sa isip ko si Philip.


            Kinabukasan pagpasok ko sa school ay hinintay ko na si Philip na sunduin nya ko. Maya maya ay dumating na ito. Pero di tulad ng mga nakaraang araw, tahimik lang si Philip. Simula sa bahay hanggang sa school ay tahimik ito. Kaya nagpasya akong magtanong.

            “Philip, are you ok?”

            “Yeah.. I’ll be ok..”

            “You’ll be ok? Bakit? May prob ba?”

            “Hah.. Wala. Don’t mind me. Im fine.”, sabay bigay ng isang ngiti sakin.

            Sabay kinuha nya ang kanang kamay ko.

            “Wow. Bagong singsing! Ganda ha! Nice ring..”

            “Ah, oo. Kahapon lang. Ganda noh?”, nakangiti kong sinabi.

            “Oo nga ang ganda..”, medyo malungkot nyang sinabi.

            “Are you sure na ok ka lang?”, pag aalala kong tanong.

            “Yeah, Im good. Wag ka magalala.”

            Pero di yun ang nangyari. Hindi sya ok. Buong araw syang di nagparamdam sakin. Kahit pa sa mga breaks atlunch ay di sya sumasabay samin. Sinubukan kong tanungin si Jenny pero clueless din daw ito. Sinubukan din tanungin ni Jenny pero di rin sya sinagot. Nagtataka talaga ako dahil kahit pa sa training ay di ko sya nakita sa dati nyang inuupuan. Hinintay ko xa buong gabi ngunit walang Philip na dumating.

            Medyo nagalala ako kaya tinext ko sya at tinawagan, pero di rin sya sumagot. Kinakabahan ako. May mali nanaman ba kong nagawa? Wala naman akong naaalalang may nagawa akong masama, or kung naoffend ko ba sya. Wala talaga. Nagiisip pa rin ako hanggang tuluyan akong makauwi ng bahay.

            Pagdating ko sa bahay ay agad akong naligo at nahiga sa kama. Gusto ko ng matulog pero di ko maalis sa isip ko ang inasal ni Philip buong maghapon. Kaya kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinawagan sya.

            1st attempt. Ring lang ng ring.

            2nd attempt. Ring pa rin.

            3rd attempt. Ring pa r..

            “Hello Philip?”, pagaalala kong sagot.

            “Oh.. Napatawag ka..”, mejo mahina ang boses nya.

            “Hah. Ah, eh.. Ok ka lang ba? Di kasi kita nakita buong araw..”, pagaalala kong tanong. Pero tahimik lang sya sa kabilang linya. Alam kong andun sya kasi naririnig ko ung hangin na galing sa bentilador nya.

            “Sniff..”, yan ang sumunod kong narinig.

            “Teka, Philip, umiiyak ka ba?”, nagaalala na talaga ako.

            “Huh.. Ah hindi.. Sinisipon lan ako..”

            “Ah.. sigurado ka?”

            “Oo jer.. Pasensya na din di kita nasamahan ngayong araw na to. Masama kasi pakiramdam ko.. Baka di din muna kita masundo bukas. Sige, tutulog na muna ako ha.”

            “Huh.. Ganun ba.. Sige.. Pahinga ka mabuti ha…”

            “Salamat”

            At binaba nya na nga ang phone. Medyo lumuwag na ang dibdib ko. Kaya naman pala di sya nagparamdam ngayong araw, masama pala ang pakiramdam nya. Pero somehow.. meron pa rin akong di nararamdamang maganda. Parang may nagsasabi sa sarili ko na may mali.

            Pagkababa ko ng telepono ay di ko pa rin mawari bat nga ba kakaiba ng kilos ni Philip. Malaking palaisipan sakin kung bat parang nararamdaman ko na may kakaiba nanamang nangyayari. Nasagitna ako ng pagiisip ng biglang nagring ang cellphone ko. Nang makita ko ay number lang ito. Agad ko naman sinagot ito.

            “Hello?”

            “Hello son! Kamusta ka na?!”

            “MOM?! Is that you?”

            “Oo! I have good news for you!”

            “Sabihin mo muna bago ko sabihin na good news nga yan.”

            “Hahaha! Ikaw talaga. Anyways, you’ll be spending Christmas here. Go to your tita and magpabook kayo ng flight a week before bago magpasko para naman makapagbonding tayo!”

            “Nako Ma, ayan nanaman e, aasa nanaman ako ee..”

            “Totoo na to! Sige na ha! May mga ipapadala din kaming pasalubong galing jan ha!”

            “Sure mom.”

            “Okay sige anak. Pakabait ka ha. I love you!”

            “Love you too, Mom.”

            Doon nagtapos ang usapan namin ng aking Mommy. Di naman kasi kami talaga naguusap ng matagal. Pero sana, totoo na to. Ilang Christmas na din kasi ako umaasa na sakanila ako magpapasko ng di naman ako mag isa na lang lage pag pasko.

            Pagkagising ko kinabukasan ay di maganda ang gising ko. Parang may kulang. Naalala ko na di ako susunduin ngayon ni Philip kaya magisa akong pumasok. Nakakapanibago dahil sinanay ko nanaman ang sarili ko na andyan sya sa tabi ko. Pagpasok sa school ay nakita ko nga si Philip na medyo matamlay at mukhang may sakit. Bagsak ang mata at medyo namumula ang kanyang matangos na ilong. Kaya agad kong nilapitan si James..

            “James, bat pumasok pa si Philip? Dapat nagpahinga nlng xa sa inu.”

            “Jer, di ko nga din alam ee. Simula nung umuwi sya nung isang gabi, napansin ko medyo naging matamlay yan.”

            “Huh? Nung isang gabi pa? Bakit? May problema ba?”

            “Kung alam ko lang din sana, sasabihin ko sayo. Pero baka napagod lang yan sa training. Pasensya na, wala talaga akong alam.”

            “Ganun ba.. Sige, salamat..”

            At simula noon, ay parang “iniwasan” na ko ni Philip. Hindi ko alam kung ano ba talagang rason. Sa twing nilalapitan ko namann sya, sasabihin nya ay okay lang sya o kaya naman ay busy lang kasi sa mga projects. Alam kong may mali, pero di ko alam kung ano. Nasasaktan ako paunti unti. Ngayon pa.. Ngayon pa na mahal ko na din sya at unti unti ng naayos samin ang lahat.

            Lumipas ang isang bwan at walang nagbago. Iniiwasan nya pa din ako. Apektado talaga ko, hindi naman ako makapagreklamo dahil di ko sure kng may problema ba talaga kasi minsan, pinapansin nya ko kahit papano. Sya ba o ako ang may problema? Hinahanap hanap ko lang ba sya talaga o umiiwas na talaga sya? Hindi ko na alam.

            Isang araw pagtapos ng training ay wala na talaga akong gana. Kahit si Jenny ay nagaalala na rin sakin. Hindi nya rin kasi alam kung ano nga ba nangyayari dahil sinasabi sakanya ni Philip na di naman daw galit sakin si Philip. Na hanggang ngaun, mahal na mahal pa rind aw ako nito. Pero ano bang problema? Hindi ko nlng napansin na napapaluha pala ko habang nagttraining. Na sya namang napansin ni Mingming. Kaya after ng training ay kinausap nya ko sa school grounds bago umuwi.

            “May problema ba?”

            “Ming.. alam ko hindi ikaw ang dapat sinasabihan ko nito.. Pero.. alam mo ba yung pakiramdam na nasa harap mo na pero di mo pa maabot?”, luha luha kong sinabi.

            “Gusto mo sagutin ko talaga yan….?Alam ko…. Alam na alam ko.”, malungkot nyang sinabi habang nakatitig sakin.

            Naintindihan ko ang ibig nyang sabihin. Kasi nasa harap ko na sya, pero di ko sya masagot sagot. Alam ko na nararamdaman din nya ang nararamdaman ko. Hays, napaka komplikado ng sitwasyon ko. Kung noon, iniisip ko na masarap sa pakiramdam na dalawa silang nagmamahal sakin, pero masakit din pla. Dahil si Ming, minamahal ako. Pero ako.. ako…… si Philip ang mahal ko…

            “I’m sorry Ming.. Kung di ko masuklian ang pagmamahal mo..”, nagsimula na kong umiyak..

            “Huwag kang magsorry.. Hindi naman ako sumusuko ee.. Ipaglalaban kita.. Kahit maging gaano kahirap at kasakit pa to para sakin..”, luha luha na rin sya. Pero halatang pinipigilan nya ito.

            Nagiiyak lang ako dahil di ko alam na masasaktan nanaman ako ng dahil kay Philip. Though this time, di ko na talaga alam at clueless na talaga ko sa inaasal ni Philip. Dati kasi, may idea na ako kahit papano, pero ngayon? Wala…. Walang wala……

            “Asan na ung panyong nakita mo sa tabi mo sa gym?”, biglang tanong ni Ming na syang kinagulat ko.

            “Pano mo nalaman ang tungkol sa panyo?!”, mula sa pagkaiyak ay alerto kong tinanong sakanya dahil sa pagkabigla.

            “I was there nung umiiyak ka nun sa gym. Kausap ko ang P.E head nun sa gym discussing about the budget for our squad. Nang makita kitang umiiyak. Kaya I sneaked papunta sa likod mo at nilagay ang panyo sa tabi mo. Hindi pa kasi ganun kakilala noon at di pa tayo talaga naguusap. Pero ang totoo, noon pa lang, gusto na kita..”

            Nagulat ako sa rebelasyong sinabi ni Ming. Hindi ako makapaniwala na ang taong hinahanap ko na nagbigay ng panyong nagcocomfort sakin all this time is nasa harap ko na pala. Hindi ko man lang nakita na andyan na pala sya sa harap ko noon pa. Bakit ko nga ba isinasantabi ang pagmamahal nya? Bat hindi ko nga kaya subukan buksan ang puso ko para sakanya? Nagawa ko naman kay Art nun diba? At eto, kitang kita naman ang efforts nya. Kahit pa harap harapan ko syang sinasaktan ay patuloy pa rin syang nagtyatyaga sakin at minamahal pa rin nya ako.

            “You mean.. Sayo galing tong panyong to?”, naluluha ko nnmng sinabi.

            Lumapit sya sa akin at kinuha ang mga kamay ko.

            “Oo. Dahil para macomfort pa rin kita kahit man lan dyan sa panyong yan. Gustong gusto kitang lapitan noon kaso baka sabihin mo na masyado akong pakialamero. Pero naglakas loob na rin ako pagtapos nun. Kaya kahit nahihiya pa, ay nagtext ako sayo at nakipagkaibigan.”, pagpapaliwanag nya.

            Nabigla ako sa mga nalaman ko. Kaya pala timing na timing. After ko nakuha ang panyong yun sa tabi ko ay shortly, nagtext sya at nakipagkaibagn na. Bakit ba hindi ko to nakita noon pa? Ni hindi man lang ako nagkaroon ng ideya na sya pala yun. Sya pala ang matagal ng nakakapagbigay comfort sakin all these time.



            After nung gabing yun ay napagdesisyunan kong pagbigyan ang sarili kong tingnan at estimahin sya. Sinubukan kong buksan ang puso ko para sakanya. Though di pa kami, ay alam ko, one of these days, ay dun na rin ang punta namin. Mas naging sweet sya sa akin. Kahit anong pagod nya sa gabi ay sinusundo nya ko sa umaga para ihatid sa school. Mas naging ma effort sya sakin na mas kinakakilig ko naman. Sa uwian naman ay hinihintay nya kami ni Jenny at sabay na kami nagpupunta sa training. Kadalasan ay may dala pa syang meryenda para samin ni Jenny at sabay sabay kami kumain bago pa magtraining. Konting kalabit pa, at for sure, magiging kami na.

            Masaya ang mga nangyayari sa buhay k okay Mingming. Pinapasaya nya ko araw araw, at di sya nauubusan ng pagsurprise sakin na sya naman kinahuhulog at lapit ng loob ko sakanya.

            Tungkol naman kay Philip, oo, may parte pa rin sa loob ko na nasasaktan sa twing nagtatagpo ang mga mata namin. Mas ramdam ko na kasi ang pagiwas nya. Kahit pa hindi na sya ganoon ka busy ay di nya na ko binibigyan ng time. Sa twing kakausapin ko sya, wala naman daw kaming problema. Kahit pa ramdam na ramdam ko na meron. At ang mas masakit pa dun, sa twing tinitingnan ko sya sa kanyang mga mata ay kitang kita ko pa rin ang mga nangungusap nyang mata na pauulit ulit na sinasabi kung gaano nya ko kamahal.. :(

            Wala na kong nagawa kundi tanggapin ang kalagayan naming yun. Siguro, napagod na sya na umasa sakin, pagod na sya maghintay sakin. Mali ba ang ginagawa ko? Hindi ko alam. Gusto ko lang naman siguraduhin sa sarili ko na handa na ulit ako magmahal. Ayoko na magpadalos dalos. Masama ba ang intensyon ko na buohin muna ang sarili ko para maibigay ko sarili ko sakanya ng buong buo? :(    
    
           

            Disyembre nanaman at malamig na ang hangin.. Ito rin ang bwan ng birthday ni Philip at ni James at pagtapos naman nun ay pasko na.. At syempre, tulad ng inaasahan, ay nagkaroon ulit ng salo salo para sa kaarawan ng kambal.

             Habang nasa bahay ako at nagbibihis ay di ko maiwasang hindi kabahan. Pupunta lang naman ako sa party, pero sobra ang kaba ko. Hindi ko alam kung papansanin ako ni Philip. Nakakatawa mang isipin, dahil kahit pa konting kembot na lang ay sasagutin ko na si Mingming ay andun pa rin sakin at umaasa na sana si Philip pa rin. Araw araw kong sinasabi sa sarili ko na tanungin lang nya ko ng isa, ay agad agad ko na syang sasagutin. Alam ko masasaktan ko si Ming kung nagkataon. Pero ganun din naman sa huli, isa sa kanila ang masasaktan kapag pumili na talaga ako ng mamahalin. Isang mahirap na desisyon para sakin.

            Sabay kaming pumunta ni Jenny sa bday ni Philip at James. Alam nya kasi na di ako mapakali. Kaya I need her most right now. Sabay kaming bumaba ng taxi at pumasok ng bahay nila Philip. Pagpasok na pagpasok ay nakita namin si James.

            “Uy! Jenny, Jerry, pasok!”

            “Happy birthday James..”, nahihiyang sabi ko sabay abot ng regalo ko.

            “Tol, happy birthday!”, sabi naman ni Jenny at abot din ng regalo nya.

            Nang maabot ni James ay kinapakapa nya to at excited na binuksan,

            “Lintik! Akin na talaga to?! Nako!! Salamat talaga Jerry!”, tuwang tuwa na sabi ni James.

            “Nakakahiya nga kasi hindi naman bago yan.”, nahihiya kong sabi.

            “Nako, isang beses mo lang naman to nagamit diba?! Nako salamat talaga ha. Alam mo ba, dapat aarborin ko na talaga sayo to noon pa ee, kaso nakakahiya naman. Salamat talaga sa sapatos na to. Makakatulong to sa pagtakbo ko!”

            “Mabuti naman nagustuhan mo..”

            “Oo naman noh! Oh teka ayan na pala si Philip eh! Philip! Halika! Andito si Jerry oh!”

            At doon lumingon ako patalikod. Nakita ko syang palapit ng palapit. As usual, ang gwapo pa rin ng kanyang maamong mukha. Habang palapit sya ng palapit ay mas lalo akong kinakabahan hanggang sa tuluyan na syang nasa harap ko. Kailangan ko ng gawin to. Wala na kong paki alam sa kung ano mang kalalabasan ng gagawin ko. I have to do this.

            “Philip……”



Si Philip.

            Naamin ko na kay Jerry ang nararamdaman ko kahit pa sa paraang di ko inaasahan. Maraming nangyari pagkatapos ko sya saluhin ng makita ko syang lasing at umiiyak. Pero ok na rin yun, dahil nasabi ko na ang gusto ko.

            Bumalik ako kinakabukasan at pinagluto sya. Gabi na sya nagising kaya sigurado akong gutom na sya. Sinabi kong babawi ako sakanya at yun talaga ang plano ko. Wala na kong pakialam ngayon. Ngayon pang marami na kong kakompetensya sa puso nya. Hindi na ko dapat magpatumpik tumpik pa.

            Naging maayos ang takbo ng muli naming pagiging pagkakaibigan ni Jerry. Unti unti ko ng naayos ang gap na nasa pagitan naming, unti unti na rin nagkakalapit ang loob namin ulit. Hindi ko na sasayangin to. Ngayon pang alam kong mahal nya rin ako..

            Isang araw ay nagpasya akong yayain si Jerry kumain sa labas pagtapos ng training nya kaya naghintay ulit ako sa bleachers na pinaguupuan ko noon pa. habang naghihintay ay aliw na aliw naman akong pinapanood si Jerry sa pagsasayaw. Nakakaaliw at ang cute nya talaga tingnan kahit kelan.

            Maya maya ay natapos na ang training nila at nag water break muna sila bago mag meeting. Kaya agad akong lumapit kay Jerry at niyaya sya na lumabas. Fortunately, pumayag naman ito. Yes! Ang saya ko!

            Natapos na ang meeting nila at hinintay ko na si Jerry. Pero lumapit ito sakin at tinabi ang gamit nya sa tabi ko. Mag ccr lang daw muna sya at hintayin ko lang daw muna sya dun. Agad naman ako pumayag.

            Habang naghihintay ako ay may di ako inaasahang nangyari. Biglang lumapit sakin ang coach ng Pep at umupo sa tabi ko. Pagkaupo ay may kinuha sya sa bulsa at binuksan ito. Isang singsing, whitegold.

            “Ganda noh?”, sabi ni coach.

            “Oo coach. Maganda.”, simpleng sagot ko.

            “Ang magsusuot nito ay susunod kong magiging lover.”, medyo may pagkasarkastiko nyang sinabi.

            “Ganun po ba coach. Good luck po.”

            “Oo, sisiguraduhin ko magiging akin sya. Sa kahit anong paraan. Di ako papayag na mapunta sya sa iba.”, matigas na sabi nya sakin.

            “Ganun ba.”, simpleng sagot ko pa rin.

            “Oo. At bukas, ibibigay ko na to kay Jerry. Kaya pag nakita mo ng suot nya to. Layuan mo na sya.”, matigas nyang sabi sabay tayo at naglakad palayo.

            Natulala ako sa narinig. Si Jerry? Si Jerry ko? Nako, pano to. Hindi pwede. Alam kong ako ang mahal ni Jerry, hindi nya susuotin yun. Kilala ko si Jerry. Pero kinakabahan ako, pano kung tanggapin nga ni Jerry yun? Paano ako?

            Nasa ganun akong katayuan ng biglang bumalik si Jerry.

            “Oh, tara na?”, nakangiti nyang sinabi sakin.

            At umalis na nga kami.

            Hindi ko alam kung san kami pupunta. Gusto kong maimpress sya sa pupuntahan naming at di nya ko makakalimutan. Gusto ko wag nya ko kalimutan para di nya tanggapin ang singsing na yun. Whitegold pa man din yun. Paano yan? Wala akong malaking halaga. At sa fastfood ko lang sya kayang pakainin? Nakatingin lang ako kay Jerry. Natatakot ako na baka ito na ang huling labas namin.

            Naisipan ko na sa Mcdo kami kumain. Kahit pa hindi ito first class restaurant ay marami namang alaala sa amin ni Jerry dito. Nakakalungkot kung iisipin dahil dito din kami unang kumain at nagusap. At mukhang dito na rin ang huli. :( Hindi ko kaya.. Hindi ko kakayanin :(

            Naging napakaemotional para sa akin n gaming paguusap. Sinabi ko sakanya na namis ko ang pagkain naming sa Mcdo, ang magkasama kaming dalawa kahit di kami masyado naguusap. Gusto kong umiyak sa harap nya. Gusto ko sabihin na wag nya tanggapin ang singsing. Pero gusto ko gawin nya yun ng kusa. Ayoko ng dahil pinigilan ko lang sya. Dahil alam kong mali yun.

            Niyaya ko sya na maglakad pauwi. Natawa sya dahil akala nya ay nagbibiro ako. Pero napapayag ko din sya. Ako ang nagbitbit ng gamit nya. Hindi ko na maiwasan ang pagkabilasa hanggang sa makarating sakanila. Napansin nya ito kaya nagsalita na ako.

“Jerry…”, halos mangiyak ngiyak kong sambit sa pangalan nya.

            “Hmmmm?”

            “Sana bigyan mo pa ko ng panahon. Please. Patutunayan ko sayong mahal kita.”, tiningnan ko sya ng buong pagsusumamo. Sana maintindihan nya ang ibig kong ipabatid. Yun lang ang nasabi ko. Nakita ko syang ngumiti at tumungo. Medyo gumaan ang loob ko.

            Kinabukasan ay sinundo ko si Jerry tulad ng nakagawian. Buong araw akong di mapakali dahil pagtapos ng training daw ibibigay ni Coach ang singsing kay Jerry. At pagsinuot to ni Jerry, ibig sabihin ay tinatanggap na nya ang pagmamahal ni Coach sakanya.

            Nagdaan ang maghapon ng di ako mapakali. Isip ako ng isip sa mga mangyayari. Only God knows how much I prayed na sana di nya tanggapin ang singsing na yun. Lahat na ata ng santo at pontio pilato ay natawag ko na.

            Dumating ang gabi at di ako makatulog. Iniisip ko na nasa isang restaurant si coach at si Jerry ko. Tinanggap nya kaya ang singsing? Shit… Sana huwag.. Please.. Huwag sana..

            Kinabukasan ay maaga akong nagayos pero di pa rin ako umaalis ng bahay. Kinakabahan ako sa aabutan ko pagdating kaila Jerry. Hanggang sa pag alis ko at makarating ako malapit kaila Jerry ay nagdadasal pa rin ako na sana di nya suot ang singsing na yun.

            Pagkarating ko kaila Jerry ay di ako maka katok sa gate nila. Pero kailangan na dahil baka malate na kami kaya naglakas loob ako na kumatok. Maya maya ay binuksan nya na ang pinto.

            Pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto ay gusto kong manlumo. Gusto ko biglang maglaho. Gusto kong umiyak dahil parang tinarak ang puso ko ng sabay sabay at paulit ulit. Una kong napansin ay ang singsing sa kamay nya.

            Hindi na ko nagsalita simula noon. Natalo na ako. Tinanggap nya na ang pagmamahal nung coach na yun. Kailangan wag ko ipahalata sa kanya. Kahit pa dinudurog na ko sa sakit. :(

              Napansin ata ni Jerry ang pagiging apektado at tahimik ko kaya din a din ito nakatiis at tinanong ako.

“Philip, are you ok?”

            “Yeah.. I’ll be ok..”, kahit pa hindi tlga ako ok.

            “You’ll be ok? Bakit? May prob ba?”

            “Hah.. Wala. Don’t mind me. Im fine.”, pinilt kong ngumiti kahit pa naiiyak na ko.

            Sabay kinuha ko ang kanang kamay nya.

            “Wow. Bagong singsing! Ganda ha! Nice ring..”

            “Ah, oo. Kahapon lang. Ganda noh?”, nakangiti nya pang sinabi.

            “Oo nga ang ganda..”, malungkot kong sagot.

            “Are you sure na ok ka lang?”, pag aalala nyang tanong.

            “Yeah, Im good. Wag ka magalala.”, kahit pa gusto kong sabihing hindi.. Im not anywhere near OK……. :(

            Simula noon ay sinubukan ko ng umiwas, but this time for good na.. Dati umiwas ako dahil AKALA ko wala na kong pag asa. Pero ngayon, SIGURADO na ko dahil tinanggap nya na ang pagmamahal ni coach. Kaya wala na rin saysay pa para ipaglaban ko pa sya. Kahit pa mahal na mahal ko pa rin sya..

            Hindi ko na rin sya hinintay sa training nya pagtapos, hindi ko na sya pinanood dahil ayoko pang saktan ang sarili ko. Pagtapos ng training ko ay dumirecho na kong umuwi. Nakita ko ang mga text nya at tawag ngunit mas pinili ko na lang tong dedmahin. Maya maya ay tumawag nanaman sya. Gustong gusto ko na tlga sagutin. Gusto ko marinig ang boses nya kahit pa para sa wala na. Tumawag xa uli pero di ko pa rin sinagot. Hanggang sa tumawag ulit sya. Hindi na ko nakatiis kaya kahit naiiyak ay sinagot ko na ito.

            “Hello Philip?”, agad na tanong nya pagkasagot.

            “Oh.. Napatawag ka..”, naiiyak at nanghihina kong sagot..

            “Hah. Ah, eh.. Ok ka lang ba? Di kasi kita nakita buong araw..”, halata ang pagalala sa boses nya. Pero natameme ako dahil umiiyak na kong tuluyan.

            “Sniff..”, SHIT! Sana di nya narinig.

            “Teka, Philip, umiiyak ka ba?”, nagaalalang tanong nya.

            “Huh.. Ah hindi.. Sinisipon lan ako..”, pilit na pagtatanggi kahit pa daloy na ng daloy ang mga luha ko.

            “Ah.. sigurado ka?”

            “Oo jer.. Pasensya na din di kita nasamahan ngayong araw na to. Masama kasi pakiramdam ko.. Baka di din muna kita masundo bukas. Sige, tutulog na muna ako ha.”

            “Huh.. Ganun ba.. Sige.. Pahinga ka mabuti ha…”

            “Salamat”

            At pagbaba ng telepono ay nagiiyak na ko ng tuluyan. Mas pinahirapan ko lang ang sarili ko. Kaya eto ako ngayon, iyak nanaman ng iyak. Pilit tinatanggi sa sarili na nawala na si Jerry at ang pagasa kong maging akin sya.

            Nagdaan ang mga araw, linggo, hanggang sa dumating ang kaarawan naming ng kambal ko ay nagluluksa pa rin ako. Masakit pa rin sakin ang lahat. Hindi pa rin matanggap ng utak ko na wala na talaga kaming pag asa ni Jerry.

             “Philip! Halika! Andito si Jerry oh!”, pagtawag sakin ng kambal kong si James.

            Dahan dahan akong lumapit at nakita kong nakatingin sakin si Jerry. Hanggang napatigil ako sa harap nya.

            “Happy birthday Philip…”, bati nya sakin.

            “Salamat. Pasok ka.”, sabay talikod at naglakad palayo.

            “Philip, sandali.”, narinig kong sabi ni Jenny. Pero nagkunwari akong di ko narinig at nagdire direcho sa paglakad.

            Pero nagulat ako ng bigla may humawak sa kamay ko at pinigilan ako.

            “Pwede bang makipagusap sandali?”, nahihiyang sabi ni Jerry. Sabay alis ni Jenny.

            “Ano ba yun?”, matigas na tanong ko.

            Ang sumunod kong narinig ay syang nagpabilis ng tibok ng puso ko….




            “Philip.. Can we pretend that I’m yours….? Even just for tonight….?”



8 comments:

  1. waaah I hate GAB!!
    ok na sila ni philip then Gab gave an intention na sirain pa si phil!!
    wala na nga ang mahangin na Idol kong si ART tapos sya pala ang papalit!!
    >.< arrrggghhh

    ReplyDelete
  2. Eto ang una word na nabigkas ko pagkatapos kong basahin ang chapter na 'to....
    "WOW!"

    Ang galing ng pagkakasulat at pagkakasunodsunod ng pagyayari sa chapter na 'to.

    Ramdam ko ang emosyon ni Philiph at ni Jerry.
    Hanep talaga.

    It is worth the wait and it is a pleasure having read this.

    Somehow it is sad but uplifting my spirit to forgive, to hope, to trust and to love.

    Akala ko tuluyan ng mawawalang ng pag-asa si Philiph kay Jerry.
    Pero sa huling binigkas na mga salita ni Jerry I think mabubuhayan uli ng lakas ng loob si Philiph na ipaglaban si Jerry.
    Just a wishful thinking.
    But it can also mean at the back of Philiph's mind that it was just a gesture of Jerry to make him feel special just this once because it is his birthday.
    And also to show his deep appreciations for all the efforts that Philiph have done for him especially those last days they had spent together.
    It may mean goodbye...forever...

    I hope Jerry would open up his mind and sense those hesitations, confusions and fears that Philiph is experiencing that night.
    And reassure that everything will be alright and tell Philiph how he really feel towards him.
    He still have the same intense feeling after all that had happened to both of them.

    Hoping against hope...cross-finger...hehe...

    Pero ewan ko kay Jerry sabagay ganyan naman ata talaga ang mga main protagonist may pagkatanga at minsan masyado pang mahid at insensitive kaya lalong lumalaki yung problema eh...haha..joke lang po na-carried away lang...haha

    About si Mingming naman, napakasinungaling niya alam naman natin na kay Philiph galing yung panyo...yung panyo na nagbibigay ng comfort kay Jerry...tsk tsk...

    Sabagay may kasabihang
    "everything is fair in war and love"...

    sabi nga ni Balagtas sa isa sa kanyang obra...
    "O pag-ibig labis ang kapangyarihan,
    Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw;
    Pag ikaw ang 'nasok sa puso ninuman,
    Hahamakin ang lahat masunod ka lamang"

    hehe bigla akong naging makata...

    Pero sana lumabas ang katotohanan...bias parin talaga ako...Jer-Phil ako....


    CONGRATS Mr. Author...saludo ako sa'yo....

    ReplyDelete
  3. wee ang galing
    -yos

    ReplyDelete
  4. Tol, i can now see the sense in Philip... Para din kasi siyang si Caleb sa kwento ko, Hindi alam ang gagawin kapag nasa dulo na nang daan akala niya End of the road na, yun pala may detour pa na pwedeng daanan... Boto na ako sa kanya, pero alam ko may nangyayari pa kay Art, at babalik siya, sana makahanap na nang kasagutan si Jerry sa gabing yun at hindi puro kasinungalingan ni MingMing yung babalot sa buo niyang pagmamahal...

    Uri_KiDo10",)

    ReplyDelete
  5. omg omg im so excited amffff gusto ko agad agad ang kasunod awwwww gusto ko si philip....philip ako all the way :)

    ReplyDelete
  6. magnda, excited magbasa. thanks.

    -0309-

    ReplyDelete
  7. SI ART NALANG DAPAT BAKIT GANTO DAPAT SI ART YUNG MAKATULUYAN NYA :(((

    ReplyDelete