ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, November 13, 2011

Kiss The Rain Chapter 6

Pauna: Salamat po sa patuloy na sumusubaybay sa aking istorya na ginagawa. Pasensya na po kayo sa late na pag update. sobrang busy kasi sa office lately. si boss kasi nasa London pa so lahat ng work naka tambak sa amin.

Kenji – Friend salamat sa pag review! love na love talaga kita! ^_^ sama mo na si Jhas dun! hehehehe!

Kuya Jeffy – Ganda ganda ng Blog na. :P

Vincy – Lakas mang bola. lagi kinikilig pa pina pa proof read ko. hahahaha!

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy – Guys maraming salamat po!

 Pati na din sa mga silent reader at anonymous diyan. salamat po!


Kiss The Rain

Chapter 6 (Mama meets the boys)



______________________________________________________

Argel Joseph Francisco
______________________________________________________


“Hala!” ang tanging nasabi niya.

Napa ngisi naman ako sa naging reaction niya.

“Di ba napaka aga naman kung manghaharana ka sa bahay Argel?” Sabi niya sa akin na may alangan na ngiti.

“Sige huwag na lang. hatid na kita.” Malungkot ko na sagot sa kanya.

“Argel, sige na nga sabagay naman gusto ka makilala ni Mama. Be prepared lang.” may lambing na sabi niya sa akin.

“Talaga?! Alam ng Mama mo EJ? Open ka sa inyo? Manghang tanong ko sa kanya.

“Sa bahay mo na lang malalaman lahat.” Sabi niya sa akin sabay kindat.

Sumakay na kami sa kotse at nag drive na papunta sa bahay nila EJ.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse.

Siguro dahil sa kabado ako sa aking gagawin mamaya. At siya naman siguro dahil sa sasabihin ng magulang niya sa kanya.

Agad naman kami nakarating sa bahay nila EJ dahil sa walang maluwag ang traffic at tinuro niya sa akin ang mga daan na kung saan ay mas madali kami makaka punta sa kanila.

Nag park na ako sa harapan ng bahay nila EJ at medyo tensed na ang pakiramdam ko at mukhang napansin naman ni EJ ito.

“Hinga muna ng malalim. Di lalaban ang manibela sa iyo. Higpit ng hawak mo eh!” Sabi ni EJ sa akin na naka ngiti.

Ginawa ko naman ang sinabi niya sa akin at binalikan ko siya ng isang ngiti.

“Tara na pasok na tayo sa bahay.” Aya niya sa akin.




______________________________________________________

Erwin Joseph Fernandez
______________________________________________________



Bumaba na ako ng kotse at sinenyasan siya na sumunod sa akin.

Kinuha naman niya ang cake at ang gitara sa likod bago isara ang kotse.

“ako na magdadala ng cake.” Presenta ko sa kanya.

Inabot niya sa akin ang cake at napansin ko na may butyl butyl na pawis sa noo niya.

“Wag ka kabahan. Mabait si Mama. Open ako sa kanya. Saka hindi naman nangangagat yun.”

“O-o-ok. Sige halika na.” kabadong sagot niya sa akin.

Nauna akong pumasok sa kanya at siya ay tumayo muna sa harap ng pinto pagkapasok.

Pagkapasok ko ng bahay ay nadatnan ko si mama na nasa sala at nanunuod ng horror movie kasama ang kapatid ko.

“Mama, andito na ako. May kasama ako.”

“Win, nak. Buti naman. Sino kasama mo?” tanong ni Mama.

“Before yun Ma. Cake dala niya para sa atin.”

“Parang alam ko na kung sino kasama mo. Ngiting sagot sa akin ni Mama.

“Sino sa dalawa yan. Paupoin mo na doon sa sofa at gagawa muna ako ng milk tea sa kusina.” Dugtong ni Mama.

Binalikan ko si Argel sa may pinto at pina upo na sa sofa.

Tumabi naman ako sa kanya. Maya maya pa ay nilingon kami ng kapatid ko at tinitigan.

“Kuya. Anong pangalan mo?” tanong ng kapatid ko sa kanya.

“Argel. Ikaw ano pangalan mo?”

“Rizza. Pero Xang na lang. Kuya type mo kuya ko?” Pakilala at tanong niya ulit.

Napa hagikgik na lang ako sa tanong ng kapatid ko. Habang si Argel naman ay napalunok sa narinig niya.

“mas matinik kay Mama yan.” Bulong ko kay Argel.

Napatingin si Argel sa akin at tumango na lang ako. Senyas na ok lang na sagutin niya ang kapatid ko.

“O-o-oo. Gusto ko siya.” sagot niya.

“Ahhhhh…. Mabuting maliwanag. Mabait yang kuya ko. Huwag mo lang gagalitin magaling sa Taekwondo yan.” Pagkatapos naman niya sa sinasabi niya ay tumutok ulit ito sa panonood sa tv.

Napatingin ulit sa akin si Argel at binigyan niya ako ng isang nagtatanong na tingin.

“Oo nag taekwondo ako noong highschool ako.” Sabi ko sa kanya na kamot kamot ang ulo ko.

Napatango lang siya sa akin.

Maya maya pa ay dumating na di Mama na may dalang tray ng milk tea. 3 iced at isang mainit at apat na slice ng cake na dala ni Argel.

“Hijo inom at kain ka muna.” Abot ni Mama kay Argel ng maiinom.

“Mama, Si Argel po pala. Argel, Meet my ever dear Mama.” Pakilanlan ko sa kanila.

“Magandang gabi po.” Sabi ni Argel sabay mano sa Mama ko.

Napataas ang kilay ko ginawa niya.

“Aba ang bait mo naman. Pero please skip the mano na. it makes me feel old. Hahahaha!” Pag pansin ni mama sa ginawa ni Argel.

Naging maayos naman ang naging takbo ng usapan namin at mukhang natuwa pa si Mama kay Argel. Naalis naman ang hiya ni Argel kay Mama kaya naging mas open si Argel sa kanya.  Madami sila napagusapan  kasama na dito kung taga saan siya, saan nagaaral, anong course saka kung open ba siya sa family niya. Doon ko din nalaman na discreet pala siya at hindi alam sa family niya na ganoon siya.

Maya maya pa ay napansin naman ng kapatid ko na may dalang gitara si Argel.

“Kuya Argel, Para saan ang gitara?” tanong ng aking kapatid.

“Ah- Eh.. kakantahan ko sana kayo.” Sabi ni Argel

“Palusot ka kuya. Harana ka sana sa kuya ko nuh?” Sabi ng kapatid ko sa kanya na natatawa.

Si Mama at ako naman ay natawa dahil sa pagkabuko ng palusot ni Argel.

“Argel, Kanta ka na. Show us your talent” Udyok ni Mama sa kanya.

Napatingin naman si Argel sa akin at bingyan ko na lang siya ng tango.

Kinuha naman niya ang gitara niya at nag simulang tumugtog.

Kita naman sa mukha ni Mama ang pagkasabik sa kakantahin ni Argel.

Intro pa lang ay alam ko na kung ano ang kakantahin niya at natawa na lang ako.

Marry your Daughter – Bryan Mcknight





Ma'am, I'm a bit nervous

About being here today

Still not real sure what I'm going to say

So bare with me please

If I take up too much of your time.

See in my hand is a ring that your son gave .

he's my everything and all that I know is

It would be such a relief if I knew that we were on the same side

Cause very soon I'm hoping that I...

Napatingin na natatawa naman si Mama sa akin dahil sa pag alter ni Argel sa lyrics. Habang ako naman ay di alam kung kikiligin ba ako o mahihiya dahild sa mensahe ng kanta.

I'll marry your son

And make him my groom

I want him to be the only boy that I love for the rest of my life

And give him the best of me 'til the day that I die, yeah

I'm gonna marry your prince

And make him my king

he'll be the most wonderful groom ever seen

I can't wait to smile

When I walks down the aisle

On the arm of my father

On the day that I marry your son

Napasipol at napaakap sa throw pillow naman ang kapatid ko sa narinig niya. Kinilig din ata siya.

I'm gonna marry your son

And make him my groom

I want him to be the only boy that I love for the rest of my life

And give him the best of me 'til the day that I die, yeah

I'm gonna marry your prince

And make him my king

he'll be the most wonderful groom ever seen

I can't wait to smile

When I walks down the aisle

On the arm of my father

On the day that I marry your son



Maya maya pa ay si Mama ay tinatapik na balikat ko at sumenyas na kinikilig siya. Napahagikgik na lang ako sa pinakita ni Mama sa akin. Di ko naman masisi si Mama oo  nga naman sino ba di kikiligin sa ginagawa niya.



The first time I saw him

I swear I knew that I'd say I do


I'm gonna marry your son

And make him my groom

I want him to be the only boy that I love for the rest of my life

And give him the best of me 'til the day that I die, yeah

I'm gonna marry your prince

And make him my king

he'll be the most wonderful groom ever seen

I can't wait to smile

When I walks down the aisle

On the arm of my father

On the day that I marry your son



“Pakakasalan daw niya ako. Mahabagin Diyos ko.” Ang nasabi ko na lang sa sarili ko.

Pagkatapos naman niya kumanta ay napatingin ako sa kapatid ko at parang sira ito na naka ngisi sa akin at naka double thumbs up pa. Napailing na tumatawa lang ako sa kanya.

“Wala ba kayo mga kamay?” Naka ngiting sabi ni Argel sa amin.

Palakpakan naman kami nila Mama at ng kapatid ko.

Napansin ko naman na 15 mins na lang ay mag 12am na.

Nag senyas ako kay Argel. Tinuturo ko wrist watch ko at na gets naman niya agad ito.

Nagulat pa siya na mag 12am na at nagmadaling paalam sa Mama ko na uuwi na siya dahil baka mapagalitan siya ng magulang niya.

Bago naman siya umalis ay may pinahabol si Mama sa kanya.

“Argel, Remind ko lang lalaki pa rin anak ko.” Sabi ni mama bago siya sumakay ng kotse niya.

“Tita Sex or gender doesn’t matter on love. Kung sa kanya ba ako po sasaya bakit hindi di ba? Kahit na against all odds I’ll be with EJ.” Sabi niya kay Mama sabay kindat sa akin.

Halos mamatay naman ako sa kilig sa sinabi niya ata nakita naman ni Mama ito at ngumiti sa akin.

“Oh sige hijo ingat ka sa pag drive. Nice meeting you. Be nice on my Erwin ok?” Paalam ni Mama kay Argel.

“Opo. Salamat po Tita. Sige po uwi na ako. Bye EJ!” Si Argel.

“Bye Argel! Good night na din. ” paalam ko.

Bago niya patakbuhin ang sasakyan at kinawayan muna niya ako at kumindat muli.

Ng makalis na si Argel ay pumasok na kami ni Mama sa loob ng bahay at hinawakan ang ulo ko at ginulo buhok ko.

“Hay naku. Ang laki mo na talaga. Dati ang boys kalaro mo lang diyan sa harap ng bahay. Ngayon Manililigaw mo na.” Tawa tawang sabi ni Mama.

“Mama naman eh…. Di ko naman po kasalanan.” Sabi ko.

“Hala sige matulog na tayo. Wala ka pasok bukas at mag grocery tayo.” Natatawang si Mama ko.

“Opo. Goodnight Mama. Thank you!” Sabi ko sabay karipas ng takbo paakyat sa kwarto ko.

As usual pagkapasok ko ay ginawa ko ang routine ko at natulog na ako.




______________________________________________________

Donnie Domingo
______________________________________________________



Nagising sa ako sa mainit na sinag ng araw na galing sa bintana ng kwarto ko.

Tinignan ko ang orasan at 8:30am na bagong araw nanaman.

Bumangon na ako sa kama at nag ligpit ng pinag higaan ko. Bumaba ako sa kusina dahil alam ko na doon unang pumupunta si Dad para magluto ng almusal namin. Pero bigo ako wala akong Dad na inabutan kundi almusal ko na may takip at may isang kapirasong papel.

Don,maaga akong pumasok sa trabaho. Ikaw na bahala sa bahay at mag grocery ka na din. Wala na tayong stock. Nasa ibabaw ng ref yung listahan ng bibilhin mo at ang pera na kailangan mo.

-Daddy mo

Yun ang nakalagay sa papel.

“Sipag ni Dad talaga.” Sabi ko sa sarili.

Kumain na ako ng almusal at naglinis ng kaunti sa bahay. Pagkatapos naman niyon at naligo na ako at nag ayos para maka punta sa malapit na supermarket sa lugar namin.

Pero bago ako pumunta sa supermarket ay nag daan muna ako sa malapit na simbahan sa lugar namin para umattend ng misa. Minsan lang ako magpaka banal saka ayaw ko naman makalimot sa nasa itaas.

Maganda ang naging sermon ng pari. Tungkol ito sa panliligaw.

“Sa mga kabataan. Marami ang nanliligaw lang sa inyo para maka kuha ng throphy na pwede ninyo ipakita sa kaibigan o barkada ninyo o para masakatuparan ang makamundong pagnanasa ninyo. Tandaan ninyo. Pagnanligaw kayo kaagapayan ninyo ito ng pagmamahal at takot sa Diyos.” Sabi ng pari.

Tumatak naman sa akin ang mga linya na iyon at inistema ko ang sarili ko. Wala naman akong nakitang makamundong pagnanasa para kay EJ. Basta isa lang alam ko.

Gusto ko siya makasama, mahalin at protektahan. Pero sapat na ba iyon? Ah basta Susuong na ako sa panliligaw.

Natapos naman ang misa ng maayos. Papalabas n asana ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

“Papa Donnie! Yuhuuu! Lingon ka! Ditechiwa akech!” sabi sa akin ng napaka pamilyar na boses.

Paglingon ko naman ay di ako nagkamali sa aking hinala.

“Peth! Uy kasama mo pala si Kenji.” Sabi ko sa kanila.

“Yo!” walang kalatoy latoy na bati ng asiwang si Kenji sa akin.

“Peth, nagsisimba ka pala. Wala bang umuusok na parte diyan sa katawan mo?” Biro ko kay Jhepeth na naka angkla sa isang braso ni Kenji.

“Naman! Ano tingin mo sa akin Devil?” Sagot ni Jhepeth sa akin na naka taas pa isang kilay.

“Oo. Demonyo ng buhay ko.” Sabi ni Kenji.

Nakita ko naman nag salubong ang kilay ni Jhepeth sa sinabi ni Kenji na iyon at inambahan nito ng suntok si Kenji na handa naman umlilag.

Natawa naman ako sa eksena ng dalawa. Kung sino pa ang maliit siya pa ang matapang at sino pa malaki siya pa under.

“Sige bago kayo mag rambulan dalawa aalis na ako at mamimili na ako ng grocery stocks namin.” Sabi ko sa dalawa.

“Wait. Sasama ako. Tulungan na kita Donnie.” Sabi ni Kenji na iniwan si Jhepeth.

“Paano na si Jhepeth? Bakit iniwan mo?”

“Yaan mo na siya kinaladkad lang ako nun galing sa bahay tapos sapilitang sinama mag simba. Saka aalis yun kasama ang pamilya niya maya maya.” Mahabang paliwanag niya sa akin.

“Ahhhhhhhhh…… Sige.” Sabi ko na lang

Nilakad na namin ni Kenji papunta sa super market total walking distance lang at malilim ang umagang iyon.

Ng makarating naman kami sa loob ng super market ay nakipag unahan naman si Kenji sa akin na makipag kuhaan ng shopping cart. Parang bata na kumakanta kanta pa ito ng isang Kpop song habang tinutulak niya ito.

“Mag kakaibigan nga sila ni EJ at Jhepeth. Iisa ang takbo ng utak.” Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang pinag gagawa ni Kenji.

Nasa kalahati na ako ng aking listahan na bibilhin ay nakita ko si EJ na nasa kabilang aisle na may kasamang babae.

“Kenji, Di ba si Ej yun?” tanong ko sa aking kasama.

“Ah oo nga! Si EJ kasama Mama niya. Hala hanggang ngayon nag Coco pops pa din yun.” Sabi niya sa akin.

“Coco pops? Yung breakfast cereal?” Tanong ko ulit sa kanya.

“Yeah! Jusko bata pa lang daw paborito na niya yun. Sabi ng Mama niya sa akin.” Sagot niya ulit sa akin.

“Ah ok.” Sagot ko sa kanya.

Nakaisip naman ako ng paraan para mag pa impress kay EJ.

“Donnie tara lapitan natin.” Sabi ni Kenji sa akin.

Agad naman niya tinulak ang cart at tinawag si EJ.

“Erwinnnnn Frienddddddd koooo!” Sigaw ni Kenji habang kumakaway.

Napa lingon naman si Ej sa lugar namin at napangiti na nakita si Kenji at ako.

“Uy namimili din pala ko ngayon?” bati niya sa amin.

“Hi EJ.” Bati ko sa kanya na medyo nahihiya pa dahil sa kasama niya ang kanyang Mama.

“Hi Donnie, kamusta?” bati at pangangamusta niya sa akin na may kasamang matamis na ngiti.

“Ok naman ako. Mama mo kasama mo?” tanong ko sa kanya.


______________________________________________________

Erwin Joseph Fernandez
______________________________________________________


“Yup! Teka pakilala kita.” Sabi ko kay Donnie.

Lumapit naman ako kay Mama na kanina pa nakatingin sa amin.

“Ma, halika sandali po. Pakilala ko si Donnie sa iyo.” Saabi ko kay Mama sabay hila sa kamay niya.

ng makalapit na kami sa lugar nila Kenji at Donnie ay nakita kong medyo tensed na si Donnie. Sinalubong lamang ako nito ng isang pilit na ngiti.

“Hi Tita!!!” Bati ni Kenji sa aking Mama na kumakaway pa.

“Oh kamusta Kenji asan na si GF mo?” Tatawa-tawang biro ni Mama kaw Kenji.

Bigla naman nalukot ang mukha ni Kenji sa sinabi ni Mama.

“Tita naman. Alam mo naman nalamangan lang ako ni Jhepeth noon.” Dabog dabog na parang batang sabi ni Kenji.

Natawa lalo si mama sa ginawa ni Kenji. Pero napansin niya na tahimik na nakikinig lamang ang lalake sa likod nito.

“Hi hijo you must be Donnie. Tama?” Sabi ni Mama.

“Opo Mama siya si Donnie.” Magiliw ko naming sabi.

“Magandang umaga po.” Nahihiyang bati ni Donnie.

Nagkwentuhan naman kami habang nag iikot sa mga aisle at kinukumpleto ang pamimili.

Si Mama naman ay tanong ng tanong ng common questions kay Donnie.

Kita naman sa mukha ni Mama na gusto din niya ito.

Ng matapos mamili naman ay nag aya si Mama na kumain sa Jollibee.

Sinama naman ni Mama si Donnie na mag order sa  counter at iniwan kami ni Kenji sa  isang 4 seater na table.

“Win, Kinakabahan si Donnie sa Mama mo.” Sabi ni Kenji sa akin habang nakatingin sa kila Donnie sa counter.

“Oo nga pero Mama seems to like him naman. Napapangiti kasi sa mahiyaing ugali na pinakikita ni Donnie.” Sabi ko na di inaalis din ang tingin sa counter.

Maya maya pa ay dumating na sila Donnie na dala ang aming order na nasa tray sa tig isang kamay.

Napakamot naman ng ulo si Mama ng tignan namin ito.

“Makulit ayaw ako pagdalhin.” Sabi ni Mama sa akin.

Si Kenji naman ay agad na tinulungan si Donnie sa dala nito at lumipat ng upuan para magkatabi kami ni Donnie. Ng magkatabi naman kami ni Donnie na ay aagad kong tinanong ito.

“Ok ka lang ba?”

“Oo. Nahihiya lang ako sa Mama mo.”

Habang kumakain naman kami ay tuloy pa din sa tanong si Mama. Pero di na lang kay Donnie kundi pati sa akin na. Si Kenji naman ay tahimik at busy na kumakain ng spaghetti.

Doon din nalaman ni Mama talaga ngan nanliligw si Donnie sa akin. Pero wala naman kaso ito kay Mama.

Medyo ease  na si Donnie habang tumatakbo ang paguusap namin nila Mama.

Si Mama naman ay todo ang pag habilin sa amin. Puro mga do’s and don’ts ang mga ito.

Nagyaya naman si Mama na umuwi na ng matapos kami kumain dahil sa naalala niya na naiwan lamang ang aking kapatid magisa sa bahay.

Nag makalabas ng Jollibee ay pumara ng taxi si Mama at tunulungan naming tatlo na isakay ang lahat ng napamili namin.

“Donnie, Txt txt na lang tayo ah. Ingat ka sa pag uwi.” Sabi ko kay Donnie bago sumakay sa taxi.

“Sige mamayang gabi tawag ako sa iyo. Bye bye.” Sabi sa akin naman ni Donnie na nakatingin sa mata ko.

“Friend, Tunaw ka na. hehehehe!” Singit ni Kenji bigla sa amin.

“Sige Nagaantay na si Mama alis na ako.” Paalam ko sa kanila.

Bago ako sumakay ay nilingon ko muna sila at nakita ko naman si Donnie na kumaway sa akin at nag senyas ng heart sa akin. Kumaway naman ako pabalik dito at nag heart sign din at sumakay na sa loob ng taxi.

Pagkasakay ko ay pinaandar na ng driver ang taxi.

“Nak, I like Donnie din. Mahiyain pero same as Argel ramdam ko din na seryoso din siya sa iyo.” Sabi ni Mama sa akin.

Nagiti na lang ako at napakap kay Mama.

“Ma, Thank you!” sabi ko sa kanya habang akap akap ko.



Itutuloy.



1 comment: