ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, December 6, 2015

Project Popular Episode 2: You can't GAY Sia


Project Popular
Episode 2: “You can't GAY Sia”
Written by Rogue Mercado





Author's Note: Pauna ko na lamang ho na baka marami akong mabali na mga batas ng pagsusulat sa akda kong ito kaya huwag na po kayong magtaka kung may kakaiba sa kwento na ito pagdating sa pagkakasulat. Kung mapapansin niyo po eh gumamit ako ng “flashforward” sa huli dahil essential po ito sa takbo ng kwento. Ipagpapaumanhin ko na rin ho ang mga aspetong teknikal tulad ng balarilang Ingles (o Filipino) at ang mga typo dahil hindi naman sa nagmamadali ho eh masyado lang po ako nagagalak na makatapos ng isang kabanata at nais ko na itong ibahagi agad-agad kaya hindi ko na ito nalalaanan ng angkop na pagsusuri. Maraming salamat hong muli sa pagbibigay ng tsansa na basahin ang unang kabanata ng akda kong ito, hindi ko ho maipapangako ang araw araw na update ngunit maasahan niyong tatapusin ko ang aking sinimulan sa kwentong ito.

Maari niyo ho uli akong bisitahin sa aking Facebook at personal blog sa inyong mga komento o kritisismo:


Salamat ho!





Read your favorite Episodes here:




***************


June 2015
2 weeks
After the School Opening

“Oh? Somebody’s in the mood to go to school today.” paunang bati na narinig niya sa kanyang Uncle Sam habang naghahanda si Lenard Bismonte ng kanyang gamit papunta sa St. Lawrence Academy.

“Hindi naman talaga ako as in, kering keri na excited Tito eh. Kailangan ko lang patunayan sa mga Homo....ahm.. Homo, basta HOMOPHONES!!!! Kailangan kong patunayan na hindi ako basta-basta.” padabog na sagot ni Lenard sa kanying tiyuhin na kasalukuyang ini-enjoy ang kape nito sa umaga.

“Whoah! You’re really in the mood sweetie. And by the way it’s HOMOPHOBES not homophones.” nakangiti namang sagot ni Sam sa pamangkin.

“Basta yun na yun Tito. Imagine? First day pa lang ah Tito... First D-A-Y. Nakatikim na agad ako ng pangaasar at insulto sa mga taong yun. Ugh. Alam ko namang mangyayari to pero iba lang din talaga kapag mapapahiya ka sa 1st day of school mo eh. At dahil saan? Dahil mas maganda ako sa kanila? O dahil mas mayaman ako sa kanila? Haist! Ang hirap maging Diyosa, Tito.”

His Uncle Sam let out a chuckle.  Pagkatapos ay tinanong siya nito.

“Let me guess? St. Lawrence Academy and it’s transphobic admin and students, yeah?”

Tumango si Lenard at nagpakawala ng mahabang buntong hininga. Nakita naman niya ang kanyang tiyuhin na sumenyas na tumabi siya rito sa mahabang sofa na nasa living room.

Agad naman siyang pumunta sa kinauupuan ng tiyuhin at hinayaan ito na yakapin siya ng buong pagmamahal gaya ng isang magulang na pinapatahan ang nagwawalang bata.

“I already told you sweetie. St. Lawrence Academy is my alma mater. You’re not only against those good for nothing students but you are wanting to shake their tradition of fundamental beliefs... It’s a Catholic school, what would you expect?”

Lumingon naman si Lenard sa tiyuhin na balot ng matinding pagkatalo ang mukha.

“Tito, alam ko naman yung gusto mong mangyari. You want to step me with reality eh. Pero.... ”

“It’s slap, sweetie. SLAP. Not Step. Slap with reality.”

“Oh yun nga Tito. Ang akin lang naman. Hindi na ba pwedeng mabago? Hindi ba pwedeng ipaintindi sa mga ‘to na ayokong magpagupit ng semi kalbo at ayaw kong suotin ang baduy nilang uniform at yung panlalaki pa talaga.”

“Sweetie.. St. Lawrence has been here for like, 60 years. Institution na ito. It would take a great deal of force para baguhin ang nakasanayan. I told you about a classmate of mine who’s like you and God, terrible things happened to her at school. It’s not yet too late to transfer sweetie. Marami pa namang magagandang schools eh. I’m just worried about your safety. “

“Tito, naalala mo pa ba. Nung elementary pa ko? Ikaw nga nagsasabi sakin, huwag kong isusuko tong gandang to. Oh..oh.. Saka Tito, nasa G ka naman ng LGBT ah? Bakit hindi mo ko maintindihan?” tuloy tuloy na pakikipagtalo ni Lenard sa tiyuhin habang iminumwestra ang mukha.          

“Yup. That was when you’re elementary. I want you to do what you want because no matter how gay or girly it is, people would find it cute. It’s different now. It’s highschool. You have raging hormones. You guys are aggressive. People will misinterpret your actions even if you have good motives.”

“Ah basta Tito. NO. Hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para maging reyna ng St. Lawrence Academy. Ako pa. Ako yata si Len Bismonte!” matatag na saad ni Lenard sa kanyang tiyuhin habang tumayo siya sa kinauupuan at nag-pose na parang modelo ng Victoria’s Secret.

“Are you really serious about this GOAL that you want to achieve in St. Lawrence Academy?” tanong ng tiyuhin niya sa kanya.

“Oo naman Tito. Hindi ba obvious? Hindi naman ako magwawala ng ganito kaOA kung alam kong nalo-loss ako sa mga taong ito.”

Ang kanyang Tito naman ang bumuntong hininga bago nagsalita.

“I knew you very much sweetie. I know you’re persistent. You wont stop at nothing hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo. A typical Bismonte trait. That’s why our family members are successful businessmen. They don’t take shits. They shit and let people crave for it.”

“Tito, wala nga sila Mommy at Daddy dito diba? Nasa bakasyon. Saka bakit ini-extra mo ang pamilya pa nating iba? Tayo nga naguusap Tito eh, nakaka-aning ka ah.”

“Sweetie, what I’m trying to say is... Kung gusto mong makuha ang gusto mo sa St. Lawrence Academy. Magdamit ng girl’s uniform. Wag magpagupit ng buhok. You need to be a Bismonte for that. Don’t stop until you got it.”

Napaisip naman si Lenard sa makahulugang pahayag ng kanyang pinakamamahal na tiyuhin.

“Paano nga ba maging Bismonte?” tanong niya sa sarili.

“Maybe now, you realize what I’m trying to say huh?” nagaabang na tanong ni Sam sa pamangkin habang nakikita itong natutulala.

“Hindi ko pa rin alam teh.” bulalas naman ni Lenard sa tiyuhin.

“Oh God. Okay..okay. What does our family have in this place huh?”

“Ah.... pera?” sagot ni Lenard sa tiyuhin.

“Close. But no. Yun ang gusto nating makuha sa mga negosyo natin sweetie. Pero bakit ba tayo ginagalang ng tao? Bakit ba tayo ang nilalapitan sa mga donations? Charity events? Funeral support? Kung may iba pa namang mayayaman. Bakit tayo pamangkin?”

“Da...dahil... Sikat tayo?”

“Perfect!!! I just have to give you more clues for you to get it. We’re famous sweetie. We’re known to our ka-barangays, in this city. And once you’re famous. You have influence on people. Kaya mo silang impluwensiyahan kung ano sa tingin mo ang dapat mangyari.”

Parang sinabugan ng isang timbang biyaya si Lenard habang nakikinig sa litanya ng kanyang Tito. Unti-unting kuma-klaro ang lahat sa kanyang isip. Kung kaya lang sanang masilip ng tiyuhin niya ang kanyang imahinasyon na naglalakad siya sa isang red carpet habang nagpapa-autograph ang mga estudyante kabilang ang mga nanlait sa kanya.

“Sweetie....” mahinag tawag ng Uncle Sam niya habang inalog siya ng bahagya.

“Huhhh?” gulat na sagot ni Lenard.

Hindi niya namalayang nadala na siya ng mga ini-imagine niyang mga pangyayari sa kanyang utak.

“Pero hindi lang to panaginip Lenard.. ay.. Len pala. Dahil alam ko na ang sagot.”  natutuwa niyang pakikipagusap sa sarili.

“Sweetie, enough of day dreaming and get out of here. It’s almost 8.”

Nilingon naman ni Lenard Bismonte ang kanyang Tito Sam at agad naman niya itong nginitian ng pagkatamis-tamis bilang pasasalamat sa gintong aral nito bago siya pumasok.

“What’s with the smile? You need to go now or else you’ll be late sweetie.”

Mas lalo pang kinintaban ni Lenard ang pagkakangiti gaya ng mga Ms. Universe candidates pagkatapos ay sinagot nito ang tanong ng kanyang Uncle Sam:

“Tito... Walang reyna na nauuna pa sa mga kawal.”

Lenard’s Uncle smiled like a proud father.

Project Popular Episode 1: "We're Different"



Project Popular
Episode 1: “We’re different”
Written by Rogue Mercado



Author's Note: Hello ho! Rogue Mercado po uli ito. Malamang sa mga nakakakilala sakin at mga nakakabasa ng aking mga munting akda ilang taon na ang nakakaraan eh inis na kayo sa akin. Sa mga patuloy po na nagtatanong kung bakit wala pang karugtong ang The Accidental Crossdresser and Way Back Into Love Book 2 marapat lamang po na bisitahin ang link na ito: http://roguemercado.blogspot.com/2015/11/why-stories-accidental-crossdresser-way.html 
para sa aking pagpapaliwanag. Kasabay rin ng paliwanag na iyan ang dahilan kung bakit magsisimula akong muli sa panibagong kwento na ito

Sa mga hindi naman nakakakilala, yes!!! Kidding. Ako po ay isang baguhang manunulat lamang at ito po ay isang akdang nais kong tapusin gaya ng Way Back Into Love. Kung kayo po ay may libreng oras ay maari niyo pong basahin ang kwento kong ito. 


Salamat ho!






***************

June 2015

“As the usual part of the first day in school, I would like to officially welcome you all to St. Lawrence Academy. The one and only high caliber secondary school here in Bicol. I’m Mrs. Teresa Antonio and I will be your class adviser for 1-Rizal. And yes we’re called section one because you people are the brightest and richest? I’m kidding. Haha. You’re the cream of the crop so welcome.”

Lenard Bismonte was at the middle part of the classroom. Hinayaan niyang magbunganga ang nagpapakilalang adviser nila bilang freshmen ng St. Lawrence Academy. Mahirap para sa kanya ang makibagay o makihalo sa lahat ng mga kaklase niya dahil hindi siya nakauniporme tulad ng karamihan.

Pinili niyang magsuot ng ladies skinny jeans at disenteng pantaas na walang bahid ng pagiging brusko. When he stared his reflection ay para siyang napalundag sa tuwa ng makita niyang mukha siyang mayora ng kanilang siyudad. Kaya ngayin hindi niya maiwasan na mapatingin ng diretso o ibaba habang nakikita niya ang mga mata ng kanyang mga kaklase at ang mga bulungan ng mga ito.

“Tol, tingnan mo o may chic sa harapan”


“Ulol, ano ang chic diyan. Eh yung dyoga niyan baka yung nabibiling siopao sa canteen.”

“Who’s that? I mean, are we even allowed to crossdress here? I thought St. Lawrence is a Catholic school.”


“Oo nga no? How come they allowed such student to be enrolled here. Diba dapat kinikick out yang ganyan?”

“Alam mo okay lang naman sana magdamit pambabae basta yung… alam mo yun. Yung bagay mo. Kasi this is just soooooo trying hard.”

Sa sobrang ritmo ng mga naririnig niyang halakhakan at side comments patungkol sa kanya. Hindi na mawari pa ni Lenard kung ang intension ay kutyain siya o gawin siyang mas mababa sa tao.

Napangiti na lamang siya. His so-called classmate don’t know what he’s about to say.

“So, people. I already introduced myself. I would like to know everyone. I can’t promise to memorize everyone’s name but I’ll try my best as your class adviser.  So, people… volunteer? Anyone from the class?”

Agad na itinaas ni Lenard ang kanyang kamay at iwinagayway ang kuko na may violet nail polish.

“Yes, Mr.?” tanong ni Mrs. Antonio sa kanya.

“Bismonte.” Maikli niyang sagot.

“Okay, Mr. Bismonte. You may proceed in front and tell us something about yourself.”

Tumayo siya mula sa kinauupuan at agad na narinig niya ang mas pinalakas pang bulungan at pasimple hagikhikan ng buong klase. May nagtangka pa ngang sumipol at sinundan ito ng kantiyawan ng mga lalaki na nasa likod.

Hinarap ni Lenard ang buong klase. Bumuntong hininga siya at saka nagsalita.

“Hello everyone. My name is Lenard. Lenard Bismonte. Maybe…uhm. Maybe I doesn’t have to tell you what about me. Right? Cause Im thinking you judged me already na eh. Because of what I wears today? Right? I can sure you that I’m different from those people in the Parlor. Right? Cause I have a lot of money. My parents. And I decides to stand my outfit. That’s all, thank you.”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHA”

Pulos tawanan at hagikhikan lang yata ang naririnig niya matapos ang kanyang sagot na pinagiisipan pa niya pang mabuti kanina. Matapos ang halakhakan ay narinig niya ang mga ito na may iba iba ng pasaring ngayon.

“Girl, ano ba. Ayusin mo muna grammar mo bago mo baguhin ang dresscode ng school.”

“He said he’s a Bismonte right? Akala ko ba matatalino ang mga Bismonte? Haha”

“He literally talks like that person from a parlor which my mom is a patron.”

Subalit hindi natinag si Lenard sa mga sinabi ng kanyang mga kaklase. Taas noo pa rin siyang bumalik sa kanyang upuan at plinaster sa mukha niya ang 24-teeth smile na ilang beses niyang pinagaralan sa mga beauty pageant.

“Makikita niyo, babaguhin ko ang mga opinion niyo sa akin.” pangako niya sa sarili habang unti-unti na niyang pinaplano ang mga susunod na gagawin sa prestihiyosong paaralan ng St. Lawrence.