ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, December 2, 2013

Unbroken 2.1


FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/


* * *

Comments are welcome pala ha? Hehehehe

* * *


Spoiled brat. Isang tipikal na anak-mayaman. Chinito. He has the proper mix of sophistication and arrogance for he's the only son of Randell Chua-Madrid, isang stockholder ng ilan sa mga bigating multi-corporation internationally.

Lumaking mariwasa at di nakakaramdam ng hirap. Hindi alam kung paano ang magcommute, laging nakakotse sa t'wing papasok ng eskwela. Baon nya sa isang araw ang tuition sa school ng ibang estudyante. Kahit anong ituro nya sa mall, regardless of the price, agad nyang makukuha. That's how he was raised. It's not his fault that he's born with a silver spoon.

He can be sociable, he can be snob. He's totally unpredictable.

He and his father always fight. May pagkarebelde sya. He follows his heart kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao. He goes for what his heart feels. His father wants him to take Medicine, he took Fine Arts. Lagi silang nagaaway, his father wants him to be like him. Pero ayaw nya, for him, businesses are like shit. Mahalaga sa kanya ang kanyang passion sa pagpipinta, maging sa musika. He likes composing songs, he likes singing, he likes performing, pero para sa kanyang ama, walang papatunguhan ang buhay nya kung ito ang kanyang landas na tatahakin.

He likes to surround himself with people that share the same passion with him, regardless of their financial statements. Kahit na may pagkaspoiled at maluho, he knows how and when to be humble. Though he's very vocal with what he feels and drops it in front of you.

He's very private. No one knows his affairs and his flings. No one knew he's got an understanding with his bestfriend Miguel.

He's in a relationship with a girl named Carly, an Irish-girl that has lived in the Philippines for a few years now. He thought they share the best relationship until one day, he saw her cheating. He felt devastated. He became bitter. He doesn't want to love again. Until one day, bumalik si Carly sa kanya.

“Please. Let me in again. Please. I'm wrong and I'm sorry. I won't do it again.”

“Please.”

He saw her shed tears. Being the merciful and the kind-hearted guy he is, binigyan nya ito ng pagkakataon. Naging sila ulit. At first, naging aloof sya at si Carly ang patuloy na nanunuyo, pero ng maglaon, nasanay na siya with Carly around, again. He felt that he has already forgiven her, but he's uncertain kung nakalimutan nya na ang mga ginawa nito sa kanya. They have continued their relationship.

On their 3rd year anniversary, he planned to surprise Carly. He arranged a dinner for 2 sa paboritong restaurant ni Carly. He called her several times pero unattended ang phone. Lumipas ang araw pero walang paramdam mula sa nobya. Kinabukasan, agad nyang sinilip ang phone to see if Carly messaged him, sa kasamaang palad, wala kahit isa. Feeling so depressed, he grabbed his favorite Black Long Sleeves, faded jeans at ang kanyang Salvatore Mann na leather shoes. He has to go to his comfort place. He has to go to Baguio.

He drove alone to that place. He drove alone to Baguio. Para makalimot. Para kahit papaano ay marelax.

His name is John Daniel Chua-Madrid.





Palaban. He's the kind of guy that gets what he wants and fights for what he wishes to have. Isang tipikal na iskolar na galit sa kahirapan. Naranasan nyang kumain ng NFA rice once at pinangako nya sa sarili nya na hindi na ulit sya makakakain nun. Kahit hirap na hirap, pinilit nyang pagsabayin ang pagaaral sa kolehiyo at ang pagteteatro. Main stay din sya ng isang lounge sa Pasay kung saan kumakanta sya ng American Standards.

Nakita nya kung gaano kalaki ang Maynila. Naaral nya kung paano gumalaw at magisip ang mga tao sa syudad. Naging mas bukas ang kanyang isip sa panganib at kagandahan ng Maynila. Nasanay syang makibagay sa lahat ng uri ng tao. He garnered a lot of friends

Isa syang ambisyosong tao. Lagi nyang iniisip kung paano nya maiaalis ang kanyang nanay sa kanilang apartment na inuupuhan sa loob ng 19 na taon. Kung rent to own nga ito ay malamang matagal na itong sa kanila.

Galing sya sa isang broken family, di nya kasundo ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki at tanging ang nanay lang nila ang nagtaguyod sa kanilang magkapatid. Alam nya ang hirap nito, alam nya na dapat nyang iprioritize ang kanyang pamilya. Dapat nyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina. Dapat.

Mula nang sya'y pinanganak, alam nya na sa sarili nya na iba sya. Hindi sya tulad ng ibang lalaki. Alam nya sa sarili nya na may kakaiba sa kanyang kaloob-looban. He still plays with boys. He does games na pisikal. Lagi syang napapaaway nung bata pa sya at nakikipagsuntukan sya. Ganunpaman, alam nyang may atraksyon syang nararamdaman para sa kapwa nya lalaki.

Tulad ng ibang kabataang dumadaan sa tinatawag nating identity crisis, nilabanan nya ito. Pinilit nyang itama ang kanyang mga nararamdaman. Alam nyang mali at natatakot sya sa magiging reaction ng mga tao sa paligid nya. He decided to go in a relationship with a girl named Patricia Elise or Pixel. Ilang buwan lang silang nagtagal at naghiwalay din sila. After months, naging close friends sila ulit. Naging parang wala na lang ang nakaraan sa kanila. Mahalaga sa kanila ang ngayon. Magkaibigan sila, matalik na magkaibigan.

Dumating ang ilan pang mga buwan, nagkaroon sya ng bagong nobya, si Cindy. Laking tuwa nya dahil naramdaman nya talaga na tinatangi nya ito. Ramdam nya na mahal nya ito at mahal sya nito. Maganda din si Cindy, maputi at makinis. Parang biglang nawala sa isip nya ang atraksyon sa kapwa-lalaking meron sya noon.

Naging mas masaya pa sila ni Cindy, nagplano sila para sa kanilang bukas. Inisip nila kung ilang supling ang gagawin nila at kung saan sila titira. They planned for their future. They planned for their family. They planned to build a home.

One time, sinama sya ng amo ng kanyang nanay sa Baguio to attend a convention. Nagaantay sya sa labas ng hotel nang makita nya ang isang lalaking nakasuot ng black long sleeves. Nakasandal ito sa kanyang itim na kotse at mukhang malalim ang iniisip. He couldn't take his eyes off of him. Napuna ng lalaking nakaitim na nakatitig sya rito, tumingin ito. Halata ang gulat sa kanyang mukha, ito ay biglang napangiti. Kita nyang ang pantay-pantay na ngipin nito. Bumilis ang kabog ng kanyang puso. Nakaramdam sya ng kakaiba. Ang alam nalang nya ay nakaakbay sa kanya ang lalaking nakaitim na long sleeve.

He is Franco Rovino Gamboa o FR.


I T U T U L O Y . . .

1 comment:

  1. Mukhang maganda ang story na ito at may kilig factor

    ReplyDelete