ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Monday, October 21, 2013

Be With You

FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/





* * *



Marahan nyang hinigpitan ang yapos sa kanyang malaking unan. Nanunuot sa kanyang katawan ang lamig na binubuga ng bagong airconditioner. Pinilit nyang iniwaksi sa kanyang utak ang pangungulila ngunit alam nyang hindi nadaraya ang puso. Gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi.

"I miss you so much," turan ng kanyang sarili.

Tumingin sya sa kanilang larawan sa may kabinet. Pareho silang masaya at nakangiti rito. Bumalikwas siya mula sa pagkakahiga at pinilit na inabot ang frame. Nakuha nya ito ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay dumulas ito sa kanyang kamay. Bumagsak at nabasag ito sa sahig. Nakaramdam sya ng kaba.

Hindi na sya nagtangkang pulutin ang mga ito at mabilis na hinanap ang kanyang cellphone para tumawag. Naging kapaki-pakinabang ang kanyang cellphone mula ng pumasok sya sa relasyon nila. Dahil na rin sa layo nila sa isa't-isa, malaking ginhawa ang dulot ng makabagong teknolohiya para mas mapadali ang kanilang komunikasyon.

Rinig nya ang pagring nito sa kabilang linya. Nakailang ulit pa ang tunog at walang sumagot. Mas lalo syang nangamba.

"Nasaan ka? Are you home?" laman ng kanyang pinadalang text message.

Nag-antay sya at makalipas ang ilang minuto ay wala pa ring tugon. Nagpasya sa muling tumawag. Natapos ang ilang ring at saka nya narinig ang boses nito sa kabilang linya, nagtatalon ang puso nya sa tuwa.

"Mahal, nasaan ka po? Bakit di ka sumasagot sa text ko?"

"Wala ako sa bahay. Nasa labas ako. Kasama ko mga barkada ko. Ano bang problema at bakit ka pa tumatawag?"

Napabuntong-hininga sya sa tono ng kausap. Medyo irita ito at hindi nya matukoy kung nasaan ba talaga ito. Tahimik at wala namang nagsasalita.

"Namiss lang kita. Matagal na rin tayong di-nagkikita eh."

"Alam mo namang busy ako sa trabaho diba?"


"Alam ko, sorry," sagot niya.

May mga panahong alam nyang wala syang ginagawang mali pero dahil mahal nya, kahit sya ang tama, siya pa rin ang humihingi ng paumanhin. Dahil sa mahal nya ito, at dahil sa takot sya na mawala ito sa kanya.

"I just want to be with you," dugtong nya.

Narinig nya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya.

"I love you," sabi nya.

Walang sagot. Narinig nya ang pagbaba nito ng tawag.

Pumikit nalang sya at iniyak ang nangyari.

I just want to be with you.


* * *


Naglabas siyang isang malalim na buntong-hininga. Nakita ito ng isa at mabilis na hinawakan ang mukha bilang paglalambing.

"Oh, bakit sinungitan mo na naman ang bf mo?" sabi nito sa kanya.

"Ang kulit eh. Text ng text, tawag ng tawag, naiirita na ako."

"E di hiwalayan mo na," nakangisi nitong sagot rito.

Ngumiti ito sa kanya. Pinagmasdan ang mukha nito. Perpekto ang hubog, makinis at nakakabighani. Mapupulang labi at matangos na ilong. Masaya sya kapag lagi nya itong nakikita.

"Malapit ko na syang hiwalayan," mahina nitong sabi.

Mabilis na sinunggaban ng isa ang mapupula nitong mga labi. Matagal, maalab at nakakapaso ang pagtutunggali ng mga ito. Nakaramdam sila ng init na hindi maipaliwanag. Sa bawat dampi nito ay maririnig ang kanilang mga impit na ungol. Kakaibang ligaya at sarap sa t'wing naglalapat ang kanilang mga balat.

"Why are you here?" tanong nito sa kanya, mapungay ang mga mata, nang-aakit.

"Because I want to," sagot niya, naghahabol ng hininga.

"You like me?"

"A lot,"

"Why?"

"Hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag. All I know is I just want to be with you."

Muling nagtama ang kanilang mga labi. Makasalanan.


E N D




No comments:

Post a Comment