ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, December 5, 2012

CHAKA (Inibig mo'y Pangit) Chapter 5

CHAPTER V
                Gusto kong sagutin siya, gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko, gusto kong sumbatan siya ngunit alam kong hindi iyon tama. Walang mapapala kung sagutin ang taong galit at hindi makatwiran ang pag-iisip, hindi kagandahang asal ang isumbat kung anuman ang kabutihang ibinigay na lalo na sa isang kaibigan. Ngunit matindi ang pagseselos ko lalo pa’t pinamukhang mas pinipili na niya ang bago niyang kakilala kaysa sa akin na matagal na niyang kaibigan. Pagseselos na tuluyang gumapi sa aking katinuan. Maaring may mali ako sa sinabi ko pero akala ko katulad niya lang din akong makikinig sa mga sinasabi ng kaibigan. Minsan nakakasakit ngunit sila ang nagsasabi ang mali at tama. Akala ko, kawangis iyon ng pagsasabi ng tinga sa iyong ngipin. Mas mainam iyon na sinasabi ng kaharap mo mismo na may tinga ka kaysa sa pinagtatawanan ka ng iba at di mo alam kung ano ang nakakatawa sa iyong mukha.
                “Siguro mas mainam na sabihin mo sa akin ng harapan na mas marami kang mahuhuhuthot sa kaniya. Wala namang problema kung kayo e, huwag lang sana yung gagamit ka ng bakla para lang mabuhay. Yung sasama ka sa kaniya dahil siya ang nakapagbibigay ng katiwasayang dati mong naranasan. Mali ‘yun. Dapat sasama ka dahil mahal mo siya at hindi dahil pineperahan mo lang siya.” Maganda ang pagkakasabi ko do’n. Maalumanay. Galing sa loob ko ngunit alam kong matindi ang tungo nito. Nakakapikon ang nilalaman kaya nang dumapo ang suntok niya sa aking nguso ay hindi ko na nailagan pa. Sumadsad ako. Inapuhap ko ang aking nguso at nang makita kong may dugo ay batid kong basag ang aking labi. Hindi ako nakatayo agad. Gusto ko pang magsalita ngunit takot na akong makapagsabi ng di niya nagugustuhan. Ngayon lang ako napagbuhatan ng kamay. Bata lang ako nang mapalo ako ni papa ngunit kadugo ko ang gumawa niyon. Unang pagkakataong masaktan ako ng taong tinuring kong kaibigan at sa taong lihim ko pang mahal.
                “Tumayo ka diyan at labanan mo ako. Huwag kang lampa! Di ako sanay na dinadaan sa salitaan ang away e. Dito sa paraang ganito dapat kung tunay kang lalaki. Makipagsuntukan ka sa akin. Sa lahat ng ayaw ko ay yung hinuhusgahan ako. Ngayon, talunin mo muna ako sa suntukan bago ko aaminin lahat ng panghuhusga mo sa akin! Ano! Lumaban ka!”
                Tinignan ko siya. Walang galit sa aking mga mata alam ko. Kung may mababasa mang emosyon ay alam kong tanging takot at pagkalito sa inaasal niya. Hindi siya yung Landong kaibigan ko. Iba na siya.
                “Hindi ako lalaban, Lando.” Mapagpakumbaba kong sagot. Akala ko kung sagutin ko ng ganun iiwan na niya ako. Akala ko kapag makita niyang titiklop ako, maisip niyang mali siya sa nasimulan niyang gawin.
                “Tumayo ka diyan, gago, huwag kang lampa. Dapat marunong kang lumaban dahil kung hindi, magiging tama ang hinala ni Ram sa iyong binabae ka kaya ka naging sobrang bait sa akin. Gusto kong patunayan mo sa akin na hindi mo ginawa ang lahat na parang nililigawan mo ako ng hindi ko alam. Dahil gusto kong isiping ginawa mo iyon dahil kaibigan mo ako. Naging totoo ako sa iyo. Wala akong nilihim kaya sana maging totoo ka din sa akin kung ano ka talaga!” kinuwelyuhan niya ako.
Tinaas ang kuwelyo ko dahilan para kailangan kong isabay ang katawan ko ng di ako mabigti. Nang nakatayo na ako ay inambaan niya ako ng suntok at napapikit ako. Yung napapikit dahil alam mong kapag dumapo iyon ay makaramdam ka ng sakit. Yun bang wala kang magawa kundi tanggapin ang pagdapo nito sa iyong mukha. Ngunit walang suntok na tumama sa mukha ko. At nang minulat ko iyon ay nakatingin siya sa akin. Nakita kong hindi niya kayang saktan ako sa ganoong kalagayan. May namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata kahit pa tinatabunan iyong ng pagpupuyos.
“Umamin ka sa akin pare, ano ka ba talaga?” binitiwan niya ang kuwelyo ko. Tumingin ng diretso sa akin.
Hindi muna ako nakasagot. Tinimbang kong mabuti ang kahit anong mamumutawi ng aking labi. Ayaw ko ng magkamali ng sasabihin. Ayaw ko ng mapagbuhatan ng kamay dahil sa may nasabi akong hindi maganda. O lalong ayaw kong magsabi ng lalong ikakagalit niya.
“Lalaki ako.” Mahina kong sagot. Ngunit alam ko, hindi man iyon ang katotohanan ngunit iyon ang hinihingi ng pagkakataon. Iyon muna ang tamang isagot at balang araw lalabas din ang lahat.
Tumitig siya sa akin. Alam kong hindi siya kumbinsido ngunit ayaw kong sabayan ang galit niya sa pagtatapat ko. Hindi napapanahong aminin ko sa kaniya ang tunay na ako. Hindi ko dapat binubuhusan ng gasolina ang apoy.
Tinalikuran niya ako. kinuha ang mga maleta sa silong ng kaniyang kama. Nilabas lahat ang damit niya sa cabinet. Mabilis niyang isinilid iyon sa kaniyang maleta. Lahat ng gamit niya.
“Aalis ka na ba?” Garalgal kong tanong.
“Kailangan e.” Maikli. Matibay. Alam kong nakapagdesisyon na siya.
“Bakit? May nagawa ba ako?”
“Wala. Mas mabuting aalis ako. Doon ako sa taong totoo. Doon sa alam kong nagpapakatotoo. Doon sa alam kong mahal niya ako at hindi niya iyon tinatago sa akin.” Tumingin siya sa aking mga mata. May binabasa siya doong hindi ko mawari kung ano ngunit tumaliko ako.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Alam kong alam mo ang ibig kong tukuyin. Pero hindi na mahalaga iyon. Pasensiya ka kung napagbuhatan kita ng kamay. Hindi ko kasi matanggap ang mga sinabi mo sa akin. Suntukin mo na ako huwag mo lang akong pagsalitaan ng hindi maganda.”
“Anong gusto mong sabihin ko para huwag ka lang umalis.”  pagsusumamo ko.
“Wala ka ng sasabihin, wala ka na din aaminin dahil buo na ang desisyon ko. Magsasama kami ni Ram.”
Napaupo ako sa kama ko. Matalino ako alam ko ngunit sa mga sinabi niya, naguluhan ako. Alin ba ang tama? Alin ba ang mali? Mali bang paglingkuran ko siya at tulungan bilang kaibigan dahil sa takot akong hindi niya ako matanggap dahil pangit ako kaya masaya na akong hanggang gano’n lang kami? Mali bang umakto ng katulad ng isang lalaki nang hindi niya ako ikahiya sa mga barkada niya? O mali lang talaga ako dahil hindi ako nagiging totoo. Ngunit masisisi ba ako kung ang namayani ay ang takot na iwan niya ako kapag nalaman niyang alanganin ako? Mabuti sana kung may hitsura naman ako. Pero mataba ako, tadtad ng pimples ang mukha ko, maitim ako… ano naman ang magugustuhan niya sa akin? Kaya nga sinikap kong maging mabuting tao sa paningin niya, igalang siya, mahalin siya ng walang hinihintay na kapalit ngunit mali pala ang lahat ng iyon?
Habang minamasdan ko siyang sinisilid niya ang kaniyang mga damit sa kaniyang maleta ay parang unti-unti din naman niyang sinasaksak ang puso ko. Parang binabalatan niya ako ng buhay kaya para hindi ko makita ang kaniyang pag-alis na alam kong siyang kikitil sa lahat ng ligaya kong naiiwan ay lumabas ako ng kuwarto. Inayos ko ang mukha ko sa banyo. Hinugasan ang duguan kong nguso at lumabas ng bahay. Palakad-lakad, walang destinasyon, walang alam na puntahan. Basta ang alam ko lang ay gusto kong maglakad. Lumayo. Makalimot sa sakit ngunit kahit pala saan ako dadalhin ng aking mga paa ay dala-dala ko parin ang sakit ng aking kalooban. Wasak parin ang aking puso.
Bumili ako ng alak. Nang alam kong nakaalis na si Lando ay nagdesisyon akong bumalik na lang sa bahay. Malinis na ang cabinet niya. Tanging kama na lamang niya ang naiwan doong alaala sa kaniya. Habang tumutungga ako ng alak ay siya namang pagbuhos ng aking mga luha. Hindi ko alam na ganoon kabilis mawala ang ilang taon kong inilagaang pag-ibig. Kaibigan lang naman ang habol ko e. Kuntento na nga ako sa gano’n lang tapos pati ba naman iyon ay tuluyang maglaho. Tungga uli ako habang yumuyugyog ang aking balikat sa hagulgol. Hindi ko kaya ang katahimikan ng kuwartong iyon. Lahat kasi ng sulok ng kuwartong iyon ay may alaala siya. May naiwang mga nakaraan.  Nakatulog ako sa kalasingan ngunit may luha sa aking mga mata tanda ng matinding sakit ng kalooban.
Kinabukasan ay masakit ang ulo ko. Muli kong binalikan ang mga nangyari kagabi. Gusto kong ulit-uliting isipin para malaman ko kung saan nga ba ako nagkamali. Para alam ko ding ituloy ang buhay ko. Ngunit wala. Tama…wala akong mali. Iyon ang gusto kong isipin para mas mabilis para sa akin ang bumangon muli. Matibay ang loob ko, nasasaktan ngunit alam kong gamitin ang utak ko para lumaban sa mga pagsubok sa buhay. Kung iisipin kong wala akong kasalanan sa nangyari, alam kong mas mapapabilis ang paglimot dahil wala akong guilt na siyang magkukulong sa akin sa posibleng paglimot. Gumawa si Lando ng paraan para makalipat siya ng tirahan at magkasama na sila ni Ram. Gumawa siya ng sarili niyang rason para isipin kong kaya siya umalis dahil sa akin. Lilipat lang siya, kailangan pa niya akong saktan. Kailangan pa niya akong idiin.
Bumangon ako. Naligo. Papasok ako sa school. Magtatagumpay ako. Titingalain niya ako. Ipapamukha ko sa kaniyang mali ang pinili niyang landas na tahakin. Hindi man niya ngayon nakikita pero alam kong pagdaan ng maraming taon, alam kong malalaman niyang nagkamali siya sa dinaanan niyang landas. Walang shortcut sa magandang bukas.
Lumipat na din agad ako ng kuwarto. Gusto ko kapag lumimot, lahat ng puwedeng makapagpaalala sa akin sa tao ay kasamang mawala sa paningin ko. Nasasaktan ako ngunit sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang sakit na iyon ay sinisikap kong mag-isip ng tama para sa akin. Pinapalitan ko ng magandang mga pag-asa at pangarap sa tuwing pumapasok sa aking isipan ang sakit na nangyari. Wala namang silbing ulit-ulitin kong isipin pa iyon dahil nakaraan na at nasaktan na ako. Wala ng silbi pa. Tanging alam kong may silbi at maari ko pang mabago at magawa ng tama ay ang aking mga pangarap. Doon, alam kong di ako masasaktan. Sa pangarap na iyon, alam kong ako’y panalo at di ako masusuntok sa nguso.
Binuksan ko ang aking pintuan para sa mga bagong kaibigan. Ngunit hanggang kaibigan lang. Kasama sa lakad, kakulitan habang ginagawa ang mga assignment. Kasama sa landasin sa buhay. Isa iyon sa Jasper na siyang nakakaalam sa mamisteryo kong pagkatao. Matutunghayan ang kwento namin sa mga susunod na kabanata ng paglalahad kong ito sa inyo. Kaya huwag munang excited. Kay Lando tayo nagsimula, si Lando ang pinag-uusapan kaya huwag munang atat.
Pinagbuti ako ang aking pag-aaral. May mga sandaling bumabalik sa alaala ko si Lando ngunit tinuloy kong tahakin ang tamang daan. Ayaw kong lumiko o kahit lumingon. Wala na akong balita pa sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil sa hindi din siya nagparamdam o talagang iniwasan ko lang makibalita. Naloloko ang utak ko ngunit hindi ang puso ngunit sa tulad kong mas pinahahalagahan ang takbo ng utak, nakakaya nitong pagtakpan ang sadyang isinisigaw ng puso. Sa tuwing sumisigaw ang puso ko ay laging may nakahandang sagot ang utak. Paulit-ulit na pinapaintindi ng utak na hindi kailangan ni Lando ang tulad ko. Masaya si Lando sa pinili niya kaya wala akong karapatang pigilin ang kaligayahang iyon. Dapat kung tunay akong magmahal, masaya ako kung saan siya. Masaya. Kalokohang isipin dahil paano ka ba naman magiging masaya kung sumama siya sa iba, ngunit iyon ang tama, iyon ang dapat kong isipin dahil minsan masakit tanggapin ang tama sa una ngunit kapag naglaon, ang masakit tanggaping tama ang siyang maghahatid sa atin sa tunay na kasiyahan. Dahil ginawa natin, kahit minsan masakit ang tama ay dapat lang namang intindihin at gawin.
Nagtapos ako bilang Cum Laude. Nakapaghanap ng trabaho. May pilat parin ang nakaraan. May silakbo parin ang damdamin. Hinahanap ko parin siya. Nangungulila parin ang puso ko sa katulad niya. Handa na akong magmahal ngunit hindi parin handa ang aking hitsura. May qualification ba lagi dapat kung sino ang mahalin at sino ang dapat iwasan. Sa alam ko mas marami ang tumitingin sa level lang nila o dapat mas nakakaangat sa hitsura nila. Ako? Ambisyosa. Hindi kagandahan ngunit medyo mataas ang pangarap. Sana may magmamahal sa akin na di man kasinggwapo ni Lando ay basta magugustuhan ko physically at siyempre kasama na ng buong pagkatao. Ngunit hanggang ambisyon lang yun. Huwag ng kumontra. Di naman ako nangungutang sa iyo ng pambili ko ng ambisyong iyon.
Naghanap din naman ako. Nandiyang nagkakapeng mag-isa at sinusuyod ng tingin ang bawat dumadaan ngunit bakit ganun? Tagos ang kanilang mga tingin. Kulang pa ba ang laki kong tao para ako’y mapansin? Nandiyang nangunguha din ako ng number sa mga CR ng sinehan o kaya number sa mga CR ng di kagandahang mga malls. Kapag nakikipag eye-ball ako, kung hindi mas pangit pa sa akin, o kaya mas ladlad ang pagkabakla, andiyan namang pinepresyuhan niya ako sa isang gabing pagniniig. Minsan pwede nang pangkamot sa kati. Walang expectation. Walang pagmamahal. Pagkatapos punasan ang tamod, magshower, iabot ang napag-usapang bayad. Tapos na. Hindi ko kailangang masaktan, wala din akong karapatang magselos ngunit hindi ko ramdam ang ligaya ng tunay na nagmamahal.
Bakit kasi hindi pa noon nauso ang friendster at facebook. Sana mas mabilis ako noong makapamingwit, hindi ng magmamahal sa akin kundi ng lalaking hahagod sa aking kalibugan tanda ng pagiging tao…o siya, sige na nga..tanda ng pagiging bakla. Ngunit, sa paghahanap kong iyon ay lalo kong naiintindihan ang labanan sa mundo ng mga katulad ko. Ang gwapong bakla at kilos lalaki, siguradong sa kapwa niya din gwapong paminta mapupunta. Ibang gwapo, ginagamit ang hitsura para makapamingwit ng may katandaan ngunit mapera kaya lang hindi naman kasingsagwa ng aking hitsura. Kadalasan ang pangit na bakla, kung mayaman, nakakatikim din naman siya ng gwapong dyowa. Huwag lang masyadong ambisyosa na mahal ka talaga niya. Dapat handa ka ding tanggapin na maaring pag-aari din siya ng iba. Ngunit hindi lahat ng pagkakataon ganoon nga iyon. Batid ko at hindi man madalas, nakakakita din ako ng gwapong nahulog sa panloob na kagandahan at kayamanan ni Chaka. Hindi man kalimitan ngunit nakukuha din ni chaka ang pagmamahal na tinatamasa ni gwapong bakla. At sana, darating ang araw, mahahanap ko din ang para sa akin.
Magulo at masalimuot ang buhay ng mga katulad ko. Maraming hindi nakukuntento sa iisa. Gusto lahat ng nakahain kahit pa iyong nakatago na’y gagawa ng paraan para makatikim lang. Napansin ko, ang magjowa ngayon, bukas makalawa, magkaibigan na lang. At ang nakakatawa, puwede silang magtropa- tropa kasama ng mga mag-ex at magjojowa. Weird pero iyon ang dapat na kaiinggitan ng mga straight na babae o lalaki sa amin. Madali kaming magpatawad. Madali kaming lumimot sa masasakit na nakaraan at laging handa sa mga darating na pagbabago. Kaya nga ang taong nanakit sa iyo ngayon ay pwede mong maging matalik na kaibigan sa hinaharap.
Dumaan ang mga araw. Mas tumaba pa ako. Mas pumangit sa tingin ko dahil nagiging dambuhala. Paano naman kasi, kapag namimiss ko siya, dinadaan ko na lamang sa pagkain, parang ang ginagawa kong pagnguya at paglunok ay nakakatulong para mawala ang sinusupil kong pagkamiss sa kaniya. Ganoon ba talaga kapag tunay ang iyong nararamdaman? Lumipas man ang maraming taon, marami man ang darating na bago sa buhay, ang dating nakaraan nang kasama ang taong mahal mo ay bumabalik na parang kahapon lang lahat nangyari?
Kung umuuwi man ako sa amin, ay sinasabihan ko na dati pa sina mama na huwag magbanggit tungkol ng kahit ano kay Lando. Alam na nila ang pagkatao ko lalo si mama. Sabi nga niya, hindi daw kailangang umamin pa ang anak sa kaniyang ina dahil siya ang tunay na nakakaamoy sa pagkatao at kabuuan. Hindi man sinasabi ng harapan ngunit bata palang daw ako, alam na nila ang buhay na gusto ko at dahil mahal nila ako, handa silang suportahan kung saan ako magiging masaya. Doon palang panalo na ako sa buhay kahit chaka lang ako. Ngunit batid ko ding wala ng Lando ang umuuwi sa amin. Iba na ang nakatira sa dating bahay nila. Tuluyan na nga talagang nawala siya sa aking mundo.
Sa tulad kong matalino. Naging madali ang pag-unlad. Naging mabilis ang pag-usad lalo pa’t may dati na akong puhunan. Nakatira na ako noon sa isang condo. May kumakatok sa pintuan at nang sinilip ko kung sino ay isang mukhang sa tinagal-tagal man ng panahon ay hindi nawaglit sa isip ko. Lahat ng dugo ay naipon sa mukha ko. Lahat ng taba ko sa katawan ay nanginig. Hindi ko alam kung paano haharapin ang kahapon. Hindi ko alam kung paano niya ako muli natunton. Ngunit ang tanging alam ko ay may karugtong ang kahapon. Ano kaya ang mangyayari sa kinabukasan?
MATUTUNGHAYAN ANG CHAPTER 6 AND 7 SA AKING BLOG.... CLICK THIS TO VISIT MY BLOG----- http://joemarancheta.blogspot.com/

Tuesday, December 4, 2012

CHAKA (Inibig mo'y Pangit) CHAPTER 4

CHAPTER IV
                Ganoon pa mang halos tunawin na ako sa init na aking nararamdaman ay pilit kong tinanggal sa isip ko na ibigay ang hilig ng katawan. Nakainom kaming dalawa. Lasing siya. Sabihin na nating puwede kong gawin ang gusto kong gawin sa kaniya ngunit respeto sa pagkakaibigan namin at hindi ko din kayaning galawin siya ng wala siya sa katinuan. O siya, sige na nga, hindi ko din kayang magladlad ke tulog o gising pa siya. Takot ko lang. Pinahiga ko siya sa kaniyang kama. Nanginginig ko siyang pinagmasdan lalo pa’t bakat na bakat ang alaga niya sa kaniyang suot. Napapalunok lang ako. Kung susundin ko lang ang kalibugan ko sa gabing iyon ay maaring nakagawa ako ng hindi ko magugustuhan. Maari din na maging susi iyon ng pagkabuwag n gaming pagkakaibigan. Bago ko magawa ang hindi dapat ay pinilit kong inihakbang ang aking mga paa. Kahit masakit sa loob kong tumalikod at tunguhin ang banyo ay ginawa ko at doon, sa banyong piping saksi ng mga pinipigilan kong pag-ibig kay Lando ay ibinuhos ko ang sinupil kong katas na likha ng ibayong pagkasabik sa kaniya.
                Nagpatuloy siya sa kaniyang pag-aaral. Sinikap niyang maghanap ng trabaho ngunit laging umuuwing bigo. Madami siyang dahilan. Madami siyang hindi gusto. Ayaw niyang sa fastfood siya magtrabaho dahil baka makita siya ng mga barkada niya at kaklase at asarin pa siyang utus-utusan dahil sa pagiging service crew. Ayaw niya sa mga coffee shop. Basta siya yung tipong naghahanap ng trabaho na hindi pa man nakakatapos ay gusto niya yata Manager agad ang posisyon. Ayaw niyang uutus-utusan siya, ayaw niyang nakikita siyang nagwawalis… hindi ko din naman siya masisisi dahil galing siya sa taas na biglang bumaba… hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon. Hindi pa niya ramdam ang ibayong hagupit ng kahirapan. Tuwing umuuwi sa hapon ay ramdam ko ang bigat ng kaniyang dinadala. Sa paglipas ng araw, alam kong unti- unti na siyang ginagapi ng kawalang pag-asa, malapit na siyang lamunin ng walang katiyakan at gahibla na lang ay tuluyan na siyang bibigay sa krus na dala-dala niya.
                Lahat ng gastos niya ako muna ang sumagot. Unti-unti ng nababawasan ang ipon ko. Ngunit ganoon talaga. Kailangan kong pangatawanan ang pangako ko sa kaniya. Masaya naman ako sa ginagawa ko. Hindi naman ako nagrereklamo sa pagkakabutas ng aking bulsa. Mahal ko si Lando. Mawala na sa akin ang lahat, ayaw ko lang makitang malungkot siya. Isang lihim na pagtatangi.
                Hanggang isang araw pagdating ko mula sa school ay naabutan kong may nakahiga sa kama niyang guwapo at hindi maitatagong may sinasabi sa buhay. Maganda ang katawan nito dahil wala siyang pang itaas na damit at ang kumot ay nasa kalahating katawan lang niya. Naisip kong maaring barkada lang ni Lando.
                “Hi!” matipid kong bati sa entrangherong guwapo.
                “Hellow! You must be Terence.” Iba na ang dinig ko sa dating ng boses niya. Matigas ang katawan. Lalaking lalaki ang hitsura ngunit iba ang dinig ko sa boses niya. May ibang kurba ito. May ibang halimuyak na sumasama sa bawat indayog ng pagbigkas niya ng salita.
                “Si Lando?” maikli kong tanong para may mapag-usapan lang.
                “Nasa banyo, naliligo. Ako nga pala si Ram. Bagong kaibigan ni Lando.”
                “Ah, okey. Ram May lakad kayo?” tanong ko.
                “Nagyaya kasing lumabas ang besfriend mo. Sasama ka?” Uyy, maraming alam tungkol sa amin. Niyaya akong lumabas kasama sila? Tinignan ko sa mata. Binasa ko ang totoong intensiyon niya sa pagyaya…hindi… hindi ko nakikita sa hitsura niya ang sinseridad sa pagyaya. Napakalaking orocan… balot na balot ng kaplastikan.
                “Kayo na lang. Okey na ako dito.” Pagtanggi ko. Mahirap namang makaabala pa ako sa kanila.
                Biglang lumabas si Lando. Nakabrief lang siya at nagulat ng makita akong naroon na. May sasabihin sana siya kay Ram ngunit nakita ko ang mabilis niyang pagtigil ng makita akong naroon.”
                “Uyy pare, nandiyan ka na pala. Si…”
                “Ram, kilala ko na siya. Nag-usap na kami.” Mapakla kong sagot. Nagtataka ako dahil sa mga barkada niya, hindi ko nakikitang lumalabas siya ng banyo na nakabrief lang ngunit bakit kay Ram, parang wala lang sa kaniyang ibandera ang bukol niya. At nakita ko din ang takam na takam na mga mata ni Ram. Hmmmnnn… parang may naamoy ako ngunit ayaw kong pag-isipan si Lando ng masama. Kilala ko siya… Tama… kilala ko siya noon… ngunit alam ko din ang posibilidad ng pagbabago. Lahat tayo ay nagbabago…at ayaw kong isiping may pagbabago sa kaniya na hatid ng kahirapan. Ayaw kong isipin ang pagbabagong iyon. Natatakot ako.
                Hinintay ko siya. Hatinggabi… ala-una… alas-dos… alas-tres…nakaidlip na ako… at umaga na…wala paring Lando ang umuwi. Nag-almusal akong mag-isa…naligo at nakapalit… parang wala ako ganang pumasok dahil hindi pa siya umuuwi ngunit huminga na lang ako ng malalim. Sa paraang iyon, mababawasan ang mga naipon doong takot at pagkabahala. Kahit pa kasama niya ang mga barkada o kahit anong lakad, nagagawa niyang umuwi ngunit bakit ngayon?
                Kahit sa school ay hindi ako mapakali. Walang iisang direksiyon ang iniisip ko. Maraming mga pinatutunguhan dahil nga hindi ko din naman kung ano ang totoong nangyayari. Ngunit hindi nakokontrol ang utak na magbigay ng kahulugan sa bawat napapansin sa paligid. At alam ko, sa panahong iyon, hindi ako maaring magkamali sa aking hinala. Nasasaktan ako.
                Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako sa dami ng mga groceries at mga bagong gamit niya na nakakalat lang. Hindi pa ito natatanggal sa mga plastic bags. Tulog siya at mukhang pagod na pagod dahil tanggal nga damit niya ngunit suot parin niya ang pantalon na nakaloose lang ang belt at button nito. Labas ang garter ng brief. May namumula sa bandang taas ng utong niya.
Binababa ko ang bag ko at mga folders. Umupo ako sa kama ko at pinagmasdan siyang tulog na tulog.Curious ako sa namumulang iyon at nilapitan ko. Tama, hindi ako maaring magkamali. Kiss mark nga iyon. Hindi ko alam pero sumama ang pakiramdam ko. Nahiga ako sa kama ko. Nangyayari na nga ang kinatatakutan ko kahapon. Nabigla man ako ngunit alam kong tinulak siyang gawin ng pagdarahop kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Pero si Lando? Ang kaibigan kong si Lando? Hindi ko talaga akalaing magagawa niya ang bagay na iyon. Ngunit sa tulad kong nakakaintindi…ayaw ko siyang husgahan. Sa ngayon, kailangan ko munang magpakalma… hindi ko kailangan mag-isip ng iba maliban sa magkaibigan nga sina Lando at Ram. Iyon ang pakilala nila sa isa’t isa ngayon kaya iyon muna ang paniniwalaan ko. Mahirap tanggapin at paniwalaan ang isang bagay lalo pa’t mas malaki ang hinala mo ngunit kung gusto mong gumanda kahit sandali lang ang iyong pakiramdam ay kailangan mong mag-isip ng kung ano lang ang alam mong tama.
                Nakapagluto na ako ng panggabihan namin ngunit tulog parin siya. Alam kong hindi siya pumasok sa klase niya. Gusto ko man siyang gisingin para kumain ay hindi ko na lang muna ginawa. Nahiga na ako at pinatay ang ilaw nang tumunog ang cellphone niya.
                Sinagot niya iyon. Paanas. Nagkunwari akong tulog na tulog. Gusto kong marinig ang sinasabi niya ngunit sadyang hindi ko maintindihan. Bumangon siya. Kinuha ang tuwalya habang may kinakausap siya. Lumabas ng kuwarto. Ilang sandali pa ay bumalik na nakatapis lang ng tuwalya. Tanging ilaw ng celphone ang ginagamit niyang ilaw para makita niya ang kaniyang mga ginagawa. Siguro ang alam niya tulog na ako pero pinakikiramdaman ko siya. Mabilis siyang nagpatalon, nagsuot ng damit, nagwisik ng pabango at lumabas na siya ng bahay. May lakad na naman siya.
                Paglabas niya sa kuwarto ay sumilip ako sa bintana. Kitang-kita ko si Ram na naninigarilyo na nakasandig sa isang magarang kotse. Mabilis na sumakay si Lando at pagkatapos itapon ni Ram ang sigarilyo niya ay sumakay na din siya. Nang humarurot ang kotse ay isang mainit na luha ang bumagtas sa aking pisngi. Masakit… sobrang sakit.
                Pinilit ko na lamang matulog. Pinilit kong isiniksik sa aking isipan na wala akong karapatang pigilin kung anuman ang ginagawa niya ngayon. Masakit dahil mahal ko siya. Ngunit wala siyang alam na nasasaktan niya ako dahil hindi naman kami. Magkaibigan kami. Kaibigan lang ang papel ko sa buhay niya. Iyon lang ‘yun. Wala akong karapatang panghimasukan siya tungkol do’n. Kung meron man akong dapat pakialaman siguro, iyon ay ang nakikita kong hindi niya pagpasok sa kaniyang mga subjects. Iyon lang ang dapat concern ko. Siguro naman bilang kaibigan, dapat alam kong paaalahanan siya sa kung ano ang nakabubuti sa kaniya. Maliban do’n wala na. Hindi ko na papel pang pagsabihan siya, maliban kung tatanungin niya ako.
                Halos araw-araw na nangyari na iyon. Hindi na kami nakakapag-usap. Una dahil madaling araw na kung umuwi kaya tulog na din ako at pag-alis ko ng umaga, siya din ay tulog pa. Pangalawa, masakit ang loob ko sa ginagawa niyang pagpapabaya sa kaniyang pag-aaral at ang huli, nagseselos ako.
                Sa buong sabado at linggo ay wala siya. Kung saan siya pumunta, hindi ko alam. Iisang kuwarto lang kami ngunit parang biglang napakalayo na niya. Hindi ko alam kung tinitiyempuhan lang niya na wala ako saka siya umaalis o sadyang hindi tugma ang oras naming dalawa. Ngunit ang sigurado ko lang ay sadyang hindi siya pumapasok sa kaniyang mga klase.
                Madaling araw ng Lunes ng dumating siya. Hindi pala, dumating sila. Kasama ng isang napakakinis at may hitsurang anaconda… Ahas agad? May inahas ba siya sa akin? Parang wala naman ngunit nilalayo niya ang kabigan ko sa akin… o siya sige na nga, tama na ang kaplastikan, inaagaw niya si Lando sa buhay ko.
Nagising ako sa kaniyang mga tawa…sandali…tawanan pala nila. Kahit patay ang ilaw ay maliwanag naman ang buong kuwarto kaya nakikita ko ang kanilang ginagawang paglalampungan sa kama niya. Masakit yung may hinala ka ngunit mas masakit pa pala yung nakikita mo na. Kung nakita mo na ang isang bagay na sanhi ng pagkasugat ng iyong damdamin, kahit pa pumikit kang muli, kahit pa ayaw mong isipin, nasasaktan ka parin dahil iyon na ang paniniwala mo. May ginagawa silang kinasasakit ng kalooban mo.
                Hindi ko na makayanan pa ang lahat.  Kinuha ko ang unan at nilagay sa aking mukha ng pabagsak.
                “Huwag ka kasing magulo. Nagigising si Terence.” Malakas ang pagka-anas ng salitang iyon. Alam kong sinadyang ipinarinig iyon ni Lando sa akin.
                Tumahimik ng ilang sandali. Ngunit napalitan naman iyon ng langitngit ng kaniyang kama at mabigat na hininga. Para akong hindi binibigti sa naririnig ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Masakit na masakit ngunit tulad ng dati kong ipinapaunawa sa aking sarili… may karapatan ba ako? Basa ang unan ko ng luha. Natuyo ang luha sa pisngi ko. Tahimik kong ninamnam ang pait ng pag-iyak habang pinagsasaluhan nila ang kakaibang sarap. Nang tumahimik ang langitngit ng kama at unti-unting natapos ang malalim na mga hininga ay pinilit kong itinuloy ang pagtulog. Hinabaan ko ang pasensiya ko. Inintindi ko ang lahat. Hinanap ko ang sarili ko at nilagay sa dapat kalagyan.
Kaibigan lang niya ako.
                Pagkagising ko kinabukasan ay wala na si Ram sa tabi niya ngunit tulog pa siya. Ilang araw na lang finals na namin. Wala akong pasok sa araw na iyon dahil may pinuntahang seminar ang professor namin. Gusto ko siyang makausap. Hindi tungkol kay Ram. O siya, sige na gusting gusto ko siyang tanungin tungkol kay Ram. Sobra yung pagnanais kong ilayo siya sa pamintang iyon. Ngunit hindi tama. Hindi pwede. Masakit pero wala akong lugar na pakialaman ang tungkol do’n. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa kaniyang pag-aaral. Wala akong planong awayin siya. Gusto ko lang malaman ang plano niya…bilang isang nagmamahal…ngunit isang nagmamahal na kaibigan lang.
                “Kain na.” yaya ko sa kaniya nang makita ko siyang bumangon. Sinuklian niya ako ng ngiti. Hindi siya sumagot. Tinignan ang orasan at parang nagulat. Kinuha ang tuwalya na nakasabit at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
                Nakaligo na siya nang bumalik sa kuwarto.
                “May lakad na naman kayo?” tanong ko. Alam kong may dating ang pagkakasabi ko pero bahala na. Tao lang din kasi ako. Naiinis.
                “Oo, e. Usapan kasi namin ni Ram na… “ hindi na niya tinuloy. “Late na ako sa usapan namin.”
                “Bakit kung tungkol kay Ram nagmamadali ka samantalang mga klase mo, ni hindi mo na pinapasukan.  Malate ka lang sa usapan niyo nagkakaganyan ka pero pa’no naman mga subjects mo na di mo na sinisipot.”
                Tinitigan niya ako. Hindi ako ngumiti. Halatang galit.
 “Anong ibig mong sabihin, iiwasan ko si Ram at papasok ako sa school?”
                “Akala ko ba dati mahalaga sa iyo ang pag-aaral mo. Akala ko din dati ayaw mong tumigil at nanghihinayang ka na di matapos ang pag-aaral mo. Pero bakit ng dumating si Ram sa buhay mo, parang nawala na lahat ang mga iyon?”
                “Dahil imposible ang mga naging usapan natin dati.”
                “Alin ang imposible do’n?”
                “Lahat, Terence. Lahat lahat. Kailangan ko si Ram para mabuhay. Walang tumatanggap sa akin sa trabaho kaya impsibleng matapos ko pa ang pag-aaral. Kay Ram, naeenjoy ko ang buhay. Nakakalimutan ko lahat ang problema. Kung nasa school ako, hindi ko rin naman maipasok sa utak ko ang sinasabi ng mga instructors namin dahil laging problema lang ang naiisip ko habang nakaupo samantalang kung sasama ako kay Ram, lahat nakakalimutan ko. Masaya akong kasama siya. Hindi na ako mag-aaral. Hindi na pumapasok sa aking utak ang mga pinag-aaralan ko.”
                “Gano’n? Iba ka din ano. Yung mga ibang naghihirap, gumagawa ng paraan para muling umangat. Ikaw, bumaba ka na nga, pati buo mong pagkatao gusto mo pang ibaba.” Huli na ng maisip kong mali ang tinuran ko. Nasabi ko na ang dapat ay sa isip ko lang.
                “Anong sinabi mo pare?” nanlilisik ang mga mata niya.
                “Wala. Sige gawin mo lang ang gusto mong gawin. Huwag mo lang sabihin na hindi kita pinagsabihan pagdating ng araw.”
                “Hindi, ulitin mo yung sinabi mo kanina. Dinig ko iyon e. Para sabihin ko sa iyo, kaibigan lang kita at wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ko. Tarantado ka, matalino ka lang at mayaman, kung magsalita ka akala mo hawak mo na ang mundo.”
                “Huwag mo akong murahin. Pinagsasabihan lang kita dahil kaibigan kita.”
                “Pinagsasabihan mo ako dahil nagseselos ka. Hayaan mo, bukas na bukas lilipat na ako dahil nakakahiya ng pumisan pa sa iyo. Kaya ka siguro nagsasalita sa akin ng ganyan dahil ikaw ang nagbabayad sa tinitirhan natin. Puwes! Solohin mo itong bulok na kuwarto mo!”
                Umagos ang luha ko. Masakit ang loob ko. Napaupo ako. Hindi ko akalaing sabihan niya ako ng ganun. At dahil sa sakit ng loob may isang nasabi ako na siyang lalong nagpainit sa aming sitwasyon. Noon ko naranasang lumuha dahil hindi lang sa sakit ng loob ng naipong pagseselos kundi sa sakit ng katawan na likha ng galit niya sa mundo na sa akin naibunton.  Hindi na siya ang dating si Landon a nakilala ko. Malayong-malayo na siya. Tuluyan na siyang nilasing ng mga panandaling kasiyahang naibibigay ni Ram. At sa araw na iyon, nagsimulang umikot ang pinakamasalimuot na bahagi ng buhay ko, ng buhay namin ni Lando… tuluyang nagiba ang sana mabuti naming pagkakaibigan.
READ CHAPTER 5 IN MY BLOG AT http://joemarancheta.blogspot.com/

CHAKA (Inibig mo'y Pangit) CHAPTER 3


CHAPTER III
                Valedictorian lang naman ang lola niyo nang nagtapos kami ng high school. Mahirap namang nang naghagis ang Diyos ng kagandahan ay tulog ako at hahayaang tulog pa din ako nang naghagis ito ng katalinuhan. Kaya dilat na dilat ako nang naghagis ng Diyos ng dunong at hindi ko din hinayaang makatulog ako ng nagpaambon siya ng kabaitan.
                Tulad ng inaasahan ko, pagkatapos ng high school, tapos na din ang relasyon nila ni Janine, nawala ang impakta ngunit naroon parin naman ako sa piling ni Lando. Iyon ang kinaganda ng tunay na kaibigan, nawawala ang mga karelasyon ngunit kung tapat at tunay kang kaibigan, mananatili ka sa buhay ng mahal mo. Masakit, mahirap, madami kang dapat isakripisyo ngunit ang kapalit naman ay ang pananatili niya sa buhay mo basta maging handa ka lang na masaktan, lumuha at magparaya para sa kaniyang ikaliligaya. Mother Teresa ang beauty ng lola ninyo. Living Saint siya pero ngayong dedo na siya ako ang pumalit sa trono niya sa buhay ng pinakamamahal kong si Lando.
                Enrolment noon nang sinabi sa akin ni Lando na gusto niyang kung saan ako mag-aaral ay doon din siya. Plano ko pa naman sana sa UST, La Salle o kaya ay sa UP magtapos pero dahil sa pagmamahal ko sa lolo mo, e sa San Sebastian na namin ipinagpatuloy ang college life namin. Mas lalong mahirap sa akin pigilin ang aking nararamdaman lalo pa’t sa iisang kuwarto na lang kami. Tuwing gabi na magshower siya bago matulog at tatanggalin ang balabal niyang tuwalya at tanging brief o boxer short na lamang ang suot niya ay napapalunok ako sa ganda ng hubog ng katawan idagdag pa ang bukol niyang nahalikan ko lang naman. Sa tuwing tulog na siya ay halos luluwa ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang kahubdan. Para siyang napakasarap na ulam na napakasarap kamayin ngunit wala akong sapat na perang bilhin kaya hanggang tingin lang ako. Bawal amuyin lalong bawal sandukin. Sa tuwing nagigising siya sa umaga at nakasherlag ang alaga niya na pupunta sa banyo para umihi ay hindi ko mapigilang pagmasdan iyon at parang bigla akong nawawala sa katinuan. Sarap sana iyong isubo ng buong buo lalo pa’t galit na galit. Pero masaya na ako do’n. Masaya na akong kasama siya sa kuwarto. Nakikitang hubad, nakikitang nakasherlag, nakakabiruan, nakakatabi sa upuan at napagmamasdan kahit hanggang anong oras ko gustong tignan. Napakahirap talang pigilin ang sariling gusto nang bumigay ngunit respeto sa sarili at paggalang sa aming pagkakaibigan ang tanging pinairal ko.
                Kumuha ako ng Accountancy at siya naman ay Management. Di daw niya kaya ang kurso ko pero hindi ko naman kayang mag-adjust pa ng course para sa kaniya. Oo nga’t mahal ko siya pero naisip ko pa din na ang kursong kukunin ko ay isang mahalagang desisyon na magiging parte ng aking kabuuan.
                Naging maayos naman ang turingan namin ni Lando. Lahat ng gusto niya ay nagagawa naman  niya sa kuwarto namin. Nang dahil sa kaniya, pinilit kong matutong magluto. Dahil sa mga papuri niya sa mga luto, lalo kong pinagsumikapan dahil napaniwala naman ako sa sinasabi nilang “The fastest way to man’s heart is through his stomach”. Gurl, dalawang taon kong ginawa iyon pero parang walang nabago. Hindi ko parin napansin na minahal niya ako pero madalas kong naririnig niya ibinibida niya ako sa mga katropa niya ang sarap ng luto kong sisig at iba pang mga pulutan. Hindi ko alam kong binobola lang niya ako para sa tuwing magshot sila ay lulutuan ko sila ng ganoong pulutan o kaya ay nagsasabi lang talaga siya ng totoo. Bespren ang pakilala niya sa akin sa kaniyang mga kaibigan at tropa. Okey na ako doon. Ke binobola niya ako o totoong masarap ang pulutang inihahain ko, wala na akong pakialam basta ang alam ko, masaya akong pagsilbihan siyang parang asawa lang.
                Third year college na kami noong naglalasing siyang nadatnan ko sa kuwarto. Nakabihis na siya noon. Nakita ko ang kaniyang mga maleta sa tabi.
                “Anong nangyari?” pagtataka kong tanong sa kaniya. Hindi niya ugaling uminom ng mag-isa lang siya. Lalong hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng gamit niya ay nakasilid na sa maleta.
                “Uuwi na ako sa atin. Hindi na ako mag-aaral pa.”
                “Bakit?” nataranta kong tanong.
                “Naembargo ang bahay namin. Sumama sa ibang lalaki si Mommy at baon pa sa utang si Daddy sa nalugi niyang negosyo. Hindi na ako makapagpapatuloy sa pag-aaral ko tol.”
Tuluyan ng umagos ang kaniyang luha. Dama ko ang kahirapan ng kaniyang kalooban. Napansin ko din na sa nagdaang mga buwan, halos ako na ang bumibili ng pagkain namin, mga kailangan sa banyo at nitong huling bayaran ng tuition ako ang sumagot na kinuha ko sa ipon ko at di pa niya ako nababayaran. Sa akin naman, okey lang iyon dahil scholar naman ako at okey naman ang pamumuhay namin. Sa kaniya ako nakaramdam ng awa dahil hindi siya sanay sa hirap. Minsan hindi siya makalabas dahil wala siyang pera. Umiiwas sa barkada dahil wala siyang mabunot na pera. Nang makita kong may tumulong luha na umagos sa kaniyang pisngi, alam ko, hindi niya  gustong tumigil sa pag-aaral. Hindi siya handa para sa malaking pagbabago sa kaniyang buhay.
“Sayang naman kung hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo.” Umupo ako. Nag-isip.
“Sayang nga ngunit may magagawa ba ako?” tumabi siya sa akin. Yumuko at minamasa-masahe niya ang kaniyang ulo. Bumuntong hininga. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang dinadala.
“Siguro naman may magagawa pa tayo. Puwede tayong magtrabahong dalawa para sa iyo. Puwede ko ding limitahan ang paggasto ko para ipunin nang makatulong naman iyon sa tuition mo. Kaya naman siguro nating dalawa huwag ka lang titigil sa pag-aaral mo. Kung talagang hindi natin kaya ay puwede ko ding palabasin na wala na akong scholarship dahil bumaba ang grades ko at ang ibigay nina mama na tuition ko ay siya mong pambayad sa tuition mo…baka naman puwedeng ganun di ba?”
Nag-isip siya. Nag-isip din ako. Parang hindi ko yata kayang magsinungaling sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung paano sila maniniwalang wala na akong scholarship gayong alam nila na ako ang laging may pinakamataas na general average sa buong campus at kung pagpalain ay magiging Suma-cumlaude. Hindi ko din alam kung paano ako magsisinungaling sa kanila at mahingan ng pera para sa lalaking lihim kong minahal. Kailan ba ako huling nagsinungaling sa kanila? Hindi ko matandaan pero ang alam ko ay hindi ko alam na kaya kong gawin ang bagay na iyon para sa aking mahal. Hindi ko din siguradong makakaya ng konsensiya kong ipagpapalit ang pagtitiwala ng pamilya ko kapalit ng pagtulong sa taong lubos at lihim kong mahal. At nabigla ako sa naging bilis ng desisyon ko…at ang tanging alam ko noon ay…”bahala na!”
“Tama ka, pwede akong magtrabaho, bawasan ko na lamang ang i-enrol kong units next sem. Kung ano ang kaya mong maitulong sa akin, tatanggapin ko at balang araw babawi ako sa iyo ngunit hindi ako gano’n kasama para tanggapin yung alok mong magsisinungaling ka sa mga magulang mo para lamang sa tuition ko. Titigil na lamang ako kaysa gawin mo ‘yun.”
“Tama ka. Pero kunsakali lang naman na magkagipitan. Babawi na lang ako sa ibang bagay sa mga magulang ko. Natakot lang ako na titigil ka sa pag-aaral mo lalo na ilang taon na lang makakatapos na tayong dalawa. Sayang.”
“Hindi mo dapat sisirain ang tiwala nila sa iyo dahil lang sa gusto mo akong tulungan. Marami pang puwede nating gawin basta ba handa kang pagtiisan ako at hindi mo ako obligahin sa bayad ng renta sa bahay at baka madalas niyan, di ako makapag-ambag ng para sa pagkain natin.”
“Kung sa renta, huwag kang mag-alala kaya ko na pag-ipunan ‘yun. Sa pagkain naman, kasya na siguro ang allowance ko para sa ating dalawa basta ba tiis ka lang sa luto ko.”
“Ako pa ang magtiis samantalang pera mo na ang pambili, ikaw pa ang magluluto. Tutulong na lang ako sa mga gawaing bahay nang makabawi ako sa iyo.”
“O, paano, solve na ang problema?”
Huminga siya ng malalim. “Oo, solve na naman. As usual, ikaw na naman ang gumawa ng paraan. Laging ikaw ang lumulutas sa lahat ng problema ko. Nakakahiya na.”
“Huwag mo nga isipin ‘yan. Basta nandito lang ako.” tatalikod na sana ako para magpalit nang hinawakan niya ang balikat ko.
“Salamat tol. Sobrang nagpapasalamat ako at nandiyan ka.” Bigla niya akong niyakap. Isang mahigpit na yakap na siyang tumibag sa akin. Kung sa kaniya ang yakap na iyon ay pasasalamat. Sa akin, nagbigay iyon ng libong boltahe sa akin. Isang yakap na matagal ko ng pinangarap. Ang makita na nga lang siyang nakashort at sando ay langit ko na iyon, ano na lang itong buong niyang katawan na naidampi sa aking katawan?
“Wala nga ‘yun ano ka ba.” Tinapik ko ang balikat niya. Sasabog na ako kung hindi pa siya bibitaw sa pagkakayakap niya sa akin.
Tumingin siya sa akin. Natuyo na ang kaniyang mga luha.
“Salamat at pinatatag mo ang loob ko. Litung-lito na ako kanina. Dami ko ng utang na loob sa iyo. Di na kita mababayaran.”
“Wala yun, ikaw naman, huwag mo ng isipin iyon. Ubos na ba iniinom mo! Sabayan kita!”
Sinabayan ko nga siya sa pag-inom. Nauna siyang nalasing. Hanggang sa dahil hindi na niya kontrolado ang bunganga ay kung anu-ano na ang kaniyang mga nasasabi.
“Bakit mo ginagawa ito sa akin tol? Kasi mula highschool tayo parang ikaw na yung anghel kong hindi napapagod at nagsasawang suportahan ako.” nakatingin siya sa akin. Lasing na siya ngunit alam ko na alam pa din niya ang sinasabi niya sa akin.
“Kasi nga magkasangga tayo. Matalik na magkaibigan. Ikaw nga lang ang matalik kong kaibigan. Higit pa nga yata sa kapatid ang turing ko sa’yo” Pagkasabi ko iyon ay bigla akong natigilan. Tang-ina, pagkakataon ko na sana magtapat iyon ngunit sandali, aalog-aalog pa ang mga bilbil ko, tadtad pa ng taghiyawat ang mukha ko at isa parin akong dambuhalang pangit. Magugustuhan naman niya kaya ako? O siya! Sige na nga. Sabihin na nga lang natin ang pinakaproblema ko…may lawit ako! Paano ba niya magugustuhan ang talong kung ang malusog na petchay naman ang hanap niya. Hayyyy!
“Alam mo, kung bakla ka lang tol, siguro isipin ko na gusto mo ako, na mahal mo ako. At kung sakali mang gano’n ka? Sa dami ng naitulong mo sa akin? Handa akong magpahada sa iyo ng walang kahit anong kapalit. Iyon nga lang ay alam ko namang hindi ka ganu’n.” tumawa siya. Kasabay niyon ng paghubad niya sa kaniyang damit at tanging pantalon na lamang ang suot niya. Tumambad muli sa akin ang matagal ko ng kinababaliwang katawan niya. Napakaganda ng pagkakahulma ng kaniyang katawan. Litaw ang maumbok niyang dibdib at kahit walang abs ay wala naman siyang tiyan na binagayan ng manipis na buhok sa dibdib hanggang sa kaniyang pusod. Napapalunok ako habang pinagmamasdan siya lalo pa’t nakakapang-akit ang kaniyang mukha kasabay pa ng kaniyang sinasabi. Bigla akong tinigasan.
Ako naman ay tumungga ng alak at tubig dahil nga hindi ko talaga akalain na masabi niya iyon sa akin.
“Kaya nga malakas ang loob mong sabihin iyan sa akin dahil alam mong hindi tayo talo!” iyon lang ang nasabi ko bilang panlaban sa sinabi niya. Ngunit muli akong nagsisi sa nasabi ko. Ano ba itong nangyayari sa akin. Nakapagbibitaw ako ng salitang hindi ko nagugustuhan.
“Tol, seryoso nga ako. Totoo ang sinabi ko! Kaya kong gawin iyon!”
Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako. Amoy ba niya ako? Susunggaban ko na ba ito? Ito na ba ang katuparan ng aking mga pangarap? Nahalata niya ang pagkabigla ko at pangangatal dahil hindi ko talaga kayang itago sa kaniya ang kakaiba kong emosyon. Kitang-kita iyon sa kilos ko at mababanaag ang excitement sa aking mukha.
“Uyy tol! Baka isipin mo bakla ako ha! Nagbibiro lang ako! Iba na kasi hitsura mo e. Baka kasi isipin mo binabae ako! Inom na nga lang tayo!” nilagyan niya ng alak ang baso ko at baso niya. Inabot niya sa akin ang baso ko na parang wala parin ako sa aking sarili.
“Cheers tol”
Nakita ko ang bahagyang pamumula ng kaniyang mukha at ang parang inaantok na niyang mga mata. Sarap sigurong halikan ang mapupula at mamasa-masa niyang labi. Bigla na naman lumakas ang kabog ng aking dibdib. Tang inang pagmamahal ito. Tuluyan niyang ginagapi ang aking katinuan.
Kinuha niya ang kamay ko na may hawak na baso ng alak. Pinisil niya sabay taas saka niya tinaas ang kaniyang baso.
“Cheers sabi ko! Okey ka lang ba tol?”
“Cheers.” Sagot kong kahit papano ay nahimasmasan na rin uli.
Hanggang sa nakita kong hindi na niya kaya pa. Hindi ko na maintindihan ang kaniyang mga sinasabi. Inalalayan ko siya papunta sa kaniyang kama at sa bigat niya ay napasalampak kaming dalawa. Dahil ibinalanse ko siya ay ako ang napatungan niya. Dama ko ang init ng katawan niya. Tumbok na tumbok ng alaga ko ang alaga na noon ay naghuhumigting na. Nagulat siya at napatingin sa akin. Nagtama ang aming mga paningin at gumalaw ang kamay ko sa kaniyang likod. Dama ng kamay ko ang magandang hubog ng kaniyang likod na lumakbay malapit sa kaniyang puwitan. Halos hindi ko na kayanin ang init. Nag-uumigting na ang kakaibang sipa ng aking libog! Gusto ng bumigay ang aking katinuan! Lalo pa’t napasubsubo na ang labi niya sa gilid din ng aking labi. Ramdam ko ang kakaibang sensasyon ng aksidenteng halik na iyo sa gilid ng aking labi. Amoy ko ng bahagya ang kahit amoy alak niyang hininga ay walang mamahalin pabango ang pwede kong ipagpalit sa sinasamyo kong halimuyak na nanggagaling sa kaniyang ilong. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan na sumasanib sa aking katinuan. Halos tuluyan ng bumigay ang aking buong katinuan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung paano ko iiwasang ang nag-uumapoy ko ng pagnanasa. Kung may mangyari ngayon sa amin? Kaya ko bang iharap sa kaniya ang aking mukha kinabukasan? Kung susunggaban ko ang pagkakataon, ang isang panandaliang pagkakamali bang ito ay kaya niyang pagtakpan ang habang panahon kong pagsisisihan? Kayak o bang isugal ang tawag ng laman kapalit ng maayos at matagal na naming pagkakaibigan? Ngunit hanggang saan kakayanin ng utak na kontrolin ang sigaw ng aking damdamin. Hanggang kailan kakayanin ng aking pag-iisip ang naghuhumarentado ko ng nararamdaman o mas akma bang sabihing nag-uumigting kong kalibugan?

READ CHAPTER 4 IN MY BLOG http://joemarancheta.blogspot.com/

Anino Ng Kahapon 16





Photo by: Mimi Rage



Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong  gumawa ng cover photo ng kwento isa sa mga itinuturing kong matalik kong kaibigan Mimi_Rage. At sa asawa ko na tumulong sa akin by giving some ideas. I love you asawa ko Justyn Shawn.  Maraming salamat. 


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:




_____


Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!