ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Saturday, November 3, 2012

Elemental Heroes: Origins - Chapter 5

HELLO EVERYONE! I'M BACK! :)

Before anything else, first, I just wanted to thank first Anonymous (kung sino ka man talaga, hehe.) and Moon Sung-min for their critics sa aking past four chapters. I will also change the names of Nadare to Vulcan and Resshin to Ryuu to grant their wish of using Anime names. Nag-research na po ako sa mga names. Explain ko na lang po kung gusto niyo. Hehe.

Second, may mga character modifications lang po akong binago sa story line. Na-change ko na po siya last month at nagsabi po ako. Hehe.

Third, kay Kuya Ken (belated belated Happy Birthday!) for having this opportunity to expose my high school dream come to life. Susuko na sana ako at first because of the critics pero you lift me up. Thank you!

And lastly, sa inyong lahat na nag-aabang sa Chapter 5 ng story ko, THANK YOU po sa paghihintay. Comments and suggestions po are welcome after you read the story. Thank you.

HERE WE GO!

----------------------------------------------------------------------------------------------

Huling Paalam


Hi guys,


Heto po halloween special ko para sa ating lahat. Aheheheheh. Ewan ko pero sana magustuhan niyo. Nga pala, regalo ko ito sa inyo ngayong kaarawan ko. :) Maraming salamat sa inyo.


Lovelots,


dhenxo :))


*************************************************************************************


Kitang kita ko ang mumunting butil ng luha na lumalabas sa magkabilaan mong mga mata. Nagkamali ako pero hindi ko na maibabalik pa ang mga panahong iyon. Gusto ko mang bumawi pero huli na ang lahat. Nahihirapan ako sa nakikita ko sa’yo. Labis ang aking pagsisisi.


Hindi mo ako deserve. Maghanap ka na ng iba. Malaya ka na. Paulit-ulit na sambit ko sa aking sarili. Wala akong lakas ng loob na isatinig iyon.


“Mahal na mahal kita Gino.”


Ako din Riko. Sobrang mahal na mahal pero kailangan mo na akong kalimutan.


“Bakit mo ginagawa sa akin ito?” tanong mo na may pagka-garalgal ang boses.


Napayuko ako.


“Alam mo bang nasasaktan ako. Tingnan mo ako!” may kalakasan mong tinig habang patuloy ka sa pagtangis.


Napaangat ako ng mukha.


Bakas na bakas ko ang hirap, sakit at lungkot sa iyong mukha lalong lalo na sa mga mata mo. Napatingin din ako sa mga tao sa paligid at lahat sila ay may nagtataka’t malulungkot na titig. Lahat sila nakatingin sa ating dalawa.


“Sabi mo mahal na mahal mo ako pero kabaligtaran yung ginagawa mo sa akin. Hindi ko maramdaman pagmamahal mo.”


Sorry kung hindi ko naibabalik sa’yo iyong pagmamahal na hinihingi mo. Alam ko napakawalang kuwenta kong boyfriend kasi imbes na pasayahin kita, heto, pinapaiyak ka.


“Naalala mo pa ba paano tayo nagkakilala?”


Pilit ko namang inaalala.


“Hindi mo na siguro naaalala pero sige ikukuwento ko.” Dumukot ka bigla ng panyo at pinunasan mo iyong mukha mo.


“Bestfriend ko iyong girlfriend mo noon. Tapos magkasama kayong sumundo sa akin sa airport galing probinsiya. Alam mo ba na unang kita ko pa lang sa’yo noon gusto na kita? Kaso off limits ka na eh.” Bahagya kang natawa sa nasabi mo, ako nama’y napangiti.


Maliwanag pa sa akin lahat ng iyon at sa tuwing naaalala ko iyon ay napapangiti talaga ako. Mukha ka kasing haggard nun eh. Nakita ko naman na lumapit siya sa tabi mo.


“Alam mo bang ramdam kong may gusto sa iyo itong bestfriend ko? At ng mga panahong iyon, I’m falling out of love na, nagiging dragging na kasi iyong relationship natin.” Sambit niya.


Nakaramdam ako ng bahagyang lungkot ng maalala ko ang tagpong nakikipaghiwalay ka na sa akin. Napakasakit niyon sa akin dahil labis ko siyang minahal. Naputol lang ako ng muli kang nagsalita.


 “Tapos ikaw pa bumuhat ng mga gamit ko. Feeling babae ako nun. At talagang hinatid niyo ako sa tutuluyan ko. Sobra kong na-appreciate iyon. Simula noong araw na iyon lagi niyo na akong sinasamang dalawa. May mga times pa na tayong dalawa lang ang lumalabas.”


“At feeling nitong si Riko, nagde-date kayo.”


Pinamulahan kang bigla. Napangiti na naman ako. Gustong gusto kong nakikita kang nagba-blush kasi doon ko nararamdaman na mahal mo ako.


“At noong nag-break tayo alam kong si Riko ang tumulong sa’yo. Alam mo ba, isang malaking favour iyong binigay ko para sa inyong dalawa.”


Napatingin kami pareho ni Riko sa kanya.


“Totoo naman ah kasi kung hindi ko ginawa iyon di sana hindi kayo nagkaaminan na may nararamdaman kayo sa isa’t isa. Ako pa ang naging tulay niyong dalawa.” Kita ko na masaya siya sa mga sinasabi niya.


Tama ka. Salamat Angie. Hulog ka ng langit samin.


“At alam niyo bang ako ang unang unang taong naging masaya nung nalaman kong kayo na? Walastik. Pero sa una natakot ako kasi baka ginagawa mo siyang panakip butas pero you proved me wrong.”


He was there when I was down kaya naman natutunan ko na siyang mahalin. Sino bang mag-aakala na magtatagal kami ng 5years, mas matagal sa naging relasyon natin.


“Pasensya na at na-interrupt ko moment niyo. Sige maiwan ko na muna kayo.”


Angie, salamat ulit.


“Walang anuman Gino.”


Nang tuluyan ng nakalayo si Angie ay bigla ka na namang nalungkot at naiiyak. Hinawakan ko ang pisngi mo. Tumingin ka sakin.


“Gino, hindi ko kayang mawala ka.” Bigla mong sabi. “Huwag mo naman gawin sa akin to. Nagmamakaawa ako.” At tuluyan ng bumuhos muli ang mga luha mo.


“Sabi mo walang iwanan pero bakit ikaw ang unang bumitaw? Napakadaya mo! Paano na mga pangarap natin?”


Sa totoo lang nahihirapan akong tingnan siya. Nagkamali ata talaga ako, pero anong magagawa ko. Sa ganito na nagtapos ang story nating dalawa.


“Pwede ko bang marinig or maramdaman man lang iyong pagmamahal mo sa akin kahit sa huling pagkakataon?” pakiusap mo sa akin ngunit hindi ako kumibo.


Alam kong nasaktan ka sa ginawa ko pero kailangan eh. Kailangan mo ng mag-move on. Kailangan mo na akong kalimutan. Kailangan mo nang mabuhay ng wala ako sa piling mo.


“Hindi ko kayang mawala ka. Please lang bumalik ka sa akin. Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat.” Patuloy mo pa ring sambit.


Ginawa mo na ang lahat Riko pero hanggang dito na lang talaga. Hindi na kita masasamahan pa sa mga susunod na araw.


Patuloy ka pa rin sa pagmamakaawa na balikan kita. Ilang beses na ring bumalik si Angie sa atin para lang patahanin ka pero ayaw mong papigil. Nasasaktan akong makitang nagkakaganyan ka pero nakapagdesisyon na ako. Ito na ang huling beses na magkikita tayo ng personal. Lalayo na ako para sa ikabubuti nating lahat.


Papasikat na ang araw ng muli kang balikan ni Angie.


“Riko, tama na. Kailangan na nating maghanda pareho. Maya-maya darating na ang iba pa nating mga kaibigan pati na mga kamag-anak ni Gino.”


“Sasama ako sa kanya.” Sagot mo habang nakatingin sa akin.


“Hindi pupwede. Kailangan mong mabuhay para sa sarili mo, para sa aming mga buhay pang nagmamahal sa’yo. Alam mo kung nandidito pa si Gino hinding hindi papayag iyon na nagkakaganyan ka.” Panenermon ni Angie sa’yo.


Napailing ka at napilitang tumayo.


Oo nga pala, ngayon na ang itinakdang araw ng libing ko. Hindi ko masisisi si Riko, nagmahal lang siya ng sobra ngunit iniwan ko siya. Sino bang mag-aakala na sa isang maliit na sugat lang sa paa ang magiging katapusan ng pagmamahalan namin.


Tumayo ako at lumapit sa’yo.


Riko, mahal na mahal kita. Lagi mo sanang tatandaan iyan. Paalam. Niyakap kita at hinagkan sa mga labi. Napapikit ka. Alam kong naramdaman mo iyon dahil napangiti ka.


Ngayon masaya na akong aalis bitbit ang ngiting iyon. Paalam Riko. Paalam.

Ludus Vita : Last Game Part 2 (Finale)


Ludus Vita


Written by: Heara




The Final Game


[A/N: Hi everyone! It’s me Heara. We’ve come to the final part of my first ever series. **SOBS** I am so happy for your warm support. To be honest, I think I fail to be so dramatic with this one. Sana din nabigyan ko ng enough justice ang mga characters dito. I do love to have some honest opinion about this. I’ll be very happy to chit and chat with you guys! :) http://flavors.me/hearaetcuban#_ Di ko na patatagalin pa ito Final Game starts here!]


  DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Time and Laughters




I remember the days you looked at me as if I was your greatest hero.

I felt very proud.

But then… things changed.

It wasn’t always like this. We used to be happy. Spent most of our time together.

I remember…

I used to be the one that first greets you in the morning.

The one that waves “GoodBye” as you leave your home.

The one that waits for you paitently to come home.

The one that eagerly listens about your day.

The one that accompanies you at night.

The one that stands and watches over you until morning comes again.

But sadly, those days are over.

I just woke up one day and it was as if you have forgotten about me. Worst, you pretend not to see me while I know you do. It was painful for me. But still, I stayed by your side.

Things got worst, you now even deny my existence. You tell your friends that I wasn’t yours.  You even said that you were just being childish that’s why you stayed and kept me. I was hurt, but I still stayed by your side.

Years passed by and I was still by your side. Ive always been here. Waiting for you to come and see me again. I was sad, but I was patient, too.

One day, you came home with a baby in your hand.

I didn’t know how to feel. You looked very happy. So I felt that I needed to be happy for you.

I was watching you as you played with your baby. You really have changed. I don’t think you’ll ever notice me ever again.

But I was wrong.

One day as you carried your baby I saw you looking at me. I instantly felt excited.

“Hi there, old buddy.”, you smiled at me as you dusted me off.

You then took my hand as you introduced me to your precious.

“Baby, meet my greatest buddy, Teddy.”

I saw your baby smile at me.

I remember that smile many years ago. It was exactly like yours.

I wanted to cry but I couldn’t.

You placed me beside your little one and looked me in the eye as you sincerely said.

“Thank you for being a great pal. Now could you play with my kid like we used to?”

I saw you smile at me again. The one that I've waited all these years.

I don’t know how I did.

But I did it.

I was the first teddy bear who cried.


Friday, November 2, 2012

Once In My Life...




Author's Note:
Haller there! Di ko pa ma-post yung nect chapter ng When A Gay Man Loves. Kaya, ito muna. It was a letter for someone I loved the most in the past. Medyo maguguluhan lang kayo ng konti. Konti lang naman :) I'm sure may mga makaka-relate. This is a true story. Hindi po fiction. It really happened to me.

Yung cover po, hindi ako at yung minamahal ko. Char! Di po ako ganap na babae :) Wish upon a star lang ang peg. Nakita ko lang po yan kay pareng Google :)

Read and leave comments :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

You've been my Bestfriend.

It happened just once in my life.

Pero... nag-iba ang lahat.

It was our second years in high school. Masaya ang lahat kasi magkaka-klase parin tayo. Kulitan, asaran, tawanan, we shared those stuffs. Even the simplest problems we hardly bear.

I can still hear, see, and feel those memories. Tila isang magandang panaginip habang natutulog ako.

"Patrick, number mo?" then you handed me your phone. Nagulat ako kasi you asked for my number. Di na bago sa akin pero, iba yung dating.

Pero di ako nag-hangad ng iba. Alam ko. Ako kasi ang leader ng group kaya we need to keep in touch.

Pero akala ko hanggang sa pagiging leader lang ang lahat.

We've been textmates. Exchanged messages, sweet nothings, good mornings and good nights, kumain ka na ba, anong ginagawa mo, sabay tayo pumasok. Simple lang.

Simple para sa 'yo, sakin, espesyal.

Lahat ng 'yun binigyan ko ng kahulugan, kahit hindi naman dapat. I know in my mind that you're straight. Mas straight pa sa ruler. Kaya, I tried to stop this growing feeling inside of me.

Pero mahirap.

Mas lumalim pa pala. Akala ko, matatabunan ulit yung nahukay mong parte sa puso ko, hindi pala...

Sa school, lagi mo akong binibigyan ng pancake. I have plenty of foods, pero yung pancake lagi ang kinakain ko. Naalala ko pa nun, you gave me a 3-layer pancake. I was shocked. Alam kong pamasahe mo pa yun pauwi, pero, wala akong magagawa. Nanjan na eh.

Sa Biology, ako pa lagi gumagawa ng assignment mo. Konting pakiusap mo lang sakin, gagawin ko na. Kahit sobrang sakit na ng kamay ko. Kahit sumakit na yung ulo ko kakahanap at kakaisip sa mga sagot.

Noon, lagi mo din akong inuutangan. Naiinis ako lagi sayo nun. Tingin ko kasi, ang tingin mo sakin bangko. I have money. Pero kahit na ayaw kitang bigyan, nagagawa ko parin. Tanga? Oo. Sobrang tanga ko. Mahal na kasi kita... Ayoko namang pauwiin ka ng naglalakad kasi malayo pa ang bahay mo, kaya kahit minsan, wala na din akong pera, I will surely find a way para mabigyan ka. Alam ko naman hindi mo babayaran, pero, that's one way of showing my love for you. Ganyan kita ka-mahal.

I.D.

Isa yan sa mga bagay na naging rason para mahulog ako lalo sa patibong mo.

You're a basketball player. Kapag MAPEH day natin, nagbabasketball kayo. Naaalala ko pa nun, sakin mo lagi pinapabantay yung I.D. mo bago maglaro. Sobrang kilig yung nararamdaman ko pag ganun. Parang jowa lang kasi ang peg ko. Kahit hindi naman talaga. Tapos, pag napilayan ka, magsosorry ka pa sakin. I wonder why. Pero I know deep inside my heart kung ano ang sagot.

Farewell party ng common friend natin. Si En. Ex mo din siya. She invited some of us to come to her party. Pumayag ako. Pumayag ka din.

"Munch, pagpaalam mo naman ako..." text mo sakin.

Hindi ka pinayagan ng mommy mo. Wala ka ding pamasahe.

Ako naman si tanga tanga ulit, nauto mo. ayoko sana eh. Kaso, nagtampo ka bigla. Sayang din mana yung oras na makakasama kita.

Sa madaling salita, byumahe ako papunta sa lugar na hindi ko alam. I don't have any idea kung saan ka nakatira. Ang alam ko lang, sa Antipolo. Tapos.

Sumabak ako sa gyera na ang dala lang eh pera at cellphone.

Mali tuloy ang nababaan ako.

Napadpad ako sa Heaven's Gate. Tutcha. Lagpas! Tirik na tirik pa ang araw. Nabinyagan pa yung bago kong tsinelas.

"Ayos lang yan Patrick..."

"Lord, takpan mo po muna yung araw please? Kahit hanggang dun lang sa may lilim..."

"Buti nalang may mga gwapong dumadaan, nakakawala ng pagod..."

"Malayo pa ba?"

"Kaya ko 'to..."

"Ano kayang gagawin neto kapag nasagasaan ako dito?"

Yan yung mga bagay na sinasabi ko habang naglalakad pabalik sa lugar niyo. Nakakabaliw.

I made it to your house. I survived! Pero sana ganun lang din kadali ang maka-survive ulit sa pagkakahulog ko sayo. Maglalakad ka lang pabalik, then puff! Wala ng feelings.

Kinaya ko lahat ng napagdaanan ko para sa 'yo. Deadly din kaya yung lugar niyo! Pero after that, naging masaya parin tayo. Nag-1-2-3 ka pa sa jeep, kaso nahuli ka. Ako pa tuloy nagbayad. Sabi na eh. Wala ka nanamang pamasahe.

I am slightly addicted to alcoholic drinks. Ikaw naman, adik sa basketball. Kaya nagkaroon tayo ng deal. Bawal akong uminom kapag di ka kasama at bwal ka din mag-basket kapag hindi ka nagpaalam sakin.

I am tightly bounded to that deal.

Pero ikaw ang unang sumira.

Hinayaan ko lang. Normal na ang mag-basketball sa mga lalake. Pero ako, tumigil na talaga sa pag-inom. That deal you made changed me.

Pero nagsimula ang pagbabago.

I know na dadating tayo sa puntong ito.

Pero hindi ko inaasahang sa ganito kaaga at kadaling panahon.

"Maganda ba si Lai?" you sent me that message. She's really beautiful Korean-like style.

Alam ko na kung saan papunta 'tong usapan na 'to.

"Oo naman..." reply ko sayo. 

Ano pa bang magagwa ko, edi mag-kunwari. That reply triggered you to propose to that girl. Tama nga ako.

Nagkaroon kayo ng relasyon. She was your first I think.

Hindi ka na madalas nagtetext sakin.

Sa bawat GM mo, nakalagay ang pangalan niya at yung date kung kelan naging kayo.

Kapag nasasaktan ka dahil sa kanya, ako ang takbuhan mo.

Ganyan naman talaga lagi ang role ng bestfriend eh. Kilala ka lang kapag may kailangan na ulit.

Time came. Nag-break kayo. Kala ko magiging masaya na ulit ako, hindi pala. May niligawan ka ulit.

Second heart break.

Then third came.

Fourth...

Fifth...

And I came to an end.

Hindi ko na mabilang kung ilang heart break ang pinag-daanan ko.

'Because of you
I don't know how to let anyone else in'

That part of Clarkson's song hit me.

Totoo. Nakalimutan kong magmahal ng iba. May mga nagtangka, pero hindi ko inintindi.

You only hold the key to my heart.

Hindi mo din pala alam na bakla ako. I trusted you kaya sinabi ko na. PEro iba ang naging labas sayo. Hindi mo ako matanggap. Sobrang sakit. I twas the worst feeling I felt in my entire life.

"Hindi pwede..."

"Tuturuan pa kita mag-basketball diba?"

"Hindi ko tanggap..."

Yan yung mga sinabi mo. Marami pa yan. pero pinilit ko nalang kalimutan dahil sa sobrang sakit. Lahat ng sinabi mo, yan ang naging rason para magdesisyon na ako.

It was our third year in high school.

Sobrang saya ko kasi nalipat ka na ng section.

Noong summer kasi, I decided to stop falling for you.

Masakit. Mahirap.

Minahal na kasi kita.

Pero wala akong magagawa.

I started to write stories kung saan maibubuhos ko lanag ng galit. Lahat ng panghihinayang. Lahat ng nararamdaman ko para sa 'yo.

Nabawasan naman kahit papaano. Pero hindi natanggal.

Then rumors spread in our school. Tatanggalin dsaw yung section niyo. Totoo nga. Tinaggal. At sa lahat pa ng section na pwedeng mong paglipatan, sa Pilot pa. 

"Friend... nandito ulit siya..." sabi ko sa isa ko pang kaibigan na nakakaalam ng nararamdaman ko.

Natakot ako. 

Sinimulan ko ng lumayo. 

Hindi na kita kinakausap. There are times na tinatawag mo ako. Nagbibingi-bingihan nalang ako. Alam ko kasing may kailangan ka ulit. Tapso kapag tinulungan kita, babalik nanaman lahat ng feelings na pinilit kong kalimutan sa loob ng mahabang panahon.

Alam kong naramdaman mo lahat ng pag-iwas na ginagawa ko. Kaya ayun, nakigaya ka din.

Masakit para sa akin. Pero diba, ginusto ko din naman?

It kills me everyday.

"Miss na miss ko na yung dating 'siya' " sabi ko sa kaibigan ko.

Oo totoo. Nagabago na talaga ang lahat. 

"Lord please... give me a sign kung dapat ko na po ba siyang kalimutan..."

That day came. The Lord gave the sign.

Sinimulan ko na talaga totally. Walang usap-usap.

Pero everyday, lagi kitang nahuhuling nakatingin sakin. Hindi ako pwedeng magkamali. You're always looking at me. Kaya ayaw ko na ding nagrereport sa harapan dahil sayo. Kapag nag-tama ang mga tingin natin, alam kong babalik ulit lahat-lahat. Lahat ng sakit.

"Lord... hindi ko na talaga kaya... Give me the last sign to forget this man..."

Pero a day after I prayed, hindi binigay ni Lord. Siguro, hinahayaan niya muna akong i-enjoy ang last day. Last day ng pagkakaibigan natin.

Pero nakulitan yata ang Diyos sakin. Binigay niya yung sign. It's time for Phase 3. Let Go and Move On.

Move on? Eh wala namang tayo.. 

Sinimulan ko na ang Phase 3.

I blocked you in Facebook. Unfollowed in Twitter. Deleted your number and everything.

Nagsend pa nga ako ng message na kunwari magpapalit na ng number, kahit hindi naman talaga.

Ngayon.

Nagising ako sa panaginip na 'yon. It was perfect, yet painful. Maganda na sana sa simula, naging bangungot lang nung huli.

Yung jersey mo, nasa drawer ko parin. Tinago ko talaga. Grabe. Amoy na amoy parin yung pabango mo dun sa jersey. Yun nalang ang tanging buhay na ala-alang iniwan mo.

Sana... tuluyan na kitang makalimutan.


P.S.

You may wonder why I wrote this for you. Simple lang. Nagiging unfair na kasi ako sa boyfriend ko. Unfair sa paraang di kita makalimutan. And opne reason is, I want to cherish those moments for the very last time. Baka kasi makalimutan ko. Hindi kakalimutan na ginusto pero dulot ng sakit. Kinakabahan kasi ako baka may brain tumor talaga ako. I have all the signs and it's getting worse everday. One of the effects is memory loss. Kaya ayan, sinulat ko nalang para kung sakaling makalimutan ko man at di ko ma-kwento sayo, papabasa ko nalang 'to.

Mahal parin kita hanggang ngayon.. Pero pinapalaya ko na yung damdamin na 'yon.