Pauna: Guys Sorry talaga sa sobrang late ko na update. lately naging busy ako sa office at mas lalo pa magiging busy sa mga dadating na weeks. Salamat din sa mga walang sawang
nagbabasa sa story ko na ito. Wala akong maisip na chapter title para sa chapter na ito. saka di na muna ako babati dahil sa oras na ito ay paalis na din ako dahil may lakad kami ni EHEM..... (secret!) sige guys enjoy sa pagbabasa!
Guys Thank You!!!!
Kiss The Rain
Chapter 10
____________________________
Argel Joseph Francisco
____________________________
Tatlong araw ang nag daan simula ng mga pangyayari sa bar ay heto ako nasa bahay at nagkukulong pilit iniisip kung ano ang mga pagkakamali ko sa buhay ko.
Sa dami ng mawawala sa akin ay si EJ pa.
"Argel! Argel! Argel! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ni Daddy sa pinto habang kinakalabog ito.
Agad naman ako tumayo sa kinauupuan ko.
Pagbukas ko ng pinto ay agad naman lumipad sa pagmumukha ko ang kamo ng Daddy ko na siyang nagpag bulagta sa akin sa sahig.
"Aray! Dad ano ba problema at nananakit ka?" Angil ko sa ginawa niya sa akin.
“Tarantado ka! Anong sa tingin mo pinagagawa mo? Bakit mo sinuntok si Angelica at bakit sumasama ka sa mga bakla na iyon?” Gigil na gigil na tanong sa akin ng aking Daddy.
“Wala na ba akong laya ngayon? Saka bakit ninyo ba pinipilit sa akin si Angelica? Bakla? Mga totoong tao iyon Daddy. Di tulad ng mga dating mga nakaksalamuha ko na kung kalian lang may kailangan saka lalapit sa akin.” Sabi ko habang tumatayo sa sahig.
“Ipinagkasundo kita kay Angelica para di mawala lahat ng bagay na tinatamasa mo ngayon. Gusto ko lang maging maayos ang buhay mo at ano ka ba babae sinapak mo?”
“Mawala ang akin o sa inyo po? Maayos buhay ko? O sa inyo? Alam ninyo ba na dahil sa babaeng iyon ay nawala ang taong pinakamamahal ko?”
“It doesn’t matter Argel. Kung ayaw mo pakasalan si Angelica we have to do this the hard way. I’ll take your car, ATM and Credit cards.”
“Daddy you can’t do this. Ako na tangi ninyong anak papahirapan ninyo?”
“Oo. Ikaw nga ang nagiisang anak ko pero di mo kayang maibigay ang nagiisang hiling din namin ng mommy mo. Uulitin ko. Kaya ko ginagawa ito para sa ikakabuti ng buhay mo hindi ng sa amin.”
Di na ako muling sumagot kay daddy at tuluyan na itong lumabas sa kwarto.
Sumama ang loob ko sa mga nangyayari sa akin. Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng laya at kinuha sa akin ang pinaka importanteng tao para sa akin.
Oo naramdaman ko iyon dahil sa hinuha ko ay naki Donnie na si EJ.
Dumaan ang mga araw at nabuhay ako na wala sa akin ang mga dating meron ako. Kotse, pera, at ang saya na nadadama ko na kasama ko sa tuwing kasama ko si EJ.
Sa mga araw na din na iyon ay naranasan ko din ang gutom, pagod, at sobrang kalungkutan.
____________________________
Erwin Joseph Fernandez
____________________________
Napako ako sa kinatatayuan ko sa oras na iyon habang naka tingin kay Argel.
Kitang kita ko mula sa aking lugar ang pagbabago sa itsura ni Argel. Pumayat ito at napakalungkot ng aura.
“Mhie, Ano tinitignan mo?” tanong sa akin ni Donnie.
Di ako agad naka sagot kay Donnie dahil sa titig na titig ako kay Argel.
Nakita ko naman na lumingon si Donnie sa tinititigan ko at nag iba ang ekspresyon ng mukha nito.
"halika na Mhie saka na tayo manood ng sine." sabi sa akin ni Donnie habang hinihila ang kamay ko.
Ngunit parang wala lang ako narinig sa sinabi ni Donnie at nanatili akong naka tayo doon na parang tuod.
Napaigtad naman ako bigla ng makita ko na lumingon at nagmadaling pumunta sa amin si Argel. Habang napatingin naman din sa amin si Angelica na nakataas ang kilay at galit na ekspresyon sa mata nito.
Ng makalapit sa amin si Argel ay bigla naman ako binangga ni Angelica at napaupo ako sa malamig na sahig ng mall na iyon.
"AY! BAKLA!!!" pag sigaw nito ng mabangga ako.
"Shut up Angelica." Mahinahon na sabi ni Argel.
Itinayo naman ako agad ni Donnie at bakas na sa mukha nito na naiinis na ito sa mga nangyayari. Sinenyasan ko naman siya na ok lang ang lahat at naintindihan naman niya agad ito at tumango sa akin.
Naisip ko na din ito na ang tamang pagkakataon na makausap si Argel.
Pagkatayo ko naman ay tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Angelica.
"Pwede ba huwag mo dito dadalhin ang katangahan mo? Saka mag ingat ka sa pagbangga ng mga tao dito baka mahawa pag nabangga mo." Pang aasar na sabi sa akin ni Angelica.
"Angelica enough! I said shut your fcuking mouth!" Gigil na sabi ni Argel kay Angelica.
"No you shut up! Let me do this. Tignan natin kung hanggang anoa ng itatagal ng taong kinahuhumalingan mo." Maangas na sagot ni Angelica.
Parang timang naman akong nakatitig sa dalawa at gulat din dahil sa alam pala ni Angelica na meron gusto sa akin si Argel.
"Uhmmmm.... guys excuse me aalis na kami ni Mhie." Sabat ni Donnie sa dalawa at parang batang hinila ang kamay ko.
Sumunod naman ako sa gusto ni Donnie at umalis na kami sa lugar na iyon.
Habang pababa naman kami sa groundfloor ng mall ay di pa rin maalis sa isip ko ang engkwentro namin na iyon at naudlot na balak ko makipagusap kay Argel.
“Mhie, sorry kung hinila kita paalis kaagad kanina..” Malungkot na sabi sa akin ni Donnie.
Imbis na sumagot ako sa kanya ay hinawakan ko na lang ang kamay niya.
Ng makalabas kami ng mall ay agad kami bumalik sa school grounds para kunin ang motor ni Donnie at umuwi na.
Bago sumakay naman sa motor ay inakap mo muna siya.
“Dhie, don’t worry kaya ko ito.”
“Mhie, basta pag need mo help andito lang ako. Lahat gagawin ko para sa iyo.” Sabi niya sa akin habang hinihimas ang likod ng ulo ko.
“Dhie, Maraming salamat talaga.” Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.
Pagkatapos naman ng tagpo na iyon ay inihatid na niya ako sa bahay ko.
Habang nasa daan naman kami di ko maiwasan na maiyak at magtanong sa sarili ko.
Bakit ganito pakiramdam ko matapos makita si Argel?
Bakit masakit pa din sa akin na makita silang dalawa ni Angelica na magkasama?
Bakit ganoon na lang ang ekspresyon sa mata niya tapos niya ako makita?
Iniluha ko na lang ng tahimik ang lahat ng nararamdaman ko sa oras na iyon. Tahimik upang di na magaalala si Donnie sa akin. Alam ko din na masasaktan lamang siya kung makikita akong ganito.
Nakarating naman kami sa bahay ng maayos at bago bumaba ng motor ay inayos ko muna ang sarili ko para di niya mahalata kung ano ang ginawa ko habang bumabiyahe kami pauwi. Pinagpasya ko na din muna huwag muna intindihin ang mga bagay bagay na iyon habang kasama ko ang taong mahal ko.
Pagkalapit naman namin sa bahay ay madilim ito sa labas. Agad naman ako pumasok sa loob at hinanap ko sila Mama at ang kapatid ko pero wala sila.
“Mhie, may note dito sa refrigerator!” sigaw ni Donnie sa akin.
Daglian naman ako bumaba para makita ang sinasabi ni Donnie. Pagkarating ko naman doon ay agad niya tinuro sa akin ang naka dikit sa ref na note.
Erwin,
Umalis kami ni Xang papunta ng Bicol. Na ospital daw ang tita mo kaya daglian kami umalis ng kapatid mo. Baka magtagal kami doon ng tatlo hanggang apat na araw. Ikaw na muna ang bahala sa bahay. May enough stock ng pagkain sa ref at kusina. May pera akong iniwan sa cabinet mo. Pasama ka na din kay Donnie kung gusto mo.
P.S.
Pagbalik ko dapat may apo na ako kung sakali.
-Mama
Napatampal na lang ako sa noo ko sa nabasa ko at ng tumingin ako kay Donnie ay nag flash agad sa akin siya ng isang ngiti. Ngiting may laman at ibig sabihin.
“Doon ka sa sala matulog.”
“Mhie naman. Huwag naman please. ” Angal sa akin ni Donnie na paawa effect ang itsura ng mukha.
“Mamaya na natin iyan pag usapan. Gusto ko manuod ng movie. Doon muna tayo sa sala at manuod ng DVD.”
“Sige Mhie nood na muna tayo.”
Agad naman ako nagpunta sa sala habang naka sunod siya sa akin.
Napangiti naman ako ng lihim. Dahil sa alam ko na mas matagal kong makakasama si Donnie sa araw na ito at ang idea na magkasama kaming matutulog sa iisang bubong.
Agad naman ako nagsalang sa dvd player namin ng isang romantic movie habang siya ay naupo sa sofa.
Ng nasa kalagitnaan na kami ng panood at ang eksena ay medyo cheesy na din ay napagpasyahan ko na yumakap sa kanya at idantay ang ulo ko sa balikat niya na ginantihan naman niya ng paghalik sa bumbunan ko.
“Dhie. Tabi tayo meme?” Pacute kong sabi sa kanya.
“Mhie. Sure ka?” nagtatakang balik na tanong niya sa akin.
“Ayaw mo? Sige dito ka na lang mamaya ah! Mag isa ka diyan.”
“Di po. Gusto ko. Now na?” sabi niya sa akin habang nakambang tatayo na sa kinauupuan niya.
“Hep hep hep! Hindi pa tapos pinanunuod ko. Mamaya na huwag muna excited marami tayong oras. dito ka muna paakap Dhie. Iingit ko sa kanila oh.” Sabi ko habang nakaturo sa TV at humahagikgik.
“So naiingit ka sa kanila? Di naman sila hug ah?”
Pagtingin ko naman sa TV ay tama nga naman siya. Nasa mainit na halikan ang dalawang bida sa pinapanood namin.
Nginisian ko na lang siya at ngumuso habang nakapikit. Di naman ako nagkamali at hinalikan niya ako.
Ang halikan na iyon ay naging maalab at punong puno ng pagmamahal. Halos di na kami huminga sa aming ginagawa. Ng maghiwalay naman an gaming mga labi ay automatic naman na hinanap ko ang remote ng TV at DVD Player at sabay kong napatay ito sa isang pindutan lang.
Napatingin naman sa akin si Donnie at ngumisi sa akin. Tinulak ko naman siya at nalaglag sa sofa. Habang ako naman ay parang tanga na kumaripas ng takbo papunta sa hagdanan.
“Nabitin ka? Gusto mo matuloy? Pwes Habulin mo ako Dhie!” Parang bata sabi ko sa kanya.
“Sige pag nahuli kita isang linggo ka di makakalad.” Naka ngising sabi nito sa akin habang hininimas ang likod niya dahil sa pagkakalaglag sa sofa.
Parang mga bata naman kaming dalawa na akala mo ay ngayon lang naka kawala sa kanikanilang mga hawla.
Pagkapasok naman sa kwarto ko ay agad niya ako dinamba mula sa likod at bumagsak kami sa kama. Mula sa pagkakadapa ay humarap ako sa kanya at binigyan siya ng isang mariing halik.
“dapat pala di na ako nagpahabol pa. nabitin ako eh!” natatawang sabi ko sa kanya.
Kesa sumagot siya ay isang mariing halik muli ang binigay niya sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang na halos na wala na pala kaming saplot na bumabalot sa katawan namin.
Naging makabuluhan ang gabing iyon.
Iyon ang gabi na naging isa kami.
Iyon ang gabi na binigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko.
Gabi na pinatunayan ko na talagang mahal ko si Donnie.
________________________
7:00 pm Thursday
________________________
Kakatapos lang ng klase namin at naglilipit na kami ng gamit namin.
“Che, ano bago? Updates? Chika? Chenes?” sabi ni Jhepeth sa akin habang tinatapik ang likod ko.
“Oo nga friend ano bago?” Singit ni Kenji.
“Bago? Hmmmmmm! Dhie ano ba bago?” Tanong ko naman kay Donnie.
“Bago? AH! Si Mhie? Maingay yan!” Sabi ni Donnie sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti sa aming tatlong magkakaibigan na naka tingin at nakikinig sa kanya.
At heto nanaman ako. Umakyat nanaman sa dalawang pisngi ko ang dugo sa aking katawan. Sa sobrang pula ay pag tinusok mo ng karayom ay sisirit na ata ang kalahati ng dugo ko sa katawan ko.
“Hoy sira ka Dhie ano pinagsasabi mong maingay ako?!!” protesta ko sa sinabi ng aking nobyo.
“Kitam ano yan Mhie? Di ba maingay ka ngayon? Hahahaha!”
“Di ko ma gets….” Sabi ni Jhepeth habang nagkakamot ng ulo.
Habang si Kenji naman ay tawa ng tawa at halos mawalan na ng hininga.
“Ay ganun pala? Alam ninyo ba si Dhie? May mapa ng isang continent sa…..”
Nanlaki naman ang mata ni Donnie sa akin sa binitin kong sasabihin at ang dalawa ay nagaabang naman sa idudugtong ko.
“May mapa ng isang continent si Dhie sa bag niya.” Sabi ko sabay kuha ng binder ni Donnie na may mapa ng Europe sa likod.
Bigla naman bumagsak ang mukha ni Kenji at Jhepeth sa pagkadismaya.
Ako naman ngayon ang tawa ng tawa ng bigla akong batukan ni Jhepeth.
“Nyeta kayong mag jowa! Wala ako maintindihan sa pinagsasabi ninyo.” Naka busangot na sabi sa amin ni Jhepeth.
Imbis naman mainis ay napahagikgik ako sa pagka slow ng aking bestfriend.
“Slow…” napapahagikgik na sabi ni Kenji habang umiiwas sa amba ng panunutok sa kanya ni Jhepeth.
“Haller! Di lang ako makagets sa inyo mga impakto kayo! Kasi po ako lang ang 90% babae dito nuh!”
“90% percent? Ano yung remaining 10%?” nagtatakang sagot ni Donnie.
“90% girl sa body. 10% bakla sa pagiisip.” Taas noong sagot ni Jhepeth habang salo salo ang dalawang bukol sa dibdib niya.
“Ahhhhhh…….” Walang kakwenta kwenta naming sagot naming tatlo kay Jhepeth.
“Not interested?” buong pagtataka ni Jhepeth na tanong sa amin.
Parang sira naman kaming tatlo nila Donnie at Kenji na tumango sa kanya.
“Hay naku palibhasa mga baliko kayo kaya di ninyo ma appreciate ang ganda ng gawa ng diyos.”
“Jhepeth I love you!!” Sigaw ng classmate namin na palabas ng classroom namin.
“I love you too! Pero di kita type.” Mayabang na sagot ng babaeng bakla.
“Ok lang basta love kita!” balik sa kanya ng classmate namin bago kumaripas ng takbo sa corridor.
“Ayiiiiiiiihhhhhh! May nagkakagusto papala sa iyo amazona ka. Patulan mo na yun sayang yun. Baka wala ng dumating na iba at maburo yan. HAHAHA!” Pangaasar ko habang nakaturo sa kwan ni Jhepeth.
“Che, Gaga ka talaga. Di mabuburo yan andiyan naman si Kenji. Di ba Baby Kenji ko?” Sabi bi Jhepeth habang pumupulupot kay Kenji na parang ahas at humahalik halik sa pisngi nito.
“Friend help……” Sabi naman ni Kenji sa akin na kala mo ay tatakasan na ng ulirat dahil sa pandidiri sa ginagawa sa kanya ni Jhepeth.
“Sige bahala na kayo diyan. Maiwan na namin kayo. Mukhang gutom na itong Mhie ko at kakain muna kami sa labas.” Sabi ni Donnie na tinanguan ko lang at nginitian.
“Bye Che! Bye Friend!” naka ngisi kong paalam ko sa dalawa na nasa akto ng pilit na lampungan.
Habang palabas naman kami ng classroom ay kinawayan ko pa ang dalawa. Pababa naman ng hagdan ay biglang hinawakan ni Donnie ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.
“Mhie, Gututom ka na di ba? Lika kain muna tayo. Ano gusto mo kainin?”
“Dhie, gusto ko ikaw.” Parang timang kong sabi sa kanya.
“Tsk! given na yun. Mamaya nay an paghimagas. So saan tayo kakain aking minamahal?”
Kinilig naman ako sa sinabi ni mokong sa akin.
“Sige Dhie sa KFC na lang tayo tagal ko na di nakakain ng chicken.”
“Kagabi lang kumain ka ng chicken. Yun ulam natin di ba?”
“Matagal na yun. Ilang oras na din kaya.” Parang bata ko na sagot habang naka pout pa ang labi at pinipisil ang kamay niya.
“ KFC sabi ng Mahal kong Mhie kaya sa KFC kami kakain.” Sabi niya sa akin sabay bitiw ng matamis na ngiti.
“Sige na. Lika na Dhie di ako mabubusog sa ngiti mo.”
Naglakad na ako habang kalakadkad ko si Donnie palabas ng school.
Pag dating naman namin sa KFC ay mabilisang akong umorder ng kung ano anong makakain at mukhang napadami ata iyon. Habang si Donnie naman ay pinaghanap ko ng pwesto namin.
“Mhie, Sure ka mauubos mo ito? Sa January pa fiesta natin ah?” tanong ni Donnie na nanlalaki ang mata sa dami ng pagkain sa harap namin.
Dalawang double down, dalawang two piece chicken meal, dalawang California maki twister, dalawang mushroom soup, dalawang bucket of fries, dalawang brownies, dalawang crushers at siyempre di mawawala ang isang platong gravy na kala mo ay sabaw ng sinigang sa dami.
“Oo naman tutulungan mo ako eh. Kaya natin ito.”
Sinimulan na namin ang pagkain at dahil sa may bandang bintana na kitang kita ang view ng school namin at ang mga kalapit na establishments at walang ibang naka pwesto doon bukod sa amin ay malaya kaming naglalabingan at nagkukulitan habang kumakain andiyan yung magsusubuan at pupunasan ang bibig ng isat isa kapag may dumaplis na pagkain.
Hindi naman namin naubos ang pagkain na inorder ko kaya pina takeout ko na lang ito. Inshort naging takaw mata lang ako.
“Dhie mag 9pm na. Uwi na tayo. Doon ka pa din matututlog sa bahay. Wala sila mama pa eh. Itong dala ko lagay natin sa ref para may almusal bukas.” Sabi ko habang palabas kami ng KFC.
Tango, ngiti at halik sa kamay lang ang sinagot sa akin ni Donnie.
Paglabas naman namin ng mall ay agad naman siyang tumawag ng taxi dahil di niya dala ang motor niya. Pagkasakay naman namin sa taxi ay sinabi niya agad kung saan ang destinasyon namin sa driver.
At ng makarating naman kami sa bahay ay may napansin akong pamilyar na taong naka tayo sa may malapit at nakatingala sa bahay namin.
“Si Argel…” mahinang usal ko at napatingin ako kay Donnie.
Itutuloy.
Tanong ko lang kung Saan/anu ba yung title ng picture na ginamit mo para sa title? Interested ako doon sa picture eh. Nice story nga pala. antagal nga lang ng update...
ReplyDelete