ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Tuesday, September 20, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 12)


           Hello po ulit sa lahat ng mga tagapasunod ng kwentong ito.. pasensya na po kung natatagalan ang update ko.. Kasi po medyo busy lang po talaga.. then recently puro overtime po kasi.. Pero bumawi naman po ako.. Mas mahaba ito than sa ibang chapters.. ahehehe.. Thanks po!!


           Gusto ko lang po uli magpasalamat kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Cyrus Perez, Mars, Zekie!! J, wastedpup, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

            Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!! J

   COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!

             ENJOY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!







Si Jerry


            Lumipas ang mga araw. Lalo akong nalulon sa bisyo. Wala na kong paki sa sarili ko. Laging gabi na ako nauwi. Party dito, party doon. Isang gabi, napagpasyahan ko nanaman gumimik at mag inom. Ittxt ko sana si Art para isama ngunit medyo naguiguilty na rin ako. Unti unti ko ng narerealize na mali ang ginagawa ko sakanya. Alam kong nasasaktan na sya sa ginagawa ko. Akala ko nung una, pag nilayuan ko na sila, e magiging ok na ako. Pero nagkamli ako. Kahit pa man na anong nangyari sakin noon ay di ako iniwan ni Art, kahit pa ngayon na tinataboy ko sya. Andyan pa rin sya.

            Pagdating ko ng bar mga pasado alas dose ng hating gabi ay umorder agad ako ng isang bucket ng beer. Nandun ang mga naging kakilala ko sa inuman kaya sinamahan nila ko mag inom.

            “Pare, bat nagiinom ka magisa? Tara, sama ka dito.”

            At yun na nga, lumipat ako sa side nila. Naginuman kami doon at medyo nagkakakwentuhan. Sa isip ko, akala ko, makakalimutan ko nanaman ang mga problema panandalian. Pero nung nakita ko silang nagtatawanan at masayang masaya, mas lalo akong nalungkot.

            “Ano bang nangyayari sakin?”, tanong ko sa sarili. Habang tinitingnan ko silang masayang masaya ay naalala ko ang sarili kong tropa. Dapat sila ang kasama ko ngayon at hindi ang mga ito. Naalala ko na kahit pa tipid na tipid kami sa inuman ay masaya pa rin kami dahil magkakasama kami. Hindi katulad ng ganito, walang pakialamanan samin dahil ang isip nila, kasamahan lang ako sa inuman. Pero di tulad ng tropa na damayan sa problema.

            Maya maya ay nakatanggap ako ng text mula kay Jenny.

            “Jerry, hindi ko alam bakit pati kami ay dinededma mo na. Pero cge, “I’ll understand. Pero sana kahit man lang si Art, makipag ayos ka na. You haven’t been treating him nice and he doesn’t deserve that kind of treatment. Make things right before its too late.. Ingats ka bes. We love you still..”

            Pero dinedma ko ito. At hindi nagreply.

Nagulat ako ng bigla na silang nagsitayuan,  lilipat din daw sila, gusto lang daw nila uminom ng konti, may kaibigan kasi silang imeet sa ibang bar. Niyaya nila akong sumama, pero tumanggi ako. At ayun na nga, mag isa na kong umiinom. Dala na rin ng alak, mas lalo akong dinadalaw ng lungkot. Pambihira naman. Alam ko naman malungkot mag isa lalo na pag umiinom. Mas lalo kong naramdaman ang pag iisa. Namimis ko tuloy bigla ang tropa. Ang walang katapusang saya pag kami ang magkakasama, kahit sa mga simpleng trip, masaya pa rin. Naalala ko rin ang kasweetan ni Philip. Ang pagka isip bata at kakulitan ni Art. Lalo na ang pagbati nya sakin sa umaga ng napakasiglang “Good Morning”, ang mga pangungulit nya sakin. Ang pagkaprangka at pagkamaldita ni Jenny. Ang pagkaloko ni Ben, at ang sobrang kikay na si Leah. Ito ang mga taong tunay na nagpapasaya sakin na mas pinili kong layuan dahil sa katangahan.

            Nasa kalagitnaan ako ng pag eemo ko ng biglang may nagsalita sa harap ko. Isang pamilyar na boses.

            “Oh, bat nagiinom ka magisa?”, sabi ng isang pamilyar na boses.

            “Kuya George? Uy, kamusta? Ano ginagawa mo dito?”

            “Ah, galing kasi ako sa bday ng inaanak ko, e medyo nabitin sa pag inom kaya gusto ko sana magi nom pa ng konti. Tsaka I will be meeting someone around the area din E napaaga ang punta ko. Do you mind na share na lang tayo sa table?”

            “Oo naman kuya, have a seat.”

            Medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Atleast di na ko mag isa magiinom. Pero medyo naiilang ako kasi kapatid sya ni Art. At naguiguilty na ko sa mga ginagawa ko sa kapatid nya. Hindi tuloy ako makatingin ng direcho sakanya. Sinubukan kong basagin ang katahimikan.

            “So kuya, kamusta naman?”

            “I’m ok. Doing great as usual. Pero the question is, ikaw ang kamusta?”

            “I’m ok… I guess..”

            “Haayy.. Ikaw talaga..”

            “Bakit kuya?”

            “Since you’ve been taking care of Art, hindi na rin iba ang trato ko sayo. Para na rin kapatid ang turing ko sayo. Hmm.. Wanna talk about anything…? You seem bothered kasi..”

            “Kuya kasi….”, at dun, di ko na napigil ang emosyon ko. I’ve been holding this for too long. Mabigat na. Masakit. Halos di ko na magawang normal ang buhay ko. Kaya sa pagkakaiyak kong yun ay lumapit si Kuya George at hinimas ang likod ko.

            “Do you think it’s worth it? I saw everything Jerry. Nung gabi ng prom nyo, I was invited by a friend sa malate. It was past midnight ng biglang may isang lalakeng nagwala sa loob ng bar. Agad naman pinigilan ng mga kasama nyang kalalakihan. Then after ilang minutes, I saw you with Jenny. I saw everything. The way na nagkasagutan kayo, nagkasuntukan. Lalapit sana ko, kaso gutso ko ihandle mo muna yan mag isa kasi it seemed very personal.”

            Galing sa pagkakaiyak ay gulat ang reaksyon na naramdaman ko. Syempre ba naman. Nakakahiya at alam nya ang skandalong nasangkutan ko. Pero di ko na napigilan ang emosyon. Dala na rin siguro ng nahihirapan ko, ikinwento ko na lahat ang nangyari. For the first time, may nasabihan ako ng lahat lahat. Lahat ng mga tanong ko sa sarili ay naitanong ko na rin kay Kuya George. Tahimik lang sya tumutungo at pinapakinggan ako. Nang nanahimik na ko ay nagsalita na rin ito.

            “Matalino ka Jerry. Alam mo rin ang mga sagot sa tanong mo. Pero nagbubulag bulagan ka lang. Pero sa nakikita ko sayo at sa kinwento mo sakin? Honestly, you are starting to act like Philip. Dala ng kaduwagan mo ay nilayo mo ang lahat ng tao sa paligid mo. Yan ba ang gusto mo talaga? Hindi lang si Philip ang nagmamahal sayo, Jerry. Alam kong alam mo yan. Ayaw ko muna magsalita hanggat hindi kayo mismo ang lumalapit sakin. Pero Jerry, sa lahat ng pagiiwas na ginagawa mo, yan ba talaga ang gusto mo? Ganyan mo ba gusto ipagpatuloy ang buhay mo?”

            Natahimik ako sa sinabi ni Kuya. Nagisip. Isa isa kong inalala ang mga pinaggagawa ko ng mga nakaraang linggo. Ang pagdedma ko sa mga kaibigan, ang pagiging ilag ko sa mga tao, ang pagiging masyado kong reserved na tao. This is not me. At tama sya, I think im starting to act like Philip. Ako na ang nilalapitan ng mga kaibigan ko, pero sila ang tinataboy ko. Shit! What have I become?!

            “Kuya, hindi mo naiintindihan.. masyadong kumplikado ang lahat. May mga bagay bagay ako na hindi maintindihan mismo sa sarili ko. May mga emosyon akong nararamdaman na hindi naman dapat dahil hindi normal.”

            “Hindi ko man pinagdadaanan yang pinagdadaanan mo ngayon, pero isa ang sigurado ko, natuto na rin akong mainlove noon.”

            “Kuya, ano naman kinalaman ng pagiging inlove sa sitwasyon ko?”

            “Jerry, mukha ngang di mo pa narerealize. Pero alam ko, dyan sa sarili mo, nagmamahal ka, kaya ka nga nasasaktan ng ganyan ee. Hindi magiging ganyan ang mararamdaman mo kungdi ka nagmamahal. O sige, kung tayo ba ang mag away e magiging ganyan ka din ba ka apektado?”

            “Kuya.. Tama ka.. Inlove nga yata ako.. Pero bakit? At kanino?”

            “Jerry, kaya kong sagutin ang bakit. Pero ang sino? Ikaw lang ang may alam nyan. Bakit? Hindi naman natin napipili kung sino ang mamahalin. Walang rason kung bat ka nagmamahal ng isang tao. Kung magkakaroon ka man ng rason kung bakit mo sya minahal, ay magkakaron ka na rin ng rason kung bakit di mo sya mamahalin.”

            “Pero Kuya, lalake ako.. at lalake din sila. Hindi ako bakla.”

            “Wala namang nagsasabing bakla ka e. Pero yang nararamdaman mo, alam mong totoo yan. O sige, sabihin natin, nagkaka girlfriend ka nga. Naatract ka sa mga babae. Gusto mo ng babae. Kasi nga lalake tayo. Pero Jerry, sabihin na natin na kunwari, babae nga ang rason kung bat ka nagkakaganyan. Do you think youre being a man right now? Imbis na harapin mo ang problema mo, e kinukulong mo ang sarili mo sa sarili mong confusion and kalungkutan. Take it like a MAN!”

            Bawat salita na binitawan ni Kuya George ay talagang tumatarak sa dibdib ko. Para akong binabangungot at biglang binuhusan ng napakalamig na tubig. Bigla kong narealize ang lahat. Unti unti ng nagsisink in sakin ang mga tanong sa sarili, at ang mga sinabi ni Jenny. Unti unti ko ng napagdudugtong ang mga tanong ko sa sarili ko. Isa isa ng nagkakaron ng linaw ang lahat sakin. Naramdaman ko din ang kagaguhan at kaduwagan na pinag gagawa ko. Parang bumalik na ko sa realidad. Tapos na ang masamang panaginip.

            “Kuya salamat talaga. Tama ka, mali ang ginagawa ko. Hindi tama ang rason na malungkot ako kaya sisirain ko ang sarili ko. Wag ka mag alala kuya, this has been an eye opener for me. Gising na ko kuya, tapos na ang masamang panaginip.

            Niyakap ko si Kuya George sa sobrang tuwa. Ang laki ng pasasalamat ko na nagkita kami nung gabing yun. Kita naman kay Kuya ang saya dahil sa nakatulong sya. Naramdaman ko din sa sarili ang pag gaan ng loob. Kahit pa ang dami ng nainom ko ay parang biglang nawala ang lahat ng lasing ko. Nung puntong yun, gusto ko ng ayusin na uli ang lahat. Ayaw ko na magtago sa kalungkutan.

            Pagkalabas namin ni Kuya ng bar ay nauna na kong umuwi, may dadaanan pa daw kasi sya. Pero ihinatid nya muna ko sa taxi bago pa sya tuluyan umalis. Naging magaan na ang pakiramdam ko. Hanggang sa nakauwi na nga ako sa bahay.

            Pagpasok na pagkapasok ko ng kwarto. Isa ang pumasok na pangalan sa utak ko.

            “Si Art!”




Maaga akong nagising. Sinalubong ko ang umaga ng may ngiti. Sobrang gaan na ng pakiramdam ko. At lahat ng ito ay malaking pasasalamat ko kay Kuya George. Kung hindi dahil sakanya, ay malamang lugmok pa rin ako sa kalungkutan.

            Agad akong tumayo at kinuha ang twalya. Pumili ng isusuot. Nang makapili na ay agad na ko dumirecho sa banyo at naligo. Masayang masaya talaga ako non dahil wala na ang nararamdaman kong sakit at bigat sa dibdib. Infact, pakanta kanta pa ko habang naliligo.

            Pagkabihis ay agaran kong nilock ang bahay at naglakad palabas sa amin. Dumaan rin ako ng palengke. Namili ng sahog at dali daling nagpunta sa bahay nila Art. Malamang naka alis na yun dahil may training sila ngayon. Balak ko sya supresahin sa paguwi nya for lunch. Ipagluluto ko sya ng kanyang paboritong adobo.

            Pero di tulad ng inaasahan, pagdating ko kaila Art ay sinalubong ako ni Tita Marissa. Nandun daw si Art sa kanyang kwarto. “Sayang, di ko sya masusurpresa tulad ng balak ko.”, sabi ko sa sarili. Pero mukhang nasa akin parin ang swerte dahil tulog pa daw ito dahil anong oras na daw ito nakatulog kagabi. Tuloy pa rin ang plano. Nagpaalam ako kung pwede ko bang pasukin si Art sa kanyang kwarto ngunit pinigilan ako nito. Mas maganda daw na supresahin ko nalang ito pag gising nito. Dahil malamang, ikatutuwa daw ni Art na pag gising at pagbaba nya ay ako ang madadatnan. Agad naman ako sumang ayon. Sinabi ko rin na ako ang magluluto ng tanghalian. Natuwa naman lalo si Tita dahil alam nyang paborito nito ni Art.

            Pagkapasok na pagkasok ay nasalubong ko si Albert na nanonood sa sofa. Mukhang nagulat ito sa biglaan at maaga kong pagbisita dahil may pagtataka sa  kanyang mukha. Nang hanapin ko naman si Kuya George ay tulog pa daw ito dahil lasing na ng umuwi kaninang medaling araw. Naalala ko na pagkahiwalay naming kagabi ay may pinuntahan pa ito. Kaya naman agad ko nalang inayos ang mga pinamili ko at sinimulan na ang pagluluto. Mas magana ako magluto ngayon dahil gusto ko talagang bumawi kay Art sa pagsusurpresa sakanya ng kaniyang paboritong Adobo.

            Natapos akong magluto mga bandang 11:30 na ng tanghali. Binabad ko kasi mabuti ang karne para kumapit ang lasa kaya medyo natagalan ako. Special ang adobong ito. Pagkatapos magluto ay umupo muna ko sa sofa at tumabi kay Albert na nanonood pa rin ng tv. Andun na din si Tita Marissa at nanonood.

            “Smells good. Im sure kuya will love it!”

            “Yeah, I hope he does.”

            “Naku hijo, sa amoy pa lang, alam mo ng masarap ang niluto mo.”

            “Ikaw talaga Tita, nambola ka pa. Dibale, sabay sabay tayo kakain mamaya pagbaba ni Art.”, nakangiti kong sinabi.

            “Hey man, did kuya already tell you that..”, pero cinut sya ni Tita Marissa at tumingin ng mata sa mata kay Albert na medyo ikinagulat ko.

            “Hijo, what Albert means is ilang beses ka ng ikinikwento ni Art na sana.. ah.. mapadalaw ka na nga daw dito dahil ilang linggo ka na rin di nakakadalaw.”, agad na sinabi ni Tita.

            “Yeah.. that..”, nasabi nalang ni Albert.

            “Ah.. ah, eh.. Ganun po ba. Pasensya na Tita, medyo stressed kasi ako this past few days..”, tugon ko kay Tita. Pero may tila mali sa nangyayari. Hindi ko man matukoy kung ano, pero para talagang may mali.

            Maya maya pa ay narinig ko ng may bumababa sa hagdanan. Si Art! Kaya agad muna ko nagtago sa pintuan ng cr. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko non. Gusto ko makita ng biglaan ang magiging reaksyon ni Art pag nakita ako. Nang makita ko sya mula sa konting puwang na binuksan ko galing sa pinto ng cr ay may pagtataka ang mukha nito at lumpait agad sa kusina. Inaamoy amoy ang paligid at tiningnan ang nilutong pagkain.

            “Ma? Sino nagluto nito?”, agad na bungad ni Art sa ina pagkababa.

            “Aba syempre, ako. Sino pa ba ang magluluto, kung hindi ako.”, kalmadong tugon ni Tita Marissa.

            “Ma, sure ka? Ikaw talaga nagluto?”, taking taking tanong ni Art.

            “Aba! Sino pa ba ang pwedeng magluto dito?”, malumanay na tugon ni Tita.

            “Ahh.. ah ga-ganun ba.. Kasi pamilyar ang amoy ng lutong ito ee. Parang luto ni….”

            At dun na ko umeksena.

            “Luto nino? Luto ko?”, nakangiti kong sinabi ng biglang lumingon si Art sa direksyon ko. Kitang kita sa mukha ni Art ang matinding pagkagulat, pero at the same time, kitang kita sa mata nya ang pagkatuwa at pagkasabik. Sa sobrang tuwa nito ay lumapit ito agad at napayakap sakin na sya namang ginantihan ko rin. Mabilis lang ang yakapan na yun, pero ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkasabik sa kanyang pagkakayakap.

            “Good Morning!!”, pagagaya ko sakanya. Pilit kong ginaya ang araw araw nyang pagbati sa akin ng napakasigla at maligalig na “Good Morning!”

            “Hindi bagay sayo. Gagayahin pa kasi ee! Hahahaha! Wag mo na uulitin yon ah! Last mo na yon! Hahahaha!”, bakas sa mata nya ang tuwa sa pagkakasabi nya nun. Ngumiti lang ako sakanya. Isang matamis na ngiti na kanina ko pa gusto ipakita sakanya.

            “Naligaw ka ata? Nako Jerry ha, maaga pa para gumimik o mag inom. Tigil tigilan mo ko.”

            “Ano ka ba, hindi naman ako pumunta dito para magpasama uminom. Pass na muna tayo dun.”

            “Huh? E bakit ka andito? San tayo pupunta?”

            “Eh kung kumain muna kaya tayo?! Kanina ka pa po naming hinihintay senyorito.”, tanging tugon ko sakanya. Sabay kindat sa kanya.

            Pinagising na rin ni Tita Marissa kay Albert si Kuya George para sabay sabay na kaming makakain. Maya maya din ay bumaba na si Kuya George kasama si Albert. Nang nakita ako ay agad ngumiti ito.

            “Hmmm. Ang bango ha. Ikaw nagluto Jerry noh?!”, pambati ni Kuya George.

            “Ah, hehehe. Pano mo nalaman Kuya?”

            “Ahahahaha! Eh, di naman ganyan kabango magluto si mom ng adobo eh!”, sabay tingin kay Tita Marissa at nagbigay ng pilyong ngiti. Sabay sabi ng, “I love you ma. Heheheh.”

            Naging napakasaya ng tanghalian nay un dahil bakas sa kanilang mukha ang saya. Mga naudlot na ngiti dahil sa pagkawal ni Tito Lance. Kahit ako man ay masaya dahil kahit papano ay nakapaglagay ulit ako ng ngiti sakanilang mga mukha.

            Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bigla akong nagsalita.

            “Tita, hihiramin ko po pala si Art today ha. May pupuntahan lang kami. Dun na rin po sana sya matulog sa bahay.”

            Agad natahimik ang lahat. Nakita kong tumingin si Art sa kanyang ina. Tumungo lamang si Tita Marissa kay Art. Sabay tingin sakin, “Sure hijo.”

            Pagtapos naming kumain ay tumulong na rin ako sa pagliligpit. Ngunit pinigilan ako ni Tita. Siya na daw ang bahala dahil ako naman daw ang nagluto. Kaya naman agad kong kinausap nalang si Art at niyaya ito sa kaniyang kwarto upang dun sya hinatyin na makapag gayak. Ngunit pinigilan ako nito.

            “Naku bes, dito ka na lang sa sofa maghintay, hindi kasi ako nakapaglinis ng kwarto ko ee. Nakakahiya naman, baka maglinis ka nanaman ng di oras. Mabilis lang ako, promise.”, agad na sabi nito.

            Wala na rin akong nagawa kundi ang maghintay sakanya sa may sofa. Anyway, maganda rin naman ang palabas sat v kaya minabuti ko na rin manood na lang muna.

            Maya maya ay bumaba na rin si Art dala ang isang bag. Kaya tumayo na ako at nagpaalam kay Tita. Niyakap nya ko ng mahigpit at nagpaalam na ko saknya. Nagpaalam na rin ako kaila Kuya George at Albert.

            Nang makalabas ay agad kami nagtungo sa mall. Hindi ko kasi naman talaga alam kung san kami pupunta. Basta kailangan ko bumawi saknya, yun lang ang nasa isip ko. Hindi deserve ni Art ang mga ipinakita ko sakanya lately.

            Pagdatinig naming sa mall ay niyaya ko sya manood ng sine. Ako ang taya. Ako ang bahala sakanya ngayong araw na to. Sisiguraduhin ko na dapat magenjoy sya. Karamihan sa palabas ay horror. Sakto! Parehas kasi naman paborito ang mga horror movies. Agad akong bumili ng ticket para sa aming dalawa. Kaso, nagsimula na ang palabas, mga 30 mins na rin ang lumipas kaya hindi na maganda umpisahan.

            “Hintayin nalang natin yung next screening time, panget kung di natin mauumpisahan.”, sabi ko sakanya.

            “Oo nga, mahaba pa naman ang oras.”, tugon nito.

            “Tara, libot na lang muna tayo.”

            Bumaba muna kami para magpalipas oras. Pumunta kami sa lagging tinatambayan ng tropa pag nasa mall. Dun din kasi madalas may mga pumupunta na magagandang babae. Dun kami nag bebebot hunting. Pagdating naming dun, napansin kong medyo tahimik lang si Art. Di tulad dati na pag may nakikita kaming magandang babe dun ay pupurihin namin. Ngayon, tahimik lang sya.

            “Bes, ok ka lang ba? Kanina ka pa tahimik ah?”

            “oo, medyo antok lang.”

            Inaantok daw? Ano nga ba nakakapag pagising kay Art? Hmmm.. Arcade! Mahilig nga pla sya mag arcade dahil nakahiligan nya ang paglalaro, palibhasa nga ay isip bata. Pagdating naman sa may arcade ay tila medyo nabuhay si Art. Nagbasketball kami, air hockey, tekken, marvel vs capcom, time crisis at kung ano ano pang paborito nyang laro.

            Natapos na kami at palabas na sana kami ng arcadan ng mapadaan kami sa karaoke. Sa wakas! Something na paborito ko naman ang gagawin naming. Madalas kasi magkaraoke pag wala akong ginagawa. Pinaupo ko muna si Art at sinabihang hintayin nya lang sa may mga upuan. Pagka upo nya ay namili na ako ng kanta.

            Nakaharap ako sa song list ng maalala ko yung unang beses na kumanta ako sa school. Naala ko na gumagawa ako ng booth namin para sa foundation day ng tawagin ako ni Philip dahil ipapakilala daw nya ko sa mga kaibigan sa first section. Naalala ko kung pano nya ko pinakilalang bestfriend sa harap nila. Naalala ko kung pano ako pinakanta sa harap nila. Kung paano ko sya tiningnan habang kumakanta ako, ang pagtingin ko, ang pagkindat ko sakanya. Naalala ko din kung pano nya ko tiningnan. Una ay malokong ngiti sabay seryoso at matamis na ngiti. Lahat yun, bumalik sa aking alala. Lahat, isang magandang alala na lamang. Shit! Sa kabila ng lahat, ito naaalala ko nanaman si Philip. Mali, masakit, pero di ko mabura sa aking isipan. Sa pagpipili ko ng kanta ay naka agaw ng pansin sa akin ang dalawang kanta. Tugma at angkop ito sa aking nararamdaman, kaya agad kong pinindot ung number sa videoke sabay hulog ng token. Ilang sandali pa ay natapos na ang mga kantang nauna sakin kaya umakyat na ako ng stage.

            Pagka akyat ng stage ay nagsimula ng tumugtog ang intro. Gusto ko ilabas ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng kantang ito. Ito ang kantang nagsimula sa pagiging mas lalo pa naming pagiging malapit ni Philip.

            “The Day You Said Goodnight”

Take me as you are
            
Push me off the road
The sadness,
I need this time to be with you
I'm freezing in the sun
I'm burning in the rain
The silence
I'm screaming,
Calling out your name

Bridge:
And i do reside in your light
That puts up the fire with me and find
Yeah you'll lose the side of your circles
That's what i'll do if we say goodbye

Chorus:
To be is all i gotta be
And all that i see
And all that i need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight.


The calmness in your face
That I see through the night
The warmthress your light is pressing unto us
You didn't ask me why
I never would have known
Oblivion is falling down

[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/h/hale/the_day_you_said_goodnight.html ]
Bridge:
And i do reside in your light
Put out the fire with me and find
Yeah you'll lose the side of your circles
That's what i'll do if we say goodbye

Chorus:
To be is all i gotta be
And all that i see
And all that i need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight.

If you could only know me like your prayers at night
Then everything between you and me will be alright.

Chorus:
To be is all i gotta be
And all that i see
And all that i need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight.


She's already taken,
She's already taken
She's already taken me
She's already taken,
She's already taken me

The day you said goodnight.



            Habang kinakanta ko ay mas nanumbalik sakin ang lahat ng alaala. Nung una sya nagtxt sakin, yung nilapitan nya ko para makipagusap, yung kumain kami sa never ending na mcdo, yung reaksyon nya nung tanungin ko kung stalker ba sya, yung pagkahiya ko ng malaman kong may kambal pala sya, ang pagtulong ko sakanila ni Emily na napunta din sa wala, ang pagiging mas malapit namin, ang pagkilala sakin bilang bestfriend, ang paghintay nya sakin sa babaan ng jeep, ang paghihintay ko sakanya tuwing malalate sya sa pagttraining na sya namang ililibre nya ko sa wala talagang katapusan na mcdo, ang pagsabay namin umuwi, ang birthday nya, ang reaksyon ng kinabit ko ang bracelet kong regalo, ang pagkahalik nya sakin nung pasko, ang mga panakaw na halik na lage nyang ginagawa, at ang pagyakap nya sakin at sinabi nyang… “Wag mo ko iiwan..”

            Natapos na ang unang kanta at ang iba ay nagpalakpakan, pero sa gitna ng palakpakan na yun, ay naramdaman ko nanaman ang pagkasabik ko kay Philip. Namimis ko pa rin sya kahit masakit. Alam ko na dapat magsaya ako ngayon, pero kahit pala anong pilit mo ngumiti, hindi ka tlga makakapagsinungaling sa iyong sarili. Pero pinilit kong ngumiti dahil nakita ko si Art na todo palakpak sa akin. Araw nya ngayon. Araw namin.

            Si Art, ang taong hindi umaalis sa tabi ko, ang taong umiintindi sa akin. Ang nagpaparamdam sakin na andyan sya palagi. Oo, minsan syang nagkamali sakin, pero bumawi ito. Kitang kita ko ang effort nya sa pagbawi sa nagawang kasalanan. This time, ngumiti na talaga ako, yung totoong ngiti. The thought of Philip makes me sad, pero si Art? Maalala ko lang ang kanyang masigla at masayang “Good Morning!”, ang pangungulit nya at pagiging isip bata, gumagaan ang pakiramdam ko at napapangiti na ako.

            Tumugtog na ang second song ko. Medyo malungkot ang kantang yun, pero it best describes what I feel and what I should do. Napatingin ako sa lahat at tila nagaabangan din sila dahil sa sikat din ang kantang kinanta ko. Ang..

            “With or Without You”

See the stone set in your eyes
See the thorn twist in your side.
I wait for you.
Sleight of hand and twist of fate
On a bed of nails she makes me wait
And I wait without you

With or without you
With or without you.

Through the storm, we reach the shore
You gave it all but I want more
And I'm waiting for you

With or without you
With or without you.
I can't live with or without you.

And you give yourself away
And you give yourself away
And you give, and you give
And you give yourself away.

My hands are tied, my body bruised
She´s got me with nothing to win
And nothing left to lose.

And you give yourself away
And you give yourself away
And you give, and you give
And you give yourself away.

With or without you
With or without you
I can't live
With or without you.

With or without you
With or without you
I can't live
With or without you
With or without you.

yeah,
we' ll shine like stars in the summer night
we' ll shine like stars in the winter babe
one heart, one hope, one love

With or without you
With or without you
I can't live
With or without you.

            Dito naman sa kantang to, naisip ko at napagdesisyunan ko na hindi na dapat ako malungkot pa. Yun ang realidad, kailangan mag move on ako dahil hindi pwedeng huminto ang buhay ko ng dahil lang sa isang tao. Isang taong hindi worth sa oras ko. Pinagdesisyunan ko na magpapakatatag ako at di na muling iisipin pa ang lahat lahat ng nauugnay kay Philip.

            Natapos akong kumanta at nakatanggap ng masigabong palakpakan sa iba, lalo na kay Art. Kahit pa nakatayo pa ko sa stage ay kitang kita kong pumapalakpak ito sa kanyang kinauupuan. Kita ang pagkamangha sa kanyang mukha, ang ngiti sa kanyang mga labi, at ang saya sa kanyang mga mata.

            Pagbaba ko naman ng stage ay naglakad na kami palabas ni Art ng biglang may narinig akong boses sa aking likuran. Dalawang babae. Ang isa ay chinita at maganda, ang isa naman ay hmmm, okay lang. Hindi man sya kasing ganda ng kasama nya ay malakas naman ang appeal.

            “Hi kuya, ang galing mo naman kumanta.”, sabi ng isa.

            “Oo nga kuya, nakakainlove naman ang boses mo, at ang gwapo mo pa.”, dagdag pa nung isa.

            Medyo nahiya ako pero dahil yun sa pagkaflattered ko sinabi ng dalawang binibini sa aking harapan. Kaya agad akong nagpasalamat sakanila.

            “Ah, salamat.”, at ngumiti ako. Nagsalita uli ang babae.

            “Kuya, busy ka ba? Pwede ba makasama ka namin kahit merienda lang?”

            Medyo nagulat ako at napatingin kay Art. Tumango lan ito sakin. Kaya nagdesisyon na rin ako.

            “Sure, kaso… di ako available ako ee. Magstart na kasi ung movie sa sinehan.. Tsaka may kadate na ko ee..”, sabay akbay kay Art na tila medyo kinagulat nya.

            Nginitian lang ako ng mga babae, o ngiti nga kaya yun? Medyo sarcastic kasi ang ngiting binigay. Parang nandiri bigla na ewan. Pero pakialam ko, naglakad na rin kami palayo. At syempre tinanong ako ni Art.

            “Bakit naman yun sinabi mo?” Nakakahiya tuloy dun sa mga babae, ang ganda pa naman nung isa.”

            “Bakit? Ano ba dapat kong sabihin? Tsaka magsisimula na talaga yung palabas kaya bilisan na natin maglakad.”

            “Ha? Ah, ganun..”, naramdaman ko ang pagbago ng aura nya. Kahit pa nakarating na kami malapit sa sinehan ay di pa rin nagbago ang aura. Hanggang nasa counter kami at bumibili ng popcorn. Tahimik sya at malalim ang iniisip.

            “Gusto mo talaga malaman?”, sabi ko habang nagbabayad ng biniling snacks at drinks.

            “Ang alin?”

            “Kasi po tulad nga ng sabi ko, may kadate na ako.”, sabay abot ng popcorn at drinks nya at biglang nagpakawala ng isang malaking ngiti.

            “Date….?”

            “Ah, oo. Date. Oo, date……. Bestfriend date! Syempre bestfriend kita diba? Tsaka gusto ko din bumawi talaga sayo, alam ko kasing di maganda ang inasal ko sayo since nagsimula ang bakasyon.”

            “Dapat lang noh.. Nagsinungaling ka pa talaga sakin ha.”

            “Kaya nga bumabawi na diba? Wag ka na magreklamo dyan at pumasok na tayo at baka di natin maumpisahan nanaman.”, nakangiti kong sinabi. Papasok na sana kami ng bgla nya kong hinawakan sa balikat.

            “Bes, salamat talaga. Salamat ng sobra.”, sa pagkakahawak nya sa balikat ko at sa pagkakasabi nya sa aking yun ay parang tumaas lahat ng balahibo, hindi ko alam pero parang bigla akong kinutuban ng hindi maganda. Ayaw ko maging negative, pero yun talaga ang naramdaman ko. Kaya I tried to shake off the feeling by simply smiling back.

            Natapos na ang pelikula at gabi na rin. Dinadalaw na rin kami parehas ng gutom. Habang lumalalim naman ang gabi ay mas lalo kong napapansin ang pagiging mas matamlay ni Art na labis ko namang kinabahala.

            “Bes, okay ka lang ba tlga? Kanina ka pa kasi tahimik at matamlay ee.”, pagaalala kong tanong. Kitang kita sakanya ang pagkabilasa pero alam kong pilit nyang ngumiti. Alam ko kasi kung pilit na ngiti ba yun o hindi.

            “Okay lang ako noh! Gutom lang siguro!”, ngiti nyang sinabi sakin.

            Nababahala pa rin ako pero tuloy kami sa paglalakad para maghanap ng kakainan. Nagulat nalang ako ng bigla kaming tumigil sa harap ng mcdo. Bigla akong tiningnan ni Art. Tiningnan nya ako at nginitian kahit pa bakas sa kanyang mukha na malungkot. Isang ngiting may ibig sabihin. Alam nya kasi na dun kami madalas kami kumain dati ni Philip.

            “Mcdo?”, pilit na ngiti nyang sinabi sakin.

            Tiningnan ko sya. Mata sa mata. Nagets ko agad ang ibig sabihin ng kanyang titig at tono. Ngumiti ako ng malaki sakanya at hinawakan sya sa balikat, sabay sabing..

            “Not today..” :)

            At nakita ko na ngumiti na tlga to ng tunay. Hinila ko sya at kinaladkad papunta sa Shakeys. Mahilig din kasi ako sa pizza at tska sobrang favorite ko din ang mojos dun. Pagpasok ay humanap agad kami ng upuan at ako ang umorder. Maya maya ay dumating na ang food.

            “Hoy bes! Ano to?! Fiesta?!”, nagulat nyang sinabi ng isa isang nilagay ang pagkain sa table namin.

            “Kakain tayo ng madami ngayon.”, sabi ko sakanya.

            “Kain??!! Eh LAMON na tong gagawin natin oh!! Parang  pampamilya tong inorder mo ee! Dalawa lang kaya tayo!”

            “Wushus! Para namang ang hina mo kumain, sayo pa lang kulang pa yan! Hahahaha!”

            “Oy, ang sama nito! Ano ako?! Patay Gutom?! Hahaha!”

            Tinawanan ko sya ng malakas at tumawa na rin sya. Habang tumatawa sya ay unti unti nawala ang pagkakatawa ko at tiningnan ko lang sya habang tumatawa. Ang saya saya nya tingnan. Ito ang Art na namis ko kanina pa. Since kasi na umalis kami kanina ay di ko pa sya nakitang tumawa o kaya ay mangulit hindi tulad ng dati. Di ko maiwasan di sya tingnan, at di ko rin maiwasang hindi ngumiti habang nakatitig sakanya. Napansin nya ata, kaya bigla nya ko tingingnan.

            “Bakit..?”, tanong nya.

            “Anong bakit?”

            “Bakit ka ngingiti ngiti jan at nakatingin sakin?”

            “Masaya lang ako.. Kasi nakita ko na uli ang mga ngiti mo. Ang ngiting kanina ko pa inaasam makita. Ang mga ngiting nakakapagpakumpleto ng araw ko. Ang pagkakulit mo. Ang pagkamasiyahin. Lahat lahat ng yan. Nagpapagaan ng loob ko sa twing nakikita ko.”

            Hindi ko alam bakit ko sinabi ang mga yun, pero bahala na. Yun din naman talaga ang nararamdaman ko sa twing makikita ko syang nakangiti. Hindi sya napasagot.

            Medyo nanahimik kaming dalawa habang nakatingin sa isa’t isa at nakangiti. Walang boses na lumalabas pero parang naguusap na ang mga tinginan namin. At ayun, mas lalo pa sya ngumiti ng malaki. Tipong abot tenga. Sabay sabi,

            “Mukha ngang ang saya saya mo ee! Tingnan mo oh! Ang dami dami nitong inorder mo! Hahahaha!!”
            “Oo.. Kasi dapat tayong magcelebrate!”, tanging tugon ko sakanya.

            Mejo puzzled sya sa tinugon ko sakanya. Napakunot ang noo nya sa pagtataka. Halatang nagiisip kung may okasyon ba syang nakalimutan o kung may particular na ibig sabihin ba ang date ng araw na yun. Pero di nya talaga mapagtanto kay di na sya nakatiis at nagtanong sakin.

            “Teka teka.. Di mo naman bday.. di ko din naman bday.. Kakatapos lang ng pasko at new year.. Celebrate ng ano ba?”, pagtataka nyang tinanong.

            Nginitian ko sya. Tinitigan ko sya sa kanyang mga mata at kinurot sa pisngi. At sinagot sya ng..

            “Tayo..” :)


            (Itutuloy)



5 comments:

  1. ayos na ayos ang haba!
    :D APIR! xD
    -yos

    ReplyDelete
  2. <3 kakakilig xD
    mojos and dip!
    -yos :D

    ReplyDelete
  3. NAKAKAKILIG!!!.. waaaahhh.. ^_^.. kanina pa ako sigaw ng sigaw.. haha.. ng wlang boses.. hahaha

    ReplyDelete
  4. Galing naman..sa unang pagbasa ko kagabe ay di ko maiwasang di matapos agad ang story kaso sobrang lalim ma ng gabi kya minabuti kong matulog ng 2am..hanggang paggising ko sa umaga ay ung story na ito ang sa isip.. Ganda ng story nkakainspire..

    -magz

    ReplyDelete