Project Popular
Episode 2: “You can't GAY Sia”
Written by Rogue
Mercado
Author's
Note: Pauna ko na lamang ho na baka marami akong
mabali na mga batas ng pagsusulat sa akda kong ito kaya huwag na po kayong
magtaka kung may kakaiba sa kwento na ito pagdating sa pagkakasulat. Kung
mapapansin niyo po eh gumamit ako ng “flashforward” sa huli dahil essential po
ito sa takbo ng kwento. Ipagpapaumanhin ko na rin ho ang mga aspetong teknikal
tulad ng balarilang Ingles (o Filipino) at ang mga typo dahil hindi naman sa
nagmamadali ho eh masyado lang po ako nagagalak na makatapos ng isang kabanata
at nais ko na itong ibahagi agad-agad kaya hindi ko na ito nalalaanan ng angkop
na pagsusuri. Maraming salamat hong muli sa pagbibigay ng tsansa na basahin ang
unang kabanata ng akda kong ito, hindi ko ho maipapangako ang araw araw na
update ngunit maasahan niyong tatapusin ko ang aking sinimulan sa kwentong ito.
Maari
niyo ho uli akong bisitahin sa aking Facebook at personal blog sa inyong mga
komento o kritisismo:
Salamat
ho!
Read your favorite Episodes here:
***************
June 2015
2 weeks
After the School Opening
“Oh?
Somebody’s in the mood to go to school today.” paunang bati na narinig niya sa
kanyang Uncle Sam habang naghahanda si Lenard Bismonte ng kanyang gamit papunta
sa St. Lawrence Academy.
“Hindi naman
talaga ako as in, kering keri na excited Tito eh. Kailangan ko lang patunayan
sa mga Homo....ahm.. Homo, basta HOMOPHONES!!!! Kailangan kong patunayan na
hindi ako basta-basta.” padabog na sagot ni Lenard sa kanying tiyuhin na
kasalukuyang ini-enjoy ang kape nito sa umaga.
“Whoah! You’re
really in the mood sweetie. And by the way it’s HOMOPHOBES not homophones.”
nakangiti namang sagot ni Sam sa pamangkin.
“Basta yun na
yun Tito. Imagine? First day pa lang ah Tito... First D-A-Y. Nakatikim na agad
ako ng pangaasar at insulto sa mga taong yun. Ugh. Alam ko namang mangyayari to
pero iba lang din talaga kapag mapapahiya ka sa 1st day of school mo
eh. At dahil saan? Dahil mas maganda ako sa kanila? O dahil mas mayaman ako sa
kanila? Haist! Ang hirap maging Diyosa, Tito.”
His Uncle Sam
let out a chuckle. Pagkatapos ay
tinanong siya nito.
“Let me guess?
St. Lawrence Academy and it’s transphobic admin and students, yeah?”
Tumango si
Lenard at nagpakawala ng mahabang buntong hininga. Nakita naman niya ang
kanyang tiyuhin na sumenyas na tumabi siya rito sa mahabang sofa na nasa living
room.
Agad naman
siyang pumunta sa kinauupuan ng tiyuhin at hinayaan ito na yakapin siya ng
buong pagmamahal gaya ng isang magulang na pinapatahan ang nagwawalang bata.
“I already
told you sweetie. St. Lawrence Academy is my alma mater. You’re not only
against those good for nothing students but you are wanting to shake their
tradition of fundamental beliefs... It’s a Catholic school, what would you
expect?”
Lumingon naman
si Lenard sa tiyuhin na balot ng matinding pagkatalo ang mukha.
“Tito, alam ko
naman yung gusto mong mangyari. You want to step me with reality eh. Pero.... ”
“It’s slap,
sweetie. SLAP. Not Step. Slap with reality.”
“Oh yun nga
Tito. Ang akin lang naman. Hindi na ba pwedeng mabago? Hindi ba pwedeng
ipaintindi sa mga ‘to na ayokong magpagupit ng semi kalbo at ayaw kong suotin
ang baduy nilang uniform at yung panlalaki pa talaga.”
“Sweetie.. St.
Lawrence has been here for like, 60 years. Institution na ito. It would take a
great deal of force para baguhin ang nakasanayan. I told you about a classmate
of mine who’s like you and God, terrible things happened to her at school. It’s
not yet too late to transfer sweetie. Marami pa namang magagandang schools eh.
I’m just worried about your safety. “
“Tito, naalala
mo pa ba. Nung elementary pa ko? Ikaw nga nagsasabi sakin, huwag kong isusuko
tong gandang to. Oh..oh.. Saka Tito, nasa G ka naman ng LGBT ah? Bakit hindi mo
ko maintindihan?” tuloy tuloy na pakikipagtalo ni Lenard sa tiyuhin habang
iminumwestra ang mukha.
“Yup. That was
when you’re elementary. I want you to do what you want because no matter how
gay or girly it is, people would find it cute. It’s different now. It’s
highschool. You have raging hormones. You guys are aggressive. People will
misinterpret your actions even if you have good motives.”
“Ah basta
Tito. NO. Hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para maging reyna ng St.
Lawrence Academy. Ako pa. Ako yata si Len Bismonte!” matatag na saad ni Lenard
sa kanyang tiyuhin habang tumayo siya sa kinauupuan at nag-pose na parang
modelo ng Victoria’s Secret.
“Are you
really serious about this GOAL that you want to achieve in St. Lawrence Academy?”
tanong ng tiyuhin niya sa kanya.
“Oo naman
Tito. Hindi ba obvious? Hindi naman ako magwawala ng ganito kaOA kung alam kong
nalo-loss ako sa mga taong ito.”
Ang kanyang
Tito naman ang bumuntong hininga bago nagsalita.
“I knew you
very much sweetie. I know you’re persistent. You wont stop at nothing hanggat
hindi mo nakukuha ang gusto mo. A typical Bismonte trait. That’s why our family
members are successful businessmen. They don’t take shits. They shit and let
people crave for it.”
“Tito, wala
nga sila Mommy at Daddy dito diba? Nasa bakasyon. Saka bakit ini-extra mo ang
pamilya pa nating iba? Tayo nga naguusap Tito eh, nakaka-aning ka ah.”
“Sweetie, what
I’m trying to say is... Kung gusto mong makuha ang gusto mo sa St. Lawrence
Academy. Magdamit ng girl’s uniform. Wag magpagupit ng buhok. You need to be a
Bismonte for that. Don’t stop until you got it.”
Napaisip naman
si Lenard sa makahulugang pahayag ng kanyang pinakamamahal na tiyuhin.
“Paano nga ba maging Bismonte?” tanong niya sa sarili.
“Maybe now,
you realize what I’m trying to say huh?” nagaabang na tanong ni Sam sa
pamangkin habang nakikita itong natutulala.
“Hindi ko pa
rin alam teh.” bulalas naman ni Lenard sa tiyuhin.
“Oh God.
Okay..okay. What does our family have in this place huh?”
“Ah.... pera?”
sagot ni Lenard sa tiyuhin.
“Close. But
no. Yun ang gusto nating makuha sa mga negosyo natin sweetie. Pero bakit ba
tayo ginagalang ng tao? Bakit ba tayo ang nilalapitan sa mga donations? Charity
events? Funeral support? Kung may iba pa namang mayayaman. Bakit tayo
pamangkin?”
“Da...dahil...
Sikat tayo?”
“Perfect!!! I
just have to give you more clues for you to get it. We’re famous sweetie. We’re
known to our ka-barangays, in this city. And once you’re famous. You have
influence on people. Kaya mo silang impluwensiyahan kung ano sa tingin mo ang
dapat mangyari.”
Parang
sinabugan ng isang timbang biyaya si Lenard habang nakikinig sa litanya ng
kanyang Tito. Unti-unting kuma-klaro ang lahat sa kanyang isip. Kung kaya lang
sanang masilip ng tiyuhin niya ang kanyang imahinasyon na naglalakad siya sa
isang red carpet habang nagpapa-autograph ang mga estudyante kabilang ang mga
nanlait sa kanya.
“Sweetie....”
mahinag tawag ng Uncle Sam niya habang inalog siya ng bahagya.
“Huhhh?” gulat
na sagot ni Lenard.
Hindi niya
namalayang nadala na siya ng mga ini-imagine niyang mga pangyayari sa kanyang
utak.
“Pero hindi lang to panaginip Lenard.. ay.. Len pala.
Dahil alam ko na ang sagot.” natutuwa niyang
pakikipagusap sa sarili.
“Sweetie,
enough of day dreaming and get out of here. It’s almost 8.”
Nilingon naman
ni Lenard Bismonte ang kanyang Tito Sam at agad naman niya itong nginitian ng
pagkatamis-tamis bilang pasasalamat sa gintong aral nito bago siya pumasok.
“What’s with
the smile? You need to go now or else you’ll be late sweetie.”
Mas lalo pang
kinintaban ni Lenard ang pagkakangiti gaya ng mga Ms. Universe candidates
pagkatapos ay sinagot nito ang tanong ng kanyang Uncle Sam:
“Tito...
Walang reyna na nauuna pa sa mga kawal.”
Lenard’s Uncle
smiled like a proud father.