written by Rogue Mercado
AUTHOR’s NOTE:
Tagging some people I know that asked me to write something o humihingi
ng update. As much as possible Im taking it easy sa pagsusulat. If you were
offended that I tagged you, feel free to untag yourselves. Before reading this
story, alam kong pamilyar ang kanta sa lahat, I recommend na pakinggan niyo
tong cover na ito on a repeat mode.
Salamat sa pagpapahiram ng oras niyo!
-Rogue
Uso pa ba ang diary ngayon? Siguro?
Lalo na sa mga taong kagaya ko na unti-unting sinukuan ng bait. Ewan. Eto a lang
siguro yung sandalan ko ngayon habang unti-unting gumuguho yung dating
perpektong mundo ko.
Alam mo diary, love letter sana isusulat ko. Pero wala rin
eh, gagawin lang kitang masalimuot na resulta ng kadramahan ko.
Saan ba ko magsisimula? Dear Diary?, Sa petsa ngayon?, Sa
pagpunas ng luha ko? o Sa Kagaguhan ko? Nakarami na pala ako.
Siguro sa imahinasyon na isinusugod ako sa isang malaking
gusali. Natataranta yung mga tao. Yung kabuuan ng gusaling yun parang Heaven ‘pre. Basta nakahiga ako sa kama pero may gulong
yung kama. Na para bang unit-unti akong tinatangay sa sakit na ito patungo sa
walang kasiguruhang destinasyon.
Maya maya ipinasok ako sa loob ng isang silid. Andaming
ilaw. Parang heaven nga. Pagkatapos yung mga taong nakaputi nakasuot ng maskara
at luntiang damit. Teka, May green bang anghel? Pero ewan ko. Ang alam ko lang
yung tugtuging pumapailanlang sa loob ng kwarto.
Bruno Mars? nNice. Parang nasa bar lang ah. Parang nung
tayo? Siguro pinapatugtog nila yan para marelax sa kung ano man ang gagawin
nila sakin. Hindi man ako sigurado kung ano nga ba ang gagawin nila.
Magkikwento na lang siguro ako? Sige…..
“Same bed but it feels just a little bit bigger now”
Naaalala ko pa nung una kitang makita. Sa isang bar na lagi
kong tinatambayan. Nakaputi ka noon, tandang tanda ko. Nurse? I guess. Alam mo
yung mas basa pa yung mata mo kaysa sa La Mesa Dam. May apat na basyo ng bote
sa tabi mo. Alam ko na yung mga eksenang ganyan. Gawain ng mga wasak ang puso.
“Hi
‘dre. Lorenzo pala. Nagsosolo ka ah?”
Alam kong nagiisa ka talaga. Papansin lang talaga ako. Gusto
kitang bad trip-in o gusto ko lang sirain yung emo moment mo. At Oo, sa gwapo
mong yun, imposibleng hindi kita lapitan.
“Our song on the radio but it don’t sound the same”
Tiningnan mo ko ng matagal. Matagal na matagal/ Kinikilatis
mo yata kung drug pusher ako o manloloko o gago.
“
Angelo”
Maikli mong pakilala. Sabay lagok nung beer na pang anim na
yata. Oorder ka pa sana noon. Pero hinawi ko kamay mo na nagtatawag ng waiter.
“Ano
ba! Tangina mo ah!”
“
I was about to say na meron akong alam na lugar na pwede kang magdrama na walang
huhusga sa iyo”
Nagisip ka. Tuliro ka pa rin. Alam ko dumagdag ako sa
problema mo na nagpataong patong na. Pero wala akong pakialam. Normal ko ng
ginagawa ang mga ganito.
“May
beer ba dun?”
Kumindat ako.
“Yeah. Unlimited Beer. Yun na
nga tubig ko eh”