ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Wednesday, March 28, 2012

Dream On Chapter 7



Mula sa may pintuan ay iniluwa nito si Rolly. Hindi ko akalain na siya pala ang kapatid ni Renz. Kung sa ugali at sa ugali lang din naman ang batayan ay di hamak na mas mabait si Renz kay Rolly. Hindi pa man kami nagsama ni Renz ng matagal at ni hindi ko pa rin siya lubos na kilala ay masasabi kong mas lamang siya kay Rolly. Maalaga, Maaalalahanin, masipag, at mapagmahal. Iyon naman ang kabaliktaran na nakita ko kay Rolly. Pero sino ba ako para manghusga ng isang tao ganoong hindi ko naman sila talaga kilala ng husto. 



Gayon pa man, hindi pa rin nawawala ang paghanga ko kay Rolly sa simula’t simula pa lamang noong kami ay nagkita. 



Transferee siya noon sa aming eskwelahan at nagkabanggaan kami sa pagpila sa para makapag enroll. Siya ang nakabangga sa akin dahil na rin siguro sa kanyang pagmamadali. Humingi naman siya ng pasensya sa kanyang nagawa ngunit pagkatapos noon ay tinungo na niya ang pila. Kita mo sa kanya na hindi talaga siya sanay sa mga ganong pilahan. Ayaw ko din namang tulungan siya kahit na gustong gusto ko. Suplado kasi ang dating niya sa akin kaya hindi ko na lang siya pinansin. Ngunit lihim ko naman siyang pinagmamasdan habang ako din ay nakapila. 


Monday, March 19, 2012

Dream On Chapter 6



by: Jojimar Abarido


Nagulat ako sa kanyang ginawa. Hindi ako makagalaw o makaimik. Para saan naman kaya iyong halik na iyon sa aking pisngi? Hindi ko inaasahan ang ganong kaganapan. Ang weird. Kahapon, tinulungan nila ako sa pagkakabugbog sa mga adik na yun. Tapos ngayon gumising ako ng gulong gulo ang isip sa mga nangyayari, sa mga pinagsasabi sa akin ni Renz. Tapos hindi man lang ako sinagot ng deretso para man lang sana ay malinawan ako sa mga nangyayari. At magpasalamat sa lahat ng itinulong nila sa akin. Ngayon, hinalikan ako. Iyon ba ang kapalit ng mga ginawa nilang pagtulong sa akin? O dala lang ng bugso ng kanyang damdamin? Di ko alam. Pero ang alam ko, may namumuo ring kung ano dito sa puso ko. Alam kong mabuting tao siya kahit ngayon pa lang kami nagkita.Ako ngayon ko pa lang siya nakita pero sya, ang dami na niyang alam sa akin. Alam ko ring hindi siya mahirap mahalin. Pero baka naman nag-aasume lang ako na mahal nya nga rin ako? Baka panaghinip lang talaga ang nangyari kanina. Pero hindi eh, totoo ang lahat nang iyon. Dama ko. Damang dama ko. 



“P-pasensya ka na. Di na mauulit. Pasasalamat ko yun sa iyo dahil sa wakas nandito ka na, hindi na namin hinahanap, at ligtas ka na.” saad sa akin ni Renz sabay lingon sa kalangitan. Malalim ang iniisip. Tahimik. 



Mga ilang minuto pa ang nagdaan matapos akong halikan ni Renz sa pisngi ay wala sa aming nagsasalita. Nakatingin lang siya sa ganda ng kalawakan noong mga gabing iyon. Ako naman ay ganon rin at nakikiramdam kung anong mangyayari. 



“Tara na! Pasok na tayo sa loob. Mahamog na eh. Baka mas lalo kang magkasakit nyan” saad sa akin ni Renz sabay tayo at pagpag ng kanyang pantaloon sa may pwetan dahil may mga buhanging dumikit dito sa kanyang pagkakaupo. Inalalayan naman niya ako upang makatayo. Paika-ika akong naglakad dahil sa sakit ng katawang dinanas ko kahapon at nadagdagan pa ata kanina noong nagkanda dapa-dapa na ako sa paghahanap sa ulupong na ito. 

Sunday, March 18, 2012

Kiss The Rain Chapter 11


Pauna: Hi Guys!!!! I'm Back.
Patawarin ninyo po ako sa sobrang tagal ng update ko sa story na ito.
Sadyang Wala na akong oras para makapagsulat. naisisingit ko na lang sa kakaunting oras ko kung meron man ito.
Tulog, Kain, Trabaho (mostly) na ang routine ko sa buhay sa ngayon. kaya pasensya talaga.

Hope sana mag enjoy kayo sa chapter na ito.

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, 

Ram, Chris, Wastedpup Cutie 

Pinoy Gay Guy, Darkboy13,

Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,

Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V, 

Hotako D 220, Ezrock, Pslam.



Guys Thank you pa din sa Inyo!!!! ^_^

Kenji: Friend Bruho ka heto na update ko. Ahahahaha!

Kuya Jeffy: Asan ka na? Busy pa din sa work? Hamishu na!






Kiss The Rain

Chapter 11

The Martyr and The Confused



______________________________
Erwin Joseph Fernandez
______________________________





“Si Argel…” mahinang usal ko at napatingin ako kay Donnie.

“Mhie, halika na. Aantok na ako. Pasok na tayo sa bahay.” Pagaaya ni Donnie sa akin na parnag bata.

“Dhie, mauna ka na. May kakausapin muna ako.” Sabi ko sa kanya sa seryosong tono.
“Sino?” matipid na sabi niya sa akin habang unti unting nabubura sa mukha niya ang masayang ekspresyon.

“Siya.” Sagot ko habang naka turo sa direksyon ni Argel.

Tinignan naman niya ang tinuro ko at ng nakita niya si Argel ay agad din niyang binalik sa akin ang tingin niya.

“Bakit Mhie?” Malungkot niyang sabi sa akin.

“Dhie, May mga gusto lang akong maintindihan. Don’t worry I can handle this.”

Binigyan ko muna ng isang masuyong halik si Donnie bago ako pumunta si direksyon ni Argel. 

Habang papalapit naman ako kay Argel ay nag thumbs up sign muna ako kay Donnie.

Ng makalapit naman na ako kay Argel na hanggang ngayon ay naka tingin sa di kalayuan ng bahay namin ay nilingon ko muna si Donnie at nakita ko itong umalis muna pero di sa bahay ang tungo nito pero ipinag kibit balikat ko muna ito.

“Argel.” Pagtawag ko sa pangalan ng tao na nasaharp ko ngayon na di pa rin alam na nasa tbi na niya ako.

“EJ?!” Gulat na sabi ni Argel at nilingon ako nito.

“Ano ginagawa mo dito?” Walang emosyon kong tanong.

“W-w-wala. Napadaan lang ako.”

“Napadaan? Kanina pa kita tinitignan sa malayo.”

“Talaga? Pasensya ka na pala kahapon sa nangyari.” Paglihis niya sa usapan.

“Wala iyon. Siguro sadyang ganoon lang talaga siya.”

“Oo Siguro nga.”

Pagkatapos ng kaunting pagpapalitan namin ng kaunting mga salita ay di na rin ako mapakali gosting gusto ko na itanong sa kanya ang nasa isip ko.

“Argel, Girlfriend mo ba si Angelica talaga?” naka yuko ko na sabi sa kanya.

Pero katahimikan lang ang natangap ko.

Pagtingin ko naman sa kanya ay nakatingin na ito sa isang sulok at ang mga mata ay may mga nangingilid na luha na.

“Argel?”
“EJ sorry I have to go. Pasensya na.” sabi niya sa akin sabay talikod.

Ng akmang hahakbang na siya bigla ko na lang siya niyakap sa likod at nagsimula ng tumulo ang luha ko sa di ko malamang dahilan.

“Argel please. Answer my question. Please?”

“No, di ko siya girlfriend.” Sabi niya sa malumanay na tono.

“Then ano yung lahat na nakita ko? Alam mo ba na sobra akong nasaktan sa nangyari na iyon?” sabi ko habang pinapalo ang likod niya ng kaliwang kamay ko.

Tanging katahimikan lang ang namayani sa sandali na iyon. Ramdam ko na din ang pagiyak ni Argel.

Di ko maintindihan sa oras na iyon ang nararamdaman ko. Halo halong emosyon ang umiikot sa akin at pagtataka na lang din kung bakit ganito na lang ang reaksyon ko sa mga nalaman ko kay Argel.

“EJ, Im sorry.”

“Explain to me Argel. Naguguluhan ako.”

Humarap siya sa akin ay iginaya niya muna ako sa harap ng bahay namin at iniupo ako sa bench sa may malapit sa pinto at doon niya sinimulang magpaliwanag sa mga nagyari.
Napahagulgol ako sa mga nalaman ko. Panghihinayang at awa ang naramdaman ko para kay Argel.

“EJ. Im really sorry for what happened.

“You don’t need to be sorry. Nangyari na ang lahat.” Sabi ko habang sapo sapo ng mga palad ang mukha ko.

May mga ilang sinasabibi pa sa akin si Argel pero pulos sariling pagiyak ko lamang ang akin naririnig.

“Argel, tamana na muna itong nalalaman ko ngayon. I’m sorry for how I judged you agad.” Sabi ko sa kanya habang tumatayo sa kinauupuan ko at pinupunasan ang mga luha ko.

Naglakad ako papunta sa harap ng pinto. Pipihitin ko na sana ang seradura nito ng pero may yumakap sa likod ko.

“You don’t need to be sorry. Pareho lang tayong biktima ng pangyayari na ito.” Sabi ni Argel sa akin habang nakaakap sa likuran ko.

At dahil doon ay sagana nanaman na tumulo ang luha mula sa mata ko at parang automatic na yumakap din pabalik sa mga braso ni Argel ang aking mga braso.

Ilang mga sandali pa ay pinihit ako ni Argel paharap sa kanya unti unti niyang nilapit sa akin ang labi niya. Malugod kong tinangap ang halik niya. Ni walang pagdadalawang isip man lang na may nobyo na ako.

Ayokong magpaka impokrito. Ang inaakala kong pagmamahal ko kay Argel na pinatay na ng pagmamahal ko kay Donnie ay buhay pa. Mali man kung titignan pero tama naman sa pakiramdam ko ang pagkakataon na iyon.

Pagkatapos ng halikan namin ay inihilig niya ang noo niya sa noo ko at nagsimula ng na rin siyang umiyak.

“Matagal ko ng gustong gawin iyon. Pero sadya atang mapaglaro ang tadhana sa ating dalawa. EJ, Mahal pa din kita.” Sabi niya sa akin habang humihikbi.

Sa di ko naman malaman kung bakit ay automatic na bumalot ang mga bisig ko sa katawan ni Argel.

“Argel, pasensya ka na. hindi ko masasagot yan. Magulo pa ang mga bagay bagay sa ngayon.”
Pagkasabi ko niyon ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya ng direcho sa mata.

“Argel, Sorry talaga. Alam ko nasaktan kita sa ginawa ko noon.”

“EJ, di kita masisisi sa ginawa mo. Nasaktan ka at dahil na rin yun sa akin at sa kaduwagan ko na din.”

Pagkatapos ng mga sandali na iyon nagpaalam na si Argel sa akin. Pero bago siya umalis ay binigyan muna niya ako ng isang mariin na halik…..

Pumasok na ako sa loob ng bahay at naupo sa sala habang hinintay ko si Donnie. Namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako at walang Donnie na umuwi sa bahay upang samahan ako.


________________________
Jhan Elspeth Lucena
________________________



Naglalakad ako pauwi sa bahay namin galing sa  favorite na shopping place ko. Sa night market sa Divine! (Divisoria neng!) ng makasalubong ko si Donnie na naglalakad ng naka yuko.

“Papa Donnie, baka madapa ka naman niyan? Ano ba tinitignan mo sa daan? May treasure hunting ba na nagaganap??”


Pero sa halip na sumagot siya sa akin ay tinignan lang ako nito.

Kitang kita ko na namumugto ang mata nito at bakas ang lungkot sa mukha nito.

“Papa Donnie ok ka lang? May nangyari ba?” buong pagtatakang tanong ko sa kanya sa seryosong tono.

Ngunit wala pa din akong narinig na sagot mula dito at naglakad siya papalayo sa akin.

Nakapagtataka dahil alam ko ay masaya naman silang dalawa kanina ni Erwin magkasama. Siguro baka may LQ lang yung dalawa?


Nagpasya na lang akong umuwi derecho sa bahay para magpahinga na din para sa pag pasok sa school bukas.



________________________
Donnie Domingo
________________________



4pm Friday



Kakababa ko lang ng jeep at papunta na sa school. Hindi ko na dinala ang motor ko papasok ang motor ko dahil sa mabigat ang pakiramdam ko. Parang bangkay na naglalakad ang itsura ko kung tutuusin. Hindi ako pinatulog ng pagiisip ko.


Bakit bumalik pa siya kung kalian masaya na kami ni EJ?


Di ba siya natuwa na nasaktan at naloko na niya si Ej noon?

At higit sa lahat bakit nakipag halikan sa kanya si EJ?

Oo nakita ko ang lahat ng pangyayari kagabi.

Nagkubli ako sa isang sulok at pinapanood ang pangyayari at ni isang eksena sa paguusap nila ang hindi nakita ng mata ko.

Mahal ba ako ni Ej talaga ?

O panakip butas lang ako sa lahat ng nangyari na ito?

Habang nagiisip ko ang mga bagay na na iyon ay di ko namalayan na nasa harap nap ala ako ng school namin. Papasok n asana ako sa entrance ng may humawak sa kamay ko galing sa likod.

“Dhie…..”

Si EJ at naka tingin sa akin ng malungkot.

Agad naman akong tumalikod paharap sa kanya at pilit kong itinago ang halo halong emosyon na nararamdaman ko.

“Dhie, Bakit di ka sa bahay natulog?” bungad na tanong niya sa akin.

“Sorry Mhie, tinawagan kasi ako ni Dad. Pinauwi ako sa bahay.” Sagot ko sa kanya.

“Eh bakit dir in tayo sabay pumasok?” tanong niya ulit sa akin.

“Sinamahan ko kasi si dad mag grocery kasi. Di ko matangihan.”

“Ah ganoon ba?” sabi niya sa akin. Sa malungkot na tono.

“Opo pasensya na Mhie. Lika pasok na tayo sa loob.” Pagkasabi ko niyon ay isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya at hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinalikan ito.

Ayokong ilabas ang nararamdaman ko sa harap niya. Alam kong masasaktan siya pag nailahad ko ito.

Mas gugustuhin ko pang lunukin na lang ang lahat. Naipangako ko na noon sa kanya na hinding hindi ko siya sasaktan at iyon ay tutuparin ko….



______________________________
Argel Joseph Francisco
______________________________


“ano ba Angelica! Pwede wag ka angkla ng angkla sa braso ko!” bulyaw ko kay Angelica na kanina pa lingkis ng lingkis sa akin habang naglalakad kami sa mall.

Wala aong paki kung may tumingin man na ibang tao sa amin sa ginawa ko.

“Babe di ba ito naman ang dapat ginagawa ng mga boyfriend at girlfriend pag naglalakad di ba?” malanding sagot niya sa sa akin.

“How many times should I tell you? I am not your B-O-Y-F-R-I-E-N-D!” may diin ko na sabi sa kanya.

“Oh Come on Babe! Doon din tutungo iyon. Sa akin ka rin babagsak.” Mayabang na sago niya sa akin.

“Oh Come on mo mukha mo. Ilang beses ko din ba ipapamukha sa iyo na may Mahal akong iba.” Sagot ko sa kanya habang patuloy na naglalakad.

“Mahal mo nga wala ka naman mapapala? Sige saan na lang pupulutin ang kumpanya ninyo kung wala kami. Ay hindi pala kami. KUNG WALA AKO? Aber sige?”

“I don’t care if malugi kami or what! And so what kung ikaw makakaahon sa akin sa hirap. Di naman ako masaya sa iyo. Kaya maglaway ka." Pabalang na sagot ko ulit sa kanya.

Napuno na ako sa pinagsasabi sa akin ng babaeng sira ang tuktok kaya binilisan ko na ang lakad ko at nakihalo sa isang crowd ng mga estudyante na may tinitignan sa isang boutique at ng nawala na ako sa paningin niya ay sumigaw ito.

“ARGEL, HINDI KA MAKAKATAKAS SA AKIN. AKIN KA LANG. I LOVE YOU BABE!” parang sira niyang sinigaw na di inintindi kung may titingin man sa kanya.

Dali dali naman akong naglakad umikot sa mga crowd ng mga tao sa mall na iyon. Buti na lang sale doon kaya madaming tao at nakapagtago ako.

Ng nakapag solo na ako ay napaisip naman ako sa nangyari sa amin ni Ej at ang pagtatapat ko sa kanya ng katotohanan.

Naging magaan ang loob ko sa pag sasabi sa kanya ng mga nangyari. Pero na guilty din ako dahil sa alam kong nagulo ko din ang pag iisip niya at ang

Pero kung ano man ang magandang naidulot ng ginawa ko ay ang pagkakaroon ko pa din ng pag asa kay EJ.

“I’ll never be perfect without EJ….” naibulong ko na lang sa sarili ko sabay bitaw ng isang malalim na buntong hininga.




Paikot ikot pa rin ako sa loob ng mall ng mapadaan ako sa isang boutique at nakitang naka sale ang isang couples heart silver na cellphone chain.

Di ko naman malaman na sa kung anong dahilan ay nilapitan ko agad ang sales lady at tinanong.

“Miss excuse mangkano ito?”

“Ay sir naka 70% off sale yan. 250 na lang po.”

“Swerete!” sabi ko sa isip ko.

“Sige miss kukunin ko na iyan. Pero paki gift wrap mo yung isa lang ” pakiusap ko sa sales lady.

“Sige sir. Para sa girlfriend mo yung isa nuh?”

“oo. Tig isa kami kasi.” Sabi ko sa sales lady habang kinakabit ko sa cellphone ko ang kakabili ko lamang na chain.

“Ng girlfriend mo kuya? Wow swerte naman. Gwapo mo kuya.” Sabi ng isa pang sales lady na kakikiusyoso.

Nginitian ko na lang sila at inabot ang bayad saka umalis agad doon.

Parang timang naman akong naka tingin sa cellphone ko habang naglalakad palabas ng mall.


______________________________
Erwin Joseph Fernandez
______________________________

5:00pm

Nasa gitna kami ng klase at ako naman di mawaglit sa isip ko ang nangyari naman sa amin ni argel kagabi.

“Friend, huy! Naka tunga nga ka diyan.” Kalabit sa akin ni Kenji.

Pero parang wala naman akong naramdaman o narinig.

Patuloy lang ang pag titig ko sa prof. ko pero wala naman akong iniintindi ni isa sa sinasabi at tinuturo nito sa amin.


Halos lahat na ata ng nangyari at naganap kagabi sa pagitan namin ni Argel ay naisip ko na.

I feel guilt talaga.


Why?


I love Donnie and I know he would get hurt pag nalaman niya ito. Siya yung nasa tabi ko noon at siya an pumulot sa akin noong nasaktan ako. Tapo iyon pa gaganti ko sa kanya pagkatapos ng lahat ng tulong at saya na binigay niya sa akin?


I feel confused din.


Why?


Argel… He came back… Dala ang mga paliwanang sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit na lang ganoon ang pagtanggap ko sa kanya pagkatapos ng nangyari. Di ko rin alam kung totoo yung mga bagay na sinabi niya kagabi. Pero ewan! Dinikta na ng puso ko sa aking utak na totoo iyon at yun nga ang paniniwalaan ko.


Ano ang gagawin ko?




Kringgggggggggggggggggggggggggggggggggg!



Sa kalagitnaan ako ng pagiisip ng tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang klase namin. Natapos lahat ng wala man lang ako talaga naintindihan.

“Mhie?” pagtawag sa akin ni Donnie na siya naman nagpabalik sa akin sa katinuan ko.

“po?!” gulat ko na sagot sa kanya.

“ok ka lang ba? Wala ka sa sarili mo.” Nagaalalang tanong ni Donnie sa akin.

“opo ok lang ako Dhie. Namimiss ko lang sila Mama and Xang” pagsisinungaling ko sa kanya.

“Don’t worry Mhie. Uuwi din sila Mama bukas. Teka gutom ka na ba?” naka ngiti niyang tanong sa akin.

“Opo. Di naman kasi ako nag lunch. Kasi wala akong kasabay.” Matamlay na sagot ko.

“Aw! Sorry Mhie. Kasalanan ko yan iniwan kasi kita sa bahay mag isa. Sorry talaga.” Sabi niya sa akin na naka open arms. Humihingi siya ng akap.

Aakapin ko n asana siya ng pumito ng matinis ang bruhang bestfriend ko.

“hoy nasa loob pa kayo ng classroom baka nakakalimutan ninyo na andito pa ang prof/dean natin at kanina pa kayo pinapanood.” Saway sa amin ni Jhepeth.

Sabay naman kaming napatingin ni Donnie sa prof namin.

“Ms. Lucena hayaan mo sila. Ang sweet nga ng dalawa. At ikaw babae ka tigilan mo nga ang paglingkis kay Mr. Oya. Diring diri na yung tao sa ginagawa mo.” Sabi ng Prof/Dean namin na lantad at screaming out loud na bakla talaga.

Lahat naman ng classmates namin ay napatingin kay Jhepeth na pasimpleng tinatangal ang paglingkis kay Kenji. Pagkatangal naman nito ay ngumisi ito at nag peace sign sa lahat.

Tawanan na lang kami pagkatapos ng eksena na iyon habang nagpapaalam palabas ang prof. namin.

“lika na Mhie kain tayo sa labas.” Aya niya sa akin sabay hila sa kamay ko.

“Dhie mamili na lang tayo ng lulutuin sa bahay. Gusto ko ng sinigang for dinner.”

“Naglilihi ka na friend?” singit ni Kenji sa amin.

Sa halip na sagutin ko ito ay binigyan ko na lang ito ng isang matulis na tingin.

Agad naman nagtaas ng daawang kamay si Kenji. Senyas na di siya lalaban sa akin.

“Papa Donnie paki hated na lang sa bahay yan at ipagluto. Gutom na may PMS pa bestfriend ko. 
Ok?” nakakalokong biro ni Jhepeth naman sa amin.

“Opo Ms. Lingkisera 2011.” Sagot naman ni Donnie na sinundan ng tawanan naming tatlo ni Kenji.

Ng makalabas na kami ng school ay agad kami pumunta sa Sm para mamili ng lulutuin para sa hapunan namin.

At ng makapamili ay madali din kami pumauwi sa bahay.



7:30pm



Nakarating na kami ng bahay. Sinususian ko na ang doorknob papasok ng magsalita si Donnie sa likod ko.


“Ikaw nanaman? Bakit andito ka?” gulat na sabi niya.


Itutuloy.




Sunday, March 11, 2012

Dream On Chapter 5



by: Jojimar Abarido


“Renz.” Sabay lahad nito ng kanang kamay at ang kaliwa nama’y kamot ang kanyang ulo.

Inabot ko ang kanyang kamay at nagpasalamat dito.

“Salamat talaga. Kung hindi dahil sa inyo baka kung ano na ginawa sa akin nung mga gagong iyon. Diba dalawa kayong nagligtas sa akin? Asan na yung isa?”sabi ko dito at inumpisahan nang lantakan ang pagkaing dala niya. Halos mabulunan naman ako sa sabay-sabay na pagsubo ko dito.

“Ahh. Si kuya? May aasikasuhin daw sila ni Madam na importanteng papeles kaya maagang silang umalis kanina.”saad niya sa akin na animo’y natatawa sa aking hitsura habang tinitingnan ako.

“Ako nagluto niyan para sayo. Masarap ba? hehe”dagdag pa niya.

“Oo. Masarap, sobra.!” saad ko naman dito pagkatapos lumulon ng subo kong pagkain at nag thumbs up. Ewan ko kung masarap nga ba talaga ang niluto niya o hindi. O dahil siguro ay talagang gutom lang ako. Itlog at hotdog lang kasi iyon at wala naman kasing pinagkaiba kung ako ang magluluto pero nakakahiya naman kung barahin ko siya sa lahat ng ginawa niya at ng kuya niya sa akin.