ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, December 11, 2011

Kiss The Rain Chapter 9




Pauna: Nakabalik din 4 na araw akong sunod sunod na may Event kaya putol putol sa pagsusulat. Eto na po ang Chapter 9 ang Side ni Argel.

Kuya Jeffy - Babalik ka na sa pagsusualat sa blog mo ulit. I'll wait for your new work na iiyakan nanaman namin.

Rue - Ayan binati kita kasi pinakilig mo ako kagabi. hahahaha!

Krane Daft AKA Jay - Ayan may bati ka din. lakas mo mambuyo kagabi kasi. As usual sasabihan pa din kita na ASA ka kay JK.


Kenji and Vincy - I really miss you both na.

Sa lahat ng nag Comment, nag hihintay ng update at nag pipilit na bilisan ko ang update, nakakachat ko sa kung saan saan na blog at kasama na din ang mga Anonymous at silent readers. Lalahatin ko na po kayo dahil sa inaantok na ako sa oras na ito habang nag popost ako.  SALAMAT PO!





Kiss The Rain

Chapter 9 (Revelations)


____________________________________________


Erwin Joseph Fernandez
____________________________________________








Isang buwan na ang lumipas at ngauon ang monthsary namin ni Donnie.

Sa isang buwan na iyon ay naging masaya ang pagsasama namin. Masaya kasama kasi si Donnie. Di nauubusan ng sorpresa. Maalaga at maalalahanin. Higit sa lahat ay pinapakita niyang mahal niya talaga ako.

Madali nalimot ng puso ko paano tumibok para kay Argel ng ganitong kabilis salamat sa kanya. Sabi nga ni Jhepeth si Donnie ang “Wonder Drug” ko. Mabilis ang tama!

Kung sa una pa nga langsa kanya ako na inlove agad. Siguro hindi kami dumaan sa ganoong gulo. Pero look at us now. Heto at masaya.

As for Argel. Simula ng gabing iyon ay wala na akong balita sa kanya. Hindi matawagan o text, burado ang facebook account, maski si Jhepeth at Kenji ay din a rin alam nangyari sa kanya pagkatapos ng gabing iyon.

“Mr. Fernandez, is your mind pre occupied by something else other than what am I teaching here?” pagtawag ng pansin sa akin ng prof. kong mataray na nahuli akong nagiisip ng kung ano ano sa gitna ng klase niya.

“Ah…… Eh……” Ang tangi kong nasagot ko sa kanya dahil na din sa pagkabigla.

“Ok. Sige making ka na at lagyan mo ng angkla ang isip para di lumilipad kung saan saan.” Mataray na sabi sa akin ng prof. ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ay raratratin ako ng pangaral ng prof. kong ito.

Nakinig naman na ako sa kanya pero nabaling nanaman ang atensyon ko sa iba ng may kumalabit sa tagiliran ko.

“Mhie ok ka lang ba?” bulong ni Donnie sa akin.

“Opo Dhie. May naisip lang.” bulong ko pabalik sa kanya.

Maynarinig naman ako mahinang hagikgik sa likod ko.

“Mhie yung dalawa pinagtatawanan ka.” Sumbong ni Donnie sa akin.

“Mamaya sa akin yang pagkatapos ng klase natin.”

Itinuon ko naman ang atensyon ko na sa pagtuturo ng prof. ko.

Pagkatapos naman ng isang oras ay natapos ang kaisaisang klase namin sa araw na iyon.

Pagkapaalam at pagkalabas ng prof. namin ay tumalikod ako kaagad ako.

“Pinagtatawanan ninyo ako kanina ah!” parang siga kong sabi kay Jhepeth at Kenji.

“Natuwa lang kami. Kasi kanina habang nagiisip ka naka bukas yung bibig mo. Parang susubo ka ng kwan sa itsura mo.” Humagagikgik na sabi ni Jhepeth  na nakipag apir pa kay Kenji.

“Ewan. Bahala kayo sa buhay ninyo.” Banas kong sagot. Totoo naman kasi na madalas pag malalim ang iniisip ko ay naka nganga ako ng di ko namamalayan.

“Dhie Halika na nga. Sa sm na tyo.” Aya k okay Donnie para makaalis na kami.

“Ano gagawin ninyo doon?” Tanong ni Kenji.

“Mag Check in! Matutulog! Maglalaba!” Pangaasar na sagot ko sa kanya.

“Friend Use this baka maka discount kayo.” Sabi niya sa akin habang inaabot ang SM Advantage card na naka ngisi.

Wala akong panalo sa araw na iyon sa pangaasar ng dalawa sa akin kaya lmuabas na lang ako ng classroom asar na asar. Habang karay karay ko si Donnie.

“Che, Pasalubong na lang sa amin ni Kenji. Happy Monthsary!” Sigaw ni Jhepeth na naka dungaw sa pinto ng classroom namin.

 “Mhie wala kang panalo ngayon sa dalawa ata.” Natatawang sabi sa akin ni Donnie.

Tinaasan ko lang ng kilay ito sa sinabi niya. Tinaas lang nito ang dalawang kamay niya. Pahiwatig na suko siya.

“Pero sa Mhie ko suko ako. Kasi love na love ko kita.” Sabi niya sa akin habang nagpapacharming pa.

“Bolero!” sabi ko sa kanya sabay takbo pababa sa hagdanan para hindi niya makita na kinikilig ako sa sinabi niya.

Hinabol naman niya ako pababa ng hagdan hanggang sa entrance ng school namin.

“Mhie bagalan mo naman. Parang runner ka naman tumakbo. Ang bilis bilis mo.” Humihingal na sabi niya sa akin.

“Ikaw itong mahaba ang biyas sa ating dalawa pero ang bala mo pala Dhie.” Pagmamayabang ko habang lumalapit sa kanya.

Ng makalapit naman ako sa kanya ay niyakap ako nito. Di naman ako makapala dahil na lock niya ang dalwang braso ko sa tagiliran ko.

“Huli ka!” sabi niya sa akin na naka ngisi at malapit ang mukha sa mukha ko.

“Ayun. Magaling umarte talaga. Dapat nasa teatro ka natin. Sa Star club.”

Naglingon lingon naman ako sa mga tao sa paligid namin at di ako nagkamali karamihan nito ay nakatitig sa amin. May mga naka ngiti, may nagbubulungan, may isang grupo ng mga durog na paminta na kinikilig at syempre di mawawa ang haters.

Ngumuso naman ako kay Donnie para ituro na may mga nakatingin na mga mata sa amin.

“Kiss Mhie?” natatawang sabi nito.

“Sira! Hindi. Dhie marami naka tingin.”

Nag palingon lingon din si Donnie at pagbalik ng tingin nito sa akin ay binitawan ako nito at inakbayan habang naka ngisi.

“Mga schoolmates MISIS ko pala!” Sigaw niya sa mga kapwa namin nagaaral doon na naka tingin sa amin sabay lakad namin dalawa.

Naginit naman ang pisngi ko sa pangyayari na iyon. Feeling ko sa sobrang pamumula ng pisngi ko ay magpapasa na ito ng automatic.

May mga nakasalubong kami sa mga nakatingin sa amin kanina at halo halo ang narinig ko. May nag congratulate. May ang daw namin na couple. May saying daw kami. At mayroon din na paghihiwalayin daw kaming dalawa at tig-isa daw silang magkaibigan sa amin.

Pero iisa lang ang sagot sa kanilang lahat ni Donnie. “Thank you!”

Nakarating naman kami sa SM pero may mga mangilan ngilan pa din na tumitingin sa amin pero dedma na lang kami.

Sa loob nmana ng mall na iyon habang naglilibot kami ay tumunog ng sabay a gaming tiyan.
Nagkatinginan kami at ngitian.

“Gutom na ko Mhie.” Sabi niya sa akin habang nagkakamot ng ulo.

“Ako din kanina pa po. Kain na tayo dhie.” Malambing kong sabi sa kanya.

“Wow! Ang cute naman ng Mhie ko. Gawin mo nga ulit iyon?”

“Mamaya pag busog na ako.” Sabi ko sabay tawa.

“Lika na nga bubusugin kita.”

Pagkasabi niya niyon ay bumakas sa mukha niya ang isang nakakalokong ngiti at may pakagat kagat pa ng labi.

“Loko!” Sabi ko at marahang tinapik ang noo niya.

Nagpunta na kami sa Pizzahut para mag dinner na. Sa loob nito ay madali kaming nakahanap ng table dahil sa isang couple at isang oamilya lamang ang kumakain ditto. In short dalawang table lang occupied. Magkatabi kami kaming naupo ni Donnie.

Sa ilalim ng table naman ay magkahawak ang kamay naming dalwa habang tumitingin sa iisang menu book.

Maya maya pa ay dumating na an gaming personal waiter. Gwapo at matipunong lalaki pero halata sa pagtingin nito sa amin na may bahid din ito.

“Hi sir! I’m your personal waiter. Can I please take your orders now?” Tanong nito sa amin.

“one family sized sausage pops bbq ribs pizza, aglio olio pasta at vanilla smoothie and ito ang palm card ko paki box na lang yung isang free pizza.” Sabi ni Donnie na halatang gutom na.

“How about you cutie?” sabi ng server namin na ikinakunot ng noo ni Donnie.

Ang loko naman ay itinaas ang kamay naming magkahawak sa harap ng lalaki at binigyan ako ng halik sa pisngi.

“Misis ko iyan.” Sabi niya sa lalaki sabay bitiw ng nakakaloko na ngiti.
Napailing at napangiti na lang ako sa ginawa nito.

“Loko to mukhang bakod na bakod na ako ditto.” Sabi ko sa sarili ko.

“Bolognese spaghetti with meatballs and strawberry smoothie for me.” Sabi ko sa server.

“ok got it. Please wait for 15 mins na lang po.” Sabi ng waiter habanghabang napakamot sa ulo.
Ng makaalis ang server ay humagikgik si Donnie. Matamis na panalo siguro ang nararamdaman niya ngayon.

Habang hinihintay naman ang order namin ay kung ano ano ang pinagusapan namin. School, bahay, politics, atfuture namin na as if naman na alam namin mangyayari sa hinaharap.

Ng dumating ang order namin ay kumain na kami. Ang mokong naman ay sinusubuan pa ako ng pagkain niya at syempre ako naman ay sinusubuan din siya. Napansin ko naman na nakatingin sa amin ang waiter kanina.

“Mamatay ka sa inggit.” Pilyo kong sabi sa isip ko.

Matapos kami kumain ay nag bill out na kaming kumain ay nag bill out na kami. Parang timang naman kaming dalawa na nagaagawan sa bill. Sa kung sino ang magbabayd. Sa huli ay suko ako sa kakulitan niya kaya siya na lang ang nagbayad ng bill namin.

Pagkalabas namin sa pizzahut ay nag ikot ikot na muna kami sa mall.

“Dhie, maaga pa. watch tayo movie. Ako naman taya at pag pumalag ka.” Sabi ko sabay senyas ng guhit sa leeg na ikinatawa lang niya.

“Sige po Mahal na  Mhie ko nuod tayo.” Sabi niya sabay taas baba ng dalawang kamay niya na parang sinasamba ako.

Naglakad kami patungo sa sinehan na nasa 3rd floor ng mall at ng malapit na kami sa sinehan ay may nakita akong isang pamilyar na tao. Sa sobrang pamilyar ay nagiwan ito ng sugat sa puso at ego ko.
 
Si Argel kasama ang girlfriend nitong si Angelica.



____________________________________________

Argel Joseph Francisco
____________________________________________














3 buwan na ang dumaan at masaya kong nililigawan si EJ. Oo masaya dahil ramdam kong lamang ako kay Donnie. Ramdam ko din na may pagtingin na din si EJ sa akin. Konting kabig na lang ay pwedeng kami na.

Nasa malalim akong pagiisip sa bakuran ng bahay namin ng tumunog ang cellphone ko. Nakatangap ako ng isang text kay Jhepeth. Inaaya ako nitong sumama sa lakad nila. Pre birthday party ni EJ.

“Sige I’ll be there. Di ko siya masusundomagkikita kami ni Mom sa mall kaya mauna na kayo.” Sagot ko sa text ni Jhepeth sa akin.

Tumayo na ako sa bench na kinauupuan ko at nagpunta na sa kwarto ko at direcho sa CR nito para magsimulang mag ayos na.

“I should buy a gift for EJ first before meeting up with Mommy.” Sabi ko sa sarili ko habang naliligo.

Ng natapos na akong mag ayos at nasiguradong gwapo na ako ay nag drive na ako papunta sa trinoma kung saan kami magkikita ni Mommy.

Nakarating naman ako sa trinoma agad dahil sa mga shortcut na dinaanan ko.

Pagkapark ay pumasok ako agad sa loob ng mall.

Habang naghahanap at nagiisip ng kung ano ang ibibigay kay EJ ay napadaan ako sa isang boutique na puro stuff toys ang laman.

“Ang babae matutuwa sa flowers…..  Si EJ……  Sige na nga stuff toy na lang…” sa isip ko.
Pagkapasok ko sa boutique ay nakita ko agad ang isang malaking teddy bear na kulay gray na may heart patch sa dibdib. Walang pagdadalawang isip kong binili agad ito.

Dinala ko muna ang teddy bear na nabili at iniupo ko sa back seat ng kotse ko bago makipag kita kay Mommy.

Ng makabalik na ako sa loob ng mall ay tinawagan ko na ang Mommy ko para malaman kung nasaan siya. Agad naman niya sinagot at sinabing nasa may Sbarro sila at binaba ang tawag ko.

“Sila?” sabi ko na nagtataka sa cellphone ko pagkababa ng tawag sa akin ni mommy.

Pagkadating ko naman doon ay agad kong nakita si mommy na may kasamang magandang babae na naka black dress.

“Hijo andito ka nap ala. Meet Angelica. Siya ang anak ng business partner ng daddy mo.” Bati at pakilala ni mommy sa akin sa babae.

“Hi handsome. I’m Angelica Samonte. Call me angel na lang.” Sabi nito sa akin habang inilalahad ang kamay sa harap ko.

Inabot ko naman ang kamay niya at nakipag shake hands dito.

“I’m Argel Joseph Francisco.” Sabi ko kasama ang isang matipid na ngiti.

Kumain muna kaming tatlo habang nagkwekwentuhan ng kung ano ano at ng matapos na kami kumain ay tinignan ni mommy si Angelica.

“Hija can you please leave us muna ng sandali? I want to talk with Argel.” Sabi ni Mommy kay Angelica.

Agad naman sumunod sa pakiusap ni Mommy si Angelica at umalis muna ito.

“Hijo din a ako magpapaligoy ligoy pa. ang kumpanya na hawak ng daddy mo ay nalulugi na.” sabi ni mommy sa akin sa seryosong tono.

Tango lang ang sinagot ko kay mommy.

“ang dad ni Angelica ay ang business partner ng daddy mo. At binili nito ang malaking parte ng share ng daddy mo at maaring mawala ang kumpanya sa atin.”

Tango lang ako ulit.

“Isa lang ang naisip ng daddy mo na paraan para di tayo mawala ng taluyan sa kumpanya na pinaghirapan din niya. At iyon ay ang ipagkasundo ka kay Angelica. Ayo slang naman ito sa dad ni Angelica kaya pumayag na din ako.” Sabi ni Mommy.

Parang pinalo ako ng dulo ng baril sa huling sinabi ni mommy sa akin.

“Mommy! Di naman pwede iyon. You and daddy are just making decisions on your own na ganoon kabilis. Lalo na ako pa involved doon.” Mariing sabi ko.

“Argel, para sa ikakabuti naman nating lahat ito.”

“No mommy. Para sa inyo lang ni daddy ito.”

“Saka I’m Inlove with someone right now at nililigawan ko na for three months.”

“Itigil mo ang panliligaw sa kung sino man iyon at si Angelica na lang ang pagtuunan mo ng pansin kung ayaw mo mawala lahat ng tinatamasa mong karangyaan dahil sa kahunghangan mo.” Sabi ni mommy na nagsisismulang magalit na sa akin.

“No! ayoko di ko gagawin lahat ng gusto ninyo.” Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko at lalabas na sa lugar na iyon.

Napailing na lang sa akin si mommy.

Akmang palabas na ako sa Sbarro ay sakto namang pasok ni Angelica dito.

“So hows my new boyfriend?” naka ngiti nitong sabi sa akin habang ang daliri ay pinaiikot sa dibdib ko.

“I’m not your boyfriend.” Sabi ko sa kanya . sabay tabig para makadaan ako.

“ I like rough guys! Bye babe!” sabi nito sa akin ng makalayo na ako ng ilang hakbang.

Pagkarating ko sa parking lot ay agad kong pinaandar ang kotse ko at umalis sa lugar na iyon.

“Damn it! Bakit ba sila gumagawa ng desisyon  na ako ang involved pero di ko alam.” Galit kong sabi habang hinahampas ang manibela sa harap ko.

Habang papalapit ako sa lugar na pagkikitaan namin ay pilit kong iwinaksi sa aking isipan ang mga pangyayari kanina at maging normal lang.

Pagdating ko sa pagkikitaan namin ay sakto  naman nag ring ang cellphone ko. Si Jhepeth tumatawag.

Sinabihan ko sila na nasa parking lot ako.  Wala pang ilang minuto ay nahanap nila ako agad. Nasa kabilang street silang dalawa ni Kenji at kumakaway sa akin.

“Papa Argel!” Sigaw ni Jhepeth habang papalapit sa akin.

Pagkalapit naman nitoay agad bumeso sa akin.

“Yo!” bati ni Kenji sa akin pagkatingin ko sa kanya.

“Papa Argel you look dazzling today!” sabi ni Jhepeth at parang kumakapkap sa akin naparang lady guards sa mall.

Nagtaka naman ako bakit di nila kasama si EJ.Nalaman ko na sinundo pala ito ni Donnie ayon kay Kenji.

Sa nalaman ko na iyon ay napasibangot naman ako bigla.

“Papa Argel huwag ka babagal bagal. Sige ka maungusan ka ni Donnie.” Humahagik na sabi ni Jhepeth.

Isang buntong hininga lang ang sinagot ko sa babaeng nasa harap ko at iniis ako.

Nag daldalan at tawanan kami habang hinihintay si EJ. Si Kenji naman ay nasa isang sulok at busy na naglalaro ng games sa cellphone niya.

Maya maya pa ay may tumigil na motor sa harap namin. Nakayakap ang nassa likod ng nagmamaneho ng motor.

Bumaba ang nakaangkas at pagkaalis ng helmet nito ay bumungad sa akin ang mukha ni EJ na binigyan agad kami ng isang matamis na ngiti.

Bigla naman ako nainggit ako kay Donnie. Dahil di ko man lang magawang makatikim ng yakap mula kay EJ. Isama mo na doon na naunahan niya akong halikan ito sa labi kahit di sinasadya.

Habang nagiisip ako ay nagkulitan naman sila EJ at Jhepeth. Hanggang sa nagyaya na na pumasok si EJ saloob ng bar.

Naalala ko naman na bibigay kop ala ang teddy bear sa kanya. Kaya agad ko siya pinigilan at kinuha ang teddy bear sa back seat. Kitang kita sa mata niya ang tuwa ng binigay ko sa kanya ito. Parang bata na nagbukas ng regalo sa pasko at ang pinaka gusto niyang bagay ang nakuha niya.

Pinabalik niya ang teddy bear sa kotse at kukunin na lang daw niya paguwi.

Tinawag pa siya ng BILAT ni Jhepeth. Seriously di ko alam kung anon gang meaning niyon.

Sa loob ng bar pagkapasok namin at pagkaupo ay agad ako tumabi kay EJ pero ganoon din ang ginawa ni Donnie.

No choice. Alangan magalit ako. Di naman kami ni EJ pa. kaya dinaan ko na lang sa pag inom ng alak.

Ng dumami na ang tao sa loob ng bar ay gumanda na din ang tugtog na pinapatugtog ng DJ.

Nagaya si Jhepeth na sumayaw at pumayag naman si Kenji at EJ dito.

Inaya naman ako ni EJ para sumayaw. Pero humindi na lang ako. Dahil parang wala pa ako sa mood dahil sa nangyari kanina kaya nagpalusot na lang ako na tatao sa lugar namin.

Inaya naman niya si Donnie dahil di ako sumama sa kanya at agad ito naman sumama sa kanya.

Sa dami ng tao sa bar ay agad sila nilamon ng crowd at nawala sa paningin ko.

Hindi ko na lang inisip kungano ang pinag gagawa ta itsura nilang dalawa ni Donnie. Dinaan ko na lang sa pag inom ang lahat.

Maya maya pa ay tumigil ang music at may emcee na nag announce ng isang contest.

Bigla naman lumitaw si Jhepeth kasama si Kenji sa gilid ko.

“Argel Sumali ka daw sabi ni Erwin.” May autoridad na sabi nito sa akin.

“Huh?! Ako?!”

“Hindi. Yung katabi mo na bote pagsayawin mo doon sa stage.” Mapangasar na sabi ni Jhepeth.

“Sumali ka. Kasali si Donnie. Bahala ka makukuha ni Donnie ang malaking pogi points.” Pagpapatuloy nito.

Sa sinabi naman ni Jhepeth ay napaiisip ako. Tama nga naman siya. Kung sakali na ako ang manalo ay pogi points nga naman ito para kay EJ.

“Sige!” sabi ko kayJjhepeth  at tumayo na ako sa kinauupuan ko.

Pagkadating naman namin sa stage ay agad ako isinali ni Jhepeth at kasunod namin si Donnie.

“Ok let’s start the dougie battle!” sabi ng emcee.

At isa isa ng nasyawa ang mga contestants. Ng ako na ang sasayaw ay medyo nahiya pa ako. Pero ng tinawag na ako ni EJ ay nawala ang hiya ko.

“This is it!” sabi ko sa sarili ko.

Sumayaw na ako at sinamahan ko na din ng pagpapacute para makuha ang atensiyon ng audience at siyempre para kay EJ na din.

“Look like we got a cute guy showing his moves here.” Sabi ng emcee na nakatitig sa akin.

“Hoy Kay Bestfriend ko na iyan. Malanding Beki!” Sigaw ni Jhepeth na nagpatawa sa akin.

Ng matapos ako ay si Donnie ang sumunod. Wild na nagsayaw si Donnie sa stage. Topless ito at kita at rinig ko ang hiyawan ng mga tao sa bar.

“Dehado!” sabi ko at napa hawak ako sa mukha ko.

Di nga ako nagkamali at si Donnie ang nanalo pagkatapos ng contest.

Dismayado naman akong bumalik sa lamesa namin kasama sila.

Ipinagpatuloy namin ang inuman doon.

Maya maya pa ay may lumapit sa amin na babae. Si Angelica.

Sa pagkakita ko sa kanya ay parang gusto ko takasan ng ulirat.

“Ano ang ginagawa ng babae na ito dito?!” Sigaw ng isip ko.

“Hi Babe! Gigimik ka din pala dito di mo sinabi sa akin kanina habang nasa mall tayo. Saw you kanina sa stage ang galing mo sumayaw.” Sabi nito na nasa harap ko na ngayon at parang ahas na pumulupot sa kaliwang braso ko.

“Excuse me miss sino po sila?” biglang tanong ni Jhepeth.

“Oh sorry for my rude manners. I’m Angelica.” Pakilala niya sa kanila.

“And how are you affliated to Argel?” tanong ulit ni Jhepeth.

“I’m His Girlfriend.” Proud na sabi nito at hinalikan ako.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Angelica. Nawalan ng lakas ang aking mga bisig at wala ni isa sa hibla ng muscles ko ang gumalaw sa sandali na iyon. Totally nawalan ako ng lakas.

“Ang ganda pala ng nanay mo at ang sweet ninyo.” Galit na sabi ni EJ.

“It’s a Kissing game pala. Multiplayer ata ito pasali ha!” Sabi niya.

Pagkatapos naman ako halikan ni Angelica ay nakita kong naghahalikan si EJ at Donnie sa harap ko.

Di ko mapaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay nanlulumo ako sa nakikita ko.

Ng maghiwalay ang labi nila ay napatingin ako kay Angelica at naka tingin ito ng Direcho sa kanila.

“Babe hindi ko alam that you have hot gay friends na medto di ata makapagpigil.” Taas kilay na sabi nito.

Agad na umalis si EJ sa harap namin pagkasabi ni Angelica ng mga salitang iyon.

Agad  naman ding sinundan nila Donnie, Jhepeth at Kenji si EJ.

Gusto ko man sundan si Ej ay parang napako ako sa kinauupuan ko.

“Bakit galit yung baklang iyon.” Nagtatakang tanong ni Angelica sa akin.

Doon na nagsimulang umakyat ang dugo ko sa ulo ko.

“Anong pinaggawa mo dito at bakit mo sinabi na girlfriend kita at hinalikan mo pa ako?!” sunod sunod na pagigaw na tanong ko kay Angelica.

“It’s Pure coincidence na nagkita tayo dito. Di ba BF naman kita ayon na din sa Mommy mo. Saka sample lang. gusto ko tikman labi mo.” Malandi na sabi sa akin nito.

Nagdilim naman ang paningin ko at automatic namang gumalaw ang kamay ko at inambahan ko ng suntok si Angelica sa narinig ko. Tumili naman si Angelica kaya bumalik ang wisyo ko.

Nagkaroon naman ako ng lakas sa pagkakataon na iyon na tumayo at lumabas ng bar.

Pilit kong hinanap si EJ.

Sa aking paghahanap ay nakita ko si EJ at Donnie na nasa sulok ng Parking Lot at naghahalikan ulit.



Itutuloy.

Friday, December 2, 2011

Kiss The Rain Chapter 8

Pauna: Mabilisang pag update kasi wala akong pasok till sunday. Sa monday na balik ko sa trabaho.

Guys nga pala focus kay Donnie naman ang buong chapter na ito at sinama ko na din ang dalawang song na espesyal sa akin.

Sa tingin ninyo lagyan ko ng Special Chapter/Spinoff si Kenji at Jhepeth?

Kuya Jeffy - Miss ko na updates mo. huhuhuhu!

Kenji - Friend nakakalungkot minsan na lang kita makausap kasi busy ka na.

Vincy - Kamusta ka? kaw din minsan na lang kita nakakausap.

Vinz - Frend ayan may update na ulit. Happy? hahaha!

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy,

Light rundel, JIM Sleco5, Wastedpup, Ross Magno, Coffee Prince, Pink 5ive, Rah16, J.V, Hotako D 220, Ezrock, Pslam.

Guys maraming salamat po!


Sa mga hindi ko po nabati MWUAH!

Pati na din sa mga silent reader at anonymous diyan. salamat po!


My Blog http://erwinscrookedmind.blogspot.com


Kiss The Rain
Chapter 8 (Happy Birthday)




_______________________________________________________

Donnie Domingo
_______________________________________________________



Gulat ang naramdaman ko ng halikan ako ni EJ.



Ang halik na puno ng galit.



Sa totoo lang ay nagustuhan ko na muli kong natikman ang labi niya pero naguguluhan ako bakit ganoon na lang ang galit niya ng malaman na may girlfriend si Argel.



Ng maghiwalay ang mga labi namin ay napatingin ako sa kinauupuan nila Argel. Nakatulala sa amin ang girlfriend nito at kita ko na namangha ito sa nakita niya.


“Babe hindi ko alam that you have hot gay friends na medto di ata makapagpigil.” Taas kilay na sabi sa amin nito.


Sa narinig na iyon ni EJ ay kita kong lalo itong nagalit. Pero kesa patulan nito ang babaeng iyon ay nagwalkout ito na agad ko naman sinundan kasama sila Jhepeth at Kenji.


Ng makalabas naman kami ay di naman namin mahanap si EJ. Napagpasyahan namin nila Jhepeth at Kenji na maghiwalay para madali namin siya mahanap.


Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap ay nakita ko si EJ na nasa pinaka sulok ng parking lot. Sa may halamanan  na natatakpan ng 2 malaking sasakyan. Naka upo ito at umiiyak.


Nabahag naman ako sa kalagayan niya kaya pagkalapit ko sa kanya ay niyakap ko siya agad.


“Donnie Sorry. Sorry talaga sa ginawa ko. Sana patawarin mo ako.” Sabi niya sa akin habang patulo na umiiyak sa balikat ko.


“Shhhh…. Tahan na. Wala ka ginawang mali. Tahan na.” Pagaalo ko sa kanya.


“Pero….” Pinutol ko agad ang sasabihin sana niya sa pamamagitan ng isang halik. Alam kong di titigil ito sa kaka explika sa akin kaya ginawa ko na iyon.


“Don’t’t worry. Everything will be ok.” Sabi ko sa kanya pagkahiwalay ng labi namin.


Tumango lang sa akin ito at muling yumakap.


“Thank you Donnie. Sabi niya sa akin.


Inaya ko na itong bumalik sa bar para makita at makasama si Jhepeth at Kenji ngunit tumanggi siya at sinabing magtext na lang daw siya sa dalawa na ok na siya at kasama niya na ako.


“Donnie, Can we go somewhere na di maingay? Gusto ko magisip muna.” Sabi niya sa akin.


“Sige. Tara Kunin na muna natin yung motor ko.”


Pagkakuha naman ng motor ko ay agad din kami umalis.


Isa lang ang alam kong tahimik na lugar sa oras na iyon. Sa Intramuros.


Habang binabagtas naman namin ang daan papunta doon ay nakayakap lang si Ej sa bewang ko. Di tulad kanina ng sinundo ko siya. Mas mahigpit ang pagkakaakap niya sa akin.


Ng makarating naman kami sa Intramuros ay pumunta kami sa may Baluarte San Diego at umupo sa isa sa mga partitions doon.


Magkatabi kaming naupo sa may parte na kita mo ang isang hugis puso na manmade lake at tanaw mo ang manila hotel mula rito. Tahimik, malamig at medyo madilim na ang lugar. Tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw para sa buong lugar na iyon.


Walang imik si Ej. Walang nangahas sa aming dalawa na magsalita.


Maya maya pa ay narinig ko nanaman na humihikbi si EJ.


Masakit sa akin na nakikita siyang umiiyak at masakit sa akin na umiiyak siya dahil kay Argel. Alam ko na mas mahal niya ito dahil sa pinakita niyang ugali kanina.


Ilang minuto pa ang lumipas. Ang simpleng hikbi niya ay naging hagulgol na.


Muli ay niyakap ko siya upang maibsan man lang kahit konti ang nararamdaman niyang sakit.


“Ej please tamana. Nasasaktan din akong nakikita kang ganyan.” Sabi ko sa kanya habang hinihimas ang  buhok niya.


“Please Ej.” Pakiusap ko sa kanya at hindi ko na napigilang lumuha na din.


Kumalas siya san g pagkakayakap sa akin. Inangat niya ang ulo niya at  tumingin sa akin habang nagpapahid ng luha niya.


“Donnie salamat at dinamayan mo ako ngayon.” sabi niya sa akin.


“Wala iyon EJ. Lahat gagawin ko para sa iyon kasi…… mahal kita.” Sabi ko sa kanya habang pinupunasan luha niya.


“Donnie salamat. Pero kung masasagot ko ba iyan ay matutulungan mo ba ako? I mean can you help me move on from Argel?” sabi niya sa akin na ikinabigla ko.


“Nagkamali ako ng pinili Donnie and I hope sana tama na ang pagpili ko sa iyo ngayon.” Pagpapatuloy niya.


“O-o-o. Mahal kita di ba sabi ko? Kaya lahat gagawin ko para sa iyo.” Sabi ko sa kanya.


“Donnie salamat ulit.” SAbi niya sa akin sabay biglang akap na siya naman nagpatumba sa pagkakaupo ko.


“Arekupo.” Sabi ko ng tumama ang ulo ko sa matigas na kinauupuan namin.


Medyo naging awkward ang itsura namin dahil sa naka dagan siya sa akin. Ramdam ko din na lalong bumilis angtibok ng puso ko at ang pagiinit ng buong katawan ko.


“Let’s seal this with a kiss.” Sabi niya sa akin sabay halik sa akin. Di tulad ng halik niya kanina sa bar. Mas ramdam ko ang pagmamahal rito at mas matamis ito.





Pagkalipas ng tatlong araw……




4:00pm





“Happy Birthday Mhie!” bati ko sa kanya sabay alis ng kamay ko na nakapiring sa mata niya.


Yes tama kayo sa nababasa ninyo. Naging kami nga ni EJ ng gabi na iyon. Nangako ako sa kanya na tutulungan ko siya ma makalimutan si Argel at mamahalin siya ng lubos. Mhie ang naging tawag ko sa kanya at Dhie naman tawag niya sa akin. Sweet noh?!


“Dhie, Chockolate cake! Love ko ito parang ikaw.” Sabi niya sa akin na may matamis na ngiti sa kanyang labi.


Pagkatapos naman ng gabi na iyon ay hindi nagparamdam si Argel sa amin. Ni anino nito ay di namin nakita.


“Aba siyempre Mhie ko ang may birthday dapat masarap at gusto niya ang cake.” sabi ko sa kanya habang naglalagay ng isang slice ng cake sa plato niya.


Nasa isang Japanese restaurant kami sa ermita at katatapos lang namin kumain. Ito ang napili kong lugar para magcelebrate ng birthday ni mhie dahil sa nalaman kong mahilig siya sa Japanese food. Salamat na din sa tulong ni Kenji.


“Dhie say ahhhhhhhhh! Yung malaking malaki!”


Agad ko naman ginawa ang utos niya sa akin.


“Ahhhhh!” nganga ko sa bibig ko.


Bigla naman niya isunubo sa akin akin ang isang tinidor na puno ng cake at nagtatawa dahil sa namumuhalan ako sa ginawa niya.


Umarte naman ako na nabubulunan ako. Madalian naman niya ako pinainom ng tubig na agad ko naman ginawa pero ipinagpatuloy ko pa din ang pag arte. Bakas na bakas asa mukha niya ang pagaalala.


“Dhie. Ok ka lang ba?. Dhie. Sorry po. Dhie ano kailangan ko gawin di ko alam gagawin sa ganyan.” Sabi niya sa akin habang niyuyugyog ako.


Agad naman ako sumenyas sa kanya at tinuro ang labi ko na naka nguso.


“Ah ganun? Pinakaba mo ako.” Natatawa nitong sabi sa akin.


Ng di naman niya ako halikan ay umarte ulit ako na parang mamatay na.


“Ay jusko! Huwag mo ako iiwan Dhieee!” Arte na rin niya habang pinalliliguan ako ng halik sa buong mukha ko.


Hindi ko mapigilan na di ngumisi sa ginagawa niya sa akin.


Buti na lang ay itong restaurant na ito ay sa maliliit na kwarto ang dining place ngmga costumer kaya Malaya kami nakakapag lambingan.


Pagkatapos naman namin maubos ang cake na dessert namin ay nag bill out na kami at inaya ko siya na mag malling muna.


Habang nasa mall naman kami ay todo akbay ang ginawa ko sa kanya at wala naman siyang naging reklamo doon.


“Mhie videoke tayo gusto mo?”


“Ay sige dhie. Matagal na ako di nakakapag videoke din.”


Pumunta kami sa Pop Star para doon mag videoke at para medyo private na din dahil konti lang ang tao doon.


Ng makapasok na kami sa loob ng booth ay agad kinuha ni EJ ang song book at naghanap ng gusto niyang kantahin.


“naka pili na ako. Pero speech muna ako.” Sabi niya sa akin.


“Dhie salamat. In thpast 3 days pinakita mo sa akin na talagang mahal mo ako at tapat ka sa akin. Kaya para sa iyo itong kanta na ito.” Sabi niya sa akin na naka ngiti at maluhaluha ang mata.


Naantig naman ang puso ko sa sinabi niya sa akin at ng tumugtog na ang intro ng kanta niya di ko naman mapigilan na kiligin.








I never knew love – Lovi Poe







I open my eyes, only to see
Just how sad this world could be
That I often cry alone... ohh

I look at the sky, longing to see
There's a chance out there for me
For my heart to be set free

[Refrain]
My friends had say that it's ok
When rainbow's fade in clouds of gray
But in my heart I know someday
True happiness will come my way

[Chorus]
I never knew love till I found you
There's magic in your smile
Never knew love till I saw you lookin' in my eyes
And suddenly our sadness disappears
True love has fin'lly shown it's smilin' eyes on me

I'm searching the skies hopin' to see
If there's someone out there for me
Who will set my poor heart free

[Repeat refrain]

[Repeat chorus]

I once believe that love was just a fairytale
But each time you hold me
Those fairytales come true... on you

[Repeat chorus]




Parang timang naman akong tulala sa harap niya na nakikinig at tinititigan lang siya habang kumakanta.


Hanggang di ko na namalayan na nangangarap na ako habang naririnig ang boses ng taong mahal ko. Sana hanggang pagtanda ay kasama ko siya. Kung di man kami magkaanak ay magaampon kami at ituturing na tunay na anak namin.


Di ko naman namalayan na tapos na siya kumanta. Nalaman ko na lang na tapos na siya ng lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang mabilis na halik sa pisngi ko.


“Mhie, Tapos ka na pala kumanta.”  Gulat kong sabi sa kanya.


“Parang di ka nakinig…” sabi naman niya sa akin na may himig ng pagtatampo.


“Mhie, Nakinig po. Ganda nga ng pagkakanta mo. Nangarap lang ako habang pinakikingan ka.”


“Ano naman pinangarap mo Dhie?”


“Future natin. Siyempre positive. Magiging may bahay kita tapos may anak tayong isang dosena.” Naka ngisi kong sagot sa kanya.


“Sira! Wala akong matres! Kumanta ka na nga.” Natatawang sabi niya sa akin.


Agad naman ako nag hanap ng kakantahin para sa kanya sa song book at mabilis ko naman nahanap ito. Nilagay ko na agad ito sa videoke machine at kinuha ang mic na naka lapag sa lamesa.


“Mhie, akala mo ikaw lang ang may speech pwes ako din meron. Salamat sa pag titiwala sa akin. Asahan mo na di kita bibiguin. Sana magustuhan mo ang kakantahin ko dahil ganyan ka sa akin.”




One And Only You – Parokya Ni Edgar







It took one look
And forever laid out in front of me
One smile and I died
Only to be revived by you

There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out

I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you, ooh
Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine

Ooh
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you

I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you


Kita ko namang kinikilig ang aking Mhie sa aking pag kanta. Kaya ginanahan ako at sinabayan pa ito ng konting pag arte.


Pakatapos ko naman kumanta ay akap ang sinalubong sa akin ni EJ.


“Dhie, Kinilig ako dun. Thank you!” Sabi niya sa akin habang hinahalikan ang pisngi ko.


Pagkatapos ng kantahan at kulitan at lambingan namin ay napagpasyahan na namin umuwi.




8:30pm




Pagkadating naman sa harap ng bahay nila EJ ay napakunot ang nitong tumingin sa bahay nila.


“Dhie bakit kaya ang dilim ng bahay?” nagtatakang tanong niya sa akin.


Sumenyas na lang ako sa kanya na di ko alam.


“Dhie, Lika pasok tayo. Tignan natin. Baka kung ano nangyari kila Mama.”


Pumasok kami sa bahay nila. Sobrang dilim kaya nangangapa lang kami sa nilalakaran namin.


“Mama? Xang? Asan kayo? Ok lang ba kayo?” Sigaw ni Ej.


Dahil nga saw ala na kami makita ay kinuha na ni EJ ang Cellphone niya mula sa bulas ng pantaloon niya at ginawang flashlight na ang flash nito.


Sininagan niya ng ilaw ang bawat sulok ng sala kung nasaaan kami. Pero wala doon ang Mama at kapatid niya. May narinig naman kami na nabasag na bagay sa kusina at patakbong  namin pinuntahan ito.


Pagtapat niya ng ilaw sa may lugar kung saan namin narinig na may nabasag ay isang lalaki doon na naka hockey mask at may jungle bolo na hawak na puno ng dugo ang talim nito. Habang sa paanan naman ng lalaki ay ang kapatid ni EJ na naka handusay at Naliligo sa dugo.


“Dhie Takbo!” agad na sabi niya sa akin habang tinutulak likod ko.


Kumaripas kami ng takbo papunta sa kwarto niya at ng makapasok kami doon ay agad niya nilock ang pinto at yumakap sa akin at umiyak.


Maya maya pa ay sumindi bigla ang ilaw sa kwarto niya at may kumatok sa pinto. Mahina lang nagsimula ang katok hanggang sa lumalakas na ito ng unti unti.


Naglakas loob na akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya para buksan ang pinto. Pero pilit niyang huwag kong gawin iyon.


“Diyan ka lang. ako bahala.” Sabi ko sa kanya sabay kuya ng basebat niya na naka display sa taas ng cabinet niya.


Napapayag ko naman siyang buksan ko ang pinto.


Dahan dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito.


Pagkabukas ko naman ay tumambad sa aming ang kapatid ni EJ na nakatayo sa harap ng pinto at may dalang cake na may naka sinding mga kandila sa ibabaw nito.


“SURPRISE!!!!” Sigaw nila Tita, Jhepeth, at ng lalaking naka maskasra  na may hawak naman ngayon na mga lobo.


Paglingon ko naman kay EJ ay naka nganga lang ito at di makapaniwala sa nangyayari.


Nagtawanan naman kaming lahat sa itsura nito.


Nilapitan namin si EJ ng sabay sabay at binuhat ko ito papunta sa kama para maupo.


“Win, Nak. Blow mo na yung candles.” Sabi ni Tita sa kanya.


Hinipan ni EJ ang mga kandila sa cake habang naka tingin sa amin. Bakas na ngayon sa mukha niya ang pagtataka.


“Dugo ba iyan?” tanong niya sa kapatid niya.


“White chocolate syrup at red food color.” Sabi ng kapatid niya saby punas sa pisngi nito ng daliri niya na puno fake na dugo at sinubo ito.


Tumango lang siya at tinignan ang naka maskara naman.


“Sino yan?” tanong niya habang ka turo sa kana maskara.


Hinubad naman ng lalaki ang maskara at si Kenji ito. Nag peace sign at ngisi ito kay EJ pagkatapos.


Tumingin naman ng matalim sa akin siya ngayon.


“Dhie, May alam ka dito?”


“Opo…. Happy Birthday!”


Napakamot lang ako ng ulo at napangiti sa kanya.


Padabog naman siyang tumayo sa kama niya at humarap sa akin. Bigla naman niya sinuntok ang kaliwang balikat ko.


“Natakot ako doon ng sobra.”


“Sorry Mhie.” Sabi ko habang hinihimas ang kaliwang balikat ko.


“Sino may plano naman nito?” habang isa isa niyang tinitignan ang mga nasa nasa loob ng kwarto niya.


“Di kami. Kasabwat lang kami.” Sabi ni Kenji at Jhepeth na parehong naka taas pa ang dalawang kamay.


“Kuya kami ni Mama may balak.” Tuwirang sagot ng kapatid ni EJ habang blangko ang mukha nito.


“Ma! Xang!” sabi niya habang lumalapit sa kanila.


Napatingin lang sila Tita at kapatid niya sa kanya.


“Thank you Mama!” Sabi naman niya at biglang inakap si Tita.


Tawa lang naman sagot ni tita at hagod sa likod nito.


“At ikaw naman babae ka ang galing mo umarte! May wish ako sa birthday ko. Bawasan mo na pagiging Goth mo.” Sabi niya sa kapatid at halik sa noo nito.


“Hala sige tamana drama. Baba na tayo at kumain na tayo ng dinner.” Sabi ni Tita habang  tinutulak na palabas ng kwarto ang kapatid ni EJ.


Sa baba naman ay naka hain na ang mga hinanda ni Tita.


Masaya kaming kumain habang nagkwekwentuhan at tawanan dahil na din sa inaasar ni Jhepeth si EJ sa itsura nito kanina.


Pagkatapos naman namin kumain ay tumulong ako kila Tita kasama si Jhepeth sa pagliligpit ng hapag kainan habang si EJ at Kenji naman ay busy sa paglalaro ng Tekken sa PS3 at ang kapatid nito ay nasa gitna naman ng dalawa at nanunuond lang.


“Donnie kami na bahala ni Jhepeth dito. Kunin mo na yung regalo mo kay Erwin. Nasa closet sa ilalim ng hagdan.” Sabi ni Tita sa akin.


“Opo tita.”


“nga pala. Mama na lang din. Tutal biyenan mo na ako.” Natatawang sabi ni Mama.


“Opo. Mama….” Nahihiyang sagot ko.


“Good! Sige kunin mo na.”


Pagkakita ko naman sa regalo ay napangiti ako.


“Sana magustuhan niya.” Sabi ko sa sarili ko.


Pagkatapos naman maghugas nila Mama at Jhepeth maghugas ng pinggan ay pumunta na sila sa sala para tawagin si EJ.


“Win, halika sandali.” Pagtawag ni Mama kay EJ.


“Bakit po Ma?”


“Punta ka doon sa tabi ng hagdanan inaantay ka ni Donnie.”


Napakamot naman ng ulo si EJ sa sinabi ni Mama.


Pagkadating naman niya sa kinaroroonan ko ay saktong kakatapos ko lang maayos ang regalo ko para sa kanya.


“Surprise ulit Mhie!” sabi ko pagkakita niya sa akin at sa regalo ko.


“Dhie, Aquarium! May Parrot Cichlid pa! Aalagaan ko mabuti yan. Di ko papakainin ng langaw.” parang batang namanghang sabi niya sa akin.







(Ito iyong itsura ng Parrot Cichlid Fish. Actually alaga ko sa bahay nga iyan)

Tuwang tuwang umakap sa akin naman siya sa akin. Nakita ko naman sila Mama, Jhepeth at Kenji na katingin sa amin at naka thumbs up sign at naka ngiti.

Pagkatapos pa ng konting lambingan ay nagpaalam na ako kay Mama para umuwi na dahil gabing gabi na at wala kasama si Dad sa bahay. Binigyan naman ako ng isang matamis na halik ni EJ bago ako umalis kasabay si Jhepeth at Kenji. 

Natapos ang gabi na iyon sa lahat kami ay may ngiti sa labi.



Itutuloy.