ANNOUNCEMENT

Kamusta po? ^_^ Atin pong i-welcome ang ating mga new authors sa blog!! ^_^ Andyan po si Sean Christopher Bautista, patryckjr, iamDaRKDreaMeR, Giefe Carvajal, Steffano, Andrey, Jace ofcards, Caleb Uriel Tan, at si Lawfer. Para po sa mga interesado maging author din po. Pls email me po sa kenji.ohya@yahoo.com. Maraming salamat po! ^_^


Nilipat ko na po ang chatbox sa "Kamustahan ^_^" tab po. :)


Guys!! Let us all welcome our newest Admin!! Welcome Admin Tommy Cassanova!! ^_^

Sunday, October 30, 2011

Kiss The Rain Chapter 4

Pauna: Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng story ko na ito.

 

Mico – Hubby Magbasa ka na! andito na chapter 4!

 

Kenji – Friend sorry medyo na murder ko character mo dito. Hahahaha!

 

Kuya Jeffy –Galing ng Break water mo. Antayin ko Laotong mo.

 

Vincy – Kilig ka pa din? hehehe! akin na lang giant  DOMO mo. para may kasama yung nasa kwarto ko.

 

Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love, Zenki, Roan, Ice, Icy – Guys maraming salamat po!

 

 

Pati na din sa mga silent reader at anonymous diyan. salamat po!







Kiss the rain
Chapter 4 (Masked Rider?)

Erwin Joseph Fernandez

“Bakit? May mali ba?” Buong pagtataka ko na sabi sa kanila.

“You look Freakin good!” sabi ni Kenji.

“Subarashiiiiiiiiiiiiii!! (Wonderful)” Tili ni Jhepeth

Napa buntong hininga na lang ako sa sinabi ng dalawa.

“Ewin, try mo suot pa ito.” Isang korona , scepter at isang pares ng medyas at sapatos na puti din inabot niya sa akin.

Agad ko naman sinuot ang mga binigay niya sa akin.

“Ayan Che, mukha ka ng prinsipe. Konting muk-ap na lang. tuwang tuwang na si Jhepeth.

“Ok Ready na lahat para sa lunes.” Sabi ko.

Tumango naman silang dalawa at ngumiti.

Doon na naghapunan ang dalawa sa bahay namin.

Masaya naman kami nag kwentuhan habang kumakain. Habang si Kenji naman ay medyo ilag sa kapatid ko dahil daw sa medyo masama tingin sa kanya.


“Gusto ka niyan kaya ganyan yan makatingin.” Bulong ko kay Kenji.

“Friend, ang weird ng kapatid mo. Madilim ang aura.” Bulong din niya sa akin.

Nasa ganun kaming pagbubulungan ng tumunog ang cellphone ko.

Si Donnie Tumatawag.

“Hello Donnie?” pag sagot ko sa Cellphone ko.

“Hello EJ! Kamusta ka?”

“Ito ok naman. Having dinner with Kenji and Jhepeth dito sa bahay”

“Nice! Ready ka na ba bukas?”

“Yup. Eh ikaw ok ka na ba?”

“Oo naman. May nahiram na ako na costume. Sige kita na lang tayo sa school bukas. Bye EJ ko.” Paalam niya sa akin.

Binaba niya agad ang tawag niya sa akin.

“EJ ko?! Wow!” nasabi ko sa cellphone ko habang pabalik sa hapag kainan.

Pagbalik ko naman ay nakita ko silang masayang nag kwentuhan habang kumakain.

Patingin ko sa kapatid ko ay naka titig pa rin na walang emosyon  ito sa kaibigan kong si Kenji.

“Xang (Rizza name pala ng kapatid ko. Pero Xang ang nick niya salamat kay Jhepeth.) baka matunaw yan.”

“Kuya gusto ko siya. Pwede siya na lang boyfriend ko?”  sagot niya sa akin habang di inaalis ng tingin niya kay Kenji.

Lahat naman ay bigla natigil sa pag kain at kwentuhan sa sinabi ng kapatid ko.

Kita ko ang pag guhit ng ngiti sa mukha ng kapatid ko at pagkabigla naman kay Kenji, Jhepeth at Mama.

“Xang, anak mapagbiro ka talaga…” Si Mama.

“Mama, Gusto ko siya talaga.”

Tahimik ang lahat at walang nangahas magsalita.

Kitang kita sa mata ni Mama na humihingi na ito ng tulong sa amin.

“Xang, di na pwede. Boyfriend ko si Kenji.”  Biglang salita ni Jhepeth.

“O-o-oo! Girlfriend ko si Jhepeth.” Pag sangayon ni Kenji.

Nakahinga na sana kami ng maluwag ng…..

“Sige nga kung GF mo siya kiss mo siya.” Naka ngiting sabi ng aking kapatid.

Nagkatinginan kami ni Kenji at kita sa mata nito na nanghihingi na din ito ng tulong sa akin at ng baling ko naman ang tingin ko kay Jhepeth ay naka ngiti ito. Habang si Mama naman ay clueless sa nangyayari.

No choice na. Kinalabit ko si Kenji at tumango na lang ako. Pero pinipigilan ko na lang ang pagtawa ko sa pagkakataon na iyon.

Wala na din nagawa si Kenji para maka lusot sa pagkakataon na iyon.

Hinalikan niya si Jhepeth sa pisngi.

“Hindi sa pisngi. Sa lips gusto ko makita.” Ngising sabi ng kapatid ko.

Tumango na lang ulit ako.

“Sige na Friend isang mabilis na smack lang.” pigil na pigil na tawa kong sabi sa kanya.

Napapikit na lang si Kenji sa gagawin niya kay Jhepeth sa oras na iyon. Si Jhepeth naman ay aakalain mo na nanalo sa lotto ang expression ng mukha.



Jhan Elspeth Lucena



“Yes! Eto na ang katuparan ng aking mga pangarap.” Sa isip isip ko.

Ngumuso ako upang ihanda ang aking sarili sa paglanding ng magagandang labi ni Kenji sa akin.

At sa isang iglap at nagtapo ang mga labi namin.

Iyon na ata ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko bukod sa pagkapanganak ng magulang ko sa akin.

Parang nagbabaan din ang mga nilalang sa langit sa oras na iyon at nag situgtugan ng kanilang mga trumpeta.

Natapos ako sa  paglasap ng sandal na iyon ng duruin ni Erwin ang noo ko.

“Peth, Mukha ka pala octopus pag naka nguso ka. Hahahahaha! “ sabi niya sa akin na halos Makita na ang utak sa kakatawa.

Napansin ko naman na wala si Kenji na sa aking tabi pagtapos ng nangyari.

“Nasaan po si Kenji?” Tanong ko sa Mama ni Erwin.

“Hayun kumaripas ng takbo papunta sa kusina.” Natatawa na ding sagot ng Mama ng best friend ko.

Tumayo naman kami ng sabay ni Erwin para puntahan si Kenji sa kusina at nakita namin ito na nasa harap ng lababo na nagmumumog at ng lumingon sa pwesto namin ay tumingin ng pagkatalim talim na akala mo ay pwede na ako hiwain ng mga iyon.

“Ewin, Friend may mouth wash ba kayo? Pagamit ako.” tanong niya ng pagtingin niya kay Erwin.

Tumuro lang si Erwin papunta sa kwarto niya at agad naman kumaripas ng takbo si Kenji  papunta doon.

Pagkawala ni Kenji  sa aming mga paningin ay humagalpak kami ni Erwin sa kakatawa dahil sa kinikilos ni Kenji. Pero after noon ay biglang naging seryoso ang mukha ni Erwin.

“Bakit?” Tanong ko sa kanya.

“Alam ko pakana mo ito. Kumanta ka na.”

“O-o-o-o-o-o! ahhhhhhhhhhkhhhhoooooooo ang may pakana nithoooo ow ow ow!” Sarcastic na sagot ko sa kanya.

“Sabi na nga ba eh! Ang galing mo ah! Paano mo nauto kapatid ko?” tanong niya sa akin.

“Simple! Sabi ko bibigyan ko siya ng 100 pesos saka isang libro ng ghost stories.” Sagot ko na naka ngisi.

“Ang galing mo!” sabi niya sa akin na naka ngisi din at naka thumbs up sign pa.

Tawanan kami ulit kaming dalawa.

Natigil lang iyon ng marinig namin ang mga yabang ni Kenji na pababa ng hagdanan.

Pagkababa naman niya sa huling baitang ay bigla ito nag litany sa akin.

“Nilapastangan mo ang aking pagkatao!” mangiyak ngiyak na sabi nito sa akin.

Nilapitan naman ito ni Erwin at binigyan ng isang mahinang batok.

At biglang natawa na lang si Kenji.

“Naka Score ka sa akin Jhepeth ah! Gagantihan kita antay ka lang.” natatawa niyang pagbabata sa akin.

Bumalik naman kaming tatlo sa hapagkainan para tulungan si Mama sa pagliligpit nito.

Ng natapos namin ligpitin at hugasan ang mga pinagkainan namin ay nagpaalam na din kami ni Kenji sa Mama ni Erwin na uuwi na.

“Bukas ha! Dito na kayo mag bihis ni Kenji sa bahay para sabay saby na tayo pag punta sa school bukas.” Sabi ni Erwin sa amin ni Kenji.

Bago naman kami umalis ay pinuntahan ko naman ang kapatid ni Erwin.

Inabot ko ang mga pinangako ko sa kanya.

“Maganda ka naman pala kausap eh.” Sabi ng kapatid ko sa kanya.

“Basta sa uulitin ha!” Naka ngiti na sabi ko sa kanya.

“Oo. Yun lang pala. Dami dami mo papatulan kalahi pa ni kuya.” Sabay talikod paalis ng aking kapatid.

“Ay. Kalokang bata itey!” Tanging nasabi ko na lang….


Kenji Oya



2:00pm kinabukasan ay nasa bahay na kami nila Ewin at nag aayos na ng mga sarili.

Si Jhepeth ay napaka tagal sa harap ng salamin. Di namin malaman kung ano anong kulurete ang pinapahid sa mukha niya.

Si Ewin naman ay regal na regal ang itsura sa costume niya na animo ay isang prinsipe na galing sa ibang bansa.

Samantala ako naman ay nagsuot ng “cat ears” na kulay itim, semi fit na puting sailor shirt, puting shorts na hanggang tuhod na may itim na buntot ng pusa sa likod at doll shoes.

“Ayan tapos na!”  sabi ni Jhepeth sa likod namin ni Ewin.

Pag harap namin ay hindi namin na inaasahan na magiging ganoon kaganda si jhepeth sa suot niya.

Naka pigtails ang buhok niya at malaking putting ribbon na nasa magkabilang tali nito.

Ang suot naman niya ay puti at itim na dress na maraming ruffles at may detail ng mga korona, knee high socks na kulay itim ay puti na doll shoes.

“Peth, Ikaw ba iyan?” sabi ni Ewin sa kanya.

“Naman! Ganda ko nuh?! Ay in trend ba ang doll shoes ngayon?” pagbuhat niya ng sariling bangko at pag puna sa mga sapatos namin.

Nagtawanan na lang kami sa pagpansin na tama nga ang sinabi ni Jhepeth.



4:00pm

Nasa school na kami at umakyat muna sa classroom namin para makapag retouch ng makeup si Jhepeth at malagyan naman niya kaming dalawa ni Ewin.

Habang ang ibang classmates namin ay busy pakikipag talbugan ng kanikanilang mga costumes.

Sa pinto naman ng classroom namin ay may mga naka dungaw na taga ibang course at tuwang tuwa sa mga nakikita nila.

Ng ako naman ay tinatawag na ng kalikasan nag pasya ako pumunta sa washroom.

Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa classroom namin ay hinablot na ako ng isang grupo ng babae at pinilit ako mag pa picture sa kanila.

“Dyusmiyo ano ba itong nangyayari sa akin…..” ang sabi ko sa sarili ko.


Erwin Joseph Fernandez


5:00pm

Nilingat lingat ko ulo ko. Wala pa din si Donnie.

Nawawala din si Kenji.

Si Jhepeth busy sa pakikipag chikahan sa classmates namin.

Nasa ganun akong pagiisip ng tumunog ang cellphone ko.

Isang txt mula kay Argel pagtingin ko.

“Hi EJ! Kamusta ka na? Miss you! Mwuah!” Laman ng mensahe niya sakin.

Halala may miss you na may MWUAH pa!

“Eto ok naman. Nagaantay na lang ng oras ng party ditto sa school. Naka costume na din.” Sagot ko.

Matapos ang ilang Segundo ay sumagot naman siya agad.

“Huh?! Naka costume ka? EJ I wanna see you. Sigurado cute na cute ka. Ano costume mo?”  txt niya.

“Opo. Cosplay party kasi dito sa department namin pa welcome sa freshmen. Prince na naka puti na maraming ruffles at blonde buhok.. Hihihihi!” reply ko.

Habang inaantay ko naman ang reply ni Argel ay may napansin ako na pumasok sa pinto na naka mask rider na costume.

“Tindi ng costume. Di kaya mainit yun? Pero maganda bagay sa katawan at tangkad niya.” Sabi ko sa sarili ko.

Ng umupo naman sa upuan ang lalaking naka costume na iyon ay lumingon ito sa akin at kinawayan ako.

Kumaway naman ako pabalik.


Tumunog ulit ang aking Cellphone.

Sumagot na si Argel.

“Sige daan ako diyan mamaya after ng class ko. Mga 9:00pm. Aral muna ako. See you later.” Txt niya sa akin.

“Sige kita kita na lang later dito.” Reply ko.

Paglingon ko naman san aka masked rider na costume ay di pa rin nito tinatangal ang helmet nito at naka upo lang ito ng straight.

“hala! Nakakahinga pa kaya iyon?” sabi ko sarili ko.

Nilapitan ko naman siya dahil sa nag tataka na ako.

“Hey ok ka lang ba?” tanong ko sa kanya habang tinatapik ko ang balikat niya.

Nag thumbs up sign lang siya sa akin at di man lang nag salita.

Napa tango na lang ako sa kanya at bumalik na sa aking upuan.

“Che, Weirdo yung nilapitan mo. Ayaw mag salita o mag tangal man lang ng helmet niya.” Bungad ni Jhepeth sa akin.

“Oo. Yaan mo na siya. Mamaya di rin makakatiis yan at mag aalis din ng helmet yan.” Balik k okay Jhepeth.

“Che, nga pala asa si Kenji kanina pa wala.” Sabi niya sa akin habang nililibot ng tingina ng buong classroom.

“Lika labas nga tayo sandali. Hanapin natin.” Aya ko kay Jhepeth.

 Paglabas namin ay tinahak namin ang papunta na washroom.

Nakasalubong naman namin si Kenji na kakalabas lang ng washroom at parang latang lata ito.

“Friend nagahasa ka?” sabi ko sa kanya.

“Hindi kakatapos ko lang mag wiwi. Nagpigil kasi ako. Yung mga babae kasi kanina pag labas ko hinaltak ako nag pa picture pa sakin.” Kwento niya sa amin habang kumukumpas pa ang kamay.

Tapos niyon ay nag desisyon na kami pabalik ng classroom na naging mahirap naman para sa amin dahil sa hinaharang at hinihila kami ng ibang mga kapwa estudyante namin para magpakuha ng litrato kasama kami.

Ng maubos ang mga humaharang at humihila sa amin ay naka balik naman kami ng maayos sa classroom.

Palingon ko sa naka masked rider costume ay di pa rin nito inaalis ang helmet niya at napailing na lang ako.



7:00pm



Nagsimula na ang party at pulos hiyawan at sayawan ang ginawa ng mga ka course ko.

Ramdam ang enjoyment sa bawat isa sa kanila.

Pero sa di ko malamang dahilan ay di ako makapag enjoy dahil may hinahanap akong isang tao.

Si Donnie.

Wala pa din siya sa party at medyo nag aalala na ako dahil sa sabi niya sa akin ay a-attend  siya.

Naka upo naman ako sa table namin mag kakaibigan ng Makita kong palapit sa akin si Jhepeth at kasama ang aming Dean.

“Che, We need your help.” Sabi ni Jhepeth.

“Mr. Fernandez, Di nakarating ang mag bibigay ng intermission number mamaya dahil sa pagkakasakit nito ng biglaan. Baka pwede ka tumugtog mamaya kahit isang piyesa lang para mamaya.” Pakiusap sa akin ng aming Dean.

 “Oo Che, please. Sinabi ko kay Dean na magaling ka tumugtog ng piano. Baka pwede mo pagbigyan naman para maisalba ang program mamaya.” Si Jhepeth.

“May magagawa pa ba ako….” Sabi ko kay jhepeth.

“Sige po Sir. Tutugtog ako. Pa ready ninyo na lang po yung gagamitin ko na instrument.” Sabi ko sa aming Dean.

“Sige ako na bahala. Salamat Mr. Fernandez.” Mukhang relieved na sabi sa aming Dean.

Tumayo naman muna ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa classroom namin.

Gusto ko muna mapag isa dahil sa kinakabahan ako. First time ko na tutugtog sa harap ng aking mga kamag aral.

Dumungaw ako sa  bintana upang panoorin ang mga nagsasayawan na mga nasa ibaba.

Matapos ng ilang sandal at nag shift ang pang party na tugtog papunta sa isang love song.

Nakita ko naman na isa isang nag hanap ng partner ang mga nandoon at mula sa malayo ay kita ko si Jhepeth na hinila si Kenji mula sa buffet table para makipag sayaw dito.

Nasa ganoon naman ako ng panood ng bumukas ang pinto ng classroom namin at bumungad sa akin ang lalaking naka costume ng masked rider.

Lumapit siya sa akin at nilahad ang kamay niya. Tila ba na gusto niya makipag sayaw sa akin.

Di na ako tumangi dahil sa alam ko naman na isa lang siya sa aking mga classmates pero hindi ko nga lang alam kung sino doon.

Instrumental lang ang tugtog at masarap sa pandinig at sinayaw niya ako sa sweet na tugtog na iyon. Kung iisipin mo ay parang mag sing irog kami na nagsasayaw sa isang JS prom ang kaibahan nga lang ay naka Costume kami.

Sa di ko malamang dahilan ay ang lakas lakas ng kabog na aking dibdib pero ang sarap sa pakiramdam.

Ang saya saya rin ng pakiramdam ko habang nagsasayaw kami.

At ng matapos naman ang tugtog ay napatingin na lang ako sa kanya.

“Pwede ko ba alisin ang helmet mo?” tanong ko sa aking nakasayaw.

Tumango lang siya sa akin.

Unti Unti ko naman tinangal ang helmet niya at bumungad sa akin ang mukha ng aking kasayaw.

“Surprise!” sabi sa akin ng lalaking nasa harap ko.

“Donnie! Kala ko di ka pupunta ikaw lang pala iyan.” sabi ko habang napaakap naman ako sa kanya.

Gumanti naman siya ng akap sa akin.

Di ko alam pero parang may nagtulak sa akin nag win iyong yakapin siya.

Pero bakit siya yumakap pabalik sa akin?

Is the feeling mutual?

Nasa ganung itsura kami ng biglang may pumasok sa pinto.

“Che, ikaw na pala tutug……. tog……” Si Jhepeth na nasa pinto.

Napatingin kami sa kanya .

“Ay may nag momoment pala…..” sabi niya at bigla naman naman ito tumakbo palayo at tumitili tila kinikilig sa kanyang nakita.

“Donnie baba muna ako tutugtog ako for an intermission.” Paalam ko sa kanya.

“Sige samahan na kita pababa manunuod din ako.”  Si Donnie.

Nakababa na ako at ready na ako para sa intermission number.

Nagulat naman si Kenji na makita na si Donnie pala ang naka masked rider na costume.

Bago naman ako magsimula tumugtog ay ipakilala muna ako ng emcee at umakyat sa stage at ng tumingin naman ako sa kung nasaan sila Jhepeth, Kenji at Donnie ay kumakaway ang dalawa habang si Donnie naman ay kinindatan ako at nag dalawang thumbs up sign.

Kinilig naman ako.

Ng tinapat na sa akin ang spotlight ay sinimulan ko na lang pagtugtog. Maybe ni Yurima ang tinugtog ko.














Di ko lang basta tinugtog yoon ng walang dahilan.

Tulad ng title ng music ay nagtatanong din ako. Ano itong nararamdaman ko para kay Donnie at bakit ganoon na lang ang pakikitungo niya sa akin at bakit ang saya ko sa tuwing pinapakita niya sa akin ang ganoong mga kilos niya?.

Ng matapos naman ang aking pagtugtog ay tumayo ako at nag bow sa harap ng mga manunuod. Nagpalakpakan naman sila at may isang sumigaw pa na “Classmate ko yan!” na animoy pinagmamalaki ako.

Nagpatuloy naman ang program at sayawan.

Napatingin naman ako sa orasan ko at napansin na 9:10pm na.

Nagpaalam naman ako sa tatlo at sinabing lalabas lang ako sandal ng school grounds pero nagpumilit si Donnie na samahan ako.

Wala naman ako nagawa kundi magpasama sa kanya.

Sakto naman paglabas ko ay nakita ko agad si Argel na nasa tapat ng kotse niya nakasandal habang hinihintay ako.

Kumaway naman ako ng makita kong nakita na niya ako sa entrance.

“EJ you look like a prince talaga. Ang cute cute mo!” bungad sa akin ni Argel.

“Thank you. Pang 500+ ka na nangbola sa akin. Hehehe!” pabiro kong sagot sa kanya.

“Argel nga pala meet Donnie and Donnie meet Argel.” Pakilala ko sa kanila sa bawat isa.

“Tol! Kamusta? Friend ka ni EJ?” Tanong ni Donnie.

“Hindi, Manililigaw. Eh Ikaw kaano ano mo siya? Kaibigan din?” maangas na balik na tanong ni Argel sa kanya.

“Friend at Manliligaw din.” Sagot ni Donnie sabay akbay sa akin.

“ANOOOOO?!” Pasigaw kong nasabi pagkatapos ng marinig ko sa dalawang lalake na pinapagitnaan ako.



Itutuloy.


Para may idea po kayo sa Costumes na suot ni Erwin at Donnie ^_^ 

 
Donnie wore this costume
 (Kamen Rider OOO)

Erwin wore this
 ("Platinum Royale" Shugo Chara)

Wednesday, October 26, 2011

Kiss The Rain Chapter 3

Pauna: Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng story ko na ito.


Mico – Hubby ayan may bati ka na dito. Sipagan mo pag babasa ha! Hehehehe! Mag comment ka.


Kenji – Friend ayan may kapangalan ka sa tauhan ko. Hahahaha!


Ice – Salamat sa pagbasa din!


Kuya Jeffy – Salamat din sa payo. Kaw pa rin the best! Idol ko! ^_^


Vincy – Kilig ka pa din? Hehehe! Ewan ko kung kiligin ka pa din dito.


Ernes_aka_Jun, Jack, Jayfinpa, Ram, Chris, Wastedpup Cutie Pinoy Gay Guy, Darkboy13, Gerald, Slushie.Love – Guys maraming salamat po!



Guys walang song ngayon dito pero mag lalagay me ng preview kung ano maririnig ninyo sa next chapter.








Kiss The rain


Chapter 3 (Clumsy me.)


Erwin Joseph Fernandez


“Diyan ka pala nakatira” sabi ng nagmamaneho ng kotse.


Binuksan naman ng lalaki ang ilaw sa loob ng kanyang sasakyan pag lingon ko.


Laking gulat ko ng nakita ko kung sino ang nag drive ng kotse na kanina pa sumusunod sa akin.


“Argel! Ano ang naisipan mo at bakit mo ako sinindan hanggang dito?”


“I’m just assuring na makakauwi ka ng maayos.”


“Alam mo ba na sobra ang takot ko kanina? Akala ko kung kanino yung sumusunod sa aking sasakyan.”

“Kidnapper? Serial killer? Intsik na kumukuha ng bata na ginagawang vetsin? Hahaha!” Patawa niya sa akin.

“Aba malay ko ba?! Wala kami pang ransom pag na kidnap ako nuh!” tass kilay kong sabi.

“Sorry di ko na uulitin na sundan ka ng ganun.” Paumanhin niya sa akin habang kinakamot ang kanyang ulo.

“EJ pwede ka ba lumapit sandal dito sa akin?” Pakiusap niya sa akin.

Sumunod naman ako agad at dumungaw ako sa bintana ng sasakyan niya.

May inabot siyang papel sa akin.

Pagkakuha ko naman ay bigla niyang hinatak ang aking kamay na naging dahilan para pumasok ang kalahati ng katawan ko sa loob ng bintana ng kotse niya.

Wala naman siyang sinayang na pagkakataon at hinalikan niya ako sa aking pisngi.

Hinila ko naman agad ang sarili ko sa pagkabigla ko at napatulala na lang sa ginawa niya.

“Sige uwi na ako. Txt mo ako ha! Bye Ej.” Paalam niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng bigla na niya pinaharurot ang kotse niya at mabilis na nawala sa paningin ko ang kotse niya.

Ako naman ay naiwan sa harap ng bahay naming na nakatingin pa din sa malayo at hinihimas ang aking pisngi.

“Ang bilis…. Parang kotse niya…” Ang tanging nasabi ko sa aking sarili.

Nang mahimasmasan na ako ay pumasok na ako sa aming bahay.

Napansin ko naman na medyo madilim at tahimik na ang buong bahay.

“Tulog na ata sila.”

Habang paakyat naman ako ay may naaninag akong anino sa madilim na kusina namin.

Papalapit ito sa akin.

Di ko alam kung ano ang aking gagawin.

Hinihintay ko na lang kung sino o ano man ang bubulaga sa akin sa pagkakataon na iyon.

Actually naka handa ang paa ko sumipa sa pagitan ng railing ng hagdan naming kung sakali.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng Makita kung sion ang anino na iyon ng makarating siya sa parteng may liwanag.

Kapatid ko pala.

Suot ang kanyang itim na panjama at akap ang grey na teddy bear niya na weird dahil sa may pangil ito at kukong mahaba na may kunwaring dugo pa.

“Kuya nakita ko yun.” Ang matipid niyang bungad sa akin.

“Ang ano?”

“Yung manliligaw mo. Hinatid ka pa ditto sa bahay at may kiss pa.” sagot niya sa akin habang unti unti bumabakas ang isang malawak na ngiti sa labi niya.

“Hindi ko manliligaw yun.” Matigas kong sagot.

“Ahhhh! Boyfriend! Hihihi!”

Nagsalubong na lang ang aking dalawang kilay at mabilis na umakyat na lang sa aking kwarto.

Alam ko naman na wala akong panama sa pangiinis at pangungulit sa akin ng kapatid kaya di ko na ito pinatulan.

pag dating ko naman sa kwarto ko ay dumirecho na ako sa washroom at nag linis ng katawan at nag palit ng damit.

Nahiga ako sa kama at napaisip nanaman.

Bakit kaya EJ tawag sa akin ng dalawang lalaki na iyon?

Nasa ganun akong pagiisip ng tumunog ang cellphone ko.

Si Jhepeth tumatawag.

“Hello Peth.” Pag sagot ko sa kanyang tawag.

“Che, Bahay ka na? win na win nanaman ang feslabu mo the! May Donnie ka na may Argel ka pa! Uhmmmmmm! Pak na pak!” bungad niya sa akin.

“Hay naku….. Peth ayan ka nanaman.”

Napag kwentuhan naman naming ang mga nangyari sa akin kanina.

“Che, bongga ka talaga! Hinalikan ka sa pisngi? Ikaw na talaga! Well sino ba pipiliin mo sa kanilang dalawa?”

“Peth, It’s too early to make a choice. Tsaka di naman nanliligaw si Donnie.”

“So nanliligaw si Argel!?! Che akin na lang yung isa pag sinagot mo yung isa ah! Hihihi!”

“Hay naku tililing girl… hehehehe!”

“Matulog na nga tayo. Kung ano ano nanaman nasa isip mo. Good night and see you bukas.” Paalam ko sa kanya.

“Good night Che! Sweet dreams! Mwuah mwuah tsup tsup! Bukas ah!” malanding paalam niya sa akin.

Pagka baba ko naman ng tawag ng aking best friend ay may natangap akong txt.

“Good night Ej. Kita tayo sa dreams mo. – your prince.” Txt sa aking ng unknown na number.

Si Donnie ata ito. Prinsipe ko daw? Ano ako prinsesa? Nyar! Di ko feel yun ah….

“Sino po sila? Good night din.” Magalang kong pagtatanong.

Sumagot naman agad ang aking kausap sa txt.

“Argel here. Yoh!” pakilala niya sa akin.

Hala! Stalker nga itong lalaki na ito!

“Paano mo nakuha number ko? Nakakatakot ka na….”

“Sa bag tag mo. May number dun na nakalagay eh.”

“Hala ang linaw ng mata mo. Pati yun nakita mo.”

“Oo naman. Interesado ako sayo kasi eh!”

Wow! Napaka straight forward niya sumagot. Ang lakas ng loob ah!

“Hala! Sige matulog na tayo. Niaantok na ako. Good night and thank you sa kanina Argel.” Paalam ko sa kanya.

“Good night and sleep tight. Hope to see you soon again.” Huling txt niya sa akin.

Pagkabasa ko niyon ay pinikit ko na an gang aking mata at nag pahinga na para sa panibagong araw bukas.

Donnie Domingo

Dumating ako sa bahay naming na mabigat ang dinadala sa aking dib dib dahil sa nasaksihan ko kanina.

Dumirecho ako sa kusina para kumuha ng maiinom ng makasalubong ko ang aking daddy.

“oh Don, nandito ka nap ala. Bakit naka sambakol iyang mukha mo?” bungad sa akin ni daddy.

“Wala po daddy pagod lang.” Sagot ko habang nag mamano sa kanya.

“Ah sige kumain at magpahinga ka na. akyat na ako sa taas at matututlog na.”

“Opo.”

Pagkatapos ng maigsing kamustahan namin ng aking daddy ay kumuha ako sa fridge ng isang kahon ng gatas at tinunga ko ito hanggang maubos.

Iyon na ang nag silbing hapunan ko dahil saw ala akong gana at tinatamad ako kumain.

pumunta ako sa kwarto ko pagkatapos at binagsak ko ang katawan ko sa aking kama.

Iniisip kung sino ang lalaki na iyon at ano ang kinalaman niya kay EJ at bakit ganito ako?

Nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki?

Pero nagka girlfriend na ako.

Marami ang nag papahaging sa akin na bakla pero wala ako pinatulan.

Pero bakit kay EJ iba?

Nakakalito…..

Bakit?

Nasa ganoon akong pag iisip ng biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni EJ.

Naka ngiti ito ng matamis sa akin.

Hala bakit ganun? Di siya maalis sa isip ko.

Bahala na! Sige buo na desisyon ko at ayaw ko pahirapan lang sarili ko.

“Ej liligawan kita at magiging masaya tayo.” Mahinang usal ko sa sarili habang naka pikit.

Kinabukasan nagising ako na ayun pa din ang damit ko at naalalang di pala ako nakapag palit at naka tulugan ko ang aking pag iisip.

“Eto na! Mamaya makikita ko na siyaulit.” Buong pag asa kong sabi sa aking sarili.

Kenji Oya

2:12pm

Friday at nasa school na ako.

Hindi ako pumasok ng dalawang araw sa school.

Di bale wala pa naman siguro lecture at puro pakilanlan pa lang naman iyon.

Saka nandiyan naman si Ewin para matulungan ako kung sakali may makaligtaan ako. Ang sipag naman sumulat at mag take ng notes yun.

Naglalakad ako sa labas ng school ng Makita ko si Ewin sa di kalayuan.

“Ewin! Frieeeeeeeeeeeeeeeennnnnnnndddddddd!” Sigaw ko sa kanya habang patakbo ako sa lugar niya.

Napakamot na lang ng kanyang ulo ng aking kaibigan/classmate at sinalubong ako ng isang ngiti habang naglalakad.

Pagkalamit ko naman ay nilahad niya ang kanyang kamay at ginawa namin ang “special handshake” namin.

“Kenji, Kamusta?”

“Eto ok naman tinamad lang pumasok agad.”

“Sus! Anong bago?! Lagi ka naman ganyan at may hang over sa sem break.”

Nasa ganun kami pag uusap ng biglang….

“Baby Kenjiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!” ang matinis na boses mula sa likod ko.

“Welcome back to reality my friend. Ayan na kalbaryo mo.” Turo ni Ewin sa likod ko habang naka ngisi.

Pag lingon ko ay si Jhepeth ang aking nakita sa kabilang street at nag hahandang tumawid.

Napaharap ako kay Ewin ulit at nagpakita ng mukhang iiyak habang nag aantanda ng krus.

Pagkalapit na pagkalapit ni Jhepeth sa akin ay umangkla agad sa leeg ko ang kamay nito at umakap sa akin.

“Jhepeth akkkk! Anong balak mo gawin sa akin baliin leeg ko o patayin ako sa pagkakasal?” saway ko sa babaeng naka lambitin sa likod ko.

Humarap naman ako kay Jhepeth at tinignan ito. Naka ngiti ito sa akin na abot tenga.

“Baby Kenji na miss kita! Gento keleki!” sabi niya sa akin habang nag drawing sa hangin ng malaking puso gamit ang kanyang mga kamay.

“Awwwwwwwwwwww! Walang pag babago ang sweet ninyo pa din.” Humahagikgik na sabi ni Ewin sa likod ko.

“Ewin Friend di kami talo nito nuh!” mariing pag tutol ko.

“Anong hindi! Sa iyo hindi. Sa akin oo! Talo tayong dalawa.” Sabi ni Jhepeth sa akin.

“Tigil ninyo na nga iyan. Sasakit tiyan ko sa kakatawa sa inyo. Hahahaha!” sabi ni Ewin na pinag tatawanan kami ni Jhepeth.

“Lika na pasok na tayo sa loob.” Yaya ni Ewin sa aming dalawa ni Jhepeth.

Naglakad papunta sa school habang si Jhepeth naman ay kapit na kapit pa din sa aking braso na parang koala.

Si Ewin naman ay

Pumasok na kami sa loob ng school at dumirecho sa loob ng classroom namin.

Erwin Joseph Fernandez

Pagkapasok namin sa loob ng classroom ay nakita ko agad si Donnie na nasa upuan na niya.

“Uy Donnie aga natin ha!” bati ko sa kanya.

“Oo. Ayaw ko ma late kasi. Kamusta ka EJ?”

“Eto. May kasamang dalawang magulo.” Sabay turo ko kila Kenji at Jhepeth.

“Sino yung kasama ni Jhepeth? BF niya?”

“Hindi niya ako BF. Saka Kenji pangalan ko.” Patutol at pakilala ni Kenji.

Tumabi na ako kay Donnie at sila naman ay naupo na ng magkatabi.

“EJ nga pala di ko pa pala alam number mo. Baka pwede ko malaman?” medyo nahihiyang tanong sa akin ni Donnie.

“Sure. I forgot din nga na hingin sayo eh. Eto paki kopya na lang.” inabot ko sa kanya ang cellphone ko at pinakita number ko.

Agad naman niya kinopya ang number ko at tinext niya ako para makuha ko ang number niya.

3:13pm

Dumating na ang prof. namin na kala mo ay si kuya Cesar na magsalita at bago mag simula ang klase ay may sasabihin muna daw siyang isang mahalagang bagay.

“Siguro naman ay alam ninyo na nag patawag ng meeting ang dean natin ang meeting kahapon kaya wala ako?” bungad niya sa amin.

“At dahil sa dami ng mga nag enroll na freshmen sa school natin ngayon at karamihan nito ay napunta pa sa department natin ay napagpasyahan ng ating dean na mag daos ng isang party para sa pag welcome sa kanila.”

“Ang theme ng party natin ay COSPLAY ayon na din sa kagustuhan ng mga nakakabatang prof ninyo at gagawin ito sa lunes 7pm sa school grounds at wala kayong klase sa araw na iyon.”

Madami ang natuwa sa mga classmates ko at kasama na doon si Jhepeth na niyuyugyog naman kaming dalawa ni Kenji sa tuwa.

“Che, Cosplay daw! OMG! Malalabas ko na din yung loli outfit ko na pinadala sa akin ni tita from japan!!” Excited na sabi sa akin ni Jhepeth habang niyuyugyog ako.

“Yehey….” Pangagaya ni Kenji sa boses ng prof. namin.

“Peth, nahihilo ako.” Agad naman niya ako binitiwan.

“Aw! Sorry Che…”

“Wala ako susuotin. Wala naman ako hilig sa ganyan.” Sabi ko sa kanya.

“Ewin, Ako bahala na sa iyo. Meron ata sa bahay na kasya sa iyo dun na costume. Di ba kapatid ko mahilig diyan?” Si Kenji.

“Ako naman sa muk-ap! Magiging gwapo ka lalo Che!” Malanding sabi sa akin ni Jhepeth habang kumukumpas pa ang kamay.

“Sige sige kayo na bahala sa akin. May tiwala naman ako sa inyo eh.” Sabi ko sa dalawang kaibigan ko.

Paglingon ko naman ay nakita ko si Donnie na nakikinig lang sa aming pinaguusapan.

“Ikaw ano plano mo?” Tanong ko kay Donnie.

“Bahala na si batman. Baka manghiram na lang ako sa kakilala ko.” Sagot niya sa akin.

Tinawag naman ng aming prof. ang aming pansin at nag simula na ang klase namin.

9:10pm

Maayos na natapos lahat ng klase namin sa araw na iyon.

Uwian na. Nauna na sa akin sila Jhepeth at Kenji. Dahil sa pangungulit ni Jhepeth kay Kenji na sabay na daw sila umuwi at alam niya na gusto ko makausap si Donnie.

Nasa labas na kami ng school at naglalakad.

“Donnie sabay tayo umuwi ah.” Sabi ko kay Donnie na kasabay ko maglakad papunta sa plaza.

“Sige ba.” Matipid pero may ngiti niyang sagot sa akin.

“Tara sa plaza muna tayo. Mayroon gusto kasi ako itanong sayo.”

“Sige. Ano yun?”

“Sa plaza ko na lang sasabihin.”

“Ok.” Sagot niya sa akin na nakayuko.

Sa plaza.

Naupo kami sa ilalim ng isang puno na kung saan napapalibutan ang sanga nito ng mga Christmas light.

“Di pa pasko pero bakit may Christmas light ang mag puno dito.” Biglang tanong ni Donnie sa akin.

“Ewan ko sa mayor natin dito. Pero maganda naman tignan di ba?” sagot ko sa kanya habang naka tingin sa mga ilaw na iyon.

“Oo ang cute nga eh.”

Pag tingin ko sa kanya ay kita ko naman na siya ay naka tingin sa akin.

At dahil naman dun ay naramdaman ko ang pag iinit ng aking pisngi.

Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

Naalala ko na lang ang itatanong ko sa kanya.

“Uhmm. Donnie bakit EJ tinawag mo sa akin?”

“Hmmmmm bakit nga ba? Ah! Kasi ang haba ng pangalan mo saka mas bagay nick name EJ sayo. Cute pakinggan parang ikaw.” Naka ngiti niyang sagot sa akin.

“Talaga? Salamat ….” Nahihiyang sagot ko sa kanya.

“EJ May girlfriend ka ba ngayon?” tanong ni Donnie.

“Wala. Bakit?”

“Wala lang din. Gusto ko lang malaman. Parehas pala tayong single.”

“Oo nga. Nakakalungkot din maging single. Walang nagmamahal sayo. Walang nagaalaga. Ah basta malungkot.”

“Hala naging EMO ka na diyan. Uwi na tayo. Baka abutin pa tayo ng 12am niyan.” Pagaaya ni Donnie sa akin.

Agad naman siyang tumayo at nag lakad agad. Sumunod ako sa kanya pero ng paghakbang ko ay natalisod ako sa malaking ugat ng puno .

“Ahhhhhhhh! “ sigaw ko.

Tumalikod si Donnie at nasalo naman niya ako at bumagsak kami sa damuhan.

Padapa akong naka ibabaw sa kanya at magkadikit an gaming maka labi.

Nandilat ng husto ang aming mga mata sa nangyari.

Agad akong tumayo sa pwesto namin at nag pagpag ng aking damit. Ganun din ang ginawa niya.

Di ko alam pero sa sandaling pangyayari na iyon ay hingal kabayo ang aking inabot. Dinaig ko pa ata ang sumali sa isang triathlon.

Automatic naman naglakad ang mga paa ko papunta mabilis sa sakayan ng jeep at sumakay sa isa sa mga nakapila dito.

Nahabol naman ako Donnie at agad siya naka sakay sa jeep na sinakyan ko.

Umupo siya sa tabi ko at kinalabit ako.

“Sorry EJ.Di ko sinasadya.”

“No wala ka kasalanan. Tanga ko kasi di ko napansin na may naka usli na ugat ng puno doon.”

“No sorry kasi di kita nasalo ng maayos.”

“Nasalo mo nga ako may bonus pang halik eh.” Sabi ko sa aking isipan.

“Sige para wala ng sisihan yung ugat na lang ang salarin. Hehehe!” paglilihis ko ng mood at ng usapan naming dalawa.

Umandar na ang jeep at habang nasa byahe ay walang imikan.

Ako naman ay di makapag salita dahil sa nararamdaman kong hiya.

Hanggang sa makababa kami at maghihiwalay na ng sasakayan ay di pa din siya nagsasalita at gayun din ako.

“Donnie, Sige dito na ako.” Pagbasag ko sa katahimikan

“Sige ingat ka ah. Txt na lang tayo over the weekend.” Sabi niya sa akin na may nahihiyang ngiti.

“Ikaw mag ingat ka din. Paalis na yung jeep sasakay na ako.”

Nakasakay na ako ng jeep at naging mabilis ang byahe.

Wala pang 20 minutos ay nasa bahay na ako.

As usual humiga na ako sa kama ko.

Hawak ko ang labi ko at iniisip ang nangyari sa amin ni Donnie kanina.

Ibayong kilig at saya ang naramdaman ko.

Parang isang 14 yr old na batang babae akong kinikilig sa kaganapan na iyon.

Inakap ko ang aking unan at sinaklob ito sa aking mukha.

“AHHHHHHHHHHHHHHH!” sigaw ko sa unan para ilabas ang kilig na nararamdaman ko.

4:35pm Sunday

Dumating si Jhepeth sa bahay kasama si Kenji na may karay karay na malaking maleta.

“Che, Dala na namin ang mga pwede mo isuot na costume!” masayang bungad ni Jhepeth sa akin.

“Oo ang dami pinadala sa akin pinadala niyan.” Si Kenji habang hinihila papunta sa kwarto ko yung maleta na dala niya.

“Peth, Sobra naman niyan.”

“Che , ok lang iyan para makapamili tayo.”

Naka ilang pili din kami ng isusuot ko.

Hanggang sa may isuot akong isang blonde na wig na at isang costume na kulay puti na nagustuhan ko naman.

“Ayos ba? Di ba ako mukhang tanga?” paglabas ko sa washroom ng aking kwarto.

“Omg! Che!” si Jhepeth?

“Shocks! Ewin!” gulat na sabi din ni Kenji

“Bakit? May mali ba? Buong pagtataka ko na sabi sa kanila.

Itutuloy.




Sunday, October 23, 2011

Kiss The Rain Chapter 2










Pauna: Salamat sa mga sumusunod na tao. ^_^






Friend Kenji sa pag review ng Chapter ko at pag payag sa pag post ko dito. Saka Friend don't worry bigla ka na lang lilitaw diyan.






Vincy bunso (ace.vince.raven) na kinikilig daw. Vincy di ka ba naihi lang? hehehe!






Kuya Jeffy na idol ko. Salamat sa pag encouragement! Patambay muna sa blog mo din kuya ah! wala pa ako sarili eh.






Dhenxo na isa sa unang nag basa ng story ko na ito at nag bigay payo sa akin. Salamat!






Cutie Pinoy Gay Guy, Jayfinpa, Darkboy13, Gerald, Slushe.Love at Ernes_aka_jun. Maraming salamat po sa pag comment. Di ninyo alam paano ninyo ako natuwa sa mga nabasa kong comment galing sa inyo.






Again THANK YOU!!!!!







Kiss the rain



Chapter 2 (Mr. Stalker)



Erwin Joseph Fernandez






“Huh! Ano EJ DAW? HUWAAAAT?????!!!!” Gulat ko ng na realize ko kung ano yung huling sinabi niya sa akin.



Hinabol ko ng tingin ang jeep na kanyang sinasakyan.



“Malayo na…” Ang tangi kong nasabi.



Binalak ko siya txt pero naalala ko na wala pala akong number niya.






Agad akong sumakay ng jeep at naka uwi din ng maayos sa bahay.




Dumirecho naman ako sa kwarto ko pagkapasok ko sa bahay namin at nahiga sa kama ko at nagsimula na magisip habang pagulong gulong.



“Bakit EJ tinawag niya sa akin? Oo Erwin Joseph nga naman. Pero bakit sa lahat naman ng pwede niya itawag sa akin ay yun pa? Hindi kaya siya yung nasa dream ko?”



Nasa ganuon akong pag iisip ng biglang kumatok si Mama sa pinto ko.



“Win! Andyan ka na di ba? Kumain ka na sa baba. May Soup at Chicken fillets doon.” Si Mama sa likod ng pinto.



“Sige po Ma. Baba na lang po ako pag naka pag pahinga ng konti.”



“Ok nak! Pahinga na ako sa kwarto ko. Kumain ka ah!” Paalam at paalala sa akin ni Mama bago umalis sa tapat ng pinto ko.



“Opooooooooooooooooo! Good night Mama ko!” parang batang magiliw na sumagot kay mama.





Pagkatapos ng konting pagiisip at konti pang pag gulong sa kama ko ay napagpasyahan ko kumain na sa baba at naglinis na rin ng katawan bago pumanhik ulit sa aking kwarto.



Napag desisyonan ko na din na bukas ay itatanong ko na lang sa kanya kung bakit yun ang tawag niya sa akin at ang pag harap kay Jhepeth kung bakit niya kami pinag sabay ni Donnie umuwi.



Nasa ganoon akong pagiisip ng bumigat na ang talukap ng aking mga mata at nagpasya na matulog na.





Jhan Elspeth Lucena



1:00pm



Inihanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang itatanong sa akin ni Erwin.


Nasa jeep na ako papasok ng school ng makatangap ako ng txt mula sa kanya.



“Peth, Maguusap tayo pag dating sa school. May mga dapat ka sabihin sa akin.” Ang sabi ng txt niya.



Ako naman ay nag reply sa txt niya.



“Che, naman mag uusap tayo alangan mag sign language ako at may naguusap ba na walang sinasabi?” pangaasar ko sa kanya.



Agad naman siya sumagot sa akin.



“Oo na sige. Hintayin kita dito sa may batibot.” Ang huling txt niya sa akin.





1:43pm





Nasa school na ako at inabutan ko si Erwin na andun nga sa batibot at mukhang malalim ang iniisip.



Mabilis ko naman siyang nilapitan.



“Che, Good Afternoon! Ang lalim ng iniisip mo ah! Nasaan yung dulo nasa earth’s core na ba?” bungad ko sa kanya.



Tumingin naman siya sa akin at poker face lang ang nakita ko sa kanya.



“Upo. Magpaliwanag ka sa akin.” Ang sagot niya sa akin sa seryosong tono niya.





Umupo naman ako agad at nag bitaw ng isang ngisi na kinakabahan sa kanya.




“Anong balak mo kagabi at bakit bigla mo naman ako pinabayaan na umuwi mag isa kasama si Donnie?” Tanong niya sa akin habang naka taas ang isang kilay.





“Che, Di ka nag enjoy kasama siya?”




“Nag enjoy naman. Pero wag mo balik ang tanong ko.” Seryosong sagot pa din niya sa akin.




“Huh! Talaga? Di mo man lang binalita sa txt sa akin kagabi. Daya.”




“Peth, Im waiting for an answer from you.” Salubong na kilay niyang sabi sa akin.




“Ok ok ok. Che, nahalata ko na he has a thing for you.”




“Weeeeeeehhhh! Talaga? Ano proof mo?” sagot niya sa akin na may konting smirk na makikita sa labi niya.




“I saw him starring at you while kumakain tayo kagabi. Parang nag sparkle ang mata niya sa pagtingin sayo. Na parang konting udyok na lang ay tatalon na siya sa harap mo at gagahasain ka At at at at ahhhhhhhh! Shit ang hot Che!!” mahabang tugon ko sa kanya habang naka pikit at nag imagine ng nangyayari with actions pa!




“PAKKKKK!!!” isang mabilis na batok ang inabot ko kay Erwin.





“Mag tigil ka! lukaret ka! Nakakahiya ka. Baklang bakla ka. Mukha bang manggagahasa yun? Eh ang bait niya kagabi.” Natatawang dipensa niya sa akin.




“Ayihhhhhh! Ano pa nangyari kagabi?” tanong ko sa kanya habang hinihimas ang ulo ko.




Nakwento naman niya lahat ng detalye kagabi at natuwa na namangha ako sa mga nalaman ko.




“So ibig sabihin siya ang nasa dream mo na iyon? Che, Isa kang BABAYLAN!”




“Babaylan ka diyan. Ayoko muna umasa or mag lagay ng conclusion na siya nga iyon. Unless mag karoon ako ng malaking proof.” Sabi niya sa akin in a serious tone.




“Ay! Che, anong time na lika na. usap tayo ng usap may class pa tayo.” Tayo sabay aya sakanya na pumasok na kami.




Kami ay naglakad na papunta sa classroom naming ng makasalubong naming ang ibang classmates namin na palabas naman ng school.




“Psssst! Teh wait! Ano meron at bakit nag lalayasan kayo?” tanong ko sa aming nakasalubong




“Wala tayong mga professor ngayon. Nagpatawag ng departmental meeting si Dean kasi.” Paliwanag niya sa akin.




Agad naman kami nagkatinginan ni Erwin na unti unti bumakas sa kanyang mukha ang ngiting abot tenga.




“Che, Gala Tayo! Hinihintay na tayo ni mareng SM Mall!”




“Sige! Sige!” parang batang sagot niya sa akin.




“Teka kalian pa naging babae ang SM Malls?” nagtatakang tanong niya sa akin.




“Stephanie Mae Malls! HAHAHAHA! Di ba babae? Nyahahahaha!” Sagot ko sa kanya.




“Ay susme! Nonsense nanaman! Hahaha! Halika na nga umandar nanaman pagkalukaret mo.” Tumatawang habang naglalakad na sabi niya sa akin.




Pumunta naman kami sa mall at pag pasok naming at napagdesisyonan namin na magkape sa Starbucks.









Argel Joseph Francisco




Miyerkules. Wala akong pasok ngayon sa school at dahil sa wala naman ako magawa sa bahay ay gumala muna ako sa mall.



Nagikot ikot at ng mapagod ay Pumasok ako sa Starbucks at nag order ng kape.



“One Venti Crème brûlée please.” Sabi ko sa cashier at agad nag bayad.



“Two Mocha Frapp and two slices of blueberry cheesecake for Erwin!” Sabi ng barrista sa dulo ng counter.




At may lumapit na isang lalaki. Di siya katangkaran pero ang maputla niyang kutis at chinitong mata niya ay nakatawag ng aking pansin.



“Sir your change.” Sabi ng cashier na di ko naman binigyan ng pansin kaagad.



Sa halip ay sinundan ko ng tingin ang lalaki na may ngalan na Erwin.



“Sir your change?”



“Sir Sukli po ninyo.” Inis na sabi ng cashier sa akin na siya naming nagpabalik sa malay ko.



“Aw! Sorry. Thank you.” Paumanhin ko sa cashier.



Pagkakuha ko naman ng sukli ko ay naupo ako tapat halos ng table nila dahil sa yoon na lang ang available na spot sa lugar na iyon.



Sakto naman at kitang kita ko siya mula sa aking kinauupuan.



Pinilit ng babae na kainin ni Erwin yung cheesecake niya ng mabilisan habang siya naman ay nagkakanda muhalan na sa pag kain ni at pagkatapos ng ilang minuto ay nag aya na ang kasama niyang babae na umalis sila.




Jhan Elspeth Lucena





Napansin ko na may lalaking naka tingin sa akin. Weirdo ata pero infairview! GWAPO din.




Pero medyo natakot pa din ako kaya dali dali ko inaya si Erwin na gumala sa mall na lang.




Habang naglalakad naman kami ay napadaan naman kami sa isang stall na nag bebenta ng mga keyboards at may naisip akong magandang gawin.



“Boss pwede ba mag play ng isang song best friend ko? Isa lang. magaling yan!” Paalam ko sa may ari ng stall.



“Huy Che, ano ba yan! Kanina pinakain mo ako ng cheesecake ng mabilisan tapos ngayon tutugtog naman impromptu.” Pagtangi ni Erwin sa balak ko.



“Sige Mukhang magaling naman iyang kasama mo. Pwede siyang tumugtog.” Pag payag ng may ari sa amin.



“sige na Che, play na. show us your talent! Matagal na kita di rin napapakinggan tumugtog eh!” pamimilit ko sa kanya.




“sige sige. Ano pa ba magagawa ko di ba?” pag payag niya sa akin.





Agad naman siya naupo sa harap ng keyboards at tinugtog niya ang A River Flows in You ni Yurima.










Tumayo ang may ari ng stall sa tabi ko at tinanguan ako. Senyas siguro na nagustuhan niya paano tumugtog si Erwin.




Habang tumutugtog siya ay unti unti dumadami ang tao na nakapaligid sa amin.



Madami ang humahanga sapag tugtog niya.



Sa di kalayuan ay nakita ko nanaman ang lalaki na naka tingin sa amin kanina sa Starbucks at si Donnie.



Ang lalaki ay hangang hanga sa ginagawa ni Erwin.



Samantalang si Donnie naman ay bakas sa mukha niya ang pagkamangha sa nakikita at naririnig.



Ng matapos naman siya ay nag palakpakan ang mga tao.



Nagmistulang isang piano recital ang ginawa ng aking best friend sa gitna mismo ng mall.



Pag lingon ko sa lalaki at kay Donnie ay nakita ko na agad agad lumapit ang lalaki na pinagsususpetyahan ko kanina pa sa direksyon ng aking best friend.




“hep hep hep! Anog kailangan mo sa best friend ko?” Cut ko sa kanya.





“Uhm. Hi? Argel name ko. Makikipag kilala lang sana ako sa best friend mo.” Paliwanag niya sa akin.





“So siya yung tinitignan mo sa Starbucks kanina hindi ako?” Assuming na tanong ko.





“O - o - oo cute siya kasi saka ang galing niya mag play ng piano.” Nahihiyang sagot niya sa akin.





“Ay susme. One of them pala…..” bulong ko sa sarili…




“Peth, Sino yang kausap mo?” biglang sulpot sa likod ni Erwin.




“Ah si Mr. Weirdo/Stalker Este Argel. Siya dahilan kung bakit wala tayo sa Starbucks ngayon.” Paliwanag ko sa kanya.




“Hi! Im Argel. Erwin name mo di ba?” Sabi ng lalaking nasa harap ko na tinitigan ko ng matalim.




Donnie Domingo




Lalapit na sana ako kay EJ ng Makita kong kausap na siya ng isang lalake at mukhang masaya naman siya kausap ito.





Hindi ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Ayoko may iba siyang kausap na ibang lalake.





Nagseselos ba ako?



Bakit ganito?



Ilang oras pa lang naman kami nagkakakilala?



Bakit ganito ako sa kanya?



Umalis na lang ako agad sa mall na iyon at umuwi na lang.




Erwin Joseph Fernandez




May nag pakilala sa akin na lalaki at ayon sa kaibigan ko ay stalker ko daw? At siya ang dahilan bakit wala kami sa Starbucks daw ngayon.





“Hi! Im Argel Joseph Francisco. Erwin name mo di ba?” Pakilala at Pag tanong niya sa akin ng may matamis na ngiti.





“Yes. Yun nga ang name ko bakit mo alam?” Pagtataka kong sagot at tanong pabalik sa kanya.





“I overheard it kanina kasi sa counter noong pag kuha mo ng order ninyo.” Paliwanang niya sa akin.





“Ahhhh…. Ok. So?” Medyo di ko interesadong balik sa kanya.




“You played that piece great. Yaan pala talent mo. Ang galing mo.” Sabi niya.




“Salamat.” Maigsi kong tugon.




“Can I get your number? I mean can we be friends?” tanong niya sa akin.




“Huh?! Bakit?”




“I find you intresting kasi. Saka ang cute mo.” Sabi niya sa akin na naka yuko pro halata ang pamumula ng pisngi niya.




“Ah. Eh. Talaga? Salamat Ah….” Sagot ko sa kanya habang napayuko na din ako at napangiti.




Namumula na din ako sa palagay ko.





“Haller! Masarap ba mag kwentuhan sa harap at likod ko? Andito pa ako!” Biglang sabat sa amin ni Jhepeth.




“Uhm. Gusto ninyo ba ako samahan mag dinner dito my treat?” sabi ni Argel.




“Ay treat mo? Sure go kami ni Che dyan! Harmless ka naman di ba?” Parang batang excited na sagot ni Jhepeth.




“Uy! Peth, Umayos ka nga kakakilala mo pa lang sa tao di ka na nahiya.” Saway ko sa kanya.




“Sige na. I insist. Please samahan ninyo ako mag dinner.” Pag pilit niya sa akin na matching puppy face pa.





Kami ay napapayag naman kami ni Argel.




Gumala kami sa mall at panay naman ang tingin sa kanya ni Jhepeth na mistulang body guard ko kung umasta.




Pagkatpos ng walang katapusang paglakad lakad ay kumain kami sa isang Japanese fast food chain.




Habang kumakain naman kami ay doon ko naman nakilala ng mas lubos si Argel. Sa isang malapit na university sa school namin siya nag aaral at sakto naman wala siya pasok at wala magawa daw sa bahay nila kaya nagala siya sa mall at full name niya ay Argel Joseph Francisco saka nasabi ko na din full name naming dalawa sa kanya..




Di mo rin pala iisipin na mag kakagusto siya sa isang kagaya ko. Nasa 5’10 ang taas niya at morenong balat. May pagkasingkit ang mata at ayos manamit.




Nasa ganoon akong pag eestima ng biglang nagsalita si Jhepeth.




“Che, Nga pala nakita ko si Papa Donnie sa crowd kanina habang tumutugtog ka. Manghang mangha ang mukha. Heheheh!” sabi niya sakin habang nilalaro ang tempura ng chopsticks niya.




“Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi? Di ba hinahanp ko yung tao? Nasaan siya ngayon?”




“Kasi busy ka kausap si Argel eh! Malay ko di ko nakita kung saan nag punta.” si Jhepeth





Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi sa akin ni Jhepeth..




“Are you ok EJ?” pag pansin niya sa akin.




“I’m ok. Did you just said EJ?” sagot at tanong ko sa kanya sa kunot ko na noo.





Napatingin na lang sa akin si Jhepeth sa kanyang narinig.





“Yes. Why? May nasabi ba akong masama?” Nagtatakang sagot sa akin ni Argel




“Wala. Pangalawa kang tao tumawag sa akin ng EJ kasi.” Paliwanag ko.





“Whew! Kala ko may nasabi na akong masama. EJ may kanin ka sa pisngi.” Ngiting sagot niya sa akin.





Kinuha niya ang kanin sa pisngi gamit ang kanyang daliri at imbis na itapon ang isang butyl ng kanin na iyon ay isinubo niya ang daliri niya at kinain iyon.




“Masarap pala pag galing sa pisngi mo at mas matamis.” Sabi niya sa akin sa mapangakit na tono.




“aaaaaaaayyyyyyyeeeeeeeeeehhhhhhhhhhh!” matinis na tili ni Jhepeth sa kanyang nasaksihan.




Dahil naman sa ginawa ni Jhepeth ay nagtinginan sa direksyon lahat ng tao sa lugar na iyon.




Bigla naman kami umayos ni Argel ng pagkakaupo at kulang na lang ay madasal kami na lumubog na lang kami sa flooring ng mall na iyon.




“May ipis!” Sabi ni Jhepeth sa mga taong nakatingin. Sabay ngisi at peace sign.




Tumayo naman kami halos saby ni Argel at nagtanguan. Nauna ako lumabas ng pinto ng fast food chain na iyon at sumunod naman siya. Si Jhepeth ay naiwan sa loob at mabilis naman din humabol sa amin.




“Bakit ka tumili Peth? Sira talaga ikaw.” Inis kong baling sa aking best friend.




“Can’t help it. Kakakilig kayong dalawa eh. Di ba Papa Argel.” Sagot niya sa akin na nakayuko at nilalaro ang mga daliri niya.




“Yaan mo na EJ. Wala naman masama nangyari eh.” Sabat ni argel.




Buntong hininga na lang ang sinagot ko sa kanila.









8:30pm




Nag aya na ako umuwi at nag insist nanaman si Argel na ihatid kami. Pero this time ay hindi na kami pumayag talaga.




Sumakay na kami ng jeep pauwi at hindi ko pa din kinakausap si Jhepeth dahil nga sa inis sa ginawa niya kanina.




“Che, Sorry na…” pag hingi ng tawad sa akin ni Jhepeth.





“Uy Che, Please Sorry na… babawi ako sa iyo.” Pangungulit niya pa din.





“Oo. Sige na pinatatawad na kita. Bumawi ka ha!” sagot ko sa kanya na may matipid na ngiti.




Sumenyas naman siya na gusto niya ng isang akap.





Binigay ko naman sa kanya ang gusto niya. Inakap ko siya at medyo sinadya ko na higpitan ng konti ng makaganti ako. Hehehe!




Humagikgik naman ako habang inaakap ko si Jhepeth at maya maya ay sumesenyas na siya sa akin na di raw siya maka hinga sa pag akap ko sa kanya.




Ng bumitaw naman ako ay nagtawanan na lang kami.




Tinitignan naman kami ng dalawang babae sa kabilang dulo ng jeep.




“Miss swerte mo naman sa napiling BF mo. Gwapo na sweet pa.” sabi ng isang babae.




Nagkatinginan na lang kami ni Jhepeth sa sinabi sa kanya ng babae at lalo kami nagtawanan.




Bumaba na kami sa jeep at nagpasya na maghiwalay na ng sakay na jeep dahil sa magkabilang direksyon ang bahay namin.




Nakasakay at nakarating na ako sa lugar malapit sa amin.




“Ay walang mga pedicab? No choice walk walk walk.” Sabi ko sa sarili.




Naglalakad ako papunta sa amin ng mapansin ko na may kotse sa likod ko na bumubuntot sa akin.




Medyo kinabahan ako dahil sa medyo madilim ang daan at baka kidnapper ang sakay niyon.





“Wala pang ransom sa akin si mama…” sa loob loob ko.





Binilisan ko ang pag lalakad at napansin ko na pundido ang 3 susunod na lamp post na dadaanan ko.




“Jusmiyo. Bakit ngayon ka pa napundi? Madilim paano ito.” Bulong ko.





Halos patakbo na ang ginawa kong paglakad maka iwas lang sa nakabuntot sa akin.




Nakarating naman ako sa tapat ng bahay namin ng maayos at hinihingal sa kaba.




Papasok n asana ako ng bahay ng biglang tumigil ang sasakyan na iyon sa harap ng bahay naming at nagsalita ang taong lulan nito.




“Diyan ka pala nakatira” sabi ng nagmamaneho ng kotse.




Itutuloy.



P.S.



Guys sorry kung medyo magulo post ko.



kanina pa ako naasar bakit ganun ang pag post sa blogger.